Chapter 25

Gray

(Napansin ko lang, chapter 25 na pero di naman umuusad storya nito hahahaha. Delete ko na lang kaya?)

Maagang gumising si Hyoyeon upang maisagawa nanaman ang routine niya sa buhay, pag pupulbos, pag tatakip ng mga marka sa katawan niya at iba pa. Tiningnan niya muna ang orasan sa kanyang cell phone at nakitang mag a-alas sinco pa lang ng umaga, nag unat-unat siya ng braso at itinali ang kanyang buhok pataas.

Bumungad sa binti niya ang malamig na hangin dulot ng aircon na simula ng matulog siya ay hindi na namatay. Dating gawi, hinablot niya ang remote at pinindot ang isang bilog kung saan naka gawa ito ng matining na tunog at nakapag patay ng aircon sa kanyang kuwarto. Ipinasok niya ang kanyang mga paa sa pares ng tsinelas na malambot at lumabas ng kanyang kuwarto upang bumaba at mag handa ng kakainin niya.

Sa kadulo-duluhan ng kanyang ilong, naamoy niya ang amoy ng mabangong ulam. Nag madali siyang tumakbo at tiningnan kung sino nga ba ngayon ang nangengelam ng kusinang siya lang at mga trabahador ang gumagamit.

Nasilayan niya ang pagkain sa mesa, kulay tsokolateng inuming may yelo at pares ng kutsara at tinidor. Napa angat ang kanyang mukha at nakita ang ina niyang naka ngiti sakaniya.

"Kain na anak." Masayang bati sakaniya ng kanyang ina.

Napakagat siya ng dila at tinitigan lang ng malalim ang kanyang ina. Hindi siya nananaginip, totoong nangyayari ito ngayon.

At doon niya napag tanto na may nanay nga pala talaga siya.

Pag labas na pag labas niya ng kobeta ay kinuha na niya ang ilang pulbos at nga kagamitang ginagamit niya na lagi niyang ginagamit, ibinato niya ang kanyang cell phone sa kama at hinayaang tumunog lang iyon ng tumunog. Tumatawag kasi sakaniya si Jessica at gusto siyang sunduin ayon sa pinadala nitong text, ang kaso, kung susunduin nga siya ay makikita nito na ganito ang itsura niya kaya dapat, kumikilos na siya ng mabilis.

Napapangiwi siya sa sakit ng buhusan niya ng alcohol ang mga sugat niya sa binti, tiniis niya iyon at kumuha ng ilang pirasong band aid at isa-isa itong tinapalan. Hindi pa naman kasi siya nakaka tamo ng ganitong mga sugat noon kaya't hindi niya alam kung paano niya ito itatago at sa ngayon, literal na wala na siyang pake. Dire-diretso lang siyang kumikilos at muntikan pa nga siya madapa ng patakbo niyang kinuha ang pares ng sapatos niyang itim.

Muli nanaman siyang tumakbo upang umupo sa upuan sa tapat ng lamesa kung saan doon nakalagay ang mga cosmetics na ilalagay niya sa pagmumukha niya. Tinali niya ng mahigpit ang kanyang blonde na buhok at hinayaang gulo-gulo iyon, design kung baga, bago nag simulang patungan ng namumuting pulbo ang kanyang mukha.

"Anak ng pakshet, nandito ka na!" Parang ewang sigaw ni Jessica sa gate ng eskwelahan nila kung saan hinintay niya itong si Hyoyeon dahil hindi naman sumagot sa tawag kaya akala niya hindi papasok.

Mukat-mukatan niya na lang, lumapit sakaniya si Yoona at sinabing mag abang sa gate at baka pumasok si Hyoyeon kaya ayan nasa gate nga siya ngayon, kasalukuyang babatukan si Hyoyeon.

"Hoy wag mo ngang anuhin, kita ng ano eh." Pag pigil ni Yoona sa pang babatok na dapat ay gagawin ni Jessica kay Hyoyeon.

Inirapan muna ni Jessica si Yoona bago sakaniya ipatama ang batok na naudlot. 

"Puro ka ano eh, nak ng teteng, anuhin kaya kita diyan." 

