Chapter 21

Gray

Pumasok na siya sa loob ng tirahan niya. Nakakatuwa man isipin ngunit mukhang hindi na nga tirahan ang loob ng gusaling iyon. Ng inikot niya ang paningin niya puro basag na salamin lang ang nakikita niya, basag na bote at nag kakalat na mga gamit. Ang mga unan ng sofa ay kung saan-saan na nga napunta, ang lamesa nilang malaki sa gitna at nahati na sa gitna. May mga nag kalat rin na likido sa may kaliwa niya at nakakamangha dahil iyon ay kulay pula.

Ng titigan niyang maayos, ang nakita niya ay ang pangingitim at pag bubuo-buo nito, ng lapitan niya ito naamoy na niya ang sang sang nito. Dugo pala iyon.

Inikot niyang muli ang paningin niya at tinalasan ang pandinig niya. Duon niya narinig ang mga singhal at iyak ng isang babae na akala mo ay pinapatay na nga. Ng tingnan niya ang sahig, may marka ito ng tulo ng dugo at sinundan niya ito upang mapadpad siya sa isang kwartong gustong-gusto na niyang kalimutan.

Isang kwartong puno ng memorya at karahasan, kung saan natuyo at tumulo ang mga luha niya kung saan nalamigan na nga ang hubad niyang katawan ng paulit-ulit na hindi na niya mabilang gamit ang dadalawa niyang kamay.

Hinawakan niya ang metal na bilog upang ipihit ngunit may pumipigil sakaniya dahil sa bawat pag lapit niya ay siyang pag lakas ng ingay na naririnig niya. Ngayon naman ay nakakarinig siya ng pag mamakaawa.

Mukhang kilala na nga niya kung sino ang gumagawa 'non at kung ano na nga ba ang nangyayari sa loob. Wala siyang lakas ng loob upang buksan ang pinto at tumayo sa harapan ng sumisinghal upang ipagtanggol ito.

Hindi rin naman sa nag hihiganti siya ngunit hindi niya rin kasi alam kung ano nga ba ang gagawin niya. Malamang sa malamang, kung sakali mang protektahan niya ang lumuluha, masasaktan rin siya at paniguradong hindi na siya makakahinga at magigising bukas ng umaga.

Onti-onti niyang binitawan ang metal na iyon at nag lakad papalayo, pumikit upang damhin ang paligid. Sana ang lahat ng ito ay panaginip na lamang. Sana hindi ito nangyayari ngayon sa harapan niya. Sana hindi na lamang siya umuwi, sana, sana, sana.

Mahina niyang minumura ang sarili niya, putang ina, tangina, gago, bobo, tanga. Halos lahat na nga yata ng mura ay isinambit na niya. Mahirap pala talaga pag wala kang magawa. Mahirap pag alam mong hindi mo kaya kahit kailangan. Mahirap pag alam mong umpisa pa lang ay sinukuan mo na. Baka bukas makalawa, wala na siyang madatnang ina, baka bukas wala na rin siyang madatnang ama.

Ang saya nga naman ng pamilya niya. Ito na nga siguro ang pinapangarap niya noong bata pa siya. Puno ng tawanan, puno ng ngitian. Sabay-sabay pag kumakain ng hapunan, hinahalikan ang pisngi ng bawat isa pag mag papaalam. Iyon ang itinanim ng mga librong kanyang nabasa noong bata pa lamang siya.

Ngayon, nasa harap niya ang katotohanan, nakikita at naririnig niya. Ito ang mundo ng mga tao, ito ang pamayanan. Ito ang katotohanan sa lahat ng mga halimaw na nasa anyong tao. Ito na nga ang sinasabi nilang 'monster' sa bawat istoryang nababasa niya noong bata pa siya.

Ito na, nasa harapan niya.

Hinila siya nito at dinala papunta sa isang silid na kailanman ay ayaw na niyang makita o pasukan pa. Ikinulong sila dito kasama ng tinuturing ng ibang nanay niya ngunit hindi niya alam kung talaga nga bang nanay ito sakaniya.

Ibinagsak siya na para bang isang sako ng bigas, nakaramdam nanaman siya ng sakit sa may pwetan niya at ang mga pasa niyang dapat ay nag hihilom na nga ay paniguradong mas lalala.

Tiningnan niya ang babaeng naka handusay sa may kaliwa niya. Naka hubad ito ay may hiwa-hiwa sa kanyang braso at tiyan. Kaya siguro may dugo kanina, ano?

Pumikit siya at hinayaang dumampi sa leeg niya ang malambot niyang buhok. Panigurado naman, matatapos at matatapos rin ito.

"Iiwan ko na kayong dalawa, mga walang silbi kahit kailan."

Dapat nga ay masasaktan siya sa mga narinig niya ngunit bakit parang wala lang? Iiwan na sila? O eh ano namang pake niya? Iwan siya kung iiwan siya. Lahat naman ng tao, iiwan at iiwan rin siya. Walang kayang manatili sakaniya, hindi ba?

Naririnig niya pa rin ang mga singhal ng nanay niya, naririnig niya pa rin ang pag mamakaawang wag sila iwan. Bakit mo pa kailangang mag makaawa sa taong wala namang awa? Bakit kailangan mong lumuhod para malamang seryoso ka at talagang sinseridad ang pag hingi mo ng awa? Bakit? Diyos ka ba para luhudan? Hindi naman diba?

"Tigilan mo na nga ako! Ayoko na! Kunin mo ang kalahating porsyento ng kinikita ko pero aalis na ako dito. Alam ko namang pera lang ang habol niyo! Mga putang ina." Nag init man ang ulo ni Hyoyeon sa narinig niya ngunit mas pinili niyang manahimik na lang.

Matutulog siya kung kaya niya. Kailangan niyang mamahinga, kailangan niyang gumising bukas at makita ng lahat na okay pa siya.

"Nag mamakaawa ako, wag mo kaming iwan." Tila ba kinakaladkad na ang katawan ng babaeng sumisinghal gamit ang binting yakap niya ng siya lumuhod sa harapan nito.

Gustong tawanan ni Hyoyeon ang lahat ng nangyayari. Nung una, tuwang-tuwa pa ang babeng ito na sinasaktan siya ng ama niya, ngayon namang siya na ang nakararanas ng sakit at dusa, natututunan niya na ring mag makaawa.

Isang tanong nanaman ang pumasok sa isipan niya. Masaya ba?

"Ayoko na. Tama na."

At sa isang iglap, wala na nga siyang narinig. Naramdaman niyang para bang lumulutang ang katawan niya at ang isipan niya'y napunan ng iba't ibang klase ng pangyayari.


 

Gumising siya para makita ang puting kisame, gumising siya para makita ang paligid niyang sobrang kalat pa rin. Sa tabi niya naman ay ang babaeng punong-puno na nga ng sugat na kung tititigan ng maayos, nakakadiri na nga. Namumutla ang labi nito at namumula ang pisngi. Gulo-gulo na nga ang buhok at kita mo ang mga marka ng lubid, latigo at kung ano-ano pa sa kanyang katawan na akala mo ay papel para guhitan.

Kumunot ang noo niya at nakita ang braso nitong nakayakap sa bewang niya. Kaya siguro may mabigat sa tiyan niya kanina?

Ng titigan niya ito, pakiramdam niya'y mahal siya nito. Sabagay, pakiramdam lang naman, hindi totoo.

Tinanggal niya ang brasong iyon at tumayo na para pumunta sa kobeta at kumuha ng mga gamot upang linisin ang maduming sugat na nangitim na sa tagal na ng panahong naka buka.

Dahan-dahan siyang lumapit dito at dahan-dahan ring iniharap ang katawan sa kanyang mata. Tinanggal niya ang dugo sa paligid ng sugat at nilagyan ng gamot ang bulak. Onti-onti niyang ipinapahid iyon at nakikitang napapangiwi na nga sa sakit ang babae.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa kanina at pilit na hinihinaan ang pag diin niya. Kahit naman anong gawin niyang pag hina, mararamdaman pa rin ang hapdi, punong-puno na rin iyon ng dumi. Malamang sa malamang ay sasakit.

Habang tinatapos niya ang ginagawa niya ay hindi na niya napigilan ang sarili niya at nakaramdam siya ng pag patak ng kanyang mga luha. Hindi niya man dapat gawin at maramdaman ngunit wala ng magagawa. Tumulo na rin naman na.

