Chapter 4

Gray

Mag kasama kami ngayon ni Lay sa isang coffee shop. Mag kita raw kami kaya pumayag na rin ako. Naging close rin kami dahil sa mag katabi nga kami at dahil na rin kay Yoona. Ilang araw pa lang naman ang nakakalipas simula ng mag kakilala kami kaya't ang sabi niya, kailangan daw namin mag karoon ng moments.

 

"Gaya nga ng sabi ko Hyo, bakla ako. Bading, beki."

 

Kanina pa niya sinasabi saaking bading siya, nag kukunwari na lang akong ngayon ko lang nalaman yung sikreto na iyon.

 

"Bakit sakin mo lang sinasabi?"

 

Sana lang ay tama yung nasabi kong salita, mamaya ay malaman niyang sinabi ni Yoona, lagot ako kay Yoona.

 

Tiningnan ko naman siya, naka patong lang yung mukha niya sa dalawa niyang kamay habang yung dalawa niyang braso ay naka patong sa lamesa. Ang cute man, kaso bakla. Buti at bakla siya, hindi na ako naiilang sakaniya. Kung pusong lalaki 'to, baka mailang ako. Mukhang hindi rin, masyado siyang cute.

 

"Sa babae ko lang talaga sinasabi, maliban lang kay Jessica."

 

Mapungay pa rin naman yung mga mata niya, lagi ko namang nakikita yan kaya hindi na ako nag tataka.

 

Sino naman yung Jessica na 'yon? Parang nabanggit siya saakin ni Yoona na parte daw nung SNSD ba yun?

 

"Jessica?"

 

May lumapit naman saamin na babae, binigay yung inorder naming kape. Siya nag bayad, gentleman daw siya. Man, oo, man talaga ang sabi niya.

 

Kinuha niya naman yung dalawang kape at iniabot ang isa saakin.

 

"Yung tinatanong mo saakin na parang si Sehun kung tumingin."

 

Yung sinasabi ko rin kahapon kay Yoona? Siya pala yun!

 

"Ah yung, mukhang ang cold?"

 

Lagi kasing naka simangot kaya akala ko masungit, pero siya daw yung isa pang kaibigan ni Yoona sa school maliban saakin. Mabait daw yun sabi niya, pero minsan nag tataray.

 

"Oo yun. Kaibigan namin siya kasi girlfriend yun ni Kris."

 

Kris?

 

"Sino yung Kris? Yung matangkad na nakasimangot?"

 

Well, kung siya man bagay sila ni Jessica. Parehas laging naka simangot.

 

"Hindi mo pa rin kami kabisado?"

 

Nilagayan niya naman ng asukal yung kape ko at kape niya. Hindi pa kasi kami umiinom, hindi pa rin nahahalo.

 

Ano namang ineexpect niya? Sa loob ng limang araw kabisado ko agad sila? Tsaka hindi pa naman lahat sila nakasama 'ko na. Maliban lang sakaniya, kay Sehun at kay Kai. That Jongin.

 

"Lay, dose kayo, dose. Ang dami nun."

 

Hinalo ko naman yung kape at tinikman, saktong-sakto lang yung nilagay ni Lay. Master ko na 'tong si Lay.

 

Iniangat niya naman ang mukha niya.

 

"Madali lang naman ipagkumpara ah?"

 

Ngumiti naman siya at nakita ko nanaman yung dimples niya. Yung dimples kasi talaga.

 

"Matagal na kasi kayong mag kasamang dose. Ako ngayong linggo ko pa lang kayo nakita."

 

Yun nga, unang araw si Sehun at Lay. Tinanong ko na rin kay Yoona kung anong mga pangalan at inutusan niya akong kabisaduhin iyon. Sa unang linggo, gusto ni Yoona na tumambay kami sa Exo dahil andun raw yung crush niya tsaka si Jessica, kaso hindi ko pa nga sila kilala.

