Chapter 31

Gray

Hindi alam ni Hyoyeon kung tama bang magaan ang pakiramdam niya kahit na parang ang daming masamang nangyayari ngayon. Ni hindi niya nga man lang maalala kung ano ba talagang nangyari eh, pero dahil wala naman siyang magawa sa bahay at inutusan pa siya ng nanay niya ayan papunta siya ngayon sa parkeng lagi na lang niyang binabanggit sa storyang 'to.

Naka suot lang siya ng leggings na itim at t-shirt na malaki kasi ang plano niya talaga kanina ay ang sumayaw dahil mayroon naman siyang kwarto na pang sayaw lang pero ayon nilapitan siya ng nanay niya at inutusang bumili ng gulay na kailangan sa uulamin nila ngayon araw at ayan napursigi siyang lumabas ng bahay nila kahit na ayaw naman niya talaga.

Wala kasi silang mga kasama ngayon sa bahay dahil pinag pahinga lahat ng nanay ni Hyoyeon para raw pag dating ni Boa eh may mga lakas sila. Sinabi ni Hyoyeon sa nanay niya ang dating ng ate niya at natuwa naman ang nanay niya, kahit na papaano, paborito pa rin niya 'yon. At diba ang uwi ng ate niya ay sa birthday ni Yoona, ayon, malapit na ang birthday ni Yoona.

Bibihira na lang din sila mag usap ni Yoona kasi abala 'to sa pag hahanda ng party niya, debut niya kasi at gusto ng mga magulang ni Yoona magara. Hindi rin naman nag rereklamo si Hyoyeon dahil masaya si Yoona 'don. Halos isang linggo na lang siguro at kaarawan na ni Yoona.

Kung titingnan ang panahon ngayon, mataas ang sikat ng araw, nakakasilaw ang liwanag, masilamuyak ang hangin at hindi rin masyadong mainit kahit na mataas ang sikat ng araw. Malapit na rin kasi mag tag lagas kaya ganito siguro ang panahon ngayon.

Nag lalakad si Hyoyeon sa kalsada at naka tungo lang, pinapanuod ang mga paa niyang humakbang na para bang iyon ang pinaka nakaka interes na bagay sa mundo. Natulala lang siya 'don bigla at patuloy lang ng patuloy hanggang sa may nabangga siya, inaamin na niyang siya ang naka bangga.

Hindi naman cliché si Hyoyeon kaya hindi siya pumikit para hintayin ang pag bagsak niya at may sasalo sakaniya, ginamit niya ang utak niya at hinawakan ang braso ng nabangga niyang tutulungan sana siya at hinila iyon para hindi siya malaglag.

Ng makuha na niya ang balanse niya ay hindi na niya tiningnan ang mukha ng nabangga niya at ibinaba na lamang ang itaas na parte ng katawan niya para humingi ng pasasalamat at kapatawaran, "Sorry po at thank you na rin sa pag laan ng braso mo." May halong galang pang saad ni Hyoyeon.

Hindi niya naman kasi alam kung ilang taon na ang nabangga niya kaya ayan wala tuloy siyang nagawa at nag 'po' sakaniya kahit na para bang kasing edad niya lang dahil sa naramdaman niyang balat kanina.

Mga nasa limang segundo rin atang naka ganon lang ang posisyon ni Hyoyeon ng may marinig siyang mahinang tawa gamit ang malalim na boses at mahinang lakas lamang. Pang bata ang boses, parang kaedad nga lang niya, kung ikukumpara niya ang boses na 'yon sa mga naging kaibigan niyang lalaki, parang kaboses ni Chanyeol? Oo yata, 'yon nga.

Iniangat ni Hyoyeon ang tingin niya sa mukha ng nabangga niya at alam niyang mangangawit ang leeg niya dahil sa liit niya at tangkad ng binabanggit niya kanina pa. Ngumiti lang sakaniya ang lalaki at ginulo ang buhok niya.

"Hyo." Mahinang bulong nito pero narinig naman ni Hyoyeon.

Laking gulat niya ng si Chanyeol nga ang nabangga niya, "Sorry ulit Chanyeol, di 'ko tiningnan dinadaanan 'ko."

Itinungo na lang ni Hyoyeon ang ulo niya imbes na ang katawan niya.

Napapansin niya naman na nilalayuan siya ni Chanyeol, hindi naman sa nag rereklamo siya pero ewan niya ba, ganon nararamdaman niya eh. Dati lang eh halos araw-araw tinetext siya nito pero ngayon hindi na, noong nakaraang linggo nga ata ang huli nilang usap dalawa. Wala pa siyang alam sa nararamdaman ni Chanyeol sadyang nag tataka lang siya pero hindi niya tinatanong kasi ayaw niya naman ipilit kay Chanyeol, hintayin na lang niyang sabihin sakaniya. Kung baga, pabebe muna.

Ngumiti na lang ulit si Chanyeol sa sinabi niya at tumango sa sinabi niya, tinatago ng mga mata niya ang galak na nararamdaman niya ng makita niya nanaman ito ng mag isa at wala si Sehun sa tabi niya.

Sa tuwing mag kikita kasi sila, laging kasama nito si Sehun, puro na lang Sehun. Hanggang sa tuluyan na siyang sumuko. May kinikita siyang babae pero di niya naman sineseryoso, hanggang ngayon kasi si Hyoyeon pa rin ang gusto niya.

At gaya ng naalala niya, nag tititigan lang sila ni Hyoyeon ng mga ilang minuto bago siya nag salita, "Hyo, may balita ka ba kay Sehun?"

'Yan ang una niyang binanggit dahil tutal Sehun 'yan, imposibleng walang alam si Hyoyeon, ayon sa isip-isip ni Chanyeol.

Saglit na nanlaki ang mga mata ni Hyoyeon at nag taka sa tanong ni Chanyeol sakaniya.

"Ha?" Gamit ang mahinang boses, tumibok nanaman ng malakas ang puso ni Chanyeol.

Napa ngiti nanaman siya ng malungkot, pinag uusapan nila si Sehun na karibal mismo ni Chanyeol, ang galing nga naman.

"Pupuntahan 'ko kasi sana ngayon, tinawagan 'ko, hindi naman sumasagot. Maski telepono nila sa bahay walang sumasagot."

Tumango lang si Hyoyeon at nag isip saglit kung kelan niya huling naka usap si Sehun, sa pag kakaalala niya kasi noong date nila ni Baekhyun ang huli.

"Hindi 'ko alam, hindi 'ko pa nakakausap eh."

Naramdaman ni Chanyeol na nag vibrate ang cell phone niya sa bulsa niya at pasimpleng tiningnan kung sino, nag text sakaniya si Kai. Ano naman kaya problema nito? Bulong ni Chanyeol sa sarili niya.

Madali niyang binuksan ang mensahe at pinapapunta siya ni Kai sa bahay niya, uimirap lang si Chanyeol sa kawalan at naisip na isa nga rin pala 'to sa kaagaw niya. Pero dahil mabait siya, pupuntahan niya, mukhang seryoso eh.

"Ah ganon ba? Sige Hyo, mauna na 'ko." Pag papaalam niya kay Hyoyeon na ngumiti lang sakaniya.

Mabilisan, napa hinto siya pero bumalik na ulit sa gagawin niya. Nakita niyang ngumiti si Hyoyeon para sakaniya, himala na 'yon. Iginawi na lang ni Chanyeol ang tingin niya sa lapag at nag paalam ulit kay Hyoyeon.

"Hyo, ingat ka kung saan ka man pupunta." At nag lakad siya ng mabilis papunta sa motor niya.

Tumango ulit si Hyoyeon sa sinabi niya at ibabalik na sana ang sinabi ni Chanyeol ng makitang umalis na ito kaagad. Iginalaw niya ang balikat niya at hinintay na maka alis sa paningin niya si Chanyeol dahil ramdam niya ang pag mamadaling meron ito, ng maka alis ay tumalikod na siya at pumunta sa kanan para sa shortcut na dadaanan niya papunta sa palengke.

Ayon, ang sabi ni Hyoyeon sa palengke siya pupunta pero sa huli sa bahay pala ni Sehun. Tinanong niya lang naman si Suho kung anong address ni Sehun at ayon pinuntahan niya, sakto, nandon din ang bahay malapit sa shortcut na dinaan niya kanina.

Hindi naman sa nag aalala siya, naisip niya lang kung anong meron at bakit hindi nag paparamdam si Sehun sakaniya. De, sa totoo lang, nag aalala talaga siya ayaw niya lang aminin sa sarili niyang nag aalala siya.

Ngayon hindi niya alam kung papasok ba siya o hindi, mga nasa trentang minutos niyang nilakad ang bahay nito mula sa bahay niya, kung isasama na rin ang maikling pag uusap nila ni Chanyeol. Mag aalas-dose na rin ng tanghali at hindi pa niya naidadala ang kailangan ng nanay niya sa bahay niya kaya ngayon naguguluhan siya kung kakatok ba siya o pupunta muna ng palengke.

Hindi niya rin alam kung papaano siya kakatok, natatakot siya, mamaya kung sino pa ang lumabas ng bahay nila.

Tulala lang siya 'don, literal, ng mapag desisyunan niyang bibili muna siya sa palengke. Tanda naman niya ang itsura ng bahay, malaki rin iyon at halatang mayaman ang pamilya niya.

Nilakad na niya ang palengke at kinuha ang mga kailangang gulay matapos ay bumalik ng bahay niya, mga trentang minutos ulit ang inabot niya sa pag lalakad. Wala namang ibang masasakyan siya kundi taxi, ang lapit ng bahay niya mag tataxi pa siya ayan sa huli, nag lakad tuloy siya.

Binati lang siya ng nanay niya at hindi napansin na halos isang oras mahigit na inabot si Hyoyeon sa mga pinapabili niya, nanunuod kasi ng drama sa telebisyon. Matapos kunin ang mga sangkap pumunta ng kusina at sinimulan na ang pag hahanda kung saan narinig niya si Hyoyeon na sumigaw.

"Ma, alis muna ako saglit lang ha! Balik ako agad, text na lang kita!" Sigaw ni Hyoyeon habang kinukuha ang susi ng kotse niya sa drawer malapit sa kusina.

"Saan ba 'yan? Samahan mo 'ko mag lunch o tawagan 'ko na lang yung manliligaw mo at ayain 'ko?"

Kumunot ang noo ni Hyoyeon at nilapitan ang nanay niyang naka ngisi lang, sino nanamang manliligaw ang sinasabi niya? Sa pag kakaalala ni Hyoyeon wala siyang manliligaw.

"Kilala mo ang mga Oh diba ma? 'Don ako pupunta at sino yung manliligaw?" Hinalikan ni Hyoyeon ang noo ng nanay niya at tumalikod na habang nag aantay ng sagot.

"Oo, kilala 'ko, business partner ng ate mo 'yang mga 'yan. Si Baekhyun, siya na lang aayain 'ko kumain ng tanghalian, wala ka eh." Sagot ng nanay ni Hyoyeon habang nag hihiwa ng kamatis.

Napa ngiwi lang ang mukha ni Hyoyeon at mahinang tumawa, nag lakad na papalabas at hindi nakalimutang sagutin ang sinabi ng nanay niya, "Botong-boto ka kay Baek ha? Sige na ma, una na ako, text kita." At tuluyan ng tinakbo ang pinto.

Ayon, ngayon naka rating naman siya sa harapan nanaman ng gate ng bahay ni Sehun, hindi niya nanaman alam kung papaano makaka pasok. Naka sandal siya sa pintuan ng kotse niya at nag aantay ng kung sino naman ang lalabas. Naisip niya lang, si Sehun lang ang nandiyan tsaka nanay niya ayon sa mga kwento ni Sehun sakaniya, tawagan niya na lang kaya si Sehun para papasukin siya?

Tulad ng sinabi niya, dinukot niya ang cell phone niya sa bulsa niya at sinimulan ng tawagan si Sehun. Ilang ring lang din ang inantay niya at bumungad na agad sa tenga niya ang boses ni Sehun.

"Anong gusto mo?" Walang kaemosyon-emosyong saad ni Sehun habang minumulat ang mga mata niya mula sa pag katulog.

