Chapter 26

Gray

Konti na lang talaga at makakatay na ni Jessica si Baekhyun. Kanina niya pa pinauulit-ulit yung date raw kuno nila ni Hyoyeon bukas dahil sabado raw, tsaka ilang araw na raw nailipat yung date nila kaya't agad-agaran ng sinabi ni Baekhyun na bukas sila mag dedate.

"Punyeta, tigilan mo nga si Hyo. Hindi 'yan makikipag date sa'yo." Sabay supalpal ni Jessica sa mukha ni Baekhyun gamit ang palad niya tapos tumusok pa yung singsing niya sa balat ni Baekhyun.

Napa ngiwi si Baekhyun sa biglaang sakit na naramdaman niya at tinaas niya ang gitnang daliri niya at iniharap iyon sa mukha ni Jessica.

"Ito ka oh, ito." Ilang beses na pinamukha ni Baekhyun ang daliri niya kay Jessica.

Umirap lang si Jessica at hinawakan ang daliri ni Baekhyun, ilang kurap lang ay babaliin na Jessica ang daliri kung hindi lang siya pinigilan ni Hyoyeon sa tabi niya.

"Pumayag na 'ko eh. Hayaan mo na Jess." Mahinang bulong ni Hyoyeon sa tenga ni Jessica.

Ng dahil sa binulong ni Hyoyeon, nabitawan ni Jessica ang daliri ni Baekhyun kaya't hinipan-hipan ni Baekhyun ang daliri niya. Sabay bulong pa ng, "Ang sakit, pakyu."

Wala kaalam-alam ang iba sa pinag uusapan ng dalawa, lalo na si Yoona na napapansing nag bubulungan sila ay kumuha ng tissue at inirolyo para ibato sa kung sino man ang matamaan sakanila.

Hindi pa nga natatapos ang gulat ni Jessica sa sinabi ni Hyoyeon ay natamaan naman siya ning tissue na ibinato ni Yoona kaya't si Yoona ang napag buntungan ng inis.

"Ano ba?! Kita ng nag uusap kami!" May kasama pang irap na sigaw ni Jessica.

Napa nguso si Yoona at tumungo, "Grabe, ang sakit. Sinisigawan mo na lang ako." At nag kunwaring umiiyak.

Kaso ang problema walang pumansin sakaniya kaya't mas nag himutok sa gilid. Patuloy pa rin sa pag bubulungan si Jessica at Hyoyeon, si Baekhyun naman sinimulan ng kumain dahil isa-isa ng kinukuha ni Chanyeol pagkain niya. Ang dami-daming kaganapang nangyayari sa lugar na 'yon, wala pa ngang alam ang iba na si Kyungsoo at Yoona ay nag lalandian na, si Chanyeol, sumuko na, si Sehun nawawala, si Lay hindi nag papakita sakanila literal. Kahapon, kinausap pa ni Lay si Hyoyeon pero sa lahat, si Hyoyeon lang ang katangi-tanging kinausap niya.

Naiintindihan naman nila. Halata na ng karamihan, pero parang tanging si Hyoyeon lang ang walang alam.

Si Luhan, ang balita sakaniya nandon nanaman siya sa cafe na tinatambayan niya. Espesyal na araw raw kasi ito sakaniya kaya't kahit na sa pang huling beses na lang, maalala niya ang mga nakaraan niya. Si Kai, sa totoo lang, walang nakakaalam kung nasaan na siya ngayon. Ni text, tawag o kahit pag punta nila sa bahay nito, wala, hindi siya nag paparamdam. Maski nga si Sehun walang maisagot sa mga tanong nila, naturingan pa naman siyang bestfriend nito.

Tumango-tango na lang si Jessica at naintindihan ang pinupunto ni Hyoyeon, "Pero susundan namin kayo ni Kris bukas." Sabay hirit niya kay Hyoyeon at kay Kris na nakikinig lang.

Nanlaki agad ang mga mata ni Kris at mag sasalita na kaso, hinawakan na agad ni Jessica ang kamay nito kaya't wala na siyang nagawa.

