"Walang dapat ikatakot."

Broken Lines
Please Subscribe to read the full chapter

 

JESSICA’s

 

Hindi naman na nagtagal yung call namin ni Yuri dahil bukod sa pagod pa sya buong araw may shift din yon kinabukasan. Agad na akong bumangon para mag ayos bago pa dumating sa labas ng bahay namin si Sunny.

Palagi na kase akong sinusundo para hindi na raw ako malate, para namang hindi ko na inaagahan yung pasok. Sinalubong ako ni Krystal sa pinto habang iniinom yung gatas na binili ko. Hindi na naman nagpaalam sakin to.

 

“Pupunta ako mamaya sa office mo ha, ano oras ulet end ng shift mo?” ano na naman bang gagawin mo sa office namin, guguluhin mo na namang mga officemates ko.

“Bakit? Bakit ka pupunta at bakit mo tinatanong?” Maikli kong sabi, ayokong ayoko pa naman pumupunta 'to ron dahil hindi nakakapagtrabaho ng maayos mga kasama ko. Lalo na pag si Yoona ang pinuntirya nya.

“Bawal na ba kong pumunta? Wala naman din akong gagawin ngayon, bukas pa pasok ko. Kung ayaw mo sabihin edi si ate Sunny na lang tatanungin ko.” Nako, lalong wag si Sunny ang matanong nya dahil hindi naman ako ililigtas non sa kapatid ko.

“5PM end ng shift ko, bakit ba kase? Ano ba kailangan mo? At need mo pa pumunta sa office na naman??” Nakakairita kase, buti na lang nagkaboyfriend kaya madalang na lang sya bumisita.

 

Ang pangit ng ngiti ng kapatid ko, halatang may gustong gawing masama sa mga kaibigan ko, at speaking nga ng colleagues, narinig ko na busina ng sasakyan ni Sunny, sinilip ko muna sya sa bintana at mabilis ko nang hinanap yung sapatos ko. Kung mamalasin nga naman talaga, hindi ko pa mahanap, lagot na naman ako nito pag baba.

Sa lahat naman kase ng pwedeng mawala bakit yung sapatos ko pa sa ganitong oras, badtrip naman nakakasira ng araw. Sinilip ko ulet si Sunny sa labas at nakita na nya kong nakadungaw sa bintana. Can we just take a break myghod, nginitian ko na lang sya at tumakbo na ko palabas, ayoko salubungin ng sermon ang aga aga ang pait ng ihahandang almusal.

 

“Sinusundo ka na nga, ang bagal mo pa rin kumilos, girl working ka na hindi pwedeng ganyan.” Sabi mo habang nakakunot ang noo mo, maaga pa naman ano bang pinuputak nito.

“Eh, boss maaga pa naman, we don’t need to rush that much, pinepresure mo yung sarili mo saken eh.” Well totoo naman, masyado syang pressured na ilipat ako sa kabilang team ng company namin.

“Gusto mo bang malipat sa kabilang team ha? Syempre trabaho kong alagaan yung mga under ko. Ayokong basta ka na lang ittransfer without any permission from me.” Inirapan mo ko, okay na sana kaso attitude ka pa rin talaga, sweet na nga yung sinabi mo pero di talaga mawala yung irap.


Sarap dukutin ng mata para hindi na nakakapagmaldita...


“Sabi ko nga po hindi, tara na po, baka malate na naman po tayo, pati position mo tanggalin sayo.” Palagi nya na lang kase sinisisi saken ang possibility na mawalan sya ng posisyon kakasundo saken, sino ba kase nagsabi sa kanyang sunduin ako. Wala naman so partly not my fault at all, and not my responsibility to fill.

 

One thing I like about being fetched at home is that I don’t get to see all annoying things in the streets, except na lang sa walang katapusang traffic ng Maynila, kahit saang kalsada lumusot may traffic. Don’t get me wrong everyone hates traffic, kahit si Sunny na maganda lagi ang gising, nasisira dahil sa tagal ng usad ng mga sasakyan, yung convenience ng may sariling private car, sinisira ng mga taong may mindset na katulad ko. Mag sasakyan na lang para iwas init ng ulo.

Nagconnect ako ng speaker sa Bluetooth ng sasakyan ni Sunny, at nagpatugtog na lang ng mga kanta para pareho kaming hindi mabagot, at habang stuck pa rin kame sa pagitan ng mga sasakyan, nahagilap ko na naman ang mga lumang litrato namin ni Yuri.

