Chapter 23

Gray

"Mag hubad ka na kasi." Naasar ng reklamo ni Yoona kay Hyoyeon dahil literal na kanina niya pa 'tong pinipilit na mag hubad.

Wala naman silang gagawing masama, sadyang gusto niya lang ito pag hubarin, malamang nandon pa rin naman ang saplot sa kanyang dibdib at kaari-arian, para makita niya ang mga sugat, pasa at mga bakas ng kamalupitan sa katawan niya.

Gaya nga ng sabi ni Yoona, alam niya kung ano ang nangyayri at kung ano nga ba ang ginagawa kay Hyoyeon kaya't nilimitahan niya ang sarili niya patungkol dito. Kasi hanggang dito lang naman ang kaya niyang gawin.

Habang naasar itong si Yoona kay Hyoyeon, si Hyoyeon naman ay naiirita na rin. Sa lahat ba naman kasi ng lugar sa kusina siya pag huhubarin diba. Parang ewan rin talaga eh.

"Mamaya na kasi, mag luluto pa 'ko pagkain eh." Pilit na inaabot ni Hyoyeon ang cabinet sa itaas niya at dahil maliit siya hindi niya maabot malamang.

Pasimpleng tinawanan ni Yoona ang kaibigan at lumapit kay Hyoyeon para siya na ang kumuha ng dapat ay kukunin ni Hyoyeon. Pag tapos niyang kunin ay iniabot niya na sa maliit niyang kaibigan na naka poker face pa rin sakaniya dahil may ipinaglalaban pa rin nga.

"O sige Hyo, mamaya sa kwarto mo, mag hubad ka ha." Wala ng nagawa si Yoona kundi ang pumayag sa kagustuhan ni Hyoyeon dahil ayaw na niyang makipag away pa.

Dumiretso si Yoona sa upuan na malapit kay Hyoyeon dahil gusto niya pa rin itong kausapin kahit na may ginagawa ito dahil isa siyang dakilang pang gulo at natutuwa siyang makitang naiinis si Hyoyeon sakaniya.

Tumango na lang si Hyoyeon sinimulan na ang pag hihiwa ng mga kasangkapan, kung ano-ano na nga ang ipinahid niya sa manok at kung ano-ano ang ipinasok niya sa kaloob-looban 'non na hindi na matandaan ni Yoona dahil pakiramdam niya kung ano na lang ang madampot ni Hyoyeon ay siyang ipapasok niya at gagawing pam palasa.

Balisang naka tunganga si Sehun sa kawalan dahil gabi na at hindi niya pa nakikita si Hyoyeon ngayong araw. Gustuhin niya mang umuwi ay hindi niya rin magawa dahil nga wala naman siyang gagawin pag uwi, ang tanging misyon niya ngayon ay ang makita si Hyoyeon. Kung pwede nga lang ay sinundan niya na iyong si Yoona sa bahay ni Hyoyeon, eh kaso, oras nilang mag kaibigan iyon kaya't nirespeto niya ang pagkakataong iyon.

Tambay siya sa isang parke malapit sa tirahan ni Hyoyeon at nakaupo lang siya sa isang swing na malamig dahil isa itong metal. Palibhasa, gabi kaya't natural na malamig.

Dumukot siya ng isang lollipop sa bulsa niya at sinimulang balatan iyon bago ipinasok sa bibig niya at sinipsip. "Kaurat dito." Bulong niya pa sa sarili niya. Umirap pa at sinipa ang mga paa niya, itinusok ang ngipin sa matigas at matamis na bagay na nasa bibig niya at ilang saglit lang naka rinig siya ng tunog ng isang bagay na nasira.

Yung tamis at asim ng lollipop na kinakain niya ay dumaloy sa dila niya hanggang sa mapunta iyon sa kanyang lalamunan na kahit sa saglit na panahon lang ay nakaramdam siya ng sakit at para bang isang mahabang linya na gumuhit.

Gamit ang mga malalalim na salitang ginamit at pag bibigkas at pag iimahe ng nangyayari, may isang lalaki namang dumampot ng bato at dumiretso sa kanang bahagi ng lalaking nag mumuni-muni sa swing at binato niya ito.

Tumama sa binti niya at asar na tumingin si Sehun sa pinanggalingan.

"Anong kailangan mo naman ngayon ha?" Walang ganang bigkas niya at iwas ng tingin.

Tumawa lang ng mahina ang lalaki at dumiretso sa tabi ni Sehun.
 