"Hyo!" Nagulat si Hyoyeon sa biglaang sigaw ni Jongdae sakaniya.

Tumatakbo kasi siya papasok ng canteen dahil may mabuting balita siyang sasabihin kay Hyoyeon, kay Hyoyeon lang daw iparating eh.

"Bakit?"

"Puntahan mo raw si Yixing ngayon." Hinihingal-hingal pa niyang bulong ng makarating na siya sa lamesa nilang mag totropa.

Naningkit lang ang mata ni Hyoyeon at napa isip. Bakit ako pa ang pupunta? Pero dahil bestfriend niya 'yon, sige. Tumayo na siya at kinuha lang ang inumin na binili niya kanina, wala pa siyang kinain ngayong tanghalian pero okay lang, uunahin niya na lang si Yixing. Binato niya ang bag niya kay Yoona at tsaka nag tanong kay Jongdae.

"Saan?"

"Library."

Nag lakad na siya ng mabilis para mabilis makarating, kakaonting oras na lang din ang natitira sakanila bago matapos ang break nila.

Ng buksan niya ang pinto, tiningnan niya ang mga nasa loob, wala siyang nakita kundi ang librarian at mga silyang walang naka upo. Bumungad rin sakaniya ang hangin na malamig galing sa aircon at katahimikan na parang yapak lang ng mga paa niya ang maririnig dito.

Nag paikot-ikot siya 'don hanggang sa makita niya si Yixing na naka tingin lang sa isang parang notebook ba 'yon?

Nilapitan agad ni Hyoyeon si Yixing at umupo sa harapan nito. Hindi nagulat si Yixing na para bang alam niyang 'don talaga uupo si Hyoyeon at sa saktong pag patong ni Hyoyeon ng mga siko niya sa lamesa, ibinaba ng onti ni Yixing ang hawak niya at nag katinginan sila sa mata.

Kinilabutan si Hyoyeon sa mga nakikita niya. Ang mga mata ni Yixing ay parang sobrsng seryoso na hindi niya maintindihan dahil hindi naman ganito dati si Yixing. Parang, may problema yata?

"Bakit?" Nag aalala niyang tanong kay Yixing.

Napa kagat ng labi si Yixing ng makita niya si Hyoyeon. Hindi na kasi dapat siya manggugulo, ayaw na niya manggulo pero simula ng dumating dito sa eskwelahan si Hyoyeon, nag bago na ang isipan niya. Bakit? Talagang tinanong ni Hyoyeon sakaniya yung salitang 'bakit'? Ang tagal niyang kinimkim ang lahat, ang tagal na niyang nag papanggap.

At naluluha na siya ng maisip niya pa lang ang mga 'yon.

"Kim Hyoyeon, kilala mo ba 'ko?" Malalim ang boses ni Yixing 'don na mas nakapag pakaba kay Hyoyeon.

Hindi niya lang talaga inaakalang magiging ganito si Yixing. May ginawa ba siyang masama? Ano ba kasalanan ni Hyoyeon?

Nag salubong ang mga kilay ni Hyoyen at tumango ng mabilis kay Yixing, "Oo naman, kilala kita." Mas lalo namang nag salubong ang mga kilay ni Yixing. Alam niya naman ang mga isasagot ni Hyoyeon sakaniya pero bakit parang nasasaktan pa rin siya? Eh sa pag kakaalala niya nga, pinag handaan niya pa 'to ng mabuti, diba? Dahil nakatakip pa ang bunganga niya, huminga muna siya ng malalim at hindi nakikita ni Hyoyeon ang pag nginig ng mga labi niya, "Eh nung kayo pa ni Jongin? Kilala mo ba 'ko?"

Nanlaki ang mga mata ni Hyoyeon sa narinig niya. Parang nag slow mo lahat, hindi yata slow mo, parang tumigil ang lahat. Isa iyan sa mga pagka tago-tago niyang sikreto. Ang dating relasyon nila ni Jongin na walang nakakaalam maliban sakanila mismong dalawa ni Jongin. Lahat ng 'yon nangyari noong nandon pa siya sa dati niyang eskwelahan, lahat ng dahilan kung bakit ganito siya ngayon ay naka hukay sa memorya ng nakaraan. At paano nalaman ni Yixing ang isa 'don?