"Lumabas ka ng kwarto mo at babain mo 'ko dito."

Madaling napa upo si Sehun sa higaan niya at tiningnan ang bintana malapit sakaniya habang iniinda pa ang sakit ng katawan niya at mukha niya. Kung hindi ba naman kasi siya nakipag suntukan edi sana mapayapa tulog niya.

Ng silipin niya ang bintana doon niya nakita si Hyoyeon na naiinip ng naka tingin lang sa pintuan ng bahay ni Sehun.

"Bakit nandito ka?" May irap pang kasama na bulong ni Sehun.

Bumaba na siya at nilabas si Hyoyeon kasabay 'non ang pag end ng tawag nilang dalawa. Bumuntong hininga si Hyoyeon at nakitang papalapit na ang bagong gising na Sehun sa gate na may built in mic pala, sana pala nag doorbell na lang siya at sinabing siya 'yon.

May pinindot lang sa gilid si Sehun at isang iglap, bumukas ang gate. Nakita na niya ng malapitan si Hyoyeon at nakita na rin siya ng malapitan ni Hyoyeon.

Kung may kukunot pa sa naka kunot na noo ni Hyoyeon, ito na 'yon. Tinitigan niya ang mukha ni Sehun na puro pasa tapos may mga sugat pa, putok ang labi at may buo-buong dugo pa.

"Yung totoo? Anong nangyari sa'yo?" Alalang tanong ni Hyoyeon sakaniya ng may halo pang hawak sa pisngi ni Sehun at dinadaplisan ng mga daliri niya ang mga sugat.

Umirap nanaman si Sehun at mahinang tinabig ang kamay ni Hyoyeon sa pisngi niya at hindi na lang pinansin na nag iinit ang mukha niya sa ganoong pag tama pa lang ng balat nila. Tiningnan niya nanaman si Hyoyeon, mula ulo naman hanggang paa at hinila ang pulso nito papasok, "Pumasok ka na, mainit diyan."

Nag padala lang siya sa puwersa ni Sehun at pumasok sa loob ng bahay ng tuluyan siyang pag buksan ng pinto ni Sehun. Simple lang ang nasa loob, halos iiisang kulay nga lang nakikita niya. Hindi naman sa walang buhay, pero ang nagiging palamuti lang ng sala nila ay isang chandelier, mga picture frame naka sabit sa iba't ibang sulok ng bahay nila at iilang flower vase na may nalalantang bulaklak.

Ipinaupo siya ni Sehun sa sofa at dumiretso sa kusina para bumalik ulit, hindi niya nga pala alam kung anong gusto ng inumin ni Hyoyeon.

"Hoy, anong gusto mong inumin?" Mahinang balik ni Sehun kay Hyoyeon na lumilibot lang ang mga mata.

Alam naman ni Sehun na sa isip-isipan niyan ni Hyoyeon, iniisip na nito kung anong desenyo ng bahay nila ang nagustuhan ni Sehun dahil sa totoo lang, ang boring ng bahay nila. Hindi niya 'to trip,tanging kwarto niya lang ang may maayos na itsura kaya't lagi siyang tumatambay 'don.

Kumuha lang siya ng isang baso na may tubig at dinala kay Hyoyeon na ngayon ay naka titig sa di kalayuang picture frame ng buong pamilya ng Oh. Simpleng tiningnan rin ni Sehun iyon ng makita niya ang mukha niya 'don, mukha ng nanay niya, mukha ng tatay niya at mukha ng ate niya.

Mabilis niyang ibinalik ang tingin niya kay Hyoyeon at uunahan na sana sa pagkuha ng atensiyon nito kaso wala eh, naunahan na ni Hyoyeon eh, "May kapatid ka pala?" Sabay gawi ng mga mata ni Hyoyeon sa baso na hawak ni Sehun at kinuha iyon.

Bumuntong hininga si Sehun at umupo sa tabi ni Hyoyeon, tinuro ang ilan pang picture ng ate niya sa dingding at nag salita, "Meron, kaso namatay na siya."

Isang magandang umaga, totoo, magandang umaga. Ang kinse anyos na lalaki na kilala bilang Sehun ay tumayo sa pag kakahiga niya at unang pinuntahan ang kwarto ng ate niya. Sabik na sabik na siya, ang sabi kasi sakaniya ng ate niya, babalik na siya ngayon mula sa ospital.

Tapos, nasasabik rin siya kasi may ipapakilala raw ang ate niya sakaniya na babae. Sana raw, pag nakilala ni Sehun iyon, hindi na niya maramdamang mag isa, maging masaya na siya kahit na mawala pa sa piling niya ang ate niya.

Nasa tamang katinuan si Sehun, hindi pa siya yung Sehun na sinasabing malamig tumingin, masungit, yung parang laging meron. Hindi pa siya yung Sehun na nakikilala ngayon. Siya ang Sehun na masiyahin at alam ng mga kaibigan niya iyon, siya ang Sehun na inaasam nilang mag tatagal.

Pinasok ni Sehun ang kwarto ni Hayoung noona niya at nakita niya 'don ang isang babaeng hindi pamilyar na may masiyahing ngiti at maikling buhok. Naka ngiti lang si Hayoung sa kapatid niya at pinalapit ito sa upuan niya, patakbong niyakap ni Sehun ang ate niyang naka upo sa higaan kahit na may nakikita siyang dextrose na naka turok sa kamay nito. May iilang kable ring nakikita si Sehun na ewan niya kung saan naka turok sa katawan ng ate niya.

Sinuklay ang imaginary na buhok ng ate niya at sinabing siya pa rin ang pinaka magandang babae sa paningin niya, pag tapos ng nanay niya, syempre.

"Noona, mag pagaling ka na ha. Gusto 'ko ikaw ang mamimili ng susuotin 'ko sa prom naming. Matagal pa diba? Pero noona, gusto 'ko talagang makita mo 'kong gwapo." Kahit na malaking tao na si Sehun, sinisiksik niya pa rin ang sarili niya sa ate niya.

Hindi naman sa immature siya mag isip, pero para sa ate niya, handa siyang mag kunwaring masaya. Kasi hindi naman madali eh, ang maubusan ng buhok, ang tikilan nang panahon para sa natitira niyang araw sa mundo. Alam na alam ni Sehun na hirap na hirap na si Hayoung at ayaw na lang niyang dumagdag pa.

Ngumiti lang si Hayoung sa sinabi ng nakababatang kapatid, hindi na lang niya sinagot ng mga salita kasi alangang mangako siya eh kahit naman itago pa ng mga magulang niya at ni Sehun sakaniya, nararamdaman na niya.

Mamatay na siya.

Stage 5 cancer ang natamo niya, noong una nakakaramdam pa lang siya ng bukol sa suso niya. Hindi niya agad pina check up kasi noong panahong iyon, buntis siya at ang sabi delikado kung ipapacheck up agad ang nasa dibdib niya. Hanggang sa dalawang suso na niya ang merong bukol at isa pa, nakunan na siya ng anak, hindi niya alam kung papaano pa mabuhay noon, tanging ngiti na lang si Sehun ang nag papasaya sakaniya.

Tutal, mahal na mahal niya ang kapatid niya.

Pinatanggal niya ang dibdib niya at akala niya ayos na, nakipag hiwalay na rin siya sa magiging asawa niya dahil hindi naman pala handing panagutan ang nasa sinapupunan niya noon kaya't halos tumalon na sa tuwa ng malamang nalaglagan ng anak si Hayoung.

Pero, gaya ng nauna, ngiti nanaman ni Sehun ang sumalubong sakaniya. Naniniwala pa siyang mabubuhay siya 'non, kakalabanin niya ang kamatayan 'wag lang maramdaman ni Sehun na nag iisa siya sa buhay niya.

Lahat para kay Sehun at lahat para sa noona ni Sehun, handa nilang gawing dalawa ang lahat.

Chemothrepahy, paulit-ulit na niyang pinaglalaanan ng pera 'yan, pero wala ni isang gamot na ininom niya, tinurok sakaniya, isinagawa sa loob ng kalamnan niya ang makakapagalis ng cancer cells sa katawan niya at sa huli, sumuko na siya. Nag paiwan na lang siya sa bahay nila, kung mamamatay siya, kahit man lang sa tabi ng mga magulang at kapatid niya. Kahit sa huling hininga na lang.

At ito, hindi niya alam kung buwan, linggo, araw o oras man lang ang itatagal niya, nang hihina na siya. Kaya't sa huling pag kakataon, tinawag niya ang isa sa mga kaibigan niya.

"Sehun, 'yan si Hyeri, halos mag kasing edad lang kayo sa totoo lang. Nakilala ko 'yan noong nakita 'ko siyang binubully kaya ayan, naging close kami. Sehun, treat her like how you treated me. She likes you and promised me she will make you happy. Sehun, promise noona, you'll never break anyone's heart, okay?"

Iyan ang mga huling salita ni Hayoung na tumatak kay Sehun, paulit-ulit niyang inuulit 'yan sa isipan niya na parang sirang plaka na.

Tumango lang si Sehun at pinangakong magiging maligaya siya sa piling ni Hyeri.

Naging isa na si Hyeri sa pinaka mahalagang babae sa buhay niya. Dahil tatlo lang naman iyon eh, ang nanay niya, si Hayoung at ang dumagdag na si Hyeri. Naging sila, saglit nga lang ang nailaan na panahon para ligawan niya 'to at maramdaman ni Sehun na tunay nga ang nararamdaman niya para sa dalaga.

At pag dating ng isang buwan nila bilang mag syota, parang bigla na lang nangyari. Umuwi si Sehun mula sa date nila ni Hyeri, pinasok ang kwarto ng ate niya kung saan nakita niya itong natutulog. Oo, buong akala niyang tulog ang ate niya, ng hawakan niya ang leeg nito, wala siyang naramdamang pulso, tiningnan niya ang labi, namumutla, nanlalamig ang mga kamay at tsaka niya nalamang, patay na pala si Hayoung.

Ganon kadali, namatay ang walang kamuang-muang na babaeng laging nag papasaya sakaniya, laging nag tatanggol sakaniya. Nawala ang kamuang-muang na babaeng handa siyang protektahan sa ama nila tuwing nalalasing, tuwing may dalang babae.

Ang kaisa-isang babaeng handa siyang tanggapin bilang siya.

Iniwan na siya.

Pero di bale, diba? Nandiyan pa naman ang nanay niya, nandiyan pa si Hyeri, kaya 'to ni Sehun, iyon ang paniniwala niya.

Pero gaya ng noon, ng dati, buong akala lang pala ang lahat. Sa huli, pinag palit lang siya ni Hyeri, ang dahilan? Hindi naman daw talaga seryoso si Hyeri sakaniya, siguro, nagwapuhan lang? Infatuation kung baga.

Nakakagago, pakiramdam niya ang sama-sama niyang tao. Nilunok niya ang mga salita ng ama niya, ang mga masasakit na pinipilit ibaon sa memorya niya.

Tutal, nag iisang anak na siya, "Anak, sa'yo na naka salalay ang kompanya, ngayon 'wag mo ng asamin ang pagiging architect, wala ka rin namang future diyan. Hindi purkit sinalo ng ate mo ang kompanya para sa'yo, papayagan na kita. Wala na rin ang ate mo, ikaw na ang bahala." Sambit ng ama ni Sehun sakaniya habang binibisita ang inabong katawan ni Hayoung na naka balot ng simento.

Hindi na lang sinagot ni Sehun ang mga sinabi sakaniya at umirap sa kawalan, kinagat niya ang labi niya at tumango. Siguro, hindi na talaga niya kayang maging si Sehun pa, ayaw na niya. Tama na, ang dami na ng dinanas niya. Tinanggap na lang niya ang mga sinabi ng ama niya, ang pag guguhit ng mga estraktura ng mga kabahayan, ng mga establisyamento ay nabubura na, hindi na niya makukuha ang pangarap niya.

At doon na lahat nag simula ang hinanakit niya sa mundo, sa tao, sa tatay niya, lalong-lalo na sa mga babaeng iiwan lang din naman siya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.