Hingal-hingal pa itong dalawang lalaki na tumatakbo papunta sa kung saan man sila dalhin ng hawak nilang telepono dahil hindi talaga nila alam kung saan nga ba ang tirahan ni Hyoyeon. Ang naaalala lang nila ay ang eskinita pero hindi ang mismong lugar kaya't para silang ewang dalawa na paikot-ikot na nga at nag sisisihan dahil wala man lang sakanila ang handa.

"Ikaw nag balak sumugod tapos di mo alam kung saan, hyung." Paninisi ni Kyungsoo sa nakatatandang usa sa tabi niya.

"Bakit ba kasi natin tinakbo, iexplain mo nga sakin Kyungsoo."

"Ewan 'ko ba kasi sa'yo. Layo ng tinakbo natin tapos wala pa rin tayo kela Hyo."

Nag patuloy na sila sa paglalakad at nilinga-linga ang mga ulo nila. Nasaan na ba sila? Ang mga katanungang paulit-ulit nilang tinatanong sa sarili nila dahil wala naman silang maisagot.

Dire-diretso nilang nilakad ang isang daanang puno ng ilaw hanggang sa tumagos sila sa isang parke, pamilyar na pamilyar iyon kay Luhan. Mabilis pa rin ang kanyang paglalakad habang nag iisip ng kung ano nga ba ang nangyari sa parkeng iyon at bakit nga ba naging pamilyar ito sakaniya.

Maraang hinila ni Kyungsoo ang pulso ni Luhan dahil bumabagal na ito sabay banggit nito ng "Hyung, dalian mo nga." habang umiiling pa.

Naka kunot ang noo ni Luhan habang lumiko sila papunta sa kanan, nag bakasakali lang naman talaga kasi si Kyungsoo, ng kanyang maalala kung ano nga ba ang nangyari. Napangiti man siya ay bigla ring napawi ang ngiti at napalitan ng isang malumanay ngunit blankong mukha na may inaantok na titig at mabagal na pag hinga. Dulot ng selos at kung ano pa man ang nararamdaman niya ang nakapag painit ng ulo niya dahil naalala niya nanaman hindi nga lang pala siya ang nag iisa sa misyong pagkuha ng 'oo' ni Hyoyeon.

Tiningnan ni Kyungsoo si Luhan upang makita ang reaksyon nito at nakita niya namang naka titig ang usa sa isang parke at parang inaaninag nito kung napauntahan na nga ba niya ito dati at base sa mga pagsusuri ni Kyungsoo, pamilyar ito sa kasama niyang usa kaya't dinire-diretso nila.

"Ang panget mo talaga hyung eh, dalian mo sabi."

Balisang nakaabot ang dalawa sa tapat ng bahay ni Hyoyeon, ayon rin sa pagkakatanda nilang dalawa, naniniwala silang iyon ay ang bahay ni Hyoyeon. Bago ang pintura ng gate ng pader at bago ang mga sasakyan na nakikita nila. Ngunit may panibago nanamang bagay ang nakapag patuliro sa utak ni Luhan. Ano nga ba ito?

Bakit ba lahat ng nakikita niya ngayon ay tila ba parang pamilyar. Bakit ba lahat nalang ng nadadaanan nila ay parang napuntahan na niya dati, nadaanan at para ngang palagi siyang nandito noon. Ano ba talaga ang lugar na ito?

Anong meron sakaniya at sa lugar na ito? Ano ang kanyang kaugnayan dito?

Naka kunot pa rin ang noo niya ng marinig niya si Yoona na sumisigaw na sa kabilang pader at halatang nagmamadali dahil si Kyungsoo lang naman ang tumawag sakaniya sa telepono para pagbuksan sila ng pinto.

"Jusko, bakit kayo naparito?" Halos nagpapanic ng sambit ni Yoona.

Ang totoo kasi niyan, kasalukuyan ng naghuhubad si Hyoyeon ng tumawag si KYungsoo kay Yoona at dahil si Kyungsoo nga ang tumawag walang nagawa si Yoona kundi sagutin ang tawag. Hindi naman sa inutusan siya ni Kyungsoo pero ang sabi kasi sakaniya pagbuksan sila ng pinto kaya ayan nagmamadaling bumaba si Yoona ng hagdan at iniwan si Hyoyeon na wala ng saplot na pantaas sa kwarto niya.

Sakto, nandito rin si Luhan. Kay gandang araw nga naman para sakanilang dalawang matalik na magkaibigan. Lihim na napangiti ng masama si Yoona ng makita niya si Luhan na dumudungaw pa at tumitingkayad upang mahanap yung hinahanap niya sa likod ni Yoona.

