Chapter 32

Gray

Agad na napatikom ng bibig si Hyoyeon mula sa pag singhal niya sa mga narinig niya galing kay Sehun. Sa totoo lang, wala naman kasi siyang alam tungkol sa pamilya ni Sehun maliban na lang sa ang tatay nito ay business partner ng ate niya, may mga kasambahay sila pero sila lang ng mama niya lagi ang nasa bahay. Paulit-ulit na iyon lang ang sinasabi ni Sehun sakaniya sa tuwing mag tatanong siya o kaya'y mag papakuwento siya.

Tinanggap na rin naman na ni Hyoyeon kasi alam niyang may maduming nakaraan si Sehun at hangga't hindi pa handa si Sehun, hihintayin niya. Tutal, magaling siyang mag antay, bakit hindi?

"Bakit parang gulat na gulat ka?" Walang kaemosyon-emosyong saad ni Sehun ka Hyoyeon.

Big deal pa ba sakaniya ang pag kawala ng ate niya? Oo naman, napaka laking bagay 'non. Ang ate niya ang sumalo ng kompanya, ang ate niya ang naging taga pagtanggol niya, ang ate niya ang tanging inspirasyon niya noong mga panahong galit na galit siya sa tatay niya pero diba, isang iglap, ng dahil lang sa sakit niya, nawala na siya.

Nag iwan ng napaka lalim na marka iyon sa puso ni Sehun.

Ipinangako niya sa sarili niyang walang ni sinumang babae ang pupwedeng maka alam 'non, ang pupwedeng pumasok sa puso niya, ang pupwedeng pumasok sa pader na itinayo niya sa dibdib niya dahil ang alam niya lang, lahat ng babae sasaktan siya.

Pero lahat ng iyon ay nag bago, simula ng dumating 'yang Kim Hyoyeon na 'yan sa buhay niya.

Walang nag salita ni isa sakanilang dalawa at ginamit na iyon ni Sehun na pagkakataon para hilain na si Hyoyeon papunta sa kwarto niya bago pa siya makita ng nanay niya. Mamaya, akalain nanamang si Hyoyeon ay si Hayoung, hindi na alam ni Sehun kung papaano niya pa ipapaliwanag kay Hyoyeon 'yon.

Kinakaladkad ni Sehun si Hyoyeon habang si Hyoyeon naman parang wala sa sarili at lumilinga-linga lang sa paligid, ang dami niyang nakikitang kwarto para sa isang bahay na tanging sila lang dalawa ng nanay niya ang nakatira. Itinuon niya ang pansin niya sa lalaking kumakaladkad naman sakaniya ngayon dahil ano naman ang tititigan niya dito?

Puro pinto lang nakikita niya, ni wala ngang ka desenyo man lang at tanging kulay lang ng pinto ang nag pabuhay sa daanang ito.

Napansin ni Hyoyeon na namamaga ang batok ni Sehun, maikli lang ang buhok ni Sehun ngayon, blonde pa naman, talagang mahahalata ang pag pula ng balat niya. Sa braso naman na kumakaladkad sakaniya ay may ilang sugat na naka buka pa, ilang pasang mukhang bagong gawa at bago niya pa makalimutan, putok nga pala ang mukha ni Sehun ngayon.

Gamit ang lakas ni Hyoyeon, hinila niya gamit ang isa niyang kamay ang malakas na kamay na naka pulupot sa pulso niya, "Teka nga, bakit parang nakipag bugbugan ka?" May kasama pang tapik ni Hyoyeon sa kamay ni Sehun.

Binaliwala ni Sehun ang sinabi ni Hyoyeon at mas binilisan ang pag lalakad ng maka rating na sila sa pintuan ng kwarto niya. Walang pasintabi, binuksan niya iyon kahit na gaano kagulo, wala naman siyang pake dahil parehas lang sila ni Hyoyeon na may magulong kwarto.

"Hoy, di mo nanaman sinagot tanong 'ko eh." Tinapik ulit ni Hyoyeon ang kamay ni Sehun na muli, wala nanamang ginawa kundi ang kaladkarin si Hyoyeon papunta sa kama niyang magulo at may mga mantsa pa ng dugo.

