Chapter 20

Gray

Kung minsan ay tatayo siya, kung minsan rin naman ay uupo siya. Hindi siya mapakali, gusto niyang mag lakad-lakad, gusto niya rin namang manatili na lang. Naguguluhan na rin siya sa sarili niya. Sa unang pag iisip, isa lang naman na katanungan ang pumapasok sa isipan niya. Bakit nga ba ulit siya nandito?

Kinakamot-kamot niya pa ang anit niya at minamasahe ang sintido niya. Kumukunot ang noo pag nakikita niyang napapagalaw ang nga daliring nasa harapan niya at babalik rin naman sa normal pag nakita niya itong natutulog nanaman ng mahimbing. Gusto niyang sapukin ang sarili niya at saktan pero bakit niya nga naman gagawin 'yon. Sapat na ang lahat ng nangyari para masabing tunay nga siyang nasaktan.

Panandalian siyang nag isip-isip, naisip niya rin ang mga bagay na naging dahilan kung bakit nga ba naging ganito siya, inisip niya ang mga bagay na nag udyok sakaniya para maging matigas siya, malamig at punan ng pader ang paligid niya.

Bakit nga ba?

Napangiti siya kahit papaano ng makita niya nanaman ang lalaki sa harap niya na tinaas pa ang polo dahil sa naiinitan siya. Hindi niya pa rin talaga 'yan nababago. Ayon sakaniya.

Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa pader sa may kanan niya. Naka turo iyon sa pang pitong oras at ika tatlumpo't walong minuto ng panahon. Gabi na at nandito pa rin siya, malamang sa malamang pag uwi niya ay lagot nanaman siya. Kung hindi bugbog at sampal, pang gagahasa na lang ang ibabalik sakaniya.

Nangangawit na ang katawan niya at sumasakit na nga, ilang oras na niya binabantayan ang lalaking 'to na kanina pang tulog na akala mo naman ay mantika kung matulog. Gumagawa na siya ng ingay kanina upang magising 'to ngunit binabawi niya rin naman dahil baka nga magising.

Gulo ng pag iisip nitong babaeng 'to, ano?

Sa una'y naasar pero nakikita namang nag aalala. Ganon kasi talaga siguro, pag mahal mo pa rin ang isang tao. Inaamin na niya, pagod na siyang mag lihim pa.

Mahal niya 'to, pero paano na nga ba si Sehun? Hindi niya rin alam kung anong gagawin niya. Pero ang mahalaga, nandito siya sa tabi ng mahal niya, hindi man alam nung taong mahal niya, ano ba magagawa niya?

Kahit masakit na sakaniya, ginagawa niya pa rin.

Kasi kung para naman kay Kai, bakit naman hindi? Masayang man ang pag pupursigi niya, wala na siyang pake.

Ang pinag tataka niya lang talaga, ay hindi siya ganito. Maski dati, hindi siya ganito. Ano nanaman ang nangyayari?

Malimit niyang tinampal ang noo niya dahilan para mapangiwi siya sa sakit.

"Hyoyeon, bakit mo sinasaktan sarili mo?" Nagulat siya sa narinig niyang boses.

Napa nganga na nga siya at muntikan ng napatulala. Ang gwapo naman kasi pag bagong gising pa lang. Sinampal niya nanaman ang sarili niya sa kanyang pag iisip. Bakit ganito ang mga sinasabi't naiisip niya. Hindi ito pwede.

May iba na siya, may bago na siya.

Tila ba natauhan siya at tinugon ang tanong ni Kai sakaniya. Hindi na rin niya kayang itago ang mga mata niyang nag aalala kahit na anong gawin niyang pag kukunwari, nakikita naman kasi talaga. Lalo na kung si Kai ang titingin, malamang sa malamang, makikita't makikita.

"Wala naman. Wag mo na lang pansinin. Okay ka na ba?" Medyo nag mamadali siyang nag sasalita, hindi na mapakali ang kamay niya at nag simula ng mag tubig.

Napangiti si Kai sa nakikita niya. Ganito nga pala si Hyoyeon pag kinakabahan. Naalala niya lang naman.

"Okay na 'ko, wag ka na mag alala." Tumayo na si Kai at nag simulang mag unat-unat, hindi rin naman sumakit ang ulo niya kaya't dire-diretso siya sa pag uunat niya.

Kanina pa rin naman siya gising, ayaw niya lang imulat ang mata niya at pinag patuloy ang kunwaring pag tulog niya dahil ayaw niyang malaman ni Hyoyeon na pinapanood niya ito. Minamanmanan niya ang bawat pag kilos nito. Lalo na pag hindi ito nakatingin sakaniya, siya naman ang babawi at halos tunawin na nga ang pag mumukha ng dalaga.

Ganon kasi talaga pag alam mong wala ka ng karapatan. Hawakan o kaya't kausapin man lang. Ang lapit na niya, abot na abot mo na pero hindi mo man lang makuha. Marunong siyang lumugar at bilang taong walang maalala, ano pa nga bang magagawa niya, hindi ba?