"Hoy bakla, nasa loob yung prinsesa mo."

"Sa gwapo 'kong 'to? Bakla?"

Pairap na sagot ni Luhan habang pumasok na sa gate na kabubukas lang ni Yoona at wala ng pake kung iwan niya man yung dalawa 'don dahil malamang, mag lalandian sila at ayaw makita ni Luhan iyon. Isang malaking kadiri para sakaniya dahil kadiri naman talaga. Mukha kasing mas matangkad pa yung babae kesa 'don sa lalaki kaya 'yan pinandidirian niya.

"Oo, mas maganda ka pa sakin-" Napatigil sa pagsasalita si Yoona ng may maramdaman siyang balat sa kamay niya at ng kapa-kapain niya pa ito, kanyang napagtanto na daliri pala ang mga iyon.

Mabagal niyang ibinaba ang ulo niya at idinaan doon ang tingin niya. Mabagal ring napangiti siya at ang tanging naging mabilis lang sa mga pagkilos niya ay ang pag init ng mukha niya, pag tibok ng puso niya at pamumula ng pisngi niya. Napa hinga pa siya ng malalim at napapatili na sa kilig dahil hinawakan ni Kyungsoo ang kamay niya.

Nananalangin siyang sana ay kasama niya si Jessica man lang upang kuhaan ng litrato ang nangyayari dahil gabi-gabi niya pang titingnan iyon bago matulog. Nakakaiyak naman daw, mahal na mahal niya na raw ang sarili niya ngayon.

Dire-diretso na ngang pumasok si Luhan sa loob at nakalimutan ni Yoona na nakahubad nga pala si Hyoyeon kaya't hindi na niya nasabihan si Luhan na mag hunus dili at mamahinga sandali kaya't ng makapasok si Luhan sa sala, nakita niya ang kalat-kalat na kagamitan, ng mga basag-basag na salamin at kung anu-anumang telang napunit mula sa sofa at kurtina. Mas napakunot ang noo ng nakakunot ng noo ni Luhan, kala nga'y dinatnan ng bagyo ang tahanan na iyon.

Dumiretso pa ulit si Luhan papunta sa kusina at nakita ang platong hindi pa nahuhugasan at ang nagkakalat na kagamitan, maduming lamesa at lamutak ng tubig. Nakita rin ni Luhan ang mga iba't ibang sangkap na kung saan-saan nag sipag liparan dahil may bawang sa sahig, may sibuyas naman sa may cupboard. Yung totoo?

"Yung totoo, babae ba ang nakatira dito?" Marahas niyang bulong sa sarili habang iniiwasan ang tubig upang di siya madulas.

Tumalikod na siya at dumako naman sa kabilang gilid kung saan nakasalubong na si Yoona na katabi si Kyungsoo, inirapan niya muna ang dalawa bago sana dadaan sa gitna nila ng napigilan siya ng dalawang kamay na magkahawak. Agad ring napataas ang kilay niya at tumingin siya kay Kyungsoo na kunwari ay walang alam at nakatingin pa sa kung saan-saan maliban sa mata ng hyung niya at tsaka napahinto dahil sa hampas ni Luhan sa kanyang ulo.

"Nak ng, Kyungsoo, tindi mo talaga."

"Ewan 'ko sa'yo hyung."

Tawa na lang isinagot ni Luhan at umakyat na ng hagdan na para bang kabisadong-kabisado na niya ang pasikot-sikot sa bahay na 'yon. Hindi niya rin alam kung bakit nga ba ganito siya kumilos ngunit dinadala siya ng mga paa niya patungo 'don kaya't ginawa niya na lang din. Tutal wala rin namang mawawala sakaniya.

Nag palinga-linga ang kanyang ulo sa madilim na lugar na iyon at nag babakasali sa mga pintong naka sara, nananalangin na sana ay tama ang mapasukan niyang kwarto at baka mamaya iba ang makita niya.

Sa paglalakad niya ay hindi niya napansin na may makakabangga na pala siya. At iyon na nga, ilang hakbang na lang ay may natamaan siyang isang matigas na bagay na may taas na hanggang sa leeg niya lang at muntikan na itong matumba.

Bilang isang instinct, hinila niya ang anumang parte nito na mahahawakan at iyon ay ang malambot na kamay nito. Doon niya napagtanto na tao pala ang nakabangga niya. Hinila niya ito at hinawakan sa kanyang bewang at saktong nalaglag sila sa sahig dahil siguro sa pag patid ng mga paa nung taong nakabangga ni Luhan sa sarili niyang paa.

Nasa ilalim si Luhan at nasa ibabaw naman ang kanyang naka bangga.

Nag titigan sila sakanilang mga mata kahit na madilim ay mayroon siyang naaaninag at hindi man sinasadya ni Luhan, kinilabutan siya sa mga matang iyon.

 

"Problema mo ha?" Sabay gulo ng buhok ng nakababatang myembro.

Pasimpleng tinabig ni Sehun ang kamay at iniiwas ang tingin niya sa lalaking ngayon ay kinukulit siya. Pilit niya pa ring sinisipsip ang matamis na nasa bibig niya at mas pinipili na lang niyang manahimik na lang kesa ipaalam pa sa lalaking kasama niya kung ano nga ba ang tunay na nangyayari sakaniya.

"Tinatanong ka eh, nako, Sehun ha."

"Wala lang, trip 'ko lang," Walang ganang sagot niya sa lalaking kanina ay naka ngiti ngayon ay naging seryoso na ang mukha.

Tinitigan niya muna ang kaharap niyang si Sehun bago huminga ng malalim at umiwas ng tingin. "Kilala kita Sehun, marami-rami rin tayong napagsamahan kaya't alam 'kong may problema." Parang isang nakatatandang kapatid niyang hinimas ang likod ng nakababata.

Lumapit siya rito at umupo sa tabing swing ni Sehun upang makapag usap silang dalawa. At hindi nga siya nag kamali dahil si Sehun mismo ang unang kumausap sakaniya.

"Jongin, mag usap nga tayo ng matino." Nag pintig ang mga tenga ni Kai ng marinig niyang muli ang pangalang iyan mula sa matalik niyang kaibigang si Sehun.

Nabaon na niya ang pangalang iyan sa limot kaya't ano pa ba ang silbi at bakit ganito siya ngayong mag react. At bilang alam ni Kai na seryoso na si Sehun, lumunok muna siya ng laway bago iginalaw ang dila niya upang makapagsalita.

"Bakit?" Mahina ang boses at may halong takot at kaba ang tono nito.

"May naaalala ka na ba?"

Ng marinig ni Kai ang tanong na iyon, lubos siyang nag sisi at pinuntahan niya pa si Sehun dito. Pinangarap niyang sana ay nanatili na lang siya sa kung saan man siya tumambay kanina at hindi na sinundan pa si Sehun dito. Ito ang tanong na kanyang kinakatakutan, lalo na kung galing pa sa matalik niyang kaibigan.

May naaalala na nga ba siya? Hindi niya alam kung ano ba dapat ang isasagot niya. Kung o-oo ba siya o hihindi. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba ang totoo o magkukunwari na lang. Naiipit siya sa sitwasyon na dapat ay hindi naman nangyayari ngayon kung hindi lang talaga dumating ang isang taong nakapag pabago ng buhay nilang lahat.

May mga bagay na gusto na lamang niyang itago at panatilihing misteryo at masasabi niyang ang naitanong sakaniya ni Sehun ay isa sa mga bagay na kanyang tinutukoy ngayon.

Natatakot siyang sumagot, natatakot siyang mag sambit na kahit na anong salita. Nakakatakot dahil baka isang maling sabi niya lang, matapos na ang lahat.

At ayaw niyang mangyari 'yon.

"Sehun, ipaliwanag mo ngang mabuti 'yang tanong mo." Patagilid siyang tiningnan ni Sehun bago inilabas ang matamis na kendi sa bunganga niya at ibinato sa kung saan.

Tiningnan niya ang bawat kilos ni Kai, ang bawat pag pikit ng kanyang mga takip-mata at bawat pag galaw ng mga mata niya sa kanan at kaliwa, taas at baba. Lahat ng kanyang dapat aninangin ay inaninag niya.

"Alam mo kung ano ang sinasabi 'ko, Kim Jongin." Nanlamig lalo si Kai sa tinig na iyon.

Napa pikit siya at napatungo, ano nga ba ang sasabihin niya?

"Se-"

"Alis na 'ko."

Naputol ang sasabihin ni Kai ng boses ni Sehun. Pinanood na lamang niyang tumayo ang matalik niyang kaibigan at lumakad papalayo sakaniya. Naramdaman niya ring namamasa ang kanyang mga mata at onti-onting bumagsak ang kanyang balikat.

Ang sakit pala.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.