Kumunot ang noo ni Hyoyeon at pasimpleng sinipa ang binti ni Sehun at nakitang napa ngiwi ito, "Bakit ka nakipag bugbugan ha?" Nag lakad ang mga daliri ni Hyoyeon papunta sa dulo ng t-shirt ni Sehun at walang bilang-bilang na iniangat ito para maka kita ng isang malaking pasa sa bandang sikmura nito.

"Kita mo 'yan, ano ba talagang nangyari ha?"

Imbes na matakot si Sehun ay napa tawa na lang siya sa mga pinag gagagawa ni Hyoyeon sakaniya, daig pa nito ang syota niya noon eh. Oo nga pala, naguguluhan pa rin pa pala siya, ano? Paulit-ulit niya mang sinasabi na hindi niya gusto 'tong babaeng 'to pero siya naman mismo gulong-gulo na sa nararamdaman niya.

Kahit gaano pa kalamig ang puso niya, tanging si Hyoyeon lang talaga ang nakapag pabago eh. Nakakatakot man aminin para kay Sehun, pero mukhang totoo na nga talaga ang nararamdaman niya para sa dalaga.

Agad na tumayo si Hyoyeon at tinulak si Sehun papunta sa kama, buti at hindi pa masyadong abalang nag iisip si Sehun at naikalong niya ang siko niya para hindi niya bumagsak pahiga. Umupo lang siya at pinanood si Hyoyeon na dire-diretso pumasok ng kobeta at kinuha ang first aid kit.

Ang ganda niya nga pala talaga 'no? Sobrang laki ng agwat ni Hyeri kay Hyoyeon para kay Sehun, hindi niya nga inaakala na sa tuwing makikita niya 'tong babaeng 'to, titibok ng malakas ang puso niya na pakiramdam niya lahat ng problema niya mawawala. Na sa tuwing makikita niyang ngingiti ito dahil sakaniya, hindi niya mapapansing makakapag pigil siya ng hininga at ilalabas na lang niya matapos kumalma ng dibdib niya. Na minsan, daig niya pa ang may lagnat sa pag iinit ng pisngi, noo at pag pula ng buong mukha niya, na minsan naiisip na lang niya, siya pa ba yung Sehun na kunwaring siya?

Siya pa ba yung Sehun na binuo niya simula ng mawala ang ate niya? Iwan siya ni Hyeri? Siya pa ba yung Sehun na ipinapangakong hindi hahayaan ang sinuman na mang himasok sa tunay na siya?

Siya pa ba talaga yung Sehun bago niya pa makilala si Hyoyeon?

"Eh wala naman palang kwenta 'tong first aid mo, ni alcohol nga wala oh." Ang pag rereklamo ni Hyoyeon ang nakapag putol ng sunod-sunod na iniisip ni Sehun.

Ibinaling na ni Sehun ang atensiyon niya kay Hyoyeon, ito nanaman, nararamdaman nanaman niya ang pag tibok ng puso niya. Kinakabahan ba siya? O sadyang, gusto na niya 'to?

"Sasaktan mo ba talaga ako? Betadine na lang, 'wag alcohol, ang hapdi 'non." Kunwaring walang kakwenta-kwentang pag saad ni Sehun sa babaeng naka luhod sa harapan niya.

Kinkalikot lang ni Hyoyeon ang maliit na box na 'yon, nauurat na rin siya at imbes na sabihin ni Sehun kung nasaan yung ganito, yung ganyan dahil hindi naman lahat ng kailangan niya nandito, eh naka tulala lang si Sehun sa hindi niya rin alam kung kawalan ba o sakaniya?

Kumuha na ng bulak si Hyoyeon at binuhusan ng betadine, nilapitan si Sehun at idinampi ang bulak sa mga sugat nito, maski sa labi nito. Isang ruler na lang ata ang layo ng mukha nila? Ng mapa lapit ang mukhang iyon kay Sehun, nag pigil na agad siya ng hininga.

Ni isang kolorete sa mukha, wala siyang napansin sa mukha ni Hyoyeon. Sa tagal ni Hyoyeon kanina sa lansangan diba dapat mamantika na ang mukha 'non? Pero hindi eh, ang kinis pa nga kung tingnan. Ang labi 'non na dati ay may sugat sa sobrang tuyo, ngayon naman ay sobrang pula, parang ang sarap, halikan?

