Chapter 34

Gray

Isang magandang umaga kung iisipin ni Baekhyun. Bakit? Syempre, excited na excited siya dahil gumising pa siya ng madaling araw magawa lang 'tong ibibigay niya mamaya kay Hyoyeon. Kung sa mga anime, babae ang nag bibigay ng chocolates, para naman sakaniya ay walang problema 'don dahil tutal inaasar na rin naman na siyang bakla ng mga tropa niya, edi pangatawan na niya, diba? May pakembot-kembot pa siyang nalalaman habang masayang bitbit sa kamay niya ang chocolate na nakabalot ng panyo pero ng mapansin niya ang presensya ni Luhan sa harapan niya tinago niya agad 'to at umirap.

Bakit nanaman nandito raw 'yang si Luhan? Bitbit niya ang bagpack niya sa braso niya at tinakbo ang Luhan na naglalakad habang may nakasalpak na earphones sa kanyang tenga.

"Hoy, hyung!" Sabay palo niya ng malakas sa likod ni Luhan dahilan para pakyuhin siya ni Luhan at tanggalin ang naka salpak na earphones sa kanyang tenga, "Ano bang problema mong bakla ka?" Oo nga naman, ano bang problema niya?

"Wala hyung para 'tong engot eh. Sabay na tayo, ayaw mo ba?" Kunwaring nag mumukmok pa si Baekhyun na inilingan lang ni Luhan ng ulo at nag patuloy lang sa pag lalakad.

Wala sa mood si Luhan, pwede ba. Sabagay, kelan nga ba niya kinausap si Baekhyun ng nasa mood siya?

Isa lang ang nasa utak ngayon ni Luhan, first come, first serve. Pipilitin niyang mauna- ay hindi, mauuna siya. Alam niyang mauuna siya.

Kating-kati na ang mga paa ni Jessica habang tinatakbo ang gawi ng matalik na magkaibigang si Yoona at Hyoyeon na kasalukuyang nag tutugisan dahil sa kagustuhan ni Yoona na matulog sa bahay ni Hyoyeon. Kelan rin ba pinayagan ni Hyoyeon na matulog si Yoona sa bahay nila? Naka simangot na si Yoona at si Hyoyeon naman ay bumuntong hininga lang.

"Bawal nga Yoona," mahinahon niyang salita sa matangkad na kasama niya at tumingin sa harapan kung saan nakita niya si Jessicang nag lalakad ng mabilis papunta sakanila.

"Ilang taon ng bawal eh," sabay yakap ni Yoona sa bewang ni Hyoyeonn, "Dali na, please," at nag sama pa ng pa-cute na mga mata.

Isa nanamang panibagong buntong hininga ang natanggap ni Yoona mula kay Hyoyeon at tuluyan na siyang nawalan ng pag asa. Hindi niya pa rin napapansin si Jessica na nag mamartsya papunta sakanila habang si Yoona ay naka ngusong may dabog na nag lalakad. Natatawa na lamang si Jessica sa pag mumukha ni Yoona ngunit nawala rin ang tawa niya ng maalala niya ang purpose niya kung bakit nga ba siya tumigil dito sa harapan ng dalawa.

"Sumama kayong dalawa sakin," hinihingal na utos ni Jessica sa dalawa at huminto rin naman ang dalawa ng marinig nila ang boses ni Jessica.

Napa angat ang ulo ni Yoona at nabuhayan ng dugo dahil sa sinabi ni Jessica. Hindi pa naman start ng klase nila at kung mag pagkakataong mag cut ng klase, bakit naman hindi diba? Pinayagan ba siya ni Kyungsoo? Hindi.

Tiningnan lamang ni Hyoyeon si Jessica at nag patuloy ulit mag lakad, gamit ang mga mata niya ay naaninagan niya si Suho at Chanyeol sa canteen tsaka niya naalala. Nasaan si Yixing? Aligaga ang mata niya at hindi na napapansin ang pinagsasasabi ni Jessica sa tabi niya. Tiningnan niya ang kailalim-laliman ng canteen, maski ang iba't ibang grupo ng mga estudyante ay tiningnan na niya, wala siyang nahanap na Yixing.

"Ay ganon ba? Sige! Excited na 'ko hihi." Masayang sambit ni Yoona sa aya ni Jessica na kumain sa canteen, iniikot na niya ang kanyang braso sa braso ni Hyoyeon at sinimulan na itong hilalin.

Sinipa ni Yixing ang batong nakikita niya sa paanan niya at napunta ito sa tapat niyang muli. Sinipa niya ng sinipa, may malaro lang. Buryong na buryong siya sa sarili niya. Ni wala nga siyang magawa. Magawa? Sa sarili niya? Oo, wala. Para kay Hyoyeon? Oo, wala rin. Sino nga ba naman kasi nag sabi sakaniyang mag kunwaring si Lay para lang maging malapit kay Hyoyeon? Sino? Masapak nga niya.

Sa isang linggong hindi niya pag pasok, anong ginawa niya? Wala naman. Nag mukmok. Sumuko na siya diba? Ano pa ba dapat niyang gawin? Dapat ba niyang tularan si Baekhyun na binroadcast pa sakanilang dalawa ni Chanyeol ang pag gawa niya ng tsokolate?

Hindi niya nga rin alam kung bakit tinawagan pa silang dalawa ni Baekhyun kaninang umaga. Hindi niya rin alam kung bakit minura niya agad kanina si Baekhyun pag sagot niya ng tawag.

Teka- hindi niya nga ba talaga alam?

Malamang, alam na alam niya. Tangina ni Baekhyun. Gago siya. Punyeta lang. Iyan ang ilan sa mga binanggit niya kanina sa mic ng cell phone niya. Madaling araw 'yon, anong nais nito ni Baekhyun? Hindi na sila matulog para pakinggan lang 'yan katangahan niya kay Hyoyeon.

Naiinis siya? Oo, malamang.

Pero hindi kay Hyoyeon.

Sa sarili niya.

Ba't ba ngayon niya lang napagtanto na sobrang tanga na pala talaga niya. Ano nga namang panlaban niya kay Jongi- Kai, diba? Kay Sehun? Kahit hindi naman aminin ni Hyoyeon sakanila, kitang-kita ng mga mata niya, sa ilang taong pag sunod niya dito hindi pa ba niya malalaman kung paano umasta si Hyoyeon sa taong gusto niya? Alam na alam niya.

Pero bakit ganon?

Tanggap naman na niya eh, kaso ang sakit-sakit nga lang.

Bestfriend. Oo, putanginang bestfriend lang siya.

Ba't ba kasi kailangan pa nilang dumami ng dumami sa pila kay Hyoyeon. Siya ang unang-una, bakit ba hinayaan niya pang may sumingit sakaniya? Bakit?

Nasa kamay na niya, ba't ba pinakawalan niya pa?

Bakit ba hindi na lang siya?

Lay naman na siya ah? Parang si Jongin lang din, Kai na rin. Kailangan bang maging matigas rin siya tulad ni Sehun? Kailangan ba makuha niya rin ang pagmumukha gaya ng kay Luhan? Ano ba talaga?

At alam niyo, sa dinami-dami ng katanungan niya, isa lang naman talaga ang sagot eh.

Kasi si Yixing siya at hindi sila.

Natatawa na lang si Lay pag naiisip niya 'yon. Nag panggap na siyang bakla, pinasok niya ang mundong dati ay hindi niya kayang langhapin at ngayon? Ayan, sawing-sawi na siya. Ilang alak nga ba ang ininom niya sa loob ng pitong araw na 'yon? Ilang beses na ba siyang umuwi sa bahay nila ng puro galos ang katawan at pagmumukha niya? Ilang beses na ba niyang iniawit ang pangalan ni Hyoyeon sa tenga ng ibang babaeng kalampungan niya?

Ilan na ba?

May konting bahid ng luha ang namuo sa mga mata niya habang sinisipa niya pa rin ang bato sa paanan niya. Mas pinili niya na lang mag lakad sa init ng araw, kung pwede nga lang, hindi na talaga dapat siya papasok sa ngayon kaso nagalit na sakaniya si Yoona.

Nag paligoy-ligoy pa ang mga mata niya ng tumungo siya at kunin ang isang may katamtamang laki ng bato. Hinawak-hawakan niya ito at pinaglaruan, medyo matulis ang gilid nito, medyo nasasarapan nga siyang ihampas ito sa sarili niya eh.

Miserable siya ngayon. Sobra.

Ngayon na lang niya ulit naranasan ang ilang kamao sa sikmura, naranasan niyang maibunggo ang pinaka mamahal niyang sasakyan. Naranasan niyang tumibok muli ang puso niya, pero hindi dahil sa kilig, pero dahil sa kaba.

Kung alam lang ni Hyoyeon kung gaano siya kawalang-wala, siya naman ba ang lalapit sakaniya?

"Ako na lang Hyoyeon, please, ako na lang," sabay hagis niya ng malakas sa hawak niyang bato sa lapag.

Bitbit-bitbit ni Yoona ngayon si Hyoyeon habang si Jessica naman ay papunta sa gawi ng Girls' Generation na tropa ni Jessica. Takang napahinto si Yoona ng mapagtanto niyang dinala sila ni Jessica sa lugar ng Girls' Generation. Hindi naman sila nararapat 'don? Bakit sila nandon?

Tumayo ang Girls' Generation sa kinauupuan nila at humarap isa-isa sa gawi ng tatlo.

"Mga friends, ito ang bestfriends 'ko," turo ni Jessica kay Yoona nan aka bukas ang bibig at kay Hyoyeon na tinititigan si Sooyoung.

Hindi niya alam kung bakit niya tinititigan si Sooyoung, siguro kasi matangkad kaya ayun, nangingibabaw sa lahat. Tumingin naman ang anim sa gawi ng tatlo, nakangiti lang si Tiffany sa kanila at si Yuri sinisiko ngayon ang bewang ni Seohyun. Wala naman silang masamang reaskyon sa totoo lang, mukha ngang inaantay rin talaga nila ang pag dating ng tatlo dahil pinlano na nila ito kasama si Jessica.

"Gago ka Soo, ang ganda ni Yoona," bulong ni Sunny kay Sooyoung na pilit inaabot ang tenga ni Sooyoung dahil sa tangkad niya.

Umangat baba ang ulo ni Sooyoung at um-oo sa sinabi ni Sunny.

Nabalot lamang ng katahimikan ang pwesto nila, may ilang studyante naring nakatingin sa gawi nila at parang manghang-mangha na mag kasama ang mga babae ng Exo at Girls' Generation. Dahil wala naman rin yatang balak mag salita dahil nag tititigan lang sila, inumpisahan na ni Taeyeon, "So upo kayo?"

Napangiti si Yoona sa sinabi ni Taeyeon at naintindihan ang nangyayari, "Dami mong dama Jessica, sana sinabi mo na lang na may new friends pala," sabay hila ulit kay Hyoyeon paupo naman sa tabi niya.

Hanggang ngayon ay nag tataka pa rin si Hyoyeon sa nangyayari.

Walang ganang nag lalakad si Sehun sa loob ng campus nila, pinagkakaguluhan ng ilang estudyante at ang ilan ay kinukuhanan pa siya ng litrato. Parang ngayon lang nila nakita ito na pumasok ng puro pasa at galos ang mukha? Hindi na siya nag paikot-ikot pa at dumiretso sa lagi niyang tinatambayan, ang rooftop ng building nila.

Anong rason?

Matutulog na lang siya.

Imbes na mag pagulo siya sa ilang tawag ni Kai sakaniya, itutuloy niya na lang pag tulog niya. ilang beses na rin naman na niya ibinato ang cell phone niya sa tuwing nakikita niya ang pangalang 'Kai', mahimbing na nito ang tulog niya panigurado. Kung pwede nga lang, pinatay na sana niya si Kai.

Matalik na kaibigan? Oo, matalik. Pero hindi niya matalik na kaibigan ang nakita niya noong gabing iyon. Ibang Kai iyon, ibang-iba iyon. Hindi umiiyak si Kai. Hindi siya yayakapin ni Kai ng ganon. Hindi luluhod si Kai sa harapan niya. Hinding-hindi.

Si Jongin 'yon.

Bakit ba kasi kailangan niya pang mag kunwaring si Kai?

Bakit kailangan niya pang baguhin sarili niya?

Bakit kailangan niya pang iwan si Hyoyeon noon at saktan?

Bakit kailangan niya pang baguhin si Hyoyeon?

Ang dami niyang tanong na bakit, pero hindi kayang sagutin ni Kai maski ang isa sa mga 'yon. Hindi maintindihan ni Sehun, hinding-hindi niya maiintindihan si Kai. Kasi paano niya maiintindihan si Kai kung ayaw namang ipaintindi ni Kai sakaniya ang lahat ng nangyayari? Wanto sawang "I'm sorry," lang ang narinig niya, naging sagot sa lahat ng katanungan niya.

Tangina lang.

Ang galing, kaya niya pinabayaan si Hyoyeon kasi "I'm sorry"? Ang talino niyang gago siya.

Pero kahit na gago si Kai para sakaniya, wala ng mas gagago pa sa sarili niya.

"Bros before hoes," paulit-ulit nilang sinasabi sa isa't isa 'to. Bros before hoes pala ha? Kaya pala natutuwa siyang nagagalit si Hyoyeon sakaniya. Maniwala kayo. Hindi niya gustong agawin si Hyoyeon, wala namang may gustong mangyari ang lahat ng ito eh.

Ang masapakan sila? Satingin niyo ba ginusto niya 'to?

Hindi.

Siguro, ginawa niya 'yon kasi gusto niyang magising sa suntok ni Kai. Ipagsigawan ni Kai na kanya si Hyoyeon- pero hindi eh, hindi na kanya si Hyoyeon eh. Iniwan niya nga eh. Ano bang dinadama niya?

Dinadama niyang ang gago niya.

Ngayong alam na niya kung gaano kamahal ni Kai si Hyoyeon? Napagtanto ni Sehun na ang gago niya nga talaga. Napaka walang kwenta niyang kaibigan. Hindi niya magawang maiharap ang sarili niya sa buong Exo. Hindi niya magawang tingnan silang lahat sa mga mata.

Kailangan niya rin naman ng pagmamahal. Kailangan niya rin ng taong mamahalin.

Mali ba 'yon?

Mali bang umaasa siyang sana sumuko na si Kai kay Hyoyeon?

Gulong-gulo na siya.

At mas lalong gumulo ang utak niya ng makaramdam siya ng suntok sa pisngi niya.

Hindi pa ba tapos ang suntukan nila?

Matapos suntukin ni Kai ang pisngi ni Sehun, napangiti siya. Hindi yung ngiting nakakaasar, ito yung ngiting nakakalungkot tingnan. Tinitigan siya ni Sehun, dapat susuntukin niya rin 'to kasi tulad ni Sehun ng kailangan ng pampagising ngayon umaga, kailangan rin ni Kai ng suntok, upang magising na siya sa kahibangan niya.

"Kailangan ko rin bang alugin 'yang bungo mo?" Walang katono-tonong tanong ni Sehun sa matalik niyang kaibigan na pawala ng pawala ang ngiti sa labi.

Onti-onting napapaluhod si Kai sa harapan ni Sehun. Siya ang nag sabing matalik niya 'tong kaibigan pero bakit hindi niya nagawang sabihin dito ang totoo? Kasi siguro, alam niyang may nararamdaman si Sehun kay Hyoyeon? Oo nga 'no? Pero ano naman?

Kailangan niya si Sehun ngayon. Kailangan niya ng kaibigan ngayon. Nag mamakaawa na siya. Hindi na niya alam ang gagawin niya.

"Ba't mo kami pinaniwalang may amnesia ka?" Mahinang tugon ni Sehun sa imahe ni Kai na lumuhod sa harapan niya.

Pang ilang beses na nga ba narinig ni Kai 'yang katanungang iyan mula kay Sehun? Paulit-ulit ng tinatanong sakaniya pero hanggang ngayon hindi niya pa rin masagot. Pinaniwala niya ba talaga sila? O sarili niya ang pinaniniwala niya? Kung kaya niya lang burahin ang nakaraan niya, gagawin niya, pero hindi eh. Ang kaya niya lang burahin ay ang pagkatao niya bilang si Jongin at matapos niyang maging si Kai sa labas ng tirahan niya, sino na ba ulit siya?

Si Jongin nanaman. Yung Jongin na hindi na dapat nabuhay pa.

Nakakailang hampas na si Taemin sa batok ni Jongin dahil hindi 'to sumasagot sa katanungan niya. Simple lang naman ang gusto niya eh, hiwalayan niya si Hyoyeon. Anong rason? Wala lang. Trip niya lang. Hindi niya maintindihan kung ano bang nagustuhan ni Jongin sa Hyoyeon na 'yon eh. Sa mga mata niya, hindi naman siya ganon kagandahan. Kung tutuusin nga, sumikat lang dahil magaling sumayaw. 'Muse' kuno ng dance club.

"Sumagot ka pag kinakausap ka Kim Jongin," at panibagong hampas nanaman ngunit ngayon ay hindi na sa batok niya, sa ulo naman niya.

Kinlaadkad lang naman siya ni Taemin sa kwarto nito at sinimulan nanaman ang pang bubugbog sakaniya. Sabagay, simpleng hampas pa lang naman ang ginagawa ni Taemin ngayon pero hindi pa ito ang tunay na naranasan ni Jongin mula sa mga kamay na 'yon.

Walang alam ang Shinee sa lahat ng ganitong pangyayari. Walang lakas ng loob si Jongin na banggitin iyon. Hindi niya pwedeng banggitin kahit kanino, maski kay Hyoyeon, hindi pwede. Sa lahat ba naman kasi ng pwede niya pang maging step brother bakit si Taemin pa? Namimiss na ni Jongin ang kalayaan, gustong-gusto na niyang maasam. Sa loob ng ilang buwang pag mamanipula sakaniya ni Taemin, hindi pa ba siya nag sasawa ha?

Kitang-kita sa pagmumukha ni Taemin ang dilim ng kalangitan, walang ilaw na nakabukas sa kwarto at tanging kakaonting anino lang ang kanyang nasisilayan. Kumurba ng patulis ang labi ni Taemin habang pinapanuod ang nakababatang kapatid na nanginginig ang mga mata sa kanyang mga titig.

Gago, nakakatuwa naman 'to.

Kasalanan ba ni Taemin na malandi ang nanay ni Jongin at inasawa ang tatay niya? Kasalanan ba ni Taemin na galit na galit siya kay Jongin dahil nasa utak niya na dahil sa kanilang dalawa ng nanay niya ay namatay ang kaiisang babaeng pinangakuan niyang hindi niya 'to iiwan? Kasalanan ba niya ha?

Simple lang naman ang gusto ni Taemin. Hindi niya gusto ng mamahaling sasakyan, hindi niya gusto ng ilang babaeng winawalgas ang pera para lang maging maganda. Hindi niya gusto ng libo-libong damit at ari-arian. Hindi niya kailangan ng materyal na bagay o kung ano pa man. Ang kailangan niya, nanay niya.

Hindi sa paraan na pumasok siya ng kwarto nito para makita ang nanay niyang naka sabit gamit ang lubid sa kisame. Hindi sa ganong paraan. Hindi sa paraan na makita niya ang ilang bote ng pills para makita ang kabubukas lamang na nangalahati na ang laman. Putangina. Hindi sa ganong paraan. Hindi niya kailanman gugustuhin na umuwi ng bahay para madatnang nag pakamatay lang naman ang nanay niya dahil iniwan sila ng tatay niya para sa nanay ng Jongin na 'yan.

Nakita ng dalawang mata niya ang katawan ng nanay niyang nanlalamig dahil sa kakulangan sa hangin. Nakita ng dalawang mata niya ang pighati at sakit sa mukha nito habang ang akala ng nanay niya ay kamatayan ang solusyon sa lahat.

Sa paraang pinatay niya ang sarili niya ay parang pinatay na rin niya ang anak niya.

Parang pinatay niya na rin si Taemin gamit ang sarili niyang mga kamay.

Tinapos niya ang buhay niya pero hindi natapos ang problema niya. Naipasa pa.

Bakit?

Mapapakain ba si Taemin ng lubid na 'yan? Hindi diba?

Kaya bakit?

Bakit?!

"Hindi mo alam kung gaano 'ko kagustong laslasin ang leeg ng nanay mo, Jongin," sabay mahinang tawa niya, "Hindi mo alam kung gaano 'ko kagustong makita kang humandusay sa harapan ng patay na katawan ng nanay mo," sabay suntok niya naman sa sikmura ni Jonging napapangiwi na lamang sa sakit.

Lahat titiisin niya, 'wag lang madamay ang nanay niya. Lahat kaya niyang gawin, 'wag lang mawala ang ngiti sa mukha niya. 'Wag naman ang puno ng bungang siya.

Hinila muli siya ni Taemin paangat. Minsan nag tataka si Jongin kung paano nagkakaroon ito ng ganyang lakas pero hindi dapat siya mag taka ngayon dahil sa oras na mawala sa isipan niya kung ano ang nangyayari ngayon ay siyang bati nanaman sa sikmura niya ng kamao.

Ilang beses na ba siyang nag suka dahil dito? Hindi na rin niya mabilang, bakit ganon?

Naduduwal na siya sa totoo lang kaso alam niyang pag sinubukan niyang dumura ay dugo lang naman ang lalabas. 'Wag na lang.

"Hihiwalayan mo si Hyoyeon, alam 'kong gagawin mo 'yon dahil alam 'kong alam mo rin kung ano ang kaya 'kong gawin." Huling pangungusap na isinambit ni Taemin bago niya sinuntok ng napakalakas ang sikmura nito.

Binitiwan ni Taemin ang leeg ni Jongin at ibinagsak ang katawan nito sa sahig bago tuluyang iniwan si Jongin sa loob ng kwartong madilim.

Tama, alam na alam ni Jongin kung ano ang kaya niyang gawin. Kung nagawa nga niyang ipapatay ang nag iisang kaibigan ni Jongin, bakit pa siya mag tataka kung kaya nitong patayin si Hyoyeon o laslasin ang leeg ng nanay niya sa pag tulog?

Bakit ba naging kasalanan niya? Bakit ba lagi na lang siya? Bakit maski ang pagmamahalan ng magulang nilang dalawa ay naibubuntong sakaniya? Ano bang ginawa niyang masama?

Ngayon niya lang naramdaman 'to, wala siyang magawa.

Umubo siya ng tatlong beses at naramadamang may tumalsik na likido sa harapan niya, hindi na kailangan pang amuyin, nalalasahan niya na. Ang pait naman nito. Napatawa siya, tumawa ulit, hanggang sa patuloy ng patuloy ang tawa niya para makalimutan ang sakit.

Sakit ng dibdib, sakit ng sikmura, lalong-lalo na ng katawan.

Hanggang tawa na lang ba kaya niyang gawin?

Napaka walang silbi niya naman pala.

"Bakit hindi mo sinabi 'yang gago ka?" Galit na banggit ni Sehun matapos ikwento ni Kai ang nakaraan niya sakaniya.

Kahit na may kakarampot na luha ang namumuo sa mga mata niya, pinilit niyang iiwas sa mata ni Sehun iyon. Hindi pa tapos ang lahat eh, pero mukhang kailangan na niyang tapusin 'don. Hindi alam ni Kai kung paano niya tatapusin ang lahat sa tenga ni Sehun, hindi niya alam kung dapat pa ba niyang tapusin.

"Bakit 'ko sasabihin? Ako si Kai, hindi ako si Jongin. May amnesia si Jongin kaya ako si Kai," ngisi niya kay Sehun na ngayon ay titig na titig na sa mukha niya.

Ang mga markang ginawa niya kay Sehun ay nagingitim na, gayon din naman ang ginawang marka ni Sehun kay Kai. Nakakatawa lang para sakaniyang isipin na ginawa niya ang lahat ng 'yan dahil kailangan niya ng kaibigan. Ganon na pala talaga siya ka-miserable, ano?

"Kailangan mo pala ako, ba't hindi mo sinabi?"

"Kailangan mo rin sarili mo bro."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.