Chapter 11

Gray

Matapos maligo ni Hyoyeon habang umiiyak, ay tinawagan na niya si Yoona para sunduin siya. Sa lagay niyang 'yon, mukha pa ba siyang makakapag drive? At alam naman ni Yoona na ayaw mag drive ni Hyoyeon. Sa tuwing may lakad sila, nag papasundo si Hyoyeon kay Yoona.

 

Tahimik lang ang byahe nilang dalawa. Wala sa mood makipag usap si Hyoyeon dahil sumakit ang sugat niya dahil sa pag ligo niya. Puro pulbos pa ngayon ang katawan at mukha niya. Hindi niya ginagamot ang mga sugat dahil para sakaniya, ano pa nga bang silbi 'non, kung mag kakaroon at mag kakarooon lang din naman ulit ng sugat. Parehas lang 'yon para sakaniya.

 

Naiintindihan naman ni Yoona ang nangyari at hindi na nag tanong pa. Minsan, hinahayaan niyang manahimik lang si Hyoyeon. Iyon kasi ang pinaka gusto ni Hyoyeon, ang manahimik. Ayaw na niyang mag salita, lalo na kung wala rin namang makaka intindi sakaniya.

 

Ng makarating na sila sa bahay ni Yoona na malapit lang naman sa bahay ni Hyoyeon, dire-diretsong pumasok si Hyoyeon. Kilala naman na siya ng magulang ni Yoona, dahil nga sa magulang nilang dalawa kaya sila nag kakilala. Kilala na rin si Hyoyeon ng mga trabahador 'don. Bilang bestfriend ni Yoona simula ng bata pa sila, talagang makikilala na si Hyoyeon 'don.

 

Pero nagulat lang siya dahil wala namang katao-tao 'don. Ineexpect na rin niyang nandon na ang Exo at si Jessica, dahil sa pag kakaalala niya, 'yon ang sabi sakaniya ni Yoona.

 

Umiling lang si Yoona sa nakikita niya, gustong-gusto ni Hyoyeon sa bahay ni Yoona. Para kasi sakanilang dalawa, mas nagiging payapa ang buhay ni Hyoyeon pag nandon siya sa lugar na 'yon.

 

Dali-daling lumabas si Yoona ng kotse niya matapos niyang ipark ito sa loob. Pumasok na siya sa bahay niya ng makita niya ang kalat-kalat na papel, box ng pizza, box ng damit, balat ng chichirya, balat ng mga instant na pag kain. Nagugutom kasi siya kanina kaya't puro instant foods ang kinain niya.

 

Napa tigil si Hyoyeon sa pag lalakad ng makita niya ang kalat na tinutukoy ni Yoona. Alam na niya kung anong purpose niya dito.

 

"Yoona, pinapunta mo ako dito para pag linisin?"

 

Nag salita si Hyoyeon ng maramdaman niyang nasa tabi na niya si Yoona. Napatawa naman ng mahina at putol putol si Yoona. Selfish nga ang rason niya, diba? Pero wala naman kasi siyang mahingian ng tulong kundi si Hyoyeon lang. Tsaka kailangan rin na pumunta ni Hyoyeon, para sa Exo.

 

"Hyo naman, wala magulang 'ko dito. Ayokong mag linis ng bahay."

 

Nag lakad na si Yoona papalapit sa kalat niya. Ilang araw na ring wala siyang kasama sa bahay na 'yon. Sinundo lang siya kagabi para sa isang dinner meeting sa ibang business partners ng magulang niya, tapos umalis rin agad mga magulang niya.

 

"Bakit ba kasi ganito kadumi?"

 

Huminga muna ng malalim si Hyoyeon bago nag lakad papunta sa kalat.

 

Naka tshirt siya at naka pantalon. Gusto niyang matakpan ang mga bagay na dapat matakpan. Ginawa niya naman lahat ng makakaya niya kahit abutin na siya ng isang oras kakalagay ng pulbo sa braso, balikat, katawan at mukha niya.

 

"Nag leave yung mga katulong eh. Wala naman akong magagawa."

 

Isa-isa na nilang pinulot dalawa ang mga kalat, si Yoona ang pumupulot ng nasa sahig dahil iniiwasan niyang tumungo si Hyoyeon dahil masakit nga ang katawan ni Hyoyeon. Si Hyoyeon naman ang kumukuha ng mga box at mga kalat na nasa sofa.

 

Nabalot sila ng katahimikan habang nag lilinis. Walang may balak mag salita. Si Hyoyeon, dinadala ang mga napulot niya sa platic na inihanda ni Yoona sa tabi ng sofa niya.

 

"Anong oras ba talaga sila dadating?"

 

Si Hyoyeon na ang unang nag salita sa katahimikan nila. Nag tataka lang naman siya dahil kung ito ang purpose ni Yoona kung bakit pinutol ni Yoona ang mahimbing na tulog niya, ang ibig sabihin malapit ng pumunta ang Exo pati si Jessica sa bahay ni Yoona.

 

Ng iangat naman ni Yoona ang mukha niya para tingnan si Hyoyeon na tinititigan siya kanina pa, agad naman siyang nag peace sign. Hindi na kailangan makinig ni Hyoyeon dahil alam na niya kung anong ibig sabihin 'non. Hindi rin naman niya kayang magalit kay Yoona.

 

"Mga 30 minutes pa. Hehe."

 

Bumuntong hininga nanaman si Hyoyeon habang kinukuha ang lagayan ng instant ramen na kinain ni Yoona kaninang umaga.

 

"Sinabi ko na sa'yo na masakit katawan 'ko ngayon eh."

 

"Hyo naman, saglit lang 'yan. Please."

 

Nag puppy eyes naman si Yoona kay Hyoyeon, hindi naman gumagana kay Hyoyeon iyon. Tiningnan lang siya ni Hyoyeon ng patagos. Blanko nanaman ang mukha niya. May hawak-hawak pa rin si Hyoyeon na lagayan ng instant ramen ng umupo naman siya sa sofa ni Yoona. Napapagod siya.

 

"Putek ka Yoona."

 

Iniurong ni Hyoyeon ang sarili niya papunta sa kaliwa niya para maabot niya yung malaking plastic. Si Yoona naman nag pupulot pa rin ng mga nag kalat na papel na pinunit niya sa isang directory. Gusto niya kasi gumawa ng origami, hindi niya naman magawa kaya 'yon, nag kalat siya ng sobra.

 

"Hihi."

