Chapter 27

Gray

Tumunog na ang bell sa campus at nag hudyat na ito na mag uumpisa ng muli anh klase pero imbes na pumasok si Hyoyeon ay sinimulan ni Hyoyeon mula sa unang pahina kung saan may naka sulat pa doong note para sa mag babasa.

'Bukod sa akin, si Hyoyeon lang ang pwede mag basa nito. Kung di ka si Hyoyeon, 'wag mo ng basahin 'to.'

Sa ilalim 'non ay isa pang talata na naka lettering pa kung saan sinasabing iyon ay pag mamay ari ni Zhang Yixing.

'Kay Zhang Yixing 'to, ngayon kung hindi ikaw si Zhang Yixing edi ibalik mo sakaniya kasi paano mapupunta sa'yo 'to, diba? Puro kabaklaan man laman nito, tunay na nararamdaman niya 'to.'

Mahinang napa tawa si Hyoyeon sa nabasa niya dahil sino ba namang mag aakalang ang isang Yixing ay gagawa ng ganito. Lalo na't para sakaniya. Pakiramdam niya'y sinayang niya si Yixing ng sobra.

Hindi naman sa tumahan na siya, may mga tumutulong luha pa 'rin naman mula sa mga mata niya pero nagawa na niyang pakalmahin ang sarili niya. Naisip niya kasing hindi naman pwedeng mag tagal siyang ganito lang at walang ginagawa.

Ang pag babasa lang ng kuwadernong iyon ang magagawa niya habang hindi pa nag hihilom yung sugat na natamo ni Yixing sakaniya.

At baka pag nabasa niya 'to, mag karon siya ng pag babago sa isip at damdamin.

Sa kuwadernong ito lahat naka salalay.

Unang naka saad,

'Unang araw 'ko dito sa punyetang school na 'to. Inilipat ako ni papa kasi raw mas malapit daw 'to sa bahay namin kasi nga kakalipat lang namin mula sa Tsina, oh diba common sense, alangang sa Tsina pa rin ako mag aral kung nandito na ako sa South Korea. Eh kaso pwede naman 'don sa isang school na mukhang malaki, madami daw magaganda 'don eh. Edi ako naman, lakad-lakad lang, pacool lang, kahit hindi cool, nag suot ako ng salamin para naman may makita ako, tapos kinabitan 'ko ng goma yung braces 'ko para maiadjust na tapos sinuklay 'ko pataas buhok 'ko para naman hindi sagabal sa pag babasa 'ko. Teka nakakapagod mag sulat ha.

Balita 'ko, may magaling daw sumayaw dito na mag syota. Maganda daw yung babae kaso parang medyo losyang daw at hindi raw bagay 'don sa lalaki. Mga mapang husga ang mga leche, eh kung masaya naman yung dalawa bakit hindi nila hayaan  buset. 10th grade na ako sa pinapasukan 'ko ngayon at ewan 'ko ba kung bakit wala pa rin akong kaibigan, maski sa dati 'kong school eh. Ang gwapo 'ko naman  hot ko kaya, pag binaba 'ko buhok 'ko mahuhumaling 'yang mga 'yan saakin. Pero okay lang, wala akong pake, masaya mag basa ng libro.

Naka upo ako dito sa gilid ng basurahan kasi wala na akong maupuan, normal naman 'to, nerd ako, so ibubully ako, diba? Hinahayaan 'ko na lang, sayang lang panahon 'ko sakanila. Napa tingin ako pataas ng nay narinig akong nag sasalita, ang lalim nung boses pero mahahalata mo namang babae siya, kaya tiningnan 'ko. Side view ang nakita 'ko, pero kung huhusgahan 'ko, maganda naman. Medyo hindi lang bumagay yung buhok niya sakaniya kasi may bangs, pero maganda. Dark brown buhok niya, maliit siya pero maputi, maganda legs niya puro muscle 'to halatang mananayaw, yung sikmura niya pasok na pasok sa buto niya, payat eh. Lumingon siya papunta sa gawi 'ko, pero syempre hindi saakin tumingin, tiningnan niya yung nasa likod 'ko.