Unang tinitigan ni Sehun ang mata ni Hyoyeon, hindi na rin napapakali ang kamay ni Sehun kaya't mas minaigi niyang ilagay iyon sa likod niya, baka mamaya hindi siya makapag pigil eh. Pangalawa sa tinitigan ni Sehun ay ang pisngi nitong namumula, siya lang ba ang nakakaramdam o sadyang nanginginig ang mga kamay ni Hyoyeon sa mukha niya?

Wala naman sa plano ni Hyoyeon ang pag nginig ng kamay niya, lalong-lalo na ang pag init ng mukha niya. Ng mapansin niya kasing halos patayin na siya ng titig ni Sehun sa mata niya, hindi na niya mapigilan ang sarili niya lalo na't nag kakalapat ang mga balat nila, babae pa rin naman siya, kinikilig siya.

"H-Hyoyeon, paano kung sabihin 'kong si Kai ang dahilan nito?" Nag aalangang tanong ni Sehun kay Hyoyeon, lalo na ng lumabas sa bibig niya ang pangalan ni Kai.

Matagal na rin silang hindi nag usap ng matalik niyang kaibigan na si Kai, simula ng tanungin niya ito kung nakakaalala na siya at nakuha ang sagot niya kahit wala pang sinasabi si Kai sakaniya, hindi niya alam pero biglaang nag iwasan sila.

At ang dahilan ng pag aaway nila na nahantong sa suntukan?

Walang iba kundi si Hyoyeon lang naman.

Kumunot nanaman ang noo ni Hyoyeon at mas nag alala pa sa inabot ni Sehun. Bilang kilala niya si Kai noon pa lang, malamang sa malamang alam niya kung gaano kalakas ang mga suntok 'non. Basagulero 'yon noon eh.

"Oh eh bakit kayo nag away? Para ka namang ewan, nakipag away ka pa, sana hinayaan mo na lang."

Maraang napa ngiti ng masama si Sehun bago ibinalik ang seryoso niyang ekspresiyon, tinitigan ang mga mata ni Hyoyeon kahit na gaano pa binubura ng tunog ng tibok ng puso niya ang kga sasabihin niya, ngayon ay may lakas na siya ng loob. Sapat na rin siguro ang nakita niyang parang kamatis na mukha ni Hyoyeon para masabing kahit siguro papaano ay may kakaonting tiyansa siya kung ilalaban kay Kai.

"Kasi, gusto na kita Hyoyeon." 

Tumigil ang pag ikot ng mundo nilang dalawa, maski nga siguro ang pag pikit nila tumigil din. Kung kanina ay pag kunot ng noo ang ginagawa ni Hyoyeon, ngayon ay napa titig na lang siya sa mga mata ni Sehun na parang hinihila siya pababa, hinawakan niya ang balikat ni Sehun at ginawa itong suporta pero ang pag tititigan nilang dalawa ay nanatili at papalalim ng papalalim.

Pag kabog lang ng dibdib nilang dalawa ang maririnig na ingay, walang nag salita, dinadamdam ang mga pakiramdam, dinadama ang pag iinit ng mga mukha nila. Napa lagok ng laway si Sehun ng ngayon naman ay napunta na sa labi ni Hyoyeon ang kanyang mga mata, bakit ba kasi laging nauuwi sa labi ni Hyoyeon ang mga mata niya ha?

Maraang napa ngiti si Hyoyeon, hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Ibabalik niya ba? Tapos na ba siya kay Kai? Ano ba? Hindi niya talaga alam, sa totoo lang.

Walang pakielam si Yoona at Kyungsoo na pumasok ng bahay ni Sehun dahil inakyat ni Kyungsoo ang bakod nila at pinag buksan si Yoona ng gate, ayan naka pasok na ang dalawa. Katatapos lang nilang dalawa kunin yung mga imbitasyon na pinaprint nila para sa birthday ni Yoona at dahil sweet daw na syota 'tong si Kyungsoo, sinamahan niya.

Huhulihin sana ni Yoona si Hyoyeon para na rin mag paiwan sa bahay 'non dahil tagal na rin nilang hindi nag kakausap dalawa. Bonding na rin at pauuwiin niya na si Kyungsoo kung sakali.

