Chapter 8

Gray

'Hyoyeon, pwede na bang Hyo ang itawag 'ko sa'yo?'

 

Sa totoo lang, ngayon lang nag tagal si Hyoyeon sa cell phone niya. Ang cell phone kasi para sakaniya, halos dalawang araw bago icharge dahil hindi naman niya talaga kasi ginagamit iyon. Pero dahil ratrat si Chanyeol kung mag text, wala na siyang magawa kundi ang mag reply. Aaminin naman niyang cold ang mga ibang reply niya kay Chanyeol, pero yun naman kasi talaga siya.

 

'Bahala ka, okay lang.'

 

Ang pagiging myembro ng Exo kailanman ay hindi naging madali kay Chanyeol. Lagi siyang nauunahan ng mga myembro niya pag dating sa babae. Nauna na si Kris kay Jessica, nauna na si Kai kay Yoona. Wala naman kasi siya mapiling maayos sa SNSD, wala rin namang babae na maayos sa school nila. At ang huling naka pukaw ng atensiyon niya ay yung tinatawag niya laging 'girlfriend ni Sehun'. Interesado siya kay Hyoyeon, pero dahil nga sa lagi siyang nauunahan, alam niyang may nauna na sakaniya kaya't hanggang kaibigan na lang talaga.

 

'Yeol itawag mo sakin, para cute.'

 

Mabilis rin naman agad na nag reply si Chanyeol bago pa maipasok ni Hyoyeon ang cell phone niya sa loob ng bag niya. Kasama niya ngayon yung dalawa niyang kaibigan. Nag aaway kasi silang dalawa kaya't walang nagawa si Hyoyeon kundi kunin ang cell phone niya.

 

Binasa lang naman ni Hyoyeon iyon, hindi na siya nag reply. Wala na rin siyang panahong mag reply dahil sa ngayon tinatawag na rin siya ni Yoona. Tuluyan na niyang pinasok ito sa bag niya.

 

"Hyo! Ilayo mo saakin si Jessica. Nag iinit ulo 'ko!"

 

Nandito sila, sa ilalim ng puno, nanaman. Gusto ni Hyoyeon dito, siya ang nag pupumilit, dahil payapa dito. Pero mukhang hindi rin magiging payapa dahil sa dalawang kaibigan niya.

 

"Mas maganda sana kung titigilan niyo yan."

 

Mahinang utos ni Hyoyeon 'don sa dalawa. Gusto ni Hyoyeon mag pahinga. Napagod naman kasi siya kagabi sa lakad nila ni Baekhyun, at sermon ng magulang niya. Hindi lang rin naman kasi sermon.

 

Masakit rin ang katawan niya at buti na lang talaga naka bili siya ng maraming pulbo pantapal sa mga bago niyang pasa.

 

"Eh kung kausapin mo kaya yang bestfriend mo at sabihin mong tumutulong lang naman ako sakaniya para maging close siya kay Kyungsoo."

 

Nakita nanaman ni Hyoyeon ang irap ni Jessica. Senyales na naiirita talaga si Jessica, pero tulad ni Jessica, inirapan lang din siya ni Yoona.

 

"Tsk. Eh kung kausapin mo kaya Hyo yang babaeng kambal mo tumingin at sabihin mo sakaniyang wala akong tiwala sakaniya dahil baka matakot sakaniya si Kyungsoo at mapilitan lang."

 

Naiirita si Hyoyeon sakanilang dalawa. Ang lapit nila sa isa't isa pero bakit kaya hindi na lang nila hinaan ang boses nila. Malapit nga sila, ginagawa pang taga sabi si Hyoyeon nung dalawa. Para lang silang baliw dalawa. Hindi alam ni Hyoyeon kung kanino ba siya sasang ayon. Tama naman kasi si Yoona, nakakatakot si Jessica. Pero kung si Jessica lang naman ang may kayang gawin para maging close si Yoona at Kyungsoo, why not naman daw sabi ni Hyoyeon. Pero hindi nga naman talaga maganda na gagawin lang ni Kyungsoo iyon dahil napipilitan siya.

