Chapter 22

Gray

Nag mamadaling tumayo si Yoona ng marinig niya ang matining na tunog na nag sesenyales na tapos na nga ang napaka boring na klase na pinag sisisihan niyang pinasukan niya pa. Naiirita siya pagkat, ang guro ay hindi ang naturingang guro noon at pangalawa, wala si Hyoyeon.

Kahapon ay wala rin siya, ang usapan nila ay pupunta si Yoona sa tirahan ni Hyoyeon ngunit hindi na nga natuloy pagkat hindi naman sumasagot ng tawag itong si Hyoyeon. Nag aalala man siya ay wala pa rin talaga siyang magawa kasi hindi siya sigurado sa kung ano bang dapat niyang gawin. Pangalawang araw ng wala si Hyoyeon ngayon at napag desisyunan niyang wala na ngang makakapigil sakaniya dahil desidido siyang puntahan ito.

Matapos niyang ipasok lahat ng kagamitang dapat ipasok sa kanyang bag ay isinukbit niya ito sa kanyang balikat at mabilis na iniikot ang katawan niya at mabilis na iginalaw ang mga biyas niya upang makapag lakad ng mabilis papunta sa sasakyang nag aantay sakaniya sa labas.

Hindi na niya pinansin ang mga taong nakaka bangga niya at patuloy pa rin sa kanyang pag lalakad. Maski si Jessica ay iniwan na rin niya kahit na ang usapan nila ay mag sasama sila ngayong araw para pag usapan ang plano nila kay Hyoyeon.

"Yoona, hoy." Marahas na binulungan ni Sehun si Yoona matapos niya 'tong abutan sa kanyang pag takbo kanina.

Tuloy-tuloy pa rin si Yoona sa kanyang pag takbo at alam naman niyang sinusundan pa rin siya ni Sehun kaya't walang problema.

"Yoona, pansinin mo nga 'ko."

"Mamaya ka na."

Napa irap na lang si Sehun sa narinig niyang sagot at sinimulang habulin nanaman si Yoona na saglit lang niyang naka ligtaan ay nawala naman agad.

Pagod na pagod siyang naka rating sa harapan ng itim na sasakyan ni Yoona at sa isang iglap, nasa loob na agad si Yoona. Kitang nag papahinga pa ako oh. Mahinang bulong ni Sehun sa sarili niya.

"Si Hyoyeon?" Tanong niya kahit paputol-putol dahil sa kanyang pg hinga dala ng pagod.

"Aba'y malay 'ko. Kaya nga pupuntahan 'ko sakanila para malaman 'ko kung anong nangyari eh."

"Kuya Iti, tama po kayo ng pag kakadinig. Kela Hyoyeon po ang diretso natin."

Tumango na lamang ang driver at inistart na nga ang kotse.

"Sama ako."

"Manahimik ka diyan." Agad na itinaas ni Yoona ang bintana ng pintong nasa tabi ng kanyang inuupuan.

Aligaga si Yoona at minu-minuto'y tinitingnan ang kanyang telepono o di kaya naman ay ang kalsada para malaman kung may balita na ba sa matalik niyang kaibigan o para man lang malaman kung malapit na pa sila sa kanyang destinasyon.

Minsan man ay napapaisip siya, kung minsan napapa kunot ang noo niya. Sobrang nag aalalala na rin kasi siya. Alam niya kung ano nga ba ang nangyayari kay Hyoyeon sa tuwing naiiwan siyang mag isa sa tirahan nila. Alam niya yung mga pinag daraanan niya sa tuwing nandon ang mga magulang niya. Pero kahit na alam niya, wala pa rin talaga siyang magawa.

Kasi ano at sino nga ba naman siya diba, para may gawin.

Huminto na ang sasakyan, hudyat na nandon na sila sa tirahan ni Hyoyeon. Nag mamadaling lumabas si Yoona at hila-hila ang bag niya, saglit na nag paalam at dire-diretsong pumasok sa gate na hindi naman naka sara at ipinihit ang doorknob na muli ay hindi nanaman naka sara. Habang nag lalakad ay napapailing na si Yoona dahil ganon nga ka walang pakielam si Hyoyeon sa mga nangyayari dahil iniwan lang na naka bukas ang mga bagay na dapat ay naka sarado na nga.

"Hyoyeon?" Umalingaw-ngaw ang mumunti niyang tinig sa loob ng gusali habang inililibot niya ang mata niya.

Mahina rin siyang nag dasal sa mga santo dahil kung makikita ang loob ng gusali, kala mo ay sinalanta ng bagyo. Kung naka yapak man siyang nag lakad doon ay malamang sa malamang, nabubog na siya.

"Hoy panget, nasaan ka?!" Muling pag sigaw niya ng makarating siya sa kusina nila na inaakala niyang matatagpuan si Hyoyeon doon ngunit wala.

Mas lalo siyang kinabahan at nag madali dahil isa lang naman ang pumapasok sa isipan niya. At kung sakaling ganon man nga ang nangyari, hindi talaga siya matutuwa.

"Hyoyeon! Naman eh! Sumigaw ka nga o kung ano man, mag paramdam ka!'

Tumakbo si Yoona papunta sa kwarto ni Hyoyeon at ilang beses na nga siyang natisod sa hagdan, muntikan ng masubsob sa sahig at magasgasan ang mga tuhod. At dahil wala siyang pake, dire-diretso pa rin siya papunta sa kwartong walang dating dahil nabubwisit siya sa kulay ng pader. Abo ang kulay at nakakairita.

Hindi na siya kumatok pa at diretsong binuksan ang pinto para makitang natutulog ng mahimbing si Hyoyeon habang yakap niya ang kanyang ina. Nanlaki ang mga mata ni Yoona at napa takip sa kanyang bibig ang kanyang kanang kamay habang binitiwan ng kanyang kaliwang kamay ang kanyang bag.

"Oh my God." Mahinang bulong niya sa sarili niya habang onti-onting tumutulo ang luha niya.

Nakakaramdam siya ng pintig at sakit sa dibdib niya na kala mo nga'y nanunuod siya ng drama na sobrang nakakaiyak. Hindi niya kinakaya ang tuwa at ang sakit, napa lakad siya patalikod hanggang sa tumama ang likod niya sa pader. Napa upo siya sa sahig at ninamnam ang mga pangyayari.

Sobrang natutuwa siya, sobrang nagagalak siya. Totoo na ba ito? Ang tanong niya sa sarili niya.

Tumingin siya sa kisame at ngumiti ng pag kalaki-laki.

Naalimpungatan si Hyoyeon ng may marinig siyang bumagsak. Tiningnan niya ang hawak niyang katawan, napa ngiti nanaman siya. Hinaplos niya ang buhok at mukha nito at tinabig ang mga hibla ng buhok na nag kakalat sa mukha niya. Nag palinga-linga siya sa paligid niya at nakitang gabi na nga. Kailangan na niyang mag luto ng kakainin nila.

Dahan-dahan siyang bumangon at tumapak sa sahig, tumayo at nag unat-unat kahit tumutunog na nga ang buto niya maski ang pag sakit ng mga natamaan sakaniya. Sinuklay ng kamay niya ang buhok niya at inilagay ang buhok sa likod ng tenga niya. Pinag dikit niya ng madiin ang mga labi niya at kumurap-kurap pa ng ilang beses.

May nakikita siyang kaanyuan sa labas ng kwarto niya. Nakakagulat na rin ag naka bukas ang pintuan ng kwarto niya.

Kumurap siyang muli at nagulat sa nakita niya.

"Bakit ka umiiyak?" Napa takbo siya sa tabi ng matalik niyang kaibigan at hinila ang katawan nito papunta sa dibdib niya upang maibalot ang mga braso niya dito.

"Yoona, bakit ka umiiyak?" Nag aalala niyang tanong muli dito.

Tuluyan ng napa hagulgol si Yoona sa kamay ng kaibigan niya at napapangiti dahil sa init ng presensya ni Hyoyeon.

"Hyo, masaya ka na ba?" Umiiyak niya pa ring tanong kay Hyoyeon.

Sigurado siyang nag pantig ang mga tenga niya sa narinig niya at panandalian siyang kinilabutan. Minsan talaga ay ang sarap sapukin nito ni Yoona.

"Yoona, tumahan ka nga." Nag mamadali niyang utos at pag punas sa paligid ng mata niya.

"Hyo, sobrang saya 'ko. Alam mo 'yon, nag aalala ako kanina kasi akala ko napahamak ka. Tapos, ganito makikita 'ko. Alam mo ba pakiramdam 'non? Hindi ko inaakalang magiging ganito. Oh my God talaga Hyo."

Napapailing na lang si Hyoyeon sa nangyayari. Hindi niya 'to ginusto, pero bakit ang sarap sa pakiramdam?
 

"Tigilan mo nga muna ako hyung." Parang bata 'tong si Baekhyun na nag hihimutok dahil kanina pa siya hinaharot ni Suho.

"Ang pabebe mo talaga. Ikaw na nga 'tong nilalandi." Sabay irap na bigkas ni Suho kay Baekhyun na may halong pandidiri ang mukha.

"Namo ka hyung, wala akong panahong makipag landian."

"Ano ba kasi problema mo?" Naiiritang nag aalala na tanong ni Suho kay Baekhyun at dumiretso siya sa tabi ni Baekhyun habang hawak-hawak ang bigay ni Kyungsoo na juice sakaniya.

Matagal silang nabalot ng katahimikan dahil mukhang walang balak si Baekhyun sabihin ang problema niya kay Suho. Titig na titig si Suho kay Baekhyun na naka tungo lang ay nag mumukmok ng maasar siya at sinimulang laklakin ang juice na gawa ni Kyungsoo na ayon kay Kyungsoo, gawa daw iyon sa mga natural na kasangkapan.

"Hyung, wala si Hyo. Yung baby 'ko." Muntikan ng mabuga ni Suho ang juice sa pag mumukha ni Kris na naka upo sa harapan nila dahil nag aalala na rin kay Baekhyun at ang maganda sa lahat, muntikan nga lang.

Dahil bago pa man maibuga, hinila niya na si Chen na kumakanta at ginawang harang sa likidong iluluwa ni Suho.

Napa tigil si Luhan sa pangunguya niya ng kinakain niya at napa taas ang kilay niya sa mga narinig niya. Kunwaring walang alam si Kyungsoo at tinitigan ang mga aksyon ni Luhan na padabog ng tumayo mula sa pag kakaupo at binitbit ang kinakain papunta sa pinaroroonan nila Baekhyun.

"Walang forever Byun Baekhyun! Baby ka diyan? Kadiri ka." Sigaw ni Suho ng mapunasan na niya ang ilong niya dahil lumabas nga 'don yung iniinom niya.

Nandidiring tumakbo si Chen sa kobeta dahil nandiri siya sa naibuga sakaniya at minura niya si Kris dahilan para habulin ni Kris.

"Hoy Jongdae, sino ka para murahin ako?!"

"Ako si Jongdae, hyung!"

"Eh baby 'ko naman talaga si Hyo eh." Lumabas ang nguso niya at mas lalo pa siyang napa tungo.

Konti na lang ay ibabato na ni Luhan ang plato niya sa pagmumukha ni Baekhyun. Naasar siya sa mga naririnig niya ha. Umirap siya sa kawalan at sumubo nanaman ng isang beses. Sayang naman kasi daw ang niluto ni Kyungsoo, masarap pa naman.

"Hindi ba kayo nag aalala kay Hyo?" Hinaing nanaman ni Baekhyun kay Suho.

Bumuntong hininga si Suho dahil kita niya namang seryoso talaga si Baekhyun sa mga sinasabi niya. At kahit naman mag alala siya, nandon na si Yoona kila Hyoyeon. Malamang, okay na si Hyoyeon.

"Nag aalala malamang, nandon na si Yoona kila Hyoyeon. Makikibalita ako mamaya." Umaasa 'tong si Suho na sana ay tumigil na si Baekhyun.

Lumapit si Kyungsoo sa tabi ni Luhan ng marinig niya ang sinabi ni Suho at inunahan si Luhan sa pag tatanong.

"Sinong na kila Hyo?" Pag uulit ni Kyungsoo dahil gusto niyang maka siguro.

"Si Yoona." Ipinagwalang bahala ni Suho ang pag tatanong na iyon ni Kyungsoo.

Hinilamos ni Baekhyun ang kamay niya sa mukha niya at ginulo naman ni Suho ang buhok niya. Tumayo na si Suho upang ibalik ang baso sa lababo at kumuha ng pamunas para sa naibuga niyang juice.

"Sino nag sabi?" Tanong ni Luhan upang maki extra sa pag uusap na nagaganap at para na rin hindi tuluyang umalis si Suho dahil mayron pa siyang gustong malaman.

Sinusundan niya si Suho na papunta na sa kusina. Sumubo nanaman siya ng pagkain at pinilit na lunukin agad kahit na mabulunan siya.

"Si maknae."

Napa kunot ang noo niya lalo at niratrat ng tanong si Suho.

"Paano niya nalaman?"

"Nandon din yata, kasama nila." Sabay lapag ni Suho ng baso sa lababo.

Kinuha niya ang pamunas at binanlawan.

"Ha?!" Sigaw ni Luhan habang nag mamadaling tumakbo papunta sa lamesa at inilapag ang dala-dala niyang plato.

Kinuha niya ang baso na nakita niyang may laman ng juice kahit na mukhang para yata kay Kris 'yon, pero hayaan na dahil mas matanda naman siya 'don. Diretso niyang nilaklak at tumakbo papunta sa pintuan upang makalabas ng bahay ni Kris.

"Hyung! San ka naman pupunta?!" Sigaw ni Kyungsoo kay Luhan na kahit naman hindi niya tanungin ay alam na niya kung anong gagawin ni Luhan.

"Kung gusto mo, sumama ka sakin Kyungsoo! Alam ko na!" Nag mamadaling nag suot ng sapatos si Luhan at nag pasalamat sa sarili niya dahil naka medyas pa siya at buti na lang hindi siya nadulas kanina sa kakatakbo.

Napa halatak ang dila ni Kyungsoo sa bunganga niya at tumakbo papunta kay Luhan at nag suot na rin ng kanyang sapatos.

"Anong alam mo hyung?"

Napa ngiti si Luhan saglit at tumayo na bago niya nilingon si Kyungsoo na nag sisintas pa.

"Ano nga ba?" Nakakalokong ngiti ang nasilayan ni Kyungsoo kay Luhan dahilan para itaas niya ang ikalawang daliri niya dahil hindi niya naman ma pakyu si Luhan dahil nirerespeto niya 'to kahit gago.

Ng matapos na si Kyungsoo ay hinila na ni Luhan ang kamay niya upang maka tayo siya at lumabas na sila ng gate. Hindi nila alam kung tatakbuhin ba nila o mag kokotse sila pero bahala na.

Natulala lang si Suho sa mga nangyari dahil parang ang bilis ng lahat. Wala siyang maintindihan. At mas lalong walang maintindihan si Baekhyun.

 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.