"Pakawalan mo na lang ako."

Broken Lines
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Because the thought itself is killing me! Hindi mo pwedeng isisi sa’kin na hindi matanggal sa utak 'kong niloko mo ‘ko, na habang nagpapakahirap ako, eto ‘ka, nakipag- sa iba! Jessica can you really expect me to move on from it? Na tuwing makikita ko siya naalala ko lahat, na sa tuwing makikita kita, naalala ‘ko yung sakit! Tinanggap kita, pinatawad kita, pero masakit, sobrang sakit pa rin!”

“No Yuri, don’t ever tell me tinanggap mo ‘ko! Kasi kung tinanggap mo ‘ko hindi tayo ganito, kung pinatawad mo ‘ko hindi na dapat tayo ganito. Ginawa ko na lahat para sayo, iniwas ko na lahat ng pwedeng makasakit sayo, pero binabalik mo ng paulit-ulit. Oo na nga eh naiintindihan ko ‘yon at parusa na sa’kin na hindi mo na ko pagkakatiwalaan, parusa na sa’kin na hanggang ngayon kahit hindi mo sabihin sa’kin, pinipilit mo na lang akong mahalin.

“Hindi mo naiintindihan yung sakit Jessica, madali sabihin sayo kasi hindi mo naman alam pakiramdam ng niloko, hindi mo alam pakiramdam ng araw-araw kang uuwi iniisip na habang wala ka kaya, iniisip ka niya? Habang hindi mo siya kasama, may iba kayang nandyan? And you know why it hurts so ing much? Kasi alam kong meron, alam ko na habang wala ako, nasa iba ka, na kahit walang kayo, na kahit sabihin mo pang ako yung mahal mo, Kris’ owns you!

At sasabihin pa sayo ng lahat, ipapamukha pa sa’kin ng lahat na, gusto mo rin! Diba kaya ayaw mo siyang paalisin? Kaya lagi mo siyang pinagtatanggol sa’kin? Kasi gusto mo rin!”

“Tangina Yuri, sino nagsabing ginusto ko ‘to? Sino nagsabing ginusto kong pinupuntahan niya ‘ko habang alam kong wala ka sa tabi ko? Sino nagsabi sayong ginusto kong ganyan yung iniisip mo sa’kin? Minahal mo ba ‘ko? Ha Yuri? Mahal mo pa ba ‘ko? Para kasing hindi na eh, sinasabi mo na lang.”

“Mahal kita Jessica, mahal na mahal kita, kaya nga ako na eh, ako na lang bibitaw sa’ting dalawa, ako na yung susuko habang maaga pa. Para hindi na kayo mahirapan, dito rin naman punta natin diba? Hindi ko na patatagalin.”

 

Voices are echoing loudly inside that four-cornered room where they are both standing. Jessica almost felt like she was dying from the unbearable pain Yuri is causing her, lumawak lang ang lamat, lumalim lang ang mga sugat, the remaining love can no longer mend their broken relationship, and no ‘sorry’ can save them from the piercing words digging it’s way on each other’s chest.

Hindi na rin maitago pa ng isa’t-isa ang luhang kanina pa pinipigilan, Jessica’s legs are trembling enough for her to fall on her knees, however, Yuri had been clenching her fist containing all her anger within her fingers. And just by standing an inch away from her woman, Jessica couldn’t make a single move to touch her, holding Yuri is like tightening the knot she’s been struggling to lose.

Para na rin niyang sinaksak si Yuri ng paulit-ulit, para na rin niyang pinilit basagin ang mga bubog na matagal nang nakabaon sa puso niya. Na kahit ano pang gawin ni Jessica...mali, kahit wala na rin itong gawin, masasktan pa rin ang dalaga sa kanya. It was just too much to handle, it can no longer be saved by both words and action. And there goes Yuri trying to stand to still, holding herself until the last drop of tears, yung lakas at kahinaan niya nasa harap lang, yung akala niyang pahinga niya kapapaguran rin pala, hindi na niya alam saan pa lulugar, hindi na rin sapat ang oras at espasyo para makapag-isip isip pa siya.

One choice was left for them to take, but no one dared to say it, masyado nang nalapnos ang mga dila sa mga sunog na salita, na kung dadaanan pang muli ay baka magdugo na. Hindi nagsalita si Jessica, dahil wala na ring boses ang gustong lumabas sa bibig niya, wala namang magawa si Yuri dahil masyado nang masakit sa ulo kung aaraw-arawin niya ang pag-iyak sa mga kasalanan nito.

 

“Sinabi mo pa sa’kin na wag muna ‘kong bibitaw diba? Sabi mo wag muna ‘kong mapagod, wag akong sumuko, kasi babawi ka ulit. Yuri nagtiwala ako sayo pero bakit naman ganito? Sabi mo pa wag kita paalisin kasi...kasi kahit paalisin kita hindi mo ‘ko iiwan, sabi mo hindi mo k-ko iiw-wan...”