 

Kinukuha naman ni Hyoyeon ang mga balat ng chichirya sa sofa o kaya sa kung saan mang lugar na malapit lang sakaniya para hindi na siya tumayo pa. Malaki rin naman kasi ang salas ng bahay ni Yoona, kaya nga nag tataka si Hyoyeon kung paano nag karoon ng sobrang kalat 'don.

 

"Anong gagawin ba nila dito?"

 

Mag sisinungaling si Yoona kay Hyoyeon. Gusto kasi talagang mag party ng Exo dahil wala ang mga magulang ni Yoona, wala ring trabahador. Libre ang bahay, solong solo nilang mag babarkada ang bahay ni Yoona.

 

"Wala naman. Gusto lang nila pumunta dito, hinayaan ko na lang."

 

At bilang hindi na nakaka punta sa party si Yoona, hinayaan niyang sa bahay niya ganapin ang party. O kung party man talaga ang mangyayari mamaya. Alam ni Yoona na ayaw ni Hyoyeon ng ganon, malalakas na kanta, yung pag giling, pag sayaw, pag inom. Ayaw ni Hyoyeon 'non, kaya't gusto niyang isama si Hyoyeon.

 

Napa kunot naman ang noo ni Hyoyeon. Kung buong Exo ang pupunta edi hindi nanaman matatahimik ang buhay niya.

 

"Buong Exo ba talaga?"

 

Napa isip naman saglit si Yoona. Naalala niyang may hindi nga pala sasama. Pero ang importante 'don, nandon si Kyungsoo, yung bebe labs niya.

 

"Hindi ko sigurado kung buo dahil si Suho oppa yata kasama ng mga magulang niya."

 

Masunurin kasi si Suho sa mga magulang niya kaya hindi na naka tanggi at may ipapakilala raw na magandang babae kay Suho.

 

"Edi onse silang pupunta?"

 

Naalala niya ring laging puyat si Chanyeol kaya't bumabawi ng tulog 'yon.

 

"Si Chanyeol oppa hindi ko rin alam kung makakasama. Tulog 'yon panigurado."

 

"Sampu?"

 

Napa tigil naman si Yoona sa kanyang ginagawa at tumingin kay Hyoyeon.

 

"Ah! Si Lay at Chen oppa hindi rin."

 

Sumingkit sandali ang mga mata ni Hyoyeon sa narinig niya.

 

"Si Lay? Bakit?"

 

Hindi niya alam kung paano niya tatanungin si Lay, wala naman siyang number ni Lay sa cell phone. Nag aalala rin siya kahit papaano.

 

"Hindi ko alam, Hyo. Wala naman silang sinabi saakin."

 

Tumayo na si Hyoyeon at kinuha ang mga box at pinag sama sama niya sa isang malaking box. Siyempre, tiniklop niya muna. Bumalik na rin naman na sa trabaho si Yoona at hinayaan lang si Hyoyeon.

 

"Teka nga, saan ko 'to ilalagay?"

 

"Sa kusina."

 

Nag simula ng mag lakad si Hyoyeon papunta sa kusina, 'yon ang utos ni Yoona.

 

"Box, sa kusina?"

 

Na misunderstood ata ni Yoona ang tanong ni Hyoyeon.

 

"Nag order ako ng damit Hyo. Nilagay nila sa box."

 

"Oo nga, pero bakit sa kusina?"

 

Naisip nga rin naman ni Yoona kung bakit nga ba sa kusina ilalagay. Wala naman siyang nahanap na sagot.

 

"'Don mo na lang ilagay."

 

Pumasok na si Hyoyeon sa kusina at inilagay lang ang box sa gilid. Bumalik na siya sa salas para makitang inaayos na ni Yoona ang mga unan. Natapos na rin siya sawakas sa pag pulot ng kalat kalat na papel.

 

Hindi pa rin tapos si Hyoyeon sa pag tatanong ng kung sino sino nga ba ang mga pupunta na Exo.

 

"Kasama si Baekhyun?"

 

Umupo si Yoona sa sofa na pinag hirapan ni Hyoyeon linisin. Pinat niya naman ang kanang bahagi ng inuupuan niya. Madalas, naka upo lang sila ni Hyoyeon sa sofa na 'yon. Nag uusap.

 

"Oo naman. Kasama si Kyungsoo eh."

 

Umupo na rin naman na si Hyoyeon sa tabi ni Yoona.

 

Nung una silang mag kakilala ni Hyoyeon, ang tahimik ni Hyoyeon, pero tanging ate lang niya ang nakakapag palabas ng masiyahing side nito. Natatakot si Yoona kay Hyoyeon ng sobra nung mga panahong 'yon.

 

"Ha?"

 

At dahil naman kay Boa unnie nila, naging close rin sila. Si Boa ang nag push kay Hyoyeon na makipag kaibigan kay Yoona dahil wala siyang kaibigan. Hindi niya alam kung bakit nga ba wala siyang kaibigan at dahil lagi siyang mag isa, natutunan niyang maging matapang, cold, seryoso.

 

"Aasarin niya si Kyungsoo, Hyo."

 

Isa lang naman ang inaalala ni Hyoyeon, paano si Kai?

 

Ng makita ni Yoona ang ngiti ni Hyoyeon ng panahon na 'yon, naisip niyang maganda si Hyoyeon. Maganda naman kasi talaga si Hyoyeon, pero isang araw, sinabi na lang ni Hyoyeon sakaniya na hindi na siya sasayaw dahil pangit naman siya. Walang koneksyon? Pero alam ni Yoona na meron.

 

"Si Kai?"

 

Gustong-gusto ni Hyoyeon sumayaw. Sa ganong paraan, nalalabas niya sama ng loob niya. Maski nga si Yoona natitibo kay Hyoyeon pag sumasayaw na. May sariling mundo si Hyoyeon pag siya na ang sumayaw. Hindi ka niya maririnig, makikita.

 

"Kasama si Sehun kaya kasama rin si Kai."

 

Pero lahat ng 'yon, nasira. Nagulat na lang din si Yoona na blonde na bigla ang buhok ni Hyoyeon. Tinatanong man niya, hindi naman siya sinasagot.

 

At biilang detective si Yoona, alam niyang isa sa dahilan si Kai 'don. Halos kalahati ng storya, alam na niya. Kung ano nga bang totoong nangyari kay Kai at Hyoyeon noon.

 

"Si Tao na lang at si Xiumin pag asa ko mamaya."

 

Matapos mag salita ni Hyoyeon ay huminga naman ulit ito ng malalim.

 

Nagagalit si Yoona kay Kai. Pero kahit na nagagalit siya, alam ni Yoona na minahal ni Kai si Hyoyeon. Gusto niya mang tanungin si Kai kung ano nga bang totoong nangyari, may amnesia naman kasi si Kai.

 

"Anong pag asa?"

 

Matagal ng malamig ang aura ni Hyoyeon, pero sa nangyari sakaniya at kay Kai, mas lumala iyon.

 

Nagulat na lang din si Hyoyeon ng hindi inilipat ni Yoona ang topic kay Kai lalo na't nabanggit niya si Kai.

 

"Payapang buhay."

 

Alam ni Yoona na gusto siya ni Kai. Pero wala lang sakaniya 'yon. Dahil may isa pa siyang alam tungkol kay Kai. At hindi niya pwedeng ipaalam kahit kanino 'yon.

 

Tiningnan ni Yoona ang mukha ni Hyoyeon. Hindi niya man maamin sa sarili niya, si Kai ang unang-unang lalaki nag palabas ng ngiti sa mukha ni Hyoyeon. Maski nga si Yoona nahirapan 'don, pero kay Kai, madali lang.

 

Sa pisngi ni Hyoyeon, nakikita ni Yoona ang isang malaking marka dito na para bang mapa na nga sa rami. Puro pasa nanaman ang mukha niya. Hindi maintindihan ni Yoona kung bakit ba hindi pinoprotektahan ni Hyoyeon ang mukha niya.

 

"Hyo, nag lagay ka ba ng pulbo sa mukha mo?"

 

Nailang si Hyoyeon sa titig ni Yoona sakaniya, lalong lalo na sa tanong niya. Nag blend siya ng iba't ibang pulbo at cream para hindi na nga mapansin ang maiitim na marka sa mukha niya, pero mukhang bumabakat pa rin.

 

"Oo, bakit?"

 

Tinaas ni Yoona ang isang daliri niya at idinampi ito sa kaliwang pisngi ni Hyoyeon. Hindi binigatan o kaya diniinan ni Yoona ang pag lagay ng daliri niya. Ginawa niya lang iyon para malaman ni Hyoyeon kung saan pa nga ba ang bakat.

 

Kahit ano namang gawing pag tago ni Hyoyeon 'don, makikita at makikita pa rin ng tao 'yon.

 

"Bakat pa rin."

 

Sa tinuro ni Yoona na pisngi, naintindihan ni Hyoyeon kung bakit nga ba naaaninag pa rin ang marka. Kagabi lang kasi nang yari 'yon, nakipag bugbugan lang naman talaga siya kagabi.

 

"Bago lang kasi Yoona."

 

Nag tinginan lang silang dalawa gamit ang mga mata nila. Malamig pa rin ang mata ni Hyoyeon, mainit naman ang kay Yoona. Opposite attracts nga naman para kay Yoona.

 

Maraming kaibigan si Yoona, pero si Hyoyeon hindi. Masaya ang pamilya ni Yoona, pero alam niyang kay Hyoyeon hindi. May kapatid si Hyoyeon, si Yoona wala. Pero sa isang bagay lang sila nag kakapareho, ang pag iidolo kay Kwon Boa. Gusto ni Yoona maging pangalawang Boa sa buhay ni Hyoyeon.

 

Habang nag uusap sila, dumating na ang iba sa harapan ng bahay ni Yoona. Gusto mang mag door bell ni Kyungsoo, ayaw ni Jessica. Ang gusto kasi nung prinsesa, surpresahin sila. Dire-diretso lang niyang nilagpasan ang gate na binuksan ni Kris para sakaniya dahil wala namang lock iyon. Sinundan lang naman si Jessica at si Kris ng iba pang Exo. Para tuloy silang kawal ni Jessica at Kris. Naka akbay si Kris kay Jessica habang si Jessica hawak-hawak lang ang bag niya.

 

"Okay lang 'yan?"

 

Nakaramdam ng saglit na pag sakit si Yoona sa dibdib niya. Nasasaktan siya sa nangyayari kay Hyoyeon. Gusto niyang protektahan si Hyoyeon, pero si Boa unnie lang nila ang may kaya 'non.

 

Wala pa ring nararamdaman yung dalawa sa kahit na anong presensya. Ipinihit ni Kris ang door knob na itinuro ni Jessica sakaniya at nakita naman ni Jessica ang blonde na buhok ni Hyoyeon at brown na buhok ni Yoona. Namiss niya mukha ni Hyoyeon, hindi na sila nakakapag date masyado dahil laging nasa tabi ni Kris si Jessica. Lumingon sa likod si Jessica at sinenyasang manahimik sila, lalo na si Baekhyun. Bago pa ialis ni Jessica ang tingin niya kay Baekhyun, inirapan niya muna 'to kaya't inirapan rin siya pabalik ni Baekhyun.

 

"Oo, okay lang."

 

At para namang may ibang choice si Hyoyeon sa sasabihin niya, kailangan niyang sabihin okay siya.

 

Mahinang nag lakad ang ibang Exo at si Jessica, buti na lang at hindi nag heels si Jessica kaya't hindi tumutunog ang sapatos niya. Wala silang naririnig sa pinag uusapan ng mag bestfriend at wala ring naririnig ang mag bestfriend na tunog sa sapatos ng Exo at ni Jessica.

 

Huminga muna ng malalim si Jessica at tinakpan ni Kris ang tenga niya.

 

"Im Yoona!"

 

Isang patiling sigaw ni Jessica sa dalawa niyang kaibigan. Nagulat ang dalawa 'don at agad na napatyo at humarap sa bisita.

 

Pinanatili lang ni Hyoyeon ang seryoso at kalmado nuyang mukha kahit na sobrang nagulat talaga siya sa boses ni Jessica. Habang si Yoona naman painis na humarap kay Jessica.

 

"Ay putek. Jessica Jung!"

 

Sa iisang tao lang naman mang gagaling ang matining na sigaw na 'yon kaya't hindi na nag taka si Yoona pati na rin si Hyoyeon.

 

Hindi na pinansin ni Jessica ang sinabi ni Yoona sakaniya. Agad naman siyang tumingin kay Hyoyeon. Si Kris naman bumalik sa barkada niya, si Baekhyun gusto ng lumapit kay Hyoyeon. Kahit na tshirt lang ang suot ni Hyoyeon at pants, sa paraang niyayakap siya ng mga damit na 'yon, naseyhan si Baekhyun 'don.

 

"Hyoyeon!"

 

Niyakap ni Jessica si Hyoyeon at dinaanan lang si Yoona.

 

"Tinawag kita Sica eh."

