Chapter 18

Gray

Naiipit si Jessica sa sitwasiyon, hindi niya alam kung susundan niya ba si Luhan o pupuntahan na niya si Hyoyeon. Nasa gitna siya ng dalawang desisyon na hindi niya alam kung ano ba ang tama at dapat na piliin. Sa mukhang nakita niya kay Luhan, hindi niya maiwasang makaramdam ng awa at sakit mula 'don. Hindi niya alam kung tama lang ba na ganon ang inaasta ng usa dahil sa pagkakaalam niya ayon kay Kris, hindi pa ito nakaka kalimot sa dati niyang kasintahan. Naguguluhan lang talaga si Jessica.

 

Bago pa maging pang walo ang bilang ng yapak at hakbang ni Luhan sa sahig, mas pinili na lang ni Jessica na italikod ang katawan niya mula sa hagdan na mag dadala sakaniya papunta kay Hyoyeon at hawakan ang damit ni Luhan. Maraang napa tigil si Luhan 'don at tiningnan si Jessica na sa unang beses ay may malumanay na ekspresiyon.

 

"May problema ka diba?" Isang katotohanang isinasampal na nga sa pag mumukha ni Jessica pero bakit ba parang hindi niya pa rin makuha?

 

Lumunok ng laway si Luhan at hindi hinayaang bumaba sa sahig ang paningin niya dahil alam niyang sa pag kilos na 'yon, malalaman agad ni Jessica kung ano nga bang meron at bakit ganito siya umasta.

 

Ipinilit niya mula sa bibig niya ang mahinang pag tawa bago ibinalik ang seryoso niyang mukha. "Sabihin mo kay Kris, mag kita kami mamaya. Alugin 'ko lang utak para matandaang wala dapat siyang pag sasabihan ng problema 'ko, kasama ka na 'don." Ngumiti si Jessica sa paraang para bang nanalo siya. Ngayon, ay sigurado na siya, tapos na nga siguro ang pagiging miserable ng usa dahil sa isang babaeng mas matanda sakaniya.

 

Ngunit isa ring panibagong yugto para sa isang babaeng maaring hindi siya makita.

 

"Papakinggan kita, pero limang minuto lang, kailangan 'kong puntahan si Hyoyeon." Sa huling salita ay binitawan ni Jessica ang damit ni Luhan at tumabi na sa usa.

 

Naka tayo lang sila sa gitna ng daanan at naka tulala sa kawalan, nag hihintay ng kasagutan pero isang katahimikan lang ang nakamtan.

 

Ng mapag isipan ni Luhan na hindi na nga niya kaya pang tiisin ang pakiramdam, nag seselos siya, naiinis siya. Sa maknae pa nila. "Bakit pa? Mukhang masaya na siya kay Sehun." Rumolyo rin ang mga mata niya papunta sa kanan bago lumakad paharap, sinundan naman ni Jessica bago niya ito hinampas sa likod ng matauhan.

 

Bumubulong ng kung ano-anong mura itong si Yoona dahil ilang beses lang naman siyang pinahiya nung gurong malandi bago siya pinayagan lumabas. Ilang beses rin niyang tinadyakan si Kai para hindi na sumama pa sakaniya sa pag punta niya kay Hyoyeon.

 

Namomroblema rin siya dahil hindi niya alam kung saan ito hahanapin, dapat nga ay lalandi siya at mag papasama kay Kyungsoo pero baka hindi na niya magawa ang kailangan niyang gawin kaya't naging matino muna siyang kaibigan bago pinairal ang kalandian.

 

Nag dadabog pa siya at maririnig ang lakas ng hakbang ng mga paa niya, kung saan-saan na siya dinala ng mga paa niya at kung saan-saan na rin napunta ang paningin niya. Nag simula na rin ang pangalawang subject nila sa araw na 'to, pero hindi pa rin siya pumapasok 'don. Mag cutting classes man siya, ay hindi na niya napansin, iisa lang naman kasi ang layunin niya.

 

Ang makita si Hyoyeon.

 

Kung minsan nga ay tumatakbo siya, matapos 'non ay mag lalakad siya. Ngayon ang nililibot niya naman ay ang pangalawang palapag ng building nila. Nag babaka sakaling makita si Hyoyeon sa mga kwartong walang tao't laman, makita si Hyoyeon sa isang kwartong napa lilibutan ng mga salamin, baka makita niya itong sumasayaw. Hindi niya lang talaga alam kung saan ba uumpisahan, hindi niya naman matawagan si Sehun sa telepono dahil iniwan 'non ang bag niya sa klasrum.

 

Ipinihit niya ang isang door knob na kulay itim at itinulak ang pinto paloob, kusa nanamang nag libot ang mata niya para hanapin ang blonde na si Hyoyeon pero sa hindi inaasahan iba ang nakita niya.

 

Sa harapan ng mata niya ay ang tumambad na si Baekhyun na hindi niya alam kung hinahalikan ba niya yung babae o siya yung hinahalikan. Dulot ng pag kawala ni Baekhyun sa hawak nung babae, hindi niya alam kung ano ba ang paniniwalaan niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang tumalikod, maari niya rin kasing magamit ang bagay na 'to at pangyayaring 'to para mapasunod niya si Baekhyun sa kung ano nga bang gusto niya.

 

"Tangina, tigilan mo 'kong haliparot ka. Loyal na ako ngayon!" Pilit na tinutulak ni Baekhyun ang katawan ng babaeng naka patong sakaniya habang siya ay naka higa sa sahig.

 

Malamang, hindi niya pa alam na napapanood siya ni Yoona dahil mukhang wala naman siyang pake sa paligid niya dahil ang gusto niya lang naman maitulak ang babaeng naka patong sakaniya. Iba naman kasi raw dapat ang gumagawa 'non sakaniya.

 

"Whatever oppa, loyal? Kelan ka pa naging loyal? Alam 'ko namang hindi mo matatanggihan itong katawan 'ko." May kasama pang malagkit na tingin at ngiting sabi ng babae na sa pag kakaalala ni Yoona, ang pangalan 'non ay Hyuna. Pilit na nag pipigil ng tawa si Yoona dahil mukhang pag arte lang naman ang ginagawa nung Hyuna na sinasabi niya. Halata niya lang talaga.

 

"Oppa, amp. Mas matanda ka kaya sakin, wag ka ngang malandi. Naging loyal ako simula ng dalhin ni Yoona si Hyoyeon sa buhay 'ko, shet cheesy. Bwiset 'to, mas maganda ako sa'yo."

 

Tuluyan ng natawa si Yoona sa naririnig at nakikita niya kaya't sa tawa niyang 'yon ay nakita na siya ni Baekhyun dahilan para mag karoon siya ng adrenaline rush at naitulak niya si Hyuna mula sa katawan niya at tumimbuwang sa sahig si Hyuna. Mangiyak-ngiyak pa sa kakatawa 'tong si Yoona na para bang 'yon ang pinaka laptrip na narinig at nakita niya sa buong buhay niya, pinapalo-palo niya pa yung dingding at hinihimas ang tiyan niya. Maraang iniripan ni Baekhyun si Yoona at tumayo na, bago minatahan si Hyuna na naka ngiti lang sakaniya.

 

"Tangina mo talaga, trip mo 'ko, ano? Asan na yung eyeliner 'ko? Kaya pala bigla mo 'kong hinalikan dahil nandiyan si Yoona, bwiset." Mahiwagang irap nanaman ang ginawa ni Baekhyun bago itinapat sa mukha ni Hyuna ang palad niya.

 

Kaya lang naman kasi siya sumama kay Hyuna dahil may ibibigay raw si Hyuna na pulang eyeliner sakaniya, bilang adik sa eyeliner, natural na kukunin niya 'yon. Grasya at biyaya iyon para sakaniya, libreng eyeliner.

 

Tumalikod na si Yoona habang tumatawa at lumabas, magagamit niya pa rin naman 'yon pang black mail kay Baekhyun, lalo na pag tungkol kay Hyoyeon. Ng mahimasmasan na siya at nag lakad na siya kahit na natatawa pa rin siya, tumakbo na siya paakyat sa pangatlong palapag, dalawang palapag na lang ang aakyatin niya rooftop na 'yon. Kailanman sa araw na 'to, ay hindi niya naisipang nandon si Hyoyeon.

 

Inilibot niya ang paningin niya at hindi na nag abala pang tumakbo paikot dahil napapagod siya, ngayon naman ay ang nakita niya si Luhan at Jessica. Naningkit ang mga mata niya at mas tinitigan ng maayos ang ginagawa ng dalawa. Yakap-yakap ni Luhan si Jessica, habang si Jessica naka patong pa ang kamay sa likod ng ulo ni Luhan.

 

Ang gulo naman ng araw na 'to. Ayon sa opinyon ni Yoona.

 

"Umalis 'ka na Sehun, baka hinahanap 'ka na nila." Hindi sa itinutulak ni Hyoyeon si Sehun paalis, ramdam niya lang talaga na ito yung tamang gawin.

 

Alam niya kasing sa panahon at oras na 'to, hinahanap na siya ni Yoona. At pag nakita ni Yoona na mag kasama sila, mag wawala iyon. Makikita pa ni Yoona ang katawan at mukha ni Hyoyeon, edi mas dumoble ang pag wawala at sermon 'non. Napunta sa isang mahabang linya ang bibig ni Sehun, ayaw niya yung paraan ng pag sasalita ni Hyoyeon.

 

"Aalis na ba talaga ako?" Namamasa ang palad niya kaya't ipinahid at ipinunas niya ang kamay niya sa pantalon niyang suot.

 

Sa mukha niya man minsan lumilipad ang buhok ni Hyoyeon, hindi na siya naiinis o kaya man lang nagagalit. Hindi na niya binabara si Hyoyeon o kaya'y sinasabihan ng slow. Ngayong araw lang naman, ngayong oras lang naman. Nag kakamabutihan na sila, pero sa oras na bumaba ng hagdan si Hyoyeon at makita si Kai, alam na alam ni Sehun na mag lalaho na lang siya. Hindi niya kayang tanggapin 'to, simula pa noon, hindi niya kayang tiisin yung pakiramdam. Na maging anino, na maging kapalit, na maging reserba.

 

Maraang iniiwas ni Hyoyeon ang tingin niya sa langit dahil sa araw na bigla na lang lumitaw at nan silaw. Sa isang kamay niya ay ang piraso ng tela na ibinato ni Sehun sakaniya, sa kabilang kamay naman ay ang kamay na biglaang nawalan ng presensya. Kung kanina nga lang ay hawak ng kamay niya ang buhok at batok ni Sehun, ngayon naka patong lang ito sa itaas ng hita niya at nag hihintay ng may magagawa.

 

Bigla na lang pumasok sa isipan ni Hyoyeon ang palagi niyang isinusumpa sa sarili niya. Gusto niyang malaman kung ano bang nasa isip ni Sehun, kung ano bang tingin ni Sehun sa isang tulad niya. Kung bakit nga ba may distansya pa sa pagitan nila. Yung bagay na hindi niya alam kung mawawala pa. "Ayaw mo ba saakin?" Nabigla si Sehun sa narinig niya.

 

Pinanatili niya ang diretso at poker niyang mukha, hindi niya rin tiningnan si Hyoyeon. Gusto niyang matawa sa sinabi ni Hyoyeon. Ayaw niya kay Hyoyeon? Siguro nga, ayaw niya kay Hyoyeon.

 

"Hindi kita gusto, pero hindi rin sa ayaw 'ko sa'yo."

 

Parehas silang nanahimik, isang pangungusap lang ang naging dahilan kung bakit nga ba nawalan ng kaingayan o kahit na ano mang tunog ang paligid nila. Tanging hangin na dumadampi sa mga pisngi nila ang naging karamay ng isa't isa. Pinilit ni Hyoyeon lunukin ang mga salitang 'yon, itinanim niya sa isipan at damdamin niya para hindi niya makalimutan. Bukas, panibagong araw. Parehas silang walang alam kung bukas nga ba ay mag kaibigan sila, kung bukas mayayakap pa ni Hyoyeon si Sehun, kung bukas, magagawa pa nila 'to sa isa't isa.

 

Inilagay ni Sehun ang bigat ng katawan niya sa dalawa niyang paa sa balanseng paraan at ginamit ang balakang niya para maka tayo. Hindi na niya tiningnan patagilid si Hyoyeon at pinahinga ang mata niya sa pintuan. Ipinasok niya ang kamay niya sa bulsa niya at ipinikit saglit ang mata niya.

 

Parehas nilang naririnig, ang mga yapak ni Yoona.

 

Gumalaw na ang kaliwang paa niya matapos niyang imulat ang mata niya, nag hihintay ng kamay ni Hyoyeon sa kamay niya para sabihing wag muna siya umalis. Ngayon niya lang naman aaminin. Sinundan ng kanang paa ang kaliwa niyang paa, hanggang sa sundan naman muli ito ng kaliwa. Nasa harapan na siya ng pinto, ng mabuksan ito.

