Chapter 2

Gray

Napatigil naman ako sandali sa narinig ko pero sigurado naman akong hindi ko pinahalata iyon at tinuloy ko pa rin ang pag higa ko.

 

Hindi ako nag salita at hindi rin siya nag salita.

 

Si Yoona naman tinitingnan kami pasalit-salit, siguro inaasahan na ang isa saamin ay mag sasalita pero wala.

 

"So ganito na lang tayo? Mananahimik lang kayo?"

 

Pag uumpisa naman ni Yoona.

 

Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya saaming dalawa na pasalit-salit. Pero di nag tagal ay tumingin na rin siya kay Sehun. Alam niyang hindi naman ako mag sasalita dahil ayoko.

 

"Pero anong meron? Bakit mo siya sinundan?"

 

At dahil kay Yoona ako nakatingin, tiningnan ko naman patagilid si Sehun para makita ko kung may mababago nga ba sa ekspresiyon na ipinapakita niya pero wala pa rin akong nakita. Ano nga bang aasahan ko?

 

"Trip ko lang."

 

Hindi ko alam kung nakatingin ba siya kay Yoona, nakatitig o kaya'y nakatingin lang sa likuran ni Yoona. Pakiramdam ko ay wala naman talaga siyang tinitingnan, naka harap lang talaga siya kay Yoona.

 

Yung mga tingin niya ay para bang wala siyang interes sa sinasabi niya.

 

"Hindi ka ganyan Sehun, anong nangyari sa'yo?"

 

Lumapit naman si Yoona kay Sehun at hinawakan ang noo nito.

 

Close pala sila?

 

Tinabig naman ni Sehun ang kamay ni Yoona at tagos nanaman ang pag kakatingin niya rito.

 

"Wag ka ngang oa. Natutulog kasi ako dito kasi walang mga babaeng dito, pero dumating kayo at ang ingay-ingay niyo kaya malamang sa malamang ay nagising ako."

 

Napalayo naman si Yoona kay Sehun at inirapan niya ito. Sabi na nga ba eh, hindi totoo.

 

Ibinalik ko naman ang tingin ko sa langit.

 

Hahayaan ko na lang silang dalawa mag bangayan. Wala na akong panahon para makisali sa pag babangayan na iyan.

 

"Si Luhan hyung nga?"

 

Narinig ko namang sabi ni Sehun kay Yoona.

 

Sa onse naman na kasama niya sa barkada yung Luhan agad? Gwapo ba talaga iyon?

 

"Hindi nga."

 

Maririnig mo ang pag kairita sa boses ni Yoona. Typical of Yoona.

 

Naramdaman ko namang kinalabit ako ni Yoona kaya napatingin ako sakaniya.

 

"Bakit?"

 

Mahinang tanong ko.

 

Tutal malapit lang naman siya saakin kaya't narinig niya agad ako. Tahimik rin ang paligid.

 

"Iwan ko na kayo dito."

 

Sabay ngiti niya nanaman saakin.

 

Nagulat ako sa sinabi niya. Iiwan niya ako kasama ni Sehun? Sigurado ba siya? Hindi nga kami mag kausap-usap ng maayos ni Sehun, iiwan niya pa ako kasama yan?

 

Napaupo naman ako bigla at hinawakan ang kamay niya.

 

Ayokong maiwan kasama 'to.

 

"Saan ka pupunta?"

 

Napatawa naman si Yoona sa reaksyon ko.

 

"Palayo sainyo."

 

Tinanggal niya yung pag kakahawak ko sa kamay niya.

 

Tumayo na rin siya at pinagpag palda niya.

 

Nag madali rin naman ako tumayo at hinablot ang bag ko.

 

Mukhang iiwan niya talaga ako.

 

"Bakit naman?"

 

Tumalikod na siya saakin. Lumapit naman ako lalo sakaniya. Ayoko talagang maiwan dito.

 

"Para naman mawala awkwardness niyo."

 

"Ayoko, dito ka lang."

 

Hinawakan ko ulit braso niya. Grabe 'tong si Yoona. 

 

Alam niyang ayokong maiwan kasama ang mga lalaki.

 

"Kailangan mo 'to Hyo."

 

"Sama na lang ako sa'yo."

 

Lumingon naman siya saakin at makikita mo nanaman yung kakaibang ngiti niya. Sabi na nga ba may plano nanaman 'to eh. Ibinaba niya ang kamay ko galing sa braso niya.

 

"Hindi pwede."

 

"Kung mag iingay kayong dalawa, pwede bang lumayo na kayo saakin?"

 

Napatingin naman ako sa kanan ko. Nakita ko nanaman yung poker face niyang ekspresiyon. Nakahiga na rin siya sa lapag.

 

Ginawa ko namang tiyansa yun para makasama ako kay Yoona sa pag takas.

 

"Oh Yoona pinapaalis na tayo."

 

Kaso pag lingon ko, malayo na siya saamin. Bakit ba kasi ang bilis tumakbo nito ni Yoona? Pinag iisipan ko pa kung hahabulin ko nga ba o hindi.

 

"."

 

Hindi ko na rin binalak na habulin si Yoona dahil sigurado naman akong mas bibilisan niya pang tumakbo. Ayoko ng mapagod. Titiisin ko na lang ang pag tulog dito kasama si Sehun kesa mapagod ako. Masakit pa katawan ko ngayon.

 

Umupo na ulit ako.

 

"Kim Hyoyeon ssi, wala akong gagawing masama."

 

Nakita ko namang tiningnan niya ako patagilid.

 

"Pwera na lang kung gusto mong may gawin ako."

 

Napa buntong hininga naman ako sa sinabi niya.

 

Kaya ayokong maiwan kasama ito eh.

 

"Oh Sehun ssi, wala naman akong sinabi na may gagawin kang masama. O baka naman plano mo na talaga iyon?"

 

Ginaya ko lang rin naman ang pag sabi niya ng ssi.

 

Inilagay ko ulit ang bag ko sa lapag para gawin kong unan ko.

 

"Gusto mo ba?"

 

Mahinang tanong niya.

 

Paanong hindi ko maririnig? Kami lang namang dalawa dito.

 

"Hindi eh."

 

Humiga na ako at ipinikit ang mga mata ko.

 

Sinigurado ko na ring nakasara ang legs ko para hindi ako makitaan ng kung ano mang makikita saakin. Puro concealer lang rin naman ang makikita nila dito.

 

"Tsk."

 

Pinabayaan ko na lang ang sinabi niya. Walang mangyayari saaming dalawa kung sasagutin ko pa iyon.

 

Nabalot lang naman ulit kaming dalawa ng katahimikan. Mukhang hindi rin naman kami magiging mag kaibigan nito ni Sehun dahil hindi kami laging nag kakasundo.

 

Naramdaman kong may lumapit saakin at dahil sa amoy nito nalaman kong si Sehun agad iyon pero hindi ko inimulat ang mga mata ko. Gusto ko lang talagang matulog dahil kulang rin ako sa tulog kagabi.

 

May naramdaman naman ako ngayon na mainit na pakiramdam sa legs ko, parang may damit na nakapatong.

 

"Oh my God girl! Why is she with our Sehun oppa?!"

 

Napamulat naman ako sa narinig kong sigaw. Hindi nga ata sigaw eh, tili.

 

Malayo yung sigaw pero ang lalakas kasi ng boses.

 

Akala ko ba tago 'tong lugar na ito?

 

Umupo agad ako at tiningnan ko kung ano nga ba yung mainit na pakiramdam sa legs ko. May nakalagay rito na coat. Yung pang pasok.

 

"Punyetang mga stalkers."

 

Mahinang bulong niya.

 

Tiningnan ko naman siya, mag katabi lang naman kami.

 

Sakaniya siguro yung coat na nakalagay sa legs ko, wala siyang coat na suot. At siya lang rin naman ang kasama 'ko dito.

 

Kinuha ko naman yung coat at ibinalik ko sakaniya, hinawakan niya lang naman ulit yung coat gamit ang isa niyang kamay.

 

"Ngayon ka lang namin nakita! Sino ka?!"

 

Napalingon naman ulit ako sa mga sumigaw, saakin sila ngayon nakatingin. Fangirls ni Sehun.

 

"Eh kayo, sino kayo?"

 

Hindi ko naman sinabi ito in a rude way, nag tatanong ako. Maayos naman siguro.