Pinag titinginan sila ng mga tao dahil na rin sa kaingayang dulot nila, isa na rin sa sikat na ang tatlong babae, lalo na at inaabangan nila ang pag babalik ni Hyoyeon sa eskwela. Buti nga at hindi naman na late itong si Hyoyeon sa klase, may trenta o mahigit pa siyang minuto upang mag balik kwento sa dalawang kasama niyang kanina pa nag babangayan.

Tahimik lang siyang nag lalakad, sukbit ng balikat ang kanyang bag. Naka tali pa rin ang buhok niya at hindi na inayos ito mula kanina, ang palda niya namang dati ay nasa hita niya aba'y makay niya kung ano na nangyari at malapit ng mapunta sa may pwetan niya.

Nung una ay naka tungo siya, sa gitna ng dalawang babaeng nag babangayan ay naririnig niya ang mga bulungan ng iba pang estudyante sa lugar na ito dahilan para mapa angat ang kanyang tingin.

Diretso pa rin siya sa paglalakad habang tinitingnan ang mga estudyante na naka palibot sakaniya.

Napa galaw muli ang kanyang mga labi. 

Nag balik na siya at ito nanaman ang pakiramdam, nag balik na siya pati na rin ang mga bagay na kaniyang kinamumuhian.

Urat na itong si Baekhyun kakapatunog niya ng mga baso na walang laman at yung iba naman ay mayroon. Gusto niyang gumawa ng isang musika ngunit wala talaga kasi siya sa mood ngayon. Mag dadalawang linggo na nga ata kasi siyang nag aantay eh mukhang wala nanaman yung inaantay niya ngayon.

Bibihira lang tumahimik si Baekhyun kaya't alalang tinanong na siya ni Suho.

"Hoy bakla, problema mo nanaman?" Sinadya ni Suho gamitin ang salitang iyan upang makita niya kung maiinis ba si Baekhyun o hindi kasi kung maiinis iyon ibig sabihin ay nasa mood suya sadyang bored lang at kung hindi at tiyak na niyang may problema.

"Ikaw punyeta. Ikaw problema 'ko." Walang kasigla-siglang bara niya kay Suho kung saan kinauratan ni Suho ang sagot at babatuhin na niya si Baekhyun ng kung ano mang madampot niya.

At ang nadampot niya ay ang kanyang wallet.

"Aba, ako na nga 'tong concerned. How dare you-" Sabay bato niya kay Baekhyun ng wallet niya.

"Ako rin hyung, batuhin mo ko ng wallet mo. Yayaman ako!" Bulalas naman ni Chen na nanunuod lang sakanilang dalawa ngunit ng nakita ang wallet ni Suho, nabuhayan ang kanyang dugo.

Tiningnan lang ni Baekhyun si Suho patagilid gamit lamang ang kanyang mga mata. Wala pa rin kasi talaga siya sa mood kaya't nag mamakaawa siyang sana ay pumasok na nga 'tong babaeng hinihintay niya.

"Fruta, hyung nandiyan na." Bulong ni Kyungsoo kay Luhan na isa ring nakatunganga sa kawalan at ng marinig ang boses ni Kyungsoo lalo na ng maprocess ng utak niya ang sinabi ni Kyungsoo ay siya pa ang unang-unang tumayo.

Nagulat si Chen, Suho at Baekhyun kung bakit tumayo si Luhan at para bang nag mamadaling nag lalakad papunta sa gitna ng canteen. Sinundan naman siya ni Kyungsoo at parang alalay na naka buntot sa likod ni Luhan.

Masayang huminto si Luhan sa harapan ng tatlo at ipinokus ang kanyang mga mata sa babaeng nasa gitna. Kung ikukumpara ito noong mga naka raang araw ay mas okay na siya ngayon, mas malusog tingnan, alam niyang nawawala na rin ang mga marka sa kanyang katawan. Para kay Luhan ay wala ng iba pang mas sasaya sakaniya dahil muli niya nanaman itong nakita.

Kitang-kita ni Hyoyeon ang mga paa ng nasa harapan niya, alam niya rin kung kanino galing. Hindi naman sa nagulat pa siyang makikita niya ito agad dahil kahit papaano, hinanap niya rin ang presensya nito. Mabagal na napa angat ang ulo niya ng napansin niyang nanahimik na ang dalawa sa gitna niya. Sumesenyas ng kung anu-ano itong si Jessica kay Luhan at si Yoona naman ay malamang, alam na kung saan at kanino naka tingin.

"H-Hyoyeon." Bulong ni Luhan.

Taimtim na kinagat ni Hyoyeon ang kanyang labi at tinitigan ang mga mata ni Luhan.

"Luhan." Sabay pag pigil niya sa pag init ng mga pisngi niya.

Halos murahin na ni Jessica 'tong si Luhan dahil hindi niya talaga inaasahang 'yon lang ang sasabihin ni Luhan kay Hyoyeon. Torpe kung torpe daw ayon sakaniya.

Marami rin namang rason kung bakit napa kagat ng labi si Hyoyeon. Isa na rito ang kinakabahan siya, nagulat siya, parte na rin dito ang kinikilig siya, nagagwapuhan siya kay Luhan kasi yung buhok nito gulo-gulo tapos namumula yung labi tapos hindi maexplain ni Hyoyeon. Sadyang gwapo lang talaga.

Tunganga lang si Sehun sa klasrum nila at hinihintay na mag sipag pasukan ang mga kaklase niya dahil siya ang nauna dito at si Chanyeol. Himala nga at hindi niya kasama si Kai diba, nagulat na lang din siya at hindi na niya ito kasabay. Parang iniiwasan nga siya nito pero tanggap ni Sehun, alam naman na niya ang dahilan. 

Napahikab nanaman siya sa pang ilang beses ng hindi niya mabilang. Gusto niya mang matulog, ayaw ng katawan niya. Nararamdaman nuyang parang may kailangan pa siyang makita na maari niyang malagpasan pag natulog siya.

Narinig niyang may pumihit ng doorknob ng punto at 'don naman ngayon napunta ang kanyang mga mata, hinintay niyang maka tapak ang mga paa ng papasok at tsaka niya tiningnan ang mukha nito. 

Pataas ng pataas ang kanyang mga tingin, nakita niya muna si Baekhyun na nakangiti at kita mong ang yabang yabang pa. Sa likod ni Baekhyun ay dalawang bag na may hindi parehas ng laki, ang mga kamay naman ni Baekhyun ay naka paloob sa kanyang mga bulsa at ang kanyang buhok na umaabot na ngayon sa kanyang mata.

Sinimangutan lang ni Sehun ang nakikita niya, sawang sawa na rin siya sa pagmumukha ni Baekhyun.

Iiiwas na sana niya ang tingin niya ng makita niya na sa kaliwa ni Baekhyun ay si Hyoyeon na walang reaksyon at hawak-hawak ang kaliwang braso ni Baekhyun para sa suporta.

Kung may iniinom siya ngayon ay maibubuga niya 'to, kung may kinakain siya ngayon ay malamang itatapno niya 'to ng wala sa oras at kung naka kain man talaga siya kaninag umaga ay maisusuka niya ito lahat.

Bakit?

Isang katanungan lang ang pumasok sa isip niya.

Kung kanina ay kala mo luging-lugi na siya, iba na ngayon, ngayon ay yung tipong ang nais na lang niya ay matulog at walang gumambala sakaniya. Gusto niyang pabayaan pero ayaw niya, naiipit siya sa sitwasyong gusto at ayaw, gulong-gulo na siya.

Pero masaya naman siya, ligtas si Hyoyeon.

Kahit na napansin niya na ang mga sugat at lahat-lahat, masaya siyang ngayon ay nakikita niya na si Hyoyeon.

Sinundan lang ng tingin niya si Baekhyun at Hyoyeon. Si Baekhyun ay hinatid ang gamit ni Hyoyeon sa kanyang upuan at inalalayan niya itong maka upo matapos 'non ay lumabas na siya ng klasrum at muling ibinalik at idinungaw ang kanyang ulo.

"Hyo, date natin ha!" Isang sigaw na tiniyak ni Baekhyun na maririnig ng lahat na nasa klasrum nila at pag sinabing lahat ay ang mga sasampung katao na nakita niya kanina 'don.

Umiling lang si Hyoyeon at iniayos ang upo niya bago ibinaba ang ulo niya. Matutulog na lang siya.