 

Si Yoona naman ang yumakap kay Jessica. Sanay naman na siyang ganonin ni Jessica, lumalambing lang siya.

 

"Mas interesado ako kay Hyoyeon eh."

 

Nag lakad palayo si Hyoyeon at lumapit sa limang lalaking tinitingnan lang siyang papalapit sakanila. Si Baekhyun, tinitingnan ang legs ni Hyoyeon. Makikita sa suot ni Hyoyeon na masikip na pantalon ang hips niyang malaki pero katamtaman lang para sa size ng katawan niya. Gusto ni Baekhyun iiwas ang mga mata niya pero hindi niya magawa. Si Xiumin naman, nasa tabi lang ni Tao at nananahimik, lagi naman siyang ganon. Si Tao, naka ngiti lang kay Hyoyeon, ayaw niyang tingnan ang katawan ni Hyoyeon, ayaw niyang tularan si Baekhyun hyung niya. Si Kyungsoo naman, naka dilat lang ang matang tinitigan si Hyoyeon. Hindi naman siya byuntae kaya okay lang.

 

Ang unang nilapitan ni Hyoyeon, si Kris. Hindi sila gaano kaclose ni Kris. Pero kung ikukumpara sakanila ni Kyungsoo, Xiumin at Tao, mas close sila ni Kris.

 

"Hi, Kris."

 

Hindi ngumiti si Hyoyeon kay Kris, tulad ni Hyoyeon, hindi rin ngumiti si Kris.

 

"Hi, Hyo."

 

Pinanood lang ni Tao ang nangyayari at nakitang may pag kakapareho sila. Okay lang naman na kay Hyoyeon na tawagin siyang Hyo ni Kris.

 

"Mukha kayong mag kapatid hyung."

 

Bored naman na napatingin si Kris kay Tao.

 

"Bakit?"

 

Tinuro ni Tao ang mata niya na nag sesenyas na dahil sa mata nilang dalawa. Napa tawa naman ng mahina si Kris 'don. Natapos na rin ang awayan ni Yoona at Jessica, lumapit na si Jessica sa boyfriend niya habang si Yoona lumalit sa bestfriend niya.

 

Hindi na napigilan ni Baekhyun ang sarili niya at lumapit na siya sa babaeng kanina niya pang tinutunaw. Kinokontrol niya sarili niya. Kung sakaling nandito si Kai ngayon, malamang sa malamang binatukan na siya nung gwapong 'yon.

 

"Hyo!"

 

Bumati kay Hyoyeon ang masiyahing mukha ni Baekhyun na laging naka ngiti. Pero hindi niya kayang ibalik ang ngiti na 'yon.

 

"Hi Baek."

 

Tumabi lang si Baekhyun sa tabi ni Hyoyeon at iniiwas ang mata niya sa pag titig dito. Ayaw niyang mahuli siya ni Hyoyeon, masisira image niya kay Hyiyeon.

 

"Asan yung mag bestfriend?"

 

Kusang lumibot ang mata ni Hyoyeon para hanapin si Kai at Sehun pero wala siyang nakita. Buti na lang at natanong na ni Yoona kung nasaan nga ba yung dalawa.

 

"Susunod daw. Hirap daw ngayon si Kai gisingin si Sehun."

 

At mukhang walang sasagot sa tanong ni Yoona, si Xiumin na ang sumagot.

 

"Uminie oppa, nag salita ka."

 

Ngiti lang ang naging sagot ni Xiumin kay Yoona. Hindi naman kasi siya talaga laging nag sasalita.

 

Lumapit si Kyungsoo kay Hyoyeon at Yoona. Sa pag lapit ni Kyungsoo, naramdaman ni Hyoyeon na nag panic si Yoona sa tabi niya.

 

"Hi, Hyoyeon."

 

Ngumiti lang ng maliit si Kyungsoo kay Hyoyeon.

 

"Hi, Kyungsoo."

 

Matapos kay Hyoyeon, kay Yoona naman tumingin si Kyungsoo. Agad rin namang nag init ang pisngi ni Yoona at nag init ang pakiramdam niya. Sa pisngi at katawan niya. Kinikilig talaga siya.

 

"Hi, Yoona."

 

Natatawa si Hyoyeon sa itsura ni Yoona, makikita mo ang pula ng pisngi niya at pagka panic niya. Pero natatawa lang siya sa isipan niya.

 

"H-Hi Ky-D.O."

 

Ngumiti lang naman ulit si Kyungsoo kay Yoona at umalis na.

 

Ramdam nanaman ni Baekhyun ang mala laser na mata ni Jessica dahil kanina pa masama ang tingin ni Jessica sakaniya. Tinulungan na nga siya ni Baekhyun makuha si Kris hyung niya pero ganiyan pa rin ang trato ni Jessica sakaniya.

 

'Hmph. I played a big role on their love story. Tsk.'

 

Inirapan niya lang si Jessica at ibinalik ang tingin niya kay Hyoyeon.

 

"Baekhyun, layuan mo si Hyoyeon,"

 

Malamig na boses ang narinig ni Baekhyun. Naiinis siya sa boses na 'yon, sobrang inis siya 'don. Hindi niya nga maintindihan kung bakit nga ba nagustuhan ni Kris hyung 'yon.

 

"Ano nanaman ginagawa 'ko Jessica?"

 

Inirapan lang siya ni Jessica at ibinaling ang tingin niya kay Kris. Hindi naman nag patinag si Baekhyun, wala namang masama sa pag lapit kay Hyoyeon.

 

'Single si Hyoyeon, single ako, pwede na. Kung wala lang talaga yung maitim na 'yon sa love story namin ni Hyo eh.'

 

"Layuan mo si Hyoyeon. Si Chanyeol?"

 

"Tsk. Tulog."

 

Hindi naman alam ni Kris kung nasaan nga ba si Chanyeol. Kagabi lang ay mag kausap sila sa face time, mga madaling araw na rin 'yon. Si Baekhyun na ang sumagot sa tanong ni Jessica.

 

"Hanggang ngayon?"

 

Tiningnan niya nanaman ulit si Baekhyun na ngayon ay masama rin ang tingin sakaniya. Naiirita talaga siya kay Jessica. Parehas lang silang naiirita sa isa't isa.

 

"Syempre?"

 

Pamimiosopo ni Baekhyun. Kung gising na 'yon kanina pa edi sana nandito na 'yon. Kung sakaling gising naman na 'yon ngayon, edi sana tinawagan niya na si Baekhyun.

