Chapter 5 - Sports program

The 12 Zodiacs
Chapter 5
LUHAN
               Ano bang nasa isip ni Kai at dito pinatuloy yung babaeng yun!!! Mukhang nasiyahan naman si GungGung ng makita siya dahil matagal na siyang curious kung anong itsura ng babaeng kinababaliwan ko daw. Hindi ko naman siya kinababaliwan diba? Gusto ko lang siya, period.
               Isa pa, nakakahiya yung pinaggagawa nila sakin, kesho batuhin ba naman ako ng takure sa ulo. Nilapitan pa tuloy ako ni Ellaine. Feeling ko nga ay aatakihin ako sa puso nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko at tinanong kung okay lang ako.
        Alam naman nilang hindi ako mapakali kapag malapit siya sakin eh, yung tipong torpe na aamin sa gusto niya though sa part ko hindi naman ako aamin. Never kong gagawin yun kahit gusto ko siya. Siguro nga likas na sa kanila ang asarin ako hanggang sa mapuno ako.
        Kanina sabay sabay pa kaming pumasok kaya lahat ng mata nasa kanya. Nung nasa canteen naman hindi ko maiwasan ang mapatingin sa table nila dahil kasama niya ang pinsan kong si Kai. Muntik ko pang bangasan yung bibig nung nagsalita pero biglang dumating yung President at pinagtanggol si Ellaine.
        Bigla bigla namang punasan yung bibig ni Ellaine gamit yung panyo niya mas lalong uminit ang ulo ko! Kalma Luhan, tiyak na inaasar ka lang ni Kai. Tatayo na ako dahil hindi ko kaya yung mga nakikita ko kaso may bigla namang humarang para mapunta samin yung atensyon ng mga tao.
        “What the hell!!!” Bulyaw ko sa lalaking nasa harap ko dahil natapunan lang naman ako ng inumin niya sa uniform.
        “Naku! Sorry po, hindi ko po kasi nakita,” nainis naman ako sa sinabi niya, kinwelyuhan ko nga, kasi naman sorry? Napahiya na nga ako sorry lang ang sasabihin niya. Ready na akong suntukin siya pero…
        “Tama na yan Luhan,” sabi ng isang pamilyar na boses. Nabato ko sa kinatatayuan ko lalo na ng hawakan ako ni Ellaine, buti na lang at nahatak ko yung kamay ko sa kanya.
        Dumeretso ako sa rooftop at tumungtong sa railings pagkarating na pagkarating ko. Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito. Umihip ako sa hangin dahil ang lakas at ang lamig nito. Sana ganito na lang lagi katahimik ang buhay ko. Walang Kai, Sehun at ang iba ko pang mga pinsan na malakas mang asar.
        Tumingin ako sa langit at this time perfect heart na ito. Hindi lang yun, dalawa na siya. Napangiti naman ako kahit hindi ko alam kung anong pinaparating nun. Isa lang ang alam ko, maganda ang ibig sabihin nun.
        “Hoi!” Pababa na sana ko kaso nagulat ako sa biglang pagsulpot niya, nadulas, nahulog, bumagsak, ang, tanga, nung railings!
        “Ouch, f*** what the heck!!!” Sigaw ko, another nakakahiyang scene. Ano ba naman Luhan? Bakit ang lampa mo kapag kaharap mo si Ellaine? Basta na lang din lumabas sa bibig ko ang mga salitang yan. Inalalayan niya ako pero nagulat ako sa sinabi niya…
        “Ang tanga naman kasi…” Napahawak siya sa bibig niya dahilan para mauntog ako sa sahig, arghh~ this is so embarrasing!!!
        “Aray ko~ ano ba, papatayin mo ba ko?” I don’t mean to shout pero nakakainis, hindi din naman masakit pero sinabi ko lang naman yun para matakpan ang pagkailang ko. Gusto ko sana na matakot na lang siya sakin at layuan ako.
        “Sorry, hindi ko naman sinasadya,” nakita kong napayuko siya kaya ito na naman ako si Na-guilty. Inalis ko na lang sa isip ko ang bagay na iyon at tumayo. Tinulungan niya akong makatayo at inupo na sa bench.
        “Ano ba kasing ginagawa mo dito?” Can’t help it, nahihiya ako kaya dinaan ko na lang sa sigaw, ayoko namang mahalata niya ko agad. Sanay na rin ako na ganito makipag usap sa iba kapag nahihiya ako o kaya naaasar.
        “S-sinundan lang naman kita, s-sabi kasi ni K-Kai sundan kita,” Ssgot niya habang nakayuko, I guess pati siya nahihiya sakin. O baka naman natatakot?
