Chapter 12

Gray

Lahat ng bagay naging normal. Hindi umuwi si Hyoyeon nung araw na nag paka lasing ang mga kaibigan niya. Pag uwi niya naman, swerte siya at wala ang mga magulang niya para ratratin siya. May pasok nanaman ngayon, naka pahinga ang katawan ni Hyoyeon, mukha, naka pahinga ang tenga niya sa mga salitang ayaw na niyang marinig. Naka pahinga siya.

 

Tuloy-tuloy na text lang ang natatanggap niya mula kay Chanyeol. Nag aalalang mukha ni Lay ang sumalubong sakaniya pag pasok niya ng klasrum at bored na mukha ni Sehun. Walang alam si Yoona na alam na ni Kyungsoo. Wala ring sinabi si Hyoyeon dahil alam niyang magagalit si Yoona kay Hyoyeon tungkol 'don.

 

Buti na nga lang at hindi na gumawa ng kung ano mang milagro si Kris at Jessica. Matapos nilang mag halikan sa ilalim ng kumot, 'don na tinapos ni Kris. Hindi na sila napunta sa panahong, sobrang ingay na nila.

 

Pero hindi masaya si Hyoyeon sa nakikita niya ngayon sa klasrum nila.

 

May isang babaeng naka upo sa lamesa ni Kai, hindi kilala ni Hyoyeon kung sino 'yon. Wala naman siyang pake sa mga pangalan ng mga kaklase niya. Ang akala ni Hyoyeon, si Yoona na ang gusto ni Kai, bakit ngayon may kalandian pang iba?

 

Pero ano nga bang karapatan niya?

 

Seryoso lang ang mukha niyang umupo sa upuan katabi ni Sehun at Lay. Hindi na rin sila nag uusap masyado ni Sehun, wala naman silang mapag usapan dahil lagi lang silang nag aaway. Nandon na rin sa punto kung saan gusto na talagang bugbugin ni Hyoyeon si Sehun pero sayang ang mukha, gwapo pa naman.

 

Kung titingnan ni Hyoyeon ang dalawang lalaki sa tabi niya, parehas na natutulog. Wala siyang makausap, si Yoona naman natutulog rin. Hindi rin naman siya maka punta sa tabi ni Yoona dahil ang mga katabi ni Yoona ay si Taeyeon at Kai. At kung tatabi naman siya kay Yoona, makikita niya yung babaeng nilalandi ni Kai ngayon.

 

Late siyang pumasok at wala siyang pake 'don. Wala namang teacher na labas ang cleavage na sumalubong sakaniya at pinahiya siya, edi mas okay na 'yon para sakaniya. Hindi niya lang talaga alam kung ano na nga bang gagawin niya.

 

Senior high na siya ngayon, huling taon na ng pagiging high school niya. Sabi ng iba, dito mo mararanasan lahat ng bagay. , love and pain. Ilang taon na rin simula ng maiukit na sa mukha niya ang malungkot, seryoso at cold niyang ekspresyon. Kung tatanungin siya ng ibang tao kung masaya siya, isa lang naman ang sinasabi niya.

 

'Hindi.'

 

Wala naman talaga siyang pake sa imahe niya, wala siyang pake sa opinyon ng ibang tao tungkol sakaniya. Pero nalulungkot siya. Bilang isang babae na nabubuhay na sa loob ng labing pitong taon, wala siyang naranasan kundi ang masaktan, malungkot. She experienced love, with Jongin, but she got hurt.

 

Hindi niya kayang pag tiisan ang mga babaeng nababaliw sa mga gwapong lalaki sa school. Hindi niya kayang pag tiisan ang mga tili nila na kala mo mga dolphin sa tining. Hindi niya kayang pag tiisan ang mga tao. Ang bobo ng mga tao, stupido.

 

Kailanman hindi niya sinisi ang buhay niya, ang sinisisi niya sarili niya at mga tao na naka paligid sakaniya. Laging turo sakaniya ng ate niya, 'Life is a gift.'. Tama, life is a gift. Regalo sakaniya ang buhay, wala siyang rason para sisihin ang napaka perpektong buhay na binigay sakaniya.

 

Ang daming nag sasabi na matalino siya, pero bakit hindi niya magamit sa tamang paraan ang talino niya? Naiinis siya sa sarili niya, kasi hindi niya kayang tumayo sa sarili niyang mga paa.

 

Gusto niya ng pag mamahal, inaamin niya naman sa sarili niya 'yon. Pero ang imahe na alam ng iba, yung pagiging cold niya, matapang niya, ang nagiging dahilan kung bakit wala siyang nakukuhang pag mamahal. 'Yon ang sabi niya.

 

Bilang isang manika na kinokontrol, iyon na lang ang nahuhuli niyang oportunidad. Para hindi na siya masaktan pa, para hindi na siya saktan pa.

 

Sa itsura niya, baka isipin ng mga taong gangster nga talaga siya, tulad ng sabi ni Yoona, pero hindi siya gangster. Kailanman hindi niya pinangarap maging gangster. Mahilig siya sa pusa, sa hello kitty, sa pink, sa mga bagay na cute, kawaii. Pero noon 'yon.

 

Hindi niya alam kung bakit siya nag bago, kung paano. Mula ng iwan siya ng ate niya, naging ganito na siya. Everything falls before her eyes. Everything changed their way to Hyoyeon. Ang mundo niya ang nag bago, hindi siya mismo. At bilang tao, na kinokontrol ng mundo, kailangan rin niyang mag bago.

 

At ang pagiging bato ang napili niya. She's strong, tough, wise, cool, smart. Not everyone knows that she's loveable, beautiful, cute, generous, kind.

 

It was her life. Nasanay na siyang ganon na ang takbo ng buhay niya. Ayaw niya ng kaibigan noon, pero ang ate niya ang nag sabing kailangan niya si Yoona. Ang kauna-unahan niyang kaibigan.

 

Kay Yoona niya unang naranasang maging masaya simula ng nag bago siya. Kay Yoona niya pinakita ang Kim Hyoyeon na babaeng babae noon, hindi siya hinusgahan ni Yoona tulad ng ibang tao. Hinding hindi makakalimutan ni Yoona ang ngiting malaki ni Hyoyeon pag kasama niya ito noon.

 

Si Yoona lang ang may kayang intindihin siya.

 

She showed Yoona her everything, pero hindi ang pagiging miserable niya sa pag ibig, kay Jongin.

 

Maliit siyang babae, kaya niyang gawin halos lahat ng gustong ipagawa sakaniya. Kahit ang pag patay kaya niya. Kaya niyang gawin yung mga bagay na hindi magawa ng ibang tao. She's different.

 

She's no vampire nor a wolf. She's no gangster nor a mafia. She's Kim Hyoyeon, a woman who has the strong image, thick walls, beautiful face, beautiful body, money and everything other people who are envious of her don't have. But behind those, is a fragile woman who is longing for love. Love that can make her happy, love that can make her dream. Love that can wake her up from her nightmares. Love that can protect her. She needs love which can save her from living in a hell. 

 

And there's one thing she's sure of. She can't have the love she's asking for. She can't be loved.

 

*

 

Ang buong Exo naka upo sa tambayan nila, sa loob ng canteen. Dapat nga ay hindi na sila dito tumatambay dahil puro babae nanaman ang naka palibot sakanila. Kasama na rin ng Exo yung tatlong babaeng kaibigan nila.

 

Katabi ni Hyoyeon si Baekhyun. Wala naman na kay Hyoyeon yung tungkol sa ginawa ni Baekhyun, walang wala na sakaniya 'yon. Nag sorry naman agad si Baekhyun nung panahon na 'yon kaya't hindi na big deal. Nakaramdam lang talaga siya ng kaonting takot.

 

"Hyo. Sorry nung isang gabi, lasing kasi talaga ako. I'm so so so so so sorry."

 

Nag uusap ang ibang Exo, si Yoona kausap si Kyungsoo. Himala man, pero kinausap niya. Si Jessica naman, si Kris, malamang. Sa dose ba naman na Exo, imposible na wala silang maka usap.