 

"Aba sumasagot ka!"

 

Nag lakad naman yung dalawang babae palapit saakin. Tiningnan ko lang sila, hindi naman sila ganon kagandahan. Sadyang napalamutian lang ng mga make up sa mukha. Hindi rin naman ako natatakot kahit na nakakatakot ang mukha nung dalawang babae. Wala naman akong ginawang masama.

 

"Paanong hindi ako sasagot? Patanong yung sinabi mo kanina."

 

Tinitigan ko pa rin yung dalawa sa mata.

 

Inirapan naman ako nung isa at humarap kay Sehun na katabi ko ngayon.

 

Lumuhod naman yung dalawa at hinawakan si Sehun.

 

"Sehun oppa! Help us!"

 

Tiningnan lang ni Sehun yung apat na kamay na nakahawak sa binti niya at tinabig ito.

 

" off."

 

Pinanood ko lang yung nangyayari sa harapan ko.

 

Pero para hindi na siya istorbohin nung dalawang fangirls niya, lalayo na ako. Ayoko rin naman talaga dito.

 

"He's so gwapo talaga when he's cursing!"

 

Pero sasang ayon naman ako sa sinabi nung isa niyang fangirl. Gwapo nga naman.

 

Tumayo ulit ako at pinagpag yung mga bagay na dapat ipagpag. Kinuha ko na rin yung bag ko at isinukbit ko sa likod ko.

 

Mag lalakad na sana ako, nakuha ko na yung isang hakbang ko ng maputol ito ng isang hila nanaman at pag hawak sa pulso. Nanaman.

 

"San ka pupunta?"

 

Nakaharap siya sa mga fangirls niya kaya tiningnan niya lang ako patagilid.

 

"Papalayo sa'yo."

 

Pinipilit kong tanggalin ang pag kakahawak niya kaso mas hinigpitan niya. Sumasakit na rin kasi.

 

"Dumito ka na muna."

 

Iniiwas niya naman ang tingin niya saakin at tumingin nanaman dun sa dalawang babae sa harap niya. Makikita mo namang nababaliw na yung dalawa sa kilig at yung mapula na nilang pisngi ay mas naging mapula pa.

 

Inirapan ko naman ang nakikita ko. Nandidiri ako.

 

"Bakit?"

 

"Ikaw lang ang ka una-unahang babaeng sinamahan ko ng ganitong katagal kaya dapat mag pasalamat ka."

 

Hinila niya naman ulit ako at wala na akong nagawa kundi mapaupo nanaman sa tabi niya. Muntikan na nga akong madapa pero buti na lang at hawak niya ako.

 

"Thank you? Pwede na ba ako umalis?"

 

Nag papasalamat ako dahil nga ang sabi niya mag pasalamat ako para naman mabilis na, hindi yung nag sasagutan pa kami ng nag sasagutan. Siguro, pati na rin dun sa pag alalay niya saakin.

 

At kahit na nakaupo na ako, hawak hawak niya pa rin yung pulso ko. Pilit ko mang tanggalin ay mas hinihigpitan niya ang pag hawak rito. Uulitin ko, masakit na.

 

"Dumito ka na nga muna."

 

Hindi pa rin siya tumitingin saakin habang ako nakaharap sa side view ng mukha niya dahil hinila niya nga ako.

 

Inayos ko naman ang upo ko at hinayaan lang siyang hawakan ang pulso ko dahil pag tinatanggal ko, mas humihigpit, sumasakit. May pasa pa naman yun.

 

"Sehun oppa, why are you holding her hand?!"

 

Tinuro naman nung isa yung kamay ni Sehun sa pulso ko.

 

Anong 'holding her hand'? Hindi naman kamay 'to. Pulso okay, pulso. At dahil mabait ako, tiningnan ko lang yung dalawa na baliw kay Sehun at hindi ako nag patinag sa kinauupuan ko dahil iba nanaman ang tingin nilang dalawa saakin. Mukhang may haters na agad ako.

 

"Didn't I told you two to off?"

 

At mula kanina, hindi pa rin nag babago ang mukha ni Sehun, mapungay pa rin ang mata niyang nakatingin dun sa dalawa. At kahit nag mura siya, o kaya ay pinaalis niya yung dalawa, mas natuwa naman yung dalawa.

 

Napa kibit balikat na lang ako sakanilang dalawa at nakita ko namang napansin nila yun. Humarap

 

"Malandi ka!"

 

Oo na, ako na malandi.

 

Dinuro naman nila ulit ako at lumayas na.

 

Tiningnan ko naman ulit yung pag hawak ni Sehun sa pulso ko. Sumasakit na nga kasi yung mga pasa ko.

 

"Maganda sana kung bibitawan mo na ko."

 

Tiningnan niya naman yung mata ko tapos diniretso niya sa kamay niya at kamay ko. Binitiwan niya naman pero hinawakan yung isa kong daliri pataas.

 

"Wag kang kiligin."

 

Hinila ko naman pababa yung daliri ko.

 

Bakit naman ako kikiligin?

 

"Oh? Okay?"

 

"Bakit may pasa?"

 

Napansin niya pala yung mga pasa. Akala ko nalagyan ko ng concealer na maayos yung mga pasa. Halata pa rin pa pala.

 

Tinaas ko naman yung kamay ko at tiningnan, nabura siguro sa pag hawak niya.

 

"Sinapak ko lang."

 

Simpleng pag dadahilan ko.

 

Pero halata namang hindi siya naniniwala.

 

"Ikaw ang gumawa?"

 

Hinawakan niya naman ulit yung daliri ko pataas, tinuro niya yung pasa sa braso ko.

 

"Oo."

 

Naningkit ang mga mata niya pero nananatili pa rin ang pagiging blanko ng mukha niya.

 

"Maski binti mo, meron."

 

"Tiningnan mo?"

 

Nag kibit balikat lang siya at ibinato nanaman saakin yung coat na hawak niya.

 

Tiningnan ko naman yung coat na ibinato niya, ano pa bang gagawin ko dito?

 

"Sa susunod pag hihiga ka, balutin mo legs mo."

 

"Tiningnan mo nga?"

 

Pero hindi na rin siya naka sagot dahil nag bell na. Nagulat naman ako sa bell kaya't tumayo agad ako dahil ayokong ma late. Mabait naman siguro akong estudyante kahit papaano.

 

"Mamaya ka na pumasok."

 

Hinila niya nanaman yung braso ko paupo.

 

Nag sasawa na ako, kanina pa niya ako hinihila ng hinihila.

 

"Nag bell na, ayokong ma late."

 

Irita ko namang sagot sakaniya pero wala pa rin siyang pake.

 

"Hindi ka naman papagalitan."

 

"New student ako na ngayon lang pumasok, ayokong ma doble yung sermon."

 

Tumayo naman ako ulit para hilain niya ulit. Ayoko na, suko na ako.

 

"Sabay na nga tayo."

 

"Ayoko, strikto daw yung unang teacher."

 

"Ako ng bahala sa'yo."

 

Nanahimik naman ako sa sinabi niya.

 

Hawak niya pa rin yung pulso ko.

 

*

 

Nag lalakad kami ngayon ni Sehun papunta sa classroom. At dahil nga sabi niya siya na bahala saakin, ang ibig sabihin mag kaklase kami diba? Sabi rin naman ni Yoona sa text na mag kakasama nga raw kaming tatlo sa room pero nauna na raw siya.

 

"Ako na sasagot sa mga tanong."

 

Kanina naman ay nag usap na kami, pero sa totoo lang, nag aaway pa rin kami. Baka nga hindi talaga kami mag kasundo nito.

 

At mukhang paborito rin si Sehun nung teacher namin kaya ganyan siya umasta.

 

"Bakit?"

 

Hinila niya na braso ko at binuksan ang pinto.

 

"Basta."

 

Nauna siyang pumasok habang ako, hawak hawak niya pa rin sa braso.

 

"Ilang minuto na kayong late?"

 

Tiningnan muna nung guro si Sehun pag tapos ay saakin naman siya tumingin.

 

Sasagot na sana ako ng hinila ni Sehun yung kamay ko at tiningnan kung anong oras na nga ba sa relo ko.

 

Iniangat niya naman yung tingin niya at tumingin dun sa teacher na babae.

 

"28 minutes po. To be exact, 28 minutes and 12 seconds. At ngayong natapos na po akong mag salita, 16 seconds na po."

 

Nakita ko namang namula yung teacher.

 

Saakin naman siya tumingin at halatang galit. So, saakin lang siya galit?

 

"Ngayon lang kita nakita."

 

Mag sasalita na sana ulit ako ng inunahan nanaman ako ni Sehun.

 

"Ngayon lang po siya pumasok."

 

"Bakit?"

 

Hindi pa rin tumitingin yung teacher kay Sehun at saakin lang nakatingin. Kahit naman na gusto kong sagutin yung mga katanungan niya ay hindi ko magawa.

 

"Gusto niya."

 

Pabastos man yung sagot ni Sehun ay okay lang para dun sa guro. Tama nga ako ng hinala, paborito nga siya nung teacher. Lumapit naman yung teacher saamin. Ay mali, kay Sehun lang.

 

Nananahimik lang ako dito sa gilid dahil pag gugustuhin ko mang sumagot ay hindi naman ako hinahayaan ni Sehun, sayang lang enerhiya ko. Edi pabayaan ko na lang si Sehun.

 

"Okay, ipakilala mo siya saakin, Sehunie."

 

Tumingin naman ng patigilid si Sehun at kinalabit yung bewang ko. Yung tingin na para bang nag sasabing ako na ang mag pakilala sa sarili ko.

 

Bumuntong hininga muna ako bago nag salita.

 

"Kim Hyoyeon."

 

Nag bow naman ako sa harapan nung teacher. At kahit na mukhang ayaw niya saakin, respeto pa rin.

 

"Ang sabi ko si Sehun, hindi ikaw Hyoyeon."

 

Inirapan naman ako nung teacher.

 

"Ayon po sa pangangalabit ni Sehun, inaatasan niya akong ako mismo ang mag pakilala sa sarili ko." 

 

Namula naman yung guro sa sinabi ko, galit nga talaga. Pero sabi ni Sehun, siya bahala, edi okay, hayaan ko siya.

 

"Aba, bago ka pa lang dito, ganyan na agad ugali mo?"

 

Dinuro-duro niya naman ako. How pathetic, sanay na ako.

 

"Ako po ang nag sabi sakaniya."

 

At nung mag salita 'tong si Sehun, naging normal naman ang mukha niya. Sa gwapo lang pala mabait.

 

"Ganon ba Sehunie?"

 

Sehunie? What the actual ?

 

"Sige, maupo na kayong dalawa."

 

Nag bow naman ulit ako sa harapan niya at mag lalakad na papunta kay Yoona na nasa dulo. May bakante kasing upuan doon at tinuturo ni Yoona. Pero bago pa ako makapag lakad papunta doon ay nahila nanaman ako.

 

Hindi ko na kailangang isipin kung sino dahil kilala ko na 'to.

 

"Sumama ka sakin."

 

Mahinang bulong niya.

 

Dinala niya ako sa isang upuan na bakante. Sa kaliwa nung bakanteng upuan na iyon ay bintana at sa kanan ay isang babaeng nakatitig lang kay Sehun. Aasahan niya talaga akong umupo kasama yang babaeng yan?

 

Ang paligid naman namin ay tahimik. Siguro dahil new student ako at ang sabi nga saakin ni Yoona matalino 'tong si Sehun, mukhang unang beses ma late. Pero mukhang sanay na 'tong lalaking 'to eh.

 

Tiningnan ko naman si Yoona na nag papakitang hindi niya rin alam kung anong nangyayari. Tiningnan ko yung mga tao dito, lahat ng babae nakatingin saakin. Binubutas nila ang kaluluwa ko ngayon.

 

Ano ba 'tong pinasok ko?

 

"Hi, Taeyeon? Tama ba?"

 

Nagulat naman ako ng marinig kong nag salita si Sehun.

 

Kausap niya yung babaeng sabi kong grabe makatitig sakaniya. Nag papacute yung babae sakaniya, kasura.

 

"Yes oppa!"

 

Kinikilig-kilig pang sabi nitong Taeyeon na 'to kay Sehun.

 

"Dun ka na lang sa tabi ni Yoona."

 

Blanko lang ang mukha ni Sehun, kahit na nang hihingi siya ng pabor.