It’s nice to look back at the old times, it’s nice to smile at the memories inside of it, miss na miss ko na talaga girlfriend ko, na kung pwede lang sana bukas makita ko na sya, o kaya mamaya umuwi na sya. Alam mo yung oras oras ka nag iisip kelan nya kaya balak umuwi?

 

“Ano ba yang kanta mo lakas maka single, wala ka bang pang head bang dyan para relate naman ako.” Oo nga pala, ang ganda kasi ng kanta, naalala ko kasi lagi rin namin tong kinakanta habang naglalakad sa gabi.


O kay sarap sa ilalim ng kalawakan,
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa…


“Hayaan mo na, maganda naman yung kanta, nakikinig ka na lang nga rereklamo ka pa.” Sabi ko habang sinasamaan ko sya ng tingin, ayan na naman yung irap nya, pero hindi ko na lang pinansin at pinikit ko na lang ang mata ko.
 

Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig pa rin ng liyab na 'king nararamdaman
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo
Isang tingin ko lang sa buwan napalapit na rin sa iyo…


Hindi ko na namalayan nakarating na pala kami sa office at nakatulog ako ng matagal-tagal, in fact, this is one of the peaceful sleeps I ever had, dahil minsan mas gugustuhin ko munang makausap si Yuri bago ako makatulog ng mahimbing. Agad kaming sinalubong ni Seohyun na halos kakabalik lang galing ng pantry, si Yoona naman ay busy lang magtype ng mga ineencode nyang papers. Pumunta na si Sunny sa desk nya habang ako ay nagtimpla muna ng kape.

Naramdaman ko agad ang mabigat na yabag ni Yoona papalapit sakin, dalawa lang naman ang ibig sabihin ng pagsunod ni Yoona sakin ng ganito ka aga, either may mainit at mabangong tsaa syang dala or may kailangan sya ng ganito kaaga, either way wala naman ako halos pakialam sa kung ano ang saabihin nya.

 

“Pupunta raw si Krystal dito mamaya? Nagtext saken kapatid mo nagpapasama saken mag shopping. Diba next week pa naman bridal shower?” So ayun naman pala ang dahilan bakit pupunta si Krystal.

“Oo next week pa nga, pero baka nag reready na lang din yon, tsaka pala sama ko kayo sa night out ng fiancé nya, that’s like on two days. Ano, G?” Nakita ko ang paglawak ng ngiti mo kaya agad akong natawa sa itsura mo, halatang mas excited ka pa sa night out kesa sa mismong kasal.

“Ay G ako dyan, kasama rin ba yung dalawa? Isama mo para pare-pareho tayong hndi makapasok. Anyway, sumama ka rin mamaya hindi ko naman alam mga gusto ng kapatid mo.” Tumango na lang ako habang tumatawa sa mga sinabi mo, at paglabas mo ng pantry agad kitang narinig na sumigaw.

 

Si Yoona talaga, hindi muna ko hinintay matapos dito bago ipamalita sa iba, paglabas ko ay agad akong sinalubong ng trabaho sa desk ko, ano pa nga bang magagawa ko araw araw namang ganito. Naupo na ko agad at b

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
palitao
#1
Chapter 47: I just re-read this again.🙃
jaangwaang
902 streak #2
Chapter 47: wala bang epilogue author?? final na talaga? ang sakit sa part ni yuri pero mas mapanalot yung nangyari kay jess. 😭

maraming salamat sa story na to, the best kahit ilang beses ako umiyak, di ko pa nararanasan magmahal ng sobra pero parang nakakarelate ako sa sakit. The best angst story, sinagad talaga yung sakit.

p.s. epilogue juseyooo😭
jaangwaang
902 streak #3
Chapter 29: mapanakit talaga huhuhu grabi,😭
palitao
#4
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#5
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#6
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#7
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
delunajham #8
Chapter 48: My yulsic hart.. too much ba otor kung hilingin ko na sana may epilogue ka tapos gawin mo naman happy ending.. na kahit ganyan ang nangyari sakanila.. still destined pa din sila sa isat isa.

Anyway thank you sa maganda at nakakaiyak na storya. Sana may susunod pa.
okluiza
#9
Chapter 1: Nag skip ako para mag comment parang di ko ata kaya basahin ahahaha sheyt. Okay back to the top
okluiza
#10
NAmiss ko Yulsic soooo ayung mag babasa ulit ng story nila, haist parang kelan lang 😢