Chapter 5

Gray

Nasabi nga pala saakin ni Jessica na okay lang daw sa SNSD na kasama niya kami, basta babalik daw siya sa grupo pag hinahanap na siya. Mababait naman pala yung SNSD. Ayaw lang talaga siguro nila kay Yoona. Tanggap naman daw nila na kaya niya kami kasama kasi nga dahil kay Kris, naging close raw kami. O baka naman, messenger si Jessica ng SNSD?

 

"Jessica, hindi ka ba kasabwat ng SNSD para mag hanap ng impormasyon saamin?"

 

Rumolyo naman ang mata ni Jessica at ibinalik niya naman ang tingin niya saakin. Naiirita siya, halata naman sa mukha.

 

"Takte naman Hyoyeon, alam ng SNSD na 'yan na kaya lang ako sumama sakanila dahil sa kapatid 'ko. Dapat lang na tanggapin nilang hindi ko naman talaga sila magiging close dahil si Yoona na nga ang naunang makipag kaibigan saakin."

 

Nagagalit na si Jessica. Help.

 

"Galit lang talaga yung mga 'yon sainyong dalawa, close kayo sa Exo, wala naman kayong relasyon. Pero kung nag karelasyon naman kayo, tanggap nila. Hindi naman ganon ka kitid utak nung anim na 'yon."

 

"At si Taeyeon naman, moved on na raw kay Sehun. Kay Baekhyun na daw siya, tanggap na raw niya kayong dalawa ni Sehun."

 

Rumolyo naman ulit yung mga mata niya. Ang sungit nito.

 

"Chill Jessica."

 

Wala pa ring siyang reaksyon sa sinabi 'ko. Mukhang magiging close talaga kami nito ni Jessica.

 

"Mabait pa yung mga 'yon, kung ikukumpara mo sa iba."

 

Buti pa nung nag ice cream kami hindi na masyadong nag susungit 'tong si Jessica, ano ng nangyari ngayon? Mood swings?

 

"Ba't 'tong si Yoona galit dun?

 

Bumuntong hininga naman itong si Jessica at diretso pa rin ang tingin niya sa harapan niya. Nag tatanong lang ako, gusto ko lang naman maka siguro.

 

"Explain mo nga Yoona."

 

Wala namang nagawa si Yoona kundi ang tumabi saakin.

 

"Ganito kasi Hyo, diba nga galit yung mga tao saakin kasi nga close ako sa Exo. Pati sila galit saakin. Hindi naman ako sakanila mismo galit, doon lang sa pag lalandi nila. Maski yung crush 'ko nilalandi Hyo, hustisya."

 

Oo nga pala, yung gusto niya, di ko pa rin nakikita.

 

"Tsaka Hyo, kaagaw mo si Taeyeon kay Sehun, hindi ako papayag nun."

 

Hindi na ako nag react sa sinabi niya, naka poker face lang din ako kahit na alam kong hinihintay niya akong mag react. Bumuntong hininga na lang siya, dahil nga sa hindi niya nakuha yung gusto niyang makuha.

 

Kasalukuyan kaming nag lalakad ni Jessica at Yoona papunta ng canteen dahil kailangan naming puntahan yung Exo. Si Jessica lang naman yung may kailangan, pero naka pangako rin naman ako kay Lay at itong si Yoona, sabik makita yung crush niyang hindi ko pa rin kilala.

 

"Yoona, sino diyan yung crush mo?"

 

Tanong ko ng maaninag na namin yung doseng lalaki na kumakain. Kahit na sobrang dami ng babaeng naka paligid sakanila, ay kitang-kita mo pa rin dahil sa iba't ibang kulay ng buhok nila.

 

"May crush ka sa Exo, Yoona?"

 

Tanong naman nito ni Jessica na kanina pa busy kakahanap nung matangkad niyang syota.

 

So wala rin palang alam itong si Jessica?

 

"Takte Hyo, wala pa akong balak ipaalam eh."

 

Hinampas naman ako nito ni Yoona sa braso. Nadadala na ako sa hampas nitong babaeng 'to ah.

 

"Hindi mo ipapaalam?"

 

Dahil nasa gitna namin ni Jessica si Yoona, hindi ko nakikita mukha ni Jessica kaya't iginalaw ko pa yung leeg ko para makita si Jessica na naka tingin kay Yoona ng pasingkit ang mata.

 

"Ipapaalam ko na nga po, boss Sica."

 

Boss Sica? Under si Yoona? Hmm.

 

"So ayun Hyo, yung lalaking mukhang clueless sa lahat ng bagay. Pero ang cute cute niya, sobrang cute niya pero hot din siya. Pag nakita mong sumayaw yan Hyo, baka agawan mo ako."

 

Hinanap ko naman sa dose kung sino nga ba yung lalaking sinasabi niya. Si Jessica naman, mukhang alam na kung sino dahil narinig kong tumawa. Hustisya naman, hindi ko pa sila lahat kilala.

 

"Clue pa? Katabi siya nung pinaka maitim sakanila, kasalukuyan siyang hinaharot ngayon ni Baekhyun."

 

Sino si Baekhyun?! Hinanap ko naman kung sino nga ba sakanila yung Baekhyun. Ayon kay Lay si Baekhyun daw, mukhang bakla pero lalaki raw talaga yun.

 

At sino yung maitim na iyon? Wala naman ako makitang maitim. May nakikita man akong medyo maitim nga, tulog naman kaya hindi ko malaman kung maitim ba talaga. Naka takip kaya yung mukha.

 

"Asan diyan yung Baekhyun?"

 

Huminto naman kami saglit dito sa gilid dahil nga pinag uusapan pa namin yung Exo, kailangang malayo kami sa Exo.

 

"Alam kong hindi mo kayang tingnan 'to, pero tingnan mo yung may pinaka maliit na hips."

 

Naka upo naman kasi yung iba, paano ko makikita. Pero ang sabi niya, tingnan 'ko yung may pinaka maliit na hips, ibig sabihin naka tayo. Kinukulit din daw yung crush niya, sino ba ngayon yung naka tayo at may kinukulit na mukhang clueless sa lahat?

 

Mukhang kilala 'ko na.

 

"Yung tahimik lang ba na masama ang tingin dun sa lalaking naka tayo, tapos yung buhok nung Baekhyun ay platinum?"

 

"Tama. Ang talino mo nga talaga, paturo master."

 

Nasa tabi ko naman na ngayon si Jessica, bali ako ang nasa gitna ngayon.

 

"Anong pangalan?"

 

Binaliwala ko naman yung sinabi ni Jessica.

 

Tiningnan ko naman ulit yung lalaking crush nito ni Yoona, cute naman. Pero mukhang hindi naman sumasayaw ah?

 

"Kyungsoo."

 

Si Jessica naman ang sumagot.

 

Kyungsoo? Ah, yung sinasabi ni Lay na tahimik pero deadly kung gumalaw. Deadly? Mukha bang deadly yan? Mukha nga talaga siyang clueless oh!

 

"Ano ulit tawag sakaniya, Jessica?"

 

Si Jessica na tinanong ko dahil itong si Yoona, naka tulala na doon sa Kyungsoo na iyon. Iba kasi ang sabi ni Lay saakin na tawag sakaniya, kaya't naniniguro ako. Mamaya baka pag nakausap ko, tawagin kong Kyungsoo edi magulat, diba?

 

"D.O."

 

Mahina niya namang sagot saakin.

 

Nag taka naman ako kung bakit nga ba biglang humina ang boses nitong taklesang babaeng ito. Tiningnan ko naman kung ano ang tinitingnan niya, napadpad kami doon sa matangkad na lalaking Kris ang pangalan na may kasamang babae.

 

Bago ko pa mahawakan 'tong si Jessica, nakita ko ng pasugod na doon kay Kris.

 

Pinag titinginan nanaman kami ng mga tao dito. Una, syota ni Jessica si Kris. Pangalawa, si Yoona, diba, yung mga haters niya raw. Tapos pangatlo, ako, yung ginawa ni Sehun. Tsaka bakit naman sasama itong si Jessica saamin diba? Parte siya nung SNSD, paniguradong yung ang mga tanong ng mga taong tsismosa't tsismoso dito.

 

Hinila ko naman itong nakatulalang Yoona na ito pasunod saakin dahil kailangan kong pigilan itong si Jessica dahil natatakot na ako sa gagawin niyan.

 

"Jessica!"

 

Sigaw ko naman. Pinag tinginan kami, oo. Pero kesa naman gumawa ng eksena 'tong babaeng 'to, mas okay na 'yon!

 

"Sica!"

 

Natauhan naman itong si Yoona at nakisigaw na rin. Pero nung tiningnan ko aiya, naka ngiti naman siya. Meron ba akong hindi alam?

 

Huminto naman itong si Jessica sa pag lalakad niya ng mabilis at lumingon saamin.

 

"Tutulungan niyo ba akong kalbuhin 'yong babaeng 'yon?"

 

Mataray niya namang sagot saamin. Natatakot ako kay Jessica.

 

Hindi ko alam kung ano nga ba ang isasagot 'ko.

 

"Oo!"

 

Nagulat naman ako sa sigaw nito ni Yoona. Kinunsinti niya si Jessica! Ano ng gagawin 'ko?

 

Hinila naman ako nito ni Jessica, yung nahahawakan niya may pasa pa naman pero okay lang hindi naman mahigpit. Hila-hila niya ako, habang ako hila-hila si Yoona.

 

Lahat naman ng taong dadaan sa dinadaanan namin, tumatabi. Malamang, si Jessica yung dumadaan. Sinong hindi matatakot?

 

"Kris Wu Yifan!"

 

Isang malakas na sigaw ni Jessica. Ang sakit sa tenga, tili ata yung ginawa niya, hindi sigaw.

 

Nandito na kami ngayon malapit sa table ng Exo, tiningnan ko naman yung onse na nag haharutan sa lamesa. Lahat naman sila napatingin kay Jessica dahil sa sigaw niya. Tumawa naman silang lahat bigla. Anong nangyayari?!

 

"Oh, hi babe!"

 

English naman na sagot nitong Kris na ito.

 

At kahit na english 'yon, naiintindihan 'ko. Nag aaral naman ako kahit na masama akong studyante. Kakasabi ko lang na mabait ako eh, pero masama rin ako.

 

"Wag mo 'kong i-hi babe dahil gugulpihin kita."

 

Walang reaksyon si Kris na nakatingin lang kay Jessica, si Jessica naman nangangawit na siguro dahil ang tangkad nung syota.

 

Tiningnan ko naman yung kasamang babae ni Kris. Kamukha ni Kris, tsaka mas matangkad kay Jessica ng konti.

 

"Teka, anong ginawa 'ko?"

 

Mahina lang ang boses nilang dalawa. Pero ramdam ko pa rin yung mga titig ng tao sa likod namin. Lumingon naman ako doon sa onse, nanunuod lang din naman sila nangyayari.

 

"Bitiwan mo 'yang babaeng 'yan."

 

Wala ring reaksyon yung mukha ni Jessica. Bagay nga silang dalawa.

 

"Jagi, hindi ako yung naka hawak, siya oh!"

 

Turo naman ni Kris doon sa babaeng nakahawak nga sakaniya.

 

"Edi gumawa ka ng paraan para bitiwan ka niya. Kris Wu, matalino ka, ba't di mo gamitin sa tamang paraan 'yang talino mo?"

 

Tiningnan naman ni Jessica yung babae na kasama nga ni Kris. Hindi ba nahahalata ni Jessica na mag kamukha sila? Baka naman mag kapatid? Parehas pang matangkad.

 

"Matalino ka rin Jessica, kita mo namang fangirl 'ko 'to oh."

 

Inirapan lang ni Jessica si Kris. Steady lang naman si Kris, pati na rin si Jessica. Naiintindihan ko na talaga kung bakit nga ba naging sila.

 

"Bitaw."

 

Utos ni Jessica doon sa babae.

 

Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay Jessica o ano. Tiningnan ko naman si Yoona. Naka ngiti lang siya at napatingin rin naman siya saakin.

 

"Kapatid ni Kris?"

 

Bulong ko naman sakaniya. 

 

Napatawa naman siya ng mahina sa sinabi 'ko.

 

"Inobserbahan mo Hyo, ano?"

 

Tumango na lang ako at humarap na ulit kay Jessica, Kris at doon sa kapatid niya.

 

Nag seselos si Jessica.

 

"Ayoko! Akin lang si Kris oppa!"

 

Napapansin ko namang napapangiti rin yung kapatid ni Kris sa nangyayari pero pinananatili niya yung 'inlove kay Kris' na mukha, pinlano siguro ni Kris 'to.

 

"Aba! Oppa?! Bitiwan mo si Kris."

 

Namula na si Jessica, at pinanlakihan na ng mata yung kapatid ni Kris. Si Kris naman, poker face pa rin.

 

"Ayoko nga! Oppa, galit na saakin si Jessica unnie!"

 

Hinila naman nung kapatid ni Kris yung braso ni Kris, at nakita 'kong napa kunot ang noo ni Jessica dahil doon.

 

"Okay lang 'yan dongsaengie."

 

Pinat naman ni Kris yung ulo nung 'dongsaeng' niya.

 

"Dongsaengie? Hmm, sige."

 

Binitiwan na ako ni Jessica at yung kamay na ginamit niya para hawakan ako ang pinang hawak niya rin sa necktie ni Kris, hinila niya iyon, kaya't malamang sumikip.

 

"Aray! Jagi!"

 

Pilit naman na tinatanggal ni Kris yung kamay ni Jessica. Pero dahil si Jessica iyon, wala siyang pake at tiningnan niya lang ng mariin si Kris.

 

"Shut up."

 

Mas hinila naman ni Jessica yung necktie na naging dahilan para mapagalaw si Kris sa kinatatayuan niya.

 

"Jagiya! Joke lang yun! Kapatid ko yan! Kapatid!"

 

Sa ngayon ay hila-hila na siya ni Jessica palabas, kami naman ni Yoona nanunuod lang doon sa dalawang nag aaway. Yung kapatid naman ni Kris naka ngiti lang sa kapatid niya.

