Chapter 13

Gray

Nasa tabi ngayon ni Hyoyeon si Kai dahil nakipag palit ng upuan si Kai sa upuan ni Lay hyung niya. Ang sabi niya ay saglit lang naman daw kaya't wala ng nagawa si Lay kundi ang hayaan ang playboy niyang dongsaeng umupo sa upuan niya. At dahil nga katabi niya na si Sehun at pumayag pa si Lay sa gusto ni Kai, wala na rin siyang magagawa kundi ang kausapin ito kahit na alam niyang hindi niya kaya. Buti na lang talaga at wala silang teacher dahil nalate ang nasabing teacher.

 

"Hyoyeon, dali na. Tulungan mo naman ako kay Yoona."

 

Gustong-gusto talaga ni Kai na tulungan siya ni Hyoyeon. Tutulungan rin naman ni Yoona si Kai.

 

"Jong- Kai, hindi ko alam kung matutulungan kita."

 

Nakaharap rin si Hyoyeon ngayon kay Kai dahil iyon ang gusto nung lalaki. Pero sa gilid din ng isipan ni Hyoyeon, alam niyang nakaharap siya sa lalaking iyon dahil hindi niya kayang tanggihan ang gusto ni Kai.

 

Hindi rin naman napigilan ni Kai ang pag laki ng mga mata niya dahil nagulat siya na alam ni Hyoyeon ang totoo niyang pangalan pero agad niya ring ibinalik sa normal para hindi mahalata ni Hyoyeon.

 

"Paano mo nalaman totoo 'kong pangalan?"

 

At kahit gustong tanggalin ni Hyoyeon ang kamay ni Kai sa pag tusok-tusok ng braso niya ay hindi niya magawa. Usual of Jongin.

 

Sabagay, naisip nga naman ni Hyoyeon na tama ang sinabi ni Kai, paano niya nalaman? Pero hindi niya namang kayang sabihin na 'Syempre kilala kita, sinaktan mo 'ko dati.'. Dahil uulitin niya, may amnesia na si Kai. Nag panic naman si Hyoyeon dahil sa pag iisip ng dahilan kung paano nga ba niya nalaman.

 

"Yoona?"

 

Napag isipan ni Kai na tulungan si Hyoyeon mag isip ng panakip butas sa nahuli niya kaya't sinabi niya ang pangalan ng bestfriend ni Hyoyeon.

 

Hanggang ngayon naman ay tinitiis pa rin ni Hyoyeon ang mahihinang pag tusok na ginagawa ni Kai sa braso niya. Naisip niyang dapat hindi iyon ginagawa ni Kai dahil hindi niya maiwasang may maalala. Naaalala niya yung mga nangyari dati.

 

"Oo, haha, kay Yoona nga."

 

Nauutal naman na sagot ni Hyoyeon kay Kai. Kung ang dating Kai ang kausap niya, malamang sa malamang, malalaman niya agad na nag sisinungaling siya. 

 

Napangiti naman si Kai sa sinabi ni Hyoyeon dahil imposibleng si Yoona. Alam ni Yoona ang ginagawa niya. May kasunduan sila. Paano niya malalaman iyon kay Yoona?

 

"Dali na Hyo, tulungan mo na ako."

 

Hindi na napigilan ni Hyoyeon ang pag tulala kay Kai. Tinawag muli siya ng Hyo ni Kai. Ayaw niya mang aminin, sobrang namiss niya na tawagin siyang muli ng lalaking nasa harapan niya ng Hyo. At hanggang sa nakalipas na ang ilang minuto ay nakatulala lang siya. Sobrang laki ng galit niya sa lalaking iyon, sobra. Pero sa tuwing nakikita niya ang ngiting pinapakita ni Kai ngayon, nawawala ang galit niya. Parang bula lang, at si Kai lang ang may kayang gawin 'yon.

 

Ng dahil sa ginawa ni Kai ay nagising na muli siya sa katotohanan.

 

Napansin ni Kai na natulala si Hyoyeon dahil sa sinabi niya.

 

"Hyoyeon, pwede naman kitang tawaging Hyo, diba? Ulit?"

 

Tinabig naman ni Hyoyeon ang kamay ni Kai na nakalagay sa pisngi niya ngayon dahil kanina pa siya tulala. Alam kasi ni Kai na ito lang ang paraan para magising muli sa katotohanan ang dalaga. Iniiwas naman ni Hyoyeon ang tingin niya kay Kai. Hindi niya na rin narinig ang huling sinabi ni Kai dahil sobrang hina ng boses niya.

 

Pwedeng-pwede naman siya tawagin ni Kai ng Hyo, pwedeng-pwede. Para hindi na rin siguro makalimutan ni Hyoyeon ang ginawa ng binata sakaniya. Pwedeng pwede, Kai, pwedeng pwede.

 

"Sige lang."

 

Sino nga ba namang hindi makakamiss na marinig ulit sng palayaw na 'yan galing kay Kai? Lalo na kung para naman kay Hyoyeon iyon?

 

Mas lumaki naman ang ngiti ni Kai at mas inilapit ang upuan niya papunta kay Hyoyeon.

 

"So payag ka na?"

 

Napapaisip naman ngayon si Hyoyeon. Seryoso ba talaga siya kay Yoona? Natatakot lang naman siya na gawin ni Kai ang ginawa sakaniya kay Yoona. Hanggang ngayon ay pinipilit niya pa rin. Iniiwas naman ni Hyoyeon ang tingin niya kay Kay at humarap ito sa white board, dahil hindi niya pa kaya. Siguro ilang porsyento lang din na nag seselos siya, shh.

 

Huminga naman muna ng malalim si Hyoyeon bago sinagot ang tanong ni Kai

 

"Hindi nga."

 

Jongin being Jongin, nag pupumilit pa rin siya.

 

"Pero Hyo-"

 

"Kim Jongin, pag sinabi kong ayoko, ayoko."

