Chapter 35

Gray

Ngayon naman ay kaarawan na ni Yoona. Abalang-abala ang mga tao sa paligid niya habang siya naman nakatunganga lang sa loob ng kwarto niya. May ilang mga kasambahay ang nag sisilabas-pasok 'don at medyo naiirita na nga rin siya dahil imbes na sana natutulog pa rin siya ngayon ay ayan, naabala pa siya kaya nakatunganga lang siya. May tuyong laway pa sa kanang pisngi niya at may muta-muta pa mga mata niya ng tingnan niya ang orasan. Alas-otso pa lang naman ng umaga, eh bakit ba parang mas natutuwa at kinakabahan pa sila sa mangyayari mamaya?

Napairap-irap na rin si Yoona sa kawalan at tiningnan ang telepono niyang walang nag text. Birthday na birthday niya, wala man lang bumati sakaniya? Anong klase 'yon? Maski boyfriend niya, hindi rin siya binati, ano ba 'to?

Napa kunot na ang noo niya at ibinato ang telepono niya sa may unan niya habang tumunganga nanaman sa kawalan. Kung hindi kasi siya nakipag puyatan kay Hyoyeon edi sana, hindi siya naiirita ngayon, ano?

Dumating na kasi ang ate ni Hyoyeon, si Boa, sa South Korea. Sumama siya sa pag sundo dahil wala, gusto niya lang, eh bakit ba? Matalik niya naman na kaibigan si Hyoyeon, kilalang-kilala rin siya ni Boa mula ulo hanggang paa. Nakita nga rin niya ang asawa nitong mukha namang mabait pero hindi niya kasi sinubukang kausapin dahil naka pokus ang atensiyon niya kay Boa na may dalang maraming tsokolate para sakaniya. Kahit iyon na lang daw ang birthday gift sakaniya, okay lang sakaniya, walang problema.

Hindi nga rin alam ni Yoona kung bakit ba umuwi si Boa sa bansa nila dahil ang alam talaga ni Yoona ay sila na lang ni Hyoyeon ang pupunta sa America dahil ang sabi sakaniya dati ni Boa ay bawal niyang iwan ang kanyang negosyo pero bigla, kumuha ito ng tiket at napag desisyunang umuwi.

Simple lang naman ang sinabi niya noong niyaya niya ito sa kanyang kaarawan, "Unnie, may lalaki na si Hyoyeon," at ayon, pumayag siya. Sa totoo lang, hindi na rin naman talaga siya nabigla ng biglaang kumuha ng ticket si Boa pauwi sakanila. Iisa lang naman ang lalaking pinakilala ni Hyoyeon sakaniya, si Jongin lang.

Ewan nga ba ni Yoona pero natatangahan na siya sa mga pinaggagagawa ni Jongin. Okay na eh, suportado na niya, pero bakit pa ba kailangang umabot sa ganito?

Noong una, gustong-gusto pa ni Boa si Jongin. Nakikita niyang masaya ang kapatid niya dito, nakikita niya sa bawat kilos nitong mahal na mahal niya si Hyoyeon. Ang maganda lang 'don ay- nagkamali siya.

Kasi kung talagang mahal niya si Hyoyeon, ba't niya 'to sasaktan? Para kasi sakaniya, kung mahal mo, iparamdam mo. Kung mahal mo, ipakita mo. Kung mahal mo, 'wag mong hahayaang mawala sa'yo dahil kung mahal mo, hindi mo kakayaning makita siyang nalulungkot ng dahil sa'yo. At lahat ng 'yon ay hindi natupad ni Jongin.

Hindi naman siya galit kay Jongin. Sino ba kasi nag sabing galit siya? Naiinis lang siguro siya, oo, 'yon lang talaga siguro. Ba't niya ba kasi hinayaang maging ganito ngayon si Hyoyeon? Nasaan na ba kasi si Hyoyeon?

At kahit ano pang sabihin ni Jongin, naiinis siya, mag iinit ulo niya.

Hindi sinasadya ni Jongin? Hindi nga ba? Mukha bang walang alam si Boa sa nangyari? Kung tutuusin, alam niya lahat, si Yoona na mismo ang nag sabi sakaniya ng lahat matapos niya 'tong paimbestigahan pero para sakaniya, hindi sapat ang mga dahilang iyon.

Hindi niya na tuloy malaman kung tanga ba si Hyoyeon para hindi makalimutan si Jongin o tanga si Jongin dahil kinailangan niya pang mag panggap bilang si Kai sa harapan ni Hyoyeon. Ano ba talagang tingin niya kay Hyoyeon? Ganon kababaw?

Hindi ba siya maiintindihan nito?

O baka naman hindi niya lang rin maintindihan ang kapatid niya sa lahat ng 'to?

Hindi niya alam.

At aalamin niya lahat ng 'to pag nakauwi na siya.

Una niyang tiningnan ay ang litrato ni Sehun sa mga kamay niya. Kailangan niya pa talagang gumastos ng malaki para lang makilala ng buo kung sino nga ba itong anak ng Oh na si Sehun.

Ayon kay Yoona ay katulad siya ni Hyoyeon. Sa hindi niya malaman na dahilan, paano naging katulad ni Hyoyeon ito? Blonde? Okay sige. Mukha? Ang layo naman. Pilit niyang inaalala ang mga sinabi ni Yoona sakaniya na deskripsyon.

Ah- alam na niya. 'Yang mga matang 'yan, kilalang-kilala niya kung kanino nagkatulad iyan. Masakit man para sakaniyang tanggapin ang lahat ng 'yon pero wala eh, 'yang mga matang 'yan ang ayaw niyang makita pag uwi niya.

Punong-puno iyon ng lungkot, galit, puot, hapdi't sakit. Punong-puno iyon ng mga bagay na kailanman ay hinding-hindi niya kayang makita sa mga mata ni Hyoyeon.

Pero nakita niya na.

Pangalawa naman sa litrato ni Sehun ay si Yixing na may nakasulat pang Lay.

"Sino ba talaga 'to?" Mahina niyang tanong sa sarili.

Binasa niya ng maigi ang nakasulat, 'Son of the most famous car designer', ay oo! Alam na niya kung sino. Ang lalaking may gawa ng desenyo ng sasakyang iniregalo niya sa kapatid niya.

Napakunot ang noo niya sa pag papatuloy na pagbabasa ng mga nakatala.

"Nag panggap na bakla?!" Isinigaw niya sa papel at siyang napapikit.

Pumapalakpak pa si Yoona sa mga nakikita niyang mga damit na isusuot niya mamayang gabi. Kung kanina naman ay iritang-irita siya dahil ginising siya, ngayong apat na oras na lamang bago mag simula ang party niya, hindi niya alam kung ano ba dapat niyang unahin. Maliligo na ba siya? Gusto na rin niyang simulang mag make-up pati na rin mag suot- ay, lahat-lahat na.

Tuwang-tuwa rin siya dahil dumating na si Hyoyeon dito sa bahay niya. Syempre, bilang best friend niya, siya ang bahala dito mag ayos kahit na alam niyang birthday niya 'to at hindi ni Hyoyeon.

Umiiling-iling na lang si Hyoyeon kay Yoona ng ilabas niya ang mga sapatos niya mula sa isang kwarto't pinakita kay Hyoyeon.

"Hyo! Dali pili ka!" Turo niya sa mga heels na naka linyang pahaba.

Sa tangkad na 'yan ni Yoona, ganyan rin katataas mga sinusuot niya? Aba. Baka naman konting kembot lang ni Hyoyeon, matapilok siya niyan.

Naningkit ang mga mata ni Hyoyeon at tinitigan isa-isa ang mga inilabas ni Yoona. Dumaloy ang titig niya mula kanan papunta sa kaliwa hanggang sa bumalik sa gitna. Ayaw na niya, bahala na si Yoona. Wala rin naman siyang maisusuot na mababa diyan, ba't pa ba siya mag aabala.

"Alam mo Yoona," tiningnan niya ngayon ang mga mata ni Yoona na kitang-kita ang tuwa sa kanyang pag iintay ng magiging sagot ni Hyoyeon, "Yes?" ngumiti naman ng pagkalaki-laki si Yoona at ibinuntong hininga na lang ni Hyoyeon ang reaksyon niya, "May mga gown naman na 'ko sa bahay, ba't kailangan pa yung iyo? May mga heels na rin ako 'don, ako ba mag bibirthday?"

Bumagsak na lamang ang ngiti ni Yoona sa sinabi ni Hyoyeon.

"Best friend kita, dapat parehas tayong bongga."

At tumayo papunta sa kobeta.

Napa kibit-balikat na lamang si Hyoyeon sa nakita.

Excited rin si Hyoyeon sa mangyayari mamayang gabi. Medyo kinakabahan rin siya dahil siguro alam niyang gagawin siya ni Yoona na babae. Maraming tao ang nakapalibot sakanila mamaya at sa totoo lang, 'yon lang naman ang ayaw ni Hyoyeon mamaya. Gusto niya partner niya, gusto niya rin naman si Yoona, gusto niya rin mga gown ni Yoona, gusto niya lahat ng naka patong sa harapan ng mga mata niya.

Kaya lang, oo, gusto niya pero takot siya.

Ilang taon na ba simula ng ayusan niya sarili niya? Ilang taon na rin ba simula ng pumunta siya sa mga ganitong party? Debut lang naman 'yon, hindi maintindihan ni Hyoyeon kung bakit kailangan pang maging promenade ang mangyayari.

Gown? Maskara?

Ano nanamang pakulo ni Yoona 'to?

Kung tutuusin, ang partner niya rin naman ayaw sa tema ng debut ni Yoona. Masyadong magarbo para sakaniya, ayaw niya rin ng mascara, nakakarindi lang daw- o baka naman may iba talagang dahilan?

Pag paosk na pag pasok ni Luhan ng gate ng campus nila ay tinakbo niya agad ang quadrangle, nilibot ang pinaka babang bahagi ng gusaling iyon. Mula guidance room hanggang sa pasukin niya na rin ang cashier. Pinasok na nga rin niya ang kobeta ng mga babae.

"Hyung naman, ba't ka ba tumatakbo? May inaway ka nanaman bang gangster ha?" Sigaw ni Baekhyun na hinahabol siya mapa saan pa man siya dalhin ni Luhan hyung niya.

Hindi niya nga rin alam kung ba't niya sinusundan eh. Instinct na yata?

"'Wag mo 'ko sundan gago! Hinahanap 'ko yung mga lalaki mo ng maresbakan 'ko." Sigaw pabalik ni Luhan ng matapakan niya ngayon ang kauna-unahang klasrum na makita niya.

Wala pa rin siya. Nasan na ba siya?

Ngumuso si Baekhyun at inirapan sa kawalan si Luhan tsaka niya napag desisyunang titigilan na niya ang pag takbo, mapapagod lang siya. Sayang beauty.

"Tangina ka, lalaki ako, huhu! Sige bye!" Sabay talikod niya, punas ng pawis at lakad papunta sa tambayan ng Exo.

Saglit na napangiti si Luhan sa pag alis ni Baekhyun. Kanina niya pa talaga gustong palayasin sa tabi niya 'yang si Baekhyun, ayaw naman umalis. Napaka importante kasi para sakaniya ng gagawin niya. Iisang tiyansa lamang ang meron siya, sasayangin niya pa ba?

Dinukot niya ang cell phone niya sa bulsa niya at idinial ang numerong 1 at itinapat sa tenga niya ang speaker.

"Hyo?" Tanong niya pag pasok ng janitor's room.

Nasaan ba kasi si Hyoyeon?

Laking tuwa niya ng sagutin ni Hyoyeon ang tawag niya.

"Shet yes- Hyo, where you? Dito na me, hanap ko si ikaw." Hingal-hingal niyang tanong kay Hyoyeon at lalong napabilis ang takbo niya ng marinig niya ang boses nito.

Saglit na iniiwas ni Hyoyeon ang sarili sa nag uusap na Girls' Generation at dalawa niyang kaibigan bago sinagot ang tanong ni Luhan sakaniya na halatang kanina pa siya hinahanap, "Nasa canteen, bakit?" Napa ngiti si Luhan at mas binilisan pa ang takbo niya kaninang mabilis na.

Oo nga naman, tambayan ng Exo 'yon, ba't ba hindi niya naalala. Teka! Tambayan ng Exo- si Baekhyun!

"Stay put ka diyan ha. Papunta na me." At tinapos niya ang tawag.

Isinuksok niya nanaman ang cell phone niya sa bulsa niya at pinuntahan ang canteen nilang napaka laki. Bakit ba kung kelan may kailangan siyang hanapin tsaka naging malaki 'to?

Nag palinga-linga ang ulo niya mula kaliwa hanggang kanan. Hindi niya pa rin mahanap. Tinitingnan na nga rin siya ng ilang tao 'don, buti na lamang at sikat siya kundi nag pagkamalan pa siyang parang baliw dito. Nahihilo na nga rin siya kaka linga ng ulo niya eh hanggang sa isang lingon niya sa kaliwa ay nakakita siya ng dilaw na buhok.

Iyan na nga mismo ang hinahanap niya. Walang Baekhyun sa tabi nito, lalong-lalo na eh wala siyang nakikitang karibal dito. Sakto!

Tinakbo niya ito at hingal na hingal na huminto sa harapan ni Hyoyeon.

"Hyo, may sasabihin ako," tiningnan niya ang mga mata ni Hyoyeon na nagulat sa mukha niyang pawis na pawis. Hindi siya nagulat na dumating ito, syempre, alam niya, stay put nga raw siya diba.

"Ano 'yon?" Nag aalalang tanong ni Hyoyeon kay Luhan.

Ang mga myembro naman ng Girls' Generation ay nanunuod lang sa dalawang nag uusap lalong-lalo na si Jessica at Yoona na tinititigan na ng masama si Luhan dahil sa sinabi niya.

"Tayo lang dalawa mag usap, pwede ba?" Hindi na napansin ni Luhan ang presensya ng Girls' Generation sa paligid niya dahil ang naaalala niyang nakita niya lamang ay si Hyoyeon, Yoona at Jessica. Alam rin naman ni Yoona't Jessica na may gusto siya kay Hyoyeon kaya bakit niya pa ba kailangan pang itago?

Kunot noong tumango si Hyoyeon at tumayo, "Balik ako agad, usap lang kayo," at hinayaang mag pahila kay Luhan papunta sa labas ng canteen kung saan ay medyo tahimik na.

Kumuha si Hyoyeon ng panyo sa bulsa ng kanyang coat at pinunasan ang pawis ni Luhan sa kanyang mukha't leeg.

"Napaka importante ba para pag pawisan ka ng ganiyan kakahanap sakin?"

Maraang kinilig si Luhan sa nangyayari. Hindi niya nga rin alam kung ba't pa siya kikiligin sa ganitong lagay niya. Kaliligo niya nga lang, pawis na pawis na agad siya. Tiningnan niya lang muna ang kamay ni Hyoyeon na nasa leeg na niya, tiningnan niya rin ang panyo nito na gustong-gusto niya na lang hingiin hanggang sa may nakita siyang sulat dito. Nag uumpisa iyon sa letrang B, sigurado siya pero hindi na niya nakita ng buo ng bawiin ito ni Hyoyeon at isinilid sa bulsa niya.

Hindi na rin niya naalala iyon ng mag salitang muli si Hyoyeon, "Luhan, ayos ka lang ba?" At iwinagayway ni Hyoyeon ang kamay niya sa mukha ni Luhan.

Iniangat ni Luhan ang kanyang tingin at nakitang nakatitig sakaniya si Hyoyeon. Hindi naman ata siya kinikilig, medyo tumitibok ng malakas puso niya eh.

"May sasabihin ako," diretsa niya dito at tiningnan sa mata niya, "Can I be your partner at Yoona's party?"

Huling tingin na lamang at binulungan na ni Luhan ang sarili niya sa salamin. Kaya niya raw 'to, pogi na siya para kay Hyoyeon. Bagay na bagay na sila nito. Inayos niya ng pang huling beses ang suot niyang bow tie at inilapad ang coat sa kanyang balikat. Sa gilid niya naman ay si Kyungsoo na tinititigan lang siya bawat kilos.

Kanina pa nga siya nag aantay dito sa lalaking 'to eh pero ewan niya ba kung bakit napaka tagal nitong kumilos, kala niya babae na eh. Mukha namang babae.

"Hoy tangina mo hyung, alam 'kong nag papaganda ka masyado pero gago ka, may suot ka namang maskara anong silbi?" Sabay bato ni Kyungsoo ng nahawakan niyang box ng bow tie.

Lahat ng suot-suot ni Luhan, mamahalin. Bumili pa talaga, masyadong nag papaimpress. Kaso tama nga si Kyungsoo, may maskara. Kaya ayaw niya talaga sa tema ng party na 'yan ni Yoona eh. Madilim na nga, may maskara pa. Pano niya makikita si Kai niyan? Pano niya rin makikita mukha ni Hyoyeon niyan?

Hay nako. Walang kwenta mag plano.

"Na tangina na nga, na gago pa 'ko. Ano pa? Dagdag mo na, nahiya ka pa eh, puta ka. Maganda na 'ko- gago, nag papapogi ako." Sabay bato pabalik ni Luhan ng box na ibinato ni Kyungsoo sakaniya na naiwasan naman ni Kyungsoo.

Umirap na lamang si Kyungsoo sa kawalan at hinila na si Luhan mula sa salamin. Kanina pa nag aantay ang driver ni Kyungsoo sa baba para dalhin 'yang limousine na nirenta nilang dalawa masundo lang yung dalawang prinsesa.

Sa pagkakaalala kasi ni Kyungsoo, sasabay talaga si Kris sakanila eh ang kaso, hindi sumabay, napamahal tuloy sila ni Luhan sa bayad.

Pag baba nila ay sinalubong naman si Kyungsoo ng nanay niyang nakangiti lang sakaniya at bumubulong ng "Fighting!" sakaniya. Botong-boto masyado kay Yoona eh.

"Kyungsoo, tingnan mo nga 'tong buhok 'ko, okay na ba 'to?" Hindi pa natahimik si Luhan at kinausap pa si Kyungsoo habang hila-hila siya nito.

"Oo, dyosa ka na," at tuluyan ng nanahimik si Luhan at nag pahila kay Kyungsoo.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.