 

"Ulol! Mag uusap tayo. At ikaw, anong pangalan mo?"

 

Humarap naman si Jessica doon sa kapatid ni Kris.

 

"Kristine."

 

Ngumiti naman si Kristine kay Jessica at ibinalik ang tingin niya sa kuya niya.

 

"Mag uusap rin tayo, pero wag ngayon. Gugulpihin ko lang 'tong lalaking 'to."

 

"Bye unnie! Bye Kris! Have a nice day!"

 

Tumalikod na si Jessica at pinag patuloy ang pang hihila kay Kris palabas ng canteen, itong kapatid naman ni Kris, tawa ng tawa. Plano niya siguro 'to.

 

"Have a nice day mo mukha mo Kristine!"

 

Dumila lang si Kristine kay Kris. Tama, plano nga niya.

 

"Yoona!"

 

Yumakap naman si Kristine kay Yoona. Close pala sila?

 

"Dapat hindi mo na pinag selos si Jessica. Tsk."

 

Nandito lang naman ako, nakatayo, hindi ko alam kung anong gagawin 'ko.

 

"Ba't ngayon ka lang pumasok?"

 

Tiningnan ko naman kung saan nakatingin si Kristine, hindi ko alam kung sino nga bang tinatanong niya. Ako ba o si Yoona?

 

Tinuro ko naman sarili 'ko dahil saakin siya nakatingin, kilala niya ako?

 

Tumango naman siya.

 

"Oo ikaw."

 

Parang ang arogante naman?

 

"Anong meron?"

 

Walang kaalam-alam 'kong tanong kay Yoona.

 

"Nakukwento kasi kita sakaniya Hyo, sister ko na 'to. Hihihi."

 

Bakit ang landi ng tawa ni Yoona?

 

"Ikaw yung Hyoyeon, diba?"

 

Sumingit naman siya sa usapan namin o kung matatawag mang usapan yun. 

 

"Oo?"

 

Nag aalangang 'kong tanong. Hindi pa ba halata? Tinawag na ako ni Yoona ng Hyo, ibig sabihin ako si Hyoyeon, tama ba? Kung nakukwento ako ni Yoona, dapat alam niyang Hyo ang tawag ni Yoona saakin.

 

"Kristine. Hindi kita tinatawag na unnie dahil hindi naman kailangan. Mas matanda ako sa'yo."

 

Hindi naman ako nag tatanong.

 

"Hyo, yung mukha mo naman."

 

Bulong naman ni Yoona sa tabi 'ko.

 

Hindi naman kasi ako interesado. Siguro mag kakainteres ako sa susunod pero ngayon, hindi talaga eh.

 

"Pero ayokong tinatawag na unnie ako."

 

Ngumiti naman siya saakin. Sabagay, maganda naman. Hawig nga lang talaga ni Kris. Pero hindi naman totally na talagang mag kamukha, may hawig lang kay Kris. Fraternal twins, siguro.

 

"Mas matanda ako kay Kris, isang minuto lang."

 

"Sayang lang talaga at nakuha niya yung height. Di man lang ako binigyan."

 

Hindi naman ako nag bigay ng reaksyon, dahil wala akong masasabi, wala rin akong marereact. Tiningnan niya lang naman ako na para bang nag tataka siya saakin. Napatawa naman siya ng alanganin.

 

Humarap naman siya kay Yoona.

 

"Awkward ba?"

 

Bumuntong hininga naman itong si Yoona.

 

"Ganyan talaga yan Kristine."

 

Bumalik naman ang tingin saakin ni Kristine at ngumiti nanaman siya, yung ngiting hindi plastik. Mukhang mag babago na agad ang tingin ko sakaniya,

 

"Don't worry, gagawa ako ng paraan para maging close tayo. Mukhang sumasayaw ka pa naman."

 

"Sumasayaw ka?"

 

"Mas magaling naman ako sumayaw kesa dun sa Kris na 'yun. Sige na bye, Hyoyeon! Bye Yoona!"

 

Sumasayaw rin siya. Pwede na.

 

Humarap naman siya doon sa onse na nanunuod pa rin saamin hanggang ngayon.

 

"Bye! Hirap niyong isa-isahin!"

 

Tumakbo naman na siya paalis. Tiningnan ko lang siya habang tumatakbo siya papunta sa isa pang grupo ng mga babae.

 

Kinalabit naman ako nito ni Yoona.

 

"Hyo, ganon talaga 'yon. Pag pasensiyahan mo na, nung una hindi ko rin siya gusto, pero mabait yun."

 

Sinigurado niya namang mabait si Kristine. Mukha namang mabait, hindi ko lang talaga siya nagustuhan siguro kanina. Pero sige, might as well as give her a chance.

 

"Hmm."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.