 

Inaalog ni Baekhyun ngayon ang balikat ni Hyoyeon. Naiirita man si Hyoyeon pero hindi niya hahayaang makita ni Baekhyun 'yon.

 

"Okay nga lang, Baek. Wag mo na lang ulitin."

 

Sa harap naman ni Baekhyun at Hyoyeon ay si Kai at tulog na Sehun. Lahat ng libreng oras ni Sehun ginagamit niya para maka tulog. Kung pwede nga lang na hindi siya pumasok, gagawin niya para lang makatulog. Pero kailangan niyang i-maintain grades niya kaya ayan, pumapasok pa rin.

 

May mabigat na hangin meron ngayon si Kai at Baekhyun. Hindi alam ni Hyoyeon ang nangyari kung bakit. Samantalang dati, close naman si Kai at Baekhyun. Close pa rin naman daw sila, may nangyari lang talagang hindi maganda.

 

"Jongin."

 

Nagulat si Kai sa mahinang bulong ng hyung niya sakaniya. Si Lay lang naman ang katabi niya maliban kay Sehun. Lalo na't tinawag pa siyang Jongin ni Lay, alam niyang seryoso ang pag uusapan nila.

 

"Bakit hyung?"

 

Hindi mo makikita ang malumanay na mata ni Lay, yung dimples niyang malalim. Madilim ang mga mata niya, tinatagos nito ang ulo ni Kai. Natatakot si Kai sa hyung niya, pero alam na ni Kai kung tungkol saan 'yon.

 

"Gusto mo ba siya?"

 

Naka titig lang si Lay kay Kai. Si Kai kinakabahan, ngayon lang niya nakitang ganon si Lay hyung. At sa sinabi ni Lay, napa smirk naman si Kai. Alam na niya kung sino ang tinutukoy ni Lay, si Hyoyeon lang naman iyon.

 

(Baka maguluhan kayo. Sabay na nangyayari itong mga 'to. Hirap lang ako itype kung paano. Sorry.)

 

"Date na lang tayo."

 

Napa face palm naman si Hyoyeon sa narinig niya kay Baekhyun. Pinatawad na niya si Baekhyun pero mukhang hindi pa rin titigil si Baekhyun sakaniya. Hindi naman siya naniniwala na gusto siyang ligawan ni Baekhyun. Pero yung narinig niyang, hinihingi siya ni Baekhyun kay Kai at Jongin pa ang tawag. Hindi niya maiwasang mag assume? Kung assume man ang tawag 'don.

 

Malakas ang pag kakasabi ni Baekhyun 'don. Maski si Kris at Jessica na nag uusap, Yoona at Kyungsoo na nag uusap rin. Suho na binabatukan si Chen dahil kanina pa inaasar ni Chen si Suho. Si Luhan na kanina pa nakatitig kay Hyoyeon, Chanyeol na busy sa cell phone niya habang sumusulyap sulyap kay Hyoyeon. Si Xiumin na naka tulala dahil may iniisip siyang crush niya sa SNSD, si Tao na nag seselos kay Jessica dahil hindi siya ang kinakausap ni Kris. Si Kai at Lay na nag uusap ng mansinsinan ay napatingin sa direksyon ni Baekhyun at Hyoyeon. Maliban lang kay Sehun na tulog.

 

Kung ibang babae si Hyoyeon, malamang sa malamang, kanina niya pa nilapitan at pinatungan si Baekhyun at hinalik halikan dahil inaaya niya ito sa isang date. Kung ibang babae rin naman si Hyoyeon para kay Baekhyun, ay agad-agad niya itong magiging girlfriend. Madali lang naman sakaniya ang ganitong bagay. He can make girls fall in love with him in just a second, then break their hearts in just a one sentence.

 

Seryoso siya kay Hyoyeon, isinusumpa niya sa dibdib niya at napaka ganda niyang daliri na seryoso siya kay Hyoyeon. 

 

Isinusumpa rin ni Lay, Kai, Luhan (oops) at Chanyeol na pag pumayag si Hyoyeon sa gusto ni Baekhyun, bubugbugin nila si Baekhyun. Sa lahat ba naman, sa isang playboy pa?