 

At kesa malungkot, magalit o kaya'y madismaya sa sinabi ni Hyoyeon ay ngumiti naman si Kai sakaniya at hinawakan ang ulo niya. Hinimas ni Kai ang ulo ng dalaga at dinama ang buhok nito. Yung buhok niyang blonde, na siya ang may dahilan kung bakit nga ba naging blonde ang naturingang buhok.

 

Tinanggal naman agad ni Kai ang kamay niya matapos siyang mag salita.

 

"Hindi ka pa rin nag babago."

 

Hindi naman narinig iyon ni Hyoyeon kaya't ninais niyang tanungin ulit kung ano nga ba ang sinabi nung binata.

 

"Ano?"

 

"Wala. Hmph, nag tatampo na ako sa'yo."

 

Nag kunwari na lang si Kai na walang sinabi at binalik niya ang pagiging makulit niya.

 

Tiningnan lang naman siya ni Hyoyeon pero blanko ang ekspresyon. Tagos tingin ba.

 

"Edi mag tampo ka."

 

Nagulat man si Kai sa sagot ni Hyoyeon pero wala naman siyang karapatan mag tanong kung bakit nga ba. Siya naman kasi ang may kasalanan.

 

Nag iba na nga si Hyoyeon, ibang-iba na. Sobrang cold niya na ngayon, hindi na siya tulad dati.

 

"Ang cold mo."

 

Hindi naman nag bago ang nakikita ni Kai na ekspresyon meron ang dalaga sa harap niya. Poker face.

 

"Hindi ako cold, hot ako."

 

Natawa naman saglit si Kai sa sinabi ni Hyoyeon. Siguro hindi pa talaga masyadong nag bago si Hyoyeon?

 

"Dahil y ka? C'mon Hyo, wala ng tatalo saakin."

 

y naman kasi talaga si Hyoyeon. Pero ng dahil sakaniya, hindi na ipinapakita ni Hyoyeon iyon. Hindi na rin siya sumasayaw. Dahil kay Kai. Nahihiya na si Hyoyeon.

 

'Wag 'kang umastang maganda't y 'ka. Nandidiri ako.'

 

Napatango naman si Hyoyeon sa kanyang isipan ng marinig niyang sabi ni Kai na wala ng makakatalo sakaniya. Aaminin niya namang wala na kasi talagang makakatalo sa appeal ni Kai.

 

"Hindi ko tinanong."

 

Nag smirk naman si Kai at iniiwas nanaman ni Hyoyeon ang kanyang tingin. Ayaw niyang makita ang smirk na 'yon.

 

"Even you can't handle it when I'm dancing."

 

Bakit ba lahat na lang ng sinasabi ni Kai ay tama para kay Hyoyeon?

 

"Hindi pa kita nakikitang sumayaw."

 

Hindi niya pa nakikita si Kai sumayaw, pero si Jongin, oo.

 

"Hindi pa? You sure?"

 

Naningkit naman ang mga mata ni Hyoyeon sa nakikita at naririnig niya. Magaling man siyang mag obserba pero bakit ba parang hindi niya mabasa o makita o maintindihan kung ano ang ginagawa ni Kai?

 

Dinala naman ni Hyoyeon ang kamay niya papunta sa ulo ni Kai at tinuktokan ito, hininaan niya lang para naman hindi agad-agad bumalik ang ala-ala ni Kai.

 

"Aray ko naman."

 

Hinimas naman ni Kai ang parteng tinuktok ni Hyoyeon. Masakit ang ginawa ni Hyoyeon, pero sigurado naman si Kai na hininaan ni Hyoyeon iyon. Masakit lang talaga mantuktok si Hyoyeon.

 

"Para naman maalog utak mo."

 

Hinayaan niya na lang si Hyoyeon at hindi ginantihan ng pag tuktok.

 

"May amnesia na nga yung tao eh."

 

'Oh yes, amnesia. Tsk.'

 

Ang kinagulat lang ni Hyoyeon ay alam ni Kai na may amnesia siya. Posible naman, pero kasi nag hihinala na siya sa kinikilos ni Kai.

 

"Alam mong may amnesia ka?"

 

Nag pantig naman ang tenga ni Kai sa narinig niya mula kay Hyoyeon. Laging magaling sa ganitong bagay si Hyoyeon kaya't bakit ba hindi niya naisip na may mapapansing mali si Hyoyeon sa sinabi niya?

 

Ninenerbyos niya namang tiningnan si Hyoyeon sa mata.

 

"Syempre."

 

Mukhang hindi pa rin kumbisado si Hyoyeon sa sagot ni Kai kaya't naisipan niyang diretsahin si Kai.

 

"Fake?"

 

Pero walang narinig si Kai.

 

Naisip naman ni Kai ang pinag uusapan nila kanina ni Hyoyeon at ginawang topic muli iyon para maka iwas sa topic na pinag uusapan nila.

 

"Gusto mo bang makita ngayon?"

 

Alam ni Hyoyeon kung anong sinasabi ni Kai pero mas pinili niya na lang hindi mag salita.

 

"Hmm, anong gusto mo? y dance? Ay wag, baka mainlove ka sakin, at baka you know, wet."

 

Para naman mas masaya ang usapan nila ni Hyoyeon, naisipan niyang mas lalong asarin si Hyoyeon. Dahil iyon ang gusto niyang makita.

 

Namula ang mga pisngi ni Hyoyeon dahil sa narinig niya. Lalo na yung tungkol sa pag sayaw nito ng y dance at yung tungkol sa basa. Hindi naman kasi dapat isama iyon pero naaalala lang ni Hyoyeon kung paano nga ba siya asarin ni Kai noon. Yung Jongin at hindi Kai ngayon.

 

"Ah you."

 

Napa rolyo naman ng mga mata itong si Kai sa sinabi ni Hyoyeon. Nag mumura man si Hyoyeon, pero hindi ganyan kalutong. Pero kahit na ganon, naisip niya pa ring ang hot ng pag kakasabi ni Hyoyeon doon.

 

"Putek, hard."

 

Hindi na nakayanan ni Hyoyeon ang mga pinag sasasabi ng lalaki sa tabi niya kaya't mas pinili niyang hanapin ang nauna niyang katabi.

 

"Yixing!"

 

Napatingin naman si Lay, na kausap ngayon ni Yoona, kay Hyoyeon. Nakita nanaman ni Hyoyeon ang dimples na meron si Lay kaya't mas nakyutan siya sa binata. Pero bading nga.

 

"Yes Hyo?"

 

Binaliwala niya ang pangungulit ni Kai sa kanan niya at kinausap itong si Lay na ilang metro rin ang layo sakaniya dahil parehas silang nasa dulo. Maingay rin ang klasrum kaya't naka tulong talaga ang mga tao sa pag uusap nila. Sarcasm added.

 

"Bumalik ka na nga dito!"

 

Agad naman na napatingin si Kai sa Lay hyung niya.

 

"Wag hyung."

 

Nag mamakaawang sabi nito sa hyung niya.

 

Habang nag sisigawan ang tatlo, may isang lalaki naman na nagising sa tabi ni Hyoyeon, si Sehun. At Sehun bilang Sehun, Sehun bilang antukin, asahan na nating magagalit 'yan. Kanino? Kay Hyoyeon, hindi niya kayang pagalitan ang mga hyung niya, maliban na lang kay Kai at kung talagang badtrip na siya sa mga hyung niya. Hirap daw maging maknae.

 

"You blondie, hindi mo ba pwedeng hinaan boses mo?"

 

Hindi naman nag abala si Sehun na itaas ang ulo niya para makipag usap sa maingay na babaeng katabi niya. Akala niya ba cold ang babaeng ito? Bakit kung maka sigaw ay kala mo taklesang babae?

 

Iginilid niya na lang ang mukha niya para makita ang itsura ng babaeng gumaya ng kulay ng buhok niya.

 

Poker face lang rin naman silang dalawa, hindi na rin nagulat si Sehun na pag ikot ng mukha ni Hyoyeon papunta sa direksyon niya ay wala kang makikitang emosyon. Sanay na rin siya kahit papaano. Naiisip niya na rin na tama nga naman si Yoona, siya nga ang boy version ng babaeng ito.

 

"Pwede naman. Pero ikaw lang yung nag rereklamo, bakit pa?"

 

Mataray ang pag kakasagot ni Hyoyeon kay Sehun, pero dahil wala ngang emosyon ang pinapakita niyang mukha kay Sehun, hindi mo mahahalatang nag taray siya. Para kay Sehun ay normal na iyon.

 

Uulitin ko, Sehun bilang Sehun, normal sakaniya ang asarin ang blondie na babae na katabi niya.

 

"Gusto mo bang ako ang gumawa?"

 

Tamad na tanong ni Sehun, lagi naman siya tamad tingnan.

 

At dahil biglaan ang tanong ni Sehun, walang alam si Hyoyeon sa kung ano nga ba ang sinasabi ng lalaking iyon.

 

"Ng?"

 

Gusto mang irapan ni Sehun si Hyoyeon, hindi niya magawa. Gusto niya lang titigan ang babaeng gumaya ng kukay ng buhok niya, si Hyoyeon.

 

"Pag papatahimik sa'yo?"

 

Iba siguro ang pag kakaintindi ni Hyoyeon sa sinabi ni Sehun.

 

"Go on."

 

At dahil ang sabi ni Hyoyeon ituloy niya kung anong gagawin niya, agad namang iniayos ni Sehun ang upo niya, kung matatawag mang maayos iyon, inilapit niya ang upuan niya papunta kay Hyoyeon.

 

Wala namang may pake ang mga tao dahil maingay sila. Walang makakaalm dahil tahimik lang sila, sinisiguro ito ni Sehun.

 

Medyo nanlaki ang mga mata ni Hyoyeon sa biglaang pag lapit ng upuan ni Sehun sa upuan niya. Wala na siyang ibang tiningnan kundi ang mukha ng lalaking 'boy version' niya, ayon kay Yoona. Yung lalaking inaamin niyang gwapo pero palyado ang ugali sakaniya. Yung lalaking tulad niya, may napaka laking pader na nakaharang para makilala mo siya ng lubusan.

 

"Takte, anong gagawin mo?"

 

Walang tinag si Sehun at diretso lang na nakatingin sa mga mata nung blonde na kausap niya. Aaminin niya naman, interesado siya kay Hyoyeon. Interesado lang, wala siyang gusto rito. Balang araw ay mawawala rin naman ang interes na nararamdaman niya.

 

"I'll shut your mouth?"

 

Hinawakan naman ni Sehun ang baba ni Hyoyeon. Hindi niya itutuloy, gusto niya lang talagang makitang naasar si Hyoyeon sakaniya. Ganong paraan lang ang alam niya.

 

Onti-onti niyang nilalapit ang mukha niya hanggang sa mag kaduling duling na siya sa sobrang lapit ng mukha ni Hyoyeon sakaniya. Naduduling na ang mata ni Sehun sa kakatitig sa mata ni Hyoyeon.

 

Nag panic si Hyoyeon, oo. Pero hindi mo pa rin makikita ang pag ka panic nito sa mukha niya dahil blanko lang ito. Hindi alam ni Hyoyeon kung ano nga ba ang gagawin niya.

 

"Hindi sa gan-"

 

Pinapanuod lang naman sila ni Kai sa kabilang gilid. Alam ni Kai, bilang bestfriend ni Sehun, na hindi niya ito itutuloy. Pero dahil hindi niya kayang makita na malapit ng mag halikan ang bestfriend niya at si Hyoyeon, kailangan niyang patigilin ang ginagawa ni Sehun.

 

"Sehunie, stop."

 

Inilayo naman agad ni Sehun ang mukha niya sa babae at ibinaling ang tingin niya sa bestfriend niyang si Kai. Sigurado naman si Sehun na si Yoona ang gusto ng bestfriend niya, hindi niya lang talaga maintindihan kung bakit ba iba ang mukha ni Kai. Iba ang pag kakatingin sakaniya ng sarili niyang bestfriend. At kahit bestfriend niya si Kai, hindi niya mawari kung bakit ba hindi niya maintindihan ang emosyon na pinapakita at pinapahiwatig ng matalik niyang kaibigan.

 

*

 

Kasama ni Hyoyeon ngayon ang dalawa niyang kaibigan na babae. Tapos na ang klase, makakapag pahinga na si Hyoyeon. Pero yun ang akala niya, naalala niyang nasa bahay na nga pala ang ama niya.

 

Hindi niya napansing nasa tabi niya na nga si Kai dahil busy siya sa pag iisip tungkol sa tatay niya.

 

"Yoona! Hiramin ko muna si Hyo!"

 

Agad naman na napaangat ang ulo ni Yoona mula sa hawak-hawak niyang pag kain, nagugutom raw siya at binigyan naman siya ni Jessica ng sandwich na binili niya kanina pero hindi niya nakain dahil nag halikan pa sila ni Kris sa isang walang taong kwarto.

 

Hinawakan naman na ni Kai ang pulso ni Hyoyeon. Napa pikit ng onti si Hyoyeon sa sakit na nararamdaman niya dahil kahapon lang, nadagdagan nanaman ang mga pasa niya. Hihilain na ni Kai si Hyoyeon pero pinigilan naman ito ni Yoona.

 

Kasama ni Kai ang ibang myembro ng grupo nila. Pero ang nakita lang ni Hyoyeon ay si Sehun at Kris na nag uusap. Si Jessica na nakahawak ngayon sa braso ng boyfriend niyang si Kris.

 

"Teka Kai!"

 

Gusto lang naman hiramin ni Kai si Hyoyeon para dalhin sa isang mall. Gusto niya lang na makasama si Hyoyeon, hindi para bilhan si Yoona ng regalo dahil malapit na ang kaarawan nito, kundi gusto niya lang talagang makipag kaibigan kay Hyoyeon.

 

Lumingon naman si Kai at kinindatan si Yoona, at si Yoona bilang si Kyungsoo ang gusto napa ismid sa ginawa ni Kai. Pero para kay Hyoyeon, ang gwapo ni Kai sa ginawa niya.

 

"Saglit lang babe."

 

Napa irap naman si Yoona sa sinabi ni Kai. Kung tatanungin niyo kung close sila, hindi. Hindi naman talaga sila close, mas close si Yoona kay Lay. Pero dahil nga nalaman ni Yoona na may gusto sakaniya si Kai dahil sa tulong ng madaldal na Lay, naisip ni Kai na baka nga may tiyansa siya rito at bakit hindi niya subukan. Iyon ang plano.

 

"Babe mo mukha mo."

 

Si Yoona ang sumagot sa sinabi ni Kai. Pero dahil si Hyoyeon ang katabi ni Kai, si Hyoyeon ang naging responsable sa pang tutuktok ulit ng ulo ni Kai.

 

"Aray ko naman Hyo."

 

Wala namang pake si Hyoyeon kung masaktan si Kai sa pang tutuktok niya. Siguro meron naman siyang pake, konti nga lang.

 

"Ayokong sumama sa'yo."

 

Mahinang sagot ni Hyoyeon sa sinabi ni Kai.

 

Tama ayaw niyang sumama kay Kai. Ayaw niyang makita muna si Kai. Madaming tumatakbo ngayon sa isipan niya, lalo na't naalala niyang nakarating na sa bahay ang kaniyang ama.

 

Hindi napigilan ni Kai ang ma offend sa sinabi ni Hyoyeon, pero kahit na ganon, naiintindihan niya naman kung bakit.

 

"Kanino mo gusto? Kay Sehun? Kay Lay hyung? Kay Luhan hyung? O baka naman kay Baekhyun hyung?"

 

Inisa-isa ni Kai ang mga lalaking close sakaniya sa Exo, nakalimutan niya na ring idagdag si Chanyeol dahil hindi naman sila nag uusap dalawa ng personal. Busy si Chanyeol, busy si Hyoyeon. Pero kahit na ganon, naging close sila dahil lagi siyang tinetext ni Chanyeol.

 

Wala naman sa sinabi ni Kai ang gusto niyang makasama, siguro si Lay, oo. Pero mas kailangan niya ngayon si Yoona, ang bestfriend niya.

 

"Kay Yoona."

 

Napa buntong hininga naman si Kai sa narinig niya. Syempre, walang interes si Hyoyeon sa lalaki kaya't kay Yoona siya sasama.

 

Pero ayaw niya pa ring mag patalo.

 

"Saglit lang, ibabalik rin kita."

 

Mas hinigpitan naman ni Kai ang pag kakahawak sa pulso nito. Pulso, samantalang noon, kamay. The difference between Kai and Jongin.

 

Hindi maganda ang pakiramdam ni Hyoyeon kaya't wala siyang panahong pag bigyan si Kai sa gusto niyang mangyari. Oo mahal niya pa si Kai, pero mahal niya ang sarili niya. Gusto niyang matapos na iyon doon.

 

"Bitiwan mo ko."

 

Nagulat naman si Kai sa narinig niya, masyadong cold at diretso ang pag kakasabi ni Hyoyeon. Yung inaakala niyang hindi magagawa ni Hyoyeon sakaniya, nagawa niya. Mukhang nasaktan niya nga talaga si Hyoyeon.

 

"Kanina okay tayo, ngayon hindi na ulit?"

 

Tama, kanina okay sila. Yun ang akala ni Kai.

 

"Okay tayo, pero kay Yoona ko gustong sumama."

 

Kasi si Yoona ang kailangan niya at hindi ang lalaking nanakit sakaniya. Hindi yung lalaking patuloy na sinasaktan siya. Pero ayaw niyang malaman ni Kai iyon kaya't nanahimik lang siya.

 

"Takte Kai, pang ilang usap pa lang ba natin 'to? Pang lima? Simula nung nakaraang dalawang linggo? Bakit ba ganyan ka umasta?"

 

Nanigas sa kinatatayuan ni Kai si Kai. Hindi niya talaga inaasahan na makarinig ng ganyang kalamig na salita. Kailanman ay hindi niya inasahan iyon galing kay Hyoyeon.

 

Nagagalit siya.

 

"Kayo ni Sehun? Ay, sabagay, mag katabi kayo."

 

Sarcastic na sagot niya.

 

'Malamang, may amnesia ako, bakit niya pa ako papakisamahan?'

 

"Bumalik ka na dun."

 

Binitiwan naman ni Kai ang pulso ni Hyoyeon at nag madali si Hyoyeon pabalik sa dalawang babaeng walang pake sa kung ano na nga ba ang nangyari sakaniya. Si Jessica naka hawak pa rin sa kapre niyang syota, si Yoona busy pa rin sa kakakain ng pag kain niya.

 

Wala ng magagawa si Kai. Humarap siya kay Sehun, ililibre niya na lang ito ng paborito niyang inumin. Bubble tea. Sinong mag aakala na itong lalaking ito na sobrang itim na ng kaluluwa dahil sa sobrang lamig ng pakikitungo sa ibang tao ay mahilig pala sa bubble tea.

 

"Sehunie!"

 

Tamad naman na tiningnan ni Sehun si Kai. Naka yuko lang siya. 

 

Una, dahil ayaw niyang makita ang mga babae sa gilid niya na puro naka labas ang cell phone para mag picture. Hindi niya gusto iyon, gusto niya ng payapang buhay.

 

Pangalawa, inaantok nanaman siya. Sinong hindi aantukin? Mag damag nanaman siyang nag hintay sa nanay niyang makatulog. Pangatlo, naiingayan siya sa paligid niya. Maingay na Kai, maingay na Jessica, maingay na Kris, maingay na Exo, maingay na mga babae, maingay na pangunguya ni Yoona, maingay na pananahimik ni Hyoyeon. Nakakabingi.

 

Hindi niya kasalanan na nag karoon siya ng matalas na pandinig, pero nabibingi siya sa katahimikan ni Hyoyeon. At hindi niya gusto iyon.

 

"Hmm?"

 

Lumapit naman si Kai sakaniya at inakbayan siya.

 

"Samahan mo 'ko."

 

Alam naman ni Kai ang kondisyon kung sasamahan siya ni Sehun. Tiningnan niya lang ang matalik niyang kaibigan at pumayag sa gusto nito. Nauna na silang mag lakad, papunta sa kotse ni Kai. Ayaw ni Sehun ng nag dadrive, napapagod siya. Nag paalam naman yung dalawang mag kaibigan, sa totoo lang si Kai lang ang nag salita, sa ibang mga myembro ng Exo at wala namang pake yung iba.

 

"Akala ko ba hiniram ka ni Kai?"

 

Tanong naman ni Yoona ng mapansin niyang nasa tabi niya na si Hyoyeon, tiningnan niya lang saglit ang kaibigan niya at binalik ang tingin niya sa pag kain na hawak niya. Mahal niya si Hyo, pero gutom siya.

 

Hindi na sumagot si Hyoyeon sa tanong ni Yoona. Kung hiniram siya edi sana hindi siya katabi ngayon ni Yoona. Hindi rin siya laruan, sadyang pinag laruan lang siya, para ipahiram.

 

Napansin naman ni Yoona na hindi na nag sasalita si Hyoyeon, kahit na anong tunog ay wala siyang narinig galing kay Hyoyeon. Tiningnan niya naman ito, naka tungo lang si Hyoyeon at may iniisip.

 

"Hyo, tahimik mo."

 

Kinalabit naman ni Yoona ang bewang ni Hyoyeon, gusto niyang makuha ang atensiyon ni Hyoyeon. Normal na tahimik si Hyoyeon, pero sa itsura ni Hyoyeon, halatang may problema ngayong iniisip si Hyoyeon. Bestfriend siya at nangako siya, kailangan niyang tuparin.

 

"Hmm."

 

Tiningnan lang siya saglit ni Hyoyeon at yumukong muli.

 

Kinagat naman ni Yoona ang huling makakagat sa sandwich na bigay ni Jessica sakaniya bago nag salita.

 

"Hay nako, Hyo."

 

Tumalikod naman siya habang nag lalakad, kung mababangga man siya, swerte yung mababangga niya, Im Yoona ata yun. Ayon yan sa iniisip ni Yoona.

 

Nakita niya namang nag uusap si Jessica at Kris, halata namang mahal talaga nilang dalawa ang isa't isa pero hindi lang maintindihan ni Yoona kung bakit ba pag masaya sila, hindi nila maipakitang masaya sila.

 

Parang si Hyoyeon.

 

Naalala naman agad ni Yoona ang purpose niya kung bakit nga ba siya tumalikod, kailangan niya si Jessica.

 

"Sica, tulungan mo nga 'ko dito."

 

Hindi pa rin siya pinapansin ni Jessica dahil kausap nga niya si Kris.

 

"Sica."

 

"Sica!"

 

Sinigawan naman ni Yoona si Jessica at inirapan ito ni Jessica, wala naman ng magagawa si Yoona doon dahil normal kay Jessica na gawin niya iyon.

 

"Ano ba Yoona?"

 

"Kris oppa saglit lang."

 

Tumango lang naman kay Yoona si Kris.

 

Lumayo naman si Kris kay Jessica at inakala sigurong importante ang pag uusapan nilang dalawa. Ayos rin yun at may respeto si Kris oppa ni Yoona sakanilang dalawang mag kaibigan.

 

"Bakit?"

 

Hinayaan na lang ni Yoona ang bored na mukha na pinapakita ni Jessica at dumiretso sa kung ano nga ba ang kailangan niyang sabihin.

 

"Si Hyo, ayaw ako pansinin."

 

"Tinawag mo 'ko para diyan?"

 

Napa irap nanaman tuloy si Jessica kay Yoona at lumapit naman si Jessica kay Hyoyeon. Isa lang naman ang paraan para mapansin ka ng taong may iniisip. Saktan. Pinalo naman ni Jessica si Hyoyeon sa likod ng malakas. Tama, malakas, rinig ang tunog ng hampas ni Jessica at kahit na ganon wala kang makikitang pag kaguilty sa mukha ni Jessica. Prinsesa nga naman.

 

"Jung Sooyeon!"

 

Sigaw naman ni Hyoyeon, si Jessica lang naman ang pwedeng gumawa nun sakaniya dahil si Jessica lang ang may kayang ganunin siya. Mahapdi pa ang likod niya dahil sa mga nasunog na balat niya rito kaya't doble ang sakit. Pero dahil walang alam si Jessica, wala na siyang magagawa.

 

"Utos ni Yoona."

 

"Hindi ka nakakatulong Sica. Pumunta ka na nga kay Kris oppa."

 

Tinulak naman paalis ni Yoona si Jessica. Alam ni Yoona ang tungkol sa likod niya pero hindi niya napigilan si Jessica.

 

Ngumiti naman si Jessica.

 

"Okay. Bye, girls!"

 

Hindi na pinansin ni Yoona si Jessica at tumingin na lang kay Hyoyeon. Iniinda pa rin ni Hyoyeon ang hapdi pero kaya namang tiisin, hindi na kailangan pang pag alalahanin si Yoona. Nasa likod lang nilang dalawa ang Exo, pero wala dito si Lay. May nakalimutan daw kunin sa locker niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik.

 

Nasa unang palapag na sila ng eskwelahan, senyales na malapit na ang paradahan ng mga sasakyan.

 

"Uuwi ka ba?"

 

Nag aalalang tanong ni Yoona kay Hyoyeon.

 

"Nandon tatay ko Yoona."

 

At pag sinabi iyon ni Hyoyeon, alam na agad ni Yoona kung bakit nga ba nananahimik siya kanina.

 

"Paano mo nalaman?"

 

"Friday ngayon diba? Maagang umuuwi yun pag friday."

 

Malungkot naman na tumingin si Hyoyeon kay Yoona. At tanging si Yoona pa lang ang nakakakita ng ganito niyang mukha.

 

Gustuhin man ni Yoona na tulungan siya pero alam niyang aayaw si Hyoyeon pero kailangan niya pa ring subukan.

 

"Sleep over ka samin?"

 

Naisip naman agad ni Yoona na hindi pwede ang suhestiyon niya, dahil may magagalit.

 

"Yung nanay ko Yoona."

 

"Gusto mo punta na lang ako sainyo?"

 

Sinubukan pa rin ni Yoona. Wala naman daw masama kung susubukan, lalo na kung si Hyoyeon naman ang tutulungan niya.

 

Gustong tumawa ni Hyoyeon sa sinabi ni Yoona. Kung pupunta si Yoona sakanila, hindi pa rin nun mapipigilan ang gagawin sakaniya.

 

"Wag na, kaya ko na."

 

Iniiwas ni Hyoyeon ang tigin niya sa kaibigan niya at tumingin lang sa baba, hinayaan niyang si Yoona na ang maging mata niya sa dinadaanan niya. Hawak-hawak naman na siya ni Yoona sa braso niya at pinipilit ni Yoona na hindi mahigpitan iyon dahil nga sa mga pasa nito.

 

"Poprotektahan kita."

 

Alam naman ni Yoona na hindi niya kaya, gusto niya lang talagang gumaan ang pakiramdam ni Hyoyeon.

 

"Yoona, alam mong hindi mo kaya. Sarili ko nga hindi ko maprotektahan, ikaw pa kaya ang gagawa 'non?"

 

Nag aalala kasi si Yoona sa magiging kalagayan ng kaibigan niya. Sino ba namang hindi, diba?

 

"Hyo."

 

"Wag ka ng mag alala, mabubuhay pa 'ko."

 

Ayaw man tanungin ni Yoona 'to, pero ito na lang kasi talaga ang huling paraan, natitirang paraan, pag asa.

 

"Ate mo?"

 

Nag pantig ang tenga ni Hyoyeon sa narinig niya galing kay Yoona. Alam ni Yoona na ayaw ni Hyoyeon maririnig ang salitang 'ate niya'. Alam ni Yoona iyon.

 

"Puta Yoona."

 

Wala namang pake si Yoona sa pag mumura ni Hyoyeon. Normal na iyon sakaniya, kahit gaano kagustong kontrolin ni Hyoyeon ang sarili niyang mag mura, hindi niya magagawa.

 

Hindi nila namalayan na nasa paradahan na sila ng sasakyan. Ang Exo naman nasa likod pa rin nila, sinusundan sila. Tumalikod naman si Yoona sa Exo at sinabihan okay na sila.

 

"Yun na lang ang paraan."

 

Ayaw ni Yoona na makitang nagagalit si Hyoyeon dahil alam niyang iba magalit si Hyoyeon, pero ito na lang kasi talaga ang naiisip niyang paraan para matigil na ang masasamang gawain sakaniya.

 

"Paraan? Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa humingi ng tulong dun."

 

Gusto ni Yoona na sapakin sa mukha ang bestfriend niya para matauhan ito.

 

"Hyo."

 

"Alam mong ayaw ko Yoona."

 

Ayaw ng makipag away ni Yoona kaya't pinapasok na siya ni Yoona sa kotse niya. Ayaw ni Hyoyeon ng nag dadrive, nakakapagod daw.

 

"San kita ibababa?"

 

Bakit pa nga ba tinanong ni Yoona ito? Kung umpisa pa lang naman alam na ni Yoona na dito siya ibaba.

