Chapter 30

Gray

Ayaw man o gusto ni Hyoyeon, gumising siya ng maaga para makapag ayos at salubungin ang pag dating ni Baekhyun. Mga nasa apat o limang oras lang ata ang tulog niya? Matapos niya kasing mabasa ang huling naka saad sa notebook, bumagsak na ang ulo niya sa unan at hindi na niya alam ang nangyari pag tapos.

Mabigat pakiramdam niya, mabigat rin dibdib at balikat niya, parang sawing-sawi na nga eh pero hindi na niya matandaan pa sa ngayon ang dahilan kung bakit nga ba parang wala siya sa mood kumilos. Hindi niya rin alam na nalaglag na ang notebook sa sahig ng lumilikot siya sa pag tulog niya.

Nag unat-unat siya at tumayo na para salubungin ang balakang niya ng isang pag tunog na malakas, tumama lang naman ang balakang niya sa kung ano mang gilid ng lamesa niya na iyon.

Napa ngiwi siya sa sakit at ininda muna habang nag lalakad ang sakit ng balakang niya, pumasok ng kobeta para mag sipilyo at mag hilamos, lumabas ng kwarto at bumaba.

May naririnig siyang ingay, may naamoy rin siya na pagkain, panigurado nanay niya 'yon. Ang alam niya kasi, pinaalam niya sa nanay niya na pupunta si Baekhyun kaya siguro nag luto. Pero sa totoo lang, mayroon talagang ingay eh.

Lalapitan na sana ni Hyoyeon ng marinig niya ang pangalan niya, "Bagay kayo ng anak 'ko, boto na 'ko!" Sigaw ng nanay niya. Joke, hindi pala pangalan niya, tawag lang ng nanay niya sakaniya.

Nanlaki ang mga mata ni Hyoyeon sa narinig niya at nag palinga-linga pa ang mukha niya. Ano nanaman 'to? Bulong niya sa isipan niya. Nag lakad na siya ng mabilis at muntikan pa ngang madapa sa hagdan, dumiretso siya sa pinanggagalingan ng ingay at ayon naka rating sa kusina kung saan nakita niya si Baekhyun at ang nanay niya na nag uusap.

Si Baekhyun may arina na sa mukha tapos yung nanay niya nag piprito yata? Hindi niya alam.

Naningkit ang mga mata ni Hyoyeon at tsaka kunwaring umubo, "Good morning pero bakit nandito ka na agad, Byun Baekhyun?"

Tinali ni Hyoyeon ang buhok niya pataas at tinitigan lang ang dalawa sa harapan niya. Ngumiti ang nanay ni Hyoyeon sakaniya at tinuro ang pagkain sa lamesa.

"Kain na kayong dalawa, dali, niluto namin 'yan." Sabik na sabik pag saad ng nanay niya kulang na nga lang eh tumalon-talon pa.

Tiningnan lang ni Hyoyeon si Baekhyun, ngiting-ngiti si Baekhyun at naka pikit ang isang mata na may arina sa talukap. "Yung totoo wala kang balak mag hilamos?" Tugon ni Hyoyeon kay Baekhyun sabay upo niya sa upuan sa harapan niya.

Nag madali rin si Baekhyun mag hilamos at umupo naman sa upuan sa tapat ni Hyoyeon, sabik na sabik rin siya. Pumunta siya dito ng mas maaga sa plano kasi gusto niyang masurpresa si Hyoyeon, kahit na hindi pa nakakapag sipilyo si Hyoyeon, okay lang sakaniya, gusto niya lang makita na bagong gising ang dalaga.

Ang kaso kanina, pag dating niya dito napaisip siya kung paano siya papasok kung tulog pa si Hyoyeon, diba? Alangang pasukin niya mag isa ng hindi siya pinapapasok edi sabihan pa siyang tresspassing. Nag hintay siya sa labas tapos saktong lumabas nanay ni Hyoyeon, gulat rin si Baekhyun na nanay niya 'yon, ang buong akala kaya ni Baekhyun ate niya 'yon. Puwera biro.

Tapos dahil makapal ang pag mumukha ni Baekhyun tinanong niya kung nasaan si Hyoyeon, akala ng nanay ni Hyoyeon manliligaw si Baekhyun tsaka pinapasok niya rin dahil 'don sa naalala niyang may bisita si Hyoyeon na lalaki. Ng marinig ni Baekhyun ang ingay sa kusina habang nag papahinga siya sa sala, pumunta siya 'don at kinausap ng kinausap ang nanay ni Hyoyeon hanggang sa natuwa sakaniya, tapos botong-boto na sakaniya, ang bilis diba?