        “Tss,” sagot ko, kinukutkot na niya yung pintura sa bench, walang magawa? Hay naku naman! “Wala ka pa bang balak umalis?” tanong ko.
        Tumayo naman siya at aalis na “S-Sige, mauuna na a-ako,” hindi ko siya pinigilan, ayoko nito. Ayokong mapalapit sa kanya. Hindi dahil takot akong ma-basted o kung ano man, kasama naman yun kapag magmamahal ka. Ayoko lang talaga, once you involve yourself sa isa saming mga zodiacs? There will be no escape...
ELLAINE
        Pagkaalis ko bigla na lang bumigat ang nararamdaman ko, naiinis ako na ewan pero hindi ko naman makuhang magalit sa kanya.
        “Ellaine! Ano? Anong sabi niya?” Tanong ni Tricia, kasunod niya si Makino sa likod niya. Nilampasan ko lang sila at alam kong alam nila ang nangyare. Alam ko namang mararamdaman na nila yun dahil sa inasta ko diba?
        Pagbalik ng room namin tahimik lang ako, si Luhan naman pumasok pero mukhang walang pakialam sa mundo eh. Parang walang nangyare kanina. Napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko. Lagi na lang malalim ang iniisip ko lately ah?
        Sa tingin ko hinding hindi ako mapapansin ni Luhan kasi naman ang kulit kulit ko. Si Kai naman ang nagsabi na sundan ko siya kaya ginawa ko. Sa susunod siguro hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa kanya. Pwede naman siguro maging magkaibigan na lang kami diba?
        Papunta kami sa gym ngayon para sa P.E namin at buong section namin ang magkakalaban. Hindi ko lang alam kung anu ano ang mga lalaruin namin. Sports ang topic namin kaya tiyak na maraming sasali dahil majority sa school namin ay puro athlete.
        “Ellaine, may extra ka bang jogging pants? Na-shoot kasi sa bowl yung akin,” seryosong tanong sakin ni Makino. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ni Makino pero pinahiram ko na din siya.
        “Nakaka-excite naman ‘to!” Sabi ni Tricia, nageexcel din kasi siya sa sports kaya naman alam kong sisiw na ang isang ‘to sa kanya. Mage-enjoy na lang din siguro ako gaya nila.
        Sabay sabay na kaming pumasok ng gym at grabe nakaka-inlove ang mga lalaki sa section namin lalo na si Luhan! Talaga namang bumagay sa kanila ang PE uniform namin lalo na ngayong naglalaro sila ng basketball. Bakit kaya uso sa mga lalaki ang basketball? Ang cool din naman kasi ng larong ito.
        Sa kabilang side naman mga babaeng nag-volleyball. Hindi kasi ako sanay mag volleyball kaya sa tennis ako lumugar. Nakapaglaro na ako dati ng volleyball pero ayaw talaga sakin ng malalaking bola kaya nag try ako sa tennis. At hindi ako nagkamali, nagkasundo kami ng bola ng tennis.
        Sa buong klase namin 58 kami kaya super dami namin, hindi na siguro kayo magtataka kung halos sakupin na namin ang courts ng bawat sports. Pero super laki ng school namin kaya maraming gyms and courts, ang una manonood kami ng laban ng mga lalaki na magbabasketball.
        Excited na nga akong manood dahil baka maglalaro si Luhan pero hindi naman siya tumayo, kasama sa maglalaro sa team namin ay sina Kyungsoo, Chen, Chanyeol.
        Habang naglalaro nakatingin ako kay Luhan pero nanonood parin ako minsan, ang gagaling pala ng mga kaklase ko pagdating sa sports. Isang tao lang kasi ang pinapanood ko noon palang kaya wala sa kanila ang atensyon ko. This time sila naman ang pagtutuunan ko ng pansin.
        Bigla namang napunta sakin yung bola dahil may naghagis, binalik ko yun kaso ako itong si tanga. Tinamaan si Kyungsoo sa ulo. Ayaw talaga sakin ng mga malalaking bola noh?
        “Hala! Sorry,” medyo mahina kong sabi ko sa kanya. Hindi naman siya kalayuan sakin kaya alam kong rinig niya yung sabi ko sa kanya.
        “Okay lang,” sabi niya sabay ngiti sakin. Isa siya sa tahimik sa room namin at isa rin siya sa maliit, ang cute nga niya eh. Bilugan din ang mata niya at para siyang tarsier, haha!