 

Inirapan lang naman ulit siya ni Jessica sa pang ilang beses na nga ba.

 

"Byun Baekhyun."

 

Kumunot ang noo ni Baekhyun at mas sumingkit ang malikiit niyang mga mata. Ayaw niyang tinatawag siya ni Jessica gamit ang buo niyang pangalan dahil naiirita siya.

 

At bilang ganti, tatawagin siya ni Baekhyun gamit ang buo niyang pangalan.

 

"Jung Sooyeon."

 

Lahat lang naman sila nanunuod ng away ni Jessica at Baekhyun. Nagulat na lang si Kris ng kumalas si Jessica sa pag kakahawak ni Kris at binatukan si Baekhyun.

 

"Sabing wag mo 'kong tatawaging Sooyeon eh!"

 

"Edi way mo akong tatawing Byun Baekhyun."

 

Hinila naman ni Kris si Jessica para hindi na ito maka gawa pa ng ibang gulo.

 

"Playboy."

 

At dahil gwapo raw si Baekhyun, hindi na siya iirap.

 

'Playboy? Ako nga yung nililigawan. Kasalanan 'ko bang inlove sila saakin?'

 

"Arrogant."

 

Tinaasan lang ni Jessica si Baekhyun ng kilay. At pag tinaas niya ang kilay niya, ibig sabihin galit na nga talaga siya. Alam ni Kris 'yon kaya't pipigilan niya na si Baekhyun.

 

"Byun Baekhyun."

 

Nag pantig ang tenga ni Baekhyun, si Kris na ang nag sabi ng buong pangalan niya. Tama naman si Suho, si Kris ang sinusunod nilang lahat. Nakakatakot kaya si Kris magalit.

 

"Sorry po, Kris hyung."

 

"Si Luhan?"

 

Tiningnan ni Hyoyeon si Kris sa mga mata. Alam ni Hyoyeon na kay Kris siya makakakuha ng sagot. Yung matinong sagot.

 

"Kasama 'non si Suzy."

 

"Nandon nanaman siya?"

 

Nakuha naman ni Kris ang ibig sabihin ni Hyoyeon 'don sa sinabi niya. Ang ibig sabihin, alam na ni Hyoyeon.

 

"As usual."

 

English na sinagot ni Kris.

 

*

 

Lahat sila naka higa na, sa sahig, sa sofa at kung saan man sila makakahiga. Si Sehun naman natutulog lang, hindi siya uminom dahil hindi naman daw siya umiinom. Ayaw niya ng lasa ng alak. Si Hyoyeon, naka upo sa sofa. Tinitingnan lang sila ni Hyoyeon, pinapanood, hinihintay matapos. Hindi naman kasi mahilig sa ganito si Hyoyeon, yung party dito, party doon. Ayaw niya sa mga tao.

 

Sa gilid, may makikita kang naka handusay na Xiumin. Napuruhan siya ng alak. Walang alam si Hyoyeon na may alak pala si Yoona sa ref nila. Ito ang punterya ni Yoona, ang makasama siya sa party nila kuno.

 

Hindi rin naman uminom si Hyoyeon kaya't wala siyang ginawa, si Jessica uminom pero kaonti lang, pati na rin si Kris. Si Kai, hindi rin uminom. Nag taka 'don si Hyoyeon dahil dati malakas uminom ng alak si Kai.

 

Nasa tabi ngayon ni Hyoyeon, si Baekhyun at Yoona. Sa tabi ni Baekhyun si Kai, si Sehun naka patong ang ulo sa hita ni Kai. Bromance overload.

 

Tumayo si Luhan para kumuha ng chichirya sa lamesa. Naka inom rin naman siya, pero hindi gaano. Late na rin siyang naka dating dahil nandon siya sa kapehan kasama nanaman si Suzy.

 

"Hindi ko alam na ang y mo pala Luhan hyung."

 

Napa tigil naman si Luhan sa pag tungo niya. Si Baekhyun ang nag salita. Napuruhan na ang utak ni Baekhyun kaya maski lalaki, naseyhan siya. Niyakap ni Baekhyun ang bewang ni Luhan habang si Luhan halata ang pandidiri sa mukha.

 

"Putek, layuan mo nga akong bakla ka.".

 

Tiningnan lang naman ni Hyoyeon at Kai ang nangyayari. Sanay na si Kai kay Baekhyun na ganon dahil maski nga dati, inaya siya ni Baekhyun gawin 'yon, pag lasing lang naman. Pero lalaki siya, kaya 'yon, hindi niya ginawa. Si Hyoyeon naman, walang pake. Nakukyutan lang siya kay Luhan.

 

Napa 'tsk' naman ng mahina si Baekhyun sa pag sabi sakaniya ni Luhan ng bakla. Ilang beses na niyang sinabi sa mga bakla niyang kaibigan na hindi siya bakla.

 

"Hindi ako bakla, hyung."

 

Mas nilapit ni Baekhyun ang katawan niya kay Luhan at inilapit ang mukha niya kay Luhan. Ang ganda lang talaga ni Luhan para sa paningin niya, lalo na't lasing siya.

 

"Baekhyun!"

 

Napa urong naman si Baekhyun sa pag tulak sakaniya ni Luhan. Matagal na siyang hindi nakaka ganon, mahirap mawalan ng laruan, ng babaeng nanliligaw sakaniya. Binabasted niya kasi, umaasa pa rin siya kay Hyoyeon.

 

"Hyung naman, na seyhan na nga ako sa'yo, ayaw mo pa."

 

Umupo naman ulit si Baekhyun sa tabi ni Hyoyeon. Napa galaw naman agad si Kai ng makita niyang sobrang lapit ni Baekhyun kay Hyoyeon. Handa na siyang batukan ang hyung niya.

 

"Oh, chika babes. Hyo, ang ganda mo. , ang bango."

 

Binulong ni Baekhyun iyon sa tenga niya, habang inaamoy siya.

 

Hindi nagugustuhan ni Hyoyeon ang pakiramdam. Hindi niya talaga nagugustuhan.

 

"B-Baek."

 

Pumatong si Baekhyun kay Hyoyeon, hindi maka tingin ng diretso si Hyoyeon kay Baekhyun dahil parang kahit anong oras, may gagawing masama sakaniya si Baekhyun. Ayaw niya ng pakiramdam.

 

Tinabig ni Kai ang ulo ni Sehun sa hita niya na naging dahilan ng pag gising ni Sehun. Magagalit na sana si Sehun at babatukan si Kai ng makita niya ang ginagawa ni Baekhyun kay Hyoyeon. Sabay silang napa tayo ni Kai.