Takang-taka si Hyoyeon sa mga nakikita niya. Bakit ganito ang mga nangyayari? Bakit parang wala lang ang nangyari kanina? Bakit parang hindi siya inatake ng amnesia niya? Bakit?

Kumunot pa rin ang noo niya at tintigan ang bawat kilos na ginagawa ni Kai sa harapan niya. Alam na alam ni Kai na tinititigan siya ni Hyoyeon, paanong hindi naman eh sila na lang dalawa ang tao ng klinika na 'yon.

Sila na lang dalawa ang tao ng eskwelahan na 'yon, maliban sa guwardiya syempre.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ni Kai sakaniya ng makitang nakatulala lang siya.

Kunwari na lang ay hindi niya napansin, kunwari na lang hindi niya nakitang nakatulala nanaman si Hyoyeon. Kunwari na lang, walang pake si Hyoyeon sakaniya. Kunwari na lang ang lahat sana. Kasi kung patuloy niyang aasahan ang mga bagay na dapat ay kunwari lang, masasaktan at masasaktan lang din naman siya.

Pero ang lahat ng sana na 'yon nasira para kay Kai. Ng marinig niyang tugunin ni Hyoyeon ang sinabi niya, pakiramdam niya'y nawawarak ang puso niya. Bakit kasi kailangan niya pang marinig ang pag piyok niya?

"Gusto mo na bang umuwi?" Nananalangin si Hyoyeon na sana ay naiintindihan ni Kai ang ipinapahiwatig niya.

Ayaw pa niyang umuwi, ayaw pa nilang dalawang umuwi. Kung maari nga lang at patigilin ni Hyoyeon ang sandaling ito bakit hindi niya gawin. Ayaw niyang pag gising niya bukas ay wala na 'to, hindi niya na ulit mararamdaman ito. Ayaw niyang mag taksil sa matalik niyang kaibigan, ayaw niyang maging hadlang sakanilang kasayahan.

Pero sana, kahit sa ngayong araw na lang, pag bigyan at patawarin siya ni Yoona. Masaya siya, napaka saya niya. Kahit na alam niyang sa ilang sandali na lang, mapapawi ang saya at mapupunan ito ng pag aalala at pag iisip na lamang. Kung maari, singhal at iyak ang maririnig mula sakaniya.

Maraang napangiti si Kai, nanaman, kinikilig kasi siya. Ayaw niya na ng mas malalim na deskripsyon dahil kinikilig talaga siya. Pumiyok si Hyoyeon sa mga salitang sinabi niya at mahangin man ang dating, alam niyang dahil iyon sakaniya.

"Hyoyeon, date tayo?" Kumuha ng lakas ng loob si Kai para hingin ang pag kakataong ito kay Hyoyeon.

Anong oras pa lang naman kasi, marami pa silang panahon para makapag date. Sigurado rin naman si Kai na maiintindihan ni Yoona ang mga ginagawa niya. Sigurado siya 'don.

Tumagos nanaman ang mga sinabi ni Kai sa tenga ni Hyoyeon at hindi na nakawala sa kabila niya pang tenga. Nag halo-halo sa isipan niya ang mga nangyayari at pakiramdam niya lahat ng dugo niya ay pumunta na sa pag mumukha niya dahil literal na nag iinit ang katawan niya. Yung tenga niya nga ay malamang pulang-pula na dahil kanina pa ito nag iinit sa pakiramdam niya.

Hindi niya rin mapigilan ang ngumiti dahil inaamin niya naman na, kinikilig na rin siya. Napa tungo siya sa sinabi ni Kai at pilit na hindi pinapakita ang reaksyon niya, naka tungo siyang tumayo at dumiretso sa lugar kung saan niya iniwan ang bag niya.

Natatawang nilapitan ni Kai si Hyoyeon at tinapik ng mahina ang balikat nito, bilang alam niyang puro pasa nga iyon, sinadya niya talagang hinaan na lang.

"Psst, ano? Date tayo?" Inulit pa ni Kai ang mga sinabi niya dahilan para mapa pikit si Hyoyeon.

Kailangan niyang kontrolin ang sarili niya, pang ilang beses na nga ba niya ito sinabi sa sarili niya? Uulitin niya, kailangan niyang kontrolin ang sarili niya. Huminga siya ng malalim at inilabas rin naman agad ang hininga niyang hangin. Inulit niya ulit ang pag hinga ng malalim at inulit nanaman ang pag labas niya ng hiningang malalim.

Isa lang ang masasabi niya, hindi niya talaga kayang kontrolin. Ano ba dapat niyang gawin?

"Akin na nga yang bag mo. Bili lang tayo dinner tapos iuuwi kita sainyo, ganon."

Napa taas ng kilay si Hyoyeon sa mga narinig niya. Alam pa ni Kai kung nasaan ang bahay niya? May naaalala na siya?

Kusang ibinigay ng mga kamay ni Hyoyeon ang bag niya papunta kay Kai atsi Kai naman ay parang walang pake sa mga sinabi niya at dire-diretsong nag lakad papunta sa may pintuan, hindi na niya napansin si Hyoyeon na hindi sumusunod sakaniya.