Isa pa, paano niya makikilala si Yixing noong panahong sila pa ni Jongin, eh kung ngayon lang naman sila nag kakilala? Gulong-gulo na si Hyoyeon.

"Hindi." Seryosong sagot ni Hyoyeon.

Hindi naman kasi niya talaga alam, hindi niya 'to kilala noon pa lang, sigurado siya.

Ibinaba na ng tuluyan ni Yixing ang kuwadernong hawak niya at inilapag sa harapan ni Hyoyeon, "Tingnan mo 'yan, baka sakaling maalala mo 'ko."

Inilibot ni Hyoyeon ang paningin niya sa pira-pirasong papel na nasa harapan niya. Iba't ibang guhit ito na may mga naka salaysay sa ilalim.

Binasa niya iyon ng binasa hanggang sa, may isa siyang nabasang tumatak sa isipan niya.

'Ng mag hiwalay sila ni Jongin, ako ang unang lumapit sakaniya. Sinungitan niya pa nga ako 'non kasi umiiyak siya eh, ayaw niyang may maka kita sakaniya umiiyak, pero okay lang, ang tagal 'ko na ring hinihintay ang pagkakataong ito. Hindi niya kasi ako kilala, sino ba namang makakakilala sa isang tulad 'kong lalaki na naka suot ng salamin, naka braces, diba? Pero alam mo ba, ng nilapitan 'ko siya, ang ganda-ganda niya. First time 'yon! Kung pwede nga lang, sana kinuhaan 'ko na rin siya ng picture pero wag, baka mabastos. Pinangiti 'ko siya 'non, pinatahan. Mabait siya, ewan 'ko ba kung bakit winalanghiya ni Jongin si Hyoyeon. Ang swerte na nga niya eh. Ang masakit lang 'don, hindi niya man lang tinanong pangalan 'ko. Nakakalungkot.'

Inilipat ulit ni Hyoyeon ang pahina ng kuwadernong iyon at nakitang wala na iyong laman. Namamasa na ang mga mata niya ng iniangat niya ang tingin niya kay Yixing na naka lukot ang mukha.

Hindi na siya hinayaang mag salita ni Yixing, "Dalawang taon kitang sinundan 'non Hyo. Nakita 'ko kung paano ka nag palit ng katauhan, ng kaanyuan. Alam 'ko lahat, na kahit nandito na 'ko sa eskwelahang ito, ikaw pa rin yung hinahanap-hanap 'ko." Napa lunok na si Hyoyeon at parang hinihila na siya ng konsensiya niya.

Maniwala man kayo o hindi, hindi niya alam na si Yixing yung taong 'yon. Yung taong nag patahan sakaniya noong panahong sirang-sira siya.

"Ng malaman 'kong dito ka mag eenroll, alam mo ba? Nag kunwari akong bakla. Kasi gusto 'kong mapalapit ka saakin. Kasi ano nga naman ako kung ikukumpara ako kay Jongin- ay mali, Kai na pala." May tigas ang bawat salita ni Yixing na parsng pinipigilan niya ang sarili niyang mag mura.

Bakit niya mumurahin si Hyoyeon? Kasalanan ba ni Hyoyeon? Kung tutuusin, para kay Yixing si Jongin lahat ang may kasalanan eh.

"Nag bago ako ng itsura, siguro sa ganitong paraan, maaalala mong tanungin na ang pangalan 'ko." Nag tigang na ang bagang ni Yixing at napa lunok ng ilang butil ng laway.

Tumulo na rin ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan, tumulo na rin ang kay Hyoyeon. Nag iiyakan na silang dalawa at hindi malaman-laman ni Hyoyeon ang mga salitang dapat lumabas na kanina pa sa mga bibig niya.

"I-I'm sorry." Mahinang bulong niya dahil ito lang ang alam niyang sabihin sa ngayon.

At mas nasaktan si Yixing sa sinabi ni Hyoyeon. Hindi niya kailangan ng sorry ni Hyoyeon, hindi sorry ang kailangan niya. Kailangan niya ng mga salitang makapag papagising sa katangahan niya. Na bakit ba hanggang ngayon hinihintay niya pa ring baka sakaling mapansin siya nito at siya naman ang mahalin, pero matapos naman kasi ni Jongin, nandiyan si Sehun. Ano pang magagawa niya?

"Kahit naman hindi ka mag sorry saakin, pinapatawad kita. Ganon kasi kita kamahal, Hyo, kahit ang sakit-sakit na." At sa mga huling salita niya, pinilit niyang ngumiti.

Yung ngiting may pait, tamis at sakit. Yung ngiting nakapag padurog lalo ng puso ni Hyoyeon. Kasalanan niya. Kasalanan niyang hindi niya alam, kasalanan niyang hindi niya naibalik yung nararamdaman ni Yixing, kasalanan niyang hanggang ngayon may Jongin pa ring isinisigaw yung puso niya. Kasalanan niya.

"S-Sorry, napaka wala 'kong kwenta, sorry." Isinasaad niya na parang bulong na mas kinainit ng ulo ni Yixing.

Wala siyang kwenta? Eh mahal niya nga si Hyoyeon, wala pa rin siyang kwenta? Kahit kailan hindi naging walang kwenta sakaniya si Hyoyeon.

Ito lang naman ang babaeng nakapag pagawa sakaniya ng maraming bagay. Ang babaeng nag bago sakaniya, ang babaeng naging saysay kung bakit hindi niya sinukuan ang sarili niya.

Kung bakit tumayo siya sa mga sarili niyang paa at hindi nag padala sa mga masasakit na salita ng iba. Na kesyo mang mang siya dahil isa siyang Tsino, kesyo isa lang naman siyang taong puro pag babasa lang ang alam.

Pero ngayon, hindi na lang 'yan ang alam niya. Ng dahil kay Hyoyeon, natutunan niyang mag pakatanga.

"Kasalanan 'ko Hyo, kasalanan 'kong tanga ako. Pero worth it naman eh, nag pakatanga ako sa isang tulad mo." At tuluyan ng tumayo si Yixing.

Dapat hindi niya iwan si Hyoyeon, kasi umiiyak si Hyoyeon eh, ayaw niyang iwang luhaan si Hyoyeon. Kung dati nga eh, siya nag papatahan, ngayon siya mismo ang nag papaiyak. Ang bilis nag bagong lahat. Sa sobrang bilis, napag iwanan na siya ng damdamin niyang hanggang ngayon, puro na lang si Hyoyeon, si Hyoyeon, si Hyoyeon.

Pero bago pa siya maka alis ng tuluyan sa lugar na iyon, ipinamahala na niya kay Hyoyeon ang kuwaderno, tutal ginawa niya iyon noon para kay Hyoyeon, maganda ng ibigay na niya 'yon hanggat hindi pa tuluyang mawalan siya ng pag asa.

"Hyo, iyo na 'yang notebook na 'yan. Kung gusto mo, umpisahan mo mula umpisa ng malaman mo kung paano nag simula lahat ng katangahan 'ko para sa'yo."

Lumabas siya ng library ng may luha ang kanyang pisngi, ilang hakbang na lang ang kinuha niya ng tumunog ang bell ng campus at senyales na may klase nanaman. Pero nawalan na siya ng gana eh. Gusto niya munang kumalma, mag pahimasmas. Hindi niya rin inaasahang sa mga nakita niya kahapong mag kasama si Hyoyeon at Sehun, mauudyok siyang umamin na ng tuluyan.

Mahirap talaga mag padala sa selos, siya lang ang nagiging dehado.

Narinig na ni Hyoyeon ang matining na tunog galing sa bell ng campus nila. Pero hindi siya nag patinag at sinimulan ng basahin ang mga naka saad mula sa umpisa. Choice niya 'to, choice niyang saktan si Yixing, saktan sarili niya, choice niya ang lahat kaya't sa ginawang 'to ni Yixing, ang pag babasa lang naman ang maisusukli niya kahit na abutin pa siya ng isang buong araw kakabasa, gagawin niya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.