Chapter 16 - Happy ending(?)

The 12 Zodiacs
✔Chapter 16
ELLAINE
        Hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang si Luhan naman ay hinahalikan ako. Parang ang daming bultahe ang dumaloy sa katawan ko. Ramdam ko rin ang pamumula ng pisngi ko nang marealize ko kung anong ginagawa namin ngayon!
         “Woooooh~” Rinig kong sigaw nila sa likod namin.
        “Sa wakas!!!” Unti unti na siyang lumayo at nginitian ako ng alanganin, ready na sana akong sigawan ulit siya kung hindi niya ako inunahan.
        “Kapag nagsalita ka hahalikan kita ulit,” panakot niya sakin kaya naman nag-zip mouth na lang ako. Kita ko rin ang pamumula ng mukha niya dahil sa lamppost na nagsisilbing ilaw namin. Nagulat naman ako sa pagsulpot ni Kai sabay yakap sakin.
        Otomatikong napapikit na lang ako. Pagbukas ko ng mata ko nasa bahay na kami. “P-Paanong?” Magsasalita na sana ko kaso nakaupo na si Kai sa sofa.
        “Pagbilang ko ng 3 nandiyan na siya,” sabi niya sabay tingin sa pinto, yung naka-baril tapos kada count binabaril niya yung pinto! Korni ko mag explain. “3, 2, 1----“ Bilang niya...
        “Hoi Kai! Nasan na si Ellaine?!” Nagulat ako dahil nandito na agad si Luhan at kasunod naman niya sina Kuya Sehun na ang lapad ng ngiti.
        “Easy lang Lulu, inuwi ko lang siya,” sabi ni Kai. Naalala ko na naman yung Lulu! Iyun na lang ang itatawag ko sa kanya kahit ayaw niya.
         “Stop calling me Lulu!!!” galit na sabi niya. Lumapit naman siya sakin at hinawakan ang braso ko sabay hila sakin.
        “Saan mo naman siya dadalin?” Tanong ni Kuya Sehun. Kanina pa sila nakangisi kay Luhan at halata mong inaasar parin nila hanggang ngayon.
        “Sa lugar kung walang masyadong peste kundi lamok o langaw lang!” Pabalang na sagot ni Luhan habang nakakunot ang noo. Kinaladkad niya ako at narinig ko na naman ang tawanan sa loob, ang hilig talaga nilang apihin si Lulu ko noh? Haha maka-Lulu noh?
        Nagulat ako ng tumayo siya sa veranda ng kwarto niya, hindi ko namalayan nakapasok na kami sa kwarto niya.
        “Anong ginagawa mo diyan?” Tanong ko sa kanya. “,bumaba ka nga diyan baka malaglag ka pa!” Pilit ko siyang pinapababa pero ayaw naman niya.
        “Ellaine…” Hindi niya ako pinansin at tinignan lang ako, nilahad niya ang kamay niya na parang may hinihingi, napakunot na lang ang noo ko.
        “Ano? Teka nga! Bumaba ka diyan, bahala ka kapag nalaglag ka!” Banta ko, ang taas naman kasi nito. Nasabi ko na bang super laki ng bahay nila? Na pwede na siyang 5 star hotel?
        Pero ang nakakapagtaka ay malapit ang bahay nila sa gubat, kakaiba din ang itsura. Parang hindi sa bato gawa ang bahay kundi sa matibay na yelo.
        “Ellaine, do you trust me?” Tanong niya, napatingin naman ako sa kanyang mapulang mata. Parang magnet lang na nakakahatak ng pagtingin ng iba. Ang ganda at iba ang pagkakapula niya, tinignan ko naman ang kamay niyang nakalahad sa harap ko. Tatanggapin ko ba?
        Why not? Inabot ko yun at hinatak naman niya ako, ang lakas niya. Napayakap ako sa kanya at nagkatinginan na naman kami. So ganito pala ang feeling? Ang feeling na matitigan ng malapitan ang mga mata niya, na feeling ko kulang na lang maging hugis puso!
        Ganito na ba ka-korni ang pag-ibig? Pero si Luhan naman ito. Sino nga ba mag-aakalang may gusto sakin ang gusto ko? Hindi lang gusto, pero sabi nga niya mahal niya ako.
        “Oo naman,” sabi ko sa kanya with 100% assurance. ",may gusto lang akong tanungin sayo." Tinignan naman niya ako na parang tinatantya ako.
        "Ano ba yun?" Tanong niya. Hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakatitig niya sakin. This is my chance para malaman kung ano talagang nasa isip niya.
        "Mahal mo ba talaga ako?" Tanong ko. Nakita kong medyo nagulat at namula siya sa tanong ko. Pero hindi pa iyon sapat na dahilan para malaman na totoo ang sinabi niya.
        "Sinabi ko naman sayo hindi ba? Mahal kita. Natatakot lang ako dati na sabihin sayo dahil alam ko namang malayong magkagusto ka sakin," sabi niya. Hindi niya iniwan ang tingin ko kaya naman nakita ko kung gaano siya kasigurado sa sinabi niya. ",ako naman ang magtatanong sayo, mahal mo ba ko?" Tanong niya.
        Ngumiti ako at walang alinlangang sinabi, "Oo mahal kita, matagal na." Nakita ko naman ang napakaganda niyang ngiti. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti sa harap ko. Gusto ko pa sanang itanong kung bakit sinusungitan niya ko dati pero huwag na lang muna.
        “Close your eyes.” Utos niya kaya wala pagdadalawang isip na isinara ko iyon.
        “Huwag mong bubuksan kapag hindi ko sinabi, okay?” Sabi niya kaya naman tumango ako. At muli kong naramdaman ang kanyang mga labi sa labi ko.
        Gusto ko mang dumilat ay hindi ko magawa, nangako akong hindi ako didilat kaya iyon ang ginawa ko. Naramdaman ko ang malakas na hangin na nakapagpagulo ng buhok ko. Naramdaman ko din na gumalaw ang labi niya.
         He plunged his tounge into my mouth na dahilan para mapadilat ako.
        Wala na kami sa veranda, hindi ko alam kung nasan kaming bahagi ng gubat pero may liwanag paring nanggagaling sa buwan. Napapikit na lang ulit ako, naramdaman kong gumalaw ang dila niya sa loob ng bibig ko, hindi ko kayang I explain dahil bago lang ako sa ganito.
        Hindi ako sanay humalik at ito ang first ko tapos ganito agad? Hindi na pala first kiss kundi second kiss na ‘to pero ano bang alam ko. Tumigil na siya at lumayo sakin, dinilat ko na din ang mga mata ko to see his eyes burning like fire. Feeling ko anytime mapapaso ako sa tingin niya.
        “Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko ngayon,” sabi niya, hinawakan niya ng mahigpit ang bewang ko.
        Ang lapit na namin sa isa’t isa na para bang ayaw na niya akong bitawan, pinulupot ko na lang ang dalawang kamay ko sa leeg niya.
        “Humawak kang mabuti,” sabi niya, tapos nagulat ako dahil bigla siyang tumalon. Nakahawak yung isa niyang kamay sa sanga at yung isa sa bewang ko. Muntik pa nga akong mapabitaw sa kanya buti nakahawak siya sakin. “,don’t worry hindi kita bibitawan,” paga-assure na sabi niya.
        Hindi ako makapaniwalang ang masungit at snob na Luhan ang kausap ko ngayon, nung dati naman hindi ganito ang turing niya sakin.
        “Lulu?” Tawag ko sa kanya, nakapikit lang ako habang ramdam ko ang pagtalon niya.
         “Why do you keep on calling me Lulu, I’m Luhan not Lulu,” sagot niya, nararamdaman ko na din ang hininga niya sa leeg ko.
        “Nagtataka lang ako—“  Sagot ko. Didilat na sana ako ulit pero pinigilan niya ako. Inilagay pa niya ang kamay niya sa mata ko.
         “Wait! Wag mo munang bubuksan ang mata mo!” Sinunod ko lang siya at ng makatayo na ako ng ayos tinanggal niya ang kamay niya sa mata ko.
        “Wow~” Ang nasabi ko na lang habang nakatingin sa kabuuang gubat, ang ganda. “Nasan na tayo?” Tanong ko. Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa napakagandang tanawin. May parang ilog siya sa ibaba at para itong nagliliwanag dahil sa ilaw na nanggagaling sa buwan.
        “Nasa gitna na tayo ng gubat,” sagot niya. Naramdaman ko na niyakap niya ako mula sa likod at pinatong ang baba sa leeg ko, nararamdaman ko na rin ang init ng hininga niya.
        “Ngayon ko lang ‘to nakita,” sabi ko, sa tinagal tagal kong tumira sa gubat noon hindi ko naisip ang gumala dito dahil nakakatakot. “Lulu…” tawag ko sa pansin niya. May gusto sana akong tanungin sa kanya.
        “Hay bahala ka na nga kung anong gusto mong itawag sakin,” medyo nagtatampong sabi niya. Hindi ko tuloy maiwasan na matawa. Ang cute naman ng pangalan na iyon diba?
        “Bakit ang sungit mo dati I mean, lagi mo kong sinusungitan at in-snob?” Tanong ko. Wala na rin kasi akong ibang maisip na pag uusapan namin. Ayoko namang mapanis lang ang laway namin kakatingin sa tanawin.
        “Yun ba? Akala ko kasi kapag iniwasan kita mawawala yung nararamdaman ko para sayo, pero mali ako, kasi...mas lalo lang kitang minamahal,” sabi niya. 'Kyaaaah! Hindi ko alam na ang sweet pala niya!!! Mamamatay na ata ako sa pagpipigil ng kilig!'
        “Ibig sabihin, dati palang gusto mo na ko?” Tanong ko. Kinagat ko na ang ilalim ng bibig ko para pigilan ang pagtili.
        “Nope, dati pa lang mahal na kita,” sabi niya. 'OMG! Hanggang kelan ba niya balak pakiligin ako? Nakakainis siya! May ganito pala siyang tinatagong talento! I never imagined na ganito siya ka sweet...'