Nakita 'ko na ng tuluyan yung mukha niya at parang nanabik ako, syempre lalaki ako, may kaligayahan pa rin ako. Mukhang mabait naman siya kaya baka hindi niya pag basehan itsura 'ko, tatayo na sana ako at makikipag kaibigan kasi wala naman siyang kasama eh, malay natin maging jowa 'ko pa 'yan edi timbog na mga nanliligaw sakin dahil ang gusto 'ko dancer. Mga nanlilgaw saakin puro make-up ang inaatupag. Oo, ako ang nililigawan, noon. Hahahaha.

Tapos nung patayo na 'ko, may tinawag siya, "Jongin!", naka ngiti pa siya 'non. Aba'y sino naman 'yang Jongin na 'yan? Panget naman ng pangalan. Edi hindi 'ko na tinuloy pag tayo 'ko, mukha tuloy akong tanga 'non. Lumapit sakaniya yung Jongin na 'yan tapos hinalikan noo niya, ay shet, jowa niya, sayang.'

Naalala lang ni Hyoyeon, naka bangs pa nga pa pala siya noon. Kaya siguro, ganon na lang kadaling sabihan siya ng mga masasakit na salita noon ni Jongin. Tiningnan niya naman ang sumunod sa nabasa niya, medyo marami-rami ang mga pahinang nasulatan pero mukhang dumami lang naman dahil sa mga guhit na stickman.

Ikalawang naka saad,

'Diba sabi 'ko titigilan 'ko yung babaeng nakita 'ko kasi may jowa, ay wait sinabi 'ko ba 'yon? Di naman yata. Oh eh kung hindi edi ikukwento 'ko na kung ano na ginawa 'ko kanina sa school. Syempre, gumawa ako ng paraan para makilala 'ko siya, aba'y sayang ang pag kakataon, mag hihiwalay rin naman sila ni Jongin na 'yan edi ako naman ang magiging knight in shining armor niya. Nakilala 'ko na siya sa tulong ng mga tenga 'kong nakikinig sa mga tsismis ng iba't ibang babae sa canteen kanina. Siya raw si Hyoyeon na magaling sumayaw kaso ayaw raw nila sakaniya kasi hindi raw sila bagay ni Jongin. Sadyang nababagayan lang ang iba kasi raw parehas magaling sumayaw. Parang ewan naman 'yon, pero sabagay, mas bagay yata kasi kami. Hahaha.

Sila yung mag syotang sinasabing sikat sa eskwelahan, sa mukha pa lang naman nung Jongin na sunog na 'yon, mukhang sikat na at kinahuhumalingan ng mga babae eh. Parang shunga, gwapo na siya niyan? Nalaman 'ko rin na mag kaklase kami ni Hyoyeon kaso kaklase rin namin si Jongin, ang nice diba? Hindi 'ko tuloy makausap si Hyoyeon kasi laging katabi si Jongin. Ayon sa mga nakalap 'kong balita, matagal na raw sila, siguro mga mag lilimang buwan na? Matagal na 'yan ha, eh ang uso kasi ngayon, after one week, may bago nanamang mahal. Mga kabataan nga naman. Ang lalandi.

Tinititigan 'ko lang siya sa tuwing may tiyansa ako, buti rin sana kung magaling na ako mag Korean diba, edi sana madali na lang din makipag kaibigan sa ibang kaibigan ni Hyoyeon. May mga kaibigan siya, magaganda rin, pero mas maganda siya eh. Inistalk 'ko rin yung syota niyang nognog, may mga kaibigan rin pero mga sikat. May isa pa nga doong kamukha niya, Taemin yata pangalan 'non? Nakita 'ko kanina kasi tapos may mga babaeng nag sisigawan. Mga lecheng 'yan. Bali kung isasama yung nognog na si Jongin kela Taemin, anim na sila. Gwapo rin yung apat eh, pero wala, mas gwapo ako.'

Napangiti si Hyoyeon sa mga nababasa niya, yung mga salitang 'nognog', lumabas talaga mismo sa bunganga ni Yixing pero ngayon, mag kabarkada na sila. Kitang-kita niya ang laki ng inis ni Yixing kay Jongin noon, pero para kay Hyoyeon, tiniis niyang maka sama si Jongin sa iisang barkada lang.

Lahat ng 'yon ginawa niya para kay Hyoyeon lang.

Kahit na napapangiti siya, syempre, may parte pa rin sakaniyang nasasaktan. Sa sobrang katangahan niya kay Jongin noon, may nag papakatanga rin pala sakaniya. Hindi niya alam, kasi puro Jongin na lang.

Ikatlong naka saad,

'Ayon, tanginang 'yan, nakita 'ko siya sumayaw, grabe, konti na lang talaga at nag iinit na katawan 'ko pero nirerespeto 'ko siya eh. Bukod pa sa magaling siya sumayaw, magaling rin siya sa klase, matalino, natutulog nga lang pero nakaka isang daang puntos. Pag 'yan talaga sinayang ni Jongin, mag hihiganti ako, joke. Aagawin 'ko na lang siya, tutal sinayang na, edi papahalagaan 'ko. Dream girl 'ko eh. Tapos, may mga babaeng nag uusap sa likod 'ko, ayon sa mga narinig 'ko, pipilayan raw nila si Hyoyeon para daw hindi na makasayaw tapos hiwalayan na raw ni Jongin dahil ang nagustuhan lang naman daw ni Jongin sakaniya, yung pag sasayaw niya. Sa totoo lang, ang dami nilang pinag sasasabi, kesyo Dancing Queen daw si Hyoyeon at Dancing King si Jongin kaya naging sila. Aba'y, mag hanap sila ng haliparot king nila mga punyeta.

Sino ba namang hindi maiinlove kay Hyoyeon, oh? Pero mabalik tayo, narinig 'ko rin kung kelan nila balak gawin 'yang pag pilay na 'yan at nalaman 'kong hanggang gabi pala tuwing friday ay nandito si Hyoyeon dahil tumatambay daw sa library at pag friday ang alam 'ko ang library gabi na nag sasara. Eh friday ngayon, so ibig sabihin mamaya nila gagawin. Paano na?'

Nag isip ng mabuti si Hyoyeon kung may nangyari bang ganyan noon. Pero sa pagkakaalala niya, wala naman. May isang gabi lang talaga na pakiramdam niya may sumusunod sakaniya, tinext niya pa 'non si Jongin para mag pasundo kasi nga natatakot siya. Pag biyernes kasi, laging maagang umuuwi si Kai dahil may problema siya sa bahay at tuwing biyernes siya kailangang nandon. Naiintindihan niya 'yon kaya't hindi niya inudyok si Jongin na ihatid siya pero kailangan niya talaga 'non si Jongin kaya't hindi niya natiis at nag pasundo siya.

Ikaapat na naka saad,

'May kwento ulit ako na kinaiinisan 'ko. Ang puta 'non ni nognog. Ako yung nag palayas sa mga mang huhunting kay Hyoyeon tas kinuha niya yung credits?! Aba puta ha. Narinig 'ko pang sabi niya 'non kay Hyoyeon, "'Wag ka mag alala, nandito lang ako, hindi kita iiwan.", tangina mo ulol. Hindi mo iiwan? Eh hindi mo man nga lang ata sinusundo si Hyoyeon pag gabi pakyu ka.

Nilapitan 'ko yung mga babaeng may mga hawak na patpat pamalo kay Hyoyeon, may dala rin silang itim na panyo para ata sa mata ni Hyoyeon. Syempre, to the rescue ako, pinag tutuktukan 'ko sa ulo isa-isa at pinalayas, sinabihan 'kong isusumbong 'ko sa principal pag may ginawa nanaman silang kabulastugan, tapos sinigawan pa nila ako, ang kakapal ng mga pag mumukha nila, "Ikaw isusunod namin!", nanyo 'wag ako, leche. Syempre, gwapo ako, sinigawan 'ko pabalik, "Edi isunod niyo ng masunod kayo sa ipapakick-out ni principal." Nanahimik na sila tas tumakbo paalis, galing 'ko talaga.

Edi sinundan 'ko siya pauwi kahit na kasama niya 'yang nognog na 'yan na hindi na nakikita sa dilim. Ayon, kita 'ko bahay niya ang laki, grabe, mayaman pala siya. Tapos bago pa siya mapasok ng pinto, may lumabas na agad ng pintuan, yung nognog lumayas na buti nga sakaniya. Tapos lumabas yung babaeng halos kasing tangkad niya lang tapos parang medyo ka hawig niya. Medyo lang. Niyakap siya nito tas hinalikan yung noo niya, ngumiti si Hyoyeon sakaniya, ang ganda niya talaga pag ngumingiti.'