 

Pilit ko namang iniiwasan si Kai. Pero lumalapit eh. Wala naman akong magawa kahit na may galit ako dun, hindi niya naman kasalanang hindi niya alam ang ginawa niya dahil may amnesia siya.

 

"Pero nakilala mo agad ako?"

 

Uminom naman siya nung kape na hawak niya. Yung adam's apple, pero no.

 

"Madali ka lang naman kasing tandaan."

 

Ininom ko rin naman yung akin.

 

Bakit ba mas y pa ang lalaki kesa saakin?

 

"Tsaka nga pala Hyo, wag mong sasabihin kay Sehun na bading ako. Walang alam yun. Walang alam yung onse."

 

Pero bakit ang sabi ni Sehun, alam niya? Di kaya, nalaman niya lang saaming dalawa ni Yoona? Nako, patay na.

 

"Ang sab-"

 

Pinutol ko rin naman agad yung sinasabi ko dahil naalala kong sikreto nga pala na alam na ni Sehun, dahil pa saamin.

 

Nag taka naman siya sa sinabi 'ko.

 

"Hmm?"

 

Nag panic ako saglit ng maalala ko yung sinabi niyang isa pang nakakaalam. Kahit na alam kong si Yoona iyon, para man lang mayroon kaming mabuong topic.

 

"Wala, sino yung isang may alam?"

 

"Si Yoona."

 

Nanahimik naman ako bigla, wala na akong maisip na topic. Kinuha ko na lang ulit yung kape ko at ininom iyon, baka sa pag inom ko ay may maisip na ako. Nag panic rin kasi ako dahil nga sa natatakot ako.

 

Nakatingin lang saakin si Lay, para bang minamanman niya yung kilos 'ko.

 

"Okay lang bang bading ako Hyo?"

 

Tanong naman ni Lay pag baba ko ng basong hawak 'ko.

 

Okay lang naman, kaso sayang kasi yung mukha niya. Pero alangang sabihin ko to, diba?

 

Kaya siguro magaan ang loob ko sakaniya kasi nga bakla siya, hindi talaga siya lalaki, may pusong babae na. Sad life nga naman.

 

"Oo naman. Masaya kayang mag karoon ng kaibigan na bading."

 

Thumbs up ko naman sakaniya, ngumiti rin ako sakaniya. Napangiti rin siya at nakita ko nanaman yung dimples niya.

 

Si Lay lang at si Yoona ang may kayang tanggalan ako ng pagiging seryoso. Siguro, dahil hindi ko naaalala ang mga problema ko pag kasama ko sila.

 

"Masaya rin ako at naging kaibigan na kita."

 

Hindi man dapat, pero nag init ang mukha ko, namula na siguro ako.

 

"Okay ka lang? Natahimik ka ata?"

 

Hinawakan niya naman noo ko, at dahil bakla nga siya, binalik ko na sa normal ang sarili ko.

 

"Okay lang."

 

"Hyo, pag break time kaya sama kayo saamin ni Yoona. Tutal si Yoona saamin naman talaga sumasama nung wala ka pa."

 

Mukhang gumagawa siya ng paraan para hindi na ako manahimik dito.

 

Kung sasama naman ako sakanila, araw-araw kong makikita si Kai. Kakayanin ko bang kontrolin ang sarili ko?

 

Pero hindi naman ako ganon kasama para baliwalain ang alok ni Lay.

 

"Tanungin mo si Yoona, okay lang sakin."

 

Ngumiti naman ulit si Lay saakin.

 

"Alam ni Yoona, siya una kong kinasaup tungkol dun. Tanungin daw kita, may problema ka raw kasi sa mga lalaki."

 

Loko talaga 'tong si Yoona, sinabi niya pa iyon?

 

"Sinabi niya pa sa'yo yun?"

 

"Pinilit ko lang naman na sabihin niya saakin kung bakit satingin niya aayaw ka."

 

Nag peace sign naman siya saakin.

 

Bumuntong hininga na lang ako, wala namang masama kung bibigyan ko siya ng kahit na kaonting impormasyon lang kung bakit nga ba ayoko.

 

"Ayoko kasi sa mga lalaki, nakakailang. Hindi ako sanay."

 

Hindi lang naman kasi dahil sa nakakailang.

 

"Alam ko naman."

 

Anong alam niya?

 

*

 

Nandito na ako ngayon sa loob ng bahay, kauuwi ko lang galing sa coffee shop. Hindi ko nga alam kung bakit dumiretso pa ako dito, wala rin naman na akong lugar dito. Wala yung mga magulang 'ko, nasa kung ano mang business iyon. Wala rin yung kapatid 'ko.

 

Ako lang namaman ang mag isa dito.

 

Kaya mas gusto kong pumupunta kela Yoona, atleast pag kasama ko si Yoona, hindi ko mararamdamang mag isa ako.

 

Dumiretso na ako sa kwarto 'ko, wala rin naman yung mga trabahador dito, paniguradong nasa kusina dahil tanghali na rin. Nag pe prepare siguro ng pag kain.

 

Ganito naman lagi ang buhay 'ko dito. Uuwi, pupunta ng kwarto, lalabas para kumain at babalik sa kwarto. At kahit na sinabi kong mabuting studyante ako, bihira lang din akong mag aral. May angkin man akong galing sa utak 'ko, pero mas okay ng hindi ko pa pinapagod pag dating dito.

 

Pag dating ko rin naman kasi dito, hindi lang utak ko pagod. Buong katawan 'ko.

 

Binato ko lang yung cell phone ko sa higaan ko, at dumiretso sa cr. Titingnan ko lang naman ulit yung mga pasa 'ko sa katawan, kailangan ko na ring patungan ulit ito ng kung ano mang pulbo na mag hahalo sa kulay ng balat ko.

 

Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin.

 

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit sinabi niyang pangit ako. Kung bakit sinabi niyang, hindi ako babagay sakaniya. Bakit ko nga ba pinili ang blonde na kulay ng buhok?

 

Tiningnan ko naman ang pisngi 'ko, nakikita ko naman ang pag itim nito. Natatanggal nanaman ang pulbo sa mukha 'ko.

 

Nag hilamos naman ako at pinatungan rin agad ang mukha ko ng pulbos. Ito na ang naging buhay ko simula ng maka tung tong ako ng high school.

 

"Miss Hyoyeon, may nag hahanap po sa'yo."

 

May narinig naman akong mahinang sigaw sa labas ng kwarto 'ko. Hindi ko narinig ang pag katok, pero hindi naman kasi big deal iyon.

 

Tinapos ko na muna ang pag lagay ng pulbos sa mukha ko at lumabas na kaagad. Hindi rin naman ako nag aabang ngayon ng bisita pero kung magiging masaya naman, bakit hindi?

 

Binuksan ko naman yung pinto ng kwarto 'ko, hindi na ako nag taka. Si Yoona, pero kasama niya si Jessica.

 

"Hi Hyo!"

 

Sigaw naman nito ni Yoona, nakaharang pa rin ako sa pinto kaya hindi siya makapasok agad. At dahil may kasama siya, hindi ko ipapakita yung side na ipinapakita ko kay Yoona. That's my rule. I shouldn't let the strangers get into my walls, no matter what. But Yoona and maybe Lay already went in.

 

"Ah hi."

 

Hindi ko na pinansin si Yoona, kay Jessica agad ako nakatingin. Nag kainteres ako kay Jessica dahil parehas lang kami ng mga mata, yung cold ba.

 

"Jessica Jung."

 

Iniangat niya naman ang kamay niya at inilagay sa harapan ko.

 

"English? Kim Hyoyeon."

 

Binigay ko rin naman ang kamay 'ko at nag hand shake kami.

 

"Lumaki kasi ako sa ibang bansa, pero Sooyeon ang Korean name 'ko."

 

Ibang bansa? Ang ibig sabihin, ang business nila naka extend sa ibang bansa?

 

"Pasok kayo."

 

Umalis naman ako sa pag kaka harang ko sa pinto at hinila naman ni Yoona itong si Jessica papasok. Umupo naman si Yoona sa higaan 'ko hanang si Jessica nakatayo pa rin. Sabagay, may manners si Jessica. Hinila naman siyang paupo ni Yoona kaya't wala na siyang nagawa. Dumiretso lang ako sa harapan nilang dalawa st umupo na rin sa higaan 'ko.

 

"So Hyo, alam kong nag tataka kung bakit ko nga ba kasama si Sica ngayon. Gusto ko siyang ipakilala sa'yo, at gusto kitang ipakilala sakaniya. Kayong dalawa lang naman ang naging kaibigan 'kong babae sa school natin."

 

Hindi naman na ako nag tataka, sinabi rin naman na ni Yoona saakin na ipapakilala niya nga itong si Jessica pag may free time.

 

Pinanatili ni Yoona ang tingin niya saakin.

 

"Sa nakikita niyong dalawa ngayon, ako muna ang mag uumpisa ng pag papakilala. Hyo, si Sica, ay wait, mali. Jessica pala, syota siya ni Kris oppa, yung mukhang halimaw sa tangkad. Hindi ka naman na mag tataka kung bakit sila ang nag katuluyan."

 

Hindi na nga kailangan pang mag taka, itsura pa lang malalaman mo na agad.

 

Tinuro naman ni Yoona si Jessica at si Jessica naman ngumiti lang saakin, pero yung ngiting blanko pa rin. Hindi ko alam kung ano ba dapat 'kong maging reaksyon.

 

Ngayon naman ay humarap naman na si Yoona kay Jessica.

 

"Sica, si Hyoyeon. Alam 'kong gustong gusto ni Taeyeon si Sehun pero, girlfriend na ni Sehun si Hyo."

 

Turo naman ni Yoona saakin. Bakit ba hanggang ngayon, sinasabi niya pa ring syota ko si Sehun?

 

"No."

 

Pag tatanggi ko naman, mahirap na, mamaya sabihin niya sa SNSD na iyon. Sabagay, no naman kasi talaga.

 

Tumango-tango naman si Jessica sa sinabi 'ko.

 

"No raw."

 

Bulong naman nito ni Yoona, pero narinig 'ko.

 

"Parte ka ng SNSD, diba?"

 

Hindi ko alam kung pag kakatiwalaan 'ko ba 'to.

 

"Hmm."

 

"Kunwari wala ako dito ha."

 

Singit naman nito ni Yoona sa usapan namin. Baka kasi mapahaba ang usapan namin dahil nga sa parehas kaming dalawa, at tatanungin ko pa siya tungkol sa SNSD dahil wala talaga akong tiwala sakanila.

 

"Bakit kasama mo si Yoona?"

 

Nanatili pa rin yung steady niyang mukha. Mukhang hindi siya nag sisinungaling, mukhang hindi rin siya mag sisinungaling.

 

"Nauna naman si Yoona saakin, pangalawa ang SNSD. Kinuha lang nila ako dahil gusto nilang kunin kapatid 'ko at ayoko, edi ako ang sumama."

 

Kapatid niya? Yung sikat na Jung ng lower batch?

 

"Hindi mo ba kami niloloko?"

 

Steady pa rin ang mukha niya, wala kang makikitang ngiti dito. Literal na steady lang.

 

"Mukha ba akong ang loloko?"

 

Tinuro niya naman ang mukha niya.

 

"Hindi ko mawari kung alin ba diyan sa ginagawa mo ngayon ang pag loloko at pagiging seryoso dahil parehas lang naman na blanko ang mukhang pinapakita saakin."

 

Napangiti naman siya sa sinabi 'ko. Ano ba dapat 'kong sabihin? Sawakas? Pero agad rin namang bumalik ang ekspresiyon niya kanina.

 

"Ikaw rin naman, simula ng makita mo ako."

 

Hindi ko pa ring pinapakitang interesado ako kaya't kung titingnan ang mukha ko ngayon, ito yung mukha na pinapakita ko sa taong hindi ako close, mapungay na mata, relax na bibig at ilong. Simangot.

 

"Mas nakakatakot yung iyo."

 

"Pwede ba, parehas lang naman tayo ng pag tingin."

 

Nakita ko namang napagalaw ang labi niya ng kaonti. Mukhang nagiging komportable na siya.

 

"Sigurado ka sa sinabi mo tungkol sa SNSD?"

 

Pag babalik tanong 'ko lang. Ngayong komportable na siya, satingin ko ay may mas makikita akong senyales para makita kung nag sasabi nga ba siya ng totoo o hindi. Hindi niya nakan iniiwas ang mata niya saakin kaya't satingin ko ay nag sasabi naman siya ng totoo.

 

Magaling lang talaga akong mag obserba.

 

"Hyo, sigurado ako diyan. Pina imbestigahan ko na yan."

 

Hindi rin nakayanan ni Yoona at tinanggal niya ang kamay niya sa bunganga niya. Kilala ko yan si Yoona, hindi niya kakayaning manahimik.

 

"Ngayon ko lang nalaman yun Yoona!"

 

Lumingon naman agad si Jessica kay Yoona at makikita mong nagulat siya sa sinabi ni Yoona. Sabagay, maski naman ako pina imbestigahan niya ni Yoona kasi raw ang misteryoso 'ko

 

"Syempre, hindi ko pinaalam."

 

Ngumiti naman si ayoona kay Jessica. Inirapan lang naman siya nito.

 

"Ano pang alam mo Yoona? Maski talang buhay 'ko alam mo, ano?"

 

May mapapansin ka namang natulala si Yoona at tila bang nag iisip, mukhang wala na siyang masyadong alam. Hindi niya siguro inalam yung tungkol sa private life ni Jessica, tama lang naman iyon.

 

Ngumiti naman si Yoona at tiningnan ako, kasabay rin naman ang pag harap niyang muli saakin.

 

"Tanungin mo si Hyo."

 

Ipapagawa niya ngayon saakin iyon?

 

"Bakit?"

 

Nilabas namin ni Jessica ang cell phone niya, mukhang may nag text ata. Agad rin naman niyang ibinalik iyon sa bulsa niya.

 

"May alam na yan."

 

Napatingin naman ako kay Yoona, kinindatan lang niya ako. Kailangan ko talagang gawin iyon ngayon? Mamaya isipin nito ni Jessica, stalker niya ako o ano. Ganon kasi ang akala ni yoona saakin nung una.

 

"Ano?"

 

Imbis na ako ang tanungin niya kay Yoona siya nag tanong pero siguro na realize niya rin dahil humarap na siya saakin at napansin ko na ang steady niyang mukha ay onti-onting nag bago papinta sa isang interesadong mukha.

 

"San ako nakatira?"

 

Pag hahamon niya naman saakin.

 

Easy.

 

Bumuntong hininga naman muna ako bago sumagot.

 

"Sa tirahan?"

 

Nakita ko namang naningkit ang mga mata niya saakin. Onti-onti na rin siyang lumalapit papunta saakin. Sagutin ko na nga ng maayos.

 

"Naka condo ka kasama kapatid mo, kasi yung mga magulang mo nasa ibang bansa."

 

Nanlaki naman ang mga mata niya, pati ang bunganga niya bumuka.

 

"Ilang taon na ako?"

 

Hulaan ko na lang muna.

 

"Bilang ng taon simula ng pinanganak ka."

 

Pero dahil natatakot akong hampasin nito ni Yoona dahil tiningnan niya muna ako ng masama, sasagutin ko na lang ulit ng maayos.

 

"17."

 

Pumalakpak naman siya. Senyales na tama ang sagot 'ko.

 

"Anong pangalang ng kapatid ko?"

 

Isa pa 'to, easy.

 

"Nag sisimula sa letter K, diba? Krystal?"

 

Tumingin naman siya kay Yoona na naka ngiti, si Jessica naman inaalog si Yoona.

 

"Oh my God! Alam niya Yoona!"

 

Tunatabig naman ni Yoona yung mga kamay ni Jessica. Ang cute naman nung dalawa.

 

"Kailan pa naging kami ni Kris?"

 

Nag isip naman ako ng konti sa tinanong niya. Inaalala ko yung mga sinabi ni Lay.

 

"Mag iisang taon na kayo ni Kris."

 

"Yoona! Anong meron sa bestfriend mo?!"

 

Dinuro ako ni Jessica.

 

"Sabi na sa'yo Sica, matalino yan eh."

 

Lumapit naman lalo saakin si Jessica at umupo sa harapan 'ko, tiningnan niya ang mukha 'ko. Kahit na naiilang ako, hinayaan 'ko na lang.

 

"Anong sikreto mo?"

 

"Nasaan na yung pagiging cold mo?"

 

Pagiging cold 'ko? Ano daw?

 

"Paano mo nagawa yun?"

 

Hinawakan niya baba niya at hinimas niya iyon.

 

"Stalker ba kita?"

 

Tiningnan niya naman ako ng masama.

 

"Hell no, Jessica."

 

Napatawa naman siya sa sinabi 'ko.

 

"Maka hell no naman 'to. Dali na."

 

Tiningnan ko naman si Yoona, kailangan kong malaman kung sasabihin ko na ba.

 

"Sabihin mo na Hyo. Makinig kang mabuti Sica, mamamangha ka diyan."

 

Bumuntong hininga naman ako at si Jessica halatang pokus na pokus saakin at sa mga sasabihin ko. Mahaba haba yun.

 

"Bakit ko alam kung saan ka nakatira? Simple, ang sabi mo kanina, sa ibang bansa ka lumaki. At alam kong mahal mo ang kapatid mo kaya't isinakripisyo mo ang sarili mo sa pag sali sa SNSD."

 

Tumango-tango lang naman sa mga sinabi 'ko 'tong si Jessica. Yung kanina niya pang blankong mukha napalitan na ng masaya at naka ngiti. Hindi naman pala masamang ngumiti.

 

"Kilala ko kapatid mo, at nakita kong yang suot mong bracelet ay suot rin ng kapatid mo. Pwede namang meron kayong dalawa niyan, pero alam ko kung gaano ka mahal yan. Ang ibig sabihin, nakatira kayo sa iisang bahay, tama? Pero wala ang magulang niyo, bilang alam kong mayaman kayo dahil sikat ang kompanya niyo. Hindi ka hahayaan ng magulang mong mag suot ng pam pasok na sapatos na may tusok-tusok."

 

Tinuro ko naman yung bracelet niya sa kanang kamay niya. Alam kong mayaman sila, pero hindi naman siguro ganon ka spoiled silang dalawa para bilhan ng magulang nila ng tig isa.

 

"Ilan taon ka na? Habang binubuksan mo ang cell phone mo, tiningnan ko yung number na nilalagay mo. At dahil doon, nalaman kong 17 ka. Hula lang yun, pero dahil sa reaksyon mo, tama ako."

 

Alam ko namang masamang sumilip ng password, pero ang ganda kasi nung locker niya.

