"And something we can both go through."

Broken Lines
Please Subscribe to read the full chapter

 

My alarm rang at exactly 6AM in the morning, sobrang gaan sa pakiramdam gumising tapos ang bubungad sayo yung mukha ng mahal mo, magkatabi kaming natulog sa kwarto nya, finally the I don’t have to sleep alone ever again. Hindi ako bumangon at tinitigan ko lang yung mukha nya.

I caressed her cheeks, slid my fingers down on her pointy nose, and ended up touching her lips, I still can’t believe she is just an inch away from me. Hindi pa sana ako gagalaw since I could spend the entire day just watching her sleep.

Kung hindi ko lang need magprepare ng breakfast, I’ll wait for her to wake up. So I got up and naglakad na ko papuntang kitchen. Tinignan ko yung laman ng ref nya at infairness mukhang kakagaling lang nya sa grocery, so kumuha na lang ako ng eggs and bacon para mabilis iluto.

I also plan to make french toasts since naging favorite ko syang almusal ever since nag France ako, and I want her to taste the one’s I will make. I made myself an iced coffee para magising diwa ko, hindi pa kasi nag aadjust yung sleeping pattern ko, okay lang naman though, kakauwi ko pa lang kahapon.

I just made a fried egg omelette when I felt Jessica’s arms on my waist, napalingon ako, and she looks tiny in her pajamas. She was still half asleep but her hug was tight enough for me to notice.

 

“What’s wrong babe? Are you okay?” I said in a worried tone, and then nilingon mo ako, you were anxious, I bent a little to reach your level tapos nakita kong paiyak ka na.

“I just thought yesterday was a dream, natakot lang ako na natulog akong katabi kita, tapos nagising ako wala ka na.” I pulled her for another hug, I didn’t know na she had dreams like that...

“I’m real okay, nandito na ko, hindi ka nananaginip, nagluto lang ako ng almusal natin. Upo ka na lang dyan, kuha lang ako water.” At naupo ka naman sa counter, kumuha ako ng water bottle at inabot ko sayo. Bumalik muna ko sa pagluluto habang ginigising mo pa yung diwa mo.

“What are you cooking pala? It smells nice ha.” You said, and then lumapit ka ulit sakin. Sinilip mo yung pan at nakita kong naexcite ka bigla kumain.

“Just egg omelette and french toast hun, wait mo na lang ako dyan okay, I’ll handle everything.” You went back upstairs but before you left humalik ka pa sa cheeks ko.

 

Naramdaman kong namula yung tenga ko, at uminit yung batok ko, shet kinikilig ako. Lakas mo talaga saken Jung Sooyeon. Bigla ka tumakbo nang napahinto ako magluto.

 

“HOY PANINDIGAN MO YUNG KILIG KO!! KULANG PA YUNG MORNING KISS KO!!” Hindi na kita hinabol baka masunog pa yung almusal natin, inintay na lang kita makabalik, para makaalis tayo ng maaga.

“Nasabi mo na ba kila tita na nandito ka na?” Tanong mo habang nakatingin sa phone mo, hindi ko pa nasasabi kela mama dahil gusto ko rin sila isurprise.

“Hmm, hindi pa, since we will go na lang today.” Matipid kong sinagot, hindi mo pa ginagalaw yung pagkain, kaya hinintay ko munang matikman mo ulit yung gawa ko.

“Good idea, hindi pa ako ulit nakakabisita kay tita so let’s go together, and the food is good! Sarap talaga magluto ng chef ko.” And you wink at me, nilalandi mo naman ako, ang aga aga. Pero hindi naman ako nagrereklamo though.

“Alright, after we eat tara na agad, maliligo lang ako.” Natapos naman din tayo agad kaya ikaw na ang naghugas ng pinagkainan.

“Sama ako hehehe.” Nakangisi kang tumingin sakin, minsan talaga hindi ko alam kung kikiligin na ba ko o kikilabutan sa mga sinasabi neto.

“Ahh talaga ba?? Ano??” Lumapit ako sayo, and I was about to carry you pero winisikan mo akong sabon, and I admit I miss our early years of relationship.

 

It was too early and yet here we are playing with water and dishwashing soap, naabala ka naman nang tumunog bigla yung phone mo. Tumakbo na ko ng banyo para hindi mo na ko abutan pa, ayoko rin na abutan tayo ng rush hour sa pagpunta sa ospital.

Natapos na ko mag ayos pero nakita kong busy ka pa rin, it looks like andami nyo na namang ginagawa sa work, I wish I could do something to help. Seryoso ngayon yung mukha mo kaya hindi na muna kita ginulo. I just walked around your unit, and on your bookshelf, I found our pictures through the years.

Tinignan ko ulit lahat ng pictures natin from high school until college, grabe pala laki na nang pagbabago natin, in those four years, we really did a great job nurturing each other.

 

“Babe, what are you doing? Tapos ka na ba?” You suddenly appeared from the kitchen. Tumango lang ako at pinakita ko ulit sayo yung pictures natin.

“Look at this, I miss the good old times, ang cute cute mo dito oh.” And pinakita ko sa kanya yung picture namin noong high school.

“Totoo ba? Ikaw lang cute dyan eh.” You said and you pouted, wag kang ganyan marupok pa naman ako kapag nag ppout ka.

“Exactly, kase mukha kang mangga dito HAHAHA.” Napahinto ako sa pagtawa dahil hinampas mo ko ng hinampas, nakakamiss ka rin asarin, pikon ka pa rin kasi.

“Bahala ka dyan, maliligo na ko.” At umalis ka na sa kinatatayuan mo, tinignan ko lang yung phone mo at nilagay na lang sa table. Ang cute, picture ko yung wallpaper mo.

 

Kinuha ko rin yung phone ko para picturan yung lumang litrato namin dito, nasan na ba yung copy ko ng mga 'to? Wala na ata sakin, sayang naman.

Hindi ako mapakali kasi ang daming notif ng phone ni Sica, hindi ko naman tinignan dahil ayoko rin iinvade yung privacy nya at kung sino man yung kausap nya. Buti na lang nakalabas na sya ng banyo kaya inabot ko na lang agad yung phone.

 

“Oh phone mo, daming notif, tunog ng tunog.” Tinignan nya yung mga texts at hindi maipinta yung expression ng mukha nya.

“Did you look at it?” Tanong mo, there’s nothing to look at naman, why bother ask pa.

“Nope, anyway, it that work?” Balik tanong ko na lang sa kanya.

“Yeah, ang dami na naman naming ginagawa hell week at it’s finest.” The amount of workload na ginagawa na naman nila sa company na yon hay.

“Okay, go and dress na, para makaalis na tayo.” Sabi ko na lang at nahiga ako sa sofa, hindi ka naman ganon katagal kaya mabilis ka lang din nakabalik.

 

The hospital’s not that far from your unit kaya hindi naman tayo masyado inabutan ng rush hour, nakakamiss din

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
palitao
#1
Chapter 47: I just re-read this again.🙃
jaangwaang
903 streak #2
Chapter 47: wala bang epilogue author?? final na talaga? ang sakit sa part ni yuri pero mas mapanalot yung nangyari kay jess. 😭

maraming salamat sa story na to, the best kahit ilang beses ako umiyak, di ko pa nararanasan magmahal ng sobra pero parang nakakarelate ako sa sakit. The best angst story, sinagad talaga yung sakit.

p.s. epilogue juseyooo😭
jaangwaang
903 streak #3
Chapter 29: mapanakit talaga huhuhu grabi,😭
palitao
#4
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#5
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#6
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#7
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
delunajham #8
Chapter 48: My yulsic hart.. too much ba otor kung hilingin ko na sana may epilogue ka tapos gawin mo naman happy ending.. na kahit ganyan ang nangyari sakanila.. still destined pa din sila sa isat isa.

Anyway thank you sa maganda at nakakaiyak na storya. Sana may susunod pa.
okluiza
#9
Chapter 1: Nag skip ako para mag comment parang di ko ata kaya basahin ahahaha sheyt. Okay back to the top
okluiza
#10
NAmiss ko Yulsic soooo ayung mag babasa ulit ng story nila, haist parang kelan lang 😢