Chapter 1

Gray

Chapter 1 editing

Hindi alam ni Hyoyeon kung bakit nga ba siya pumayag sa gusto ni Yoona na lumipat pa ng school. Ang purpose lang naman kasi talaga niya, makasama ang matalik niyang kaibigan.

"Hyo naman, wag mo naman takutin yung mga tumitingin sa'yo."

Sabat ni Yoona sa tabi ni Hyoyeon dahil ang cold talaga ng tingin ni Hyoyeon, parang tinatagos na nga ni Hyoyeon ang kaluluwa ng ilan.

Hindi naman tinatakot ni Hyoyeon ang mga tao, hindi niya naman kasalanan na ganon siya tumingin.

"Alam kong panget ako Yoona, pero hindi ko sila tinatakot."

Blankong sagot ni Hyoyeon kay Yoona, normal na wala ng ekspresiyon 'don dahil ganon naman talaga si Hyoyeon, wala ng magagawa si Yoona, sanay na siya.

Alam ni Hyoyeon kung ano nga bang pinapahiwatig ni Yoona sa mga salita niya, nag kukunwari na lang siyang walang alam dahil trip niya lang.

"Hyo naman, hindi yun yung ibig kong sabihin."

Para kay Hyoyeon, wala namang mali at masama sa tingin niya. Hinayaan niya na lang si Yoona na mag aaangal sa tabi niya.

Lumingon-lingon si Hyoyeon sa paligid niya, nag babaka sakaling makahanap ng gwapo. Amanin na nating lahat, lahat ng babae gusto ng gwapo. Pero para kay Hyoyeon, hindi siya makakahanap ng gwapo kung ang pangit niya naman. Sad life nga naman.

Sa pag iisip na 'yon hindi napansin ni Hyoyeon na may nabangga siya, o kaya'y may naka bangga sakaniya. Parehas lang naman.

Nalaglag si Hyoyeon sa sahig at napaupo, napatigil naman si Yoona sa pag lalakad at tiningnan lang ang naka bangga. May masamang ngiti na kumurba sa labi niya at lumayo sa tabi ni Hyoyeon.

Maaakit ang pwet at balikat ni Hyoyeon dahil syempre, nabangga siya at nalaglag siya.

Tumingin naman si Hyoyeon pataas para salubungin ng ngiting hindi niya maintindihan mula kay Yoona, hindi man lang siya tinulungan. Ang susunod naman niyang tiningnan ay yung taong naka bangga sakaniya o nabangga niya. Lalaking matangkad at may poker na mukha lang ang nakita niya. Mag isa lang, walang kasama, malamang.

"Sa susunod wag kang haharang sa dinadaanan ko." Hindi man lang yumuko ang lalaki para tulungan si Hyoyeon kaya't nabadtrip naman itong Hyoyeon na 'to.

Tumayo na si Hyoyeon at pinagpag ang maikling palda na binili ni Yoona sakaniya.

"Sa susunod rin wag kang haharang sa dinadaanan ko. Laki ng daanan eh." Sagot naman ni Hyoyeon at pinanatili ang blanko niyang mukha habang tinititigan ng malalim ang mga mata ng naka bangga sakaniya o nabangga niya.

Syempre, mas matangkad ang lalaki kay Hyoyeon pero walang pake si Hyoyeon dahil siya yung nasaktan, nalaglag pero hindi man lang tinulungan kahit na sabihin nating hindi nga tumingin itong si Hyoyeon sa dinaanan niya, at inaamin naman niya, ipaglalaban pa rin ni Hyoyeon na dapat tinulungan siya nung naka bangga sakaniya.

Smirk lang naman ang kumorte sa labi ng nakabangga, tiningnan lang rin ang katawan ni Hyoyeon mula paa hanggang ulo. Kung yun man talaga ang ginagawa niya.

"Sayang, ganda ng legs mo pati ng mukha mo, taray naman." Napa ismid naman si Hyoyeon sa sinabi ng lalaki.

Mga lalaki ba ngayon sa legs talaga tumitingin? At paano magiging maganda ang legs ni Hyoyeon? Para sakaniya hindi na ito maganda dahil puro pasa nga ito ngayon dahil sa mga nangyari nung isang gabi.

Tumingin si Hyoyeon sa gilid niya, may mga babaeng naka palibot sakanila, kasama si Yoona naka ngiti lang ng parang ewan kay Hyoyeon, siguro pati na rin 'don sa lalaki.

Idinako naman ulit ni Hyoyeon ang tingin niya sa lalaki, ang pungay ng mga mata niya. At wala kang makikitang ekspresiyon dito, poker face ba. Maliban na lang talaga siguro sa maliit na ngiting masama na ipinapakita niya kay Hyoyeon.

"Sayang, gwapo ng mukha mo, bastos naman." At mas lalong lumaki naman ang masamang ngiti ng lalaki sakaniya.

Binaliwala ni Hyoyeon 'yon at lumapit kay Yoona, mukhang hindi rin naman siya tutulungan ni Yoona kaya't siya na lang ang lalapit.

Nag tatanong tuloy ngayon 'tong si Hyoyeon kung bakit nga ba ngayon lang siya pumasok. Kung bakit nga na after 1 week siya pumasok. Wala naman na kasi siyang ibang kilala na studyante 'don, maliban kay Yoona

"Pwede bang tigilan mo ang kaka ngiti mo ng ganyan Yoona? Mukha ka namang ."

Seryoso kasi, iba ang mukha niya, hindi maintindihan ni Hyoyeon. Para bang may pina plano siyang kahit na sino ay walang makakaalam.

"Hyoyeon, kilala mo ba yung lalaking iyon?" Tumaas-taas pa ang kilay ni Yoona kay Hyoyeon.

"Fortunately, hindi."

"Putek Yoona, halika na." Hihilain na sana ni Hyoyeon si Yoona ng may humila naman sakaniya. Bentang-benta ngayon si Hyoyeon.

Masakit ang pulso ngayon ni Hyoyeon dahil hinila nga siya ng pag ka higpit-higpit nung lalaking naka banggaan niya. Tiningnan lang ni Hyoyeon ito sa mga mata at nakipag titigan rin naman yung lalaki. Bumalik ang walang ka emosyon-emsyon nilang mukha dahilan para mag mukha silang gaya-gaya sa isa't isa.

Naunang gumalaw ang mukha ng lalaki at nag smirk namaman ang maliit na labi nito at inilapit ang mukha niya sa kaliwang tenga ni Hyoyeon. Tumigil pa 'don ng ilang segundo bago nag salita.

Ramdam na ramdam ni Hyoyeon ang mainit na hininga ng lalaki sa tenga niya

"Mind telling me your name?" Bulong ng lalaki sa tenga ni Hyoyeon gamit ang katamtamang lakas ng boses at mababang tono nito.

Hindi pa rin inilalayo ang mukha sa tenga ni Hyoyeon, naka rinig naman ng matitining na tili ang dalawa sa paligid nila at ng tingnan ni Hyoyeon ang matalik niyang kaibigan na si Yoona, naka taas lang ang dalawang hinalalaki nito. Naka thumbs ba.

"Why do you care?"

Mahinang bara ni Hyoyeon sa lalaki sa harap niya dahil literal na nakikipag landian 'to. Ayon kay Hyoyeon, landi 'yon.

Narinig ni Hyoyeon na napatawa ng mahina ang lalaki at mas naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa tenga niya.

"Oh, hard to get?" Hard to get? Isang malaking what the para kay Hyoyeon.

"No, just can't trust people that easily."

"Damn, just tell it to me." At sa tonong ginamit ng lalaki, naramdaman ni Hyoyeon na nairita na nga 'yon at narinig ang pag kainis ng boses niya sa pag sasalita niya.

"No need to get frustrated over it. Kim Hyoyeon."

Tiningnan ni Hyoyeon ang lalaki patagilid at ang nakita lang niya ay ang blonde nito na buhok.

"Oh Sehun."

Sa huling hininga na 'yon, inilayo na ni Sehun ang mukha niya sa tenga ni Hyoyeon at binitiwan ang pulso nito. Nag lakad ito papalagpas kay Hyoyeon at nag lakad si Hyoyeon papalagpas kay Yoona.

Ang pakiramdam ni Hyoyeon ay binubutas ng mga babae 'don ang mukha niya at katawan niya dahil sa sobrang sama ng tingin ng mga 'yon. Sa mukha pa lang naman ni Sehun, alam na ni Hyoyeon na sikat 'yon.

Inakbayan ni Yoona si Hyoyeon dahil mas matangkas siya kay Hyoyeon at isang malaking hustisya ang hinihingi ni Hyoyeon para 'don dahil mas matanda si Hyoyeon kesa kay Yoona.

Hinila ni Yoona si Hyoyeon palayo sa mga babaeng naka palibot sakanila kanina.

"Hindi ka pa nga nakakapasok sa room mo Hyo, nakahanap ka na agad ng gwapo."

Maaga kasing pumunta si Hyoyeon sa eskwelahan na 'yon dahil 'yon ang gusto ni Yoona, sinunod niya lang. Gusto raw kasi ni Yoona na ilibot siya sa bagong school na pinasukan niya dahil new student siya. Naka enroll na si Hyoywon sa ibang school ngayong taon kaso nag pacute itong si Yoona at gumana naman kay Hyoyeon, na lumipat na lang ng school ni Yoona para naman mag kasama sila dahil sa tagal na nilang mag kaibigan, hindi pa sila nag kakasama sa iisang eskwelahan.

Matagal na silang mag kakilala ni Yoona dahil sa mga magulang nila, kaso hindi lang talaga nag kakasama sa iisang school dahil iba ang gusto ni Hyoyeon, iba naman ang gusto ni Yoona.

Iginilid ni Hyoyeon ang mata niya para maabutan ang mukha ni Yoona na naka ngiti nanaman. Hindi nanaman, naka ngiti pa rin dahil kanina pa 'yon.

"Takte Yoona, ano bang problema mo talaga?" Inalis ni Hyoyeon ang braso ni Yoona sa balikat niya.

"Hindi mo ba talaga kilala ‘yon?"

Hindi naman natigil 'don si Yoona at ipinasok niya ang braso niya papasok sa braso ni Hyoyeon kaya't wala ng kawala itong si Hyoyeon sakaniya.

"Sinong ‘yon?"

"Yung kaninang kausap mo na lalaki."

Sa tono ng pananalita ni Yoona, naisip ni Hyoyeon na tama nga siya ng hinala, sikat si Sehun.

"Oh anong meron?"

Nag kunwari si Hyoyeon na wala siyang alam sa kung ano nga bang pangalan 'non o kaya'y kunwaring hindi nag pakilala sakaniya ang lalaki kanina. Para kasi kay Hyoyeon, mas safe 'yon na sagot at mas madaling iintindihin ni Yoona kung ganon.

Tiningnan ni Hyoyeon ulit ng patagilid si Yoona para makitang inilibot ni Yoona ang mata niya bago lumapit kay Hyoyeon para bumulong.

Naalala lang naman ni Hyoyeon ang ginawa ni Sehun kanina

"Si Sehun yun. Oh Sehun."

Nag kunwaring interesado si Hyoyeon sa sinasabi ni Yoona kahit na kilala naman na niya si Sehun.

"Paano ko malalaman kung sino yun, kapapasok ko nga lang ngayon diba." Pag tatago ni Hyoyeon ng nalalaman niya.

Pag nalaman kasi ni Yoona na nag pakilala sakaniya si Sehun, baka mas lalo siyang asarin. Kilala niya si Yoona, hindi lang sa pangalan, pati na rin ang buong ugali nito.

"Ay oo nga pala, hihi. Pero gwapo ni Sehun diba?"

Bumulong nanaman si Yoona sa tenga ni Hyoyeon. Tiningnan lang siya ni Hyoyeon at nakita niyang nag hihintay ng sagot si Yoona o kaya kahit man lang kakaonting reaksyon mula sakaniya. Naniniguro rin naman si Yoona kung may nakakarinig sakanila dahil baka madagdagan ang haters niya, ayaw niya 'non.

"Okay lang?"

Inaamin naman ni Hyoyeon na gwapo talaga kahit na parang buhat-buhat niya ang mundo dahil maliban sa smirk 'non, puro pagiging blankong mukha ang nakikita niya 'don. Hindi niya pa nakikitang ngumiti ng totoo 'yon. Syempre, anong aasahan niya? Kakikilala pa lang naman niya 'don sa lalaking 'yon.

Ngumiti naman si Yoona ng pag kaloko-loko kaya't nag isip agad si Hyoyeon ng pwedeng maging topic nila, maiiwas sa topic tungkol kay Sehun. Sa ganong ngiti kasi, alam na ni Hyoyeon kung ano nga bang binabalak ni Yoona.

"Asan na yung sinasabi mong crush mo?"

Nasabi kasi ni Yoona kay Hyoyeon na may crush nga siya sa school na 'yon at isa na rin sa dahilan ni Hyoyeon kung bakit nga ba siya lumipat ng school ay para makita ang crush ni Yoona dahil minsan lang mag ka crush si Yoona.

"Ay, hihi. Kabarkada siya ni Sehun. Ang cute ‘non, Hyo." Kinikilig-kilig na bulong ni Yoona kay Hyoyeon.


Kung kabarkada ni Sehun, ibig sabihin sikat at kung sikat, hindi niya alam ang pangalan dahil kapapasok nga lang niya ng eskwelahan na 'to.

"Yoong, ano ulit pangalan?"

Sinabi na ata ni Yoona kay Hyoyeon kaso makakalimutin 'tong di Hyoyeon kaya't hindi na matandaan.

"Makikilala mo mamaya sa room natin, hihi. Yung pinaka cute sa lahat." Cute? Ang inaalala ni Hyoyeon baka mamaya iba ang ibig sabihin ng cute kay Yoona.


At dahil nga naka hawak si Yoona sa braso ni Hyoyeon, no choice na siya kundi ang mag pahila kay Yoona. Hila-hila niya pa rin si Hyoyeon hanggang sa tumigil sila sa isang lugar kung saan walang masyadong tao. Parang garden na hindi maintindihan ni Hyoyeon, basta maraming punong hindi gaanong mataas. Tapos may makikita ka ring mga bulaklak dito. Ngayon lang nalaman ni Hyoyeon ma pumupunta pala sa ganong klaseng luhagar si Yoona.

Binitiwan na ni Yoona si Hyoyeon at nauna ng umupo sa ilalim ng isang puno kung saan sigurado silang natatakpan sila ng sinag ng araw.

Nag tinginan lang naman silang dalawa.

"Anong ginagawa mo Hyo?"

Pinanatili ni Hyoyeon ang tingin niya kay Yoona dahil nag tataka siya. Hindi naman umuupo si Yoona sa ganong lugar, medyo may pagka anak mayaman nga kasi ang ugali, pero mukhang nag babago na.

"Upo na, Hyo."

Pinalo-palo naman ni Yoona ang malaking spasyo sa kaliwa niya at gustong paupoin 'don si Hyoyeon. Lumapit si Hyoyeon 'don sa pinapalo-palong spasyo ni Yoona at dahan-dahang umupo.

Walang nag salita, hindi nag salita si Hyoyeon, hindi rin nag salita si Yoona. Minsan ay ganon talaga silang dalawa, kontento na sila ng ganon lang. Yung mag kasama lang sila, kaso kilala ni Hyoyeon si Yoona, hindi mag tatagal 'yon ng tahimik lang sila.

"Hyo, okay lang ba kung ipapakilala kita sa mga kaibigan ko?" Nag tinginan nanaman silang dalawa.

Naisip naman ni Hyoyeon na talagang mag kakaroon ng ibang kaibigan si Yoona dahil hindi naman kasi talaga sila mag kasama. Lagi na lang sa bahay nila sila nag kikita. Kung hindi man, sa labas. Hindi lang talaga sa school na iisa.

"Babae? Lalaki?"

Natanong lang naman ni Hyoyeon para kung sakali, handa siya kung babae man o lalaki

"Lalaki."

Ayos, lalaki. Mukhang mahihirapan si Hyoyeon.

"Walang babae?"

Alanganing tanong ni Hyoyeon, kailangan niya lang makasiguro dahil kung sakaling meron mang babae, 'yon ang uunahin ni Hyoyeon, bukod sa masaya na siya kay Yoona.

"Isa lang kaibigan kong babae dito Hyo, maliban sa'yo."

Kung maliban kay Hyoyeon, ibig sabihin dalawa na yung babaeng kaibigan, tama ba?

"Bakit?"

"Well, you know. Famous. Ang ganda ko kasi, kaya ayun."

Tanggap ni Hyoyeon yung famous, pero yung maganda. Okay, maganda si Yoona pero hindi naman kailangang isampal sa pag mumukha ni Hyoyeon na maganda siya. Kusang nag lakbay ang kamay ni Hyoyeon sa batok ni Yoona at hinampas niya 'to, sa simpleng paraan, binatukan niya 'to.

"Araw naman Hyo!"

Hinihimas-himas ni Yoona ang parte ng balat niya na natamaan ni Hyoyeon dahil nasaktan siya. Kahit na para kay Hyoyeon hindi naman ganon kalakas ang pag batok na 'yon. Masakit pa rin para sakaniya dahil malakas mambugbog 'tong si Hyoyeon.

"Seryoso kasi."

"Yun nga, inaagaw ko daw kasi yung kasikatan nung mga sikat na babae dito kaya ayun, nagalit sila."

Napa kunot naman ang noo ni Hyoyeon 'don, sa pagkakaalam niya kasi, hindi lang naman mga sikat ang pwedeng maging kaibigan ni Yoona. Ano namang problema 'don?

Siguro, hindi siya nag kakaroon ng kaibigan dahil ayaw sakaniya nung mga babaeng estudyante. Naisip lang naman ni Hyoyeon na kaya nga siguro ganon kasi ang gusto nila, nauuna sa paningin ng iba ang mga iniidolo nila at pag may maaring makakaagaw ng pwesto na 'yon, kagagalitan nila.

Pag pepredikta lang naman ni Hyoyeon.

"Yung mga hindi naman ganon kasikat?" Lumingon naman paharap si Yoona at hinawakan ang noo niya.

"Wala na akong time Hyo. Alam mo namang sobrang ganda ko kaya't nag aaral ako." Sa sinabi ni Yoona, gumalaw nanaman ang kamay ni Hyoyeon para ipatama ito sa batok ni Yoona.

Sawang-sawa na kasi siya sa kakapamukha ni Yoona sakaniyang napaka ganda niya. At kahit wala namang ibang ibig sabihin si Yoona 'don, alam naman ni Hyoyeon na wala ngang pangalawang kahulugan 'yon, hindi maiwasan ni Hyoyeon mag isip ng ibang bagay. Hindi niya alam, siguro kasi, nag sasawa na siyang masabihan ng hindi maganda.

"Masakit kasi!"

Muling ibinalik ni Yoona ang tingin niya kay Hyoyeon at may ekspresiyon sa mukha niyang kilala na ni Hyoyeon. Nagagalit si Yoona sa patuloy na pambabatok ni Hyoyeoen sakaniya kaya't ng ginawa niya ulit ‘yon, pinalo niya ang braso ni Hyoyeon. Laking pasasalamat na lang ni Hyoyeon at walang mga pasa 'yon kaya't hindi dumoble ang sakit. At dahil mabait daw siya, pinabayaan niya na lang si Yoona.