        “Hindi ka kaya magkabukol niyan?” Tanong ko sa kanya, kasi naman alam kong hindi ako sanay humawak ng bola pero kahit papano rinig ko yung impact. Kung ako yun baka sa clinic na ako makikita ngayon.
        “Wag kang magalala sa kanya, okay lang siya diba Kyungsoo?” Sabi ni Chen sabay akbay sakin, siya naman yung palabiro sa klase pero madalang lang dahil kay Tricia. Kumbaga ang mood maker ng section namin.
        “Don’t worry, wala nga akong naramdaman eh,” sabi niya sabay ngiti, eh? Walang naramdaman eh ang lakas nga nung impact
        “Wag mo na siyang alalahanin, okay lang yan,” sabi naman ni Chen sabay gulo ng buhok ko “Yan pa eh mas matigas pa yan sa bato,” dagdag niya pa.
        Kahit na-weirduhan ako hinayaan ko na lang sila, bahala na nga.After ng basketball pina-gather na kami ng teacher namin sa volleyball court. Kasali si Tricia at Makino dito kaya naman todo cheer ako sa kanila, ang galing ni Tricia, kulang na lang siya na ang maglaro kalaban yung iba naming kaklase.
        “Hindi ka ba maglalaro?” Tanong ni Chen sakin, hindi naman na-awkward-an sa kanya kaya okay lang na kasama ko siya ngayon. Madali naman siyang pakisamahan at kilala ko na rin naman siya dati.
        “Mamaya pa, Tennis kasi ang sinalihan ko,” sabi ko at tumango naman siya, 10 na ang nakakapaglaro, sa volleyball naman 12, sa Tennis naman 12 students, then lastly ay soccer with 24 members na agad. And equals to 58!
        Hindi ko naman sinuma pero dahil 58 kami kaya nasabi kong equals to 58 yun ehehehe. Tinatamad akong magsuma. Ayoko kasi ng math.
        Nung ako na ang maglalaro rinig na rinig ko si Tricia na nag-cheer sakin meron pa ngang “I-cheer niyo naman si Ellaine, kung hindi uupakan ko kayo.” Kaya ayun lumakas ang cheer. Tricia talaga oh!
        Kung sineswerte naman ako, ayun nanalo naman. Medyo nahirapan lang ako dun sa isa kong nakalaban dahil ang laking babae. Sa huli naman ay soccer and unepectedly si Luhan ay sumali sa soccer, ang galing niya. He can carry the game ng mag-isa. Dati kasi hindi siya sumasali.
        Nanonood lang siya at nung una siyang sumali ay hindi ko naintindihan. Nag forfeit ang kalaban niya ng hindi man lang sinisimulan. Kasama naman niya si Xiumin which is isa din sa magaling sa team nila, ang init na nga eh pero hindi sila tumitigil. Namumula na si Luhan! Baka umitim siya.
        Si Xiumin naman parang nanghihina dahil siguro sa pagod, tinapik lang ni Luhan ang balikat ni Xiumin at automatic na lumabas siya sa field. Wala naman naging angal ang teacher namin dahil sa dinahilan nila. Baka kaya may sakit si Xiumin?
“Aw, bakit siya lumabas?”
“Wala ng katulong si Luhan sa laro...”
“AJA! Kaya niya yan, go Luhan!”
        Linya ko yun eh, pero for sure kapag si kai ang kalaban niya si kai ang i-cheer nila. Gusto kong sumigaw pero nahihiya ako.
        “Hey! Bakit hindi mo i-cheer ang love of your life mo?” Tanong ni Tricia, umiinom na kami dito habang nanonood ng laro. Grabe na kasi ang sikat ng araw tapos kagagaling lang namin sa laro kanina.
        “Ayoko nga, nahihiya ako noh,” sabi ko, pagdating kasi kay Luhan nahihiya na ako pero magaling din akong sumayaw, kumanta at tumugtog ng instruments.
        Hindi ako nahihiya kapag magpeperform pero kapag para na kay Luhan yun kinakabahan na ako! Bakit ganito ang epekto niya sakin? Napabuntong hininga na lang ako. Sabi ko diba kakalimutan ko na ang nararamdaman ko at okay na ako sa kaibigan?
         Sa huli ng game nanalo parin ang team nina Luhan pero lumapit siya kay Xiumin at pinagyan ng cold compress at pinapasok sa loob.
        Ang weird talaga niya!
 
        [A/N] Ah! So kilala niyo na si Xiumin? Makikita niyo pa ulit siya sa susunod na chapters, don't worry! Medyo busy na naman dahil pinapanood ko si Naruto *O* Ngayon ko lang siya napagtuunan ng pansin at super cool niya!!!
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet