Chapter 18 - The hell dinner

The 12 Zodiacs
✔Chapter 18
ELLAINE
        Nililigpit na namin ni Lulu yung pinagkainan namin at tumayo na, ang sarap talagang magluto ni Kyungsoo kahit kelan. The best!!! Kapag nga may time ay magpapaturo ako para naman ma-improve ko pa yung cooking skills ko.
        "Tara na, baka abutan pa tayo ng bell,” yaya ko kay Luhan. Bubuksan ko na sana yung pinto pero hinila niya ako ulit at hinalikan. Napakahilig talaga nito sa kiss!
        “Hm, ang sarap talagang magluto ni Kyungsoo,” sabi niya, tinampal ko naman ang pisngi niya at tumuloy na sa baba. Natatawa na lang ako sa mga kalokohan na naiisip niya. Ang masungit na Luhan ay napakasweet at korni na ngayon.
        Pagdating namin sa room umupo na kaming dalawa, si Lulu ang nagtabi ng lunch box ni Kyungsoo. Bukas daw ulit! Ibig sabihin ba nun may kiss ulit? Uwaa ang landi ko!
        Pagkatunog ng bell namin ay pumasok na rin ang teacher namin at nagturo, hindi tulad kanina nakikinig na ako. May inspirasyon eh, kanina ko pa kasi siya nakikitang sumusulyap sakin! May inabot naman siyang papel kaya inabot ko. Nagsusulat kasi ng lecture si maam sa board kaya binasa ko na rin.
*Quote*
Ang sarap noh?
*Quote*
Oo, the best talaga si Kyungsoo magluto ^_^V
*Quote
Hm, may tanong ako sayo. Anong mas masarap? Yung luto ni Kyungsoo o yung halik?
        Sa tingin ko namula ako nung mabasa ko yun. Nakakainis talaga si Luhan kapag ganun ang mga sinasabi. Kinikilig ako ng todo!
        “Hoi Ellaine anong nangyayare sayo?” Tanong ni Tricia sa tabi ko. Para naman akong ewan na bigla na lang nataranta.
         “Ah W-Wala, ang init kasi,” sabi ko. Inabutan naman niya ako ng pamaypay at nag-ah lang siya. Tumingin na ulit siya sa aming guro. Pagtingin ko kay Lulu nakatingin sakin at nakangiti ng nakakaloko, binato ko nga sa kanya yung papel but sadly bumanda at pumunta kay Kyungsoo na nasa likod ko.
        “Akin na Kyungsoo,” sabi ko. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Pinulot niya yung papel sa sahig pero ayaw naman niya ibigay.
        “Ayoko, babasahin ko lang,” sabi niya, gusto kong sumigaw at agawin yung papel pero natatakot ako sa teacher namin. Tulad ni Lulu napangisi naman siya at binalik yung papel sakin, hmp, magpinsan nga kayo!
        Muling tumunog ang aming bell kaya nagmadali rin akong ayusin yung bag ko at nauna sa pinto pero nalimutan kong mabibilis pala ang mga taong ‘to kaya nakita ko na sila sa labas.
        “Oh Ellaine, ano daw mas masarap luto ko o ang halik ni Luhan?” Mapang asar na tanong ni Kyungsoo pero pabulong lang para walang makarinig. Mas lalo lang akong namula sa tanong niyang iyon.
        “>///< Tigilian mo nga ako, hmp. Magpinsan kayo, pagbubuhulin ko kayo eh!” Sabi ko at nauna nang maglakad pero nahahabol parin nila ko.
        “Sige na nga, mauuna na kami. Lulu ni Ellaine ikaw na bahala sa kanya ah?” Sabi ni Kyungsoo at nawala na nga sina Xiumin at Kyungsoo na parang bula. Bigla naman akong inakbayan ni Lulu habang naglalakad kami.
        Patuloy lang kami na nagkulitan at kung anu ano pa hanggang sa may mapadaan na anim na lalaki sa harap namin. They look familiar...
        “Luhan?” Tawag nung isang maliit na lalaki na sobrang puti. Nahiya naman yung kulay ko sa kanya noh, ang kinis niya! Parang alagang alaga sa lotion at kung anu anong cosmetics.
        “K-Kuya Suho?” may halong takot na sabi ni Luhan, bigla humigpit ang hawak niya sa balikat ko kaya naman nagtaka ako. Kuya naman niya yan hindi ba?
        “Wow~ namiss ka namin Luhan~” Sabi nung isang lalaking parang may eyebugs sabay yakap kay Lulu ko. Ano ba! Parang hindi natutulog naman ang isang ito dahil sa laki ng eyebags pero hindi naman maipagkakailang may itsura ito.
        “Kuya Tao, nakakahiya,” sabi ni Lulu habang nag blush ng bahagya. Napatingin naman silang lahat sakin, yung isa ang sama ng tingin sakin. Nakakatakot ang eyeliner niya.
        “Ow, who’s this beautiul girl?” Tanong nung kapre! Ang tangkad niya grabe. Hanggang dibdib niya lang ata ako kung tatantsyahin ko. “,hello, I’m Kris, Luhan’s big Brother.”
        “Hello po ^_^ I’m Ellaine,” sabi ko, tinanggap ko naman yung kamay na nakalahad sa harap ko, ayoko namang ma bad shot sa kuya niya noh!
        “Hello I’m Suho, this is Baekhyun, Tao, and Lay you can call us kuya anytime ^_^” Sabi ni kuya Suho “,magsalita ka naman diyan Luhan, parang hindi mo naman kami na miss eh,” sabi ni kuya Tao.
        “Oo na, kuya Suho, Lay, Kris, Baekhyun at Tao, si Ellaine. Girlfriend ko,” sabi niya, ang sarap palang pakinggan nun noh? Parang kumakantang anghel lang ang peg. Pero parang nag-iba yung aura nung Baekhyun. Hindi ba niya ko gusto?
        “Ah ganun ba? Nice to meet you ulit,” sabi ni Kuya Suho, ang bait niya. Parang si kuya Sehun yung way ng pakikitungo niya. Ganito rin kasi si Kuya Sehun nung nakilala ko siya.
         “Tara na sa bahay, gusto mong sumama?” Yaya sakin ni Kuya Kris. Kahit kakaiba yung tingin niya, parang seryoso lagi, mukha naman siyang mabait.
        “Ah actually…” Magsasalita sana ko pero inunahan ako ni Luhan. Bakit parang natetense si Luhan ngayon?
         “Satin siya nakatira, tara na,” sabi ni Luhan tapos hinila na ako, sumunod naman yung mga kuya niya at hindi ko na nalaman ang reaksyon nila. Nagiging kakaiba talaga ang inaasta ni Luhan. Ano ba kasing problema?
        Pagdating namin pumasok kami agad. “Welcome ba----- Kuya?” Parang gulat din si Kyungsoo nung makita yung mga kuya nila, bakit ganun?
        “Hello ^_^ namiss namin ang bahay kaya naman dumalaw kami,” masayang sabi ni Kuya Suho. Pumasok naman sila at biglang natahimik lahat, yung mga kuya lang ata nila ang nagsasalita eh, pero ang awkward na ng feeling ko sa dinner na ‘to.
SEHUN
        Halos mabitawan ko ang hawak kong baso ng makita ko ang mga kuya namin na pumasok ng bahay and mas worse ay kasama nila si Luhan at Ellaine, alam kaya nila? Bakit ganun, feeling ko biglang uminit ang paligid.
        “Sehun, kamusta ka na kapatid?” Tanong ni Kuya Suho, siya kasi ang kapatid ko sa kanilang lahat. Hindi ba obvious? Pareho kaming hyper. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Kuya Suho ngayon.
        “Okay lang naman, buti at napadalaw kayo dito?” Tanong ko. Mukha namang walang kakaiba kay Kuya dahil hyper parin siya hanggang ngayon.
        “Oo nga eh, namiss kasi namin. Teka! Hindi niyo nasabing may girlfriend na pala si Luhan?” Tanong niya sabay pout, isip bata! No wonder kapatid ko yan. Mas malala nga lang siya.
        “Hindi na namin nasabi eh, sorry kuya,” sabi ko. Dito na sila kumain kaya naman medyo tahimik. Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng tahimik. Sila lang ang dumadaldal hanggang sa mag excuse ako sandali, feeling ko hindi ako makahinga sa mga oras na yun.
        “Sehun…” Pagtingin ko si Kuya Suho pala. Sinundan pala niya ako at alam kong may gusto siyang sabihin na kaming dalawa lang. Ako naman kasi ang pinakamatanda na naiwan dito sa bahay.
         “Sino ang babaeng yun?” Tanong niya samin, kinakabahan ako lalo na at seryoso ang tanong niya. Madalang lang kasi siyang maging seryoso.
        “Ah girlfriend nga ni Luhan, ahm…” Kahit tuyo na ang kamay ko pinupunasan ko parin dahil sa kaba. Hindi na rin ako makatingin ng deretso kay Kuya.
         “May alam siya hindi ba?” Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Alam kong napansin niya ang pagkatense ko. “Hahaha chillax ka lang, pero buti at hindi nahahalata ni Kuya Lay kung hindi. Alam mo na kung anong gagawin niya,” sabi niya.
        Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa kanya. Alam niya talaga kung paano matense ang isang tao kapag tinitignan niya. “Babalik na ko,” sabi niya. Napaupo na lang ako sa upuan sa tabi.
        Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko, natatakot ako sa pwedeng gawin ni Kuya Lay kay Ellaine. Baka tulad ng ex niya tanggalin din niya ang ala ala niya, hindi pwede. Hindi!
        “Kuya Sehun? Okay ka lang ba?” Tanong ni Ellaine, ngumiti at tumawa naman ako ng pilit. Nandito na pala si Ellaine sa kusina.
         “Oo naman, sige mauna na ko,” sabi ko tapos bumalik sa hapag.
        “Saan niyo siya nakilala?” Tanong ni Kuya Lay, ngayon lang siya nagsalita mula kanina at alam kong kinakabahan din si Luhan ngayon.
        “Nakatira siya sa malapit na gubat, naisip namin na mapanganib kung doon siya tutuloy kaya naman dinala namin siya dito,” kalmadong Sagot ni Kai, ang galing niya magtago ng nararamdaman niya pero sa loob niya for sure kinakabahan na rin siya.
        “Sa gubat? Buti nga at pinatuloy niyo siya dito,” sabi ni Kuya Suho. Pasimple naman niya akong kinindatan kaya yumuko na lang ako. Hindi ko na kayang itago, kinakabahan talaga ako.
         “Tama si Suho, mapanganib sa gubat lalo na at may mga mababangis na hayop,” sabi ni Kuya Kris. Tumango naman sa kanya si Kuya Tao na busy sa paglamon. Isa pa itong isip bata gaya namin eh. Parang walang pakialam sa mundo.
        “Kamusta na ang lagay mo Luhan?” Tanong ni Kuya Lay, healing ang kapangyarihan niya kaya alam kong alam niya ang tungkol sa pagiging wolf ni Luhan. Kumbaga sa mga tao ay siya yung doctor.
        “Okay naman ang pakiramdam ko, sa tingin ko unti unti ko nang nakokontrol ang kapangyarihan ko,” sagot ni Luhan.
         “Huwag kang papakasiguro, simula bukas ako ang mag eensayo sayo,” sabi ni Kuya Lay. Dahil sa sinabi nito ay nagsimula nang tumagaktak ang pawis ni Luhan at lumunok na siya ng ilang beses.
        Tinap lang ni Kuya Suho ang balikat niya hanggang sa bumalik si Ellaine. Kahit papano nawala ang kaba ko nang mapunta ang usapan tungkol sa business nila.
        This is one hell of a dinner. Hoo!
 
        [A/N] Oh? Ano? Gusto niyo pa bang sumali sa kanila sa dinner nila?
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet