"Ako? It might hurt you."

Broken Lines
Please Subscribe to read the full chapter

 

Nakatitig lang ako sa phone ko, hindi ko maalis yung atensyon ko sa text ni Tiffany sakin, hindi ko rin alam paano ko ipapapaliwanag sayo yung natanggap ko. Napansin kong nakatingin ka na sa direksyon ko, pero kusa na lang gumalaw yung kamay ko para ipakita sa harap mo yung text. At natigilan ka rin, nakatulala ka lang sa hangin.

Naghihintay ako ng sasabihin mo. Kahit anong paliwanag pa yan basta gusto ko lang yung totoo. Pero wala ka pa ring sinabi, hawak mo pa rin yung phone ko kaya ako na lang ang nagbato ng tanong sayo.

 

“Akala ko ba nagpaparefer sya? Bakit walang malay si Tiffany? Are you...” Sabi ko, I was just standing there waiting for you to respond, yumuko ka lang at saka mo inabot yung mga kamay ko.

 

Inalis ko, I want you to answer me first, I want you to tell me the truth. Pinilit mong abutin ulit yung kamay ko pero pilit ko ring inilalayo ito sayo, Jessica ano ba talaga nangyayare? Bakit hindi mo masabi sa akin?

 

“....” And you didn’t say anything, pumunta ako sa living area, at kinuha ko yung phone mo, pero hinabol mo ko at inaagaw mo sa akin yung phone, bakit? Meron ba kong hindi pwedeng malaman?

“Why? Why are you taking this away from me?” Kalmado pa rin ako, at pinipilit ko lang pakalmahin yung sarili ko. Hindi ka tumitigil kaka talon para lang makuha sakin yung cellphone.

“I’ll explain Yul, just give me back my phone, please...” Binaba ko nang bahagya yung braso ko at inabot mo na yung phone mo, naupo ako at naghintay ako sa sasabihin mo, hindi ako galit, hindi ako galit... gusto ko lang muna malaman yung totoo.

“Why are you lying to me?” Panimula ko, pero hindi ko siya matignan ng maayos.

“I didn’t lie about it, he really wanted to do it, the thing is, hindi ko pa talaga sinasabi kay Tiffany yung about don, Yes we’ve been talking for almost a month now, kasi iniintay ko maging free yung schedule nya.” Yon lang ang sinabi mo, now that you are acting so defensive dyan sa phone na yan, alam kong may iba pa.

“What else, sabihin mo na sakin lahat.” Bago pa ko makaramdam ng galit please tell me everything.

“I’ll can’t tell now, hindi ko pa kaya sabihin sa ngayon, please Yuri give me time to think...” Napakagat ako sa labi ko, tangina bakit kailangan ko pa maghintay.

“Why can’t you say it now? Ano pa ba ang hinihintay mo?” I’m still trying to lower down my voice, mas lalo kaming hindi magkakaintindihan pag nagalit kami pareho.

“I will tell you soon, it’s just that hindi pa ngayon ang oras.”

“Then when? Kelan pa? Kelan yung tamang oras na yan?”

 “Please just trust me this time...” You are almost begging me to listen, napabuntong hininga ako, tumango ako sa sinabi mo at hinayaan kita kung kailan mo gusto magsalita, hindi ko pwede ipilit ang ilang mga bagay dahil mas mapapasama lang sila.

 

Napatingin ako bigla sa singsing na suot mo, napatingin din ako sa relo na nakasuot sa wrist ko, tangina bakit pakiramdam ko wala ring silbi ‘tong mga regalo na ‘to...

Nakayuko ka pa rin sa harap ko, hindi ka umaalis sa pwesto mo, and this time, pinipigilan ko yung sarili ko maawa sayo, ayoko lumapit at iangat ka sa ginagawa mo, ayoko hawakan yung kamay mo at ilipat ka sa tabi ko. Tinignan lang kita, at hinayaan kitang ganyan kaya yumuko ako kasi hindi kita kayang titigan ng matagal.

 

“Yul... Yul buntis ako....” nakatitig pa rin ako sa sahig, hindi ko alam kung tama yung narinig ko, kaya tinanong kita ulit, this time I stared right at your eyes, at ganon ka rin.


 

“Yuri, buntis ako, two months na...”

