Chapter 4 - Mean Luhan

The 12 Zodiacs
Chapter 4
ELLAINE
        “Hello world, Good Morning!” Bati ni Kuya Sehun sakin kaya bumati rin ako pabalik. Nakasuot na ako ng uniporme namin at handa na akong umalis. Ngayon ko lang napansin na para akong nasa mansyon dahil sa laki ng bahay nila. Ngayon ko lang kasi nagpagtuunan masyado ng pansin. Madaming ilaw sa kisame pero patay lahat dahil may sinag ng araw na tumatagos sa mga bintanang gawa sa salamin.
Napansin kong ako na lang ang hinihintay nila at hindi pa ako nagaalmusal. Nakaupo silang tatlo sa isang mahabang mesa ngunit kalahati lang ang may laman na pagkain. Halos singhaba ito ng tatlong lamesa.
        “Good morning Ellaine, tara kain ka na,” aya sakin ni Kai, sa tabi ako ni Kai umupo dahil nakakatakot ang aura ni Luhan ngayon. Hindi lang naman pala ngayon, lagi na lang ganito ang aura niya. Pero kung sa ibang tao ay gustong lumayo sa kanya? Ako naman nacurious ako kung bakit ganun na lang siya umasta sa ibang tao. Hindi ba niya alam yung salitang enjoy? Bata pa siya pero parang ang dami niyang problemang pasan.
        Kumain kami ng almusal sabay sabay, at tulad ng sabi nila sabay sabay din kaming papasok. Kinakabahan na ako sa pwedeng mangyare. Baka mamaya atakihin ako ng mga linta at kung anu ano na agad ang sabihin sakin porket kasama ko ang Prince kuno nila.
        “Hoi kayong dalawa,” sabi ni Kuya Sehun sabay turo kina Kai at Luhan. Tumingin naman si Kai sa kanya at huminto lang si Luhan sa paglalakad.“,alagaan niyo ‘tong si Ellaine ah, alam kong marami kayong fans na babae,” paalala ni Kuya Sehun sa kanilang dalawa.
        “Oo naman kuya,” sabi ni Kai sabay gulo ng buhok ko, bigla namang lumabas si Luhan ng padabog. Nagulat ako pero nauna na siyang lumabas kaysa samin.
        “Ikaw naman kasi Kai, hinay hinay lang,” sabi ni Kuya Sehun. Ano bang pinagsasabi niya? Naguguluhan na talaga ako, parang may kakaiba talaga sa kinikilos nila eh. Pero nakakatakot si Luhan kanina. Mas creepy pa siya kesa sa mga mababangis na hayop eh. Parang kahit anong oras manlalapa na lang bigla.
        “I know, I know,” sabi ni Kai habang naiiling ng bahagya.
        “Bilisan niyo naman, malate pa ako niyan eh,” sigaw ni Luhan mula sa labas, ang sungit niya talaga. Nakakatakot. Kinikilabutan tuloy ako sa kanya.
        “Sige kuya Sehun, mauna na kami,” paalam ni Kai. “,tara na?” Sabay tingin sakin at inalok ang kamay niya. Yung parang inaaya kang sumayaw? Ganun!
        “Hmm,” tumangu tango naman ako, kinuha ko yung kamay niya at tumingin kay Kuya Sehun. “,mauna na po kami Kuya Sehun,” paalam ko sabay wave ng kamay ko.
        “Sige, mag-ingat ka ah?” Lumabas na kami at nagsimulang maglakad, nag-wave ako ng kamay ko paalis. Habang naglalakad ang tahimik lang namin. Nakakatakot parin yung aura ni Luhan, parang maya maya lang mangangain na siya ng tao. Iniiwasan ko tuloy na mapalapit sa kanya kahit isang haba lang ng ruler.
        “Tara na Ellaine, sabay sabay na tayo sa room natin?” Tanong ni Kai, magkakaklase nga kasi kami, right? Kaya sama sama kaming nagtungo sa room namin. Napatingin sakin si Kai na kanina ay nakatingin lang din sa daan. Ramdam ko din na nakatingin samin si Luhan.
        Ayoko tumingin kay Luhan baka kapag tumingin ako sa kanya makasalubong ko yung nag aapoy niyang mata, nakakatakot. Ang cold kasi ng mata niya tapos ang itim ng aura niya.
        “Kaklase pala kita? Hindi ko alam,” sabi ni Luhan na ikinasimangot ko naman. Feeling ko nawala ako sa mood ngayong araw, hindi niya alam na magkaklase kami. Ganito ba talaga siya? Parang mas masaya pa kung tinitignan ko na lang siya mula sa malayo kaysa naman nakakausap ko siya at ganito ang mga sinasabi  sakin.
        “Haha, wala ka talagang kwenta Luhan,” sabi ni Kai sabay lagay ng kamay sa bulsa ng pantalon niya. Tinignan ni Luhan ng masama si Kai dahil sa sinabi niya, ayan na naman, parang may lazer beam na lumalabas sa mata niya.
        “Manahimik ka diyan!” Sigaw ni Luhan na may halong pagbabanta. Nag-shrug lang ng balikat si Kai at pinagpatuloy ang paglalakad, sa susunod hihiramin ko yung bike ni Lolo. Para kasing ayoko silang makasabay araw araw at araw araw din makatanggap ng mainit na tingin. Yung nakamamatay.
        Pagdating namin ay nagsitilian na naman yung babae pero yung iba tinitignan ako, nasa gitna pa kasi ako ni Kai at Luhan habang naglalakad. Ngayon ko lang napansin, si Kai kasi dinadaldal ako kanina tapos nagkainitan silang dalawa kaya pumagitna ako? Hala! Patay, mga killer eyes ng mga fans nila! Anong gagawin ko ngayon?
        “Bakit kasama niya sina Prince Kai?”
        “Hala ka! Baka kung anong gayuma na ang ginawa niya…”
        “Tama! Balita ko mangkukulam yung Best Friend niya.”
        “Sino ang mangkukulam?” Tanong ni Tricia. Sige lang Tricia ipagtanggol mo si Makino, mga walang modo ang mga babaeng ‘yan. Ayoko sa lahat ang sinasabihan ng kung anu ano ang mga kaibigan ko eh. Napayuko na lang sila ng makita si Tricia. Isa pa itong babaeng ito na nakakatakot lalo na kapag galit eh. Magaling pa naman yang mangarate at kaya niyang ipasalvage ang sino mang manlalait sa kaibigan niya. Joke lang syempre yung salvage part *pout*
        “Tara na sa loob?” Tanong ni Kai, si Luhan dere-deretso siyang pumasok sa loob at para bang walang pakialam sa mundo.
        “Oo. Salamat Kai ah,” Sabi ko sa kanya. Ang bait bait niya, no wonder ang daming nagkakagusto sa kanya, bakit kasi hindi siya kasing bait ni Luhan.
        “Walang anuman, pagpasensyahan mo na yung mga babae kanina ah? Wag ka mag-alala ako bahala magsabi sa kanila. Magkaibigan naman tayo diba?” Tanong niya, tumango na lang at nagpaalam na siya, naupo naman ako malapit sa likod ni Luhan..
        Doon naman kasi talaga ako nakaupo though minsan hinihila ako nina Tricia at Makino malapit sa kanila. Mas komportable kasi kapag nasa likod ako. Si Kai naman ay medyo nasa harap na harap.
        “Ellaine!!!!” Tawag ni este Sigaw ni Tricia sakin, ang ingay niya. Siya lang ang maingay ngayon sa section namin at tiyak tatanungin na naman niya ako. Ang gandang impluwensya noh?
        “Hello, Good Morning Ellaine!” Buti pa si Makino ang tino ng pambungad sakin ngayong umaga. Naalala ko na naman yung kanina, kakalimutan ko na nga lang ang pagkabadtrip ko.
        “Good Morning Makino!!!” Masayang bati ko sa kanya, si Tricia naman hinila na naman ako sa dulo ng classroom para sa interrogation.
        “So, care to explain?” tanong ni Tricia. Inilapit pa nga niya ang mukha niya sakin para tanungin ako.
        “Explain what?” Maangmaangan ko sa kaniya. Ayoko muna mag-assume sa kung anong gusto niyang malaman.
        “Come on Ellaine, bakit mo sila kasabay?” Tanong niya ulit sakin.
        “Well, mamaya ko na lang ikwento.” Nagpout naman siya dahil sa sinabi ko.
        “Ngayon na, wala pa namang teacher,” pagpupumilit niya. Tahimik lang si Makino na nakikinig sa pwede kong sabihin.
        “Basta! Kesa naman mabitin kayo?”
        “Sige na nga...” Medyo nag pout pa niyang sagot sakin. Kahit kelan ang isip bata ng kaibigan kong ‘to. Sarap hilahin ng labi eh.
        “Good Morning Class,” bati ng aming guro, nagsitayo naman kami at binati rin ang guro. Sa ekspresyon niya alam ko na may party party na magaganap sa room namin.
        “Today is Halfday,” bungad niya pagka upo na pagkaupo sa harap.
        “Yoohhhohooooooooo…” sigawan ng mga kaklase ko. Sabi na nga ba eh. Bigla naman silang binigyan ng isang matalim na tingin ng aming president. Edi ayan natahimik kayo. Nagbigay ng death glare si Tricia kaya natahimik lahat pero kung alam ko lang mamaya yan mag iingay na naman sila.
        “As I was saying halfday today, pinaguusapan ng council ang tungkol sa upcoming program natin so Miss SSG President kailangan nandun ka,” sabi niya. Tumango naman si Tricia sa kanya.
Program? Every month naman ata may program, kulang na lang gawin nilang linggo linggo. Ang theme ng program? Culinary, ibig sabihin bawat section ay … magluluto. Yehey !!~ That’s one of my specialty, yipeeeee! By the way papunta na kami ni Makino sa Canteen at wala si Tricia dahil nga pinatawag siya.
        Mukhang hindi naman interesado si Makino tungkol sa kung bakit kasabay ko silang pumasok and I can see na may clue na siya kung bakit. Wag na kayong magtataka.
        “So anong lulutuin natin?” Tanong ko, kailangan kasing maghanap ng mga kagrupo para yung grupo na yun may iluluto at irepresent sa mismong program.
        “Hindi ko pa alam,” napa-pout naman ako sa sagot niya, buong High School year ang sasali sa program at I’m sure kasama sina Kai dun.
        3rd year na si Kai at ganun din naman ako kaya tatanungin ko siya kung may naisip na sila, kailangan ko lang ng Idea. Nakita ko naman siya na kakapasok lang sa loob ng canteen and as ussual pinagtitinginan na naman siya, hindi nagtagal pumasok na si Luhan.
        “Kai…” Mahinang tawag ko sa kanya, hinanap pa nga niya kung sino yung tumawag sa kanya kaya tinaasan ko siya ng kamay.
        “Ellaine ikaw pal,” sabi niya tiyaka ngumiti sakin ng napakalapad, ganyan naman yan kahit kanino kaya hindi nakapagtataka marami ang nahuhumaling sa kanya. Ang ganda ng ngiti niya, parang kumikinang ang mukha niya kapag ngingiti lang siya. Nakakalaglag !
        “OMG! Siya na naman?”
        “Napaka-attention seeker niya.”
        “Haist! Malandi!”
        “Kayo lang naman ang pumapansin sa kanya kaya wag niyo siyang tawaging attention seeker, wag niyong pansinin edi walang gulo,” sabi ni Tricia. Hindi pa ba ako lulubayan ng mga babaeng yun? Hindi ko naman aagawin sa kanila si Kai kaya wala silang dapat ipagalala.
        “Tricia nandito ka na pala,” sabi ko.
        “Ah oo katatapos lang nung meeting, pwede makiupo?” Tanong niya, nakaupo na din kasi dito si Kai sa tabi ko.
        “Sure!!” Sagot namin, alam kong kating kati na siyang magtanong kaya naman nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
        “So what’s with the set up a while ago?” Tanong niya, nung una nagtataka ako. Anong set up? Tapos narinig kong napatawa si Kai dahil katabi ko lang siya.
        “She’s living with us,” sagot ni Kai kaya naman napanganga sila I mean si Tricia lang pala, sino ba naman hindi magtataka dun. Ako? Si Kai? Nakatira sa iisang bubong? Parang ang bilis nga naman ng pangyayare saming lahat nina Kai at Luhan.
                Dati tinitignan ko lang sila mula sa malayo hanggang sa makaupo sila pero ngayon lagi ko na silang nakikita buong araw. Simula pagkagising hanggang sa bago matulog.
        “You’ve got to be kidding us!!!” Hindi naman siya grabe kung maka-react noh? Pero hindi ko naman siya masisisi kung sakali. Yun nga lang ang daming nakatingin samin, una dahil kasama namin si Kai at pangalawa ang lakas ng boses ni Tricia.
        “Seriously? Hindi nga?” Tanong niya ulit, nginitian lang siya ni Kai sabay tango, napatakip siya sa bibig niya. Ano namang iniisip niya?
        “Don’t tell me, nag-live in na kayo?” Buti na lang napatingin ako sa gilid ko kung hindi nabugahan ko na si Tricia sa mukha. WTH!!! Sabi na nga ba at ganito ang iniisip niya eh. Masyado naman kasi siyang advance kung makapag-isip.
        “Okay ka lang, ito oh gamitin mo muna yung panyo ko,” sabay abot ni Kai ng panyo niya sakin, hindi na pala inabot dahil siya na nagpunas. Naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa pisngi ko. Kailangan pa ba talaga niyang gawin yun? Nakakahiya!
        “Naku! Hindi na kailangan, baka madumihan pa yang panyo mo,” sabi ko pero hindi parin siya tumigil. Ang daming masasama at pangit na mata ang nakatingin sakin. Sabi nga nila, kung nakamamatay ang tingin kanina pa ako nakabulagta sa sahig ngayon.
        “It’s okay, hindi ko na naman nagagamit yan eh,” sabi niya, kinuha ko na lang yun at ako na ang nagpunas, ang awkward kaya.
        “What the hell!!!” Sa hindi kalayuan ay nakarinig kami ng sigaw kaya napatingin kami sa taong yun, si Luhan. Tapos yung lalaki natapunan ata yung damit ni Luhan, panay naman ang paghingi niya ng tawad kay Luhan.
        “Naku! Sorry po, hindi ko po kasi nakita,” pagmamakaawa nito. Ang sama na kasi ng tingin ni Luhan sa kanya at kinwelyuhan pa niya ito. Napatayo na lang ako, si Kai wala atang balak awatin yung pinsan niya. Baka mapaaway pa si Luhan at pwede rin siyang ma-suspend dahil sa pananapak.
        “Tama na yan Luhan,” awat ko sa kanya. Pagtingin niya sakin parang gusto kong bumalik na lang ako sa upuan at huwag na siya pansinin. Tinignan niya din ako ng matalim. Pero hindi, kawawa naman baka kung mapano pa yung lalaki. Hinatak niya yung kamay niya mula sa pagkakahawak niya at umalis sa canteen, tinignan ko naman yung lalaki.
