Chapter 2 - The story behind the Zodiac

The 12 Zodiacs
Chapter 2
LUHAN
        Ito na naman ang mga babaeng ito, hindi na nagsitigil! Buti na lang at hindi ako ang nilalapitan nila eh, kung hindi ay hindi ko mapipigilan ang sarili kong saktan sila. Brutal na kung brutal pero ganito ako. Madalas nga lang ma-bully ng mga pinsan ko dahil sa sobrang yabang ko daw. Wala naman akong ginagawa. Isa pa sa lahat ng Zodiac, ako ang pinakamahina at kakaiba. Hindi ko kasi kayang kontrolin ang sarili kong kapangyarihan.
        Ang Zodiac Animals kasi samin ay ang cat, rat, ox, tiger, rabbit, sheep, dragon, pig ,dog, rooster, snake, monkey at horse tapos ang mga kapangyarihan naman namin ay Time control, Teleportation, Fire, lightning, Flames, Froze, Wind, Water, Earth, healing, Flames at ako ang ‘Telekinesis.
                Sa dami ng mga kapangyarihan na taglay namin ay pati ako nalilito pero sa una lang naman iyon. May iba iba kaming kakayahan at kakaibang mga katangiang indibidwal. Kaya kong palapitin ang mga bagay sa akin pero dahil nga hindi ko makontrol ang sarili kong kapangyarihan ay hindi pa nakakalapit sakin mahuhulog, titilapon o kung anu ano pa ang mangyayare dito.
        Kaya madalas akong ma-bully ng mga pinsan ko dahil hindi ko kayang iligtas ang sarili ko, lagi na lang akong nililigtas ni Kai which is ang wind pero never kami nagkasundo ng dalawang yan. Bakit? May kwento kasi yan, ang Zodiac ko ay Cat tapos siya naman ang Rat. Ayon sa Chinese Zodiac nagpatawag ang diyos ng isang pagtitipon na gaganapin kinabukasan pero sabi ng daga sa pusa ay sa susunod na araw pa raw iyon.
        Noong sumunod na araw, habang ang lahat ay nakapila sa pagtitipon hindi naman nakadalo ang pusa na prenteng nakahiga at natutulog. Iniintay ang pagtitipon na hindi na mangyayare pa. Dati daw matalik na magkaibigan ang daga at pusa kaya lang dahil diyan hindi na ito nagkasundo pa. Tulad namin ni Kai, hindi na kami nagkasundo dahil na rin dun. Wala din naman akong pakialam kung wala siyang pakialam sakin dahil wala rin akong pakialam. Ang gulo ko na!
        Naupo na ako sa mesa ko. Nakita ko na naman siya, ang babaeng gustong gusto kong lapitan pero hindi ko magawa. Una, dahil nahihiya ako and lastly dahil ayoko. Weird right? Ganyan tayo eh. Gusto ko sanang tignan yung sinusulat niya pero wag na lang. Baka mahuli pa niya ako, mas nakakahiya.
        Dumating na yung teacher namin at nag-klase. Kahit ano talagang gawin ko wala eh, kahit makinig ako wala parin akong maintindihan. Normal naman sa mga estudyante ang nakararamdam ng ganito pero hindi naman sa lahat ng oras. Minsan naman ay nagkaka-interes ako sa kung anong pinag-aaralan.
 Nang mag-bell ay nagsilabasan na kami. Tatambay na lang ako sa likod ng school dahil malamig at tahimik, walang mga maingay at nakakairitang boses tulad ng mga babae sa labas palang ng room namin.
        “Alam niyo, naiinis ako sa mga taong lumalapit kay Kai,” rinig kong may nag-uusap sa hindi kalayuan. Pero hindi ako pwedeng magkamali, si Ellaine iyon. Mas gusto ko ang pangalan niyang iyon kaysa sa Tricia.
        “Bakit naman?" Tanong nung weird niyang kaibigan. Kahit sino naman yan agad ang ide-describe sa kaibigan ni Ellaine na iyan. Nakakatakot nga minsan kapag titignan ka niya eh. Tumalon ako pababa sa puno ng hindi nila namamalayan. Nasa bandang tuktok kasi ako ng malaking puno. Pwedeng pagpahingahan sa ilalim dahil natatakpan nito ang mainit na sinag ng araw.
        Isa sa mga kapangyarihang magkakapareho kami ay ang liksi, hindi tulad nila ako ang pinakamabagal sa kanila. Oo na! Ako kasi ang pinakamahina kaya sorry naman kung dini-degrade ko pa ang sarili ko. Hindi ko naman kasi nature ang magmalaki lalo na kung wala naman akong ipagmamalaki sa una palang.
        “Alam kong naiirita si Kai sa kanila.” Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nag-aalala siya sa pinsan ko. Yun palang alam ko nang may pagtingin siya sa pinsan kong iyon. Sino nga ba naman ang hindi mahuhulog kay Kai hindi ba? Halos lahat ng magandang katangian matatawag mo na sa kanya kaya hindi na ako magtataka pa kung bakit siya magkakagusto dun.
        Nahiga lang ako sa isang sanga at tinignan ang langit. Kita ko ang mga bituin, hindi tulad ng simpleng tao. Kahit gaano kalinaw ang langit ay malinaw kong nakikita kung saan nakapwesto ang mga bituin. Bumubuo ang mga ulap ng hugis puso at alam kong isa lang ang ibig sabihin noon para sa akin. May taong minamahal ang mahal ko. Napabuntong hininga ako at sinilip sila. Muntik pa akong atakihin dahil nakita kong nakahiga na si Ellaine sa tapat ng sinisilipan ko ngayon. Akala ko makikita niya ako. Buti at nakapikit siya at mukhang natutulog, Ang sarap pagmasdan ng maamo niyang mukha.
        “Hoi Ellaine…” Napadilat siya at agad naman akong nagtago sa puno. Alam kong nakita niya ako. Dapat pala hindi ko na lang sila tinignan ulit. Anong gagawin ko?
        “Hala? Teka, may tao sa puno,” sabi ni Ellaine. Bigla naman akong nakaramdam ng matinding kaba sa dibdib. Hindi ko kasi alam kung paano i-handle ang ganitong mga bagay.
        “Teka, wag kang umakyat diyan baka mahulog ka,” saway ng kaibigan niya, hala? Alam kong pagtumalon ako makikita niya ako. Kailangan kong makaisip ng paraan, wala akong oras para kabahan at alalahanin ang kaba na nararamdaman ko.
        “Gusto ko lang makita ang taong nasa taas, hoi! Nakita na kita bumaba ka diyan,” tawag niya sakin pero syempre hindi ako nagpakita, natatakot ako. Nagtago ako sa isang malaking sanga at naramdaman kong nasa likod ko lang siya. Bale, nasa kabilang side siya nang sanga na pinagtataguan ko. Paakyat na siya ng pakyat. May kataasan pa naman ang punong ito.
        “Hoi Ellaine! Okay ka lang ba?” Kita ko na siya mula dito at patuloy sa pag akyat, wala na siyang tutungtungan. Buti at naka PE siya kung hindi makikitaan siya. Bakit napaka-careless ng taong ito?
        “Teka! Gusto ko lang makita yung taong yun,” sabi niya, bakit ba ang tigas ng ulo niya? “Ahh!” Sigaw niya. Namali siya ng apak sa sanga dahilan upang mahulog siya, tsk!
        Kaya ito ako ngayon sinalo siya, I mean hinawakan ang kamay niya para hindi siya bumagsak sa lupa. Ang gaan niya na kahit isang kamay ay nahawakan ko siya. Buti medyo madilim at hindi niya kita ang mukha ko.Pilit ko ring tinatago ang mukha ko para hindi niya ako makita. Unti unti ko siyang binaba gamit ang kamay ko pero pagkababa niya ayaw na niyang bitawan, Paano kung makita niya ako?
        “Pwede ko bang makita ang mukha mo?” Tanong niya, hinila ko na ang kamay ko at tumakbo paakyat, tumalon sa kabilang puno para hindi ako mapansin. Pasensya na Ellaine pero ayokong matakot siya sakin, kapag ginagamit ko ang kapangyarihan ko ay nagiging hayop ako. Nagiging isang Pusa ang mukha ko, dahil nga cat ang Zodiac ko. Baka layuan niya lang ang isang tulad ko.
        “May nangyare ba?” Tanong ni Kai pagkarating na pagkarating ko sa room namin kasabay noon ang pagtingin sakin pero hindi ko siya pinansin. “,alam mong bawal ipakita ang anyo mo,” paalala niya.
        “Alam ko, hindi niya ako nakita at hindi ko sinasadyang hawakan siya,” sabi ko at umalis na, uuwi na ako kahit hindi pa tapos ang klase. Wala namang may pakialam kung pumasok ako o hindi eh pero may isang tao lang ang magagalit sakin panigurado.
        Ako, si Kai at si kuya Sehun lang ang magkakasama sa isang bahay. Minsan dinadalaw kami ng mga pinsan ko at palagi akong binubugbog pero wala naman sakin yun. Sa taon ba naman nilang ginagawa sakin yun ay nasanay na ako at kung minsan ay hinahanap hanap ko pa.
        May isang misyon lang naman kami ni Kai kaya kami nag-aaral sa paaralang ito. Ang babaeng itinakda, miski ang babaeng iyon ay hindi alam ang tungkol sa kapangyarihang meron siya pero isa isa na lang itong lalabas sa tamang panahon.
        Kapag lalapit ang isa samin sa ibang tao at niyakap o hinawakan sila hindi namin mapipigilan ang sarili namin para magpalit ng anyo lalo na kung kasalungat sila ng aming kasarian. Siya ang kailangan ng pamilya namin para tulungan kami. Kapag siya ang niyakap namin ay hindi kami magpapalit ng anyo. Kaming mga Zodiac ay kalaban ng mga Witch at Wizards. Kapag nalaman ng witches at wizards na siya ang makakapaslang sa kanila ay uunahan na nila ito at papatayin.
        Sa aming lahat, siya ang pinakamakapangyarihan. Siya lang ang makakapatay ng kahit anong uri ng salamangkero. Kahit kaming mga zodiacs ay kaya niyang patayin lahat.
*
        Dumaan ako sa bakod at tumalon. Kahit ganun gusto ko muna mapalapit ako sa kanya, kay Ellaine. Pero wala namang akong ibang paraan na maisip para mapalapit siya samin, paano ba naman kasi nauunahan ako lagi ng takot at kaba sa tuwing lalapit sa kanya.
Paano kung ayaw niya rin sakin gaya nung ibang estudyante na kulang na lang ay paalisin ako sa school namin? Na para bang isang hangin lang ako at dinadaan daanan lang kahit kasama ko ang pinsan kong sobrang sikat.
Isa pa masasaktan ko lang naman siya kaya lumalayo ako. Ayokong mapahamak siya ng dahil sa gulong ito, kaya kong itaya ang nararamdaman ko para lang sa pamilya ko…kahit na sinasaktan nila ako. Pagdating ko sa bahay…isang lumilipad na bagay ang tumama sa ulo ko. Alam na kung ano yun…
        “Aray, ano ba!!?” Sigaw ko sa taong naghagis ng lamesa sa ulo ko. Magkakapasa na naman ako nito eh, kaasar talaga yung lalaking ‘yun!
        “Anong ginagawa mo dito, oras ng klase ngayon,” sermon ni Kuya Sehun. Sa utak ko lang siya tinatawag na kuya dahil baka sabihin nilang bumabait na ako. Lalaki pa ang ulo niya at tiyak na madadagdagan na naman ang pang-aasar nila sakin.
        “Ano bang pakialam mo, ha?” Sigaw ko din sa kanya. Nakita ko namang may kinuha naman siyang kung anong bagay kaya umiwas na ako agad. Ngayon naman ay ang pinto ang sinira niya at pinukol sakin, ako na naman ang magpapalit niyan panigurado.
        “Huwag mo nga ihagis yan! Sana ikaw ang gumagawa eh pero hindi,” angal ko at pumunta sa garden ko. Every season nagtatanim ako ng hindi nila alam. Ang alam nila ayoko ng halaman pero sa totoo lang dito marami akong inaalagaan. Nasa gubat siya kaya medyo tago. Ang alam kasi nila nakikipaglaban ako sa mga Bears sa gubat kaya ako nagagawi dito. Isa ‘yun sa uri ng pag-eensayo ko.
        “Malapit na pala itong tumubo,” sabay hawak sa bulaklak ng pinya at strawberry. Pagkatapos ng ginagawa ko ay bumalik na ako. Nakarating na din si Kai na kumakain ng noodles habang nanonood ng TV.
        “Alam mo bang hinahanap ka ni Ellaine?” Pang-aasar niya sakin. Binato ko siya ng upuan sa ulo kaya naibuga niya ang noodles na kinakain niya.
        “Huwag mo akong inaasar!!!” Sigaw ko sa kanya. Madalas niya yang sabihin sakin pero hindi ako naniniwala sa kanya. Alam naman niyang gusto ko si Ellaine kaya inaasar ako. Narinig ko lang ang pagtawa ni Kuya Sehun kay Kai pero hindi ko na masyadon pinansin.
        Pumasok na lang ako sa kwarto ko at hinayaan sila. Kahit kelan talaga pinapainit nila ang ulo ko. Hilig nila akong asarin at kung minsan naman pinapahiya nila ako. Parang hindi nila ako kaanu-ano kung tratuhin nila. Sabagay, isa lang naman akong walang alam na at walang silbing zodiac, tss. Sana naman magkaroon ng mabait sa pamamahay na ito.
 
 
       [A/N] Editing din po ang story na ito so wag muna masyado pansinin ang mga typos and wrong grammars, okie?
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet