Chapter 15

Gray

Naka higa lang si Hyoyeon sa kama niya sa kwarto. Ngayong araw ay may pasok siya pero ayaw niyang pumasok. Sino ba namang papasok ng ganyan ang itsura?

 

Ayaw niyang pumasok ngayon, ayaw niyang makita siyang ganyan ngayon. Ayaw niyang kaawaan siya sa ganyang lagay niya. Ayaw niyang makita siya ni Yoona na puro pasa ang mukha't katawan. Ayaw niyang mapagalitan pa ulit ni Yoona. Naniniwala naman na kasi siya sa sinabi ng tatay niya, maniniwala siyang huli na 'to. Gusto niya lang talagang mag pahinga.

 

Masakit pa rin ang katawan niya. Ilang araw na rin siyang nag kukulong sa kwarto niya, sa malungkot na kwartong mayroon siya. 'Don sa kulay abong kwartong 'yon. Hindi niya rin alam kung bakit nga ba kulay gray ang napili niyang kulay ng kwarto niya. Siguro, nirerepresenta lang talaga ng kulay na 'yon ang nararamdaman niya, ang naiisip niya.

 

Matapos ang gabing nagahasa siya, kung gahasa man ang matatawag doon, hindi na siya kumain, wala siya laging gana, wala siyang lakas. 

 

'Purkit gangster ka dati.'

 

Naaalala niya nanaman ang sabi sakaniya ni Yoona, hindi siya gangster, pero ginusto ng ate niyang mag aral siya ng self defense. Mahal na mahal siya ng ate niya, mahal niya rin ang ate niya, hanggang ngayon naman, pero hindi niya kayang makita ang ate niya, ng dahil sa ate niya, yung laging magaling na ate niya, ayaw sakaniya ng magulang nila. Anino na lang siya ng ate niya. Kilala bilang pangalawang Boa.

 

At kahit nag aral siya ng self defense, hindi niya naman magamit iyon laban sa magulang niya dahil rumerespeto siya. Kahit na aaminin niyang siya mismo hindi na nirerespeto ng mga magulang niya.

 

Tanghali na at wala pa rin siyang balak tumayo. Bakit siya tatayo kung sasakit lang naman ulit ang katawan niya? Masaya na siyang nag iisip, umiiyak lang sa kama niya. Atleast sa ginagawa niyang iyon, makakapag pahinga siya. Kahit katawan niya na lang muna mag pahinga, wag muna ang utak at nararamdaman niya.

 

Kanina pa rin tunog ng tunog ang cell phone niya. Wala siyang ganang tingnan iyon dahil panigurado namang susugurin rin siya mamaya ni Yoona. Kung si Lay man 'yon, kasama na rin siguro ni Yoona 'yon. Hindi naman alam ni Lay kung nasaan nga ba ang bahay niya.

 

May narinig nanaman siyang katok sa pintuan. Isa kanina para sa almusal, ngayon siguro para sa tanghalian.

 

Wala ang magulang niya, nasa business nila.

 

"Miss Hyoyeon, hindi pa rin po ba kayo kakain?"

 

Narinig niya rin namang nag aalala ang boses ng katulong na iyon. Paborito niya ang katulong na iyon, kung tutuusin hindi na nga katulong ang turing niya doon dahil mas ramdam niya ang pagiging nanay noon kesa sa sarili niyang nanay.

 

Kaya niya namang mag salita, pero sigurado siyang basag ang boses niya.

 

"Pasok po kayo."

 

Naka bukas lang naman ang lock ng pintuan ng kwarto niya. Mas may tiwala pa siya sa mga nag tatrabaho sa bahay nila kesa sa mga magulang niya kaya't iniiwan niya lang na naka bukas iyon.

 

Nakita niya namang pumasok na nga ang nasabing katulong.

 

"Hyoyeon."

 

Naaawa ang katulong sa nakikita niya. Wala siyang anak, kaya't si Boa at si Hyoyeon ang tinuturing niyang anak. Kaso wala na nga si Boa kaya si Hyoyeon na lang ang natira.

 

Ngumiti si Hyoyeon, matagal niya ng nakasama ang matandang iyon. Simula pa lang ata ng mag umpisa ang ate niya sa negosyo, nakasama niya na yung matandang katulong na iyon.

 

"Mama, wag ka namang maawa saakin. Ayoko pa ring kumain, hindi ko kaya."