 

"Bakit ba kasi bawal kitang ligawan?"

 

Onti-onting nilalapit ni Baekhyun ang mukha niya sa mukha ni Hyoyeon. Para namang hahayaan ni Kai mangyari 'yon. Kinontrol ni Baekhyun ang sarili niya halikan ang mapupulang labi ni Hyoyeon. Sa huli, noo lang ang hinalikan niya. Kung hindi niya lang kasi talaga mahal si Kai (in a bro way), uunahan na niya si Kai kay Hyoyeon.

 

Natatakot si Hyoyeon, natatakot siya sa gagawin ni Baekhyun. Ayaw niyang saktan siya ni Baekhyun. Nararamdaman niyang namamasa ang mga mata niya, pero agad niya ring pinunsan, kailangan niyang maging malakas. Walang naka pansin ng luha niya.

 

"Hyung."

 

Hinila ni Kai ang braso ni Baekhyun para maka alis ito sa pag kakapatong sa hita ni Hyoyeon. Ang Sehun na kanina ay mahimbing ang tulog, ngayon, naka tayo rin at pinapanood ang ginagawa ni Kai.

 

Napa hinga naman ng malalim si Hyoyeon. Sa ilang segundo, naisip niyang masamang tao si Baekhyun.

 

"Jongin, akin na lang si Hyoyeon."

 

Hindi alam ni Sehun na hindi niya pa pala masyadong kilala ang bestfriend niya.

 

Napa tikom ng bibig si Kai, napa smirk naman si Baekhyun sa sinabi niya. Hindi alam ni Baekhyun kung gaano na siya kagustong suntukin ni Kai sa pisngi. He's not feeling humilated.

 

Nagulat si Jessica at Kris sa sinabi ni Baekhyun. Hindi nila tinatawag na Jongin si Kai maliban na lang kung seryoso sila. Ayaw ni Kai na tinatawag siyang Jongin. Ayaw niyang marinig pang muli 'yon, masyado siyang nasasaktan.

 

"Baekhyun, tigilan mo yan."

 

Isang diretso, seryoso na utos ni Jessica kay Baekhyun. Madalas man silang nag away, pero kilala nila ang isa't isa.

 

"Hmph, inggit ka lang Jessica."

 

Hinila na paupo ni Sehun si Kai, umupo na rin si Baekhyun pabalik sa tabi ni Hyoyeon. Gulat pa rin si Hyoyeon sa mga nangyari. Ng maramdaman niyang tumabi ulit si Baekhyun sakaniya, umoso msiya patabi kay Yoona.

 

"Sorry, lasing lang."

 

Mahinang bulong ni Baekhyun kay Hyoyeon. Pero hindi 'non napatigil si Hyoyeon sa pag papanic.

 

"Aba loko ka ah!"

 

Pinandilatan ni Jessica si Baekhyun ng mata. Hindi dahil sa nagagalit siya sa sinabi ni Baekhyun sakaniya, kundi may iba pa siyang ibig sabihin 'don.

 

*

 

Tulog na si Baekhyun, Sehun, Jessica at Kris (ata). Halos lahat tulog na maliban na lang kay Yoona, Kyungsoo, Hyoyeon at Kai. Kung may mas aawkward pa sa lagay nila, ito na 'yon. Bilang si Hyoyeon at Kai na lang ang nasa tamang pag iisip, wala silang mabuong topic. Hindi pa rin nakaka move-on si Hyoyeon sa ginawa ni Baekhyun. Hindi rin naman alam ni Kai kung paano kakausapin si Hyoyeon.

 

Naramdaman ni Hyoyeon na isinandal ni Yoona ang ulo niya sa braso niya. Kailangan na niyang dalhin si Yoona sa kwarto dahil maya-maya lang, aamanin na 'yon kay Kyungsoo. Si Kyungsoo naman ay nasa kusina, nag huhugas ng mga baso, plato. Yun mga ginamit nila kanina.

 

"Yoona, hoy."

 

Inalog ni Hyoyeon ang balikat niya para magising sa reyalidad si Yoona. Napa tingin lang naman si Yoona kay Hyoyeon. At dahil lasing siya, kung ano-ano na ang mga pinag sasabi niya.

 

"Hmm? Gwapo ni Kyu-"

 

Bago pa matapos ni Yoona ang sasabihin niya, tinakpan na agad ni Hyoyeon ang bibig niya.

 

"Ganito ka ba malasing?"

 

Napa tawa ng mahina si Yoona, hindi na niya naririnig ang sinasabi ni Hyoyeon. Mata niya na lang gumagana para hanapin si Kyungsoo.

 

"Asan na si Kyungsoo?!"

 

Unang beses na tinawag ni Yoona si Kyungsoo ng Kyungsoo kaya't agad agad naman na lumapit si Kyungsoo na nasa kusina. Alam niya naman kung kanino galing ang lasing na boses na 'yon.

 

"Bakit Yoona?"

 

Nag tatakang tanong ni Kyungsoo kay Yoona. Wala naman siyang nararamdaman na kahit na anong espesyal kay Yoona. Pero dati, gusto niya si Yoona, kaso gusto ni Kai si Yoona.

 

"Hihihi, cru-"

 

Tunakpan naman ulit ni Hyoyeon ang bibig ni Yoona. Ito ang sinasabi niya, pag lasing si Yoona, aamin 'yan sa gusto niya. Inirapan lang ni Yoona si Hyoyeon at tinanggal ang kamay ni Hyoyeon sa bibig niya.

 

"Hyo, ano ba?"

 

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?"

 

Napa ngiti ng masama si Kyungsoo sa nakikita niya.

 

"Hihihihihi, Hyo naman, wala naman akong gagawin."

 

Ngayon niya lang nalaman na baliw pala sakaniya si Yoona. 

 

Nakita ni Hyoyeon ang masamg ngiti ni Kyungsoo. Napa face palm na lang siya dahil alam niyang alam na ni Kyungsoo ang nararamdaman ni Yoona sakaniya. Dumako ang tingin ni Kyungsoo papunta kay Hyoyeon habang suot suot pa rin ang masamang ngiti.

 

'Yon pala ang sinasabi ni Yoona na y version ni Kyungsoo?

 

"Kyungsoo, pasensiya na ah. Patutulugin 'ko lang 'tong babaeng 'to."

 

Tumayo na si Hyoyeon para hilain si Yoona. Inalalayan naman siya ni Kyungsoo, na naging dahilan ng pag titig ng masama ni Kai kay Kyungsoo. Tiningnan lang ni Kyungsoo si Kai habang naka smirk ito.

 

Ganito rin siguro ang magagawa ng alak kay Kyungsoo?

 

"Hihihi, Kyungsoo, I lo-"

 

Tinakpan naman ulit ni Hyoyeon ang bunganga ni Yoona. Kai couldn't care less. 

 

"Putek, Yoona. Manahimik ka na lang."

 

Si Kyungsoo naman ang humila kay Yoona kaya't masaya namang tumayo si Yoona.

 

"Kyungsoo, ako na la-"

 

Bago pa mayakap ni Yoona si Kyungsoo, tinakpan na ni Hyoyeon muli ang bunganga ni Yoona at hinala na ito paakyat sa kwarto niya. Mahihirapan man siya, pero mas okay na kesa pahiyain ni Yoona ang sarili niya sa harap ng gusto niya.

 

"Im Yoona."

 

Tingnan lang ni Kyungsoo si Kai habang naka smirk. Marami ring alam si Kyungsoo kay Kai. Baka nga yung bagay na hindi alam ni Sehun tungkol kay Kai, alam ni Kyungsoo. Inirapan lang ni Kai si Kyungsoo kaya't bumalik na ang inosenteng Kyungsoo sa kusina.

 

Tumayo naman si Kai para puntahan si Hyoyeon na nahihirapan ng iakyat sa hagdan si Yoona.

 

"Uhm, kailangan mo ba ng tulong?"

 

Nagulat si Hyoyeon ng marinig niya ang boses ni Kai sa tabi niya. Kinukuha naman ni Kai si Yoona pero ayaw pakawalan ni Hyoyeon si Yoona.

 

"Wag na lang, Kai ssi."

 

Napa kunot ang noo ni Kai sa narinig niya.

 

"Ssi? Tawagin mo na lang akong Kai."

 

Hinila naman ulit ni Kai si Yoona, at Hyoyeon bilang Hyoyeon, hindi niya hinayaang makuha ni Kai si Yoona.

 

"Wag na ako na lang."

 

"Baka mabigatan ka, mas matangkad pa naman sa'yo si Yoona."

 

Gustong sapukin ni Hyoyeon ang ulo ni Kai. Ayaw niyang iniinsulto ang height niya.

 

"Kaya 'ko na."

 

Pero may amnesia nga kasi, mamaya mas lumala kung sasapukin niya.

 

"Ako na lang, wala naman ako gagawing masama. Kasama naman kita hanggang sa pag pasok sa kwarto niya, makikita mo naman."

 

Ngumiti ng malumanay si Kai kay Hyoyeon. Hindi si Kai iyon para kay Hyoyeon, si Jongin iyon. Tama, si Jongin lang ang nguminiti ng ganon sakaniya. Her heart fluttered. Tumibok ng malakas ang puso niya. Bumigat ang dibdib niya. Nag init ang pisngi niya, ang dugo niya parang lahat ay pumunta na sa pisngi niya. Kinikilig siya.

 

Pero iniiwas niya ang tingin niya sa Jongin na nakikita niya, pinapaalala niya sa sarili niya na si Kai ang kaharap niya, kausap niya.

 

Nakita ni Kai ang pisngi niya, ang pagiging nerbyosa niya bigla. He smiled out of victory.

 

"Ayokong hanggang mamaya tahimik tayo."

 

Tahimik lang silang nag lalakad paakyat ng saglit na huminto si Kai na naging dahilan ng pag hinto ni Hyoyeon sa likod ni Kai. Pasan pasan ni Kai si Yoona, habang si Hyoyeon inaalalayan si Kai sa likod. Nag seselos siyang makitang si Yoona ang naka pasan. Pero hindi niya inaamin sa sarili niya.

 

Iniharap ni Kai ang kamay niya sa harap ni Hyoyeon.

 

"Hmm."

 

Tinanggap ni Hyoyeon ang alok ng pakikipag kamay at ayaw na niya itong bitawan. Ayaw na rin naman na bitawan ni Kai, pero si Hyoyeon ang unang bumitaw.

 

"Okay lang ba?"

 

"Hmm."

 

Nag simula na silang mag lakad, tumungo lang si Hyoyeon para hindi niya makita si Kai.

 

"Mag sabi ka ng tungkol sa'yo, mag sasabi ako ng tungkol sakin."

 

"Ayoko."

 

Mariing umayaw si Hyoyeon. Ayaw niya, ayaw na niyang may malaman pa si Kai tungkol sakaniya. Panibagong simula na ito para sakaniya.

 

"Akala ko ba mag kaibigan na tayo?"

 

Napa taas ang kilay ni Hyoyeon, mag kaibigan ba sila?

 

Hindi na nag salita si Hyoyeon sa tanong ni Kai, kaya't inumpisahan na ni Kai ang pag tatanong. Hindi naman na niya kailangan, marami naman na siyang alam. Gusto niya lang gumawa ng paraan para mapalapit sa dati niyang kasintahan.

 

"San ka nag aaral dati?"

 

Napa ikot naman ang mata ni Kai papunta sa kanyang kaliwa. Alam na alam ni Kai kung anong isasagot ni Hyoyeon dito.

 

"School."

 

Isang mahinang bulong lang ang narinig ni Kai.

 

"Saang school?"

 

Lumunok ng laway si Hyoyeon, kung malalaman ni Kai kung saang school, may tiyansang maalala niya agad si Hyoyeon.

 

"School na iniisponsoran ng ate 'ko."

 

Hindi nga alam ni Hyoyeon kung bakit nga ba nagka amnesia si Kai. Sinabi na lang sakaniya ni Yoona na may amnesia na si Kai, ganon lang.

 

"Kwon Boa?"

 

Napa pikit si Hyoyeon sa narinig niyang pangalan. Ayaw niyang marinig 'yang pangalan na 'yan. Yung dahilan kung bakit ba anino na lang siya palagi, kung bakit lagi na lang siyang napag iiwanan. Ayaw niya.

 

"Bakit mo alam?"

 

Dire-diretso pa rin silang nag lalakad, inaalalayan pa rin ni Hyoyeon si Kai. Mahina lang ang boses nilang dalawa.

 

"Sa naaalala 'ko, 'don ako dati nag aaral."

 

"Boyfriend?"

 

"Wala."

 

Napa ngiti si Kai sa narinig niya, may pag asa pa siya.

 

"Kahit ex?"

 

"Meron."

 

He'll take the chance to ask one thing.

 

"One word to describe him?"