 

"Putek, manahimik nga kayo."

 

Pinanood lang ni Hyoyeon yung dalawa na tiningnan siya at inirapan. Ang gulo lang talaga ng nangyayari ngayon, hindi niya maintindihan.

 

"Yoona naman kasi, hindi 'ko naman pipilitin si Kyungsoo. Sasabihin 'ko lang na baka pwede ba niyang ibigay yung ganito, ganyan sa'yo, kasi nag mamadali ako. Mas madaling paraan 'yon para mag usap kayo."

 

Umupo naman si Jessica sa lapag, nakatayo na kasi silang pareho.

 

Naintindihan naman ni Yoona ang punterya ni Jessica kaya't tumabi na ito sakaniya. Gulong-gulo talaga si Hyoyeon, kanina nag aaway sila, ngayon bati nanaman sila.

 

"Syempre Sica mag tatanong 'yon bakit sakaniya? Kung pwede naman kay Hyo, kay Lay. Diba?"

 

May punto rin naman kasi si Yoona sa sinasabi niya.

 

Mas pinili na lang ni Hyoyeon na tahimik na tumayo. Aalis siya sa lugar na iyon. Nagugulantang buhay niya dahil sa bunganga ng dalawa niyang kaibigan. Hirap ngayon mag lakad si Hyoyeon dahil sa masakit ang mga binti niya, napuruhan ang binti niya ng sobra kagabi.

 

Tiniis lang ni Hyoyeon ang sakit para namang hindi na siya nasanay 'don. Pinag titinginan nanaman siya ng mga tao, babae para sakto. Parang halos lahat naman sila gumawa ng daan sakaniya dahil literal na sa gitna siya ng mga tao nag lalakad.

 

Hindi rin naman nag tagal at nakita niya yung anim na babae na tinatawag nilang SNSD. Hindi niya pa rin alam ung ano nga ba ibig sabihin ng SNSD na iyon dahil hindi siya ineteresado. Ang sabi ni Jessica, mabait. Kung mabait edi hayaan na lang.

 

Doon niya napag tanto na ang SNSD pala ang dahilan kung bakit napagitnaan siya ng mga babae dito. Hindi niya alam kung tatabi ba siya o hindi. Daanan rin naman kasi iyon kaya bakit siya tatabi. Hindi naman niya tinitingala ang SNSD para tumabi siya. Dire-diretso siyang nag lakad. Nakita niya lang si Taeyeon na nakatingin sakaniya. Normal yung tingin, kung tutuusin nga, naka ngiti pa ito sakaniya. Hindi niya ulit maintindihan, ang akala niya galit sakaniya 'yong mga 'yon?

 

Makakalagpas na siya at nag ka salubungan na rin sila pero napahinto siya dahil may humawak sa braso niya. Bentang-benta talaga ang pulso at braso niya sa mga tao.

 

Humarap siya rito at nakita niya yung babaeng pinaka matangkad sakanila. Hindi kasi kabisado ni Hyoyeon kung sino sila, wala naman siyang pake 'don.

 

Aakalain siguro ng mga tao na ang kapal ng mukha niya dumaan sa dinadaanan ng mga reyna nila.

 

Nanliliit man siya pero diretso pa rin ang tingin niya dito. Ngumiti lang naman sakaniya yung banaeng matangkad.

 

"Ah, hi. Sooyoung ang pangalan 'ko. Ikaw si Hyoyeon, diba?"

 

Hindi ito ang ineexpect ni Hyoyeon. Ang inaakala ni Hyoyeon, ma bubully siya pero nakita niya naman huminto ang mga kasama nung Sooyoung na nag pakilala sakaniya at tumalikod rin naman papunta sakaniya. Naka ngiti pa rin si Sooyoung sakaniya.

 

"Ako nga, bakit?"

 

Hindi naman niya alam kung anong motibo ni Sooyoung 'don. Pero mukha namang mabait yung Sooyoung.

 

"Ate mo ba si Kwon Boa?"

 

Nag pantig ang tenga niya, nanigas ang katawan niya, natulala siya, nag tagis ang bagang niya. Walang may alam na kapatid niya si Kwon Boa maliban lang kay Yoona, na bestfriend niya. Sa school kasi na ito, puro mayayaman. May kompanya sila, pero hindi alam ng iba ang tungkol sa pag kakaroon niya ng kaugnayan sa minamahal nilang Kwon Boa.

 

Ayaw niyang sagutin yung tanong. Tutal sila lang naman dalawa ang nakakarinig ng usapan nila. 

 

"Bakit mo alam?"

 

Mas napangiti naman si Sooyoung sa tanong niya at binitiwan ang braso nito. Paano namang hindi malalaman ni Sooyoung?

 

"Wala naman akong magagawa kung mag kaibigan ang tatay mo at nanay 'ko. Wait, hindi pala sila mag kaibigan. Kabit nila ang isa't isa."

 

Alam naman ni Hyoyeon iyon. Na may kabit ang tatay niya, mukha pa lang ng tatay niya alam na niyang mag kakaroon ng iba 'yon bukod sa asawa niya. Ang galing siguro ni Sooyoung para malaman iyon dahil sa pag kakaalala ni Hyoyeon, nabanggit lang ng tatay niya iyon sakaniya. Habang sinesermonan siya.

 

"Alam ng myembro mo?"

 

Wala namang pake si Hyoyeon sa image niya, may pake siya sa sasabihin ng tatay niya pag kumalat ang balitang iyon. Kung malandi na si Hyoyeon sa paningin nila, edi malandi. Kung masungit, edi masungit. Kung cold, edi cold. Hindi siya pumapasok ng eskwelahan para mag pa impress. Ayaw niyang sirain ang sarili niya para 'don. Stupido lang para sakaniya ang mga nang huhusga sakaniya.

 

Natawa naman ng mahina si Sooyoung sa sinabi ni Hyoyeon sakaniya, alam naman ni Sooyoung na ayaw ni Hyoyeon malaman ng myembro niya. At tulad ni Hyoyeon, ayaw rin niya. Sa pag kakatong ito, gusto niya si Hyoyeon. Masyadong tapat si Hyoyeon sa nararamdaman niya. Brutally honest.

 

Humarap naman si Sooyoung sa mga myembro niya.

 

"Bye mga babes!"

 

Hila-hila niya ngayon si Hyoyeon at dinala niya sa tabi ng basurahan. Literal na tabi iyon ng basurahan. Naisip lang naman ni Sooyoung na walang lalapit sakanila kung 'don sila pupunta. Alam niya kung gaano kaarte ang mga studyante ng eskwelahan na pinasukan niya.

 

Hindi naman maarte si Hyoyeon kaya't umupo na siya sa tabi ni Sooyoung. Naiintindihan naman ni Hyoyeon ang point ni Sooyoung kung bakit nga ba doon sila umupo. Mahaba rin naman ang lunch break nila kaya't hahayaan niyang si Sooyoung ang makakuha ng natitira niyang oras. Hindi siya makikipag kaibigan, may gusto lang talaga siyang malaman.

 

"Hindi nila alam. Kung ipapaalam ko edi sinermonan ako ng nanay ko. She controls me."

 

Tinawanan lang ni Sooyoung ang sinabi niya kahit na gusto niyang maging malungkot. Totoo naman kasi, kinokontrol siya ng nanay niya. Wala na siyang tatay, namatay na. Masaya namang nakikita ni Sooyoung na masaya ang nanay niya sa tatay ni Hyoyeon. Pero sumobra na si Sooyoung, hinayaan ni Sooyoung na kontrolin siya ng nanay niya. Inisip niya lang naman kasiyahan ng nanay niya.

 

May mga matang malungkot si Sooyoung, at nakita ni Sooyoung yung matang meron siya sa mata ni Hyoyeon. Gustong maging malungkot ni Sooyoung sa harap ni Hyoyeon pero natatakot siya.

 

"Business partners ba magulang natin?"

 

Nakita ni Hyoyeon ang saglit na pag lungkot ng mata ni Sooyoung.

 

"Oo. At sa oras na nag sawa ang tatay mo sa nanay mo, mag papakasal sila ng nanay ko."

 

Alam na rin naman na ni Hyoyeon iyon. Pero ang ibig sabihin lang 'non, magiging mag kapatid sila ni Sooyoung. Hindi niya pipigilan tatay niya. Wala naman kasi siyang karapatang pumigil. Hahayaan niyang mag hiwalay sila ng nanay niya. Para namang naging nanay talaga ang nanay niya sakaniya. Para rin namang naging tatay ang tatay niya sakaniya. Hindi siya nag hihiganti, pinapanuod lang niya kung ano yung mga mangyayari.

 

"Bakit mo sakin sinasabi 'to?"

 

Nag tataka lang naman si Hyoyeon. Napa ngiti naman si Sooyoung, ito ang sinasabi niya. Straight to the point si Hyoyeon, kaya't gusto niya ito.

 

"Kasi kailangan mong malaman. Magiging mag kapatid na tayo, bakit hindi tayo pwede maging mag kaibigan? Maging close?"

 

Takang-taka si Hyoyeon kung paano nakakasiguro si Sooyoung na papakasalan ang tatay niya ang nanay ni Sooyoung. Wala naman kasing tiwala si Hyoyeon sa tatay niya. Kilala niya tatay niya, sobra.

 

Gustong umirap ni Hyoyeon pero mas pinili niyang ipanantili ang poker niyang mukha. Edi nakarating rin sila sa punto mismo ni Sooyoung, gusto niyang makipag kaibigan. Wala naman kay Hyoyeon iyon. Hindi lang talaga siya sanay. Dati, pinandidirian siya, nilalayuan na akala mo'y may nakakahawang sakit. Iyon ang buhay niya noon. Nagulat lang talaga si Hyoyeon sa biglaang pakikipag kaibigan sakaniya ng mga tao.

 

"Unang-una, hindi ako sasali sainyo."

 

Napa ngiti naman ulit si Sooyoung sa narinig niya. Nasaktan siya ng kaonti, pero nagustuhan niya rin ang pakiramdam. Ngayon lang siya nakahanap ng bagong babae sa school nila na hindi ginustong maka pasok sa SNSD. Ibang-iba nga talaga si Hyoyeon para sakaniya.

 

"Mag kaibigan na tayo?"

 

Mahinang tanong naman ni Sooyoung. May nag sasabi sa sarili niya na hindi papayag si Hyoyeon pero hindi naman siya susuko. Gusto niya kasi talaga maging kaibigan si Hyoyeon.

 

"Hindi pa."

 

Diniin ni Hyoyeon ang salitang 'pa'. Ayaw niya pang makipag kaibigan. Gusto niya pang makita kung seryoso ba si Sooyoung sakaniya, tulad ng pagiging seryoso ni Jessica. 'Pa' ang sinabi niya dahil makikipag kaibigan siya, pero hindi ngayon.

 

Bumuntong hininga lang si Sooyoung sa sinabi ni Hyoyeon. Wala naman siyang magagawa 'don. Hihintayin niya na lang yung panahon na maramdaman ni Hyoyeon na seryoso siya sa pakikipag kaibigan kay Hyoyeon.

 

"Magiging ba?"

 

Tumango lang si Hyoyeon sa sinabi niya.

 

Gaya ng sabi ni Hyoyeon. Hinayaan lang ni Hyoyeon si Sooyoung na makipag usap sakaniya. May linya sakanilang dalawa, sa pagitan nila. Pinag hihiwalay sila nito. Hirap man si Sooyoung, hindi naman siya susuko. 

 

*

 

Hindi alam ni Hyoyeon kung bakit ba siya pumunta ngayon sa tabi ni Lay. Gusto niyang makausap si Lay. Namimiss niya lang talaga siguro yung bakla niyang kaibigan. Wala nanaman silang teacher ngayon, at kasalukuyang malayo ang upuan ni Hyoyeon kay Lay kaya't nilapit niya ito. Bihira na rin kasi silang mag usap dahil busy si Lay, busy si Hyoyeon.

 

"Yixing."

 

Kinakalabit ni Hyoyeon si Lay dahil natutulog ito.

 

Alam naman niyang masamang mang gising ng natutulog, pero gusto niya kasi talaga maka usap si Lay.

 

"Hmm? Inaantok pa 'ko Hyo."

 

Hindi naman na kasi kailangan ni Lay tingnan kung sino ang nang gigising dahil kilala na niya kung sino iyon. Si Hyoyeon lang naman ang mang gaganon sakaniya.

 

"Gusto ko ng kausap. Gusto kitang kausap, dali na."

 

Imposible man, pero pag dating kay Lay marunong mag lambing si Hyoyeon. Komportable siya kay Lay. Sobrang komportable siya.

 

Narinig naman kasi ni Lay na gusto siyang makausap ni Hyoyeon, kaya't wala na siyang magagawa kundi ang bumango sa pag kakatulog niya. Naka patong pa rin ang ulo niya sa lamesa pero naka tingin siya kay Hyoyeon.

 

"Anong pag uusapan natin? Hyo naman, wala akong tulog kagabi."

 

Paanong hindi siya mawawalan ng tulog kagabi? Una, sinundan niya si Baekhyun at Hyoyeon. Pangalawa, nag aral talaga siya. Pangatlo, hindi siya makatulog.

 

Nag isip naman saglit si Hyoyeon ng mapag uusapan nila ni Lay. Pero wala naman siyang maisip. Hindi gumagana ang utak niya ngayong araw. Gusto niya lang talagang kulitin si Lay at makausap.

 

"Kahit ano. Bakit wala kang tulog?"

 

Napa ngiti naman muna si Lay bago sumagot.

 

"Nanood ako ng ."

 

Nanalaki ang mga mata ni Hyoyeon. Hindi niya kasi inaakalang manonood si Lay ng . Natawa naman si Lay sa reaksyon ni Hyoyeon. Nag eenjoy si Lay manood ng pero hindi naman niya sasabihin kay Hyoyeon iyon. Sino ba namang lalaking hindi nag eenjoy sa , diba?

 

"Putek, Yixing."

 

Iniwas naman ni Hyoyeon ang tingin niya kay Lay. Natatawa lang si Yixing sa reaksyon ni Hyoyeon, nakukyutan siya rito. May pagka lalaki rin naman siya, pwede ba.

 

"Joke lang. Nag aral naman kasi ako, tapos hindi pala papasok yung teacher."

 

Nanlaki naman ulit ang mga mata ni Hyoyeon kay Lay, bihira lang din kasi mag aral si Lay. Kung may exam lang talaga siya kung mag aral at alam ni Hyoyeon iyon.

 

"Bakit ka nag aral?"

 

Gusto nanamang matawa ni Lay kay Hyoyeon dahil sobrang clueless ni Hyoyeon sa nangyayari. Isa na lang naman na kasi ang hindi niya pa nagagawa kay Hyoyeon, ang mapangiti at mapatawa ito.

 

Halatang hindi nakinig si Hyoyeon sa announcement ng teacher nung isang araw.

 

"May exam ngayon Hyo."

 

"Weh? Hindi 'ko alam."

 

'Paano niya malalaman? Matalino naman na 'yan. Easy as hell na mga exam sakaniya. Tsk.'