        “Naku! Sorry ah, baka may saltik na yung lalaking yun eh,” Sabi ko na lang. Minsan gusto ko na rin patigilin ang bunganga ko sa madalas kong masabi sa iba. Baka mamaya maniwala siya na may saltik nga si Luhan.
        “Okay lang yun noh, sanay na ko,” sabi niya habang pinupulot yung nahulog na cap kanina, may natawa naman sa likod ko at pagtingin ko si Kai lang pala.
        “Bakit hindi mo naman pinigilan si Luhan kanina?” Pagalit na tanong ko sa kanya pero parang wala lang sa kanya yun, nag-shrug siya bago sumagot.
        “Malaki na siya, alam na niya ang tama sa mali,” komento nito. Tama siya pero parang hindi niya parin alam ang tama eh. Hay naku Luhan! Ang hirap mong basahin.
        “Sundan mo,” nagulat ako sa sinabi niya, ha? Ako? Bakit ko naman gagawin yun? “,ikaw lang ang makakapagpahinahon sa kanya,” literal na nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko na lang yung gusto niyang gawin ko, sa rooftop ko siya nakita at nakatayo siya sa railings.
        “Hoi!” Tawag ko sa kanya. Namali ata siya ng apak kaya naman nadulas siya, dahilan para mahulog siya. Ang tanga niya I mean ang tanga nung railings. Hindi siya sinalo!
        “Ouch, f*** what the heck!!!” Sigaw niya, nilapitan ko na lang siya at inalalayan tumayo, kawawang Luhan! Baka magkabukol pa siya nito dahil sakin.
        “Ang tanga naman kasi,” sabi ko. Napatakip naman ako ng bibig sa sinabi ko, nabitawan ko siya kaya nauntog na naman siya. Naku! Dalawa na ang bukol niya, kasalanan ko ‘to eh. Dapat hindi na lang ako pumunta para kausapin siya.
        “Aray ko~ ano ba, papatayin mo ba ko?” Sigaw niya ulit, hala! Hindi ko naman kayang pawalain yung init ng ulo niya eh. Lalo lang uminit dahil sakin. Bakit nga ba ako naniwala sa sinabi ni Kai? Baka kung ano na namang masamang salita ang sabihin niya sakin.
        “Sorry, hindi ko naman sinasadya,” nakayukong paghingi ko ng paumanhin. Tinulungan ko na siyang tumayo pero hinawi lang niya yung kamay ko, ang mean niya talaga!
        “Ano ba kasing ginagawa mo dito?” Sigaw na naman. Natatakot na ako sa kanya eh pero bakit ang bilis ngtibok ng puso ko, dahil sa kaba? Dahil sa kilig? Hello! Paano na naman ako kikiligin eh sinisigawan na nga niya ko? Hay! Ang weird ng naisip kong yun.
        “S-sinundan lang naman kita, s-sabi kasi ni K-Kai sundan kita,” nauutal na sabi ko ng hindi nakatingin sa kaniya, nahihiya at natatakot ako baka sigawan na naman niya ko.
        “Tss.” Yun lang ang sinabi niya at sumandal sa bench. May bench dito sa rooftop ng school namin, yung ibang upuan rito sira na at palitin na pero yung ilan ay nilagay lang dahil sa tagal na ring ginamit. Nakayuko lang ako at kinutkot yung pintura sa bench. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko eh.
        "Wala ka pa bang balak umalis?” Tanong niya, tumayo ako habang nakayuko parin. Ayokong salubungin ang mga mata niya.
        “S-Sige, mauuna na a-ako” Sabi ko tapos naglakad na, akala ko susundan niya ako pero waley. Wala nga pala ako sa Drama kaya bakit ko ba naisip na susundan niya ako? And also, what should I expect from a guy named Luhan?
 
        [A/N] Grabe ang mean ni Luhan dito! Pero okay lang yan dahil mahal parin naman kita! Hahaha xD Bumalik ka na kasi~~~
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet