Chapter 24

Gray

Isang tanong na ang daming humihingi ng sagot. Tama. Nakakaalala na nga ba si Kai? Hindi niya alam kung nakakaalala na ba siya, hindi niya alam kung ano bang dapat na isagot niya. Kitang-kita naman na, lahat ng taong nabuhay sa nakaraan niya ay nag babago na. Lahat ng taong naging parte ng Jongin noon ay namamatay na isa-isa sa memorya ng lahat.

Eh ano naman ngayon kung may naalala na siya? Eh ano naman ngayon kung wala pa? May mag babago ba? Makukuha niya ba si Yoona? Maibabalik ba 'non si Hyoyeon? Hindi na ba magiging miserable ang lahat ng bagay ngayon?

Maibabalik niya ba sa panahon ngayon ang nanay niya? Masasagot ba?

Hindi naman diba?

Bakit ba walang makaintindi sakaniya? Bakit ba parang siya na lang lagi ang masama? Bakit ba laging si Kai? Kasi playboy siya? Kasi hindi siya nag seryoso? Kasalanan niya ba? Kasalanan niya bang mag karoon ng ganong pamilya? Kasalanan niya bang mas inuna niya ang dapat unahin kesa sa mga bagay na dapat balikan na lang?

Kasalanan niya bang naging tutang sunud-sunuran na lamang siya?

Hindi na maibabalik ang noon, hindi na maibabalik ang mga bagay na lumipas na kaya nga hindi na siya nag papakahirap pa. Gusto niyang bumuo ng bago, bagong alaala, bagong aral sa mga tinatahak niya. Pero kahit na gusto niya, hindi talaga pwedeng magustuhan lang niya.

Kung kailangang mang gago, gagawin niya. Ito na lang kasi, ito na lang ang naiisip niyang huling paraan para hindi na siya masaktan pa.

Kahit na ang ibig sabihin nito, ay ang manakit siya ng iba.

Umpisa pa lang naman, inihanda na niya ang sarili niya sa lahat. Hindi rin nanan siguro siya magiging ganito, kung hindi niya muna pinagisipan ang mangyayari, ang mga pangyayari. Bobo at tanga man tingnan, pero maniwala kayo, pinag isipan niya ang lahat.

Lahat lahat.

Maski ang nakaraang dapat ibaon sa limot, muli niyang pilit na ibinabalik.

Kasi naman, kung kelan siya sumasaya, 'don nagiging mali ang lahat. Kung kelan naman satingin ng iba ay tama na siya, madalas ay 'don siya nasasaktan, nahihirapan, nalulungkot at nawawala sa katinuan.

Hindi siya baliw. Pero kung ihahalintulad siya sa salitang iyon, pwede na rin siguro.

Tutal, nababaliw lang naman kasi talaga siya sa iisang tao.

Malungkot na napangiti si Kai. Ang kamay niyang kanina ay namamahinga sa kanyang bulsa, ngayon ay namumuti na sa higpit ng kanyang pag hila ng balat nito, sa pag pisil dito.

Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Yung tipong, galit siya pero hindi, masaya pero malungkot, nahihirapan ngunit nagagaanan, lalong lalo na nasasaktan ngunit nasasarapan. Ang gulo lang diba? Parang siya mismo, parang pag iisip niya ngayon, gulong-gulo na.

Kasabay ng pag bagsak ng puwetan niya sa kaninang inuupan ni Sehun, bumagsak na rin ang kanyang mga luhang pinipigilan.

Minsan lang ang pagkakataong ito, umiiyak na nga si Kai.
 

Parang gulat na gulat si Kyungsoo ng makita niya ang bahay ni Hyoyeon na makalat, gaya ng reaksyon ni Luhan sa una ay nanlaki ang kanyang mga mata sumunod naman ay kumunot ang kanyang noo. Nag paikot-ikot ang kanyang ulo hanggang sa maramdaman niyang may natapakan ang kanyang balot ng medyas na paa na likido. Ng tingnan niya ito, nakakita siya ng pulang palapot na at kulang na lang ay masuka na si Kyungsoo dahil nangangalingasaw ang amoy nito.

Hindi ito regla, okay. Alam niyang hindi ito regla, hindi naman siguro ganon kabagla si Hyoyeon at Yoona para mag iwan ng regla sa sala diba?

Ang punto lang ni Kyugsoo, bakit may dugo?

"Yoona!" Sabi ni Kyungsoo ng malakas siguro habang siya papunta kay Yoona na nasa kabilang dako dahil sinisimulan na niya ang pag lilinis, bilang tulong na lang rin naman sa mag inang naiwan dito.

Gulat na napa angat ang ulo ni Yoona padako sa kanyang baby kuno at kung ano mang tawag niya dito at mautal-utal niya pang sinagot ito. "B-bakit?" Nanginginig ang kanyang mga daliri habang ang paa naman niya ay hindi mapakali.

"Bakit may dugo dito?" Nanlaki ang mata ni Yoona at patakbong pumunta sa dako ni Kyungsoo.

"Mag ingat ka! May babasagin diyan! Hoy!" At kahit na sinigawan na nga ni Kyungsoo si Yoona ay nawala na sa isipan iyon ni Yoona.

Hindi na nga narinig ni Yoona ang sinabi ni Kyungsoo dahil nag sisimula na siyang mag isip ng malalim. Nagugulat kasi siya sa inaasta ni Kyungsoo, parang noong isang araw ay hindi pa sila gaanong nag papansinan ngunit ngayon ay nag holding hands na agad sila, nag uusap na sila na para bang matagal na silang close. Ano bang nangyayari?

Takbo lang siya ng takbo hanggang sa makaramdam siya ng sakit sa kanyang kanang paa na para bang pinunit ang kanyang balat. Hindi na nga nag kamali si Kyungsoo, naka tapak lang naman ng bubog itong si Yoona. Napa hinga na lamang ng malalim si Kyugsoo at pinuntahan si Yoona na umaatungal na sa sakit.

"Aray! Huhuhu, ba't ba kasi hindi ako nakinig sa'yo?" Mangiyak-ngiyak niyang sambit habang pilit niyang sinisikipan ang pag hawak niya sa kanyang paa.

Iiling-iling na dinampot ni Kyungsoo ang kanang paa ni Yoona ay tiningnan ang balat nito kung saan bumaon ang bubog. Malaki ang bubog, parang kapiraso na nga ito ng salamin sa sala nila Hyoyeon. Malaki lang ang bubog ngunit hindi naman bumaon ng husto, kung baga kaya niya pang hilain ito gamit ang kanyang mga daliri lang. Sana lang talaga ay hindi siya mabatuk-batukan ni Yoona habang tinatanggal niya.

Inilapit niya ang kanyang kamay sa parte ng nasugatan at tsaka lang napansin ni Yoona na may gagawin si Kyungsoo ng maramdaman na niya ang hapdi.

"Aray 'ko beh." Hindi alam ni Kyungsoo kung tatawa ba muna siya o sasaklulohan niya itong babaeng 'to.

"Nak ng, maya na Yoona ha, tanggalin 'ko muna baka mas masaktan ka na eh." At sa mga sinabing 'yon ni Kyungsoo, tsaka lang napag tanto ni Yoona na ang lapit na ng katawan, kamay, mukha niya sa kanyang gusto at hindi na niya kinakayanan ang pakiramdam.

Nag pipigil siyang tumili, tumalon dahil malamang kung tumalon ito, mas lalong hindi siya makakalakad diba? Tumitibok ng malakas ang puso niya, naiinis tuloy siya kung bakit mag kasama si Luhan at Hyoyeon sa taas imbes na napapanuod sila ni Kyungsoo ngayon ni Hyoyeon at Luhan.

Matapos ang kilig, pinroseso nanamang muli ng kanyang isipan ang mga sinabi ni Kyungsoo sakaniya. Kelan pa nag salita ng ganyang kahaba si Kyungsoo sakaniya? Totoo na ba ito? Ano ba?

Seryosong-seryoso si Kyungsoo sa pag kuha niya at nagawa niya pang chumansing kay Yoona dahil ang kaliwang kamay niya ay naka paikot lang naman sa magandang legs ni Yoona. Big time.

Syempre, hindi naman agad-agarang nawala yung kilig niya kaya habang kinikilig-kilig pa ang maganda, nakuha na ni Kyungsoo ang dapat niyang kunin kaya't di na naramdaman ni Yoona ang sakit.

"Pst, okay na." Sabay pakita niya ng bubog na may dugo pa.

Pansamantalang nandiri si Yoona at tsaka niya lang nanaman ulit napag tanto na tapos na pala ang operasyong ginagawa ni Kyungsoo kanina.

"Tapos na pala? Aray 'ko ang sakit! Ang sakit 'non Kyungsoo." Parang batang nag sisisigaw itong si Yoona at panahon niya na rin para chumansing kay Kyungsoo.

Niyakap niya ito sabay ngiti ng masama sa dibdib nito. Grabe, shet, ang saya.

Two points na para kay Kyungsoo, ay wait, tatlo na pala. Hinagkan niya ang ulo nito at hinimas ang buhok. Tutal, lalaki siya, masubukan naman niyang mag pakalalaki kahit minsan.

"Yoona, crush kita." Diretsang sabi ni Kyungsoo sa dalaga.

Nanahimik muna panandalian si Yoona at hinayaang maitanim at mailinaw sa kanyang isipan ang mga narinig niya. Sino daw crush ni Kyungsoo? Anong pangalan nung sinabi niya? Yoona? Sino ulit 'yon? Yoona, as in Im Yoona? Eh diba siya 'yon? Oo nga 'no? Biglang napa tayo si Yoona at tumalon ng isang beses, ng pangalawa, ng pangatlo hanggang sa ang bumagsak ng paa niya ay ang kanan.

Napa ngiti na si Kyungsoo ng tumalon ito at napatawa naman siya ng bumagsak ang dalaga papunta sa braso niya.

"Tangina mo Kyungsoo, crush mo pala ako. Hindi mo sinabi, liligawan na sana kita oh." Naka pikit niyang sambit.

"Gusto mo sagutin na kita?"

Napa kunot ang noo ni Yoona at iminulat ang kanyang mga mata upang titigan ng masama si Kyungsoo.

"Unfair! Ako dapat ligawan mo. Pero teka nga, ang sakit talaga ng paa 'ko eh."

"Akin na, buhatin kita."

Tulad ng pag pansin ni Yoona sa pag babago ni Kyungsoo ay si Kyungsoo mismo napapansing nag bgao siya bigla. Bakit iba na si Kyungsoo bigla, nag bago na siya? Agad?

Pansamantala niyang nakalimutang gusto nga pala ni Kai si Yoona, pansamantala niyang hindi naalalang may nauna nga pala sakaniya. Tinuloy-tuloy niya lang ang kaninang isinagawa niya, kung iisiping niya ay baka wala na ngang makakapigil sakaniya. Bugso ng damdamin ang kanyang inuna at opinyon ng iba ang kanyang ipinansatabi. Ganito mag karoon ng lakas ng loob. Isasampal niya sa pag mumukha ng usa niyang hyung slash si Luhan kung paano niya pinikot ang kagandahan ni Yoona na dapat ay gawin na niya sa kung sino man 'yang napupusuan ni Luhan.

Parang wala sa sariling iginalaw ni Kyungsoo ang kanyang ulo, pumikit-pikit pa siya ng madiin at pinisil-pisil ang kanyang balat. Hindi kasi talaga siya ganito dati eh. Ano ba nangyayari?

"Yoona, ano ulit 'yon?" Pag uulit niya sa mga sinasabi ni Yoona dahil hindi na niya napansing nag sasalita ito.

Napansin ni Yoona na para bang nag bago ang tono ng boses ni Kyungsoo, napansin rin niya ang maiikling sagot nito sakaniya, ito yung dating Kyungsoo na tinitingnan lang siya pag nag papapansin na siya. Gulong-gulo na rin naman na kasi siya, nagulat nga siya ng kurot-kurotin ni Kyungsoo ang sarili niya sa harapan niya pero pilit na lamang inintindi ni Yoona. Gusto na raw kasi siya ni Kyungsoo, sulitin na niya, hindi ba?

"Wala, buhatin mo na lang ako." Napatahimik bigla si Yoona.
 

Mahigpit na hawak-hawak ni Luhan ang bewang ni Hyoyeon, inaaalalayan niya ito upang makakuha ng balanse at hinayaang ipataong ni Hyoyeon ang kamay nito sa dibdib niya. Madilim pa rin ang paligid tulad ng kanina, wala naman silang nahigaang mga bagay, sigurado ay malinis itong lugar na ito.

Wala silang alam dalawa na si Hyoyeon ang hawak niya, na si Luhan ang pinapatungan niya. Wala silang kaalam-alam na ang taong inaamoy-amoy nila ay si Luhan at Hyoyeon na nga. Pilit na inaaninag ni Luhan ang mukha ng kanyang nadakip, may maliit itong bewang, magaan ang timbang, alam niya ring mahaba ang buhok pagkat tumatama sa mukha niya ang ilang hibla. Mukhang maliit lang rin ito na babae, abot lang sa biti niya ang mga paa nito.