Kahit gaano niya ito itinakwil, isinumpa sa kung sino mang diyos ng kalawakan, nanay niya pa rin ito. Mahal niya ito kahit gaano ito katarantado.

Iyon ang totoo.

"Hyoyeon."

"Pasensiya ka na ha. Sa lahat ng ginawa 'ko. Humihingi ako ng tawad kasi hindi ako naging mabuting ina para sa'yo. Gustuhin 'ko mang bumawi, pag bibigyan mo ba ako?"

Iyan lang naman ang mga salitang gusto niyang marinig. Napa hagulgol na siya sa tuwa at sakit ng mga alaalang nag balik sa kanyang isipan. Ganito kasakit ng siya'y itakwil at ganito kasakit ng siya'y muling tanggapin.

Totoo na ba 'to?

Hindi na ba siya aasa sa kawalan?

"Hyoyeon, anak. Namiss 'ko 'to. Namiss 'kong maging nanay mo."

Halos isigaw na nga niya sa nanay niya ang mga salitang: "Ako rin, sobrang namiss 'ko 'to. Namiss 'kong mag karon ng ina, tulad noon." Lihim siyang napa ngiti habang umiiyak. Sa piling niya ang mainit na braso ng kanyang ina. Hindi niya alam kung tuluyan nga lang ba siyang aasa o tuluyan bang magiging totoo na itong mga nangyayari sakaniya.

Ang mahalaga, naramdaman niya muling mag karoon ng tunay na ina.

Tumayo na silang dalawa at inilalayan niya ito papunta sa kobeta ng kwarto niya. Kung titingnan niya ang katawan ng nanay niya, sapat na ito upang mag karoon ng panibagong lalaki sa buhay niya. Pero hindi pa 'non kaya. Sigurado 'yon.

Habang hinihintay niya itong matapos maligo, hindi nanaman siya mapakali. Ni hindi na nga niya naalalang may masakit pala sa bandang binti niya dahil sa sobrang tuwa niya. Hindi niya na rin naalalang pumasok pa dahil mukhang mas mahalaga na nga ito para sakaniya.

Sumigaw siya.

"Ma! Pwede ba ulit kitang tawaging mama?" Tinawag na nga niya, tatanungin niya pa.

At kahit naliligo ang kausap niya, napa ngiti ito ng marinig niyang muli iyon. Kelan niya nga ba huling narinig iyon? Tatlong taon na ba ang nakalilipas? Apat? Lima? Hindi niya alam. Nakakamiss ang pakiramdam at nakakalungkot dahil kung kelan matanda na siya tsaka niya nakalimutang tumatanda na nga rin pala ang anak niya.

Ng lumabas siya ng kobeta nakita niya ang anak niyang naka ngiti ng totoo sakaniya, yung ngiting ipinapakita niya noong panahong ayos pa sila. Napaiyak siya sa tuwa at muling humingi ng tawad sa anak niya.

"Kung hindi ako nabulag sa pag mamahal ko sa tatay mo, edi sana masaya tayo ngayon, ano?"

"Ma, totoo na ba 'to?"

Hinawakan niya ang pisngi nito at hinalikan ang labi nito. Saglit lang, yung tipong pang nanay nga lang. Namiss niyang yakapin ito. Nakakalungkot lang at ang itim nitong buhok ay naging dilaw na nga. Nakakalungkot lang rin dahil ang dating mainit na tingin nito ay naging malamig na agad.

At sinong nag sabing wala siyang alam?

Minamanmanan niya ang anak niya. Sa hindi ganon kaayos na paraan, syempre. Kinuntsaba nito ang matalik niyang kaibigan. Malaking pasasalamat na lang talaga niya kay Yoona at hindi niya ito iniwan.

"Anak, nakakaawa ka."

"Bakit naman?"

"Kahit gaano mo kagustong makalimot, hindi mo magawa."

Natauhan ng kaonti si Hyoyeon sa narinig niya. Oo nga naman, nakakaawa naman talaga siya.

"Alam mo, ma?"

Tumango lang siya at nanahimik habang hinahayaan ang anak niyang bihisan siya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.