 

"Bakit oppa?"

 

"Please."

 

Blanko pa rin yun mukha niya.

 

"Sige oppa!"

 

Agad naman na tumayo yung Taeyeon sa kinauupuan niya at lumapit kay Yoona. Sa upuan sa tabi ni Yooba. Tiningnan ko naman si Yoona, nakita kong nanlaki ang mata niya dahil sa makakatabi niya, panigurado.

 

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung bakit nga ba ako hila-hila ngayon ni Sehun.

 

"Oh Sehun!"

 

Tumayo si Yoona at sumigaw. Alam ko na, ayaw niya sa makakatabi niya.

 

"Hmm?"

 

Sagot ni Sehun ka na hindi niya pa ito tinitingnan.

 

Tinanggal naman na ni Sehun yung pag kakahawak niya saakin at hinila yung bag ko sa likod. Ipinatong niya dun sa upuan nung Taeyeon na iyon. Dito niya ako pauupuin?

 

"Ano 'to? Ayokong makatabi yan."

 

Dinuro pa ni Yoona si Taeyeon.

 

"Ayoko ring makatabi yan. Kaya mo yan."

 

Kalmadong sagot ni Sehun kay Yoona.

 

Bumunting hininga lang si Yoona. Mukhang walang palag kay Sehun.

 

"Upo."

 

Umupo naman si Sehun dun sa upuan tabi ng bintana. Dito talaga ako uupo?

 

"Kay Yoona ako."

 

"Diyan ka na umupo."

 

"Ayoko."

 

Pag tatanggi ko.

 

Kung sa tabi niya ako uupo, papatayin ako ng mga babae nito.

 

"Witwew Sehunie! Sawakas may girlfriend ka na!"

 

May sumigaw naman sa likod ko na lalaki. Girlfriend? Amp.

 

Nilingon ko naman. Lahat pa rin ng tao tahimik. Yung teacher naman na nagagalit saamin kanina, saakin pala, nakatitig pa rin kay Sehun.

 

"Mukha ko ba 'tong girlfriend?"

 

Hinila naman ulit ako ni Sehun paupo. Wala na akong choice.

 

Nag iinit na mukha ko pero ayokong ipakita.

 

"Chanyeol oppa!"

 

Sigaw ni Yoona. Tama Yoona, pag tanggol mo ko. Tiningnan ko naman si Yoona.

 

"Bakit Yoona? Totoo ba?"

 

Tumawa naman si Yoona sa sinabi nung Chanyeol na iyon. Mukhang nag kaintindihan yung dalawa kaya't tumawa rin yung Chanyeol na sinasabi ni Yoona.

 

Akala ko ba ipagtatanggol niya ako?!

 

"Kai! Kai!"

 

May isa nanamang sumigaw. Tiningnan ko naman kung sino nga ba yung Kai na iyon. Pati na rin yung sumisigaw ng 'Kai'. Katabi lang iyon ni Yoona sa kanan niya. Natutulog ata.

 

"Bakit hyung?"

 

Hindi niya pa rin tinataas yung mukha niya.

 

Pamilyar ang boses niya.

 

"May girlfriend na bestfriend mo!"

 

At dahil sa sinabi nung isang lalaki sa tabi niya na mukhang babae na sumigaw kanina ng 'Kai', napaangat naman ang mukha niya.

 

"Si Sehunie? Asan?"

 

Nagulat ako sa nakita ko. Kim Jongin. That guy is Kim ing Jongin. Nag init ang ulo sa nakikita ko.

 

Walang nag sabi saakin na nandito pala yang lalaking yan.

 

Natulala lang ako sa nakita ko. Bakit nandito pa siya?

 

Lahat ng bagay sa paligid ko ay parang tumigil. Hindi ako naiinlove, sigurado ako. Dahil nagagalit ako. Buhay pa yang lalaking yan? Akala ko ba hindi na mag papakita saakin yan?

 

"Oh. Hi!"

 

Tinaas niya ang kamay niya na para bang wala siyang ginawang masama saakin. Hi? Yun lang sasabihin niya? Tsk.

 

Pero, hindi pa rin nag babago ang mukha niya. Hindi pa rin.

 

Nag kunwari akong okay.

 

"Hi."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.