Nag isip-isip si Hyoyeon kung sino ba yung tinutukoy ni Yixing dito. Isa lang naman ang naalala niyang kakampi niya sa bahay nila, nandon man o wala ate niya, si Kim Boa na 'yan, sigurado siya. Pero hindi talaga alam na si Yixing pala ang sumusunod sakaniya 'non, eh hindi niya pa nga kilala diba.

Pero sa totoo lang, nasasaktan si Hyoyeon habang binabasa niya 'to isa-isa, pinapaalala lahat sakaniya ang memorya na meron sila dati ni Jongin. Oo, nasasaktan rin siya para kay Yixing, pero hindi niya maiwasang masaktan rin sa mga ipinapahayag dito.

Ito yung mga panahong, ang saya-saya pa nila.

Ikalimang naka saad,

'Habang pinapanuod 'ko si Hyoyeon at Jongin, napapansin 'kong parang nag aaway sila. Ngayon ata dapat ang ika anim na monthsary nila pero parang may away na hindi 'ko maintindihan. Sila lang naman dalawa ang mag kasama, yung mga kaibigan ni Hyoyeon na kilala 'ko na, lima yung mga 'yon, parang kelan Taemin, pag sinama si Hyoyeon, magiging anim. May type ako 'don eh, si Seulgi kaso, hayaan mo na, Hyoyeon is the bae, kay Minho na 'yan. Ayon nga, yung mga kaibigan ni Hyoyeon hinihintay siya sa kabilang lamesa tapos yung kay Jongin naman, sa kabilang lamesa rin parang nag kita silang dalawa sa gitna.

Pinapanuod nung dalawang barkadang yung love birds, ew. Nag aalala siguro sila Seulgi at hindi maipinta ang mukha, tatayo na nga sana yata yung Wendy ba 'yon, oo nga si Wendy, para puntahan tapos hinila ni Joy paupo. Sila Taemin naman, naka ngisi lang habang nanunuod, naka tungo lang si Onew tapos binatukan ni Jonghyun si Key na nakikingisi rin. Mukhang may nangyayari atang hindi talaga maganda?

Tiningnan 'ko ang reaksyon ni Jongin at Hyoyeon, nandito ako sa harapan nilang dalawa pero malayo, maganda ang view lalo na kung si Hyoyeon lang, baka mandilim paningin 'ko pag si Jongin eh. De, pero seryoso, nakikita 'ko nga sila. Parang walang pake si Jongin sa mga sinasabi ni Hyoyeon pero kahit na ganon, patuloy pa rin si Hyoyeon sa pag kukwento kay Jongin ng kung ano mang kwento 'yon. May dala pa nga atang regalo si Hyoyeon kay Jongin kasi may paper bag siya sa tabi niya oh.

Dinukot lang ni Jongin ang cell phone niya tapos lumungkot na ang mukha ni Hyoyeon, tumingin siya patagilid at tiningnan yung paper bag. Kinuha niya at iniabot kay Jongin, may sinabi siya na binasa 'ko na lang gamit bibig, "Happy Monthsary, Jongin. Ashdjfmkg." Wala na eh, di 'ko na naintindihan yung dulo, punyeta, may dumaan kasi na malaking harang. Kinuha ni Jongin 'yon at tinitigan lang bago ibinaba sa hita niya, hinarap niya si Hyoyeon at binati niya rin ata pabalik, "Happy Monthsary. Bye, alis na 'ko. 'Don na muna 'ko kela Taemin."

Ako nasasaktan para kay Hyoyeon eh, tumango lang siya tapos parang naluluha na mata niya. Pag alis ni Jongin, lumapit na yung mga kaibigan niya at inisa-isang pinakyu nila si Jongin, maski si Seulgi namakyu na rin.'

Napa tigang na ng ngipin at bagang si Hyoyeon, humikpit na rin ang hawak niya sa kuwaderno at napa pikit siya ng sobrang diim. Mag sisimula na. Bulong niya sa sarili niya.