 

Napa hinto saglit si Hyoyeon. Hindi niya ineexpect na si Kai mismo ang mag tatanong 'non sakaniya. Lalo na't siya ang ex na sinasabi ni Hyoyeon. Kung hindi ba naman talaga gago si Kai, 'yon pa ang natanong niya.

 

"Gago."

 

Parehas silang nakaramdam ng sakit sa dibdib nila, parehas silang nakaramdam ng pamamasa sa mga mata nila. Masakit pa rin ang nangyari para kay Hyoyeon. Hindi naman nila ginustong dalawa ang nangyari, nangyari lang talaga. Sinaktan ni Kai si Hyoyeon, nasaktan lang naman si Hyoyeon. Kai can't explain anything, because he can't remember anything.

 

"Kung tungkol naman saakin, wala na akong masasabi."

 

Marami na rin naman ng alam si Hyoyeon kay Kai, hindi na kailangan.

 

*

 

Hindi na napansin ni Hyoyeon ang oras at mag aalas dos na ng umaga. Linggo naman na dahil alas dos na, kaya't walang problema para sakanila, pero para kay Hyoyeon mayroon. Dapat bago pa lang mag 9, naka uwi na siya sa bahay niya pero heto siya ngayon, nasa tabi ni Kai. Ayaw rin naman niyang umuwi, uuwi pa ba siya kung alam naman niyang wala na siyang lugar 'don?

Hindi na nasundan ang pag uusap nila ni Kai. Nanahimik lang silang dalawa, walang nag sasalita ni isa, literal. Matapos ilapag ni Kai si Yoona sa kama, sabay na silang lumabas 'don at sinigurado ni Hyoyeon na walang mangyayari o kaya'y nangyaring masama kay Yoona.

Hindi tulog si Kai, hindi rin tulog si Jessica at Kris. Kanina pa nga nababadtrip itong si Hyoyeon dahil kanina pa nag lalaplapan ang mag syota sa harapan nila ni Kai. Hindi lang talaga masaway ni Hyoyeon dahil hindi naman pwedeng pigilan dahil mag karelasyon yung dalawa, legal at nasa tamang edad pa. Nasusura lang talaga si Hyoyeon sa nakikita niya, malay ni Hyoyeon kay Kai kung anong pakiramdam maka nood ng ganon ng live.

Matapos mag linis ni Hyoyeon kanina, nag pahinga lang siya, saglit lang naman. Si Kyungsoo na nag hugas ng plato, dumiretso sa tabi ni Sehun at natulog na rin. Malay ni Hyoyeon kung paano sila nakakatulog ng ganon kahimbing na iisang sofa lang.

Tumayo na si Hyoyeon para patigilin ang mag syota na naka kumot na ngayon. Kailangan niya lang mag paalam. Sa pag lapit niya naman, nakarinig siya ng mahihinang ungol. Gusto na niyang pigilan ang mga paa niya sa pag lalakad para maiwasan na ang pag lapit 'don sa mga ungol na 'yon, kailangan pa kasi niyang pag ayusin na yung dalawa. Pero bago pa maiangat ni Hyoyeon ang kumot, napigilan na siya ng boses ni Kai.

"Hayaan mo na lang sila Hyoyeon."

Suggestive ang boses na narinig ni Hyoyeon mula kay Kai, may pinapahiwatig. Hindi alam ni Hyoyeon kung ano nga bang tumatakbo sa utak ni Kai pero sigurado si Hyoyeon na naririnig ni Kai ang mga mahihinang ungol ni Jessica at Kris.

"Bakit?"

"Sleep over na kami dito."

Tumayo na si Kai at hinablot ang kumot ni Chen sa kabilang sofa, nilatag niya iyon sa carpet at humiga na matapos agawin ang unan na yakap-yakap ni Luhan.

"Alam na ba ni Yoona?"

"Siya nag plano."

Humarap naman ulit pabalik si Hyoyeon sa dalawang nag lalampungan sa ilalim ng kumot at siniguradong maririnig nila ang boses ni Hyoyeon.

"Bahala kayo. Aalis na 'ko. Bye Jessica."

"Madaling araw na, aalis ka pa?"

Nag salita naman si Jessica pero naka takip pa rin ang kumot sakanilang dalawa ni Kris.

"Kailangan ako sa bahay."

"Dali na, sabado naman ngayon."

"Ayoko."

Umupo naman sa pag kakahiga si Kai at tumingin kay Hyoyeon dahil kung uuwi si Hyoyeon mag isa, magiging delikado.

"Hatid na lang kita sa bahay niyo."

Para namang mag papahatid si Hyoyeon sa ibang tao maliban kay Jessica at Yoona. Malamang sa malang hihindi siya. Ayaw rin niya kasing makasama sa iisang kotse si Kai, magiging awkward 'yon, sobra. Ayaw rin niyang malaman ni Kai kung saan nga ba nadako ang bahay niya.

"Oo tama nga si Kai, Hyoyeon. Kung uuwi ka, pahatid ka na lang. Siya lang naman na ang gising."

Si Kris naman ang nag salita, bakit kaya hindi na lang nila itaas ang kumot kahit papaano para hindi sila sumigaw.

"Wag na, dito na lang ako matutulog."

Nag smirk si Kai at alam niyang nakita ni Hyoyeon 'yon dahil kumunot ang noo ni Hyoyeon. Dahil sa smirk na 'yon, alam ni Hyoyeon na kalokohan nanaman ang plano ni Kai.

"Dito ka matulog sa tabi 'ko, dali."

Pinalo-palo ni Kai ang espasyo sa tabi niya, kasya naman silang dalawa 'don. Pero asahan niyo pang tumabi 'tong si Hyoyeon.

Umiling-iling na lang si Hyoyeon at nag lakad na papunta sa hagdan. Matutulog na lang siya kasama si Yoona. Nakikita pa rin naman siya yung mag syota, lalo na si Kai dahil nasa tabi lang naman si Kai ng daanan papunta sa hagdan kaya't nag kakatama ang tingin nilang dalawa.

"Akala ko ba, Yoona ka na, Kai?"

Boses ni Jessica ang narinig nila at dahil trip nanaman ni Kai si Hyoyeon, tumawa siya ng mahina, evily. Sa tawang 'yon kahit medyo may pagka tarantado ang tawa, tumibok nanaman ng malakas ang puso ni Hyoyeon kasabay ng pag init ng mukha niya. Maya-maya lang rin ay naging pula na ang pisngi niya.

"Ang ganda ni Hyoyeon eh."

Sabay kindat ni Kai kay Hyoyeon.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.