 

Ayaw ng sumagot ni Lay sa sinabi ni Hyoyeon, dahil wala rin naman siyang masasabi. Swerte lang talaga siguro si Lay at hindi pumasok ang teacher.

 

"Hyo, kung sabihin 'ko sayong hindi ako bading, maniniwala ka?"

 

Nag babaka sakaling tanong ni Lay kay Hyoyeon. Gusto lang malaman ni Lay kung anong magiging reaksyon ni Hyoyeon kung sakaling hindi naman talaga siya bading.

 

Wala naman silang pake dalawa sa boses nila. Katamtaman lang ang boses nila at alam nilang silang dalawa lang ang makakarinig dahil literal na maingay ang mga tao sa klasrum nila.

 

"Oo naman."

 

Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin naniniwala si Hyoyeon na bading si Lay. Pero kailangan niyang maniwala dahil iyon ang sabi sakaniya ni Lay at Yoona.

 

"Bakit?"

 

Hindi na nag maang maangan si Hyoyeon sumagot.

 

"Lalaki ka kumilos Yixing."

 

Para kay Lay, hindi pa ito ang tamang panahon.

 

"Sad to say, bakla talaga ako."

 

Naka yuko pa rin naman si Lay, tinitingnan lang niya si Hyoyeon na nakatingin sakaniya ngayon. Lagi naman sila ganito mag usap. Mas close na nga sila ni Hyoyeon kung ikukumpara ni Lay ito kay Yoona. Matagal ng hinintay ni Lay ito.

 

Hindi pa rin naman maniniwala si Hyoyeon. Kailangan niyang makita na bakla talaga si Lay.

 

"Paano ka nakasiguro? Mamaya lalaki ka pala. Wala kang gusto sa Exo?"

 

Exo lang naman ang unang pumasok sa utak ni Hyoyeon dahil sa Exo close si Lay.

 

"Kadiri ka naman. Mga bading rin yung mga 'yon."

 

"Sus naman, aminin mo na Yixing."

 

Gusto ni Hyoyeon malaman kung sino ang gusto ni Lay, para maniwala siya.

 

"Wag 'yong mga panget na 'yon. Mga kaagaw 'ko 'yon."

 

Hindi naman narinig ni Hyoyeon yung huling sinabi ni Lay dahil hininaan ni Lay ang boses niya 'don.

 

At dahil hindi nga narinig ni Hyoyeon, nag taka siya, kaya't gusto niyang malaman.

 

"Ha? Ano yung huli mong sinabi?"

 

"Wala, manood ka na lang ng , masaya pa."

 

Hindi na nanlaki ang mga mata ni Hyoyeon pero lumapit si Hyoyeon kay Lay at bumulong.

 

"Masaya ba talaga manood ng ?"

 

Hindi na napigilan ni Lay ang pag tawa niya. Mahina lang naman iyon. Halos mainlove nanaman si Hyoyeon sa pag labas nanaman ng dimples ni Lay. Dimples nga kasi ang pinaka gusto niya kay Lay. Bagay na bagay sa inosenteng mukha ni Lay. Pero dahil sa sinabi ni Lay, mukhang hindi na ito inosente para kay Hyoyeon.

 

"Oo."

 

Tumatawa pa ring sabi ni Lay sakaniya.

 

Alam naman ni Hyoyeon na natatawa si Lay sa tanong niya.

 

"Hindi ba nakakadiri?"

 

Sa mga tanungan ni Hyoyeon, natunugan na ni Lay na may balak si Hyoyeon na manood. At kailangan niyang pigilan iyon.

 

"Putek, wag kang manood. Wag na wag, Hyo."

 

Curious lang si Hyoyeon. Hindi pa kasi siya nakakanuod ni isa. Wala siyang oras para 'don.

 

"Sabi mo masaya."

 

Napa face palm naman si Lay sa pagiging inosente ni Hyoyeon.

 

"Masaya para sa lalaki. Ewan ko sa babae."

 

Ang ibig sabihin, masaya para kay Lay?

 

"Bading ka naman eh."

 

Napa face palm naman ulit si Lay. Hindi bayolenteng tao si Lay pero ngayon gusto niyang alugin utak ni Hyoyeon, pero hindi niya naman kayang gawin.

 

"Lalaki pa rin."

 

"Kahit na."

 

Hinayaan ni lang ni Lay si Hyoyeon mag taka, mangulit. Matutulog na lang ulit siya. Mas gugustuhin niya pang matulog kesa pag usapan nila ang tungkol sa panunuod ng . Hindi naman mapakali si Hyoyeon. Kaya niya nga ginising si Lay, para mag usap sila. Tapos ngayon, tutulugan lang ulit siya. Hindi siya makakapayag.

 

"Yixing naman eh."

 

Inalog alog naman ni Hyoyeon ang balikat ni Lay. Desperada siyang makausap si Lay ngayon. Hanggang ngayon rin naman ay nag tataka pa rin siya sa gusto ni Lay. Gusto niya lang mapatunayan kung bading ba si Lay o hindi.

 

Iritang bumangon naman si Lay sa pag kakatulog niya at tinitigan si Hyoyeon. Gusto niyang magalit kay Hyoyeon, pero hindi niya kaya. Unfair.

 

"Ano nanaman?"

 

"Wag mo 'kong tulugan."

 

Hindi nag papacute si Hyoyeon. Lambing para sakaniya ang pag sabi ng ganyan sa blankong mukha. Ngayon lang siya naging ganyan kaya't dapat matuwa si Lay sakaniya.

 

Hinawakan naman ni Lay ang sintido niya. Gusto na niya talaga matulog, gusto na rin niyang matapos ang pangungulit ni Hyoyeon. Oo, ngayon lang siya kinulit ng ganiyan ni Hyoyeon. Malay niya bang sobra pala kung magulit si Hyoyeon. Hindi naman daw kasi siya binalaan ni Yoona.

 

"Kung interesado ka sa gusto 'ko. Babae 'yon Hyo. Bading man ako, pero babae talaga yung gusto 'ko."

 

Nag pantig ang mga tenga ni Hyoyeon. Bakit niya tinatawag na bading ang sarili niya kung may gusto naman siyang babae, diba? Ayaw ni Hyoyeon gawin 'to, pero kailangan niyang obserbahan si Lay.

 

Kaya ayaw niyang nag oobserba, maski ibang impormasyon tungkol sa pribadong buhay ng isang tao nalalaman niya.

 

"Edi lalaki ka na 'non."

 

Mas kumunot naman ang noo ni Lay sa pinag sasasabi ni Hyoyeon.

 

"Biual."

 

Mag kaiba ang pagiging biual sa pagiging homoual, at ipaglalaban ni Hyoyeon iyon.

 

"Edi hindi na bading 'yon."

 

Kung may kukunot pa sa noo ni Lay isipin niyo. Kung may mas lalala pa sa kalmadong mukha ni Lay isipin niyo, dahil iyon talaga ang nararamdaman niya. Ang daming tanong ni Hyoyeon sakaniya, ang daming komento. Inaantok na kasi talaga siya.

 

"Ewan 'ko, Hyo. May gusto akong babae, pero matagal na kasi 'yon."

 

Pero hindi niya kayang mairita kay Hyoyeon kaya't kalmado pa rin ang pag sasalita niya. Kung paano siya normal na mag salita, ganon ang ginagawa niya ngayon.

 

Alam naman ni Hyoyeon na nakukulitan na sakaniya si Lay. Interesado kasi siya, at minsan lang siya maging ganito kaya't dapat nga sulitin na raw ni Lay iyon.

 

"Dahil sakaniya naging bading ka? Nasaktan ka?"

 

Hyoyeon hit the bull's eye. Iyon nga ang tamang dahilan kung bakit nga ba naging bading siya. Nag sisisi tuloy si Lay kung bakit nga ba sinabi niya pa kay Hyoyeon, malalaman naman agad ni Hyoyeon.