Nanikip bigla ang dibdib niya at saglit na binitawan ang hawak niya, itinungo niya ang mukha niya at inilapag iyon sa lamesa. Parang sariwa pa sa pag iisip niya ang mga nangyari, yung mga panahong iyan kung saan malapit na sila mag hiwalay para sa kadahilanang hindi lang daw talaga sila bagay.

Isa pa, yung hindi naintindihan ni Yixing 'non ang sabi niya, "Mahal kita."

Kahit na wala siyang nakuhang sagot 'non mula kay Jongin na hindi katulad ng dati na pag sinabi niya 'yon ay ilang 'mahal din kita' ang ibinabalik niya, pero simula ng araw na 'yon, naging bangungot na ang lahat kay Hyoyeon.

Napa buntong hininga si Hyoyeon at napa nguso na lang habang nag iisip pa rin. Nagugutom na rin siya, kumalam na nga kanina pa sikmura niya pero hinayaan niya na lang. Walang alam ang librarian na nandito pa siya kaya't hindi na siya nag pahalata, malamig rin dito eh.

Nag muni-muni siya hanggang sa makaramdam siya ng pag alog ng cell phone niya sa bulsa ng coat niya. Tiningnan niya iyon ay may tumatawag sakaniya, inisa-isa niya ang letrang ingles at nabasang 'Boa unnie' ang nakalagay.

Gumaan ang pakiramdam niya ng makita niya ang pangalang iyon at mabilisang sinagot ang tawag.

"Hello unnie." Hindi maikakaila sa boses niya ang halo-halong emosyon.

Ng marinig ni Boa ang boses ng kapatid niya natuwa rin siya, pero ng maramdaman niya ang pinapahiwatig nitong mga salita. Sumeryoso na bigla ang mukha niya.

"Hyo, anong nangyayari sa'yo?" Alalang tanong niya sa kapatid niya.

Namasa ang mata ni Hyoyeon sa pang ilang beses na ngayong araw, hindi na niya mabilang halos kanina pa nga ata siya iyak ng iyak eh.

Sasabihin sana ni Boa ang magandang balita kay Hyoyeon kaya siya napa tawag, hindi naman maka tawag sakaniya si Hyoyeon dahil madalang lang rin niya masagot iyon at wala ng panahon sI Hyoyeon simula ng ilang beses siyang gahasain ng tatay niya.

Pero lahat ng 'yon ay walang alam si Boa.

"W-Wala." Pag tatanggi niya ng mga nalalaman niya.

At kahit na itanggi niya alam na alam ni Boa na may masamang nangyari sa kapatid. Naningkit lang ang mga mata niya at inumpisahan ang lahat sa magandang balita, "Uuwi na 'ko diyan, dapat sa susunod na buwan pa pero paagahin 'ko. Sa birthday ni Yoona, hintayin mo 'ko, Hyo. Sabihin mo na lahat." Nanlaki ang mga mata ni Hyoyeon sa narinig niya.

Binilang niya sa mga daliri niya ang araw bago ang kaarawan ni Yoona. Pitong araw? Gulat niyang ipinahayag sa sarili niya.

"Poprotektahan kita diba? Sinabi sa'yo ni ate 'yan. Tutuparin niya, Hyo." At tuluyan ng lumuha si Hyoyeon.

"U-unnie, tulong." Saad niya habang nawawasak-wasak pa ang boses niya.

Lumong-lumo si Hyoyeon na lumabas ng silid-aklatan, nakatulog kasi siya sa loob 'non tapos pag gising niya, nalagpasan na niya lahat ng klase at uwian na nila. Dating gawi, si Yoona ang mag hahatid sakaniya pero ngayon gusto niyang mag lakad lang.

Hawak niya ang kuwaderno na kanina niyang binabasa at hindi niya natapos kasi nga naka tulog siya, naka lagay sa bulsa ng coat niya ang cell phone niyang nalaglag kanina habang umiiyak siyang nakikinig sa mga sermon ng ate niya.

At matapos ang lahat ng sermon, naka tulog siya dahil pakiramdam niya pagod na pagod na siya.

Tiningnan niya ang kapal ng babasahin niya pa sa kuwaderno at manipis na lamang ito. Sabagay, malapit ng mag wakas ang love story nila ni Jongin sa yugtong tinigilan ni Hyoyeon kanina.

