"Bakit naman hindi."

Broken Lines
Please Subscribe to read the full chapter

 

Hindi na sila nagtagal sa loob ng shop ni Taeyeon at dumiretso na sila sa bahay nito, hindi naman ito ang unang beses na nagpunta si Sica sa bahay nya, pero parang bumalik siya sa pagkabata nang makita na wala pa rin nag babago sa loob ng bahay nito. Inikot lang nya ang mata nya sa loob ng at laking tuwa nya makita ang mga chismosang kapitbahay ay wala pa ring pinagbago habang humihigop ng mainit na tsaa.

Ang mga bagay na nakagisnan nila noon ay ganon na ganon pa rin, halos ramdam pa rin ni Sica na nasa college pa rin sya tuwing bumibisita sya kanila.

 

“Ay mare!! Eto yung mga batang nag iinom sa labas ng bahay nyo noon diba?” at ayan na nga, pati ang mga maliliit na bagay na ayaw na sanang maalala ni Sica ay binabanggit pa ng kanilang mga kapitbahay.

“Ay mare naku! Kailangan ko pa pagtabuyan noon sila Yuri para lang umuwi ng maaga.” Ramdam ko ang kahihiyan ni Taeyeon sa tuwing pinag uusapan ng buong barangay ang kagaguhan nila noong college.

 

Talaga naman laman sila ng kalye nung mga panahon na yon, halos araw araw tambay sa bahay nila Taeyeon, palaging binabyahe ng magtotropa, nagiging hotel nga ito dahil halos isang lingo silang tumira ron. Nakakatuwang isipin ang mga araw na thesis lang ang pinoproblema ng barkada o kaya makakuha lang ng tres ay pwede nang ipagdiwang.

Sila kasi yung sakto lang, mga sakto lang sa kung ano ang kaya, hindi pinipilit maging bida. At kahit sakto lang sila, nagiging maganda ang mga huling araw ng pag aaral nila. Bumati na lang sila sa mga nakakatanda at umalis na, katulad lang din ng tipikal na pamilyang Pilipino, ay agad nagmano si Sica sa lola at lolo nyang halos hindi na maalis ang mata sa screen ng TV.

 

“Ah, lola si Jessica, kung naalala mo pa po, tropa ko po nung college.” Ngumiti naman ang matanda sa kanila, hinawakan ang kamay ni Sica kaya naman napilitin itong maupo sa sopa.

“Maganda ka pa rin iha, siguro ay may boypren ka na? O ikakasal na…” yumuko na lamang si Taeyeon, eto talaga ang ayaw nyang mangyare, eto ang ayaw na ayaw nyang marinig sa kanila.

“Ay, hindi po, girlfriend po.” Matapang na sinagot ni Sica ang tanong ng lola ng kaibigan, nag isip ito sandal nag-isip kung namali lang ang dalaga ng sinabi. Naghintay sya ng ilang segundo inakalang may sasabihin pa ito.

“Gerlpren? Eh babae ka iha… katulad ka rin ba ng apo ko? Gusto ko pa man din makita ikasal itong si Taeyeon. At maabutan maging ina.”

“Lola ilang beses ko ba babanggitin, ayoko nga pong magpamilya…”

 

Tinignan lang ni Taeyeon ang kanyang lola, kahit noon pa man ay matagal na nilang pinag aawayan ang kasal, laging pinipilit ng lola nya ang magkapamilya si Taeyeon. At kahit hanggang ngayong nagtatrabaho na sila ay hindi pa rin matanggap ng lola nya ang landas na pinili ng kaibigan, hindi naman sila masisisi talaga dahil kinagisnan nila ang dating nakagawian.

 

“Ewan ko sayo Taeyeon, ayusin mo buhay mo. Di ka na nagbagong bata ka, kita mo nga tong kaibigan mo oh, may nararating sa buhay. Tapos ikaw naman pa drawing drawing lang.”

“Lola, hahah grabe naman kumikita naman po ako ron sa pinagkakaabalahan ko, isa pa nakikinabang nga rin po kayo sa pera ng jowa ko...” Gusto na lang sana manahimik ni Taeyeon para hindi na magkagulo.

“Eh mayaman yung kaibigan mo, syempre kung gerlpren mo yon dapat sustentuhan ka nya, papayag ba sya na ganyan ka?” Napatingin si Sica sa kaibigan, at nakita nitong nasaktan siya sa mga nasabi ng lola, habang ngiting ngiti pa rin itong nakatingin kay Sica, hawak pa rin ang kanyang kamay.

“Sana lola, wag naman po ganon yung tingin naten don sa tao, kahit respeto na lang po na pinaghihirapan nya para po sa pamilya nya yung pera nakukuha naten sa kanya.” Kahit sya na bestfriend lang ni Tiffany ay nasaktan sa mga salitang binitawan ng kanyang lola. First of all, it was never easy to earn such money, second, you don’t define love by how much someone can pay for you.