Hinawakan ni Hyoyeon ang pisngi ni Yoona at nilamas 'yon.

"Alam kong maganda ka Yoona, wag mo ng ipamukha."

"Iba nanaman iniisip mo Hyo eh."

Rumolyo ang mga mata ni Yoona papunta sa kanan bago tiningnan si Hyoyeon sa kanyang mga mata na para bang may awa 'yon. Tinabig niya rin ang kamay ni Hyoyeon sa pisngi at sinigurong hindi masasaktan si Hyoyeon sa pag tabig na 'yon.

Lumunok ng laway si Hyoyeon dahil alam niyang kahit anong oras ngayon, mag uumpisa nanaman si Yoona sa pangangaral sakaniya.

"Ano ba iniisip ko?"

Pinilit ni Yoona na mahawakan ang buhok ni Hyoyeon gamit ang isang kamay niya at inilagay ito sa likuran ni Hyoyeon para naman makita niya ng buo ang mukha ni Hyoyeon ng walang naka harang na buhok at hindi naman inaalis ni Hyoyeon na para bang wala siyang pake rito.

Naisip niya ring baka kailangang matuto ni Hyoyeon pumorma mula sakaniya.

"Hyo, maganda ka. Bakit ba lagi mo na lang sinasabi na hindi ka maganda?"

Hindi naman kasi talaga nagagandahan si Hyoyeon sa sarili niya, dahil sa isang katagang tumatak sa isipan niya, pinipilit niyang hindi siya maganda. Kung ganon naman na ang pananaw niya, ano pa nga bang silbi ng mga pangaral ni Yoona sakaniya?

Hindi naman kasi raw siya stupido para hindi malaman 'yon.

"Yun kasi yung totoo."

Sa sinasabi ni Hyoyeon, alam ni Yoona na tungkol ito sa nakaraan ni Hyoywon na hindi naman sinasabi ni Hyoyeon sakaniya. Hindi niya naman magawang pilitin kasi nirerespeto niya 'to. Kaya't bumuntong hininga na lang siya bago ratratin nanaman itong si Hyoyeon.

"Alam mo Hyo, yan ang mali sa'yo eh. Lagi mong binababa tingin mo sa sarili mo. Baguhin mo kay-" At dahil kinakabahan itong si Hyoyeon na baka hindi na tumigil itong si Yoona, iniba niyang topic.

"Sino yung mga lalaki na sinasabi mong kaibigan mo?"

Tumingin si Hyoyeon kay Yoona na para bang nananalangin na sana ay makalimutan nito ang sinasabi niya kanina at kumagat na lang sa patibong na inihanda ni Hyoyeon dahil kung hindi maging maayos ang plano, magalit pa lalo sakaniya ni Yoona.

"Mga kabarkada din ni Sehun." Success naman ang plano ni Hyoyeon.

"Kasama yung sabi mong cute mong crush?"

Ayon kasi sa naaalala ni Hyoywon, ang sabi ni Yoona kabarkada ni Sehun, diba?

"Hindi kami ganon ka close eh. Pero ngayon, pipilitin ko na Hyo. Kailangan ko ng mag bagong buhay."

Matapos sabihin ni Yoona iyon, tumingin siya sa langit na para bang ang taas ng pinapangarap niya at ibinilog ang kamao niya at itinaas ito ng may pwersa.

"Sabihin mo nga sakin kung sino yung mga kabarkada ni Sehun."

Kung kaibigan ni Yoona ang Exo, makakasama rin sila ni Hyoyeon ng matagal kaya't naisipan niyang alamin ang background nila. Na baka siguro, maliban sa sikat sila, mga gwapo kuno ayon sa mga nakakalap niyang balita mula kay Yoona, may pang blackmail siya sa mga 'yon kung sakaling pag tripan siya.

Maya-maya pa ay kumokorba nanaman ang labi ni Yoona sa paraang kahit kailan ay hindi nagustuhan ni Hyoyeon. Alam na alam na niya kung ano nga bang iniisip nito, at bago pa mabara ni Hyoyeon si Yoona, naunahan na siya ni Yoona.

"Interesado ka na kay Sehun? Hihi, kinikilig ako. Bagay kayo."

Napa palo si Hyoyeon sa noo niya, pero hindi niya nilakasan. Kaya ayaw niyang nag sasabi tungkol sa mga lalaki, nagiging delusyonal si Yoona. Sabik kasi masyado si Yoona na maging interesado si Hyoyeon sa kahit na sinong lalaki dahil bihira na niyang makitang ganon si Hyoyeon.

"Sa barkada niya ako interesado, hindi sakaniya." Rumolyo ang mata ni Yoona at umismid ang bibig niya sa narinig niya mula kay Hyoyeon.

Wala naman kasing mawawala sakanilang dalawa kung sakaling si Sehun ang ipush ni Yoona kay Hyoyeon, ayon kay Yoona. May tiwala naman kasi si Yoona kay Sehun.

