Chapter 17

Gray

Nag lakad si Hyoyeon papasok ng campus ng eskwelahan niya. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa ng guwardiya pero anong pake niya? Hangga't dala niya ang identification card niya na nag papatunay na isa siyang estudyante ng paaralan na 'yon, walang magagawa ang guwardiyang tinitingnan siya ng may halong pandidiri sa mukha niya kundi ang papasukin ang dalaga.

 

Late siya ngayon araw, una late siyang nagising at dahil late siya nagising, late din siyang makakarating ng eskwelahan. Lalo na't hindi siya nag kotse, nag pahatid. Nag lakad siya, mula bahay niya papunta sa eskwelahan niya. Hindi niya rin kayang mag bisekleta, masakit pa rin ang katawan niya dahil ilang araw pa lang naman simula ng mabugbog at magahasa siya, lima? Tatlong araw na siyang hindi pumapasok, dalawang araw na rin ang naka lipas simula ng bisitahin siya ni Sehun.

 

Pangalawa naman, hindi pa rin kasi siya maka lakad ng maayos, hindi rin siya maka kain, maka ligo. Masakit pa rin ang kasukasuan niya, pero kailangan niyang pumasok. Hindi para mag paawa, pero kailangan kasi talaga. Mabuti siyang estudyante, kailangan niyang mag aral.

 

At kahit na mabuti siyang estudyante, hindi niya papasukan ang unang klase niya. Mabuting estudyante nga naman talaga siya.

 

Pangatlo, pinagod ni Jessica at Yoona ang tenga niya sa kakadaldal nung dalawa sa telepono. Pinagod rin nung dalawa ang daliri niya kaka type. Hindi na nga niya nareplyan ang mga messages ni Chanyeol sakaniya dahil tinadtad siya nung dalawa ng text messages. Kung sakali mang may sense ang pangatlong dahilan niya, sa huli ang ibig sabihin lang 'non ay pagod kasi siya.

 

Hindi na siya nag abala pang balutan ang mukha't katawan niya ng pulbos, cream at kung ano pang magagamit niya. Hinahayaan niyang makita ng tao na pangit ang balat niya, pangit ang kutis niya, pangit ang mukha niya.

 

Hindi para mag paawa, kundi para makita ng tao ang totoog nangyayari sakaniya.

 

Sa dalawang mata niya ay ang mga balat na pumapaligid dito na nangingitim dahil kahapon lang ay sinuntok ng ama niya ang mga mata niya dahil lasing ito ng umuwi. Tulog siya, nagising ng dahil sa isang malakas na pag hila, nabuhayan ng dugo dahil sa kamaong tumama sa mag kabilang mata niya.

 

At ano ang huling linya ng ama niya?

 

'Huli na 'to.'

 

Matapos 'non ay umupo siya sa kama niya, naka pikit dahil hindi niya kayang imulat ang mata niya. Pakiramdam niya ay ang puso niya noong panahon na 'yon ay nasa mata niya. Ang mga muscle 'non at tissue ng balat niya ay tumitibok ng malakas, nag iinit ito. Sinuntok din ang labi niya kaya't putok ang labi niya ngayon. Namamaga na nga kasi ito, pero wala siyang ginawa kundi iproseso sa utak niya ang sinabi ng ama niya.

 

Ang kaliwang pisngi niya ay may hiwa, sa hindi malamang dahilan ni Hyoyeon, hindi niya alam kung bakit nga ba may hiwa iyon. Hindi naman ito hiwa ng kutsilyo, mukhang galing pa nga ito sa kuko, pero hinayaan niya na lang.

 

Naka tungo lang siyang nag lalakad, walang pake sa ibang estudyanteng late na rin at nag mamadaling pumunta sa kani-kanilang klasrum, o kung hindi man, hahanap ng lugar kung saan hindi sila mahuhuli ng mga guro.

 

Masakit ang katawan niya, pero ngayon, umaakyat siya sa hagdanan. Pupunta siya sa pinaka mataas na parte ng building na kinatatayuan niya at hihintayin ang halos isang oras pang pag tatalak ng guro niyang nilalandi lagi si Sehun- 

 

Iniisip niya nanaman si Sehun. Na dapat ay si Kai, pero ang nangyari si Sehun ang naiisip niya.

 

Hindi kaya may gusto na siya rito? Ang tanong niya sa sarili niya.

 

Matapos kasi ang araw na ginamot siya ni Sehun, palagi na lang si Sehun ang nasa utak niya. At wala siyang lakas na loob sabihin kay Yoona iyon, na pumunta sa bahay niya si Sehun at ginamot siya dahil paniguradog mag wawala si Yoona na akala mo'y siya ang kapitan ng barkong HyoHun.

 

Bawat hakbang, nakakaramdam siya ng isang mabilisang linya ng sakit sa singit, tuhod at binti niya. Bawat hakbang, mas humihigpit ang pagkaka hawak niya sa bakal sa gilid niya para mag hanap ng suporta.

 

Nakikita niya ang binti't tuhod niyang may iba't ibang laki ng pasa, pero laking tuwa niya at nawawala na ang ilan rito. Hindi na niya kailangan pang pag tiisan ang kati na diniudulot ng stockings o kung hindi naman niya kaya ang stockings, ang kapal ng pulbos rito na pag napawisan ang balat niya magiging malapot ito na sa hindi inaasahan, pinandidirian ni Hyoyeon.

 

Lahat ng sakit na naramdaman niya ay nawala ng makita niya ang isang pinto na naka sara, may ilaw na lumalabas rito dahil maliwanag naman at may maliit itong butas.

 

Ipinihit niya ang doorknob ng pinto at inilibot ang paningin niya sa lugar na 'yon. Ito na nga ang rooftop ng building na 'yon.

 

Walang upuan rito, tanging riles ng bakal lang ang pumapalibot dito. At ang laman lang ng loteng iyon ay isang maliit na gusali na may pintuan na nag kokonekta sa isang hagdan para maka alis ka ng tuluyan sa lugar na 'yon. At 'yon nga ang lugar na pinanggaligan ni Hyoyeon.

 

Nakaramdam siya ng magaspang na sahig, mainit-init na may malamig na temperatura ito na tumama sa balat ng hita niya hanggang sa kuyukot niya. Hindi lang natamaan ang pwet niya at ang singit niya dahil sa suot niyang itim na short na humahapit sa balat niya para hindi makita ang na suot niya.

 

Tinanggal niya ang bag niya sa likod niya at inilagay sa tabi niya, sumandal siya sa mga bakal at hinayaang liparin ng hangin ang magaan at naninilaw niyang buhok. Pumikit rin siya para masamsam ang simoy ng hangin na hindi niya mawari kung magiging mabuti pa ba sa katawan niya dahil maaring puno na ito ng polusyon, pero sinong may pake?

 

Tutal, wala rin namang may alam na nasa eskwelahan siya ngayon. Maski si Yoona walang alam, maski si Jessica walang alam. Maliban lang talaga sa isang taong nakaramdam na agad ng presensyang dala niya.

 

Bagot na iniikot ni Sehun ang mata niya sa kulob na lugar na may ilang upuan at lamesa, ilang ulong nababadtrip siyang tingnan dahil may iba't ibang kulay ang buhok nila, ang gurong nilalandi siya at pinapakita ang cleavage niyang dulot lang naman ng limang brang suot niya. Sa isang lugar lang nanaman nanatili ang mata niya, sa upuan sa kanan niya. Kung saan madalas niyang makita ang blonde na buhok na 'yon at hindi niya kinainisan, maliban sa katotohanang ginaya siya nito, ay wala sa tabi niya, nanaman.

 

Pero may parte sa katawan at utak niyang nag sasabing nasa paligid niya lang si Hyoyeon. Nilalabanan niya pa ang kagustuhan niyang itaas ang kamay niya para sabihin lalabas siya ng klasrum at tatae para naman may saysay ang matagal niyang pag kawala dahil hahanapin niya si Hyoyeon.

 

At may isang lugar na siyang alam kung nasaan nga ba iyon.

 

Maraan siyang nag taas ng kamay, literal na kamay lang talaga, habang naka pahinga pa rin ang braso niya dahil ayaw niyang mag sayang ng enerhiyang dapat ay ginagamit niya para sa blondie na tinutukoy niya.

 

Dahil malandi ang guro, na kay Sehun lang ang mga mata niya mag damag, nawawala na lang pag tatalikod siya, iuumbok ang pwet niya at mag susulat sa white board sa harapan niya. Agad niyang nakita ang maliit na galaw na 'yon ay masayang lumapit kay Sehun.

 

"Bakit Sehunie? Anong kailangan mo? Anong gusto mo?" Malanding sabi ng guro kay Sehun na tamad lang na tinitingnan ang mata niyang namumula na dahil sa contact lens niyang suot at nanunuyo na.

 

Pasimpleng natigil ang mga tao sa kung ano mang ginagawa nila dahil iniisip nilang may eksena nanaman silang mapapanuod para mapahinto ang malanding guro sa pag tuturo at pag tutuok ng pwet niya sa mga estudyante niya.

 

Tumungo ang guro at inilapit ang mukha niya kay Sehun na pilit namang inilalayo ang mukha niya sa gurong akala mo ay lalamunin ang kagwapuhan niya. At halata namang tumungo ito para makita lalo ni Sehun ang s niya kung sakali mang may balak ngang tingnan ni Sehun 'yon.

 

"Kailangan 'ko pong lumabas at gusto 'ko pong ilayo ang mukha mo sa mukha 'ko dahil hindi 'ko po gusto ang nakikita 'ko." Matigas na sabi ni Sehun bago iniurong ang upuan niya palayo.

 

Ang tingin siguro ng guro ay iba ang pinapahiwatig ni Sehun kaya't ngumiti ito ng may pagka malaswa at ang mga tao sa paligid nila nanahimik lang, hinihintay na umpisahan ni Chanyeol ang pag sigaw ng 'wooh' 'boom' at kung ano pa man. Pero wala kasi sa mood si Chanyeol, dahil hindi nga nag rereply si Hyoyeon.

 

"Ibig sabihin tiningnan mo nga s 'ko?" Pa y na sabi ng guro.

 

Hindi maintindihan ni Sehun, sa eskwelahan siya pumunta hindi sa isang o. Bakit ganito?

 

"Aalis na po ako, wala po akong panahong makipag landian sa teacher 'ko." Malamig na sabi ni Sehun bago tumayo.

 

Wala na siyang pake sa iba at dire-diretsong lumabas, wala namang tao kaya't wala siyang maririnig na tilian, tunog ng kamera at kung ano pa man. Mas napadali ang trabaho niya dahil dire-diretso siyang tumakbo papunta sa hagdan, hindi na niya naisip na baka matisod siya at malaglag o kaya man lang ay mabagok ang ulo niya.

 

Isang lugar lang naman ang balak niya puntahan, ang rooftop. 

 

Gaya ng sabi nilang dalawa ni Hyoyeon, mag ka parehas sila. Naisip ni Sehun na dahil nga magka tulad silang mag isip, baka dito ito tumambay dahil payapa 'don, tahimik. Magagawa mong mag pahinga, hindi tulad ng puno sa may hardin ng eskwelahan, may mga estudyante pa rin. Madalas, mga nag lalandian.

 

Hindi mapakali si Jessica sa ikinikilos ni Sehun. Hindi man sila close masyado ni Sehun, may nakita lang siyang iba 'don kaya't agad siyang tumingin kay Yoona at sakto rin namang naka tingin sakaniya si Yoona.

 

Kasabay ng pag tayo ni Jessica, tumayo rin si Luhan at nag simula ng mag lakad papalabas, iniwan ang nag sisinghal na si Kai sa tabi niya. Tinatanong kasi ni Kai kung susundan daw ba niya si Sehun dahil mukhang may problema ito, pero wala namang matinong sinasagot si Luhan.

 

Nag lakad ng mabilis si Jessica papunta kay Yoona, hindi na pinapansin ang sigaw at utos ng guro na lahat sila ay mag siupo na.

 

Hindi na napigilan ni Kai at tumayo na rin siya, para pigilan ng kamay ni Yoona sa pulso niya.

 

"Nandito si Hyoyeon." Mahinang sabi ni Yoona.

 

Pinilit ni Sehun maging malumanay sa pag bubukas ng pintuan, para hindi siya maka istorbo dahil sa nakita niya kanina ng sumilip siya sa butas, naka pikit si Hyoyeon. Dinadama ang hangin, imposible man mangyari, nakita rin ni Sehun na ngumiti ito kahit na maliit lang at saglit lang.

 

Dinahan-dahan niya ang pag sara ng pinto at nag lakad papunta sa kinaroroonan ni Hyoyeon.

 

Dalawang araw na niya itong hindi nakita, dalawang araw rin siyang natuliro kaiisip ng mukhang 'to. At ngayon, nasa harap niya mismo. Malapit ito sakaniya, pero natatanong niya sa sarili niya, ano nga ba siya ni Hyoyeon?

 

Tumungo at yumuko siya, hindi siya naka upo pero ang taas nilang dalawa ay pantay lang. Hinayaan niyang malaglag ang kamay niya sa hita niyang naninigas na nga dahil sa posisyon niya, pero hindi na niya napapansin dahil sa nakikita niya.

 

Tulad ng buhok ni Hyoyeon, ang maliliit na buhok niya sa may noo niya, nag sipag liparan na rin. Kitang-kita niya ang maitim na kulay ng balat nito sa mata niya, ang hiwa sa pisngi niya na nanunuyo na rin dahil hindi naman gaanong malalim ang pag kaka guhit. Dalawang araw lang siyang nawala, hindi na agad inalagaan ni Hyoyeon ang sarili niya.

 

Ang kamay ni Hyoyeon na nag papahinga sa legs niyang naka indian seat, umangat kahit na naka pikit siya. Dinala ito ng utak niya papunta sa batok ni Sehun.

 

Alam niyang nandon si Sehun. Naamoy niya yung amoy na meron si Sehun, narinig niya ang bawat yapak na 'yon, narinig niya ang tunog ng nag tamang buto ng tumungo iyon, nararamdmaan niya ang titig at ramdam niya ang presensyang meron si Sehun.

 

Yung lalaking laging nasa utak niya, hawak niya. At yung babaeng laging nasa utak ni Sehun, hawak siya.

 

Hinila ni Hyoyeon ang batok na 'yon papalapit sakaniya at dinala ang isa niya pang kamay sa bewang nito. Nalaglag ang tuhod ni Sehun sa sahig, at ang kamay niya naman ay nag landing sa riles na gawa sa bakal na sinasandalan ni Hyoyeon.

 

Yakap-yakap siya ni Hyoyeon habang naka pikit ito, gulat naman ang mukha ni Sehun habang ipinoproseso ng utak niya ang nangyayari.

 

"Pag bigyan mo na 'ko." Bulong ni Hyoyeon sa tenga ni Sehun.

 

Hindi pa rin nagagawang ibalik ni Sehun ang yakap ni Hyoyeon, hindi na iniisip ni Hyoyeon kung ibabalik pa ni Sehun. Namiss niya lang ang yakap na 'to, dalawang gabi na ang nakalipas.

 

"Kahit ngayon na lang, kahit sabihin mo ring huli na 'to. Basta't pag bigyan mo 'ko." Mas hinigpitan ni Hyoyeon ang yakap niya kaya't halos mapipi na ang mukha ni Sehun sa balikat ni Hyoyeon.

 

At parang nadurog ang puso ni Sehun sa narinig niya. Hindi na siguro pwedeng tumaas pa ang lebel nila. Hindi na nga sila mag kaibigan, hindi pa pwedeng maging higit pa 'don.

 

Mahal niya si Hyoyeon? Siguro, hindi niya alam. Matapos ang nangyari noon, si Hyoyeon na lang ulit ang nakapag bigay ng ganitong pakiramdam sakaniya at hindi niya mawari ang eksplenasiyon kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa dalaga.

 

Iminulat ni Hyoyeon ang mata niya para maramdamang tumulo ang luha niya, iminulat niya ang mata niya para makita ang langit na tinakpan ang araw na para bang nasa isa silang telenovelang may happy ending.

 

Ilang sandali pa, binitiwan niya si Sehun, labag man sa loob niya, binitiwan niya 'to. Nag tagal rin sila ng ganon at baka may maka huli sakanilang ganon nga ang posisyon nilang dalawa, itsura nilang dalawa.

 

At hindi nga sila nag kamali, may naka huli nga.

 

Bumuntong hininga si Sehun at tiningnan si Hyoyeon ng mailayo ni Hyoyeon ang katawan niya rito. Pinunasan niya ang luha gamit ang daliri niya, tulad ng ginawa niya noong hinalikan niya ang noo nito.

 

"Kumakain ka ba?"

 

"Oo." Pag sisinungaling ni Hyoyeon.

 

Kita namang hindi naniwala si Sehun 'don, inilayo niya ang daliri niya sa pisngi nito at tumayo. Pinagpag niya ang tuhod niya kumaskas sa sahig bago umupo sa kaliwa ni Hyoyeon. Dumukot rin siya ng itim na tela at ibinato iyon kay Hyoyeon.

 

Tiningnan iyon ni Hyoyeon, para makitang isang mask na mag tatakip ng bibig at pisngi niya.

 

"Takpan mo pisngi at bunganga mo, itago mo 'yang pasa at sugat mo." Mahinang utos ni Sehun.

 

Naka tungo siya sa mga kamay niya, habang si Hyoyeon tinitingnan lang siya. Tinanggap niya naman ang mask na 'yon na ibinato ni Sehun sakaniya pero napunta sa bag niya kaya't inabot niya pa. Ipinasok niya sa bulsa ng coat niya bago tumingin muli sa langit, ngayon naman ay inilalabas ng ulap ang araw dahilan para sinagan sila ng araw. Lilitaw silang dalawa sa paningin ng iba dahil parehas na blonde ang kulay ng buhok nila.

 

"Bakit ka nga pala nandito?" Pangunguna ni Hyoyeon sa usapan nilang wala ng napuntahan.

 

Nagulat si Sehun sa tanong ni Hyoyeon, hindi niya alam kung anong isasagot niya. Maski naman kasi siya, hindi niya alam kung bakit nga ba siya nasa tabi ngayon ni Hyoyeon.

 

Pero isa lang naman ang sigurado siya.

 

"Pinuntahan kita, ulit." Diretsang sagot ni Sehun kay Hyoyeon.

 

Hindi na siya nag alanganin sa sagot niya dahil 'yon lang naman ang kaisa-isang bagay na sigurado siya. Sumingkit lang ang mata ni Hyoyeon pero napa ngiwi naman agad siya, dahil nasaktan siya. Ni hindi niya nga nilagyan ng yelo ang mata na 'yon, kaya't masakit pa talaga.

 

Nag lakad ng mabilis si Jessica para mahanap pa si Hyoyeon, iniwan niya si Yoona na pinapagalitan ng guro dahil kailangan niya ng mauna. Agad naman siyang naka wala sa malanding guro na 'yon dahil anak siya ng may ari ng school at sikreto 'yon, kaya nung binanggit niya sa guro 'yon, lahat ng studyante sa klasrum nagulat. Maliban sa Exo at kay Yoona.

 

Nanggaling na siya sa kobeta, sa puno na lagi nilang tinatambayan. Sa iba't ibang klasrum na walang tao, sa isang dance studio dahil nabanggit ni Yoona sakaniya na sumasayaw ito. Nanggaling na rin siya ng canteen, baka kasi nagugutom si Hyoyeon kaya't hinanap niya 'don. Naka tingin siya sa cell phone niya habang nag lalakad, hindi na niya napansin na may mababangga siya.

 

At parang wala naman sa sariling mundo ang makaka bangga niya kaya't nag kabangga nga sila ni Jessica. At bilang lalaki siya, nakuha niya agad ang balanse niya at inalalayan ang babaeng naka bangga niya.

 

Umangat ang ulo ni Jessica at mag tataray na sana ng makita niya ang mukha ng naka bangga niya.

 

"Bakit ganyan itsura mo Luhan?" Nag aalalang tanong niya kay Luhan na naka tulala lang at halatang malungkot ang mukha.

 

"Hinahanap mo ba si Hyoyeon?"

 

Tumango lang ang ulo ni Jessica na gumalawa pa papunta sa kanan dahil naguguluhan siya. Bakit ganon ang inaasta ng usa?

 

"Nasa rooftop, kasama ni Sehun." Huling sabi ni Luhan bago ibinaba ang tingin niya sa sahig at nag lakad na muli para lampasan si Jessica.

 

Gulat na pinanood ni Jessica si Luhan na parang walang buhay kung mag lakad, bago niya narealize, na dahil sa iisang babae nag kakaganito sila.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.