Ang mga taong nandon ay hindi mawari kung ano nga ba ang magiging reaksyon nila, buti na lang din at wala pa 'don si Jessica dahil kung nandon tiyak na mag aaway nanaman sila ni Baekhyun.

Naka kunot noo lang si Sehun hanggang sa maka labas na si Baekhyun ng tuluyan bago ibinaling ang kanyang tingin kay Hyoyeon.

"Kim Hyoyeon." Sabay kalabit niya sa braso nito.

"Ano?" Naka tungo pa rin itong si Hyoyeon at wala ng balak pang harapin si Sehudahil alam naman niyang hindi magiging maganda ang reaksyon niya pag nakita niya nanaman ito.

Tumayo si Sehun at lumapit kay Hyoyeon, lumuhod din siya upang maka pang abot ang labi niya at ang tenga nilang dalawa.

"After class, rooftop." Diretsong bungangang bulong ni Sehun.

Parang wala ng karapatang humindi si Hyoyeon at napa oo na lang siya agad sa sinabi ni Sehun.

Nag patong si Hyoyeon ng isang malaking plastic sa sahig bago siya umupo at sumandal sa bakal. Hapon na ngayon at hindi na masyadong tirik ang araw, wala na ring masyadong estudyante kasi maaga silang nag sipag uwian at hindi alam ni Hyoyeon kung bakit.

Tiningnan niya ang langit at nakitang dumidilim na ito, mag aalas-kuwatro pa lang naman ngunit ang dilim na agad kaya't kahit papaani at nag alala siya.

Hinintay niya lang na dumating si Sehun, nag hintay siya ng nag hintay.

Medyo nilalamig na rin ang binti niya naka bungad sa ere at wala naman siya dalang kung ano mang maipapatong niya dito kaya kahit na anong mangyari at tiniis niya ang lamig.

Nag mamadaling tumakbo si Sehun paakyat, kung hindi naman kasi siya kinulit ng kinulit ni Suho kung bakit hindi raw pumasok si Kai edi sana kanina pa siya nandito sa tabi ni Hyoyeon. Eh hindi niya nga naman kasi alam kung nasaan si Kai, anong magagawa niya diba.

Pag pasok niya'y bumungad na agad ang binti ni Hyoyeon sakaniya at ang mukha niyang naka sandal sa bakal. Dali-dali niyang hinubad ang coat niya at ipinatong sa mga binti ni Hyoyeon kaya't napa mulat ng mata si Hyoyeon.

Pigil na napapangiti si Hyoyeon ng makita niya si Sehun, napa dapo na rin ang mga mata ni Sehun at muli nakakaramdam siya ng luha. Lumuhod si Sehun sa tapat niya at hinila ang katawan niya papalapit sakaniya.

"Na miss kita." Sabay halik sa buhok ni Hyoyeon na naka tali pa rin hanggang ngayon.

Hindi naman nag eexpect ng sagot si Sehun, sinabi niya lang kung ano ba nadadama niya ngayon, ipinaramdam niya lang. Wala rin siyang alam kung bakit ito nararamdaman niya basta ang alam niya, namiss niya lang talaga si Hyoyeon.

"Ako rin. Namiss kita, namiss ko kayong lahat."

Muntikan ng mapatawa si Sehun sa narinig niya. Okay na sana eh, mayroon ng 'namiss kita' kaso sinundan lang ng 'kayong lahat'. 

Mas hinigpitan niya ang yakap niya kay Hyoyeon at hinigpitan rin naman ni Hyoyeon ang yakap niya kay Sehun. Inamoy-amoy nito ang dibdib ni Sehun at hinawakan saglit ang buhok nito. Tahimik lang silang nag yakapan at umupo na rin si Sehun sa tabi niya.

Sa saktong pag upo niya ay ang pag patak ng tubig sa kanilang mga katawan. Sabay silang napa tingin sa langit at ang unang tumayo ay si Sehun, hinila si Hyoyeon pataas at dinampot ang mga bag nila. Jackpot, kamay ang hinawakan ni Sehun kaya't habang tumatakbo sila papunta sa lilong ay mag kahawak sila ng kamay.

Pag tungtong nila ng lilong ay lumakas na ang ulan.

"Dito muna tayo? O hatid na kita?"

"Dito muna tayo."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.