 

"May suot kang 'J' at 'K' na kwintas, pwede namang Kris, pero may naka ukit na 'Jung' sa ilalim kaya't naisip kong yung 'J' ay para sa Jessica at yung 'K' ay para sa kapatid mo. Nag isip ako ng mga Jung sa school na lower batch, at K ang umpisa, pati na English ang pangalan, kaya't Krystal."

 

Yung 'Jung' naman kasi na naka ukit sa kwintas niya, sobrang liit pero nakita ko pa rin kasi nga magaling ako mag obserba. Nung mga panahong wala si Yoona sa tabi ko, lalo na sa school ko dati, wala akong kaibigan.

 

Observing is a good thing, it makes you look smart, cool. And it won't lead you to being a stupid kid that people love to hurt. Observing is a good thing for a lonely person like me, for my painful life it is. Observing was my only choice.

 

"Ano pa ba?"

 

Hindi ko na alam kung ano na sasabihin 'ko dahil nadistract ako ng pag iisip 'ko.

 

"Yung kay Kris, paano mo nalaman?"

 

At mukhang dito siya pinaka interesado. Naka lihim pa ba yung relasyon nila? O binunyag lang ngayon? Sikat na kaya yung relasyon nila sa school.

 

"Nasabi saakin ni Lay na lumipat ang Exo sa school na iyon, 11th Grade ng Senior high school. Ngayong 12th Grade tayo, ibig sabihin isang taon na. Hindi naman pwedeng agad-agad naging kayo. Nabuo ang SNSD, matapos mabuo ang Exo sabi ni Lay. Naging close ka lang naman daw sakanila, dahil syota mo si Kris."

 

Napa nganga naman siya sa sinabi 'ko. Bakit? May mali ba?

 

"Ang ibig sabihin, naging kayo kung kelan buo na ang Exo at SNSD."

 

Nag aalanganin kong sagot. Kung magiging mali ako dito, ito ang kauna-unahan.

 

"Oh my God! Ang galing-galing mo! Talino mo nga, tama si Yoona! Bilib na ako sa'yo."

 

Pumalakpak naman ulit siya, may mga sigaw pang 'wooh'.

 

"Ginanito mo rin si Yoona?"

 

Kaya nga kami naging mag kaibigan ni Yoona eh.

 

"Oo."

 

"Si Sehun? Lay?"

 

Tiningnan ko naman si Yoona, nakita 'kong nag panic siya sa tanong ni Jessica. Medyo sensitive kasi saakin.

 

"Teka, wag yan ang ita-"

 

Sumabat naman si Yoona agad pero pinutol ko rin naman. Okay lang naman kung malaman ni Jessica.

 

"Hindi, babae lang gusto kong ganyanin. Ayokong may malaman ako tungkol sa lalaki."

 

"Pero kahit ayoko, nagagawa ko pa rin."

 

Tumango naman itong si Jessica, siguro naintindihan niyang sensitive nga ang topic.

 

Ngumiti naman si Jessica at hinila ang kamay 'ko.

 

"Treat kita ice cream mamaya!"

 

Ice cream? Yes!

 

"Strawberry, please."

 

Mas lalong lumaki ang ngiti niya sa mukha niya.

 

"Anything is fine!"

 

May sumigaw rin naman sa gilid naming dalawa ni Jessica.

 

"Sinong nag sabing kasama ka Yoona?"

 

Bumalik naman sa pagiging blanko ang mukha ni Jessica at tiningnan si Yoona.

 

"Hala Sica! Iiwan niyo ako? Ganon lang ba 'yon? Ikaw, Hyo?"

 

Ngumiti naman ulit si Jessica.

 

Mas maganda si Jessica pag ngumingiti.

 

"Noted!"

 

Pero kahit na masaya sila, tumatawa, hindi pa rin ako makatawa.

 

Humarap naman ulit saakin si Jessica at inilagay ang kamay niya sa harapan ko.

 

"Friends?"

 

Pag tanggap 'ko ng hand shake na alok.

 

"Friends."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.