        “Ikaw? Mahal mo ba ko?” Tanong niya. Medyo humigpit ang pagkakahawak niya sakin. Naramdaman ko rin ang malalim niyang pagbuntong hininga. “,kasi sa tingin ko si Kai ang gusto mo,” sabi niya. Bakit ganun? Feeling ko nakanguso si Luhan sa mga oras na ito.
         “Pano mo naman nasabi yan?” Tanong ko. Pilit ko siyang tinitignan pero ayaw naman niya. Tinatago niya talaga yung mukha niya sakin. Siguro nakanguso talaga siya!
        “Kasi lagi kang nagaalala sa kanya, laging siya ang buka ng bibig mo. Tuwing makikita kita sa kanya ka nakatingin. Kapag naririnig kitang magsalita parang gusto ko na lang lumayo sayo dahil nasasaktan ako,” sabi niya. Ayon sa pagsasalita niya ay nakapout nga siya!
         “Nagseselos ka ba?” Tanong ko. Nakangiti na ako ngayon, wala namang dahilan para pigilan iyon diba? Parang yung nararamdaman ko ngayon, may dahilan ba para itago at kalimutan yun?
        “Oo, selos na selos ako,” sabi niya. Hindi ko alam na may pagka-straight forwarded din si Luhan kaya naman natutuwa ako. Hindi na siya nahihiyang sabihin sakin ang nararamdaman ko. Hinahalikan na niya yung leeg ko at medyo nakikiliti na ako sa ginagawa niya.
         “Stop that!” Sabi ko.
         “The what?” Pamaangmaangang sabi niya.
        “Stop kissing my neck,” sabi ko. Ito na naman ang mga dugo ko. Favorite spot na ata ang pisngi ko. Nag-iinit na naman kasi ito.
         “Why would I?” Napa-pout naman ako dahil sa kanya. Ako ata ang inaasar niya ngayon ah? Hayaan mo, sasali na ako sa pang-aasar sayo sa susunod!
        “Nakikiliti ako," pagamin ko. Totoo naman kasi na malakas ang kiliti ko sa leeg ko kaya hindi ko na rin itinago. Natawa naman siya sa sinabi kong yun.
        Hindi nagtagal umalis na din kami dun, nawawala na din kasi ang buwan eh. Tiyaka marami ngang peste, mga lamok! Istorbo masyado...
        Habang nakaupo kami at nakatingin sa buwan nilagyan ko ang tenga niya ng headset, naka sandal ang ulo ko sa balikat niya at yung ulo niya nakapatong sa ulo ko. Nakaupo lang kami rito sa may bench hindi malayo sa bahay namin.
        “Ellaine, can you be my Girlfriend?” Nagulat ako sa tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Bigla bigla kasing nagsasalita. Hindi ko rin masyadong narinig dahil naka-headset nga kami diba?
         “Ha?” Tanging nasabi ko lang. Tinanggal niya ang pagkakakabit ng headset sa parehong tenga namin at tinignan ako.
        “Well kasi, natatakot akong mawala ka sakin kaya hangga’t maaga gusto kong makasigurong akin ka lang,” sabi niya. Ano bang sinasabi niya ngayon? “,alam kong selfish ang dating pero...mahal kasi talaga kita. Kaya Ellaine, can you be my girlfriend?” Tanong niya.
        Iyon lang naman pala ang gusto niyang sabihin. Napayuko naman ako nung marealize ko kung anong gusto niya. 'G-Girlfriend daw ba kamo? Wait! Bakit naman hindi diba? Pero kasi...gusto ko sanang ligawan niya ko!'
        “Oo naman, payag akong maging girlfriend mo. Basta ba sakin ka lang din tulad mo,” sabi ko. Napangiti naman siya dahil sa sinagot ko.
        “Oo, pangako. Hinding hindi kita ipagpapalit sa iba,” sabi niya. May naisip naman akong ideya.
        "Lulu, may isang kondisyon lang ako," sabi ko. Tumingin siya sakin at tinanong kung ano. ",gusto ko ligawan mo muna ko." Natawa nama siya dahil sa kondisyon kong iyon. Nakakakilig pakinggan ang tawa ni Luhan.
        Parang sakin lang siya tumatawa ng ganito.
“Sana ganito na lang tayo lagi,” Sabi ko. Nakapatong ang ulo ko sa balikat niya. Ang sarap ng ganitonf pakiramdam.
         “Huwag ka mag-alala, magiging ayos din ang lahat. Ipangako mong sakin ka lang maniniwala,” sabi niya. Medyo naguluhan naman ako sa sinabi niya pero isang bagay lang ang pumasok sa isip ko 'Sa kanya lang ako magtitiwala.'
        “Oo naman…” Sana nga ganito na lang lagi. Masaya at walang inaalalang iba pero alam kong may katapusan at may inaalala siya kahit hindi ko alam kung ano yun.
 
        [A/N] Sorry kung nag-fail akong pakiligin kayo ah? Next time gagawa ulit ako ng nakakakilig na scenes :3
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet