Chapter 9

Gray

Hingal na hingal si Hyoyeon sa harapan ngayon ni Lay dahil tumakbo siya papunta kay Lay na ngayon ay lumalayo sakaniya. Gustong mag pahinga ni Lay kaso kinukulit siya ng kinukulit ni Hyoyeon.

 

Huling araw na kasi ng pasok ngayong linggo, ayaw umuwi ni Hyoyeon. Wala naman si Yoona dahil kailangan si Yoona ng magulang niya, may pupuntahan raw na meeting para sa business nila. Hindi rin naman niya pwedeng asahan si Jessica, may date nanaman sila ni Kris panigurado.

 

"Yixing, dali na, libre mo lang ako ng kape."

 

Hinawakan ni Hyoyeon ang braso ni Lay at hinala ito para mag lakad. Wala naman ng magagawa si Lay kaya't papayag na siya. Para namang kaya niyang tanggihan si Hyoyeon.

 

Nangunguna si Hyoyeon sa pag lalakad nila, tiningnan lang siya ni Lay. Bakla si Lay, bakla. Pero pag dating kay Hyoyeon nawawala. Tulad ng pagiging seryoso ni Hyoyeon sa ibang tao, pag dating kay Lay, nag iiba siya.

 

"Gabi na, Hyo. Anong kape naman?"

 

Yun nga ang isa pang punto ni Lay, gabi na, bakit naman gugustuhin ni Hyoyeon ng kape? Kape lang rin naman kasi ang maiinom sa cafe na lagi nilang pinupuntahan at alam ni Lay na iyon ang tinutukoy na lugar ni Hyoyeon.

 

Abala naman si Hyoyeon sa pangunguna kay Lay papunta sa parking lot.

 

"Wala namang pasok bukas."

 

Ayaw lang talaga ni Hyoyeon umuwi sa bahay nila. Nag sasawa na siya 'don. Kung tutuusin, ayaw na nga niyang tumira kasama ang mga magulang niya. Ito lang naman ang paraan para makaiwas si Hyoyeon sa mga problema niya. 

 

Sa mga sakit, sa hirap, sa problema.

 

At sino ba naman kasing nag sabi na gusto talaga ni Hyoyeon ng kape? Humanap lang siya ng dahilan para samahan siya ni Lay. Naniwala naman sakaniya si Lay.

 

Gulat pa rin si Lay sa ginagawa ni Hyoyeon. Ngayon lang niya talaga nakitang ganito si Hyoyeon. 

 

Sa loob ng dalawang taon.

 

"Sa totoo lang Hyo, hindi ka ganito pag kasama mo si Yoona."

 

Umiiling iling na komento ni Yixing sakaniya.

 

Tumigil naman si Hyoyeon na naging dahilan rin ng pag tigil ni Lay.

 

"Nangungulit lang eh. Sige, back to normal na ako."

 

Binitawan naman ni Hyoyeon ang braso ni Lay. Nag simula na rin siyang mag lakad ng mabilis. Ayaw naman ni Lay mag tampo si Hyoyeon kaya't sinundan niya.

 

"Wag na, mas okay ng makulit ka. Nasobrahan nga lang."

 

Ng mahabol ni Lay inakbayan niya ito. Una, kinakabahan si Lay dahil baka magalit sakaniya si Hyoyeon dahil inakbayan niya. Pangalawa, mamaya mareject siya ni Hyoyeon. Pangatlo, ngayon lang siya nag karoon ng tiyansang gawin 'to kay Hyoyeon.

 

Nagulat naman si Hyoyeon sa pag akbay sakaniya ni Lay pero hinayaan niya lang. Bading naman si Lay, iyon ang sabi ni Lay sakaniya, wala namang malisya iyon. Nahahalata rin naman niyang nag aalanganin si Lay sa pag akbay.

 

"Hindi naman ako nasobrahan."

 

Umiling lang naman si Lay sa tabi ni Hyoyeon.

 

"Hindi lang ako sanay, okay na?"

 

Dalawang taon rin niya kasing hindi nakita yung ganitong side ni Hyoyeon. Sinong hindi magugulat?

 

Patuloy pa rin ang pag lalakad nila, lumingon naman sakaniya si Hyoyeon. Naka harap si Lay sa harap pero ang mga mata niya na kay Hyoyeon.

 

"Kape ko muna."

 

Inikot ni Lay ang mata niya sa parking lot, nag babaka sakaling mahanap ang kotse niyang itim. Nag sisisi tuloy siya at bakit nga ba itim ang binili niyang kotse. Madalim na kasi.

 

"Wala akong pera."

 

Tinitigan lang naman si Lay ni Hyoyeon ng masama. Si Lay pa, mawawalan ng pera? Hindi naniniwala si Hyoyeon 'don. Alam niya kung gaano kasikat ang pamilya ni Lay dahil sa business nilang kotse. Ang yaman ni Lay, pero hindi niya naman gagantsuhan si Lay. May pera rin naman kasi siya. Mag papa libre lang.

 

Ng mahanap naman na ni Lay ang kotse niya ibinalik niya ang tingin niya kay Hyoyeon ng mapansin niyang halos isumpa na siya ni Hyoyeon gamit ang mga mata niya. Takot siya 'don. At kahit na takot siya, nakukyutan pa rin siya kay Hyoyeon.

 

Napatawa naman si Lay ng putol putol.

 

"Ay joke lang, meron akong pera. Sabi ko nga, halika na."

 

Hinila naman ni Lay si Hyoyeon ang braso niyang naka patong sa balikat ni Hyoyeon. Saglit na napa ngiti si Hyoyeon sa ginawa ni Lay. Hindi niya raw kasi kasalanan na hindi siya mahindian ni Lay.

 

"Kotse mo."

 

Hindi naman na kailangan marinig ni Lay iyon dahil alam na niya.

 

"Para namang nag dadala ka ng kotse mo."

 

Siningkitan lang naman ng mata ni Hyoyeon si Lay. Paano nalaman ni Lay na may kotse ito? Ni hindi nga niya dinadala ang kotse niya sa eskwelahan. Hindi pa rin naman nakakapunta si Lay sa bahay niya.

 

Tinanggal naman ni Lay ang pag kaka akbay niya kay Hyoyeon at kinapa sa bulsa niya ang susi. Ng mahanap na niya ay binigay niya ito kay Hyoyeon. Tiningnan lang ni Hyoyeon ang kamay niya na may susi.

 

"Ayokong mag drive."

 

Paano nalaman ni Lay na marunong siyang mag drive? Muli, ay pinag singkitan niya nanaman ito ng mata.

 

Hindi naman napapansin ni Lay.

 

"Ayoko rin."

 

Binato niya naman ito pabalik kay Lay. Malapit lang sakaniya si Lay kaya't nasalo naman agad ni Lay.

 

Bumuntong hininga muna si Lay bago nag salita.

 

"Edi mag lakad tayo."

 

Sa gilid ng isipan ni Lay, gusto lang niyang makasama ng matagal si Hyoywon. Inaamin na niya, okay.

 

Napa pikit naman si Hyoyeon sa sinabi ni Lay. Ginawa niya iyon dahil ayaw niyang irapan si Lay. Hindi siya umiirap, hindi niya gusto yung pakiramdam na mairapan, maliban na lang kay Yoona at Jessica dahil mga kaibigan niya 'yon, kaya't hindi niya ipaparamdam sa iba.

 

"Lakarin mo, sasabay ako kay Jessica. 'Don na lang tayo mag kita."

 

Dinukot naman ni Hyoyeon ang cell phone niya sa bulsa ng coat niya.

 

Agad naman na pinigilan ni Lay ang pag pindot ni Hyoyeon sa lock button ng cell phone niya.

 

"Mag dadrive na 'ko, takte naman."

 

Napa ngiti naman saglit ulit si Hyoyeon, dalawang beses na siyang ngumiti sa sinasabi ni Lay. Pero hindi nanaman napansin ni Lay.

 

Agad naman na tumakbo si Hyoyeon papunta sa kabilang pintuan tabi ng driver's seat.

 

Bumuntong hininga naman ulit si Lay at pinindot ang pang bukas ng lock ng kotse niya. Naka rinig silang dalawa ng dalawang matinig na tunog at agad silang pumasok dalawa sa loob. Tiningnan lang ni Hyoyeon ang loob ng kotse ni Lay. Namamangha siya, alam ni Hyoyeon na si Lay ang nag design ng kotse niya kaya't namamangha talaga siya ng sobra.

 

Pinatakbo naman na ni Lay ang kotse niya. Pinanood niya lang si Hyoyeon sa rear view sa harap niya. Wala namang hinahawakan si Hyoyeon, pero minamanmanan niya lang talaga ng sobra.

 

Hindi sanay si Lay na tahimik ito.

 

"Tahimik nito."

 

Napatigil naman si Hyoyeon sa pag manman at sumandal na siya. Nahihiya siya, pero pag tatakpan na lang niya.

 

"Ayaw mo ng makulit ako, diba?"

 

"Gusto ko. Nasobrahan ka nga lang."

 

Naka pokus lang si Lay sa pag mamaneho niya habang si Hyoyeon tinitingnan lang siya.

 

"Edi balik nga ako sa normal."

 

Tiningnan muli ni Lay si Hyoyeon gamit ang rear view.

 

"Hindi naman 'yon ibig kong sabihin."

 

"Hindi rin naman 'yon ang iniisip 'kong ibig mong sabihin."

 

Saglit lang din ay ibinalik ni Lay ang tingin niya sa kalsada. Mahirap na at baka madisgrasya silang dalawa, kasama niya pa naman si Hyoyeon.

 

"Gulo mo kausap."

 

"Edi wag mo 'kong kausapin."

 

Kinilabutan si Lay sa sinabi ni Hyoyeon. Bumabalik na ang normal na Hyoyeon.

 

"Puta, nanlalamig ako sa'yo Hyo."

 

Sa ngayon ay nananalangin si Hyoyeon na sana hindi na natutong mag mura si Lay. Ilang beses niya ba kailangang ulitin, na ang hot na bakla ni Lay pag nag mumura ito?

 

*

 

Habang busy si Hyoyeon mag hanap ng lugar na tago kahit wala naman ng tao sa cafe na pinuntahan nila, si Lay naman busy kakahanap sa Luhan hyung niya. Alam niyang madalas nandito si Luhan hyung lalo na pag friday. Tinanong rin naman niya si Luhan hyung niya kung bakit at ang sabi lang ni Luhan hyung niya, kailangan niya ng wifi.

 

Hihilain na sana ni Hyoyeon si Lay ng mapatigil si Hyoyeon sa pag sigaw ni Lay.

 

"Luhan hyung!"

 

Agad naman na lumingon si Luhan papunta sa kinaroroonan ni Lay at Hyoyeon. Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit papunta sa dalawa.

 

Alam naman ni Luhan na matalik na mag kaibigan yung dalawa kaya't hindi na siya mag tataka kung bakit mag kasama sila.

 

"Bakit nandito ka Yixing?"

 

Tiningnan naman patagilid ni Lay si Hyoyeon matapos mag salita ni Luhan

 

"Gusto raw ni Hyo ng kape."

 

Medyo nagulat naman si Luhan sa narinig niya, tulad ni Lay ang tanong niya, gabi na, bakit kailangan pa ni Hyoyeon ng kape?

 

Nadako naman ang tingin ni Luhan papunta kay Hyoyeon, tulad sa ibang tao, blanko lang ang mukha ni Hyoyeon. Tagos na tingin, walang ngiti at sa ekspresiyon na pinapakita ni Hyoyeon, maaring maisip ni Luhan na naiinis si Hyoyeon pero dahil alam naman niyang hindi ganon si Hyoyeon at sadyang normal sakaniya ang ganyang mukhaan, hinayaan niya na lang.

 

"Gabi na, kape?"

 

Binalik niya naman ulit ang tingin niya kay Lay. Hindi niya kaya tingnan sa mata si Hyoyeon. May naaalala lang naman talaga siya. May nahahawigan kasi si Hyoyeon para sakaniya.

 

"Malay 'ko sakaniya."

 

Nag kibit balikat naman si Lay sa sinabi niya.

 

Tumingin naman ulit si Luhan papunta kay Hyoyeon, gusto lang naman niyang mag pakilala, kung kailangan pa. Makipag kaibigan, kung ayaw naman daw ni Hyoyeon, okay lang. May nararamdaman lang talaga kasi siyang kakaiba kay Hyoyeon.

 

"Hi, Hyoyeon. Kilala mo pa naman ako, ano?"

 

Tumango lang naman si Hyoyeon sa sinabi ni Luhan. Kilala pa rin naman niya si Luhan dahil siya yung gumising kay Kai nung unang araw na pumasok siya. At siya yung sinasabi ni Yoona na mukhang babae.

 

Nag karoon ng kakarampot na pag ka kaba si Luhan sa tingin na ibini igay sakaniya ni Hyoyeon. May naaalala lang kasi talaga siya sa tingin na 'yon. Yung babaeng gusto na niyang makalimutan, nakikita niya kay Hyoyeon.

 

"Taena, Yixing ganiyan ba talaga 'yan?"

 

Nag tinginan naman ang dalawang Chinese na mag kaibigan at si Luhan tumitingin kay Lay na para bang nang hiningi ng tulong. Gustong matawa ni Lay sa itsura na Luhan hyung niya dahil mukhang babae na nga si Luhan hyung niya, mas nag mukha pang babae lalo.

 

"Oo, hyung. Kausapin mo lang."

 

Lumunok naman ng laway si Luhan. Pinanood ni Hyoyeon ang pag galaw ng adam's apple ni Luhan. Wala siyang magagawa, iyon ang pinaka tinitingnan niya sa lalaki dahil ang y 'non para sakaniya.

 

"Ah hi, hehe."

 

Bago pa makatingin si Luhan kay Hyoyeon ay inunahan na siya ni Hyoyeon sa pag tingin sa mga mata niya para hindi mahuli ni Luhan na tinitingnan niya ang adam's apple nito.

 

"Hi."

 

"Anong gusto mong kape? Libre 'ko na lang kayo, hindi ko kaya presensya ni Hyoyeon, nanlalata ako."

 

Alam na alam ni Luhan na kape lang ang binebenta sa lugar na ito kaya't yun ang tinanong niya. Kahit na ayaw niya sa may ari, kung mapapalayo naman siya kay Hyoyeon, gagawin niya. Hindi niya pwedeng maalala yung babaeng naaalala niya kay Hyoyeon, lalo na't ito mismo yung araw na iyon.

 

Bilang ayaw ni Hyoyeon ng kape, tubig ang hihingiin niya.

 

"Tubig lang."

 

Nag init ng kaonti ang ulo ng kalmadong Lay. Ilang beses na niya bang pina ulit-ulit dito na gusto niyang matulog? Pero dahil gusto ni Hyoyeon mag pasama, inuna niya si Hyoyeon.

 

"Hyo, akala ko ba kape? Kung tubig lang edi sana binilhan na kita kanina sa vending machine!"

 

Nag rereklamong sambit ni Lay kay Hyoyeon.

 

"Nag bago na isip 'ko, Yixing."

 

Bumuntong hininga naman ulit si Lay, wala na siyang magagawa. Nandito na siya.

 

"Tubig na lang daw Luhan hyung."

 

Hanggang ngayon ay tinitingnan pa rin ni Luhan ang mukha't mata ni Hyoyeon. Hindi kaya, mag kamag anak sila?

 

"Hindi 'ko talaga kaya Yixing, help."

 

Hindi naman pwedeng bumulong si Luhan dahil nasa tapat siya ni Hyoyeon at Lay kaya't wala na siyang nagawa kundi ang sambitin iyon sa lakas ng tunog na maririnig nilang tatlo.

 

"Hyo, makikipag kaibigan daw si Luhan hyung."

 

Napapansin naman ni Hyoyeon na nag aalanganin sakaniya si Luhan. Nag oobserba lang naman siya.

 

"Sige lang."

 

Bumuntong hininga nanaman si Lay sa pang ilang beses na bang hindi na niya alam. Bumalik na nga sa normal si Hyoyeon.

 

"Kailangan ko ba kayong iwan dalawa?"

 

Ayaw naman niyang iwan yung dalawa, mag tatago na lang siya sa gilid kung sakalin papayag si Hyoyeon. Wala siyang tiwala sa mukhang babae niyang hyung.

 

Si Luhan, bilang kadaldalan lagi ni Baekhyun, naikwento sakaniya ni Baekhyun na kailangang mag paalam ka kung tatawagin mong Hyo si Hyoyeon. At yun din naman ang ginawa niya.

 

"Pwede rin ba kitang tawaging Hyo?"

 

At para namang may magagawa si Hyoyeon, alam naman na ni Luhan, bakit kailangan niya pang hindian?

 

"Sige."

 

Nanlamig nanaman si Luhan sa sinabi ni Hyoyeon, maski boses, parehas sila.

 

"Takte, aalis muna ako Yixing. Bibilhin ko na yung gusto niyo."

 

Tumango naman si Lay sa sinabi ni Luhan hyung niya at pinansin ang pag mamadali ni Luhan. Mukhang mau problema raw ata si Luhan hyung niya. Dahil wala ngang tao, umupo lang si alay sa pinaka malapit na upuan na makita niya, sumunod naman si Hyoyeon 'don. Mga nasa alas syete pa lang naman, pero wala na agad na tao sa kapehan na kinaroroonan nila.

 

Ng makaupo na si Hyoyeon, tsaka inumpisahan ni Lay ang pakikipag usap kay Hyoyeon.

 

"Ang awkward niyo Hyo."

 

Tinitigan lang naman ni Hyoyeon si Lay gamit ang kanyang malalamig na mata.

 

"Hindi naman kami close eh."

 

Face palm.

 

"Kaya nga makikipag close siya eh."

 

Edi sana si Luhan mismo ang nag sabi sakaniya, hindi si Lay pa. Ayaw ni Hyoyeon ng ganon. Pero dahil mabait siya, pag bibigyan niya at iibahin niya ang topic.

 

"Anong ginagawa niya rito?"

 

Sabay namang tiningnan nung dalawa si Luhan na ngayon ay nasa counter. Humihingi ng tubig. Ang ililibre lang naman talaga ni Luhan ay si Hyoyeon, laking tulong na lang at hindi nag pabili si Lay.

 

"Tambay 'yan dito. Pero hindi naman nag kakape. Free wifi raw kasi dito."

 

May lumabas naman na babaeng naka lipstick na pula sa pintuan tabi ng cr ata. Tiningnan nman iyon ni Hyoyeon at mukhang si Hyoyeon lang naman ang nakapansin.

 

"Okay lang sa may ari?"

 

Napa ngiwi naman si Lay sa naiisip niya. Ng maisip niya pa lang yung may ari ng kapehan ay nandidiri na siya ng hindi niya maintindihan.

 

"Yung may ari, baliw na baliw diyan Hyo."

 

Nagulat naman si Hyoyeon sa sinabi ni Lay. Maski pala matatanda naaakit sa ganda ni Luhan.

 

"Bata lang ba yung may ari?"

 

Napa ngiwi nanaman dito si Lay. Naalala niyang tuwing biyernes nga pala ay nandito 'yon. Sigurado si Lay na maya maya lang ay lalabas na 'yon at mag papakita kay Luhan.

 

"Kasing edad lang natin."

 

"Ilang taon pa lang, may cafe na agad?"

 

Naririnig na ni Ly yung boses nung may ari. Hindi naman napapansin ni Hyoyeon ang mga munting pag ngiwi ni Lay kaya't wala siyang pakeng naka tingin lang kay Lay.

 

"Mayaman magulang eh."

 

Naputol ang usapan nila sa isang malakas na sigaw ni Luhan. Hindi manly iyon para kay Hyoyeon, kung tutuusin, tili na nga iyon para sakaniya.

 

"Takte, layuan mo 'ko!"

 

Napa ngiwi nanaman si Lay. Ngayon naman ay red ang lipstick nung may ari. Nung isang linggo ay pink. Nung mga nakaraan, violet, green. Hindi na maintindihan ni Lay kung bakit ba baliw na baliw yung may ari kay Luhan, mas mukha pa namang bading si Luhan kesa sakaniya. Ayon kay Lay.

 

"Kasasabi ko lang sa'yo, Hyo. 'Yan yung may ari."

 

Tinuro ni Lay, gamit ang kanyang labi, kay Hyoyeon ang babaeng sinasabi ni Hyoyeon na naka lipstick. Ang akala niya ay trabahador iyon. Siya pala yung may ari.

 

"Kung baliw naman pala sakaniya, bakit di na lang siya umalis dito?"

 

Tumayo naman na si Hyoyeon para tulungan si Luhan. Nakikita niya naman kasing ayaw talaga ni Luhan.

 

"Aba malay 'ko sakaniya."

 

Nasa tabi na ngayon ni Luhan ang may ari at pilit na hinahawakan ang kamay ni Luhan na tinataas naman ni Luhan.

 

"Hyo, help!"

 

Hindi man inaasahan ni Hyoyeon, tutulungan naman niya kasi talaga iyon kahit hindi mang hingi ng tulong si Luhan sakaniya.

 

"Ha?"

 

Tumayo na rin si Lay at lumapit kay Hyoyeon na palapit na ngayon kay Luhan. Hindi naman ganon kalapit kay Luhan, konti pang layo.

 

"Layuan mo 'ko."

 

Tinataboy taboy ito ni Luhan na akala mo naman maduming tao. Ayaw niya kasi talaga sa babaeng 'yon. Maganda yung may ari, maganda. Pero ayaw niya ng baliw sakaniya. At may mahal pa siyang iba.

 

"Oppa! Mayaman naman kami, mayaman ka. Anong masama kung magiging tayo?"

 

Lahat masama. Hindi pa sila break ng babaeng mahal niya. Naiwan siya. Iniwan na siya.

 

"Ayoko sa'yo, jusko lord."

 

Hindi naman nag patinag ang may ari at todo lapit pa rin kay Luhan. Hindi nagugustuhan ni Luhan ang nakikita niya. Kitang-kita niya na nga yung cleavage nung may ari dahil sa sobrang sikip ng suot na damit nito. Lalaki siya, pero hindi siya naaakit.

 

"Oppa naman, wala ka pa rin namang girlfriend eh. Pwede namang ako."

 

Gusto ni Luhan isampal sa babaeng nasa harap niya na may girlfriend pa siya. May girlfriend pa siya, iniwan lang siya.

 

"Anong wala?!"

 

Inirapan naman siya nung may ari. Hyoyeon bilang Hyoyeon, alam na agad kung anong nangyayari. Rason kung bakit nga ba laging nandito si Luhan, sa kapehan na 'to. Kahit hindi niya naman gustuhin, naoobserbahan niya pa rin. Kusa na kasing ginagawa ng katawan niya, ng utak niya.

 

Pag may bagay ka na kasing naka sanayan, ang hirap ng pigilan.

 

"Bakit meron ba?"

 

Nag tagis naman ang bagang ni Luhan sa sinabi nung may ari. Kung hindi lang talaga babae ang kausap niya, kanina niya pa mapapatulan yung may ari.

 

"Taena, wag mo 'kong tawaging oppa, mas matanda ka ng isang buwan sakin."

 

Napa ismid nanaman ang may ari. Hindi niya maintindihan kug bakit ba hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapayag si Luhan na kahit papaano bigyan siya ng chance.

 

"Edi isipin mo na lang, 'darling' ang ibig sabihin 'non. Tsaka isang buwan lang naman."

 

"Putek, Suzy! Layuan mo 'ko! Kadiri ka!"

 

"Oppa naman, wala naman ng ibang tao dito. Yung isang babae lang naman na kasama ni Lay oppa at si Lay oppa. Pwede nating gawin kung anong gusto natin!"

 

Tinuro naman ni Suzy si Lay at Hyoyeon na naka tayo medyo may kalapitan na nga kay Luhan.

 

"Anong gusto natin?! Gusto mo Suzy! Gusto mo! Hindi 'ko 'to ginusto!"

 

At kahit ilang beses namang ipagsigawan ni Luhan sa mukha ni Suzy na kailanman ay hindi siya nito magugustuhan ay hindi naman matitinag 'non ang pagiging pursigido ni Suzy para kay Luhan.

 

"Balang araw magugustuhan mo rin ako! Give the two of us a chance!"

 

" naman! Anong chance?!"

 

Ang gusto lang naman ni Suzy matuloy ang kasal nila. Pero ayaw ni Luhan.

 

"Oppa, naka red lipstick pa naman ako para sa first kiss natin."

 

Tuluyan ng nag init ang ulo ni Luhan sa pinag sasasabi ni Suzy sakaniya. Alam niyang masama na siyang lalaki ngayon dahil minumura niya ang isang babae, pero hindi na niya mapigilan.

 

"Putang ina, wala akong pake sa red lipstick mo! First kiss?! Dream on. Tsk."

 

Niyakap naman ni Suzy si Luhan at hinawakan ang dibdib nito. Hinaplos ito pataas at pababa. Umuungol ungol pa si Suzy sa ginagawa niya.

 

"Oppa, hmm."

 

Hindi kaya itulak ni Luhan si Suzy dahil babae nga ito. Tumingin siya sa dalawa niyang kaibigan na nanunuod lang.

 

"Yixing, tulong! Hyo!"

 

Tumingin naman siya kay Hyoyeon na naka tingin lang din sa mga mata niya. Si Hyoyeon lang talaga ang may kayang palayuin si Suzy sa katawan ni Luhan kaya't kakapalan na ni Luhan ang mukha niya.

 

"Hyo please! Ikaw lang ang makaka tulong sakin."

 

Alam ni Hyoyeon kung anong hinihingi ni Luhan. Nag lakad naman na si Hyoyeon palapit sakanilang dalawa.

 

"Ano yun?"

 

Ng makalapit na si Hyoyeon agad namang inakbayan ito ni Luhan at inalis ni Hyoyeon si Suzy sa katawan ni Luhan.

 

"Babe. I need you."

 

Sinabi ni Luhan sa lakas ng boses kung saan silang tatlo lang ni Hyoyeon at Suzy ang makakarinig. At dahil hindi nagugustuhan ni Yixing ang nakikita niyang pag akbay ni Luhan hyung niya, narinig niya kung anong sinabi ni Luhan na naging dahilan pa lalo ng pag init ng ulo niya.

 

Ayaw ni Hyoyeon ng sinabi ni Luhan. Ayaw niyang tawagin siyang babe. Nandidiri siya.

 

"Luhan hyung, naiintindihan kita ngayon. Pero sa susunod walang akong babe na maririnig."

 

Umirap lang si Luhan sa sinabi ni Lay sakaniya. Kung hindi lang niya kaibigan si Lay, mamimisunderstood niya talaga ito.

 

"Oo na Yixing!"

 

Tiningnan lang ni Suzy si Hyoyeon mula ulo hanggang paa at pinahinga ang mga mata niya sa brasong ni Luhan ngayon ay naka pulupo at balikat ni Hyoyeon. Hindi inaasahan ni Hyoyeon na magiging ganon kagaan ang braso ni Luhan.

 

"Ah, hi? Anong ginagawa mo?"

 

Sinubukan ni Hyoyeon maging mabait.

 

"Sino ka?"

 

Napa taas naman ang isang kilay ni Suzy sa tanong ni Hyoyeon sakaniya. Sa pag kakaalam ni Suzy, bilang isang stalker ni Luhan, wala siyang nakikitang inaakbayan ni Luhan ng ganyan kahigpit maliban lang sa Exo.

 

"Uhm, anong pake mo?"

 

Muli ay sinubukan ni Hyoyeon maging mabait.

 

Mas lalo namang tumaas ang isa niyang kilay at naningkit ang mata. Hindi nagugustuhan ni Suzy ang nangyayari ngayon.

 

"Kaagaw kita kay Luhan oppa, ano?"

 

Nanatili ang blankong mukha ni Hyoyeon na hindi mabanat para maka ngiti, malalamig na mata ang ginamit niya upang titigan si Suzy. Isang tingin pa lang kay Suzy alam na niyang ipapakasal si Suzy kay Luhan pero ayaw ni Luhan.

 

"Hindi mo naman ako kaagaw."

 

Nanunuod lang si Lay sa nangyayari sa harapan niya. Hindi alam ni Luhan hyung niya kung gaano siya nag seselos sa pag akbay na ginagawa ni Luhan kay Hyoyeon.

 

"Edi okay, hmph. Bitiwan mo si oppa."

 

Pilit namang hinihila ni Suzy si Hyoyeon na dahilan ng pag karamdam ni Hyoyeon ng sakit sa balat niya dahil sa mga pasa niya.

 

Walang kaalam-alam si Hyoyeon na pumunta ito sa likod ni Luhan at niyakap ito. Back hug ba. Selfish man ang rason, gagawin niyang sandata si Luhan. Masakit yung pag kakahawak ni Suzy sa balat niya. Nangingitim pa nga mga pasa niya eh.

 

Naramdaman ni Hyoyeon na nanigas si Luhan sa yakap niya.

 

"Hyoye- Hyo, anong ginagawa mo?"

 

"Sabi mo tulungan kita."

 

Bulong naman nito sa tenga ni Luhan.

 

Sumilip naman si Hyoyeon sa gilid ni Luhan. Hawak hawak ni Luhan ang braso ni Hyoyeon na naka pulupot sa maliit niyang bewang.

 

"Bakit?"

 

Nag seselos si Suzy sa nakikita niya. Dapat siya ang ginaganyan ni Luhan oppa niya at hindi yung babaeng 'yon na blonde. Nag seselos rin naman si Lay.

 

"Akin lang siya."

 

Sarcastic na sagot ni Hyoyeon sa tanong ni Suzy. Hindi maintindihan ni Hyoyeon kung bakit ba hindi pa obvious ang ginagawa ni Hyoyein kay Luhan. Sa ginagawa niya, marami ng mag aakalang sila ni Luhan.

 

"What?!"

 

Agad namang tumingin si Suzy kay Luhan na ngayon ay pinag papawisan na. Maski yakap, parehas sa babaeng mahal niya.

 

"Ano mo siya Luhan oppa?!"

 

Naguguluhan si Luhan kaya't hindi siya maka sagot ng maayos.

 

"Hindi ko ala-"

 

Kumuha ng napaka raming lakas ng loob si Hyoyeon para sabihin ang sasabihin niya. Kasalanan ni Luhan kung bakit nga ba siya nagiging ganito. Kasalanan ng Exo.

 

"Girlfriend."

 

Hindi na napigilan ni Luhan ang sarili niya. Napa ngiti siya, narinig niya ang boses ng babaeng mahal niya, narinig niyang muli yung boses na matagal na niyang gustong marinig. Nararamdaman niya yung yakap, yung init ng pakiramdam na meron ang babaeng mahal niya. Ramdam ni Luhan yung malalamig na mata na meron ang babaeng mahal niya sa mga mata ni Hyoyeon. Gusto niyang maramdaman muli yung pakiramdam ng labi nung babaeng mahal niya, pero hindi niya magagawa kay Hyoyeon iyon. Hindi naman kasi kasalanan ni Luhan na mag mahal siya ng isang noona.

 

Isinusumpa ni Lay na babatukan niya si Luhan pag mas pinatagal pa niya ang yakap ni Hyoyeon sakaniya. He's dying of jealousy.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.