"Grabe Hyo, date nga natin 'to eh, tsaka legal na ako sa'yo. May permiso na sa nanay mo, wahahaha." Daldal ni Baekhyun habang kumukuha ng kanin para ilagay sa plato ni Hyoyeon.

Kumunot lang ang noo ni Hyoyeon at hinarap ang nanay niya kasama ang nag tatakang mukha, "Ano raw ma?" Si Hyoyeon naman ngayon ang nag lalagay ng ulam para sakanilang dalawa.

Ngumisi lang ang nanay ni Hyoyeon at ginulo ang buhok ni Baekhyun, "Nakakatuwa kasi siya kausap tapos kwento ng kwento tungkol sa'yo, maski raw yung pag punta mo sa- mall?" Palungkot ng palungkot ang mukha ng nanay ni Hyoyeon at pahina ng pahina ang kanyang boses.

Oo nga pala, naalala niya ulit, kaya nga pala pumupunta ng mall si Hyoyeon para bumili lang ng kolorete sa katawan. Napatungo ang ulo ng nanay ni Hyoyeon at nag karoon ng mumunting katahimikan sakanila, maski si Baekhyun nanahimik rin.

Bumuka na ang bibig ng nanay ni Hyoyeon at iniangat saglit ang mukha para makita si Hyoyeon, "So-"

Pinutol ng ngiti ni Hyoyeon ang sasabihin ng nanay niya, "Ayos na 'yon, 'wag mo na po isipin."

Napa ngiti lang si Baekhyun sa napanuod niyang kadramahan, ibinalik niya ang pagiging masiyahin at dinaldal nanaman si Hyoyeon.

"Hyo, ano gagawin natin pag tapos, hmm? Movie? Ano?"

Matapos mag salita ni Baekhyun ay pumanhik na siya sa pag nguya habang nag hihintay ng sagot kay Hyoyeon. Napa ngiti lang saglit si Hyoyeon na hindi naman naka ligtaan ni Baekhyun. 

"Ngumingiti ka na."

Tango na lang ang sinagot ni Hyoyeon at nag simula ng kumain ng umagahan nila na pananghalian na yata nila. Natutuwa si Baekhyun na ngayong siya ang kasama ni Hyoyeon at hindi 'yang Sehun na iyan ay nagagawa niya ring ngumiti. Kahit pala papaano may bilang pa siya.

Tinitigan niya lang ng tinitigan si Hyoyeon na parang siya ang pagkaing inihanda, ni minsan na nga lang niya magalaw ang pagkain at tanging pag lagok na lang ng laway o kung di naman ay ng inumin niya ang ginagawa niya. Walang alam si Hyoyeon, kumakain siya eh, kahit na sabihin nating oo, malakas pakiramdam niya, gutom eh.

Ang nanay naman ni Hyoyeon nanunuod lang sa dalawa, kinikilig-kilig pa nga eh. Kulang na lang tumili ng pagka lakas-lakas kaya't nag pipigil na lang habang kunwari ay nag luluto mapanuod lang ang dalawa.

"Baek, tapusin mo kaya muna pagkain mo?" Nanlaki saglit ang mga mata ni Baekhyun at kinamot ang batok niya matapos mag bigay ng kinakabahang ngiti kay Hyoyeon.

Huminga ng malalim si Baekhyun at nag simula ng sumubo para mag nakaw nanaman ng tingin kay Hyoyeon.

Bitbit ng dalawang kamay ni Baekhyun ang mga popcorn at dalawang baso na may yelo, nag mamadali siya papunta sa sala ng bahay nila Hyoyeon para makanuod na sila. Kanina nga eh muntikan pa siyang maligaw sa laki ng bahay 'non, pero ayon okay naman, gwapo naman daw kasi siya, mabilis niya ring natandaan.

Nandon nakikita niya si Hyoyeon na nag kokonekta ng laptop niya sa tv nilang malaki, pinapagpag ang kumot at binuksan ang aircon sa tapat nila para malamig, syempre, init ng panahon eh. Bago pa makarating si Baekhyun sa lamesa sa likod niya ay hinarap niya na ito, "Baek, anong klase ba? Horror o ano?" Saad ni Hyoyeon ng hindi tumitingin kay Baekhyun at patuloy pa rin sa pag hahanap ng magandang movie.

"Fifty Shades, gusto mo?" Natatawang banat ni Baekhyun habang binababa niya ang mga baso.

Nanlaki ang mga mata ni Hyoyeon at nag init ang mukha niya, hinarap niya si Baekhyun at dumampot ng kung ano mang madadampot niya sa ngayon at binato sa braso nito. Sa lahat ba naman kasi diba, Fifty Shades pa. Yung totoo, may balak ba silang gumawa ng milagro?

Tinawanan lang siya ni Baekhyun at bumalik na sa kusina para kunin naman ang pitchel ng juice, pag balik niya sa sala laking gulat na lang niya na Fifty Shades nga ang palabas. Napanuod na niya ilang beses kaya alam niya. Napabulong pa siya ng mahinang, "Oh my God." At nilapitan ng mabilis si Hyoyeon na naka tayo na.

"Bakit mo tinotoo?"

"Eh? Ang alin?" Napa tabigi pa ang ulo ni Hyoyeon na mas nag pamukha sakaniyang inosente siya.

Namula si Baekhyun sa ginawa ni Hyoyeon, ang cute daw eh. Tinitigan nanaman niya 'to, mula ulo hanggang paa. Nakalimutan niya nga palang ilarawan ito kanina, diba? Hindi naman sa nag palit na siya ng suot pero yung buhok niyang naka tali kanina ngayon ay naka puso na, may ibang hibla ng buhok na nasa gilid ng mukha niya at ibang hindi naisama sa pag pusod.

"Fifty Shades 'yan, Hyo, may balak ka ba? I'm not yet ready." Kunwaring hinawak-hawak pa ni Baekhyun ang katawan niya.

Naka suot si Hyoyeon ng isang malaking t-shirt at short na pang work-out siguro dahil fitted eh, hindi naman sobrang ikli, hindi rin sobrang haba, katamtaman lang, yung tipong ginagamit lang talaga sa loob ng bahay. Naka bungad kay Baekhyun ang binti ni Hyoyeon na maputi, makinis kung ilalarawan ni Baekhyun at napa lunok na lang muna siya ng laway at iniangat ang paningin niya sa mukha ni Hyoyeon.

Lahat ng ginawa niya ay pinag kasya niya sa isang saglit lang at binalikan ang sinabi niya kanina kay Hyoyeon, "Pero, okay lang, y ka naman." May kindat pang kasama.

Nilingon muna ni Hyoyeon ang tv kung talagang Fifty Shades ang napindot niya sa laptop niya, ipapalabas na muna ang trailer hanggang sa nakita nga niya ang mga bida. Fifty Shades nga.

Madali niyang tinakbo ang laptop niya at inihinto ang video, namumulang hinarap si Baekhyun, "Sorry, 'yan siguro napindot 'ko."

Tumawa na lang ng mahina si Baekhyun at pabagsak na umupo sa sofa, naka patong pa ang braso sa sandalan para kung sakaling umupo si Hyoyeon maibabalot niya ang mga braso niya 'don, eh manyak eh.

Kasalukuyang nanunuod ang dalawa at tila hindi nag papatinag at nag aaway pa sila kung sino ba mas malakas kung si Batman ba o si Superman, hawak-hawak ni Hyoyeon ang unan niya sa may tiyan niya at iniiwasang maibato na kay Baekhyun dahil pinipilit ni Baekhyun na mas malakas si Superman at ayan, naiinis na siya hindi niya lang pinapahalata.

Malapit na sana sa , ng tumunog ang cell phone ni Hyoyeon, senyales na may tumatawag. Iiwan na sana ni Hyoyeon iyon at hindi na lang sasagutin kaso ang ingay eh, hindi na niya tiningnan at minute ang cell phone niya ng may nag text naman ngayon at tinadtad ang cell phone niya.

Urat niya ng inilayo ang mata niya sa telibisyon, napa tingin na rin si Baekhyun kahit na ilang beses niyang hindi pansinin. Ang nakita niya lang naman sa screen ay pangalan ni Sehun.

Biglaang bumagsak ang kanina niyang masayang balikat, parang nalaglag puso niya at pinanood lang si Hyoyeon na bumuntong hininga at sinagot ang tawag. Ayaw na sanang pakinggan ni Baekhyun kaso katabi niya nga lang kasi, hindi niya na rin mapigilan sarili niya eh.

Nakakaramdam siya ng kirot sa dibdib niya at parang nanginginig bunganga niya. Ito na nga lang ang natitirang oras nila ni Hyoyeon, eextra pa si Sehun, pucha naman ho.

"Oh, bakit?" Mahinang tugon ni Hyoyeon sa tawag pero naka pokus pa rin ang mga mata sa telebisyon at hindi napapansing imbes na manuod si Baekhyun, nakikinig lang siya sa usapan.

Hindi na issue kung sino ang mas malakas, Batman ba o Superman, issue niya ngayon ang pag seselos na nararamdaman niya kahit hindi niya naman 'to dapat maramdaman.

"Punta ako diyan." Walang pakielam na sagot ni Sehun kay Hyoyeon at kinuha na isa-isa ang mga dadalhin niya sa bahay ni Hyoyeon.

Walang narinig si Baekhyun sa sinabi ni Sehun at ang tanging napansin niya lang ang pag kunot ng noo ni Hyoyeon sa narinig niya, "Bakit?" Mahinang tanong ni Baekhyun kay Hyoyeon at hinarap ang mukha ni Hyoyeon.

Umiling lang si Hyoyeon sakaniya at kinausap ng muli si Sehun, "May bisita ako."

Rinig na rinig ni Sehun ang boses ni Baekhyun hyung niya sa kabilang linya, napa tigil siya sa pag kuha ng mga gamit niya at pag lagay ng mga iyon sa bag niya. Ang patunay pa 'don ay sinabi ni Hyoyeon na may bisita siya, oh, naunahan na pala siya.

Lumunok muna siya ng laway at binato pabalik ang bag niya sa kama niya, "Ah sige, bye." Isinama na rin niya ang cell phone niya sa mga binato niya at lumabas ng kwarto niya.

Lumipat siya sa kabilang kwarto kung saan nakita niya 'don ang nanay niyang natutulog lang. Napa ngiti siya sa nakikita niya, ngayon na lang ang libreng oras ni Sehun. Sa tuwing nag papahinga ang nanay niya, lumuluwag ang pag hinga niya. Nag kakaroon ng pahinga si Sehun mula sa pag aalaga, nakakapahinga siya sa pang bobola niya sa nanay niya.

Nakakapag pahinga siya sa pag sagot sa mga katanungan ng nanay niya na purong ilusyon lang naman.

Ngayon naman, ibang kwarto nanaman ang pinasok niya. Kulay asul ang pintuan 'non, binuksan niya na parang may makakasalubong pa siyang naka paloob 'don. Dalawa sa pinaka importanteng babae sa buhay niya, wala na. Ngayon, ang pangatlo, hindi na niya alam ang mangyayari.

Pinasok niya 'to at nakita ang mukha ng ate niya sa kanan, naka lagay pa sa isang picture frame. Sa ilalim ay ang naka sulat na pangalan niya, Oh Hayoung.

Napa ngiti ng malungkot si Sehun at tumalikod na papalabas, mga dalawang buwan na rin niya ulit hindi napasok 'to. Sa tuwing papasok siya dito, hindi niya mapigilan ang mga luhang gustong pumatak. Laging ganito nararamdaman niya, bukod pa sa sakit nararamdaman niya para sa ate niya.

Nasasaktan rin siya kasi may naaalala pa siya, ano nga ba ulit pangalan 'non? Kelan nga ba ulit 'yon?

Oo nga pala, nag iisa nanaman siya.

Binelatan ni Hyoyeon si Baekhyun habang tinutulak niya papalabas, "Umuwi ka na gabi na at panalo pa rin ako, namatay lang 'yang Superman mo eh." Pabirong asar ni Hyoyeon kay Baekhyun.

"Hmph, mag papaalam pa ako kay tita." Mahinang tinatabig pa ang kamay ni Hyoyeon sa balikat niya.

"Natutulog si mama, sabihin 'ko na lang umuwi ka na, okay?" Hula lang talaga ni Hyoyeon na natutulog nanay niya, ni hindi niya pa kasi nakikita matapos umakyat kanina papunta sa kwarto niya pero sa totoo lang, tulog talaga.

Ngumuso lang si Baekhyun at tumalikod na ulit para tulakin nanaman ni Hyoyeon papunta sa kotse niya.