 

Nawala ang pagiging komportable ni Lay sa topic nilang dalawa. Gustong-gusto niyang ibahin ang topic dahil ayaw niyang mapag usapan iyon. Sobrang sakit naman kasi talaga ng dinanas niya 'don. 

 

"Ganon na nga. Oo, masakit, sobra."

 

Umiwas na ng tingin si Lay kay Hyoyeon. Si Hyoyeon naman interesado pa rin. Ngayon lang kasi siya nakarinig ng ganong pangyayari sa isang lalaki. Na aastigan siya.

 

"Kwento."

 

Tumungo naman ulit si Lay. Para maiwasan ang topic, kailangan niyang matulog. Iyon na lang ang naiisip niyang paraan. Tutal kanina niya pa ngang sinasabi na inaantok siya, matutulog talaga siya. Ipinatong niya ang dalawa niyang braso sa lamesa para gawing unan. Pero bago pa niya ipatong, sinagot niya muna ang sinabi ni Hyoyeon.

 

"Ayoko."

 

Tuluyan na ngang nandilim ang paningin ni Lay. Naka pikit lang siya, pero nakikinig pa rin siya. Alam naman niyang hindi titigil si Hyoyeon.

 

"Dali na."

 

Hindi niya na lang pinansin. Naniniwala rin naman kasi siyang, maya-maya titigil na si Hyoyeon.

 

Naiintindihan naman ni Hyoyon na pribado iyon. Pero kasi, para sakaniya, hindi matatawag ni Lay ang sarili niyang bakla kung kaya lang naman siya naging bakla ay dahil sa nasaktan siya. Pero alam naman niyang may ibang dahilan si Lay 'don, gusto niya lang malaman.

 

"Yixing."

 

Wala ng nagawa si Lay kundi bumangon ng pang ilang beses. Uulitin niya, gusto na niyang matulog.

 

"Hyo, akala ko ba cold ka. Bakit ngayon nangungulit ka?"

 

Tinitigan niya lang si Hyoyeon sa bored na mata. Normal naman yung bored niyang mata pero mas bored pa sa normal na pinapakita niya. Dala ng antok kaya't sobrang pumungay ang mga mata niya.

 

Alam naman ni Hyoyeon na naninibago si Lay. Pero kasi, sa loob ng dalawang taon, kay Lay niya lang ulit napakita yung ganitong side niya. At si Lay lang ang naiisip niyang maari niyang pakitaan 'non maliban na lang talaga kay Yoona. Hindi naman nasaktan si Hyoyeon sa sinabi ni Lay, kung tutuusin mas natuwa nga siya. Sino ba kasi nag sabing pagiging cold lang ang alam niya?

 

'Behind that strong image Hyoyeon has, is a fragile woman longing for love.'

 

She is longing for love.

 

"Sa'yo lang naman ako ganito eh."

 

Nakatitig lang silang dalawa sa isa't isa. Nagulat si Lay sa sinabi niya, syempre! Sinong hindi magugulat 'don? Ang isang cold na babae na wala ng ibang ginawa kundi tingnan ang mga tao na kala mo ay may ginawang masama sakaniya ay ngayon lumalambing sakaniya. Hindi niyo lang alam kung gaano natutuwa ang lalaking Lay ngayon.

 

Seryoso si Hyoyeon sa sinabi niya. Si Lay lang ang nakapag palabas ng ganyang side niya, maliban nga lang kay Yoona talaga.

 

Ngumiti naman si Lay, nawala ang antok niya, nawala ang pag ka pungay ng mga mata niya. Pinakita niya lang naman yung dimples niya na kina mamatayan ni Hyoyeon sa lahat.

 

Hindi rin naman nag tagal, unang nag salita si Lay sa katahimikang meron silang dalawa lang. Sa kanilang sariling mundo lang.

 

"Kinikilig ako, shet."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.