Chapter 33

Gray

Simple, matapos ng mainit na diskusyon ni Kyungsoo at Sehun, taimtim niya 'tong pinalayas. Tiningnan ang oras at nakitang malapit na, malapit ng magising ang nanay niya, kakaonting oras na lang din at palalayasin na rin niya si Hyoyeon. Hindi niya mahahayaang makita ni Hyoyeon ang mga mangyayari, hindi ngayon. Hindi siya pwedeng kaawaan, nag mamakaawa siya, huwag ngayon.

Hindi pwedeng makita ni Hyoyeon na nasasaktan siya, na naguguluhan siya, na hirap na hirap na siya.

Huwag sanang makita ang Sehun na pilit na itinatago niya.

Titig na titig siya sa pagmumukha ni Hyoyeon na abalang nag lilinis ng mga gamit ni Sehun. Mga damit na naka kalat na isa-isa niyang ibinabato sa basket, mga ilang papel at kung anong gamit na maari niya pang maitago. Sumasakit ang ulo niya sa kalat, sumasakit rin ulo niya kay Sehun na wala man lang ginagawa para tulungan siya.

Malungkot na napa ngiti si Sehun sa gawi niya at patuloy pa rin na pinanuod ang gumagalaw niyang anino.

Ang ganda naman talaga.

"Sehun, tulungan mo kaya ako?" Dampot ni Hyoyeon ng isang medyas na naka bilog at ibinato kay Sehun at galak na lang ni Sehun na nasalo niya iyon.

Mas lumapad ang maliit na ngiting malungkot, mas nakitang naka lukot ang balat ni Sehun.

Sa alala ni Hyoyeon, kunot noong nilingon niya ito at mabagal na nilapitan, "Sehun, bakit ka nanaman nalulungkot?" May kasama pang himas sa mukha at gulo ng buhok, "Kanina 'ko pa nakikita 'yang mukhang 'yan." Mahinang tinabig ni Sehun, muli, ang kamay ni Hyoyeon mula sa mukha niya.

Hindi naman siya malungkot eh.

Iba pa nga nararamdaman niya eh.

Masaya ba siya? Oo, masaya naman talaga kasi siya. Wala na siyang ibang mahanap na salita na maaring makapagsabi kung gaano nga ba siya kasaya ngayong araw. Kung kagabi lang ay halos makipag basagan na siya ng bungo sa tinuturing niyang 'pinaka matalik' na kaibigan dahil lang sa iisang babae, ngayon naman ay nasa harapan na niya mismo ang sinasabing 'babaeng' iyon.

Hindi niya rin naman kasi talaga maintindihan, ano ba kasing meron kay Hyoyeon at nakikipagmatigasan siya sa iilang lalaki na yan. Hindi naman sa nakikipag kompitensya siya, hindi rin naman sa gusto niyang mapanalunan ang 'oo' ni Hyoyeon- hindi nga ba? Maski siya, taking-taka na sa sarili niya. Hindi na niya alam kung ano na ba ang gusto niyang mangyari sa hindi.

Inaamin naman na niya eh. Oo na. Gusto niya si Hyoyeon. Si Kim Hyoyeon. Bagsakan man siya ng langit at lupa ngayon, gusto niya 'to. Gustong-gusto.

Mas higit pa kay Hyeri? Oo. Oo!

Iyon na lamang ang natatangi niyang sagot sa katanungang iyan.

At kung si Hyoyeon man ang magiging pang-apat na babaeng mang hihimasok sa daan-daang pader na itinayo niya upang maipalibot sakaniya, hahayaan na niya bagkus buong loob niya pa 'tong tatanggapin.

Kung para sakaniya ay si Hyoyeon pa rin ang pinaka magandang babae sa lahat kahit na iilang pasa, bukol, dugo at kung anu-ano pang koloreteng gawa ng lakas-tao, siguro nga, hindi lang ito gustong-gusto. Maniwala kayo.

Takot man siyang banggitin ang mga salitang iyon, pero siguro nga, totoong-totoo na lahat ng 'to. Hindi siya nililinlang ng mata ni Hyoyeon, maniwala kayo. Hinding-hindi siya nililinlang ng kuwit sa gilid ng labi ni Hyoyeon sa tuwing mapapalapit siya sa mukha nito, maniwala kayo. Hinding-hindi siya lilinlangin ng mga daliri ni Hyoyeon na tila ba sumasayaw sa balat niya sa tuwing mag kakatamaan sila ng balat, mag hahawakan ng kamay, mag daramdam ng kanya-kanyang blankong laman kung hindi tama ang mga hinala niya.

Kahit sa ngayong pagkakataon lang, hayaan naman na sana syang maniwala muli sa pakiramdam ng kasiyahan. Sa pakiramdam ng kilig, ng luhang dulot ng pakiramdam na tanging silang dalawa lang ang makakapag bigay titik sa daan.

Kahit ngayon lang, hayaan sana siyang maniwala muli sa babae. Maniwala muli sa kislap ng pagmamahal. Maniwala muli na kaya niya pala talagang mag mahal ulit.

At sana kapag naniwala na siya ng tuluyan, wala na siyang ibang hihingilin pa.

Si Kim Hyoyeon na lang.

Dinala niya ang kamay niya papunta sa paplayong kamay ni Hyoyeon ng wala siyang nakuhang sagot mula sa binata, hinawakan niya ito ng mahigpit, kahit na mapangiwi na sa sakit si Hyoyeon, wala siyang pakielam. Hahawakan niya ito kung kanyang hahawakan. Iniikot ang hintuturo sa bawat isang daliring nakadugtong sa palad niya, iniangat upang ilapat ang kamay ng bawat isa.

Pinapanuod ito lahat ni Hyoyeon, maski ang mga mata ni Sehun na pumupungay-pungay na malamang ay dahil sa pagod at walang tulog, pinapanuod niya lahat. Hindi niya rin alam kung paano niya nagagawa iyon pero napapanuod niya lahat.

Ang pag layo ng hita ni Sehun upang magkaroon ng lugar si Hyoyeon sa gitna nito, oo, nakita niya iyon. Maski ang pag kagat ng labi ni Sehun? Oo, nakita niya rin iyon. Walang pinalampas ang kanyang mga mata at kahit naka ilang pikit-mulat siya nito, sa huli, halos hilain rin siya ni Sehun paupo sa hita nito dahil sa mata nitong tinitigan siya. Onti-onting naipwesto ang bawat daliri ni Hyoyeon sa pagitan ng daliri ni Sehun at onti-onti ring papalapit ng papalapit ang katawan nila sa isa't isa.

Nawala ang lahat.

Nawala ang ingay ng orasan, nawala ang sinag ng araw sa bintanag walang kurtina, nawala ang ibang kalat na kanina pang kinaiinisan ni Hyoyeon. Nawala ang lahat ng natitira sa loob ng kwadradong lugar na iyon at ang natira lang ay silang dalawa lamang.

Walang salitang lumabas sa bibig ng dalawa habang papalapit na ng papalapit ang kanilang mga katawan. Hinayaan nilang mag salita ang pares ng kailang mga mata upang masabi ang tunay na nararamdaman.

Ngayon, tatanungin ni Sehun ang lahat.

Kung sabihin niya ba ngayong mahal niya 'to, maririnig niya rin ba ang mga katagang mag sasabing mahal rin siya nito?

Ah! Hinto-

"Hyoyeon," mahinang bulong ni Sehun habang inuurong ng kanyang kaliwang kamay ang mga buhok na nag uunahan upang matakpan ang maaliwalas na pagmumukha ni Hyoyeon.

"Tangina," sabay mahinang tawa ni Sehun ng makita niyang papikit na ang mga mata ni Hyoyeon.

"Mahal na yata kita." Hila niya sa batok ni Hyoyeon sabay diin ng pares ng labi nilang dalawa.

Mamukat-mukatan na lamang ng nanay ni Sehun ay siyang pag gising sakaniya ng nakakarinding tunog ng isang orasan. Pag mulat na pag mulat niya ng kanyang mga mata ay siyang pag hampas niya dito na nakapag sagawa ng malakas na tunog ngunit ang nakakarinding matinig na tunog ng dalawang metal na halos kampana na sa pandinig niya ay naihinto.

Ngiti niyang sinalubong ang liwanag at sinag ng araw sa kanyang puti at walang saysay na kwarto. Hindi naman sa nag rereklamo pa siya tulad ng dati dahil alam niyang kahit na nawalan siya ng isang prinsesa ay nandyan pa rin sakaniya ang isang prinsipeng alam niyang hinding-hindi siya iiwan.

Sinubukan niyang lumingon sa kanan, lumingon sa kaliwa. Nag tataka tuloy siya kung bakit wala sa tabi niya ang anak na si Sehun. Iniangat niya ang kanyang katawan at sumandal sa kahoy ng kanyang malaking kama. Kinuha ang baso ng tubig sa maliit na lamesa sa kanyang kanan at sinuot ang pares ng tsinelas at tumayo.

Hindi na siya nag pasintabi at ipinihit ang doorknob ng pinto sa kwarto ni Sehun. Umaasang kung hindi ito tulog, naliligo ito sa banyo. Lalong-lalo na pag ganitong oras, alam niyang kilalang-kilala niya ang anak niya.

