Chapter 7

Gray

(Kung makikita niyo sa tag, hyoexo 'to kaya't wag na kayong mag taka.)

Nag lalakad mag isa si Hyoyeon papunta sa canteen ng school nila. Lunch break nanaman kasi, wala naman kasi siyang makasama dahil si Jessica nauna na kay Kris. Galing pa kasi si Hyoyeon sa kobeta, kailangan niya rin namang umihi kahit papaano. 

 

Si Yoona naman nag paalam sakaniya na mauuna na raw siya dahil kailangan niyang makatabi si Kyungsoo. Edi wala ring nagawa si Hyoyeon kundi ang pumayag. Hinayaan na lang niya yung dalawa niyang kaibigan na mauna, sanay naman siyang maiwan.

 

Hindi naman maiiwasan ang mga titig sakaniya ng babae. Isang new student ang kasama ng Exo sa kanilang table habang kumakain, how lucky she is, diba?

 

"Hyo."

 

Habang nag lalakd si Hyoyeon ay may umakbay naman sakaniya. Sa bigat pa lang ng balikat alam na niya agad na lalaki ito. Tinabig niya naman ito, dahil hindi nga siya sanay. Lumingon siya sa kanan at ang nakita niya ay yung naka ngiting mukha ni Baekhyun sakaniya. 

 

Hindi pa sila ganon kaclose, nag uusap usap lang pero wala yung talagang silang dalawa lang. Nagulat rin siya ng tawagin siya ni Baekhyun sa palayaw niya.

 

"Ah hi?"

 

Nag aalanganing sagot ni Hyoyeon sakaniya. Hindi naman kasi maayos na bigla bigla ka na lang aakbay sa isang babae tapos hindi naman kayo close diba? Iba lang talaga siguro ang ibig sabihin doon ni Hyoyeon at para kay Baekhyun. 

 

In a friendly way siguro kay Baekhyun, in a rude way naman para kay Hyoyeon. Pero alam naman niyang mabait si Baekhyun.

 

Napatawa naman ng mahina ang naka ngiting Baekhyun sa itsura ni Hyoyeon. Oo naman, nag tataka si Baekhyun kung bakit nga ba hindi niya pa nakikitang ngumiti si Hyoyeon sa loob ng dalawang linggo. Gusto niyang makitang ngumiti si Hyoyeon pero alam niyang mahihirapan siya. Sobrang distant ng galawan ni Hyoyeon sa mga lalaki. At ayon kay Baekhyun, lalaki siya.

 

Bumuntong hininga naman muna si Baekhyun matapos niyang ngumiti. Gusto lang naman ni Baekhyun na maging close kay Hyoyeon.

 

"Hyoyeon, pwede ba kitang tawaging Hyo?"

 

Hindi naman na kasalanan ni Baekhyun na madaldal si Yoona at sinabi sakaniya ni Yoona na kailangan kung makikipag kaibigan ka kay Hyoyeon, kailangang mag tanong ka muna kung pwede mo ba siyang tawaging Hyo. Ginagamit lang naman ni Baekhyun ang tips na bigay sakaniya ni Yoona. Hindi na talaga kasalanan ni Baekhyun iyon.

 

Nasa tabi pa rin ni Hyoyeon si Baekhyun pero walang akbay na nagaganap. Mag katabi lang talaga sila. Diretso ang tingin ni Hyoyeon sa harap niya habang si Baekhyun sumusulyap sakaniya.

 

Tinatanong niya sa sarili niya, kelan ba niya mapapasaya ang malungkot na mukha ni Hyoyeon?

 

Naka pasok na silang dalawa sa canteen, nasa dulo pa naman ang lamesa ng Exo at ang tanging nandun lang ay si Yoona, Kyungsoo, Jessica, Kris, Kai at Sehun. Hindi na alam ni Baekhyun kung nasaan yung iba. Syempre, iniwan ni Baekhyun yung iba. Gusto niya kasing makita si Hyoyeon.

 

Nag isip muna si Hyoyeon sa tinanong ni Baekhyun, pwede naman siyang tawagin ni Baekhyun ng Hyo pero pag tinawag na siya nun ni Baekhyun ibig sabihin maari na silang maging mag kaibigan na sila. It's Kim Hyoyeon's rule.

 

Wala rin naman sigurong masama kung mag kakaroon nanaman siya ng panibagong kaibigan maliban kay Lay, diba? Mukhang maayos rin naman para kay Hyoyeon maging kaibigan si Baekhyun kaya't hahayaan niya.

 

"Okay lang. Pwede ba kita tawaging Baek?"

 

Nag baka sakali lang naman si Hyoyeon sa tanong niya. Mas nadadalian kasi siyang tawagin si Baekhyun ng Baek. Sa madaling salita, gusto niya lang talagang tawaging Baek si Baekhyun.

 

Napa ngiti naman muli si Baekhyun sa narinig niya. Nagandahan siya sa pag bigkas ni Hyoyeon ng palayaw niya. Too bad, may nauna na nga lang kay Hyoyeon kesa sakaniya. Maaring magustuhan ni Baekhyun si Hyoyeon.

 

"Oo naman. Friends na ba tayo? Para naman madagdagan ka na ng kaibigan."

 

Hindi rin naman kasalanan ni Baekhyun na tinitingnan niya si Hyoyeon sa tuwing mag kakasama sila, kahit na hindi naman sila mag kakasama tinataw niya si Hyoyeon. Interesado nga kasi siya kay Hyoyeon. Maganda para sakaniya si Hyoyeon pero uulitin niya, bawal na nga.

 

Kung bibilangin ni Hyoyeon ang kaibigan niya, mabibilang lang niya ito gamit ang isang kamay. Lay, Yoona, Jessica at ngayon nadagdag na si Baekhyun. Natutuwa siya, ayaw niya lang ipakita sa poker niyang mukha.

 

"Pwede mo ba ako samahan mamaya Baek?"

 

Gusto rin namang mag reach out ni Hyoyeon. Oo, naging malayo ang loob niya sa mga lalaki pero ang sabi niya nga, kailangan niyang mag bigay ng chance. Si Lay naman ay bading kaya't wala siyang problema. Si Sehun naman, kaaway niya palagi kaya't wala rin siyang problema. Si Kai naman, mananatiling gago sa paningin niya iyon kaya't wala siyang problema. Hindi rin naman nakakalimutan ni Hyoyeon na gwapo sa paningin niya si Kai. Inaamin niya. Gusto lang subukan ni Hyoyeon kay Baekhyun.

 

"Oh my God, inaaya mo agad akong lumabas? Hindi ako easy to get Hyo."

 

Kalimutan niyo na lahat ng sinabi ni Hyoyeon.

 

Hindi naman siya inaaya ni Hyoyeon, nag papasama siya. Mag kaiba 'yon para kay Hyoyeon at sana para rin kay Baekhyun. Inaasar lang naman siya ni Baekhyun, ganon ang paraan ni Baekhyun at wala namang magagawa si Hyoyeon 'don, naiintindihan naman ni Hyoyeon iyon. Hindi niya alam pero gusto niya lang talagang bugbugin si Baekhyun sa harap ng mga babaeng pinag bubulungan sila, pero mabait siya.

 

"Baek, bibili lang ako ng pulbo. Kung ayaw mo, wag na lang. Hindi naman kita nilalandi."

 

Hindi naman iniisip ni Baekhyun na nilalandi siya ni Hyoyeon. Parang wala nga sa diksyonaryo ni Hyoyeon ang salitang landi, lalo na kung siya mismo ang gagawa. Medyo nasaktan ni Hyoyeon ang damdamin ni Baekhyun pero wala namang problema, hihingi na lang siya ng kapalit sa pag sama sakaniya. Kung unang daan ito para mas makilala niya si Hyoyeon, bakit naman hindi, diba?

 

At natanong rin ni Baekhyun sa sarili niya, bakit nga ba kailangan ni Hyoyeon ng pulbo? Maputi naman na si Hyoyeon para 'don. Ano pang silbi ng pulbo sakaniya?

 

"Nasaktan ako Hyo sa sinabi mo. Ouch."

 

Umarte naman si Baekhyun ng nasasaktan. Nag paawa siya sa harap ni Hyoyeon pero hindi naman gumana. Bumuntong hininga lang naman siya at sumunod kay Hyoyeon na ngayon ay nakapila na. May mga babae sa likod niya iniipit na silang dalawa ni Hyoyeon kaya't pumwesto siya sa likod ni Hyoyeon. Gentleman daw siya, ano ba.

 

Hindi naman na bago kay Baekhyun ito, ngayon lang ulit siya pumila sa ganito dahil lagi nga siya iniipit. Ang ginagawa niya, nag papabili na lang siya kay Kris hyung niya dahil nilalayuan si Kris ng mga babae dahil kay Jessica. Mga takot kasi kay Jessica. Sa huli, si Kris ang nag dadala ng pag kain nilang dose.

 

'Dapat mag pasalamat yung mga bading na 'yon saakin, masyado akong matalino kaya't naisip 'kong si Kris hyung ang gawing taga bili.'

 

Hindi namalayan ni Baekhyun na napa ngiti siya ng masama. Inaapreciatw niya pa kasi ang katalinuhan niya at hindi niya napansin na si Hyoyeon na pala ang binibgyan ng pag kain. Agad namang dinukot ni Baekhyun ang wallet niya at kumuha ng pera. Gaya nga ng sabi niya, gentleman siya. Ang sabi niya kanina, si Hyoyeon ang manlilibre sakaniya pero sa huli siya rin pala. Hinintay niya munang matapos bigyan si Hyoyeon ng pag kain at iniabot naman ni Baekhyun ang pera bago pa maiabot ni Hyoyeon ang kanya. Tiningnan lang naman siya ni Hyoyeon. 

 

"My treat."

 

Natutuwa naman ngayon si Hyoyeon kahit hindi nga niya pinapahalata dahil sa pag bibigay niya ng tiyansa kay Baekhyun. Onti-onting nag babago ang tingin niya kay Baekhyun. Kay Baekhyun lang, hindi sa mga lalaki. Matapos bayaran ni Baekhyun ay kinuha naman ni Baekhyun ang tray niya. Proud na proud ngayon si Baekhyun dahil madalas sinasabihan siyang bakla ng mga myembro niya pero ngayon, umaalalay siya ngayon sa babae. Lalaki siya.

 

'Isasampal ko sa mga mukha nung mga bading na 'yon na lalaki ako.'

 

"Okay ka lang Baek? Ako na mag bubuhat, binayaran mo na nga."

 

Hindi naman nabibigatan si Baekhyun dahil malakas daw siya. Ang nakalagay lang naman sa tray ng pag kain ni Hyoyeon ay inumin at noodles. Hindi naman kasi kumakain si Baekhyun ng noodles kaya't hindi niya alam kung anong lasa. Pero naniniguro siyang ipapatikim sakaniya ni Hyoyeon iyon. Malakas ang loob niya.

 

"Okay lang ako Hyo, masyado akong gwapo para dito."

 

Seryoso na talaga si Hyoyeon na gusto niyang bugbugin si Baekhyun. Pag gwapo ka ba, mabubuhat mo yung tray? Pag pangit, hindi? Walang sense ang isip ni Baekhyun para kay Hyoyeon.

 

Napansin naman ni Baekhyun na hindi na pinansin ni Hyoyeon yung komento niya sa sarili niya. Nadagdagan siya ng kaalaman tungkol kay Hyoyeon.

 

'Wag mong puriin ang sarili mo sakaniya dahil may kakaiba siyang rason para 'don.'

 

Matalino nga talaga si Hyoyeon, ayon kay Baekhyun.

 

"Hyo, binuhat 'ko 'to. Nilibre kita. Mamaya ilibre mo 'ko ng ice cream."

 

Kanina pa naman kasi nakikinig si Hyoyeon sa sinasabi ni Baekhyun pero sa lahat ng sinabi ni Baekhyun ito ang pinaka gusto niya. Sasamahan siya ni Baekhyun.

 

Alam naman ni Hyoyeon na baka mag tanong si Baekhyun para sa mga pulbo na bibilhin niya mamaya, pag tatakpan niya na lang. Gusto niya lang naman makasama si Baekhyun. Gusto lang din niya makilala si Baekhyun. Siya lang ang ka una-unahang lalaki na hinayaan ni Hyoyeon makasama siya mag isa simula ng nadala siya sa mga lalaki. Ay hindi pala, si Sehun pa. Pati pa pala si Lay, kaso bading nga. Gusto lang niya makisama. Nag effort naman si Baekhyun para 'don, para makipag kaibigan sakaniya. Uulitin ni Hyoyeon, mabait siya.

 

"Basta sasamahan mo 'ko."

 

Hindi na nag abalang tumingin si Baekhyun sakaniya. Dire-diretso lang silang dalawa sa lamesa ng Exo. Hindi na rin naman kailangan ni Baekhyun mag tanong kung bakit nga ba binubutas ngayon ni Kai ang kaluluwa niya. Hindi na rin niya kailangang mag taka kung bakit ba ang sama ng tigin sakaniya ni Jessica. Ayaw ni Jessica sakaniya. Playboy daw siya, hindi lang talaga maintindihan ni Baekhyun kung paano naging playboy si Baekhyun sa paningin niya.

 

Nag katitigan si Hyoyeon at Kai ng tatlong segundo lang. Kung hindi man tatlo, apat o kaya lima. Basta saglit lang ay umiwas naman agad si Kai. Wala naman na kay Hyoyeon iyon, seryoso siya rito. Pero gusto lang niyang maalala ni Kai yung mga ginawa niya noon sakaniya. Hindi siya mag hihiganti, ipapaalala niya lang. Kahit papaano, gusto ni Hyoyeon na mag sisi si Kai sa lahat ng ginawa niya kay Hyoyeon.

 

Gusto niya pa si Kai, pero hindi na tulad ng dati. Hindi naman siya ganon katanga para lalo niyang mahalin yung taong nanakit sakaniya. Moving on and letting go are her choices, and she chose the two. Kung mag momove on siya without letting Kai go, sasakalin niya si Kai? Ganon ba? Kung mag lelet go naman siya without moving on, sasakalin niya sarili niya. Uulitin ni Hyoyeon sainyo, matalino siya, ayaw na niyang masaktan pang muli.

 

Hinila naman siya ni Baekhyun at pinaupo sa tabi niya. Gusto niya kasing lambingin si Hyoyeon. In a friendly way.

 

"Byun Baekhyun, wag mong isusunod si Hyoyeon sa listahan mo. Gugulpihin kita."

 

Natawa naman si Baekhyun ng mahina sa sinabi sakaniya ni Jessica.

 

'Anong listahan naman kaya ang sinasabi nito ni Jessica?'

 

Kung tutuusin, wala lang naging matinong girlfriend si Baekhyun. Wala siyang sineryoso, lahat ng iyon ay siya ang niligawan. Anong magagawa niya, gwapo siya. Ayaw niyang mag seryoso sa babae dahil mahal niya kalayaan niya, gusto niya yung nagagawa niya ang gusto niya. Gaya nga ng sabi ni Sehun sakaniya, 'Lips are not meant for blabbering, they are meant for kissing, , and .'. Byuntae si Baekhyun, inaamin niya.

 

Gusto niyang bigyan ng samdamakmak na chocolate ni Baekhyun si Sehun dahil iyon kauna-unahang tama na sinabi ni Sehun kay Baekhyun.

 

"Jessica, c'mon wala naman akong ginagawang masama kay Hyo."

 

Sabay kindat naman ni Baekhyun kay Hyoyeon. Bawal kay Jessica, ayaw niyang bugbugin siya mamaya ni Kris. Kilala ni Baekhyun si Kris kung paano ito maging seryoso pag dating sa syota niyang mataray.

 

Tiningnan lang ni Hyoyeon si Baekhyun gamit ang poker niyang mukha. Wala siyang reaksyon sa ginawa ni Baekhyun, cute si Baekhyun at hindi gwapo para sakaniya. Hot din naman si Baekhyun pero mas hot pa rin para sakaniya si Lay. At hindi naman pwedeng maging malandi si Hyoyeon. Ayaw niya sa lalaki, pero dahil sa Exo na 'to, sumasama na siya ngayon sa mga lalaki.

 

Pinanood lang ni Kai at Sehun ang nangyayari, si Yoona naman katabi si Kyungsoo, hindi sinadya ni Yoona iyon. Sadyang swerte lang siya. Tahimik silang dalawa, walang may balak mag umpisa nag pag uusap nila. Ang sabi ni Yoona kakausapin na niya pero hanggang ngayon ay wala pa ring nang yayari. Si Kris naman tiningnan lang si Baekhyun, hindi niya maintindihan kung bakit nga ba lapitin si Baekhyun ng babae, puro kabastusan lang naman ang alam. Si Jessica naman, nakatitig lang kay Baekhyun, sinusumpa niya na pag sinunod ni Baekhyun si Hyoyeon sa listahan, kakalimutan niyang tinulungan siya ni Baekhyun kay Kris at gugulpihin niya talaga iyon.

 

"Hyo, patikim."

 

Hinayaan lang naman ni Hyoyeon na tumikim si Baekhyun sa kinakain niya.

 

*

 

"Hyo, para saan ba yung pulbos? Ang dami mong binili."

 

Tiningnan lang naman patagilid ni Baekhyun si Hyoyeon. Nagugustuhan ni Baekhyun ang nakikita niya, kumakain si Hyoyeon ng ice cream habang may ice cream ito sa labi niya. Byuntae nga kasi si Baekhyun. Pero hindi rin nag tagal nilabas ni Hyoyeon ang cell phone niya. Hanggang ngayon ay wala pa ring sagot si Hyoyeon sakaniya.

 

"Wala naman, nag sasayang lang ako ng pera."

 

Iyon ang pinaka matinong sagot na naisip ni Hyoyeon. Expected niya naman na mag tatanong si Baekhyun, pero hanggang sa ngayon ay wala pa rin talaga siya naiisip na idadahilan. Naka uniform pa silang dalawa, dumiretso na silang dalawa sa mall at si Baekhyun ang nag drive. Hindi naman kasi nag kokotse si Hyoyeon kahit na marunong siyang mag drive, gangster nga siya, ayon kay Yoona, dahil ayaw niya. Masakit katawan niya, ayaw na niyang madagdagan pa ng sakit kakadrive.

 

Hindi na kayang tiisin ni Baekhyun yung ice cream sa labi ni Hyoyeon. Lips are meant for kissing.

 

'Ganon ba kamanhid si Hyoyeon para hindi maramdaman yung ice cream?'

 

Uulitin ni Baekhyun sainyo, byuntae siya at proud siya. Lalaki siya, kailangan niya raw matupad yung mga kinakailangan niya. Pero ayaw niyang gawin iyon kay Hyoyeon.

 

May nag text kasi kay Hyoyeon, wala naman kasing may alam ng number niya maliban kay Yoona, Jessica at Chanyeol. Hinarang naman kasi siya ni Chanyeol nung isang araw para kunin ang number niya, wala na siyang nagawa kundi ang ibigay, gusto na rin niya kasing umuwi 'non.

 

"Hyo, mag tissue ka."

 

Iniabutan naman siya ni Baekhyun ng tissue. Kailangan niyang kontrolin ang sarili niya. Tiningnan lang naman si ni Hyoyeon ng alanganin. Poker face pa rin naman pero makikita mong nag tataka si Hyoyeon.

 

Tinuro naman ni Baekhyun ang labi niya at naintindihan naman iyon ni Hyoyeon. Hindi ngumiti si Hyoyeon dahil hindi niya gustong ngumiti, hindi siya sanay, hindi siya marunong. Humingi lang siya ng pasasalamat sa mahinang paraan, ang pag bulong.

 

'Hyoyeon! Let's be friends!'

 

Binasa naman ni Hyoyeon ang naka sulat sa screen ng cell phone niya. Sabi niya nga tatlo lang ang may alam ng number niya, Chanyeol, Yoona at Jessica. Malamang sa malamang, si Chanyeol iyon.

 

'Sure, sige, bahala ka.'

 

Nag text naman agad pabalik si Hyoyeon at iniangat ang tingin niya. Kita niya namang nakatitig si Baekhyun sakaniya at naiilang siya 'don. Pero dahil magaling naman si Hyoyeon sa pag dala ng emosyon, poker lang ang mukha niya.

 

"Okay na ba Baek? Gusto mo pa ba ng ice cream? O ano?"

 

Anong oras na rin naman na kasi, kailangan pa ni Hyoyeon maka uwi ng bahay bago mag 9 dahil sigurado siyang magagalit ang mga magulang niya.

 

"Di ba pwedeng dito muna tayo? Bonding! Anong oras pa lang naman."

 

Nakita naman niyang nag pout sa mukha niya si Baekhyun. Cute si Baekhyun pero hindi naman na kailangan ni Baekhyun mag pacute lalo kay Hyoyeon.

 

"Baek, kailangan na 'ko sa bahay eh. Bawi ako."

 

Natuwa naman si Baekhyun sa narinig niya. Babawi daw si Hyoyeon sakaniya, at least mas matagal yung oras para makasama niya si Hyoyeon. Pumayag na rin siya at lumabas na sila ng mall. Nag pahatid lang naman si Hyoyeon sa park, ayaw niyang may maka alam ng bahay niya. Pero alam naman na ni Yoona at Jessica.

 

At habang nasa mall si Hyoyeon, nandun si Lay. Pinapanuod siya. Nakikita ni Lay ang pag iiwas ng tingin ni Hyoyeon kay Baekhyun, nakikita niyang naiilang si Hyoyeon kay Baekhyun.

 

'Buti na lang at bakla ako sa paningin niya.'

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.