"Bakit ka ba ganyan sa mga lalaki Hyo? Tsk." Lumunok ng laway si Hyoyeon, naguguity kasi siya.

Kung sana kasi sinabi na lang niya kay Yoona lahat, edi sana hindi sila nag tatalo, hindi sana siya ninenerbyos ng ganito, kinakabahan. Nag papakahirap itago ang mga bagay na maaring masabi niya. Para kasi kay Hyoyeon, may mga bagay na mas mainam ng maging isang sikreto dahail kung sakaling may makakaalam, may makakaintindi pa ba? Wala naman na, kaya’t mas pinili niya ang mag tago na lang.


"Yoong, wala na akong magagawa dun." Bumuntong hininga nanaman si Yoona sa pang ilang beses na ngang hindi na mabilang ni Hyoyeon.

Sana man lang ay makuha ni Yoona ang sinasabi ni Hyoyeon, hindi na siya nagiging kumportable sa pinag uusapan nila.

"Hay nako. Fine, sasabihin ko na."

Hinayaan na lang ni Yoona na mabaliwala ang pinag uusapan nila kanina, may alam na siya pero hindi pa lahat. Gusto niya rin kasing manggaling lahat kay Hyoyeon, hindi yung sa ibang tao pa. Kahit na mag best friend sila, nakakatampo pa rin para kay Yoona. Pero mas pipiliin niya na lang respetuhin ang desisyon ni Hyoyeon.

"Si Sehun member siya ng grupo na tinatawag nilang Exo. Mukhang bading man yung pangalan pero madaming gwapo dun. Lalo na't andun pa yung crush ko. Hihihi."

Unang pinaliwanag ni Yoona ang kagrupo ni Sehun na tinatawag nilang Exo at para kay Yoona bakla yung mga 'yon maliban lang sa crush niya. Ng sabihin niya ang tungkol sa crush niya, namula nanaman ang pisngi niya at umaktong kinikilig siya.

"Dose sila Hyo. Ang dami, diba? Pero makakabisado mo rin naman agad sila dahil sobrang dali lang nila kabisaduhin. May kilala ka naman ng isa." Kailan pa naging madali ang dose?

Anim pa nga lang hirap na si Hyoyeon, dose pa kaya. Naka titig pa rin si Hyoyeon kay Yoona nag hihintay ng reaksyon, maliban sa pag kilig-kilig na ginagawa ni Yoona, nag hihintay siya ng iba pa.

At para narin makasiguro si Hyoyeon na ang tinutukoy ni Yoona na kilala ni Hyoyeon ay si Sehun, tatanungin niya ito. Hindi niya naisip na baka asarin nanaman siya ni Yoona.

"Sehun?"

"Oo siya. Nung una, ayoko sakanila. Aba malay ko bang mabait pala sila. Yung nakipag kaibigan saakin, yung bakla dun, shh ka lang kasi hindi alam nung mga ka myembro niya. Si Lay."

Lumapit nanaman si Yoona kay Hyoyeon para ibulong ang mga sinabi niya. Lalo na 'don sa bakla na sinasabi niyang si Lay, hininaan ni Yoona ang boses niya dahil isang malaking sikreto talaga 'yon.

Ang school na pinapasukan kasi nila, bihira lang tumanggap ng mga estudyanteng iba ang lahi maliban na lang kung isa kang Chinese. At sa sinabing pangalan ni Yoona, hindi mawari ni Hyoyeon kung isa ba 'yon Koreano o Chinese.

"Lay? Nickname ba 'yon?"

"Ganon na nga Hyo, mas gusto niyang tinatawag siyang Lay. Pero tinatawag ko rin minsan yun ng Yixing, yung totoo niyang pangalan."

Habang kinukwento ni Yoona iyon, tumataas baba pa ang ulo niya na para bang approve talaga siya sa mga nangyayari. Tumawa ng mahina si Hyoyeon na mukhang hindi na nga narinig ni Yoona, dahil sa itsura ni Yoona, mukhang malalim nga talaga ang iniisip nito.

"Next?"

"Ayun nga, mababait yung mga yun. Kaso sikat sila. You know, crush ng campus."

"Kaya ba pinalibutan kami ng mga babae?"

At kahit na obvious naman na ang tanong ni Hyoyeon, tinanong niya pa rin dahil hindi niya alam kung paano na nga ba ipagpapatuloy ang pag uusap nila kaya't nawalan na siya ng ibang paraan kundi ang itanong iyon.

"Hintay ka Hyo, sisikat ka na rin. Ikaw ang ka una-unahang kinausap ni Sehun sa lahat ng mga nakabangga sakaniya." Nag pantig ang tenga ni Hyoyeon 'don, hindi siya ang naka bangga, si Sehun. O parehas sila, hindi niya alam. Pero ipaglalaban niya pa rin 'yon.