 

Ang mukha ni Yoona ay gulat na may halong pag tataka. Kanina lang ay si Luhan at Jessica, ngayon naman ay si Sehun at Hyoyeon. Nahihirapan siyang iproseso ang mga nangyayari, pero mas nahihirapan siyang makita si Hyoyeon.

 

Ang puting balat nito ay nabahiran ng kamalupitan. At hindi siya makaka payag 'non.

 

Nilagpasan niya si Sehun at tumakbo papunta kay Hyoyeon, sa huling sandali, parehas na nag paalam ang dalawang blonde sa isa't isa. 

 

"Bye."

 

"Bye."

 

Parehas nilang bulong.

 

Lumabas na si Sehun at nag lakad pababa ng hagdan. Papasok na muli siya ng klase, ngayong nakapag usap na sila ng dalaga. Ang maliit na ngiti sa labi niya ay hindi na mapapansin ng iba dahil agad rin itong napalitan ng simangot. Naaalala niya ang lahat, bumabalik sa isipan niya ang lahat. Yung pakiramdam, yung mga bagay na ayaw niyang marinig, makita. Pangalawang opsyon nanaman siya.

 

"Unnie naman, akala 'ko ba aalagaan mo sarili mo?" Inis na banggit ni Yoona kay Hyoyeon ng maka lapit ito sa kinauupuan ni Hyoyeon.

 

Isang simpleng ngiti at maikling pag ngiti lang ang sagot niya. Tumungo sakaniya si Yoona at inaninag ang mukha ni Hyoyeon. Ayaw niyang tinatawag na unnie ito, pero biglaang lang rin niyang natawag kasi seryoso siya. Alam ni Hyoyeon na pag lumabas ang salitang unnie na 'yon mula sa bunganga ni Yoona, sesermonan nanaman siya nito ng napaka haba.

 

"Yoona, inalagaan 'ko sarili 'ko. Pero nakakapagod na rin pala." Malungkot na saad ni Hyoyeon.

 

Hindi niya man ipinakitang nalulungkot at nasasaktan siya at hindi na kailangan pang tanungin ni Yoona kung ano nga bang nararamdaman niya. Naging mahinhin na ang mukha ni Yoona na kanina lang ay galit at malungkot rin niyang tinugon ang reaksyon ni Hyoyeon.

 

"Sabi 'ko na kasi sa'yo unnie, poprotektahan kita eh." Ibinalot niya ang braso niya sa katawan ni Hyoyeon at napa luhod na siya sa sahig.

 

Wala na rin siyang pake sa mga gasgas sa tuhod niya dahil sa simentong sahig at mas hinigpitan na lang ang yakap niya kay Hyoyeon.

 

Nararamdaman nanaman ni Hyoyeon yung yakap na tinutukoy niya. Yung yakap na si Yoona at Sehun lang ang nakakagawa. Hindi na napigilan ng mata niya ang mga luha at sa pangalawang beses, may nakakita na muli sakaniyang umiyak.

 

Sinalubong ni Kai si Sehun ng may ngiti, ibinalot niya ang braso niya sa maliit na katawan ni Sehun na para bang isang normal na bagay na 'yon sakanilang dalawa. Normal naman kasi talaga 'yon. 

 

Hinayaan na lang ni Sehun yakapin siya ni Kai, siguro dahil may naalala siya. Yung yakap na naganap noong naging mag kaibigan sila ni Hyoyeon, noong araw na binuksan ni Sehun ag puso niya kay Kai. At dalawang tao lang ang may kayang gawin 'non.

 

Sa isang tingin lang ni Kai kay Sehun, alam niya't nababasa niyang may problema ang kanyang matalik na kaibigan. Pansamantalang natigil ang bromance ng dalawa ng pinaupo na sila ng guro para mag turo ng mga historya na tinutulugan lang ng marami. Tinulak na ni Kai si Sehun pabalik sa upuan nito at bumulong.

 

"Hun, may problema ka, alam 'ko. Gwapo man ako, makikinig naman ako sa'yo." Tumango lang si Sehun bago ibinaba ang ulo niya sa lamesa para matulog.

 

Isang napaka produktibong araw nga naman para sakaniya.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.