“Pagod na tayong dalawa, at ayoko na ipilit yung sarili ko sayo, ipilit sabihin sa sarili kong okay pa tayo. Mas hindi ko na kakayanin kung pipiliin kong maging tanga ng paulit-ulit, pipiliin kong kalimutan yung sakit kasi ayaw mo kong umalis. Gusto ko nang huminga sa relasyon na ‘to ayoko nang sagarin yung sarili ‘ko.”

“Yuri...Yuri...please... Please wag mo naman ako iwan ng ganito. Promise, wala nang away promise hindi na ‘ko magagalit, promise iintindihin ko hanggang sa maging okay ka ulit. Wag ka lang sumuko.”

“Ayoko na Jessica, pakawalan mo na lang ako.”

 

She took Yuri’s hand, hoping she will still give her a chance, kneeling infront of her woman, Jessica is begging her to stay. But Yuri took a step back away from her, Yuri took her hands away from her grip, hindi na niya kayang yakapin pa ang buong pagkatao ng dalaga, at pakisamahan ang nakaraan na bumabalot sa kanya. Hindi na kayang tumbasan ng tamis ang timbang ng pait dahil simula pa lang hindi na talaga balanse, hindi na niya kaya pang matulog sa mga basang unan, na iniiyakan niya gabi-gabi, lunod sa mga alaala na minsan siyang sinantabi.

Hindi na lang talaga kayang tahiin at gamutin ang mga sugat na sa sobrang tagal nilang nandyan, nakaukit na yung sakit, at hindi na magagawang tuklapin ang natuyong langib dahil sa hinaba na ng panahon, magdudugo at magdudugo pa rin sila. Gaya niya, kahit ilang ‘patawad’ pa ang sabihin ni Jessica, magdudugo pa rin siya.

Pabigat ng pabigat ang mga luhang pumapatak sa sahig, at sa bawat pagtanggi ni Yuri ay siya naman paglapit muli ni Jessica. Silence comforted them, the sobs, the loud pain, are all comforted by their dead silence, hindi pa rin tinatanggap ni Jessica ang sinabi niya, at hindi pa rin niya binibitawan ang kamay na kanina pa niyang gustong alisin sa pagkakahawak. That’s it, Yuri had finally given up, Yuri could no longer wait for that moment where both of them can share the same smile and happiness which she knew from the start, will never happen.

 

“Y-Yuri...”

“Maghiwalay na lang tayo.”

 

In just four words, Yuri ended everything, ended their chapter, ended their moments together, she finally put an end to their suffering. With just four words, Jessica was able to let go of her hand, Jessica was able to make Yuri walk away from her, hindi pala siya ang solusyon, hindi pala siya ang gamot na matagal niyang hinahanap, hindi na pala sa kanya makikita ang tiwalang nawala. That moment, Jessica was able to understand she was the line that kept Yuri broken, and finally, she was able to put an end point; to stop the line from proceeding until it’s broken pieces will come complete.

At hindi siya gumalaw sa pagkakaluhod, habang pinapanood ang mga paa nitong naglalakad nang palayo, Hindi na siya tumayo para pigilan ito, hindi na siya tumingin pa hanggang sa bumalik si Yuri sa kany

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
palitao
#1
Chapter 47: I just re-read this again.🙃
jaangwaang
903 streak #2
Chapter 47: wala bang epilogue author?? final na talaga? ang sakit sa part ni yuri pero mas mapanalot yung nangyari kay jess. 😭

maraming salamat sa story na to, the best kahit ilang beses ako umiyak, di ko pa nararanasan magmahal ng sobra pero parang nakakarelate ako sa sakit. The best angst story, sinagad talaga yung sakit.

p.s. epilogue juseyooo😭
jaangwaang
903 streak #3
Chapter 29: mapanakit talaga huhuhu grabi,😭
palitao
#4
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#5
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#6
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
palitao
#7
Chapter 48: Mas grabe pa ata 'to sa muli. Grabe to. Thank you authornim! ❤
delunajham #8
Chapter 48: My yulsic hart.. too much ba otor kung hilingin ko na sana may epilogue ka tapos gawin mo naman happy ending.. na kahit ganyan ang nangyari sakanila.. still destined pa din sila sa isat isa.

Anyway thank you sa maganda at nakakaiyak na storya. Sana may susunod pa.
okluiza
#9
Chapter 1: Nag skip ako para mag comment parang di ko ata kaya basahin ahahaha sheyt. Okay back to the top
okluiza
#10
NAmiss ko Yulsic soooo ayung mag babasa ulit ng story nila, haist parang kelan lang 😢