Pero hindi, mali ata siya ngayon ng inakala. Sa harapan ng kanyang dalawang mga mata ay isang babae. Tama. Isang babae na hawak-hawak ng dalawang kamay ni Sehun.

Napa nganga ang kanyang bibig at mabagal na naglakad papunta sa gawi ng dalawa, hindi na nag abala pang iwasan ang mga tunog at ingay na maaring makapag pigil sa kaganapang ginagawa ng dalawa dahil tama siya ng nakikita. Hindi siya nalilinlang.

Si Hayoung na ba iyan?

Mahinang napamura si Sehun sa kawalan ng marinig niya ang mumunting ingay dulot ng kung sino mang tumapak ng kinain niyang ramen kanina. Kung hindi si Hyoyeon ang nakatapak, kung hindi siya, sino?

Isa lang din naman ang sagot sa katanungan niya eh. Gising na ang kanyang nanay.

Hindi niya tinulak si Hyoyeon, mahina niya itong ipinalayo sa kanyang yakap at itinayo, pag talikod na pag talikod ni Sehun ay siyang pag kita niya sa kanyang ina na hindi na mapakali at ang ngiti'y kay laki.

Gusto niyang mag tagal ang ganoong ngiti. Sino bang hindi? Pero kung sa ganitong paraan na lang din. Huwag na lang. Nag mamakaawa si Sehun, huwag ngayon.

Dali-dali niyang hinarap si Hyoyeon at binitawan ang kamay nito, "Alis ka na Hyoyeon." Walang pasintabi niyang utos na may kasama pang mahinang pag tulak dito papalampas sa ina niyang may malawak na ngiti at namamasang mga mata.

Gulong-gulo man si Hyoyeon sa nangyayari at gusuhin man manghingi ng eksplenasyon ay hindi niya na rin magagawa. Kitang-kita niya ang panic sa pagmumukha ni Sehun at alam nilang dalawa na senyales iyon ng tulong. Bukod pa 'don ay gulong-gulo rin si Hyoyeon sa kung papaano niya tutulungan si Sehun ngayon. Lagi na lang si Sehun ang tumutulong sakaniya, hindi ba't panahon na rin para siya naman ang tumulong kay Sehun?

At habang tumatakbo ang lahat ng katanungang kung anu-ano sa utak niya, kung kanina ay kamay ni Sehun ang naka pulupot sa mga kamay niya, kung kanina ay braso ni Sehun ang naka yakap sa maliit niyang katawan ngayon ay hindi na kay Sehun.

Sa nanay na ni Sehun.

Maraang napa pikit ng mariin si Sehun sa napapanuod niya at ang kanyang balikat na kanina ay nakaangat ngayon naman ay lumawlaw na.

Tapos na.

"Hayoung, anak 'ko. Ba't ngayon ka na lang ulit nag pakita saakin?" Maiyak-iyak na tanong ng nanay ni Sehun kay Hyoyeon at halos punitin na nito ang kanyang suot na pantaas sa sobrang higpit mang yakap at mang hila.

Walang emosyon ang makikita sa mata ni Hyoyeon, hinayaan niyang gapusin siya ng braso ng nanay ni Sehun at hinayaang yakapin siya nito ng sobrang higpit kahit na hindi pa siya makahinga at kumaskas sa balat niya ang mahabang kuko nito, ayos lang. Dahil kahit hindi naman na niya tingnan pa si Sehun alam na niya ang nangyayari, alam na niya ang sagot sa mga katanungan niya kanina, alam na niya ang rason kung bakit nagiging ganito si Sehun, alam na niya.

Hindi na kailangan pang mag salita ni Sehun sakaniya.

Iisang insidente lang ang kailangan niya para malamang sobrang nag iisa na nga talaga si Sehun sa loob o labas man ng tirahan niya.

Ayaw mang mangyari ni Sehun ang gagawin ni Hyoyeon pero para sakaniya ito ang tama. Iniangat niya ang manipis niyang braso at ipinulupot sa katawang namamayat at balat na kumukulubot na kahit na bata-bata pa ito sa edad. Dinala niya ang kamay niya sa ulo nito at sinuklay ang buhok nitong malambot na parang isa nga siyang tunay na anak nito. Di kinalaunan ay napa pikit si Hyoyeon at napa kurba ng ngiti ang manipis niyang labi.

Ni hindi niya pa rin masikmurang tingnan ang mukha ni Sehun pero sa naririnig niya? Hindi na niya kailangan pang tingnan.

