Chapter 10

Gray

Nasa park ngayon si Luhan, Lay at Hyoyeon. 'Don sa park na laging pinupuntahan ni Hyoyeon. Si Hyoyeon ang may gusto 'non. Marami kasi siyang ala-ala sa lugar na iyon. Doon siya nag papalipas madalas ng gabi, 'don siya madalas umiiyak, tumatakbo pag ayaw na niya sa tahanan niya. Wala naman kasing may pake kung nandon siya tuwing gabi, ano pa bang silbi para alalahanin pa niya ang sarili niya?

 

Silang dalawa lang ang unang naka alam ng tambayan ni Hyoyeon na 'yon maliban kay Yoona. Hindi naman na nakaka pag taka dahil si Yoona naman talaga ang may alam ng lahat ng tungkol kay Hyoyeon.

 

Katatapos lang ng insidente sa kapehan na pinuntahan nilang tatlo. Muntikan ng mangudngod si Hyoyeon dahil sa pag seselos na meron ang fiance dapat ni Luhan. Sino nga namang hindi maiinis 'don diba? Ayon naman kasi sa pag oobserba ni Hyoyeon, baliw na baliw kay Luhan si Suzy.

 

Pina gigitnaan si Hyoyeon ng dalawang lalaki. Hindi niya alam kung bakit ba napili nung dalawa na tumabi sa tabi niya, hinayaan niya na lang.

 

"Putek, Luhan hyung! Naiingit ako sa'yo."

 

Hanggang ngayon ay nag rereklamo pa rin si Lay kay Luhan dahil nga sa ginawa ni Hyoyeon. Hindi naman sa unang beses na ginawa ni Hyoyeon 'yon pero kasi, ngayon lang nila nakita iyon. At dahil desperada si Hyoyeon sa pag hahanap ng proteksyon, niyakap niya si Luhan. Si Luhan lang naman kasi ang may kakayahang ibigay iyon sakaniya nung mga panahon na 'yon.

 

Binaliwala ni Luhan ang sinabi ni Lay sakaniya. Wala naman na siyang masasabi, hindi naman niya kasalanang nag seselos si Lay. Tiningnan niya naman si Hyoyeon, nag tataka rin siya kung bakit nga ba ginawa ni Hyoyeon iyon sakaniya.

 

Ng mapansin ni Lay na hindi naman siya pinansin ni Luhan. Kay Hyoyeon naman siya tumingin at inunahan si Luhan sa pag tanong kay Hyoyeon.

 

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon, Hyo?"

 

Huminga ng malalim si Hyoyeon. Simple lang naman ang dahilan niya.

 

"Nang hihingi ng tulong si Luhan."

 

Inaamin naman ni Hyoyeon na cold siya, alam niya sa sarili niya. Kahit sinong maka kita sakaniya, maka kilala sakaniya, ang sasabihin 'bakit nga ba ang cold niya?'. Iyon na kasi ang pinili niya. Sa ganong paraan, mapoprotektahan niya ang sarili niya.

 

'People will always take you for granted. Pag wala na silang kailangan sa'yo, itatapon ka na lang nila na para bang sira-sirang manika ka. Tama manika, ako, manika ako. Puppet lang ako ng mga magulang 'ko.'

 

At kahit sa cold siya, hindi ibig sabihin 'non hahayaan niyang mabulok kakuluwa niya sa demonyo. May kabaitan pa rin naman siya sa puso niya.

 

"Muntikan ka ng masampal ni Suzy, Hyoyeon."

 

Isang malumanay naman na boses ang narinig ni Hyoyeon at Lay. Tatlo lang naman silang mag kasama. At dahil Hyoyeon ang tawag sakaniya, si Luhan na 'yon. Ang akala ni Hyoyeon, Hyo na ang tawag sakaniya ni Luhan, hindi pa pala.

 

Wala namang masama para kay Hyoyeon kung sasampalin siya ni Suzy. Sa ganoong para lang naman kayang ilabas ng mga babae ang galit nila. 'Yon ang pinaka madaling paraan para sa mga babae. Wala na silang ibang choice.

 

"Edi sampalin niya ako."

 

Nagulat si Lay at Luhan sa sinabi niya, naramdaman ni Hyoyeon yung gulat na 'yon. Hindi naman na kailangang mag taka ni Hyoyeon sa reaksyon nung dalawa. Para kasi kay Hyoyeon, hindi na naging malaking bagay ang ganon sakaniya dahil sanay naman na siya. Handa naman siyang saktan, bugbugin, sampalin at lahat lahat na. Handang-handa naman na kasi siya sa sakit, parang hindi naman siya sanay 'don.

 

"Minsan hindi kita maintindihan. Kanina lang, ang bait mo. Ngayon, ang cold mo nanaman."

 

Lagi namang mabait si Hyoyeon, alam niyang mabait siya, na mimisunderstood lang ng tao ang kabaitan niya. Dahil sa tingin, pag sasalita, pag galaw niya, iniisip ng ibang tao na sobrang laki ng agwat niya sa pagiging mabait. 'Yon na ang sabi nila, 'yon na ang tingin nila.

 

"Yixing, hindi mo naman ako kailangang intindihin."

 

Ramdam ni Hyoyeon yung pag aalala na pinapakita ni Lay, ramdam rin niya yung titig na ginagawa ni Luhan. Hindi lang talaga siguro sanay si Hyoyeon sa ganitong pakiramdam. Lagi lang rin naman kasi siya nag tatago dati, sa lahat.

 

"Ang gulo mo talaga."

 

Hindi na lang pinansin ni Hyoyeon ang sabi sakniya ni Lay. Lahat naman ng tao magulo, may mga tao lang talaga na magaling umintindi sa magulo na tao at mundo.

 

Hindi naman na kinaya ni Luhan at kinapalan niyang muli ang mukha niya para sa itatanong niya kay Hyoyeon. Hindi niya pa gusto si Hyoyeon sa paraang pang romantiko. Nakikita niya lang talaga yung babaeng matagal na niyang hinihintay kay Hyoyeon. Kahit na paasahin niya ang sarili niya, makikipag kaibigan pa rin siya kay Hyoyeon.

 

"Officially friends na ba tayo, Hyoyeon?"

 

Napa tikom naman saglit si Hyoyeon ng labi niya. Ang akala niya kasi mag kaibigan na sila.

 

"Tinulungan lang kita, kaibigan agad? Akala ko ba Hyo itatawag mo sakin?"

 

Napa iwas naman agad si Luhan ng tingin kay Hyoyeon. Saktong pag lingon ni Hyoyeon sakaniya, ay ang pag iwas niya. Kanina pa ramdam ni Hyoyeon yung pag titig na ginagawa ni Luhan pero pinili niya lang na baliwalain. Tititigan siya ni Luhan, pag tapos ay iiiwas ang tingin niya at mag iisip.

 

Kay Lay naman nadako ang mga mata ni Luhan.

 

"Ayoko na, Yixing. Nanlalata nanaman ako."

 

Pinapanood lang ni Lay ang pag uusap ni Luhan at Hyoyeon. Kailngan niya lang pigilan si Luhan sa kung ano mang magagawa niya kay Hyoyeon. Protective siya kay Hyoyeon.

 

Hindi naman big deal kay Hyoyeon ang pag kakaroon ng kaibigan. Ang kailangan lang, malaman ng kaibigan niya ang limitasyon niya, 'yon lang.

 

"Sige, friends."

 

Napa ngiti si Luhan sa sinabi niya at alam ni Hyoyeon na napa ngiti si Luhan dahil sa sinabi niya. Isipin man ng ibang assuming siya, pero alam lang talaga ni Hyoyeon 'yon. Bilang magaling siyang umobserba, alam niya.

 

Tumingin naman muli si Luhan sa mga mata ni Hyoyeon. Yung mga matang nakakapag bigay sakaniya ng kakaibang pakiramdam sa dibdib niya, ngayon ay nakikita niya kay Hyoyeon. Yung mga matang nakakapag bigay sakaniya ng kaba at pag tibok ng malakas ng puso niya, nararamdam at nakikita niya kay Hyoyeon. Gustong gusto niya ang mga mata ni Hyoyeon.

 

"Wala ka bang itatanong?"

 

Natuwa naman si Hyoyeon sa tanong ni Luhan. Natuwa siya pero hindi niya ipinakita sa mukha niya. Konti lang rin naman ay makukuha na ni Hyoyeon ang sagot sa mga katanungan niya. Alam naman na ni Hyoyeon kung bakit nga ba sa kapehan ang tambayan ni Luhan, maniniguro lang siya.

 

"Tulad ng?"

 

Sa tingin na pinapakita ni Luhan kay Hyoyeon, nahuhulog si Hyoyeon sa tingin na 'yon. Makikita sa mga mata ni Luhan yung lungkot, sakit. He's missing someone. At sa mga matang 'yon hindi napigilan ni Hyoyeon na maisip ang sarili niya, ang kalagayan niya. Ganon ba ang pakiramdam makakita ng matang ipinapakita niya?

 

'Lahat naman ng tao nasasaktan, sinasaktan, masasaktan. Lahat ng tao nakakaranas ng sakit, makakaranas ng sakit. Ang pinaka madaling paraan lang para mas madaling tanggapin yung sakit, ay mamili ka ng taong mananakit sa'yo.'

 

"Sa nangyari kanina."

 

Kusang nahanap ni Luhan ang kamay ni Hyoyeon. Kinapalan niyang muli ang mukha niya at hinawakan ang malambot na kamay ni Hyoyeon. Kinakabahan siya, nararamdaman niya yung liit ng kamay na meron ang minamahal niya kay Hyoyeon. Hinila ni Luhan si Hyoyeon papalapit sakaniya. Maski laki ng katawan, parehas sila nung babaeng tinutukoy ni Luhan.

 

Mas lumapit naman ang katawan ni Hyoyeon sa katawan ni Luhan. Ang braso ni Hyoyeon na ngayon ay namamahinga sa dibdib ni Luhan. Ang buhok ni Hyoyeon na ngayon nasa ilalim lang ng mata ni Luhan.

 

Gustong yakapin ni Luhan si Hyoyeon. Pero hindi niya magawa. Naningkit ang mga mata ni Lay sa nakikita niya. Hindi siya makakapayag.

 

Naiilang si Hyoyeon sa nangyayari, lalaki si Luhan, hindi naman imposible kay Hyoyeon na hindi mailang sa isang tulad niya. Lalo na't sobrang lapit pa nilang dalawa. Binitawan ni Luhan ang kamay ni Hyoyeon na naging sanhi ng pagka gaan ng loob ni Hyoyeon. Hindi niya lang talaga siguro gusto ang pakiramdam na may kahawak na kamay.

 

Pero binaliwala ulit ni Hyoyeon 'yon.

 

"Meron naman."

 

Muli ay napangiti nanaman si Luhan ng malaki. Naiintindihan na ngayon ni Hyoyeon si Yoona kung bakit ayaw ni Yoona kay Luhan. Mas maganda pa si Luhan sa babae, ayon kay Hyoyeon. Mas maganda pa si Luhan kesa kay Hyoyeon, ayon ulit kay Hyoyeon

 

"Game, makikinig ako."

 

Mahina ang boses nilang dalawa. Sakto lang ang lapit nilang dalawa para marinig nila ang isa't isa. Walang naririnig si Lay sa pinag uusapan nila at kahit alam ni Lay na masama ang gagawin niya, ginawa niya pa rin. Lumapit siya sa dalawa habang nag seselos, halos mayakap na ni Luhan ang katawan ni Hyoyeon. Paanong hindi mag seselos si Lay 'don?

 

"Sasagutin mo ng maayos?"

 

Nag isip muna si Luhan habang naka tingin sa mata ni Hyoyeon. Naka tingala si Hyoyeon kay Luhan. At kahit gabi na, nakikita pa rin ni Hyoyeon yung malungkot na mata ni Luhan. Nag kakaroon siya ng pakiramdam na kailangan niyang alagaan si Luhan. Ngumiti naman ng pag ka loko-loko si Luhan kay Hyoyeon. Hindi nila napapansin na si Lay at malapit na sakanila. Pero kahit na ganon, wala pa ring maintindihan si Lay.

 

"Dipende."

 

Napa pikit si Hyoyeon sa narinig niya at huminga ng malalim. Napa ngiti naman ulit si Luhan sa nakita niya, maski ang mannerism ng babaeng tinutukoy niya, kagaya ng kay Hyoyeon.

 

"Wag na lang."

 

Inilagay ni Luhan ang kamay niya sa blonde na buhok ni Hyoyeon ay ginulo ito. Wala namang pake 'don si Hyoyeon, pero gusto niya yung pakiramdam.

 

Lumayo naman na si Lay sa tabi ni Hyoyeon at Luhan. Susuko na siya, wala rin naman siyang marinig. Buti na lang at hindi siya nahuli dahil mukhang may sariling mundo yung dalawa. Pero kahit na ganon, nag seselos pa rin siya.

 

"Oo na, sige na. Sasagutin 'ko na."

 

Pumikit saglit si Luhan at inamoy ang buhok ni Hyoyeon na nasa ilong niya. Kanina pa siya naka harap kay Hyoyeon.

 

"Wala ba kayong wifi sa bahay niyo?"

 

Medyo may kalakasan ang pag kakasabi ni Hyoyeon kaya't narinig ni Lay iyon.

 

Napa tigil si Lay sa pag tingin niya ng masama kay Luhan hyung niya. Napatigil naman si Luhan sa pag amoy ng buhok ni Hyoyeon. Napatigil naman ang walang ka alam-alam na Hyoyeon sa ginagawa nung dalawang kasama niyang lalaki, sa pag iisip niya.

 

Napa pikit si Lay at napa ngiti. May maririnig ka rin na mahinang tawa dito pero agad niya ring tinigil dahil naramdaman niya ang malamig na titig ni Hyoyeon sakaniya.

 

Napa ngiti rin naman si Luhan at naintindihan kung bakit ganon nga ba ang tanong sakaniya ni Hyoyeon. 'Yon kasi ang sinasabi niya sa Exo na dahilan kung bakit nga ba lagi siyang nandon kahit na ayaw niya sa may ari 'non. Ayaw niyng malaman ng myembro niya na ganon pala siya, ganon na pala yung nangyayari sakaniya, ganon pala siya ka miserable sa pag ibig.

 

"Hyo, ano ba 'yang tanong mo?"

 

Nag kibit balikat lang si Hyoyeon na naging dahilan ng pag tama ng kamay niya sa dibdib ni Luhan. Nag peace sign lang naman siya rito at hinayaan lang ni Luhan. Manly daw siya kaya hindi siya nasaktan.

 

"Sabi mo kaya Yixing."

 

Walang ka alam alam na banggit ni Hyoyeon kay Lay. Stupido man ng tanong niya pero kung masasagot ng maayos ni Luhan ang tanong na 'yon, masisiguro na ni Hyoyeon ang dahilan kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng pag tambay ni Luhan 'don.

 

"Oo, sinabi 'ko nga. Pero yung tanong mo talaga."

 

Walang reaksyong tinitigan lang ni Hyoyeon si Lay, hanggang ngayon naman kasi ay tumatawa pa rin ng mahina si Lay. Anong nakakatawa 'don?

 

Inilapit naman ni Luhan ang labi niya sa tenga ni Hyoyeon.

 

"Meron kaming wifi."

 

Nagulat si Hyoyeon sa pag tama ng labi ni Luhan sa tenga niya pati na rin sa mahinang boses ni Luhan at mainit na pag hinga nito.

 

"Meron naman pala, bakit 'don ka pa tumatambay kung wifi lang habol mo?"

 

Narinig ni Hyoyeon ang mahina at mababang tono ng tawa ni Luhan sa tenga niya. Nag iinit ang mukha niya sa nangyayari. Gusto niya lumayo, pero ayaw ng katawan niya. Hinawakan ni Luhan ang pulso ni Hyoyeon. Gusto niya mang hawakan ang kamay ni Hyoyeon, bawal.

 

"'Yon ba sabi ni Yixing sa'yo? Wifi lang?"

 

Tumango naman si Hyoyeon sa sinabi ni Luhan sakaniya.

 

Hindi pa rin napapansin ni Lay ang ginagawa ni Luhan at Hyoyeon dahil busy siya kakatawa ng mahina.

 

"Hindi lang kasi wifi. Importante yung lugar na 'yon sakin."

 

Inilayo ni Hyoyeon ang ulo niya sa mukha ni Luhan. Naiilang na talaga siya pero interesado siya sa patutunguhan ng pag uusap sila, lalo na't masisiguro na niya kung ano nga ba ang dahilan.

 

"Pwede ba kung tatanungin ko kung bakit?"

 

Nag baka sakali lang naman si Hyoyeon at alam niyang sa sinabi niya, may maaalala si Luhan 'don. Gaya nga ng sabi ni Hyoyeon, may naalala si Luhan sa pag kakabuo ni Hyoyeon ng pangungusap niya. Maski ang pagiging seryoso ng babaeng mahal niya, gaya ni Hyoyeon.

 

Ayaw niyang maging si Hyoyeon ang magiging kasunod ng babaeng mahal niya. Pero hindi niya maiwasan, parehas na parehas sila.

 

"Wag na muna. Basta importante talaga yung lugar na 'yon saakin."

 

Napa ngiti si Luhan sa pag alala niya ng mga nangyari 'don sa lugar na 'yon. Kung alam lang ng Exo, baka ngayon pag tawanan na siya ng mga ka myembro niya.

 

"Alam ni Yixing?"

 

Napa tingin namn si Hyoyeon kay Lay na napa tingin din ng marinig ang totoo niyang pangalan. Naningkit ang mga mata ni Lay, tiningnan niya ang kamay ni Luhan na naka pulupot sa pulso ni Hyoyeon. Hindi niya nanaman nagugustuhan ang nakikita niya.

 

Tulyan ng binitawan ni Luhan ang pulso niya at inilayo niya ang mukha niya sa tenga ni Hyoyeon. Pero bago niya mailayo, sininghot niya muna ang amoy ni Hyoyeon.

 

At sa pag layo ng mukha niya, nasakubong siya ng titig ni Lay sakaniya. Hindi alam ni Luhan kung anong nangyayari.

 

"Si Kris lang may alam. Stalker 'ko yun eh."

 

Kung hindi lang talaga gusto ni Luhan si Kris, hindi niya hahayaang malaman ni Kris iyon at tanungin siya ng tanungin.

 

Napa buga ng malakas na hangin si Lay na naging dahilan ng pag pukaw ng atensiyon ni Luhan at Hyoyeon.

 

"Wag nga kayong mag bulungan, nandito pa 'ko."

 

"Alis ka na."

 

Walang ka emosyon emosyon na sagot ni Luhan kay Lay. Inaasar niya lang naman, kitang-kita naman niya na nag seselos lang si Lay.

 

"Nahahawa ka na ba kay Hyo, Luhan hyung?"

 

Ngumiti lang ng masama si Luhan kay Lay. Hindi na napigilan ni Lay na mapa irap sa hyung niya, kesa mainis si Luhan, mas napa ngiti ito. 

 

Saglit lang rin naman ay nawala ang init ng ulo ni Lay dahil alam niyang pinag titripan lang siya ni Luhan. Pero kahit na ganon, hindi niya pa rin gusto nag ginawa ni hyung niya. 

 

"Interesado ako sa pinag uusapan namin Yixing, saglit lang."

 

Hindi na nag abalang tumingin pa si Hyoyeon kay Lay, alam naman na niyang nakikinig lang si Lay sa pinag uusapan nila. Ngayon, si Hyoyeon naman ang nag lapit ng bibig niya sa tenga ni Luhan pero inilayo niya rin agad.

 

"Paanong stalker naman?"

 

At dahil sa malapit lang naman sila sa isa't isa, hindi na nag abala si Luhan para ilapit pa ang bibig niya sa tenga ni Hyoyeon. Alam naman niyang sila lang dalawa ang makakarinig. Iniiwas na lang ni Lay ang tingin niya at pinilit na hindi makinig.

 

"Hindi naman totally stalker. Sinundan niya lang ako isang beses 'don tapos ayun nakita niya. Stalker pa rin, diba?"

 

Tumango-tango naman si Hyoyeon, na kukyutan doon si Luhan. Gusto niyang kurutin ang pisngi ni Hyoyeon pero natatakot siyang mas lumala ang nakikita niyang maiitim na marka. Kitang-kita naman kasi sa pisngi niya.

 

"Ilang taon na simula mangyari 'yon?"

 

"Mag iisa?"

 

Napa isip saglit si Luhan. Mag iisang taon na rin naman na simula ng iwan siya, para mag pakasal sa iba. Naloko siya, hinayaan lang niyang maloko siya. Hindi niya naman masisisi yung babae na sinasabi niya, sarili niya lang masisisi niya.

 

"Masakit?"

 

Napa ngiti nanaman ni Hyoyeon si Luhan sa pang ilang beses na. Halos lahat na lang ata ng sinasabi ni Hyoyeon napapangiti si Luhan. Maski takbo ng pag iisip, parehas sila ni Hyoyeon. He can't help himself, but fall.

 

"Ang galing mo talagang mag tanong."

 

"Tama ba ako ng hula?"

 

Hula? Hindi naniniwala si Luhan na hula lang 'yon ni hyoyeon. Alam ni Luhan na alam na ni Hyoyeon.

 

"Oo."

 

"Masakit nga?"

 

Sa sinabi ni Hyoyeon, hindi na napa ngiti si Luhan. Kumunot ang noo niya, lumungkot ang labi niya.

 

'Sinong hindi masasaktan?'

 

"Syempre."

 

Tuluyan na silang nanahimik matapos 'non. Walang nag salita, ang bawat pag hinga nila, tila nag kakasabay na nga. Masaya na silang tahimik lang lalo na't nakuha na nila ang sagot sa mga katanungan nila.

 

*

 

Mahimbing ang tulog ni Hyoyeon, dala ng pagod niya kagabi, pag iyak niya kagabi, at sakit na dinanas niya kagabi. Desperada siyang mamahinga. Para sa iba, ang biyernes ang pinaka masayang araw ng pasukan. Pero hindi para kay Hyoyeon. Sa loob ng mag dadalawang taon, hindi na naging masaya ang araw ng biyernes niya. Hindi siya naniniwala sa Friday the 13th,kasi kahit hindi 13th, hindi maganda ang nangyayari sakaniya.

 

At yung himbig na tulog ni Hyoyeon, naputol ng isang tawag sa cell phone niya. Kanina pa may nag tetext pero hindi naman siya nagigising 'don. Mariin niyang iminulat ang mga mata niya, nasinag siya sa araw pero wala ng mas makaka sira ng araw niya maliban sa pag gising sakaniya ng isang tawag. Hindi na siya nag abalang umupo, hinablot niya ang cell phone niyang namamahinga sa lamesa sa kaliwa niya.

 

Hindi na rin siyang nag abala tingnan kung sino 'yon. Uulitin niya, tatlo lang ang may alam ng number niya sa school. Maaring si Yoona, Chanyeol at Jessica lang 'yon. Imposibleng si Chanyeol dahil tulog pa 'yon, imposibleng si Jessica dahil madala lang tumawag sakaniya 'yon. Isa lang ang taong maaring tumawag sakaniya, si Yoona.

 

"Hyo!"

 

Isang malakas na sigaw ang natanggap ni Hyoyeon mula kay Yoona. Hindi na nga siya nag kamali, si Yoona nga talaga ang tumawag. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya, maiinis. Wala siya sa mood, hindi maganda ang pakiramdam niya, sinigawan pa siya ng pag kalakas lakas ni Yoona.

 

"Ano?"

 

Iritang sagot ni Hyoyeon.

 

"Ayos ka lang?"

 

Narinig naman ni Hyoyeon ang pag aalala sa boses ni Yoona. Hindi naman siya nagagalit kay Yoona, naiirita lang dahil ginising siya.

 

"Oo naman."

 

Bumuntong hininga naman si Yoona sa kabilang linya. Alam naman niyang hindi okay si Hyoyeon, tinanong niya pa.

 

"Sigurado 'ka?"

 

Huminga nanaman ulit ng malalim si Yoona. Hindi niya naman kasi kayang pigilan sarili niya mag tanong. Alam naman niyang hindi okay si Hyoyeon, gusto niya lang talagang masiguro. Kahit na alam niyang sasabihin ni Hyoyeon sakaniya na okay lang siya, kahit hindi naman talaga.

 

"Sabadong sabado Yoona, ginising mo 'ko ng maaga."

 

Maaga pa para kay Hyoyeon, ilang oras pa lang din naman ang tulog niya.

 

"Anong maaga naman? Alas onse na kaya!"

 

Inilayo ni Hyoyeon ang telepono sa tenga niya. Naiirita na talaga siya.

 

"Wag 'kang sumigaw."

 

Bored ang tono ni Hyoyeon, inaantok pa siya.

 

"Pumunta ka na dito sa bahay 'ko."

 

Nanlaki ang mga mata ni Hyoyeon sa narinig niya mula kay Yoona. Papupuntahin siya sa bahay ni Yoona kahit na alam ni Yoona na hindi niya kaya.

 

"Yoona, alam mong hindi ko kaya."

 

Ipipilit pa rin ni Yoona ang gusto niya. Selfish man yung rason, pero gusto niya talagang pumunta si Hyoyeon. Gusto niya lang naman maka tulong, sa takot ni Hyoyeon, sa problema ni Huoyeon.

 

"Akala ko ba okay ka?"

 

Napa pikit nanaman si Hyoyeon, ayaw niya nga kasing umirap.

 

"Okay ako, pero hindi ibig sabihin 'non kaya 'ko."

 

Kung hindi makakapunta si Hyoyeon, si Yoona ang pupunta. Wala namang tao sa bahay ni Hyoyeon maliban lang kay Hyoyeon at mga trabahador dito.

 

"Gusto mo bang kami na lang ang pupunta diyan?"

 

Napa kunot ang noo ni Hyoyeon, sila? Sinong sila naman?

 

"Anong kayo? Jessica?"

 

Kung si Jessica lang naman ang kasama, okay lang para kay Hyoyeon. Pero mukhang alam naman niyang isasama ni Yoona ang Exo.

 

"Hindi! Kasama ko Exo!"

 

Mas napa kunot ang noo niya. Ineexpect niya naman, pero hindi lang siya maka paniwalang dadalhin talaga ni Yoona ang Exo.

 

"Exo?!"

 

Napa tawa naman ng mahina si Yoona sa reaksyon ni Hyoyeon sa sinabi niya. Ngayon lang ulit naging malapit si Hyoyeon sa mga lalaki at laking tuwa ni Yoona na sa Exo pa siya naging malapit. Nung una pa lang niyang nakita ang Exo, ang akala niya talaga mga playboy, dagdag points na rin yun mga gwapong mukha.

 

"Oo."

 

Napa upo naman na si Hyoyeon at tinanggal ang kumot sa katawan niya. Naramdaman niya ang manipis na pag hapdi sa ari niya pero agad rin namang nawala.

 

"Nandiyan silang lahat?"

 

Wala ng nagawa si Hyoyeon kundi ang tumayo. Pupunta na lang siya kela Yoona, kesa pumunta ang Exo sa bahay niya.

 

"Wala pa sila. Mamaya pa. Si Jessica, kasabay ni Kris oppa."

 

"Hindi ako sasama."

 

Ipinag pilitan pa rin ni Hyoyeon ang gusto niya kahit wala naman ng mangyayari. Malay lang naman natin pumayag si Yoona.

 

"Hyo, kailangan mo nga 'to. Kailangan ng mawala ng takot mo."

 

Takot? Wala namang takot si Hyoyeon sa mga lalaki, takot lang siya sa gagawin sakaniya ng mga lalaki. Nadala na siya, ayaw na niya.

 

"Sa ganyang paraan? Sige, Yoona, mag isa ka."

 

At sa lahat ng naisip ni Yoona na paraan, Exo ang gagamitin ni Yoona. Ipinaglalaban pa rin naman ni Yoona na hindi lahat ng lalaki pare parehas.

 

"Hyo naman."

 

"Hindi ako sasama."

 

Umupo naman ulit si Hyoyeon sa kama niya. Habang si Yoona na higa lang rin sa kama niya, kagigising lang rin naman niya.

 

"Edi diyan kami pupunta."

 

Napa tayo naman ulit si Hyoyeon, nag lakad na siya papunta sa harap ng kobeta. Pupunta na talaga siya.

 

"Yoona, alam mong ayokong may nakaka alam kung nasaan bahay 'ko!"

 

Umirap naman si Yoona kahit na alam niyang nasa kobeta na si Hyoyeon. 'Yon kasi ang trump card niya pag dating kay Hyoyeon. Ayaw ni Hyoyeon na malaman ng iba kung nasaan ang bahay niya. Gusto niyang itago ang sarili niya.

 

"Oh? Hindi ko alam."

 

"Yoona."

 

Tuluyan ng pumasok si Hyoyeon sa kobeta at tiningnan ang sarili niya sa salamin. Sino ba namang mag kakalakas ng loob lumabas ng bahay kung ganyan ang itsura? Akala mo nakipag bugbugan si Hyoyeon sa mga sanggano sa kanto. Punong puno ng pasa, ang lalim ng mata niya, nangingitim ang ilalim ng mata niya, may mga violet, green, pula at itim na marka sa mukha niya.

 

Mukha niya pa lang 'yan, paano pa kaya yung katawan niya?

 

Sa kamay niya, makikita mo ang cell phone niyang puti na naka lagay sa tenga niya. May marka ito na dala ng tali, may mga kalyo na, sugat. Naiintindihan niya naman si Yoona, naiintindihan rin siya ni Yoona. Alam niyang gusto lang tumulong ni Yoona, pero hindi niya kasi talaga kaya.

 

"Mamili ka, pupunta ka dito o kami pupunta diyan."

 

Gusto niya lang talagang batukan si Yoona ngayon. Hindi nahihiya si Hyoyeon sa itsura niya, sa mukha niya at katawan niya. Wala nga siyang pakielam sa imahe niya sa ibang tao. Ang inaalala lang niya, yung mga tanong na iraratrat sakaniya kung sakaling makita o mapansin ang mga sugat at pasa niya.

 

"Alam mo kung anong nangyari kagabi, Yoona."

 

Tinanggal na ni Hyoyein ang pantaas niya, inilagay niya sa loud speaker ang cell phone at ipinatong sa lababong tuyo para kahit habang nag huhubad siya, napapakinggan niya sinasabi ni Yoona sakaniya. Abot pa rin ng salamin ang itaas na katawan ni Hyoyeon.