"Hindi ako yung nakabangga Yoona, siya."

Itinaas ni Yoona ang isa niyang daliri at iwinagayway iyon ng dalawang beses sa mukha ni Hyoyeon.

"Ganon na rin yun Hyo! Beware sa mga haters Hyo, marami ako nun."

Inilagay ni Yoona ang isa niyang daliri sa kabilang piangi ni Hyoyeon at iginalaw ito patagilid.

"Ano namang koneksiyon ko dun?"

"Ito naman, parang hindi bestfriend! Syempre, mag kasama tayo lagi!"

Matapos nilang mag karoon ng eye contact ay hinila naman ni Yoona si Hyoyeon papalapit sakaniya at ipinatong ang braso nito sa balikat niya. Hindi na naka sagot si Hyoyeon dahil nag simula nanaman ng panibagong kwento itong si Yoona kay Hyoyeon.

"Balik tayo sa pinag uusapan natin. Si Sehun cold yun, pansin mo naman diba? Mukhang masungit."

Hindi gumalaw si Hyoyeon sa kinauupuan niya at bored na tiningnan si Yoona dahil sa lahat ba naman ng sasabihin ni Yoona, yung obvious pa. Halatang-halata naman na, kitang-kita dahil sa kilos pa lang nito kanina, alam na nga niyang malamig ito makitungo sa iba. Parang siya lang rin.

"Hmm."

Tamad na sagot ni Hyoyeon kay Yoona bago idinako ang tingin niya sa harapan nila kung saan may ilang estudyante na ring pumapasok at tumatambay sa punuan na tinambayan nila, may mga mag syota na magka holding hands at iba pa.

Laking tuwa na lang ni Hyoyeon na nakuha ni Yoona ang pinaka maganda tambayan doon, maaiwalas, tahimik at tago.

"Yun lang reaksyon mo?!" Kaagaw pansin na sigaw ni Yoona sa tenga ni Hyoyeon.

Ang mukha ni Yoona na para bang gulat na gulat talaga siya ay ang pinag tataka ni Hyoyeon. Ano ba dapat niyang ibigay na reaksyon? Wala na siyang maisip.

"Oo. Ano ba dapat?" Kumamot si Yoona ng ulo niya na hinihinala ni Hyoyeon na dahil sa sagot niya.

"Boy version mo yun Hyo! Parehas kayong blonde, lagi kayong nakasimangot, magaling din yun sumayaw, matalino rin, hindi rin ngumingiti yung loko na 'yon. Parehas kayo!"

Inisa-isa ni Yoona at binilang pa iyon gamit ang mga daliri niya sa kamay. Nag tataka lang si Hyoyeon, ng dahil ba sa pagiging blonde niya at cold sa ibang tao, naging lalaking bersyon na niya si Sehun? Hindi dapat ganon.

"Boy version? Yoona, kung boy version ko yun, bakit ganon itsura?"

"Anong meron sa itsura? Maganda ka, gwapo siya."

Para kay Hyoyeon, gwapo si Sehun pero yung sabihan siya ni Yoona na maganda siya, hindi talaga. Isang malaking kasinungalingan na nga iyon. Hindi na rin naka sagot pa ang isa sakanila dahil may nanguna na sa usapan nila. Boses lalaki, tamad iyon.

"Alam kong gwapo ako, pero pwede ba Yoona, wag niyo akong pag usapan ng sobrang lakas dahil rinig na rinig ko." Agad na napalinggon ang dalawang mag kaibigan sa likod nila at sabay ring humarap sa taong nag salita.

Sa pagkaka alala ni Hyoyeon, wala siyang natatandaang may taong naka higa doon sa pwesto na 'yon nung panahong umupo sila kaya't nag taka siya pero mukhang hindi naman big deal para kay Yoona.

"Oh my God! Sehun, andyan ka pala." Naka tingin lang sa itaas si Sehun at hindi nag abalang tingnan si Yoona, inirolyo niya ang mga mata niya dahil sa isang napaka obvious na sinabi ni Yoona.

"Wala ako Yoona." Pang babara ni Sehun at hindi pa rin tinitingnan si Yoona o kahit man lang si Hyoyeon.

"Whatever. Napakinggan mo lahat?" Sa panahon ngayon, si Yoona naman ang umirap.

Nananahimik lang si Hyoyeon sa tabi ni Yoona at pinapanood sila, kung sakali mang mag away sila, aawatin na lang ni Hyoyeon.

"Hindi."

Tamad na sagot ni Sehun kay Yoona, matapos niyang sumagot ay humikab pa. At kahit na hindi man ang sagot ni Sehun, ang mukha na ipinapakita ni Yoona ay hindi maipinta dahil halata namang hindi siya naniniwala sa sinabi ni Sehun kaya't raratratin niya ito ng mga katanungan.

"Mula saan?" Maraang lumapit si Yoona sa tabi ni Sehun at lumayo ng kaonti si Hyoyeon para bigyan sila ng moments dalawa.

