Chapter 19

Gray

Maduduming titig, mga tingin na may halong mga pandidiri. Mga bulungan at tawanan, mga kalokohan at kasinungalingan.

 

Lahat ng 'yon tumambad sa mukha ni Hyoyeon ng bumaba siya ng rooftop matapos siyang iwan ni Yoona. Napag usapan rin nilang pupunta si Yoona mamaya sa bahay niya para kung sakali man, ay maprotektahan ni Yoona si Hyoyeon. Nag pumilit si Yoona kaya't wala ng nagawa si Hyoyeon 'don kundi ang pumayag na lang.

 

Para lang mga baliw ang mga studyante sa paligid niya. Kung para sakanila ay bulong na nga ang ginagawa nila, para naman kay Hyoyeon ay hindi. Rinig na rinig niya, tutal hindi rin naman kasi ganon kalayo ang mga tao sa tabi niya. Para na ngang ibinobroadcast nila sa lahat ng tao 'don ang mga pinag sasasabi nila dahil nalalakasan si Hyoyeon 'don. Malakas rin ang pandinig niya, minsan nga ay nag sisisi na siya kung bakit nga ba naging ganito siya.

 

Kung nung umpisa ay nasasaktan siya, bakit ngayon ay para bang wala na? Para bang sanay na siya? Masakit? Hindi na, wala na nga kasi siyang pake sa sinasabi nila.

 

Hindi na nga mapakali ang mga dila ng estudyante, mapa lalaki o babae, ng makita siyang nag lalakad pababa ng hagdan. Gamit ang piraso ng tela na pinapagamit ni Sehun sakaniya, gamit ang mga matang palagi na lang nag dudulot ng kaba sa iba, gamit ang lakad na hindi mawari kung maayos pa ba dahil sa hakbang na 'yon ay nasasaktan siya, gamit ang itsurang hinuhusgahan ng mga madla.

 

Para ngang isa siyang kakaibang nilalang na dinala sa lupa dahil kahit kaninong mata ang tingnan niya, ang mga mata na 'yon ay tinitingnan siya mula ulo hanggang paa na para bang isa siyang kriminal na hindi mahuli-huli ng polisya.

 

"Sabi na nga ba gangster 'yan oh. Hindi ako makapaniwalang, pinag titiisan ng Exo 'yan." Banggit ng isang babaeng binubulong ang mga salitang sinabi niya sa babaeng haliparot tulad niya.

 

Napa tigil sa pag lalakad si Hyoyeon 'don, sukbit ng likod niya ang bag niya ng may maramdaman siyang humawak ng bag na 'yon. Tiningnan niya muna patagilid ang babaeng nag sabi ng mga kataga kanina, hindi siya gumamit ng masamang titig kundi ang normal na paraan niya ng pag tingin sa ibang tao. Yung malamig na titig, na siguro nakakatakot na nga pa sa iba dahilan para tawagin siyang isang gangster.

 

Pinag titiisan, pinag titiisan, pinag titiisan. Paulit-ulit ang mga salitang 'yon sa utak ni Hyoyeon. Bago niya pa maalalang may humawak nga pala ng bag niya, hindi ito presensya ng isang taong matagal na niyang nakilala kaya't kahit gaano kasakit ang pulso't braso niya, tumalikod siya at tinabig na nga ang taong 'yon.

 

Isang irap at mahinang tawa ang natanggap niya. Ilang linggo na nga siya dito sa paaralang ito, ngayon pa nila binalak na malipustahin at bullyhin siya? "See, gangster ka nga." Nakakairitang tono ang ginamit niya kaya't napa tikom ng bibig si Hyoyeon para hindi niya ito masabihan ng kung ano-anong salita.

 

Tumalikod na ulit siya at ipinag patuloy ang pag lalakd niya na nag dulot ng panibagong bulungan na hindi malalagpasan ng tenga niya. Ano bang masama maging isang gangster? Ano bang masamang tumahimik na lang at mag kunwaring walang pake sa mundo? Hindi niya kailangan mag pa impres dahil sawa na siya 'don. Sawa na siyang mareject ng mga tao sa paligid niya. Sawa na siyang hindi marespeto. Sawa na siyang mag sabi ng nararamdaman niya sa mga taong hindi naman handang pakinggan siya.