 


Tumulo yung luha mo, napayuko ka ulit, at naririnig ko yung hikbi mula sayo, I didn’t dare to make a single move, I didn’t dare touching you, and the moment I heard those six words from you, everything made sense, lahat ng pagbabago sayo, at sa atin. Kaya naman pala biglang iba na...

You finally had the courage to stand up and walk towards my direction, pinilit mong hawakan yung kamay ko, pinilit mong abutin yung damit ko, pero inalis ko lang yung pagkakahawak mo, please don’t make things harder for me. Halos humagulgol ka na sa harap ko, pero ni isang luha walang lumalabas sa mata ko, masyado na ba kong nasanay sa sakit? At kahit yung pinaka masakit na salitang narinig ko hindi sapat para maiyak pa ako.

 

“Yuri...Yuri please talk to me, please say something, babe...” Hindi ko masikmura ngayon na nagagawa mo pa kong tawaging babe sa sitwasyon natin.

“Is it why, Yifan kept calling you? Is it why he keeps on texting you... So... Kayo na ba?” I said bluntly. Pero umiling ka, hindi ko alam kung yan yung iling para hindi sumang ayon sakin, o iling para iwasiwaas yung luha mong patuloy tumutulo.

“Hindi, hindi... Hindi kami.” At hindi ko na rin alam kung dapat pa ba kong matuwa na hindi kayo at sa akin ka pa rin, teka, hindi ka naman na sa akin ng lagay na to.

 

Hindi pa rin ako makaimik, hindi ako makasagot, at kahit paulit ulit kang lumapit sakin, patuloy kitang tinutulak palayo, masyadong nakakabingi yung mga sinabi mo, at parang biglang nagmarka na lang sila ngayon sa utak ko. Pero baka hindi, baka inuunti unti ako ng mga salitang yon at sa gabi ako balak saktan ng husto.

“Kailan pa yan? Kailan mo nalaman?” And you just gave me your phone, ngayon parang ayoko nang makita pa kung anong laman nyan, parang ayoko nang mabasa pa kung ano yung dating gusto kong makita.

Pero ako naman tong si tanga, kinuha ko pa rin, kung nandito ang lahat ng sagot, bakit ko ipagkakait yon sa sarili ko? I opened your conversation with him, and it had been a one sided convo, wala kang reply sa kanya at puro sya lang ang nagtetext sayo.


 

“Sooyeon, talk to me first, I will explain, please...”

 

“Jess, please see me, I have to talk to you.”

 

“Don’t be like this, pag usapan muna natin ‘to...”

 

“Sooyeon, papanindigan ko naman, don’t push me away, hindi naman kita tatakasan.”

 

“Sooyeon, let me be with you.”

 

“You can’t take away my responsibility as a father Jessica, wala naman tayo magagawa, it’s also my child.”

 

“Hindi ko kayo guguluhin ni Yuri, please just let me be with my baby.”

 

“Sooyeon please talke to me...”

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
palitao
#1
Chapter 47: I just re-read this again.🙃
jaangwaang
903 streak #2
Chapter 47: wala bang epilogue author?? final na talaga? ang sakit sa part ni yuri pero mas mapanalot yung nangyari kay jess. 😭

maraming salamat sa story na to, the best kahit ilang beses ako umiyak, di ko pa nararanasan magmahal ng sobra pero parang nakakarelate ako sa sakit. The best angst story, sinagad talaga yung sakit.

p.s. epilogue juseyooo😭
jaangwaang
903 streak #3
Chapter 29: mapanakit talaga huhuhu grabi,😭
palitao
#4
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#5
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#6
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#7
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
delunajham #8
Chapter 48: My yulsic hart.. too much ba otor kung hilingin ko na sana may epilogue ka tapos gawin mo naman happy ending.. na kahit ganyan ang nangyari sakanila.. still destined pa din sila sa isat isa.

Anyway thank you sa maganda at nakakaiyak na storya. Sana may susunod pa.
okluiza
#9
Chapter 1: Nag skip ako para mag comment parang di ko ata kaya basahin ahahaha sheyt. Okay back to the top
okluiza
#10
NAmiss ko Yulsic soooo ayung mag babasa ulit ng story nila, haist parang kelan lang 😢