 

"Park."

 

*

 

Pumunta si Lay sa park na sinabi sakaniya ni Yoona. Alam ni Yoona na hindi niya kayang samahan si Hyoyeon dahil ipipilit at ipipilit niya lang rito ang ate niya kaya't kailangan niya talagang tawagan si Lay para samahan si Hyoyeon. Si Lay lang naman kasi ang pinaka close ni Hyoyeon na kaibigan maliban sakanila ni Jessica, hindi naman sa pinaka close o ano pero si Lay ang alam ni Yoona na pinaka mapag kakatiwalaan.

 

Napa buntong hininga na lang si Lay sa tabi ni Hyoyeon. Masaya siyang mag kasama sila, pero dalawang oras na silang nananahimik dito, hindi nag sasalita si Hyoyeon, hindi rin siya makapag salita.

 

Pero kailangan niya na talagang alamin kung ano nga bang pinoproblema ni Hyoyeon.

 

"So Hyo, bakit ka nandito?"

 

Gustong sampalin ni Lay ang sarili niya, bakit ba ang obvious ng tanong niya?

 

"Yixing, ayokong umuwi."

 

Ineexpect naman na ni Lay na iyon ang isasagot ni Hyoyeon sakaniya. Alam ni Lay iyon.

 

Pero nag aalala lang siya sa kapakanan ni Hyoyeon, ayaw niyang masaktan 'to.

 

"Baka mapahamak ka dito Hyo."

 

"Mas gugustuhin ko pang dito ako mapahamak kesa sa bahay."

 

Narinig iyon ni Lay, pero kailangan niyang mag kunwaring hindi niya narinig. Gusto niyang hayaan si Hyoyeon na kusa siyang mag sasabi ng problema niya.

 

"Hyo?"

 

Tiningnan niya lang ang babae sa tabi niya, nakatingin ito sa langit. Ang ganda ni Hyoyeon sa paningin niya, noon pa lang naman maganda na ito. Gustong-gusto niya ang ugali nito. Pero bakla siya.

 

"Wala."

 

Hinablot ni Lay ang cell phone niya sa bulsa niya para lang tingnan ang oras.

 

Ayaw niya mang pauwiin si Hyoyeon pero kailangan na talagang umuwi ni Hyoyeon.

 

"Hyo, 9 pm na. Wala ka parin bang balak umuwi?"

 

Silang dalawa na lang ang tao sa park. Tiningnan naman ni Hyoyeon patagilid si Lay at nakita niyang nakatitig lang si Lay sakaniya. Kaya naman ni Hyoyeon mag isa, sanay naman na siya, pero uulitin ni Lay sainyo, ayaw niyang iwan si Hyoyeon.

 

"Kung gusto mo ng umuwi, umuwi ka na."

 

Bumalik nanaman sa pag sasalita ng malamig si Hyoyeon. At ayaw marinig o kaya ay makita ni Lay kay Hyoyeon iyon.

 

"Iiwan kita dito?"

 

'Lahat naman ng tao iniiwan ako. Si Yoona na nga lang ata ang natira saakin.'

 

"Oo."

 

"Hindi naman ako ganon Hyo."

 

Napa ngiti naman ng kaonti si Hyoyeon sa narinig niya. Bilang lalake si Lay, kinagulat ni Hyoyeon na sasabihin ito ni Lay. Mukhang handa na si Lay mapasok ang unang layer ng pader na binuo niya.

 

Gusto niya pang subukan si Lay at kung mapatunayan niya, hahayaan niyang si Lay ang magiging pangalawa kay Yoona sa makakaalam.

 

"Hindi pa ako uuwi, Lay."

 

Kung hindi pa uuwi si Hyoyeon, edi mas mabuti ng bantayan siya ni Lay kesa naman mapahamak si Hyoyeon.

 

"Edi hindi pa rin ako uuwi."

 

"Hyo, may problema ka diba?"

 

Gusto nanamang sampalin ni Lay ang sarili niya dahil ang obivous nanaman ng tanong niya. Kaya naman nag mumukmok si Hyoyeon dito dahil may problema siya.

 

"Yixing, lahat ng tao may problema."

 

May hinihintay lang naman si Hyoyeon na marinig kay Lay. Kaya, handa, gusto niyang sabihin kay Lay ang problema niya, may gusto lang talaga siyang marinig.

 

"Alam ko yun. Ang ibig kong sabihin, malaki yung problema mo."

 

"Handa naman akong makinig."

 

Narinig na ni Hyoyeon ang gusto niyang marinig. Alam niya namang handa makinig si Lay sakaniya, gusto niya lang marinig muli yang salitang yan. Namimiss niya yung pakiramdam ng may kaibigan.

 

Nabalot lang silang dalawa ng katahimikan at kahit na ganon, hinihintay pa rin ni Lay nag mag sabi si Hyoyeon sakaniya. Kung hindi man ngayon, balang araw, gusto niyang marinig na kailangan siya ni Hyoyeon.

 

"Mag hihintay ako Hyo."

 

Mas lalong naging masaya si Hyoyeon. Tama nga ng desisyon si Hyoyeon, kailangan niya si Lay. Siya ang pangalawang nag hintay kay Hyoyeon maliban kay Yoona.

 

"Masaya ba pamilya mo Lay?"

 

Napatahimik naman silang dalawa, mahina ang boses ni Hyoyeon, natulala lang si Lay sa sinabi ni Hyoyeon. Walang pamilyang perpekto, at masasabi niya na ang pamilya niya hindi ganon kasaya tulad ng iniisip niya. May mga sariling buhay ang pamilya niya, pero naiintindihan niya iyon. Ganon naman dapat ang anak, lalo na kung anak ka ng isang mayamang pamilya.

 

Pero masaya siya.

 

"Masaya ako sa pamilya ko."

 

Hindi man ineexpect ni Hyoyeon na iyon ang maririnig niya, mas napangiti lang siya sa narinig niya. Tulad ng nauna, pangalawa si Lay na makakita ng totoong ngiti niya. Natutuwa si Lay, sawakas makikita niya ng ngumiti si Hyoyeon, sa harapan niya mismo.

 

Alam ni Lay na nag uumpisa na si Hyoyeon.

 

"Tanggap ka ba nila?"

 

Naguluhan naman si Lay sa tanong ni Hyoyeo.

 

"Tanggap?"

 

"Kasarian."

 

Napatawa naman siya ng mahina, oo naman, tanggap nila ang kasarian niya. Lalaki siya, tulad ng gusto ng magulang niya, lalaki pa rin siya.

 

"Tanggap nila."

 

Tumango naman si Hyoyeon sa sinabi ni Lay.

 

"May kapatid ka ba?"

 

"Meron."

 

Hanggang ngayon ay nakatitig si Lay kay Hyoyeon, napapansin niya ng naluluha si Hyoyeon. Siguro, sobrang laki nga talaga ng problema ngayon ni Hyoyeon.

 

"Alam mo bang mahal ka nila? Magulang at kapatid."

 

Hindi man nila laging pinaparamdam, alam ni Lay na mahal siya ng mga 'yon. Hindi naman siya magiging masaya kung hindi, diba?

 

"Oo naman."

 

"Mahal mo ba sila?"

 

Tumulo naman na ang luha na meron si Hyoyeon. Hindi kaya ni Lay na tiisin iyon, hindi niya namalayan na kusang gumalaw ang mga kamay niya papunta sa pisngi ni Hyoyeon. Pinunsan niya ang luhang pumatak. Ayaw niya lang talagang makitang umiiyak si Hyoyeon.

 

Hinayaan lang ni Hyoyeon na gawin ni Lay sakaniya iyon. Kahit paminsan gusto niyang maramdaman na hindi siya mag isa. Pinilit naman ni Lay na hindi madiinan ang pasa. Alam niyang may pasa, nakikita niya.

 

"Hyo, meron bang hindi?"

 

Siguro meron, siguro may hindi. Hindi alam ni Hyoyeon kung ano nga ba talaga ang nararamdaman niya.

 

"Proud ba sila sa'yo?"

 

Hindi na nag dalawang isip si Lay sumagot. Yun nga ang dahilan kung bakit masaya siya sa pamilya niya, sinusuportahan lang siya.

 

"Oo naman."

 

Mas lumungkot naman ang mukha ni Hyoyeon sa narinig niya. Ilan taon na nga ba siya? 17? At sa labing pitong taon niyang nabubuhay, hindi niya pa naranasang mahalin siya ng magulang niya. Nasasaktan siya.

 

"Buti ka pa."

 

Hindi naman na kailangan pa ng ibang salita si Lay, agad niya naman nilapitan si Hyoyeon at kitang-kita mo ring nag aalala na ito.

 

"Bakit ano bang nangya-"

 

Hindi na pinatapos ni Hyoyeon ang tanong ni Lay. Kahit hindi niya naman na tanungin iyon, sasabihin niya pa rin. May tiwala naman siya kay Lay.

 

"Ano nga ba ulit ang tanong mo saakin dati? Yung tungkol sa pagiging seryoso 'ko."

 

"Why are your walls so thick?"

 

Gustong-gusto ni Lay na makilala ng lubusan si Hyoyeon pero may pumipigil sakaniya. Sa tuwing lalapit si Lay, may humaharang sakaniya. Ayaw ni Hyoyeon na makilala siya ng iba. At dahil doon mas nag pursigi si Lay na mas makilala ang babaeng nasa tabi niya.

 

Inulit niya ng mahina ang tanong niya dati.

 

Pinakinggan lang iyon ni Hyoyeon at nag desisyong magiging si Lay ang pangalawa sa makakasira ng unang bahagi ng pader na tinayo niya.

 

"Gusto mo na bang masira ang unang layer?"

 

Mabilisang tumango naman si Lay sa sinabi niya, desperado si Lay.

 

Humarap na sa Hyoyeon kay Lay at si Lay naman mula kanina nakatitig lang sakaniya.

 

"Be my bestfriend."

 

Naguluhan si Lay sa sinabi niya. Ang akala niya ba mag bestfriend na sila?

 

"Hindi ba't bestfriend mo na ako?"

 

"Iba ang ibig sabihin ko patungkol sa pagiging bestfriend, Yixing."

 

Hindi na hinayaan ni Hyoyeon na mag salita pa si Lay.

 

"Pag naging bestfriend kita, promise me, you'll never ever leave my side. Just like what Yoona does. I just need someone to lean on, cry on. Yoona is enough, but I think I need more."

 

Natutuwa si Lay, kasi siya ang napili ni Hyoyeon. Sa lahat ng lalaking close ni Hyoyeon, siya ang napili niya. Tuwang-tuwa siya. Lalo na't opisyal ng mag kaibigan sila ng babaeng matagal niya ng pinag mamasdan.

 

"Handa ka ba?"

 

"I promise you."

 

Ngumiti si Hyoyeon sa sinabi ni Lay at ipinatong niya ang ulo niya sa balikat nito. Nag simula ng tumulo ang luha, hindi tulo, nag simula na siyang umiyak. Nag simula na siyang mag labas ng sama ng loob, nag simula na siyang mag sabi ng tunay niyang nararamdaman. Niyakap lang siya ni Lay, sa ganitong paraan lang niya kayang macomfort si Hyoyeon. Masaya rin si Lay dahil sawakas nagawa niya ng yakapin si Hyoyeon.

 

"Pagod na ako Yixing, pagod na akong maiwan."

 

*

 

Hindi pa pala mapapasok ni Yixing ng tuluyan ang pader ni Hyoyeon. Sa huli, si Yoona lang talaga ang may kaya. Gusto ni Hyoyeon malaman ni Yixing kahit yung unang parte lang, pero mukhang hindi pa si Hyoyeon handa. Hindi pa handa si Yixing.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.