Dire-diretsong na lakad si Kyung habang hawak ang kamay ni Yoona papasok ng bahay ni Sehun na kala mo ay bahay niya at inakyat ang hagdan para maka punta na sa kwarto 'non dahil panigurado, 'don lang naman naka tambay 'yang Sehun na 'yan.

May alam siya tungkol sa nagaganap sa bahay na 'to, pero hindi lahat. Sarili niyang sikap na inalam dahil wala namang balak ipaalam ni Sehun eh. Ang pinaka huling beses na narinig nilang nag open sakanila si Sehun ay noong mamatay ang ate niya, matapos 'non naging ganyan na siya.

Snob, cold o kung ano man ang tinatawag sakaniya.

Ng makita na ni Kyungsoo ang pintuan ng kwarto ni Sehun, wala ring pasintabi at ipinihit niya 'yon para makita ang nakaka manghang kaganapan na buti na lang ay hindi pa nakikita ni Yoona. Agad niya ring sinara iyon at hinila si Yoona sa gilid.

"Bakit di pa tayo pumasok?" Nag tatakang tanong ni Yoona kay Kyungsoo na bumuntong hininga lang sa nakita niya.

Nag hahalikan yata yung dalawa eh! Sigaw ni Kyungsoo sa isipan niya.

"De, wala, mamaya na lang, ano."

Nag kibit balikat lang si Yoona at binuksan ang pinto para makita si Hyoyeon na hawak ang balikat ni Sehun at si Sehun na hawak ang bewang nito. Hindi niya makita ang mukha dahil tinatakpan ni Hyoyeon.

Unang reaksyon, namangha si Yoona sa nakikita niya at naisipang istorbohin ang dalawa. Hindi niya alam na wala na pala talagang pag asa si Kai, ano? Pangalawang reaskyon, hinila niya si Kyungsoo papasok at ng maka tapak na ang mga paa nila sa loob ng kwarto ay inilibot ang paningin niya para makitang halos parehas na parehas ang kwarto ni Hyoyeon at Sehun.

Abo.

Pangatlong reaksyon, muntikan ng madulas si Yoona, natapakan ang damit ni Sehun na nag kalat lang sa lapag buti at nandiyan si Kyungsoo nasalo naman siya. Pero mukhang wala pa ring alam ang dalawa na nandon sila pinapanuod 'yang milagrong ginagawa nila kaya't patuloy pa rin sila. Pangapat na reaksyon, natabig ni Yoona ang basket sa gilid ng pintuan ng kwarto ni Sehun kaya ayan, naka gawa ng malakas na ingay kung saan naputol na ang ginagawa noong dalawa at dahilan para mag peace sign si Yoona sa dalawa.

"Anong ginagawa niyo dito?" Walang kabuhay-buhay nanaman na binaggit ni Sehun at mahinag tinabig si Hyoyeon papunta sa kanan niya para makita ang dalawang mag syota na naka ngiti lang sa dalawa.

"Eh kayo anong ginagawa niyo at bakit parang may milagro?" Si Kyungsoo na ang nag balik ng tanong dahil busy si Yoona sumenyas kay Hyoyeon gamit ang mga mata't kamay nito.

Naalala nga pala ni Kyungsoo, si Luhan hyung nga pala nila, kasama rin sa nakiki agaw, ano?

"Walang milagro hyung." Binitiwan na ni Sehun ang hawak niya sa pulso ni Hyoyeon at hinayaang maka lapit ito kay Yoona habang sila naman ni Kyungsoo ang nag uusap.

"Ano yung kanina?" Dumukot ng imbitasyon itong si Kyungsoo sa hawak ni Yoona na paper bag at ibinato kay Sehun, tsaka niya lang napansin na basag ang mukha nito.

"Ginagamot niya sugat 'ko at ano 'to?" Banggit ni Sehun ng madampot niya ang binato ni Kyungsoo na maliit na envelope sakaniya.

Mabilis na nilapitan ni Kyungsoo si Sehun at inaninag ang pagmumukha nito, may kasama pang kaltok sa ulo at murang, "Gago," kasabay ng pag sama ng tingin niya sa naka babata.

"Nag away kayo ni Kai?"

"Walang amnesia si Kai, hyung. Siya yung gago, hindi ako."

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.