Kahit na malapit na si Sehun sakanilang dalawa, sadyang mas nilapitan lang ni Yoona para madali niya itong mahahampas ng kamay niya kung sakaling may kalokohang gawin.


"Wala naman akong pake sa pinag uusapan niyo, pinakinggan ko lang nung marinig ko yung pangalan ko." Habang naka higa ay tiningnan lang ulit ni Sehun si Yoona patagilid bago humikab nanaman.

"Mula saan ‘yon Hyo?" Tanong ni Yoona matapos niyang tingnan si Hyoyeon na walang ipinapakitang emosyon sa kanyang mukha.

"Exo."

Hindi na masyadong nag isip si Hyoyeon sa usinagot niya dahil mula kanina pa naman ay pinag uusapan na nila si Sehun, baka mahirapan lang siya kaiisip. Matapos marinig ni Yoona ang sagot tumingin na siya kay Sehun at kitang nag papanic ito.
 

"Narinig mo yung crush ko? Pati kay Yixing?"

Nakukyutan si Hyoyeon sa nakikita niya pero si Yoona lang ang cute, hindi na kasama si Sehun 'don.

"Si Luhan hyung ba? Hindi rin naman kayo ganon kaclose ni Luhan hyung pero hindi naman cute yun eh. Yung kay Lay hyung, alam ko na ‘yon." Umupo naman na si Sehun at nag unat-unat.

 

Tiningnan ni Hyoyeon si Yoona na naka ngiti, dahil siguro sa sinabi ni Sehun na si Luhan raw, pero hindi naman ito namula tulad ng laging ginagawa ni Yoona kaya't alam agad ni Hyoyeon na hindi si Luhan ang gusto nito. O kung sino man Luhan na 'yon. Baka kasi marunong mag kontrol ng emosyon si Yoona at iba ang ibig sabihin ng cute para kay Yoona. Pero ng marinig ni Yoona ang tungkol kay Lay, nawala ang ngiti niya. Diretso lang naman siyang tiningnan ni Sehun na para banag wala itong pake habang si Hyoyeon nanatili pa rin sa pwestong kinaroroonan niya.

"Wag mong sasabihin kahit kanino Sehun!"

Matapos ang dalawang pag pikit ni Sehun at pag mulat ng mata, tiningnan na niya ang mga mata ni Yoona pero wala pa ring emosyong makikita dito. At ang walang pakeng si Hyoyeon, lumayo ng kaonti sa dalawa para bigyan sila ng privacy, kung gusto man ni Yoona.


"Si Luhan hyung nga?"

"No." Nag kibit balikat lang si Sehun sa sinabi ni Yoona bago idinako ang mga matankya sa lumayong si Hyoyeon.

Pilit niyang hinahanap ang mata nito at hinihintay na tumigin sakaniya pero hindi nman tumitingin kaya't gagawa siya ng paraan para mapansin siya.

"Hi."

Nagulat naman 'don si hyoyeon, hindi niya alam kung para sakaniya o para kay Yoona o para sa ibang tao. Wala naman kasing emosyon ito at naka titig sakaniya na para bang isang hangin lang siya, nag sasawa tuloy si Hyoyeon tingnan ito.

"Bakit ka nandiyan?" Mahinang tanong ni Hyoyeon na para bang nag aalanganin pa siya rito na hindi niya maintindihan.

"Kasi wala ako dun." Itinuro ni Sehun ang paligis sa likuran ni Hyoyeon dahilan para pumikit si Hyoyeon.

Hindi naman kasi siya umiirap kaya't ipinipikit niya na lang mata niya, para mas payapa tingnan.

"Wala namang nag sabi na nandon ka, kaya nga tinatanong kita kung bakit nandiyan ka."

"Kasi wala nga ako dun." 'Yon at 'yon pa rin ang makikita mong ekspresiyon sa mukha ni Sehun, blanko.

Matapos makita ni Hyoyeon 'yon, kay Yoona na niya ibinaling ang tingin niya dahil parang kahit anong oras ngayon, hindi sila mag kakausap ng maayos ni Sehun. Hindi na rin nagulat si Hyoyeon sa nakita niyang ngiti mula kay Yoona dahil pag si Sehun ang kausap niya, alam na niyang automatic ng ngingiti ng parang manyak si Yoona sakanilang dalawa.

"Putek, ikaw na nga kumausap sakaniya Yoona."

Sa layo ni Hyoyeon sa dalawa, sigurado naman siyang makaka higa siya at maliit naman siya kaya't okay lang. Tinanggal niya ang strap ng bag niya sa balikat niya at ipinatong ang bag niya sa lapag upang gawin itong unan. Gagayahin niya si Sehun, matutulog rin siya. Tutal maaga pa naman.

Pero bago pa siya maka higa, napa tigil siya bigla.

"Sinundan kita."

 

(currently editing the first six or seven chapters because of my way of narrating the story. changing them to third person's pov from hyoyeon's pov.)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.