Lunon ng lunon ng laway si Sehun lalo na ng makita niyang papaangat na ang braso ni Hyoyeon. Alam na niya ang mangyayari at kung ano man ang mangyayari ay gusto na niyang ihinto iyon. Namumuo na ang patak-patak ng luhang gusto ng kumawala sa kanyang mga mata at pakiramdam niya, ngayon lumabas at sumipa sakaniya lahat ng bugbog na natamo niya mula kay Kai.

Mula ulo man 'to o hanggang paa o kung pag baliktarin man. Nararamdaman na niyang nanghihina ang tuhod niya at para bang konting sipa na lang sa likod ng binti niya ay siyang mag papaluhod sakaniya.

Titig na titig lang siya sa nangyayari. Hindi niya rin alam kung bakit ba nasisikmura niya paring manuod ng ganito ang lagay niya, para namang kailangan niya pa ng sagot. May bumabara sa kanyang lalamunan na gustong-gustong kumawala. Maliit na boses ito at kahit na sino, kahit pa nanay niya pa 'to o kahit na si Hyoyeon pa ito, hinding hindi niya hahayaang marinig ng kahit na sino ito-

Pero ano nga bang sinasabi niya?

Ng makita niya ang pag pikit ng mata ni Hyoyeon ay siyang pag tulo ng mga luha niya at ng makita niyang ngumiting muli ang labi ni Hyoyeon ay siyang pagkawala ng boses sa lalamunan niya. Gusto niyang mag mura, mag wala, pumigil. Maniwala kayo, gustong-gusto niya.

Ayaw niya ng ganito.

Nag mumukha siyang kawawa.

Tangina lang. Tangina niya-

"Sehun, nandito ako. Makikinig ako." Tanging itong kataga lang ang kailangan ni Sehun, ito lang ang gusto niyang marinig at oo, humihingi siya ng salamat sa lahat na ng santo at si Hyoyeon pa mismo ang nag sabi sakaniya nito.

At kahit yapos-yapos pa si Hyoyeon ng kanyang ina, pilit niyang hinawakan ang kamay nito at inilagay sa dibdib niya.

Parang batang inagawan ng laruan, pinapakinggan ni Hyoyeon ang bawat singhot ng sipon, punas ng luha at boses na kumakawala na isinasagaw ni Sehun ngayon sa tabi niyang yakap-yakap ang kanyang tuhod at nakapunpon lamang sa loob. Mag kakalahating oras na silang ganito pero wala na siyang pake sa oras. Ni hindi na nga niya alam na tapos na ang tanghalian, malamang sa malamang ay si Baekhyun na ang nakasama ng nanay niya sa lamesa nila upang kumain.

Ang tanging nasa isip niya lang ngayon ay si Sehun.

Si Sehun nanaman 'no?

"Cancer," agad na napalingon si Hyoyeon sa gawi ni Sehun ng marinig niya itong mag salita ng mahina. Cancer? Anong meron sa cancer?

"Ate 'ko, Hayoung. Kilala mo na diba?" Damang-dama ni Hyoyeon ang pait at sakit na nararamdaman ni Sehun. Na tipong bawat bigkas ng mga salita'y may diin kahit gano pa ito kahina.

Walang maisagot si Hyoyeon kundi ang maiksing tango dahil tama nga naman si Sehun, alam na niya na may kapatid siyang nag ngangalang si Hayoung. Siguro, kung hindi siya iniwan ni Sehun sa salas, maaring hindi niya pa maiisip ang ganoong pangyayari.

"Pinrotektahan niya 'ko. Sino pa man at kung ano pa man. Pero alam mo-" saglit na naputol sa pilit na pag lunon ng laway upang hindi pa ulit maiyak sa kanyang pag kwento, "'Yang tanginang cancer na 'yan, pinuta buhay 'ko, ng nanay 'ko."

Kung kanina ay pait, ngayon naman ay galit. Halo-halong emosyon ang dinadala nito sa bawat labas ng salita. Kahit na paulit-ulit na abo ang nakikita niya sa loob ng kwarto na ito, may kulay rin pala itong tao na ito bukod sa abo.

"Hyeri?"

"Sino 'yan?" Kunot noong tinugon ni Hyoyeon ang pangalan na binaggit ni Sehun.

"Siya ang babaeng minahal 'ko, bago ikaw." Hindi na nag karoon ng tiyansa mag bigay ng reaksyon itong si Hyoyeon dahil sa mabilisang pag higpit ng kamay ni Sehun sa kamay niyang kanina lamang ay nasa sahig ngayon ay nasa kamay na ni Sehun.

Umangat ang mukha ni Sehun, kahit na may basa pang parte ang pilit niyang pinupunasang mukha niya. Tinitigan niya ng mariin si Hyoyeon tsaka sinabing, "Welcome to my life, Hyoyeon."

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.