 

"Nilalandi mo ba ako?"

 

Napa ngiti naman si Baekhyun sa sinabi ni Hyoyeon, kaya nga gusto niya si Hyoyeon. Straight to the point kung mag sabi. Hindi siya nasaktan, mas na push pa nga ni Hyoyeon si Baekhyun para mas mabaliw ito sakaniya.

 

Sa sinabi ni Hyoyeon, mahinang napatawa ang Exo, kasama si Yoona at Jessica. Napa ngiti rin si Kai, Lay, Luhan at Chanyeol. Hindi naman nandidiri si Hyoyeon kay Baekhyun, nagulat lang siya.

 

"Sadly, yes. Malay mo, yung Kim mo, mapalitan ng Byun."

 

Napa tawa ng mahina si Hyoyeon, saglit lang din ay ibinalik niya ang seryoso niyang mukha. That is how Jongin flirted with her.

 

"Date ba kamo? Sige, pero wag kang umasa."

 

The 4 guys watching cursed in their heads. Same with the one guy who's not watching.

 

'Challenge accepted.'

 

Nagulat si Yoona sa sinabi ni Hyoyeon, hindi niya inaasahang papayag si Hyoyeon sa alok ni Baekhyun. Okay lang naman sakaniya si Baekhyun, hindi lang alam ni Yoona para kay Jessica.

 

"Putangina mo, Baekhyun. Pag sinaktan mo si Hyoyeon, ginahasa, hinalikan o pinaiyak, gugulpihin na talaga kita. Seryoso ako."

 

Irap lang ang natanggap ni Baekhyun kay Jessica. Irap lang din naman ang natanggap ni Jessica mula kay Baekhyun.

 

Wala namang pake si Hyoyeon kung mag date sila ni Baekhyun. Sinabihan niya naman si Baekhyun na wag siyang umasa, ginawa niya parte niya.

 

Tumingin si Baekhyun kay Kai na ngayon ay binubutas ang kaluluwa ni Baekhyun. Hindi lang naman si Kai ang nararamdaman niyang bumubutas ng kaluluwa niya. Hindi niya alam na may apat pala siyang karibal, wait, si Sehun pa pala na tulog. Nag smirk lang siya kay Kai, inaasar niya lang naman ito. Pero pumayag naman si Hyoyeon, grab the chance na para sakaniya.

 

Sehun couldn't help but frown. He was awake, all the time. He heard everything. Even with his Lay hyung and Kai's conversation.

 

"So pwede akbay?"

 

Balik naman ni Baekhyun kay Jessica.

 

Napa kibit balikat lang si Hyoyeon sakanila.

 

"Kung gagawin mo yung mga bagay na hindi naman gusto ni Hyoyeon, I am ing serious about this. I've had enough of your s."

 

Buong Exo, Jessica at Yoona, naging seryoso. English ang pag kakasabi ni Jessica pero hindi naman ibig sabihin 'non hindi nila naintindihan. Maski ang mura, naintindihan nila. Nahulaan naman na ni Hyoyeon na may nangyari noon na kinagagalit ni Jessica kay Baekhyun, hindi niya lang alam kung ano.

 

Nag smirk lang naman ulit si Baekhyun.

 

"Hindi 'ko kasalanang gusto ako ng kapatid mo noon. Hindi ko naman siya ginawang girlfriend, diba?"

 

Nakita ni Hyoyeon na namumula na si Jessica. Alam niyang galit na si Jessica, lalo na't kapatid pa niya ang pinag uusapan. Kaya pala ganon kalaki ang galit ni Jessica kay Baekhyun.

 

At para matapos na ang away, sana matapos nga, lilinawin niya kay Baekhyun.

 

"Baek, sabi 'ko sa'yo wag kang umasa. This is a friendly date."

 

The 5 guys smiled under their breaths.

 

"Burn, hyung."

 

Napatawa lang naman ulit ng mahina si Baekhyun sa narinig niya mula kay Hyoyeon at sa sinabi ni Kai.

 

'Dapat nga ako ang mag sabi ng burn kay Kai.'

 

"Tama, friendly date."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.