Hindi lang talaga siya sigurado kung nanay ba ito ni Hyoyeon o si Hyoyeon mismo dahil sa pagkakaalam niya, natutulog ang nanay ni Hyoyeon at baka nagising tapos nangapa sa dilim tapos nakabangga si Luhan tapos nalaglag sila tapos naging ganito posisyon nila, tapos inaamoy pa ni Luhan. Paano pa magiging boto ang nanay ni Hyoyeon sakaniya nito?

Pero paano kung si Hyoyeon 'to? Tapos itutulak niya? Edi mas nawalan siya ng tiyansa kay Hyoyeon? Ano ba talaga ha?

Inamoy-amoy ni Luhan ang amoy nito, paraan na rin para malaman niya kung sino 'to, pamilyar sa kanyang pang amoy ang amoy na kanyang nalanghap. Hindi niya alam kung saan niya ba ito naamoy pero ang alam niya, madalas niya 'tong naamoy noon. Saan nga ba ulit? Pilit na inaalala ni Luhan kung saan habang hinihintay niya rin na maka tayo itong babaeng naka patong sakaniya.

Imbes na itulak niya, hihintayin niya na lang tumayo kaya't binitiwan niya ang bewang nito.

Tumayo na si Hyoyeon at inilapit ang kanyang kamay sa taong naka bangga, alam niyang lalaki ito dahil sa dibdib kaya't hindi na siya nag alala pa dahil panigurado, myembro lang naman ng Exo 'to.

Nag iisip pa rin ng malalim si Luhan at hindi napansin ang iniabot na kamay. Naka higa lang siya ay ineenjoy ang sandaling iyon sa lamig at dilim. Hanggang sa naurat na ng tuluyan si Hyoyeon at bumoses na.

"Ano, pwede ka nang tumayo." Mahinang pag sasalita niya.

Umayon ang boses niya sa temperatura sa daang iyon. Mahina lang at hindi nakakarindi sa pandinig yung tono. Ng marinig iyon ni Luhan agad siyang napa upo at hinablot ang cell phone niya sa kanyang bulsa. Shunga niya nga raw naman, bakit hindi niya naisipang gumamit ng flashlight kanina?

Iginawi niya ang liwanag ng ilaw papunta sa harapan niya upang bumungad sa pag mumukha niya ang naka tindig na si Hyoyeon na naka tungo sakaniya at naka taas pa rin ang kamay. Naka tali ang buhok nito sa likod ngunit ang ilang hibla ay lumilitaw sa gilid-gilid. Naka t-shirt itong kulay itim at naka short na ang haba ay nasa kalahati na ng kanyang hita.

Gamit ang flashlight na iyon, hindi naka ligtaan ni Luhan lahat ng sugat na natamo niya, lahat ng pasang nakamtan niya. Maski ang mukha nito'y may pasa't gasgas.

Hindi alam ni Luhan kung ano ba dapat niyang maramadaman kasi ayon sa nakikita niya ay dapat kaawaan niya ito. Marami rin siyang katanungan ngunit mukhang nakikita na rin naman na ang sagot tingnan pa lang ang dalaga sa kanyang harapan.

Wala ng ligoy-ligoy pang ibinabsak ni Luhan ang hawak niya at napa kagat ito ng labi.

Sa hindi inaasahan pangyayari, hindi napigilan na ni Hyoyeon, napa luhod siya biglaan ng hinablot ni Luhan ang kanyang kamay at bumalot sa balikat niya ang mga braso ni Luhan upang marinig ang bulong nitong nakapag pagaan ng loob niya.

"Poprotektahan kita."

Maniniwala na ba siya?

Hinayaan ni Hyoyeon na yakapin lang siya ng ganito ni Luhan, para namang may makakita pa sakanila nito eh ang dilim. Pero kahit na gaano kahigpit ang yakap, alam niyang yakap na iyon ay hindi para sakaniya. Ang yakap na iyon ay hindi ginawa ni Luhan para iparamdam sakaniyang poprotektahan niya ito. Ginawa niya iyon pagkat may namimiss siya.

Nakakalungkot man isipin, pero tinanggap ni Hyoyeon ang katotohanan. Alam niya rin naman na kahit na hindi para sakaniya iyon, paninindigan ni Luhan ang sinabi niyang poprotektahan siya nito.

Wala siyang ibang magawa kundi ang maniwala na lang.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.