 

Sa hindi kalayuan, nakita agad ni Sica na lumingon ang nanay nito, kumunot ang noo, at lumapit sa kinaroroonan nila. Nakita nyang agad nag punas ng luha si Taeyeon habang papalapit ang ina. Kahit hindi na bago sa pandinig ni Sica ang ganitong klaseng usapan, malamang ay rinding rindi na ang kanyang kaibigan.

 

“Nay, ano ba yan, may bisitang dinala yung apo mo, tapos magsasalita ka ng ganyan…” Tahimik na lang at yumuko si Sica habang nakikinig sa mga matatanda. Siya na hindi naman anak ng magulang ng kaibigan ay nasasaktan sa mga sinasabi nila paano pa kaya si Taeyeon na kanina pa nagpipigil ng luha.

“Eh totoo naman, mabuti na nga lang at mabait yung batang yon, laging may handang pera, eh si Taeyeon puro lang drawing ginagawa, hindi naman kumikita.”

“Nay, ginagawa naman ng anak ko kaya nyang gawin, isa pa ang bait bait ng batang yon sa inyo, tapos ganyan tingin nyo. Respeto naman sa pamilya ni Fany ma. Yung gusto nyo sabihan umalis na, naririndi na sa inyo.” Sica noticed her friend’s sudden absence, the young woman bid her goodbyes and looked out for Taeyeon.

 

Paniguradong madalas itong marinig ng Taeyeon, at ang nakakalungkot pa ron ay pinahiya sya sa harap ng matalik na kaibigan, ayaw na ayaw pa naman nitong may ibang nakakarinig sa pagkukumpara ng kanyang lola dahil pakiramdam nyang sinsadya siyang ipahiya nito lalo sa mga kamag anak nilang panay ang bisita.

Lumabas agad ng bahay si Jessica, inikot ang mata habang naglalakad, napansin nyang matagal tagal rin pala sila sa loob at halos pahapon na rin nang abutan ang padilim na kalangitan, ayaw na sana mag tagal ni Sica sa labas dahil mahirap mag commute sa gabi, pero nagpasya na lang muna itong hanapin ang kaibigan.

Napansin nyang bumibili ito ng dirty ice cream na huminto maglako para sa kanya, naalala nya noong high school sila, ay walang araw na hindi sila bumili ng ganito pag uwi. Hindi pa rin talaga nagbabago si Taeyeon, comfort food pa rin nya ang paborito nilang kainin sa hapon.

Agad nilapitan ni Sica si Taeyeon at ngumiti ito sa kanya ng maramdaman nya ang pag angkla ng kamay sa kanyang maliit na braso. Bumalik na sa paglalako ang tindero ng ice cream habang naglakad lang sila ng naglakad sa kalsada, pinapanood ang mga batang naglalaro sa iskinita ang pinakikinggan ang ingay ng mga sasakyan.

 

“Sica, sorry kanina, narinig mo na naman si lola na ganon. I wish Tiffany would never ever hear those words from my family.”

“Ano ka ba, wala naman sakin yon, I just can’t imagine how you are handling that kind of judgement, for sure hindi lang naman yan isang beses nangyari…”

“Sanayan na lang naman yon, and art is my escape it expresses me so mch, kaya kahit minsan mahirap ibenta okay lang, it still helps me a lot.”

“Al

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
palitao
#1
Chapter 47: I just re-read this again.🙃
jaangwaang
903 streak #2
Chapter 47: wala bang epilogue author?? final na talaga? ang sakit sa part ni yuri pero mas mapanalot yung nangyari kay jess. 😭

maraming salamat sa story na to, the best kahit ilang beses ako umiyak, di ko pa nararanasan magmahal ng sobra pero parang nakakarelate ako sa sakit. The best angst story, sinagad talaga yung sakit.

p.s. epilogue juseyooo😭
jaangwaang
903 streak #3
Chapter 29: mapanakit talaga huhuhu grabi,😭
palitao
#4
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#5
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#6
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#7
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
delunajham #8
Chapter 48: My yulsic hart.. too much ba otor kung hilingin ko na sana may epilogue ka tapos gawin mo naman happy ending.. na kahit ganyan ang nangyari sakanila.. still destined pa din sila sa isat isa.

Anyway thank you sa maganda at nakakaiyak na storya. Sana may susunod pa.
okluiza
#9
Chapter 1: Nag skip ako para mag comment parang di ko ata kaya basahin ahahaha sheyt. Okay back to the top
okluiza
#10
NAmiss ko Yulsic soooo ayung mag babasa ulit ng story nila, haist parang kelan lang 😢