Chapter 16

Gray

Namula si Hyoyeon sa sinabi ni Sehun sakaniya, ngayon niya lang rin niya nakita na ganito kabait si Sehun sakaniya. Kung madalas, titingnan lang siya nito at mananahimik, kung hindi tutuktukin ang ulo niya at magagalit sakaniya dahil ang slow niya.

 

Alam ni Sehun ang ginagawa niya, alam na alam niya. Tulad ni Hyoyeon, meron din siyang matataas na pader na nakaharang sa puso niya. Walang may kayang makapasok dito, maliban lang sa bestfriend niyang si Kai. Konti pa lang ang nabubutas ng ibang myembro ng Exo at ang gusto ni Sehun, si Hyoyeon ang makasunod kay Kai.

 

Tulad ni Sehun, wala pang nakakapasok sa pader na binuo ni Hyoyeon sa puso niya, wala pang nakakakilala ng totoong siya, maliban lang kay Yoona. At dahil sa pinapakita ni Sehun sakaniya, hindi niya maiwasang mahayaang makapasok si Sehun dito.

 

Pero isa lang ang masisiguro ni Sehun, hindi niya gusto si Hyoyeon. Isa lang rin naman ang masisiguro ni Hyoyeon, hindi niya gusto si Sehun. Si Kai pa rin ang mahal niya, gusto niya.

 

"Kumain ka. Alam 'kong aayaw ka, pero pipilitin kita."

 

Hinawakan naman ni Sehun ang bowl ng soup na pinadala sakaniya. Hindi niya alam kung bakit nga ba siya nandito sa bahay ni Hyoyeon. Hindi niya alam kung ano nga bang nag udyok sakaniyang pumunta dito sa bahay ni Hyoyeon, hindi niya talaga alam.

 

Pinapanuod lang siya ni Hyoyeon, namamangha sakaniya si Hyoyeon dahil kahit na nakikita mong may pake si Sehun sakaniya, hindi niya pa rin ipinapakita. Blanko pa rin ang mukha niya.

 

Dinala ni Sehun ang kutsara na may soup malapit sa bunganga ni Hyoyeon. Papakainin niya si Hyoyeon, alam niyang hindi maigalaw ni Hyoyeon ang katawan niya kaya't papakainin niya. Nababaliw na nga yata talaga siya.

 

"Ayoko, ikaw na lang kumain. Katatapos lang ng pasok, dapat nakauwi ka na sainyo."

 

Tumanggi si Hyoyeon. Una, ayaw niyang maabala si Sehun, gusto niya ng paalisin si Sehun pero alam niya ring hindi niya kaya. Gusto niyang panatalihin itong pag kakataong ito. Itong pag kakataong kung saan may pakeng Sehun ang nasa harap niya.

 

Pangalawa, hindi naman siya responsibilidad ni Sehun. Anong karapatan niyang mag pa baby kay Sehun? Alam niya kung gaano ka ayaw ni Sehun iyon. Pangatlo, lalaki si Sehun. Naiilang siya, sobrang naiilang siya. Pero gusto niya yung pakiramdam. Panandalian niyang nakalimutan yung mga bugbog niya sa katawan, panandalian niyang nakalimutan yung sakit na nararamdaman niya. Lahat ng iyon ay dahil kay Sehun.

 

"Kumain ka."

 

Utos naman ulit ni Sehun sakaniya, sinusubuan siya ni Sehun. Kahit kailan ay hindi ito ginawa ni Sehun sa kahit na sinong babae maliban sa nanay niya, kaya't mamaya pipilitin ni Sehun na mag pasalamat sakaniya si Hyoyeon.

 

Tiningnan lang ni Hyoyeon ang nakalagay sa kutsara, soup nanaman. Sa tuwing binubugnog siya, ginagahasa siya, soup ang pinapakain sakaniya ng mama niya. Nag sasawa na siya rito.

 

"Ilang beses ko bang uulitin sa'yo na matalino ka, bakit ba ang slow mo?"

 

Lumalamig na ang soup na nakalagay sa kutsara na hawak ni Sehun, binaba niya naman iyon ulit sa bowl. Uulitin niya nanaman ang ginawa niya kanina.

 

Kanina okay sakaniya si Sehun, ngayon nag susungit nanaman. Hindi niya lang talaga maintindihan 'tong lalaking 'to eh.

 

"Ano nanamang ginawa 'ko sa'yo, Oh Sehun?"

 

Iniangat nanaman ni Sehun ang kutsara at hinipan ito ng kaunti bago itinapat sa labi niya. Tiningnan lang ulit siya ni Sehun ng tagos, yung normal niyang tingin. Hinihintay lang ni Sehun na ibuka niya ang bibig niya ng mapasok niya na yung kutsra dahil ngawit na siya.

 

"Bakit soup? Pang alis ng hang over Kim Hyoyeon. Nawawala talino mo pag kasama mo ako."

 

Ipinikit na lang ni Hyoyeon ang mata niya bago niya pa mairapan si Sehun. Lagi na lang sinasabi ni Sehun na matalino siya, pero babawiin naman. Pero kahit na ganon, hindi magawang mairita ngayon ni Hyoyeon sakaniya. 

 

"Ay-"

 

Pinanood lang ni Sehun si Hyoyeon kumain. Alam niyang gagantihan siya ng sagot ni Hyoyeon sa sinabi niya kaya't kinuha niyang tiyansa iyon para masubuan si Hyoyeon.

 

Napaso si Hyoyeon ng kaonti sa mainit na temperatura ng kutsara pati ng soup na kinain, hinigop niya. Pero hindi niya pinahalata iyon, sanay na rin siya. Tiningnan niya lang iyong lalaki sa harapan niya na laging poker face ang suot suot habang hinahalo niya ang soup sa bowl na hawak niya. Dapat talaga ay wala dito sa tabi niya si Sehun. Paano niya ipapaliwanag ang mga pasa, sugat at kung ano mang itatanong ni Sehun sakaniya?

 

Hindi naman manhid si Sehun para hindi mapansin na tinititigan siya ni Hyoyeon. Marami siyang gustong itanong kay Hyoyeon pero paano niya tatanungin? Kaibigan lang siya. Baka nga hindi pa kaibigan.

 

Dinala naman ulit ni Sehun ang kutsara sa harap ng bunganga ni Hyoyeon. Umaasa siya na sana hindi na mag matigas pa si Hyoyeon.

 

"Sehun, bakit mo 'to ginagawa?"

 

Nanatili lang si Sehun sa pwesto niya pero nanigas siya sa tanong ni Hyoyeon. Tinanong niya rin sa sarili niya, bakit niya nga ba 'to ginagawa? Hindi niya rin talaga kasi alam. Hindi niya nakita kaninang umaga ang blondie na babae na 'to at hindi niya maiwasang hanapin iyon. Wala na yung malalamig na mata ni Hyoyeon na gusto niyang tingnan kasi para lang siyang nananalamin. 

 

Hindi niya talaga kayang aminin sa sarili niya na kahit kaonti nag alala siya sa blondie na nasa harap niya. Pumunta siya sa bahay nito kahit wala siyang alam kung saan nga ba ang bahay niya. Simple lang naman sakaniya kung paano, tinanong niya ang ama niya, kilala ng ama niya ang mga Kim (pamilya ni Hyo) kaya't hinayaan ng ama niyang pumunta ang binata niya sa mga Kim.

 

Sa bawat tingin niya kay Hyoyeon, nakikita niya yung harang para makalapit siya rito. Nakikita niya ang sarili niya kay Hyoyeon.

 

Hindi niya rin alam kung anong nag pilit sakaniyang mas piliin si Hyoyeon kesa ang matulog sa kwarto niya, hindi niya talaga alam. Nakita niya si Hyoyeon na puro pasa, mas lumala ang kondisyon niya sa nakaraang nakita niya, mga sugat at nakikita niyang nag dudusa si Hyoyeon. May maliit na parte sa sarili niya ang nasaktan ng makita niyang ganon ang kalagayan ni Hyoyeon.

 

Pero nadala na siya.

 

Kahit kailan ay hindi niya sasabihin iyon. Dalang-dala na siya.

 

"Trip 'ko lang? Kumain ka na lang kaya."

 

Isinubo nanaman ni Sehun ang hawak niyang kutsara kay Hyoyeon. Hindi na nag pumilit si Hyoyeon na alamin ang dahilan, hindi na rin siya nag matigas na kainin ang pag kain na ipinapakain ni Sehun sakaniya.

 

Gustong-gusto niya ang nakikita niya, ang nararamdaman niya. Bihira na lang siya makaramdam ng pag mamahal at pag aalaga mula sa ibang tao. Sigurado siyang ayaw niya kay Sehun umpisa pa lang, pero sa nakikita niya sa mga mata ni Sehun, hindi niya maiwasang isipin na parehas sila. Na tama nga si Yoona. Lalaking bersyon niya si Sehun. Nakikita niya rin yung napakalaking harang na binuo niya bago ka makapasok sa sa puso niya, sa totoong Sehun.

 

Gusto niyang bigyan ng tiyansa si Sehun.

 

Pero nadala na siya.

 

Tulad ni Sehun, hindi niya sasabihin iyon dahil dalang-dala na rin siya.

 

"Sehun."

 

Mahinang bulong nanaman ni Hyoyeon.

 

Patuloy pa rin naman ang pag papakain sakaniya ni Sehun, patuloy pa rin ang pag aalaga niya kay Hyoyeon, kung matatawag man na alaga 'yon. Pero hindi kasi kaya ni Hyoyeon na manahimik kasama si Sehun, hindi sila ganon dati. Madalas ay bangayan sila ng bangayan. Narinig ni Sehun ang bulong na 'yon, tumingin naman siya pataas at tiningnan ang mga malalamig na mata ni Hyoyeon. Yung matang gusto niyang baguhin.

 

"Hmm?"

 

Isinubo nanaman ni Sehun ang kutsara. Tiningnan ni Sehun ang laman ng bowl, halos mangangalahati na. Sa loob ng tatlong araw, ngayon lang kumain si Hyoyeon at dahil pa iyon kay Sehun.

 

Hindi alam ni Hyoyeon kung ano nga bang tumatakbo sa isipan niya. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang gagawin niya ngayon pero gusto niyang mag sabi ng problema kay Sehun. Pero dahil si Sehun ay si Sehun, alam niyang may alam na si Sehun.

 

"Wala ka bang tatanungin?"

 

Nag salita naman si Hyoyeon matapos niyang lununin ang pinakain ni Sehun.

 

Hindi muna nag salita si Sehun.

 

'Bakit ko pa kailangang mag tanong kung alam ko naman na?'

 

Isinubo nanaman ni Sehun ang soup sa bunganga niya at gusto niyang mag diwang dahil mauubos na ang pag kain ni Hyoyeon.

 

"Anong gusto mong itanong 'ko?"

 

Malamig na tumingin si Sehun kay Hyoyeon, hindi na nagulat doon si Hyoyeon. Lagi namang ganyan ang tingin niya kahit kanino maliban na lang talaga kay Kai. Ang unang nakapasok sa pader na binuo niya.

 

Gusto ni Hyoyeon tanungin siya ni Sehun tungkol sa nararamdaman niya. Gusto niyang malaman kung talaga bang may pake si Sehun sakaniya. Gusto niyang makaramdam muli ng pakiramdam ng may nakikinig sakaniya.

 

Sinubuan nanaman siya ni Sehun, gustong mag reklamo ni Sehun dahil ginagawa siyang alalay ni Hyoyeon pero dahil alam niyang hindi naman kaya ni Hyoyeon gumalaw, hindi na niya lang gagawin. May puso pa naman siya kung ikukumpara sa sinasabi ng bestfriend niya, para sakaniya.

 

Hinila ni Hyoyeon kay Sehun ang bowl. Wala na rin naman na masyadong laman iyon kaya't hindi nabigatan si Hyoyeon sa kinuha niya, pero hindi nun maiiwasan ang pag sakit ng braso niya. Umiling naman si Sehun at hinawakan ang braso niya. Hinablot niya ulit ang bowl at binaba sa sahig.

 

"Sehun."

 

Sa ngayon ay hindi alam ni Sehun kung ano ba dapat niyang gawin. Naiirita siya dahil kanina pa siya tinatawag ni Hyoyeon pero wala namang sinasabi, pero paano siya maiirita? Nakikita na niyang naluluha si Hyoyeon, sa harap niya pa. Gusto niyang punasan ang mga luha, pero ano ba siya ni Hyoyeon?

 

"Kahit ngayon lang, pwede bang umarte tayong dalawa bilang mag kaibigan?"

 

Pang ilang beses na bang natulala si Sehun sa mga sinasabi ni Hyoyeon? All this time, hindi pala kaibigan ang turing sakaniya ni Hyoyeon? 

 

He felt so deceived.

 

Naramdaman niya nanaman yung naramdaman niya noon. Yung dahilan kung bakit ba ayaw niyang may makasama pang babae muli sa buhay niya.

 

He felt so stupid about himself.

 

Ang stupido niya para mag assume.

 

Pero hindi niya pwedeng ipakita kay Hyoyeon na ganon ang nararamdaman niya. Mas mahirap ang dinadanas ni Hyoyeon kesa sakaniya. Gustong masuka si Sehun sa mga sinasabi niya. Kailan pa ba siya naging ganito?

 

"Gusto ko lang ng may mayayakap. Ganito man itsura ko, pero kaibigan naman kita diba?"

 

Nag simula ng umiyak si Hyoyeon. Oo, nababadtrip siya sa sinasabi ni Hyoyeon sakaniya, pero gaya nga ng sabi niya, may puso pa siya. Kailangan ni Hyoyeon ng mayayakap, kailangan niya ng kaibigan at si Sehun lang ang nasa tabi niya, hindi niya kayang iwanan iyon.

 

Si Hyoyeon ang lumapit sakaniya, kung tutuusin halos pagapang na nga lang lapit ni Hyoyeon sakaniya. Wala namang pake si Sehun sa kung anong itsura niya, ang mahalaga, narinig na niyang may nangangailangan sakaniya.

 

Binuhat siya ni Sehun papunta sa hita niya. Naka kandong si Hyoyeon sakaniya. Hinayaan niyang umiyak si Hyoyeon sa balikat niya at hinayaan niyang kumapit sakaniya si Hyoyeon na para bang unan siya. Hinayaan niya lang na maging mahina ang babaeng inaakala niyang laging malakas.

 

'Yon ang sabi ni Hyoyeon, ang yakapin siya.

 

'Behind that strong image Hyoyeon has, is a fragile woman longing for love.' Tama nga naman ito. Sa tuwing nakikita ni Sehun si Hyoyeon, akala mo tibo na nga dahil laging walang pinapakitang interes sa mga lalaki pero sinong mag aakalang ganito pala siya?

 

Nakalagay lang sa gilid ng katawan niya ang mga braso niya, hindi niya alam kung yayakapin niya ba pabalik si Hyoyeon o hahayaan niya lang na si Hyoyeon ang yumakap sakaniya. 

 

Pero ang sabi kasi ni Kai sakaniya,

 

'Ang kaibigan laging nandiyan para sa isa't isa. Pag niyakap ka ng kaibigan mo, yakapin mo siya pabalik. Iparamdam niyo sa sarili niyong masasandalan niyo ang isa't isa.'.

 

Si Kai lang ang yumakap sakaniya ng mahigpit, si Kai lang ang nag paramdam sakaniya ng pakiramdam ng maging ligtas lalo na't kasama mo siya. Hindi siya bakla, pero dahil doon hinayaan niya si Kai na makilala ang Sehun na hindi pa nakikilala ng iba.

 

Ramdam ni Sehun ngayon ang yakap ni Kai sa yakap ni Hyoyeon.

 

Kusang gumalaw ang kamay at braso niya, nilagay niya ito sa bewang ni Hyoyeon at niyakap ito pabalik ng mahigpit. Wala namang masama maging kaibigan ni Hyoyeon kahit ngayong araw lang. Wala namang masamang mayakap si Hyoyeon kahit para sa ngayong araw lang.

 

"Alam mo na diba? Sehun, talino mo talaga."

 

Gumagaan ang pakiramdam ni Hyoyeon sa yakap ni Sehun sakaniya. Nagulat siya ng binuhat siya ni Sehun at inilapag sa hita niya pero mag kaibigan naman na sila, kahit ngayon lang, siya naman ang may gusto na ngayon lang, pero naramdaman niya si Yoona kay Sehun.

 

Tahimik ang paligid nila. Ang naririnig lang nilang dalawa ay ang pag singhot ni Hyoyeon, pag hagulgol ni Hyoyeon at pag hinga ni Sehun. Naaawa si Sehun sa lagay ni Hyoyeon.

 

Hinimas ni Hyoyeon ang buhok ni Sehun pero agad niya ring ibinaba ang kamay niya. Walang mag kaibigang lalaki at babae na gumagawa 'non.

 

"Hyoyeon, pag nakita pa lang yang katawan mo malalaman agad ng kung sino mang nakakita."

 

Mahinang bulong niya sa tenga ni Hyoyeon.

 

Nababanguhan siya ngayon kay Hyoyeon at hindi niya alam kung bakit. Nababaliw na talaga siya.

 

Hindi nag bago ang pag sasalita ni Sehun, ang tingin ni Sehun at ang pakikitungo ni Sehun kay Hyoyeon.

 

"Hindi ka ba nandidiri saakin? Hinayaan ko lang siya."

 

Naiiyak na tanong ni Hyoyeon kay Sehun. Hindi malakas ang boses nila, kung tutuusin para lang silang nag bubulungan dahil sobrang lapit nila sa isa't isa.

 

Unang beses lang 'to ginawa ni Sehun sa babae kaya't gugustuhin niya talagang piliting mag pasalamat sakaniya si Hyoyeon mamaya.

 

Mas isiniksik ni Hyoyeon ang ulo niya sa leeg ni Sehun.

 

Hindi kailangan ni Sehun ng napaka raming ebidensya para malaman na ang gumawa kay Hyoyeon 'non ay sarili niyang ama. May makikita ka pang marka ng lubid sa leeg niya. At sino lang ba ang lalaki sa pamilya nila? Ang tatay niya.

 

Pasalamat na lang talaga si Sehun sa tatay niya at nag sabi ng impormasyon iyon.

 

Hindi mandidiri sakaniya si Sehun. Hinding-hindi, alam niya kung anong pakiramdam maging sunod-sunuran.

 

"May choice ka ba?"

 

Napa ngiti si Hyoyeon sa tanong ni Sehun. Oo, umiiyak siya, pero sa tanong ni Sehun hindi niya na napigilang ngumiti. Alam talaga ni Sehun kung paano mag comfort ng isang kaibigan.

 

"Wala."

 

Tumagos sa tenga nilang dalawa ang sagot ni Hyoyeon.

 

Parehas silang walang choice.

 

Parehas silang walang matakbuhan.

 

Parehas silang walang magawa.

 

Why are they so alike?

 

"Hyo-"

 

"Se-"

 

Sabay silang dalawang nag salita.

 

Natahimik panadalian.

 

"I have a challenge, break my walls down apart."

 

"I have a challenge, break my walls down apart."

 

Sabay namaman silang dalawa.

 

Pati sa pag iisip, parehas sila. Nag iiba na ang image ni Hyoyeon para kay Sehun. Pero siya pa rin yung lalaking cold na laging sinasabing matalino siya pero sa huli pinapamukhang bobo siya. Siya pa rin yung Sehun na gwapong-gwapo sa sarili, kahit na inaamin niya namang gwapo nga ito. Siya pa rin yung Sehun na hinayaan niya lang mabutas ang pader niya. Siya pa rin yung Sehun na ipinangako niya sa sarili niyang, kailanman hindi niya magugustuhan.

 

At pag nagawa ni Sehun ang pag subok niya, she'll take the risk.

 

At pag nagawa iyon ni Hyoyeon, Sehun will also take the risk.

 

*

 

Mag kaibigan lang sila ngayong araw, nakatatak iyon sa isipan ni Hyoyeon. Susulitin niya na itong pag kakataong ito, susulitin niya ito para makasama pa si Sehun na kaibigan niya. Nakahiga siya sa kama niya, nag papahinga siya. Ibinaba na siya ni Sehun dahil hindi naman na daw siya umiiyak.

 

Nasa harap niya si Sehun. Hindi naman literal na harap pero nasa harap niya, malayo lang talaga. Kinakalikot ni Sehun ang mga gamit niya dahil may hinahanap siya. Gabi na at hindi pa umuuwi si Sehun sakanila.

 

"Blondie, nasaan yung gamot mo dito?"

 

Nababadtrip si Hyoyeon sa pag tawag ni Sehun sakaniya ng blondie dahil para sakaniya, kung makapag salita si Sehun ng blondie sakaniya, akala naman daw ni Sehun hindi rin siya blonde.

 

"Anong gamot?"

 

Hindi niya alam kung para saan yung gamot na hinihingi ni Sehun sakaniya. Sa pag kakaalam niya ay wala naman siyang sakit para mag karoon siya ng gamot dito. Wala tuloy siyang masabi kay Sehun na lugar kung nasaan nga ba ang gamot.

 

Humarap naman si Sehun paharap kay Hyoyeon, dapat ay alam niya kung ano yung tinutukoy ni Sehun sakaniya. Gusto na talaga ni Sehun tuktokan ang ulo ni Hyoyeon.

 

"Hyoyeon, isang tuktok pwede ba?"

 

Lumapit naman si Sehun sa kinalalagyan ni Hyoyeon, nakahanda na rin ang kamay niya para tuktokan nga si Hyoyeon sa ulo. Wala namang damage ulo ni Hyoyeon kaya pwede niyang tuktokan 'to. Maka ganti man lang siya.

 

Nilagay naman ni Hyoyeon ang kamay niya sa ulo niya. Pag sisilbing proteksiyon ba.

 

"Teka, kalma Sehun. Masakit ulo 'ko."

 

Walang pinakitang reaksyon si Sehun sakaniya kundi ang umiling. Kung ano ang laging pag dedeskripsyon ni Hyoyeon sa mukha ni Sehun, ganon pa rin naman iyon hanggang ngayon. Blanko.

 

Ayaw ng makipag away pa ni Sehun, unang beses rin niya itong gawin kay Hyoyeon. Hindi sumusuko si Sehun sa bangayan nila ni Hyoyeon dahil alam niyang lagi siyang panalo, pero dahil alam niyang mas hindi matatapos ang away, mas pinili na niyang mag paraya.

 

"Gamot. Para sa sugat mo, pasa mo, at kung ano mang magagamot 'ko sa katawan mo."

 

Ito rin ang unang beses ni Sehun mang gamot ng sugat ng babae, maliban sa nanay niya ulit. Sobrang swerte nga naman talaga ni Hyoyeon, siya ang nakakuha ng ilan sa mga 'first time' ni Sehun.

 

Nanlaki ang mga mata ni Hyoyeon sa narinig niya. Gagamutin ni Sehun ang katawan niya. Ang ibig sabihin, mag huhubad siya? Buong katawan niya may sugat, buong katawan niya masakit. 

 

"Seryoso ka ba?"

 

Tiningnan ng masama ni Hyoyeon si Sehun, pero si Sehun wala lang. Alam niya namang ang iniisip ni Hyoyeon ay mag huhubad siya pero hindi naman kasi iyon ang gusto niyang gawin. Matino naman siyang lalaki.

 

Nag kibit balikat lang naman si Sehun at kumunot naman ang noo ni Hyoyeon.

 

"Ayaw mo ba? Uuwi na ako."

 

At naalala ni Sehun, unang beses niya lang ring mag drive papunta sa kung ano mang lugar na siya lang mag isa, walang driver na kasama.

 

Napansin naman ni Hyoyeon na hindi naman pala iyon ang gustong gawin ni Sehun at gusto niya itong pigilan. Gusto niya lang talagang mag tagal si Sehun dito. Gusto niyang mag tagal ang Sehun na kaharap niya ngayong araw.

 

"Hindi naman sa gusto kong nandito ka pero pwede bang wag ka munang umuwi?"

 

Naningkit ang mata ni Sehun kasabay rin ng tuwang nararamdaman niya. Kailangan pala siya ni Hyoyeon.

 

"Edi gagamutin ko yang mga sugat mo."

 

Kung ang pag gagamot lang naman ng sugat ni Hyoyeon ang paraan para mag tagal si Sehun, hahayaan na lang siya ni Hyoyeon gamutin siya.

 

"Kobeta."

 

Nag lakad naman si Sehun papunta sa kobeta na tinuro ni Hyoyeon sakaniya, may isang malaking lagayan doon na may silid, sigurado naman siyang iyon ang hinahanap niya kaya't hindi na niya tiningnan ang nasa loob at lumabas na siya diretso. Naabutan niya si Hyoyeon na kasalukuyang nakaupo ng muli pero nakasandal sa isang unan.

 

Ibinaba niya ang hawak niya sa kama ni Hyoyeon at umupo sa harap ni Hyoyeon. Kusa ng itinaas ni Hyoyeon ang kanyang mga braso, hinawakan naman iyon ni Sehun at kumuha ng kung ano mang magagamot sakaniya mula sa kanina niyang hawak.

 

Unang beses rin niya itong gawin maliban sa nanay niya.

 

Nadiinan naman ng kaonti ni Sehun ang sugat dahil may iniisip siya.

 

"Aray."

 

Hindi pa rin natitinag si Sehun sa kaniyang pag iisip at hindi niya namalayang mas napadiin ang pahid niya.

 

"Aray Sehun!"

 

Nagising naman si Sehun sa katotohanan at tiningnan si Hyoyeon, makikita mong nasasaktan nga talaga siya. May mga sugat kasing malalalim at gasgas mula sa pinangtali sakaniya.

 

Ginamot naman ni Sehun ang leeg niya. Yung leeg niyang mapula, may mga gasgas at makikita mong nangingitim na rin dahil siguro sa higpit ng pag kakalagay doon. Mukha tuloy siyang nag suicide pero hindi naman natuloy.

 

"Putek, Sehun naman!"

 

Reklamo nanaman ni Hyoyeon.

 

Nag tigas ang bagang ni Sehun sa narinig niya kay Hyoyeon. 

 

'Hindi niya ba kayang tiising yung sakit?'

 

Para kay Hyoyeon naman kasi sobrang sakit talaga dahil ilang araw na hindi nagamot iyon at naiwang nakabukas lang ang mga sugat, ngayon lang nalinisan kaya't masakit talaga, nadiinan pa ni Sehun.

 

"Ginagamot 'ko diba? Syempre, masakit."

 

"Hindi naman kailangan sobrang sakit eh!"

 

Ibinalik lang ni Sehun ang tingin niya sa sugat ni Hyoyeon. Kailangan niya na rin kasing umuwi dahil iniintay na rin siya ng nanay niya. Kailangan niya ring alagaan ang nanay niya.

 

"Manahimik ka na lang."

 

Nag init ang ulo ni Hyoyeon sa sinabi ni Sehun. Ayon kay Hyoyeon, hindi naman daw kasi alam ni Sehun yung pakiramdam kaya't kung patahimikin na lang siya ang akala mo'y madali lang.

 

"Masakit nga, paano ako mananahimik?"

 

Gusto nanamang tuktokan ni Sehun si Hyoyeon sa ulo niya. Kanina pa siya nag titimpi sa ugali ni Hyoyeon.

 

"Ako mag papatahimik sa'yo? Yun ba ibig mong sabihin?"

 

Nag init naman agad ang mukha ni Hyoyeon sa sinabi ni Sehun. Alam niya naman kung anong sinasabi ni Sehun. Laking tuwa na lang ni Hyoyeon at hanggang ngayon ay hindi pa rin sakaniya nakatingin si Sehun.

 

"Hindi takte."

 

Piang patuloy pa rin naman ni Sehun ang pang gagamot kay Hyoyeon, ang iniwasan niya lang gamutin ay yung mga natatakpan ng damit. Syempre, pribado iyon.

 

"Then shut up."

 

Ayaw na rin ni Hyoyeon makipag away, kung ang gusto ni Sehun manahimik siya, mananahimik na lang siya. May mga panahon rin naman na masakit talaga pero pinipigilan niya lang mag salita. Nabalot lang silang dalawa ng napakahabang katahimikan.

 

Maski ang legs ni Hyoyeon, ginamot ni Sehun. Nung unang beses niya pa lang makita ang legs nito alam na niyang binubugbog siya, sinasaktan siya. Sa mga pasa na makikita mo pa rin kahit na may pulbo ngang inilalagay si Hyoyeon, alam na agad ni Sehun na dahil iyon sa puwersa. Tinanong niya si Hyoyeon, ang sagot ni Hyoyeon siya daw ang gumawa nun, sinapak lang raw niya iyon. Pero hindi naman makatingin ng diretso sakaniya si Hyoyeon kaya't nalaman niyang nag sisinungaling ito. Matalino rin naman siya kahit papaano.

 

Tinititigan lang siya ni Hyoyeon, kung makakatunaw ang titig ni Hyoyeon, tunaw na ang cold na si Sehun. Sa haba rin ng tahimik na narinig nilang dalawa, ganon din ang haba ng titig niya sa lalaki sa harap niya. Namamangha lang talaga siya sa nakikita niya, ito ang unang beses na may gumamot sakaniya maliban lang sa sarili niya, ate niya, kay mama at kay Yoona. Sa loob ng halos mag dadalawang taong tiniis ni Hyoyeon, si Sehun ang pangalawa niyang kaibigan na gumawa 'non, kahit para sa ngayong araw lang, ang gumamot ng ganito sakaniya, ang nag alaga ng ganito sakaniya.

 

At kahit ayaw niyang matapos ang pag kakataong ito, pinanood niya lang si Sehun na tumayo, matapos sa ginagawa niya at ibalik ang lagayan ng gamot niya sa kobeta. Kailangan ng umalis ni Sehun. Iiwan na siya ng kaibigan niyang si Sehun.

 

"Alis na 'ko."

 

Kinuha na ni Sehun ang tray ng pag kain niya, ibabalik lang iyon ni Sehunsa kusina at tuluyan na ngang aalis.

 

"Mamaya na."

 

Umaasa lang naman si Hyoyeon na baka kahit ilang minuto na lang naman, manatili pa si Sehun dito.

 

"Kailangan ko ng umalis, Hyoyeon."

 

Tumingin lang si Sehun sakaniya, wag na kayong mag tanong kung anong klaseng mukha ang nakita ni Hyoyeon dahil blanko pa rin ito. Magaling talaga si Sehun sa ganyang trabaho.

 

"Gusto 'kong sulitin itong araw na 'to Sehun. Mabait ka ngayon saakin."

 

Sinasampal ngayon ni Hyoyeon ang sarili niya sa isipan niya. Sinabi niya ang totoo kay Sehun. Nahihiya siya kay Sehun.

 

"Lagi naman akong mabait sa'yo, di mo lang napapansin."

 

Nag taka naman si Hyoyeon sakaniya, si Sehun mabait sakaniya? Kung kadalasan nga ay inaasar lang siya nito, kung hindi man tutuktokin, hihilain. Paanong naging mabait iyon?

 

"Alin doon?"

 

Tumalikod na si Sehun.

 

"Lahat. Tsk. Kailangan ko na talagang umalis. Kailangan na ako ng nanay 'ko."

 

Nag lakad na si Sehun papunta sa pinto ng kwarto ni Hyoyeon. Binagalan niya na nga ang lakad niya dahil may gusto siyang marinig galing kay Hyoyeon. Yung pasasalamat lang ni Hyoyeon. 

 

Pinanood lang muli ni Hyoyeon si Sehun makarating sa pintuan ng kwarto niya.

 

"Sige, bye."

 

Ipinihit na ni Sehun ang door knob, kahit huli na, gusto niyang marinig yung salitang iyon.

 

"Maraming salamat Sehun."

 

Mahinang bulong ni Hyoyeon.

 

Matalas ang pandinig ni Sehun kaya't narinig niya. At tuluyan na ngang lumabas si Sehun ng kwarto niya.

 

Matapos niyang isara ang pintuan, ngumiti siya kahit saglit lang, kahit maliit lang. Tanging ilaw na mililiit sa pader lang ang nagiging ilaw niya, dahan-dahan siyang nag lalakad habang sukbit ng likod niya ang bag niya.

 

Maraan siyang napa tigil, nararamdaman niyang tumitibok ng malakas ang puso niya. Nararamdaman niya namamasa ang palad niya, at nangangati ang labi niya. Nag iinit ang katawan niya kasabay ng kakaibang pakiramdam na nararamdaman niya sa sikmura niya.

 

Napa tingin siya pabalik sa pintuan ng kwarto ni Hyoyeon. 

 

Hindi niya aaminin sa sarili niyang hinihintay niyang lumabas si Hyoyeon, para man lang hawakan ang kamay niya o kaya'y halikan ang pisngi niya. Bawal niyang isipin 'to, pero naiisip niya.

 

Sa huli, siya ang nag lakad papunta sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Hyoyeon.

 

Binaba niya ang hawak niyang tray sa gilid at dire-diretsong pumasok ng kwarto niya.

 

Napa tingin pataas ang lumuluhang Hyoyeon, pero ng makita niya kung sino ang nandon, ngumiti na siya at pinunasan ang luha niya. Nag liwanag ang mukha niya kahit na madilim, naiinis si Sehun, bakit niya ba kasi nararamdaman 'to?

 

Suot-suot niya pa rin ang blankong mukha habang nag lalakad papunta kay Hyoyeon na naka ngiti ng maliit, nag kaka tinginan sila sa kanilang mga mata. Yung pakiramdam na mahulog ka 'don sa tsokolateng mata na 'yon at wag ng maka labas pa, ay parehas nilang nararamdaman.

 

Nag lakad pa siya papalapit hanggang sa tumama ang binti niya sa kama ni Hyoyeon.

 

Tumungo siya para mag ka abot ang mukha nilang dalawa.

 

At sa hindi inaasahang pangyayari,

 

Inilapit niya ang labi niya sa noo ni Hyoyeon, mariin niyang idinampi 'yon, tinagalan niya na rin at gumalaw ang daliri niya para punasan ang mga luhang natira sa mukha ni Hyoyeon.

 

Napa pikit si Hyoyeon sa pakiramdam, sa hawak ni Sehun sa pisngi niya, sa labi ni Sehun sa noo niya. 

 

At sa oras na iminulat ni Sehun ang kakukurap niya lamang na mga mata, napag desisyunan niya. Hindi niya gusto si Hyoyeon, hindi talaga.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.