 

"Unang beses 'ko pa lang na nakita 'yan naramdaman 'ko ng may kakaiba sakaniya eh. Kaya naman pala, basagulera pala ang bruha. Ang pangit na ng balat niya, 'yon na nga lang ang maganda sakaniya, nasira pa."

 

Maraang tumango si Hyoyeon ng marinig niya 'yon. Literal na tumango siya sa harapan ng mga babaeng nadaanan niya at malakas na sinasabi ang mga bulong na dapat ay binubulong nila. Isa man siyang basagulera, bruha, maganda naman pala ang first impression niya.

 

Para ngang natakot ang mga 'yon sa ginawa ni Hyoyeon at tumalikod na upang maka layo na rin. Sa harapan niya ay isang daanan at mga studyanteng pinapagitnaan siya. Para siyang isang prinsesa ng campus nila at binibigyan pa ng daan ng iba pero sa totoo lang, isa siyang kabaliktaran ng pagiging prinsesa. Isa siyang babaeng kabaliktaran ng lahat ng kaibigan niya, kung sakaling marami man siyang kaibigan.

 

Taas noo siyang nag lakad na para bang 'yon ang pinaka tamang gawin sa panahon na 'yon.

 

"Duh, tingnan mo nga siya, mas mukha pa siyang narape kesa gangster eh. Kung gangster 'yan satingin mo ba, magiging kaibigan ni Jessica 'yan?"

 

"Ay oo nga, puro pasa. Kadiri naman 'yan."

 

Ibinaon ni Hyoyeon ang mga salitang 'yon sa isipan niya. Buti at may isang hinusgahan siya base sa totoong nangyari sakaniya at sa paraan ng pag kilos niya hindi lang dahil sa itsura. Kung kanina ay bruha at basagulera, ngayon naman ay wala na rin siyang pake kung masabihan man siyang drug lord, pusher, weed lord, sanggano, gangster, o narape. Kung tutuusin nga ay natatawa siya sa mga naririnig niya.

 

Parang ang dali lang paikutin ng mga tao dahil lang sa mga nakikita nila. Ayon sa mga pag susuri at pag oobserbang ginawa ni Hyoyeon, ito ang opinyon niya.

 

"At hinayaan niya lang? Ang galing naman 'non, walang kahihiyan sa katawan naman 'yan." Gusto niya mang itigil ang mga paa niya, hindi na niya magagawa.

 

Ayon kasi sakaniya, kasalanan rin naman niya. Tama nga naman sila, bakit nga ba hinayaan niya lang ang ama niyang gawin iyon sakaniya? Nakakadiri, nakakasura. Sarili niyang katawan, hindi niya man lang naalagaan.

 

Sa isang sandali, lahat na lang ng bulungan nag sipag tigil. Sa iisang oras at iisang panahon, ang mga nakakakiliting tinig na 'yon na para bang mga bubuyog ay tumigil at hindi na niya narinig, para palitan ito ng panibagong bulong.

 

Isang myembro ng Exo ang nasa likod niya, hindi niya pa man nakikilala, alam niya lang na Exo 'yon. Sa dahilan ng presensyang dulot ng lalaki sa likod niya, dahilan sa panibagong mga bulong na naririnig niya. Dahilan na rin sa mga malalanding ngiti at tawa na nakikita niya.

 

Sa isang pikit niya lang, lahat ng mga nakita niya kanina, nag iba. Ang plastik nga naman. Isang pangyayaring gusto niyang iwasan. Kesa harapin niya ang lalaking nasa likod niya, nag patuloy lang siya sa pag lalakad. Dalawang liko na lang makakapunta na siya sa tambayan nila ni Yoona, ang pinag kaiba lang, wala si Yoona at Jessica.

 

Ang akala niya kasi magiging mag isa siya, 'yon pala may susunod pa sakaniya. Kesa naman mapahiya pa ang sumusunod sakaniya, hinayaan niya lang. Makikita niya rin naman ito at malamang sa malamang mapapaalis niya 'to. Kahit na ang kabilin-bilinan niya kay Yoona, piliting walang sumunod sakaniya. Maski si Jessica, si Luhan o si Sehun.

 

Lumiko na siya sa pang unang kanan na mag dadala sakaniya sa sinasabi niyang puno. Matapos 'non ay inilibot niya ang mata niya sa paligid niya ng marating niya naman ang pangalawa sa lilikuan niya. Gumaan ang pakiramdam niya sa masimoy na hangin na nasinghot niya. Walang masyadong tao 'don, madalas mga nabubully, mga hindi napapansin, mga hindi sikat ang tumatambay 'don. Madalang lang siyang may makitang sikat 'don.

 

Pumasok na siya dito pumunta sa pinaka paborito niyang pwesto. Sa di kalayuan, nag tago yung lalaking sumusunod sakaniya. Tinititigan niya lang si Hyoyeon, gusto niya lang talagang pag masdan si Hyoyeon. Ang bawat pag galaw nito, nagiging sanhi ng pag karamdam niya ng kabog sa dibdib niya. Pasa man ang bumalot sa katawan ni Hyoyeon, hindi 'non maitatago ang ganda na nakikita niya kay Hyoyeon. Pero hindi rin nag tagal, tumingin papunta sa direksyon niya si Hyoyeon. Iba ang tingin ni Hyoyeon sakaniya, tila bang nanlamig siya at nakaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib niya. Sobrang lamig ng tingin na 'yon.

 

Kung kanina ay kumakabog ang dibdib niya dahil sa nararamdaman niyang pag kainteres dito, ngayon ay napuno ito ng takot. Pumasok sa memorya niya yung mga pangyayaring ginawa niya noon, pero bakit wala siyang maintindihan?

 

Habang takang-taka siya sa mga nangyayari sakaniya, tumigil si Hyoyeon sa pag lalakad ngunit hindi tumalikod ng mag salita ito. "Kai, kung tatabi ka, tumabi ka. Hindi yung nag mumukhang ewan ka diyan na nag tatago." Mahina ang boses niya, ngunit diretsa ito.

 

Matapos niyang pumasok ng hardin na 'to, alam na niyang si Kai 'yon. Bilang matagal niya rin naman na kasi 'tong nakasama, alam na niya talaga kung ano ba yung presensya, yung hangin at lahat-lahat na ng dinudulot ng presensya ni Kai.

 

Kumamot na lang ng batok si Kai ng lumabas ng puno habang naka yuko, hanggang ngayon kumakabog pa rin ang dibdib niya. Umupo na si Hyoyeon sa ilalim ng isang malaking puno kung saan hindi siya maabutan ng matirik na araw at isinandal ang likod niya sa katawan ng puno. Inilagay niya sa kanan niya ang nag niya at ipinahinga ang sarili niya gaya ng pinlano niya. May kabagalan ring nag lakad si Kai papunta kay Hyoyeon at kinapalan ang mukha niya upang tumabi kay Hyoyeon dahil yun ang sinabi ni Hyoyeon sakaniya.

 

Sa maliit na distansyang iyon, bumalik nanaman ang pakiramdam na naramdaman ni Hyoyeon noon. Tama nga talaga siguro si Sehun sa naisip niya, dahil kasama niya na ngayon si Kai magagawa na niyang itanong sa sarili kung talaga bang gusto na niya si Sehun. Malimit siyang ngumiti, hindi rin siya natakot na ngumiti dahil naka balot pa ang bunganga niya, at tinitigan ang langit, inaninag ang mga ibon na nag sisiliparan.

 

Nagagawa na niya ngayon kung ano nga ba ang gusto niya, ang mag muni-muni, mag pahinga at umupo na lang. Gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin, gusto niyang sandalan ang puno, mahiga sa damo, manuod ng pag baba ng araw. Mala fairy tale man ang gusto niya, pero ngayong bago na ang buhay niya, kahit ngayon lang, gusto niyang maniwala sa fairy tale.

 

"Si Kristine, nasa Canada na." Alanganing bangit ni Kai kay Hyoyeon.

 

Hindi na nag paligoy-ligoy pa si Hyoyeon at sinabi ang maikli niyang "Oh?" at pinag patuloy ang pag aninag sa mga ibon.

 

Nasa mukha niya pa rin ang telang ibinigay ni Sehun sakaniya, nag papahinga rin ang kamay niya sa lapag na madamo. Malinis man o hindi, ipinatong niya iyon doon. 

 

Naka titig pa rin si Kai kay Hyoyeon habang si Hyoyeon nangangawit na nga sa kaka tingala niya. Natutuwa siya. Ngayon na lang ulit siya nag karoon ng pagkakataong titigan ng ganito ang babaeng ito. Biglaang nakaramdam siya ng masakit sa bandang ulo niya, sumakit bigla ang sintido niya at may pumasok 'don na malabong mga pangyayari. Napa pikit siya sa sakit at pinilit na hindi mag palabas ng mahinang pag singhal. Bawal niyang pag alalahanin si Hyoyeon ngayon.

 

Kinagat niya pa ang labi niya habang hinihimas at hinihilot ang sintido niya. Dahil naka pikit siya, ang dapat makikita niya ay itim ngunit may malalabong imahe ang patuloy na gumagalaw sa mga nakikita niya.

 

Totoo ba 'to o isang pag arte lang? Napansin ni Hyoyeon na nanahimik si Kai sa tabi niya, taka niyang ibinaba ang ulo niya mula sa pag tingala at tiningnan ito. Napa atras ang ulo niya at nag madaling inayos ang upo niya bago hinawakan ang balikat ni Kai.

 

"Anong nangyari?" Nag papanic niyang tanong dito.

 

Mas lumapit pa siya kay Kai at hinawakan ang braso nito upang mapigilan si Kai sa pag pukpok ng ulo niya. Nagugulantang na nga ang pag iisip ni Hyoyeon dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya. Mali pala ako? May mga katanungang pumapasok sa utak ni Hyoyeon ngunit mas pinili na niya lang na hindi muna mag hanap ng sagot.

 

Kinakabahan siya at nasasaktan siya. Hindi na siya nanghihingi ng pag hihiganti, ang gusto na lang niya ay ang maalala siya ni Kai. Ngunit nakikita niya 'tong nasasaktan, ano bang gagawin niya?

 

Patuloy pa rin sa pag hagit si Hyoyeon at patuloy pa rin na mahinang pinupukpok ni Kai ang noo niya. Ang mga imaheng nakikita niya ay onti-onting lumilinaw at isang masayang ngiti at madilim na kulay ng buhok. Sino ba ito? Pilit niya mang buksan ang mga mata niya upang magising sa panaginip na 'to, ngunit hindi niya magawa.

 

Nag aalala na si Hyoyeon at hindi ito ang nasa plano ni Kai.

 

Kinuha niya ang telepono niya mula sa bag niya at sinubukang tawagan si Yoona. Bilang si Yoona lang naman ang maasahan niya sa ganito. O kaya si Sehun? Si Jessica? Bahala na.

 

Dinala na niya ang telepono niya sa tenga niya at naka rinig ng ilang pag ring bago ito sagutin ng isang boses. Naka alalay pa rin ang kaliwang kamay niya kay Kai. Bago pa siya mag salita, tinanggal na niya ang isang tali na naka sukbit sa isa niyang tenga upang maging malinaw ang pag uusap nila ni Yoona.

 

"Yoona, tulong, si Kai." May halong pag aalala ang boses niya at pumiyok na rin kaya't napa tayo si Yoona sa pag kakaupo niya dahilan para pag tinginan siya ng ibang estudyante lalo na ng mga myembro ng Exo at ni Jessica.

 

Binaba na ni Yoona ang tawag at nag madaling inayos ang gamit niya para puntahan si Hyoyeon. Gaya ng dalawang bida kanina, marami ring pumapasok na mga katanungan sa isipan niya pero isa lang ang masisiguradong gagawin niya mamaya. Susuntukin niya lang talaga si Kai hanggang sa madala.

 

Iminulat na ni Kai ang mata niya para makita si Hyoyeon na mangiyak-ngiyak na at tinititigan ang telepono niya habang hawak pa rin ang braso niya. Napa iwas ng tingin si Kai at kinagat ulit ang labi niya. Tinigil niya na rin ang pag pukpok ng ulo niya ngunit minamasahe niya pa rin ang sintido niya.

 

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ni Hyoyeon.

 

Malumanay na tiningnan ni Hyoyeon ang mga mata ni Kai, muli ay nahulog nanaman ang puso niya. Kaya't mahal na mahal niya 'to, kahit na hanggang ngayon ang sakit pa rin hindi niya magawang kalimutan 'to. Naka paloob siya ngayon sa titig kung saan hindi siya makawala, kahit na anong gawing pilit niya. Hindi malamig at hindi rin pagalit ang mga emosyon na ipinapahiwatig ng mga mata niya. Hindi na si Kai ang nasa harapan niya, si Jongin na.

 

Malungkot ito, may halong pag mamahal at makikita mong nasasaktan. May mga kaonting luha rin na namuo sa gilid 'non at nag uunahang lumalabas. Kagat-kagat rin niya ang labi niya bago nginitian ng maliwanag si Kai. "Okay ka na ba?" Sabay himas niya ng pisngi nito.

 

Lumunok ng laway si Kai at binitawan ang kamay ni Hyoyeon. Kahit na siya ang pangalawang lalaki na yayakap kay Hyoyeon ngayong araw at hindi naging pang una dahil naunahan siya, ang mahalaga mayayakap niya pa rin ito.

 

Niyakap niya si Hyoyeon kahit na pilit siyang inilalayo sa katawan niya. Ginamit ni Hyoyeon ang palad niya upang maka wala sa mahigpit na yakap na 'yon, hindi dahil sa sakit na idinudulot ng mga pasa't sugat niya kundi dahil sa sakit na nararamdaman niya sa dibdib niya. Hindi kaya naaalala na siya nito? Ang tanong niya sa sarili niya.

 

Pakiramdam nilang dalawa ay tumigil ang mundo nila, parang nung sinagot ni Hyoyeon si Kai para kay Kai. At para naman kay Hyoyeon, para lang nung sinabi ni Kai na gusto niya itong ligawan. Ganon nanaman ang nararamdaman nila. Ang tagal na nilang hindi naramdaman ito, ang tagal ng hinahangad ng bawat isa ito.

 

Kesa mag patinag si Kai, mas hinigpitan niya lang ang yakap hanggang sa hinayaan na siya ni Hyoyeon. Isiniksik niya ang mukha niya sa mga hibla ng buhok ni Hyoyeon na nasa leeg nito at sininghot ang amoy 'non. "I-I am sorry." Nauutal-utal na banggit ni Hyoyeon.

 

Mas napatikom ng bibig si Kai at pinroseso na lang sa utak niya ang sinabi ni Hyoyeon. Sa lahat ba naman, ang pag hingi pa ng tawad ang ginawa't sinabi ni Hyoyeon sakaniya. Kung tutuusin nga, dapat siya ang nag sosorry kay Hyoyeon. Pero kahit na anong gawin niyang pag rolyo ng mga salitang 'yan sa dila niya ay hindi lumalabas.

 

Kasabay ng yakapang naganap ay ang araw na nag tago sa likod ng mga ulap, para nga naman silang nasa fairy tale. Kahit ngayon lang, gusto na ni Hyoyeon maniwala sa fairy tale. Malungkot na tinugon ni Kai ang sinabi ni Hyoyeon.

 

"Bakit?"

 

Nag hihintay ng sagot si Kai ngunit hindi na rin niya kailangan pang mag hintay, alam na alam niyang hindi naman sasagutin ni Hyoyeon ang katanungnan niya. Bumitaw na siya sa yakap at inilayo ang katawan niya kay Hyoyeon. Hinding-hindi niya kakalimutan ang mga ngiting nasilayan niya at ang mga luhang nakita niya. Lahat ng 'yon ay dahil sakaniya, paano niya pa ba makakalimutan?  Ikinunot niya ang noo niya at nag isip-isip.

 

Naka ramdam nanaman siya ng isang mahabang linyang pag kirot ng ulo niya, ngayon naman ay sa likod na bahagi ng ulo niya. Hinawakan niya ito at muli, napa pikit sa sakit. Alam naman niyang nandiyan na si Yoona.

 

Nag simula ng tumakbo si Yoona dahil kanina lang ay nag lalakad siya habang pinapanood si Kai at Hyoyeon na nag yayakapan. Sinigurado niyang walang sumunod sakaniya, kailangan lang talaga na walang maka kita. Binato niya ang bag niya sa kung saan basta sinigurado niyang malapit iyon sa pinaroroonan nila.

 

Tinakbo niya si Kai at hinila pataas, kahit gaano siya kapayat nabuhat niya pa rin pataas si Kai dahil tinulungan siya nito. Inakay niya at hinila ito papalapit sa labas ng maliit na halamanan.

 

"Hyo, ikaw na muna bahala sa mga bag natin ah. Pasensya na, mabigat rin 'tong ugok na 'to eh." Pautos na sinabi ni Yoona kay Hyoyeon.

 

At kahit nag tataka at gulong-gulo si Hyoyeon, kinuha niya pa rin ang tatlong bag na nag kalat sa hardin at isinukbit iyon sa dalawa niyang braso at ang isa ay yakap-yakap niya. Pinunasan niya rin ang mga luha na namuo ngunit hindi naman pumatak at nag simula ng ikabit sa isa niyang tenga ang itinakip niya sa bunganga niya.

 

Sa natatanaw niya, masisiguro na niya. Ang sakit pala talaga. Iyon pala ang naramdaman niya kanina, hindi niya lang talaga nabigyan ng kasiguraduhan. Gusto niya nanamang maiyak, pero okay lang. Kaibigan niya naman si Yoona, matalik pa.

 

Hindi inaasahan ni Hyoyeon na ganito ang mangyayari. Una, pumunta siya rito upang mag pahinga at panuorin ang mga ibon na mag laro dahil gusto niyang maka kalimot at maitanim sa utak niyang malaya na siya sa pag kulong ng mga magulang niya sakaniya sa isang kwartong napuno ng iyak, singhal, galit at karahasan. Pangalawa, gusto niya ng kapayapaan. Yung hindi maririnig ang mga bulong-bulong ng mga babae't lalaki ng dahil sa itsura niya. Yung itsura niyang marumi. Pangatlo, simula ng pumasok si Kai sa lugar na binakuran niyang kanya, naging fairy tale na nga talaga ang araw niya.

 

Lalo na ng pag papanood niya na makitang si Yoona ang umaalalay at ang naging taong nandiyan para kay Kai. Kaya niya sanang akayin si Kai, pero parang wala naman kasi siyang karapatan. 

 

Sumusuko na siya, ayaw na niya. Ang tanga niya para umasa pa na pag naalala ni Kai ang nakaraan, magugustuhan siyang muli nito.

 

Napagtanto niya, na hindi pa pala siya naka move-on. Anong sabi niya? Moving on without letting go? Letting go without moving on? Kalokohan lahat ng 'yon para sakaniya. Hindi niya nga alam kung bakit niya pa sinabi 'yon. Kung move-on na para sa ibang tao ang ginagawa niya, kailangan ng magising ng taong 'yon sa katotohanan dahil hindi pa siya move-on. Bumitaw lang siya, at hindi pa siya nakaka move-on, iyon ang pinaka ayaw niya sa ginawa niya. Mahal niya pa si Kai, mahal na mahal niya pa rin. First love never dies? It can die, but Hyoyeon doesn't think so.

 

Panahon na siguro para tigilan ang paniniwala niya sa fairy tale. Malungkot ang ending, sobrang malungkot. Tigilan na siguro, ano?

 

Bumuntong hininga itong si Kai at si Yoona, patuloy pa rin silang tatlo sa pag lalakad. Minura ni Yoona si Kai at kinurot ang brasong akay-akay niya.

 

"Pasalamat ka talaga at may sakit ka."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.