 

(Baka ma weirdohan kayo saakin sa mga sumusunod lol)

 

Wala siyang suot na bra at sa nakikita niya, namamaga ang kanyang dalawang hinaharap. Mapapansin ang pamamaga nito, namumula ng sobra at yung dalawang maiitim na tuldok, nanakit. Hindi niya nagugustuhan ang pakiramdam. Sa leeg niya, may makikita kang markang paikot. Sa dibdib niya, may makikita kang iba't ibang haba ng sugat. Laking tuwa na lang ni Hyoyeon na naitatago iyon ng kanyang uniporme. Kung titingnan ang sikmura niya at tiyan niya, nandon pa rin yung abs niya. Pero kahit na ganon, may mga iba't ibang klase ng sugat at pasa rin ito.

 

"Alam 'ko Hyo. Pero way rin 'to para malagpasan mo takot mo, pati makalimutan mo problema mo."

 

Narinig Hyoyeon na mag salita si Yoona habang inaaninag niya katawan niya. Problema? Kung tutuusin nandon nga mismo ang isa sa pinoproblema niya. Si Kim Jongin.

 

"Problema ko? Takte, andiyan si Kai."

 

Ibinaba niya ang pambaba niya at inilagay lang sa isang basket sa gilid. Naka pa rin naman siya, pero kung titingnan niya ang ibabang parte ng katawan niya, makikita mo yung mga muscle ng binti't hita niya. Yung tuhod niyang mapuputi pero puro gasgas.

 

"Edi tama nga ako?"

 

Wala namang nag sabing mali siya.

 

"Tama ka, Yoona. Pero may hindi ka pa kasi alam."

 

May bakat rin ang ankle ng paa niya, namumula ang binti niya dahil rin siguro sa matinding puwersa na naranasan niya dito. Hirap siyang mag lakad, sino ba namang hindi mahihirapan mag lakad 'don.

 

"Edi ipaalam mo."

 

Hindi pa nga kasi kailangan malaman ni Yoona, ang kulit lang talaga ng bestfriend niya.

 

"Hindi pa ito yung tamang panahon."

 

Hinubad na rin ni Hyoyeon ang niya. Dito, nakita niya ang ari niya. Yung aring pinoprotektahan niya, yung aring meron rin ang mga ibang babae, pero iba ang kanya. Yung aring kahit gaano niya kagustong alagaan, hindi na niya magawa. Masakit iyon, sobrang sakit. Sa loob at labas. Hindi niya inaakalang magiging ganon pala ang pakiramdam mag karoon ng ganyang ari. Minsan natatanong niya sa sarili niya, ano nga bang pakiramdam kung mag karoon siya ng ari ng lalaki?

 

"Mamili ka na lang. Hihintayin ko text mo hanggang ala una. Text mo 'ko pag susunduin na kita."

 

Binato niya ang niya sa basket, kasama rin ng naiwan niyang sando sa sahig. Inilakad niya ang paa niya sa malamig na sahig ng kobeta. Araw-araw ganito ang buhay niya. May pera siya, marangya ang buhay niya. Pero hindi alam ng ibang tao kung ano nga ba talaga nararamdaman niya.

 

"Pupunta na ako."

 

Bilang bestfriend ni Hyoyeon si Yoona, si Yoona ang unang naka alam. Pero hindi pa rin kinaya ni Hyoyeon ang bigat ng problema.

 

"Love you, Hyo."

 

Tumulo ang luha ni Hyoyeon. Tumulo ang luha niya sa maganda niyang pisngi na pinipilit niyang pangit. Tumilo ang luha niya dahil sa sakit ng nararamdaman niya. Sa bigat ng nararamdaman niya.

 

"Oo na, love you."

 

Tinapos na ni Yoona ang tawag.

 

Sa bawat hakbang na kinukuha niya, siyang pag patak ng luha niya. Hirap na hirap na siya, pero wala siyang mahingian ng tulong. Siya si Kim Hyoyeon, kapatid ni Kwon Boa, na dati ay Kim Boa. Siya si Kim Hyoyeon, anak ng tatay at nanay niya, pero kailanman, hindi naging anak ang turing sakaniya.

 

Siya si Kim Hyoyeon, ang babaeng baliw na baliw kay Kai. Siya si Kim Hyoyeon, ang babaeng sinaktan at pinaiyak ng sobra ni Kai. Siya si Kim Hyoyeon, blonde ang kanyang buhok, makikita mo ang laki ng dibdib niya, laki ng pwet niya. Liit ng bewang niya, ganda ng mukha niya. Perpekto ang mukha't katawan niya, perpekto ang pag sayaw niya. Makikita mo ang buong ganda niya, pero lahat ng 'yon natatakpan ng pasa at sugat. Sakit at problema.

 

At tanging pulbos lang ang makakapag tanggal ng sugat at pasa na 'yon.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.