 

Mahinang sagot ni Hyoyeon kahit na basag basag ang boses niya. Siya lang ang tinatawag niyang mama, ang tawag niya sa nanay niya ay umma. Hindi niya alam kung bakit. Mas trip niya lang talaga sigurong tawaging mama ang totoong nag paparamdam sakaniya ng totoong pag mamahal ng pagiging ina. At hindi pa niya ina mismo ang nag paparamdam sakaniya non.

 

"Gamutin ko ba?"

 

Wala namang magawa ang mama niya dahil katulong lang siya. Yun lang ang trabaho niya, hindi siya pwedeng makelam.

 

"Okay lang po, wag na. Bababa ako mamayang dinner, kung hindi ako makababa, tulog na po ako."

 

Sinabi lang iyon ni Hyoyeon para hindi na mag alala pa ang mama niya. (Baka maguluhan kayo, pag mama, yung katulong, pag nanay o kaya ina, yung literal na nanay niya.) Ngumiti lang naman ang mama niya at naintindihan ang sinasabi ni Hyoyeon, ayaw niyang istorbohin si Hyoyeon. Lumabas na siya at bumalik na sa kusina, mag luluto siya ng pag kain para kay Hyoyeon.

 

Gusto mang ipagamot ni Hyoyeon ang mga sugat sa katawan niya pero ayaw niyang makita pa ng katulong ang mga dinanas niya. Atleast kahit papaano, may nag aalala sakaniya.

 

Saglit lang naman tumigil ang maingay na pag tunog ng cell phone niya at mayroon nanaman, sangayon ay hindi na text, tawag.

 

Hindi na niya tiningnan ang caller id, kaonti lang rin naman ang may alam ng number niya sa cell phone kaya't may posibilidad na si Jessica, Chanyeol, Lay o kaya ay si Yoona iyon.

 

"Hello?"

 

Kahit naman anong gawin niyang pag tago sa boses niya, maririnig mo pa rin ang pag kabasag nito. Tatlong araw na rin siya iyak ng iyak, ubo ng ubo, mag kakaroon talaga ng dahilan para mawalan siya ng boses.

 

"Hyo! Nasaan ka ba?! Nag aalala ako! Hindi ka pumasok, akala ko late ka lang! Break time na!"

 

At hindi nga siya nag kamali. Kasama ni Yoona ngayon ang Exo pati si Jessica. Natanong rin ni Jessica kung bakit nga ba wala si Hyoyeon ngayong araw pero ang sagot lang ni Yoona, hindi niya alam. Gusto na niyang tawagan si Hyoyeon kaso ang sabi ni Yoona, siya na raw.

 

Si Lay naman hindi rin mapakali, nag aalala rin siya dahil nga sa sinabi niya noong nakaraan sa park. Ang sabi ni Hyoyeon, unang parte pa lang iyon, ang ibig sabihin marami pa siyang malalaman. Kinwento lang niya ang tungkol sa away niya sa magulang niya pero wala itong nakwento na ginagahasa siya. Kaya't walang alam si Lay sa kung ano nga bang nangyayari kay Hyoyeon.

 

May tiwala si Hyoyeon kay Lay, pero mukhang hindi pa ito handa para maka pasok sa pader na binuo niya.

 

"Yoong, nasa bahay ako, kickin' and alive. Wala ako sa mood pumasok."

 

Nag sinungaling si Hyoyeon sa bestfriend niya, syempre, ayaw niyang mag alala si Yoona. Mamaya mag cut pa iyong babaeng iyon at pumunta sa bahay niya bigla.

 

Sa tabi ni Yoona ay si Sehun at Jessica, nakikinig si Jessica sa sinasabi ni Hyoyeon dahil naka speaker ito. Nakikinig rin naman yung mga Exo members, lalo na si Kai.

 

Hinablot naman ni Sehun ang cell phone ni Yoona sa kamay niya. Sanay naman na si Yoona, pero kasi bago ang cell phone niya, mamaya malaglag. Tiningnan naman ng masama ni Yoona si Sehun, si Sehun wala lang, poker face.

 

"Saan yang bahay mo?"

 

Nagulat naman si Hyoyeon, pati na si Yoona, Jessica, Lay, Kai, Baekhyun, Chen, Chanyeol, Luhan, Kris, Suho, Tao, Kyungsoo at si Xiumin. Sa maikling paraan, lahat ng nakarinig sa sinabi ni Sehun, nagulat. Lahat ng may ginagawa sa kanilang grupo, tumigil, ng dahil lang sa isang tanong ni Sehun.

 

Tinanggal ni Sehun ang pag ka loudspeaker ng cell phone ni Yoona. Ayaw niya lang na marinig ng iba ang usapan nila.

 

Si Kai, nakatingin lang sa bestfriend niya. Kailanman ay hindi naging ganon ang bestfriend niya. Si Lay, nakatingin lang din sa maknae ng grupo nila. It's a competition. Wag na natin isama yung tatlong may gusto kay Hyoyeon na si Luhan, Chanyeol at Baekhyun.

 

"Sa tabi lang naman ng bahay ng kapit bahay namin."

 

Gustong tumawa ni Hyoyeon, pero alam niyang seryoso ngayon ang kausap niya. Ng marinig pa lang niya ang boses ng nag tanong, alam niyang si Sehun ang kausap niya.

 

"Yoona, kausapin mo 'to. Walang kwentang kausap."

 

Mahina ang boses ni Sehun, pero narinig iyon ni Hyoyeon. Pinasa ni Sehun ang cell phone ni Yoona sa may ari, dahil alam niyang wala siyang makukuhang maayos na sagot kay Hyoyeon.

 

Hindi na rin napigilan ni Yoona ang ngumiti, nag thumbs up lang siya kay Sehun at tiningnan si Chanyeol na katabi ni Kyungsoo, ang minamahal niyang Kyungsoo, ngumiti naman ng pag kalaki-laki si Chanyeol. Gusto ni Chanyeol si Sehun at Hyoyeon. Alam naman ni Chanyeol na naunahan na siya ni Sehun kay Hyoyeon. Papayag siyang kay Sehun mapunta si Hyoyeon, wag lang kay Kai at Baekhyun.

 

Pero hindi rin nag tagal nahablot nanaman ng ibang tao ang bago niyang cell phone. Gusto niyang mag wala.

 

"Kim Hyoyeon, siguraduhin mong nasa bahay ka mamaya dahil pupuntahan kita diyan."

 

Napangiti si Hyoyeon sa narinig niyang boses, yung cold na boses na ito, kilalang kilala niya 'to.

 

"Jessica Jung, wag muna. Sabihan mo rin si Yoona na wag muna."

 

Napa irap naman si Jessica sa wala.

 

"Jessica, alam kong naiinis ka. Pero please, wag muna."

 

Gusto ulit umirap ni Jessica, pero narinig niyang nag please si Hyoyeon sa kabilang linya. Wala na siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga, tiningnan ni Jessica ang mga lalaking nag aabang sa sasabihin niya.

 

Tinapos naman agad ni Jessica ang tawag at binigay kay Yoona ang cell phone niya. Dahil alam naman na ni Yoona kung ano nga ba ang nangyari, hindi niya kukulitin si Hyoyeon na payagan siyang pumunta doon.

 

"Puyat lang daw siya."

 

Napangiti naman si Baekhyun sa narinig niya at nakipag apir kay Luhan na ngayong nag aalala pa rin kay Hyoyeon. Sa mga linggong lumipas naman kasi, mas naging close si Hyoyeon sa lahat. Pero sadyang kay Baekhyun, Luhan, Lay, Chanyeol, Sehun at Kai lang talaga siya mas naging close.

 

Hindi niya naman kasi pwedeng lapitan si Kris, ayaw niyang patayin siya ng titig ni Jessica.

 

Pinag takpan na lang ni Jessica si Hyoyeon, alam niyang may nangyari kay Hyoyeon, hindi naman siya manhid. Pero kung ayaw naman ni Hyoyeon pang malaman niya, okay lang. Makikinig naman siya kung kaya na ni Hyoyeon. Mag kaibigan naman na kasi sila.

 

Si Kai ibinalik ang tingin niya sa kinakain niya, kung ang sabi naman ni Jessica, okay si Hyoyeon maniniwala siya. Si Lay naman tiningnan si Kai, bumuntong hininga naman siya. Si Sehun naman sa ngayon ay naiirita, may mga babae likod niya. Hindi niya nakikita pero naririnig niya. Wala rin siyang makita na blonde na kasama ni Yoona.

 

Si Yoona binubulungan ngayon si Jessica, tinatanong kung ano nga ba ang nangyari.

 

"Yoona, nag please si Hyoyeon."

 

Agad rin namang tinigilan ni Yoona ang pangungulit. Bihira lang mag please si Hyoyeon, pero hindi nun mapipigilan si Sehun.

 

*

 

Tiningnan ni Hyoyeon kung anong oras na nga ba sa cell phone niya. Sa nakita niya, napagtanto niyang uwian na pala nila Yoona. Naniniwala naman siya sa kakayahan ni Jessica na pigilan si Yoona na pumunta aa bahay niya dahil hindiniya pa talaga kayang harapin si Yoona.

 

Mula kanina ay hindi pa rin tumatayo si Hyoyeon sa higaan niya maliban na lang kung iihi siya o kaya'y maliligo. Wala siyang ganang kumain hanggang ngayon. Malamig ang panahon, malamig rin ang nararamdaman niya. Siguro, hindi naman naging masama na mas pinili niyang dumistansya sa iba

 

May hawak-hawak na tray ng pag kain si Sehun. Ayaw niya man tanggapin sa sarili niya, si Hyoyeon ang unang-unang babaeng pag sisilbihan niya ng ganito maliban sa nanay niya. Pinapasok na lang siya ng katulong dahil isa siyang Oh. Business partners ang Kim ang mga Oh. Sinabi niya ring kaibigan siya ni Hyoyeon.

 

Hindi siya nag abalang kumatok at binuksan ng mahina ang pinto ng kwarto ni Hyoyeon. Una niyang hinanap si Hyoyeon, nakita niyang naka sando't short ito, at puro nanaman pasa ang mga binti niya. Mas lumala ang mga pasa. Naningkit ang mata niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikita o kaya'y napapansin ni Hyoyeon.

 

Tiningnan niya ang paligid ng kwarto ni Hyoyeon, abo lang ang makikita mo kulay ng pader. Ginaya na nga siya sa kulay ng buhok, ginaya pa siya sa kulay ng pader ng kwarto.

 

Nag lakad siya ng mabagal at tahimik papunta kay Hyoyeon. Hindi man makikita sa blanko niyang mukha na kahit kaonti ay nasayahan siyang makita si Hyoyeon ngayong araw, pero totoong masaya siya. Hindi niya lang matanggap sa sarili niya na ganon ang nararamdaman niya.

 

"Blondie."

 

Nanigas si Hyoyeon sa kinahihigaan niya. Ang unang-unang tanong na pumasok sa isipan niya ay paano. Pumangalawa na lang ang bakit.

 

"Paano ka napasok dito?"

 

Agad-agad namang umupo si Hyoyeon sa higaan niya, oo, masakit ang katawan niya pero kailangan niya talagang umupo kaya't tiniis niya ang sakit.

 

"Nag lakad ako, ginamit ko kamay ko para mabuksan yang pinto ng kwarto mo."

 

Napa pikit naman si Hyoyeon sa narinig niya, hindi niya talaga minsan maintindihan ang talinong meron 'tong si Sehun. Tiningnan naman ni Hyoyeon ang pinto, naka sara iyon. Binaba ni Sehun ang tray na hawak niya sa maliit na lamesang meron si Hyoyeon sa kaliwa ni Hyoyeon.

 

Pinanood lang ito ni Hyoyeon, ayaw niyang kumain.

 

"Hindi mo alam kung saan ang bahay ko Sehun."

 

Gustong tuktokan ni Sehun ang ulo ni Hyoyeon sa sinabi ni Hyoyeon pero hindi niya na lang gagawin dahil masyado ng nasaktan si Hyoyeon. Wala pa ring nag bago sa pakikitungo nila sa isa't isa, nag aaway pa rin sila palagi. Wala ring nag bago sa mga mukha nila pag nag uusap sila, parehas silang naka poker face lang.

 

"Hyoyeon, hindi ako makakarating dito kung hindi ko alam."

 

Umupo si Sehun sa gilid ng higaan ni Hyoyeon at lumapit ng kaonti kay Hyoyeon para mapakain niya ito. Nasabi kasi sakaniya nung nag luluto sa baba na hindi nga raw kumain si Hyoyeon simula nung biyernes kaya't naisipan ni Sehun na alugin ang utak ni Hyoyeon.

 

"Paano?"

 

"Matalino lang talaga ako."

 

Lumayo naman si Hyoyeon kay Sehun, mas isinandal niya ang likod niya sa pader. Napa ngiwi naman si Hyoyeon sa sakit. Umiling lang si Sehun sa ginawa niya at hinila si Hyoyeon palapit sakaniya.

 

"Wag mo 'kong layuan."

 

Mahinang bulong ni Sehun.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.