Kakaonti na lang at makikita na niya kung ano nga ba ang mga pag babagong nagawa niya, sa tulong ni Yixing.

Ang unfair niya, grabe.

Imbes na siya ang tumakbo papunta kay Yoona at Jessica ng mapansin na niya ito, si Baekhyun pa ang naunang maka pansin sakaniya.

Ng makita niyang papunta na si Baekhyun ay tumungo siya at pilit na itinatago ang pugto niyang mga mata, pero hindi nag patinag si Baekhyun 'don.

Tumigil siya sa harapan 'non at hinawakan ang balikat niya ng mahina lang at walang higpit para hindi masaktan si Hyoyeon.

"Okay ka lang ba?" Mahina niyang tanong dito at punong-puno ng pag aalalang inalis ang buhok ni Hyoyeon na nag kakalat na sa mukha niya.

Hindi pa rin itinataas ni Hyoyeon ang mukha niya at naka tungo pa rin siya. Nakaka walang hiya lang yung tanong ni Baekhyun sakaniya pero hindi niya naman masisisi si Baekhyun, wala naman kasing alam si Baekhyun sa mga nangyari kaya gangan siya umasta.

Hinawakan ni Baekhyun ang baba ni Hyoyeon at iniangat niya ito, hindi niya piniwersa, kung tutuusin nga, parang si Hyoyeon pa mismo ang nag taas.

Ng makita ni Hyoyeon ang mga mata ni Baekhyun na naka titig sakaniya, naluha nanaman siya. Sino pa ba? Si Yixing? Ngayon si Baekhyun naman?

"Tangina, bakit ka umiiyak?" Ang hininga ni Baekhyun ay tumama sa mga mata ni Hyoyeon.

Naka taas na rin ang mga kilay ni Baekhyun at pinunasan niya ang pisngi ni Hyoyeon gamit ang mga daliri niya.

Sasagutin ba ni Hyoyeon ang tanong niya o ano?

"Si Lay hyung ba may kasalanan?" Madiin na tanong ni Baekhyun kay Hyoyeon.

Ng makita niyang umiiyak si Hyoyeon, nanlambot ang puso niya pero naiinis rin siya. Bakit naman iiyak si Hyoyeon? Sino naman ang gagawa nito sakaniya? Si Lay hyung ba? Eh siya lang naman ang huling naka sama ni Hyoyeon. 'Yan ang mga salitang nag pauulit-ulut sa isipan niya.

Ayaw niya ng ganito eh. Ayaw niya ng ginaganito si Hyoyeon, kasi umpisa pa lang naman alam na ni Baekhyun sa sarili niyang seseryosohin niya ng sobra si Hyoyeon.

At kung sino man ang mag paiyak dito, gagawin niya ang lahat, maiparamdam niya lang ang galit niya.

Kahit na kalabanin niya pa mismo si Kai.

Oo, may alam siya. Ang dali lang namang makinig sa usapan ni Kai at Yoona, napaka daling ang sarap ng basaging ang pag mumukha ni Kai sa kagaguhang pinag gagagawa niya.

"H-Hindi Baek, hindi si Yixing. Ako. Ako ang may kasalanan." Bulong ni Hyoyeon kay Baekhyun.

Napa ukit lang ang labi ni Baekhyun ng padiretso at niyakap niya na lang si Hyoyeon. Sirang-sira na ang buhay ni Hyoyeon, kitang-kita niya kung paano nahihirapan si Hyoyeon kahit na 'yan pa lang ang mga sinasabi niya.

Gustong-gusto niyang tulungan 'to, pero ayaw niyang makielam sa mga nangyayari.

Suntukin 'ko na lang kaya si Kai? Suhestiyon niya sa sarili niya.

Umiyak lang ng umiyak si Hyoyeon sa leeg niya at nararamdaman niya ang mga luha ni Hyoyeon at tumutulo na pababa hanggang sa dibdib niya. Imbes na maging manyakis siya ngayon, naging lalaki siya, ipinaparamdam niya ang tunay niyang nararamdaman para kay Hyoyeon.

At kahit na sino pang kumalaban sa nararamdaman niya, sineseryoso na talaga niya si Hyoyeon.

At humihingi siya ng tawad sa maknae nila.


 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.