"So ano, kiss wala?" Tinuro ni Baekhyun ang pisngi niya at iniharap sa mukha ni Hyoyeon na naka titig lang sakaniya at walang balak mag salita.

Gaya ng sinabi kanina, katahimikan lang ang sinagot ni Hyoyeon sakaniya kaya't buntong hininga naman ang kay Baekhyun. Ngumiti si Baekhyun at papasok na ng kotse niya, pero bago 'yon hinarap niya muna ulit si Hyoyeon, sumasakit na leeg niya ha pabalik-balik siya, "Bye, Hyo, nag enjoy ako ngayon, ang saya 'ko."

At pumasok na sa kotse niya, binuksan ang bintana at ipapaandar na sana ang kotse ng nag salita si Hyoyeon. Habang nag sasalita si Hyoyeon, pinapakinggan niya naman pero may napansin siyang nilalang sa kabilang kalsada na parang nakikipag isa sa puno dahil mukhang mag kakulay lang naman sila? Hindi niya alam.

Iginawi niya ang tingin niya kay Hyoyeon.

"Nag enjoy rin ako, bye, ingat." At ngumiti ng malaki kay Baekhyun.

Nakaramdam nanaman ng pag kulo ng sikmura si Baekhyun at tumitibok nanaman ng malakas ang dibdib niya. Naramdaman niyang nag init ang pisngi niya at parang nag karoon siya ng saglit na pag kilabot ng balat. Tumungo na lang siya at nananalangin na san ay natatago ng bangs niya ang mukha niya at ibinalik ang sinabi ni Hyoyeon sakaniya.

"Bye, Hyo, ikaw ang mag ingat." Tiningnan niyang muli ang sinasabi niyang tao kanina at naka kita na siya ng puno na lamang, wala ng iba 'don, siguro guni-guni niya lang iyon, ano?

Winagayway ni Baekhyun ang kamay niya at ipinaandar na ang kotse niya, winagayway rin si Hyoyeon ang kanya habang pinapanood lang siya ni Baekhyun sa rear view at side mirror niya. Ngiting-ngiti siyang bumalik ng tahanan niya.

Ng makita ni Hyoyeon na wala na ang sasakyan ni Baekhyun at naka liko na sa kabilang kanto, papasok na sana siya ng bahay niya ng may makita siyang tao sa may puno sa tapat ng bahay niya, hindi lang pala si Baekhyun ang naka kita. Isiningkit niya ang mga mata niya at lumapit pa ng onti, nag tatago itong pilit sa mga puno hanggang sa makita niya ang buhok nitong kulay puting may halong abo.

Kasama ang balat 'non na medyo may pag kakulay ng kayumanggi, ang mata 'non na kung saan-saan na gumagawi, nakilala niya ito kahit na ilang beses pa itong tumungo.

Si Kai mismo ang naka dungaw sakaniya.

Iniangat ni Kai ang mata niya at tiningnan si Hyoyeon kung naka pasok na ba, nananalanging sana hindi nahuli pero ang bumungad sakaniya ang mga mata ni Hyoyeon na naka tingin lang din sakaniya. May lungkot na kasama at tila ba nalilito kung ano ba ang ginagawa niya dito.

Ibinalik lang ni Kai ang tingin na iyon, kasama ang mga mata niyang naluluha at sabik na sabik na para masabi kay Hyoyeon ang totoo pero pinigilan niya ang sarili niya ng makita niya si Baekhyun na kasama ni Hyoyeon palabas. Nag titigan lang sila ng hindi niya alam kung ilang minuto iyon o segundo, hindi niya alam kasi pakiramdam niya iyon na ang pinaka matagal na ginawa nilang pag titig sa isa't isa pag pamula ng maging Kai siya.

Pumikit si Hyoyeon at itinalikod na ang katawan niya para pumasok pero bago pa siya mag lakad, bumulong na siya, "Tama na."

At nilunon lahat ni Kai ang lahat ng gusto niyang isigaw sa kabilang kalsada habang parang pinupunit ang puso niya sa pag pasok na ginawa ni Hyoyeon sa loob ng bahay niya.

Mananatili na lang siya dito, mananahimik siya dito, hanggang tingin na lang muna siya, mukhang hindi pa handa si Hyoyeon na marinig ang panig niya.

Hihintayin niya na lang siguro ang panahon hangang sa sumuko na siya.

Lumunok siya ng laway at umupo na lang sa gilid.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.