"Kai." Mahina ang boses ni Hyoyeon ng tawagin niya si Kai.

Malamig at diretsa nanaman ang tono ng pag kakasalita ni Hyoyeon at medyo nanlamig si Kai 'don. Kung kanina ay kinikilig siya, ngayon ay nanlalamig siya. Sa isang iglap nag bago agad ang pakikitungo sakaniya ni Hyoyeon.

Dahan-dahan niyang iniliko ang ulo niya papunta sa gawi ni Hyoyeon at tinitigan ito sa kanyang mga mata. Hindi ito ang mga nakita niya kanina.

Napa lunok siya ng laway at binigyan ng maliit na ngiti si Hyoyeon.

"Bakit?"

"May naaalala ka na ba?"

Ngayon lang mag dadasal ng matindi si Kai sa panginoon dahil hindi niya alam kung anong isasagot niya. Ano ba ang dapat niyang maalala? Sa totoo lang, hindi nga niya alam kung ano ba talagang meron sakanila dati. Sadyang sobrang daldal lang ni Yoona at naikukwento iyon kaya't nag karoon siya ng ideya.

Sino nga ba naman ang mag aakalang ganito pala kabigat ang lahat ng iyon?

"Anong naaalala? Hindi naman ako naka kalimot ah?"

Napa singkit ang mga mata ni Hyoyeon kasabay ng mga hakbang niya papalapit kay Kai. Lubhang mas matangkad nga naman ito sakaniya at kailangan niya pang tumingkayad para makita niya ang pag mumukha.

Nag titigan sila sa kawalan at ilang minuto na rin ang lumipas sa pag tititigang iyon ng tapusin na ni Hyoyeon ang tinginang wala naman ng saysay.

"Mahal mo ba talaga si Yoona?" Hindi man niya dapat ito tanungin pero ano pa nga ba. Kailangan niyang marining ang sagot.

"Oo naman."

Nag lakad na silang dalawa papalabas ng eskuwelahan, naka salubong nila ang guard at nginitian na lang sila nito. Tinanguan lang ni Hyoyeon samantalang si Kai naman ay nakipag apir pa. Buhay late ang loko kaya't close sila ng guwardiya.

Walang nag sasalita sakanilang dalawa, wala rin namang kahirap-hirap na bitbit ni Kai ang bag nilang dalawa dahil yung kanya naman ay literal na walang laman kundi piraso ng mga papel, ballpen at pera. Kung kay Hyoyeon naman ay magaan din, kayang-kaya na niyang mag isang hawakan iyon dahil ang dahilan niya, malakas siyang nilalang.

Walang nag sasalita sakanilang dalawa, kung tutuusin parang hindi nga iyon date. Hindi naman kasi yata talaga date dahil hindi naman umoo sakaniya si Hyoyeon. Parang naging alalay lang siya ni Hyoyeon pero masyado raw siyang gwapo para maging alalay lang kaya't gagawa siya ng paraan para makausap ang dalaga sa tabi niya.

"Hyo. May tanong ako."

Napa tigil sandali si Hyoyeon dahil sa pag kakagulat at pag kakamangha niya sa mga naririnig niya. Hyo kasi ang itinawag sakaniya. 

"Hmm?"

"Naniniwala ka ba sa forever?"

Maraang napa tawa ng tuluyan si Hyoyeon kahit na tinatakpan niya pa ang bibig niya dahil ayaw nga niyang may nakakakita sakaniyang tumatawa pero kasi bakit sa lahat ba naman ng itatanong, iyan pa.

"Seryoso ako!"

"Seryoso rin ako."

Napatawa na rin si Kai sa itinanong niya at lalo na kay Hyoyeon. Ang ganda pala talaga niya pag ngumingiti at tumatawa. Nakakapanghinayang nga naman.

Ng kumalma na si Hyoyeon pinunasan niya pa ang mga luhang lumabas sa mga mata niya at ipinagpatuloy na ang pag lakad niya na sinundan naman ni Kai sa likuran niya.

"Hindi eh. Bakit ako maniniwala diyan? Wala namang dahilan para paniwalaan 'yan." Isang diretsang sagot na isinambit Hyoyeon sa kawalan.

Napa tango na lang si Kai at hindi na ninais pang mag salita, ngunit nakaisip siya ng magandang ideya para mas maging masaya ang gabing ito para sakaniya.

"Naniniwala kasi ako eh."

"Bakit naman?"

"Kasi pag katabi kita, naniniwala ako sa tayo. At pag sinabing tayo, pang walang hangganan na ang dating 'non."

Ikinurba ni Hyoyeon ang kamay niya ng pasuntok at malapit na nga niyang suntukin ang lalaking ito na katatabi pa nga lang sakaniya para maisagawa ang banat niya.

"Nag karoon na ng wakas, Kai." Pabulong niyang sambit.

Ngumiti na lang ng malungkot si Kai at hindi na nag salita pa.

(Tagal 'kong nawala. Sorry po.)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.