Chapter 13 - Game

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

"Hi ate Jennie!" masiglang bati ko sa jowa ni ate Lisa. Nagvi-video call na naman ulit kasi sila at saktong napadaan ulit ako para sana kumuha ng chocolate sa ref. Wala na rin kasi akong makain habang nanonood ng drama. Nagbinge watch lang kasi ako buong maghapon kaya nasa last episode na ako ngayon ng series.

Ang cool lang ni Namra maging hambie.

"Hi Winter! You don't have classes?"

Parang nagkaroon bigla ako ng malaking question mark sa katawan ko. Sinubukan ko alalahanin yung mga ginawa ko kahapon at mga life decisions ko. Nagka-amnesia ba ako at nakalimutan kong hindi pa ako graduate ng highschool?

"I'm sorry my bad. It's your vacation nga pala," nagpout pa siya, ang cute lang.

"I always forgot na you're still a student pa lang. Working ," at nagreklamo pa nga siya.

Tumingin ako sa katabi ko kasi hindi na siya nagsasalita at ayun na nga. Nakangiti lang si ate habang pinagmamasdan 'tong si ate Jennie sa kabilang screen.

"Mahina ba ang internet niyo? You're not moving…"

Gumalaw-galaw naman ako para makita at malaman ni ate Jennie na may signal pa naman ang converge.

"Oh….bakit hindi gumagalaw si Lisa?"

Ngumisi ako, "Ina-admire lang niya kayo ate."

Natahimik si ate Jennie at nakita ko yung pamumula ng tainga niya.

Ay.

Grabe ha.

Naglandian pa talaga sa harap ko.

Hello, may single dito katabi niyo.

"Huh," nabalik na sa diwa niya si ate Lisa. "Jen bat namumula ka?" Ngumiti naman ng nakakaloko 'tong kapatid ko with matching pagtaas baba pa ng kilay.

"Ganda ko 'no?"

"As if," umirap si ate Jennie at ako naman ang binalingan. Minsan talaga kapag hindi ko alam na jowa siya ni ate iisipin ko na crush ako neto.

Charot!

Lakas naman ng loob ko na mag-assume pero hindi naman talaga hamak na cute na nga ako, hindi rin papakabog ang beauty ko.

"Winter ikaw nga magbanlaw rito ng mga plato!" napangiwi ako.

"Oh punta ka na don inuutusan ka ni mama," tinulak ako ni ate.

Grabe talaga.

Nagpaalam na ako kay ate Jennie kasi nakadalawang tawag na si mama sa akin para magbanlaw ng mga sinabon niyang plato.

Nadatnan ko si mama doon sa sala na nanonood na ng TV. So, inutusan niya pala ako para mapanood niya yung drama niya.

"Di pa rin ba tapos ate mo makipag-usap doon?" Tanong ni mama. Gulat naman ako sa biglang tanong niya.

Alam kaya ni mama na may jowa na ang kapatid ko?

Sa pagkakaalam ko kasi wala pang sinasabi si ate tungkol doon pati na rin kay papa. Ako pa lang ang may alam sa kanila ni ate Jennie.

Alam rin naman nila mama na nagsi-swing si ate sa kabilang direksyon. Oo, na babae ang preferred niya kaysa sa mga lalaki. Bilib nga rin ako kay ate dati nang umamin siya sa amin. Grade 8 ata ako that time at 2nd year siya noon sa college at babalik pa-Maynila kinabukasan. Mga ganong oras pa talaga niya naisipang umamin. Paano na lang kung pagkaalis na pagkaalis niya hindi na siya patuluyin dito sa bahay?

Maski ako nga rin nag-aalala kay ate at pinaplano ko na sa utak ko kung paano ko siya makakausap if ever nga ganon ang mangyari pero fearless na hinarap ni ate sila mama habang nag-aabang ng reaksyon nila about dito.

Wala naman akong naging reaksyon that time. Wala naman kasi dapat i-prove sakin si ate eh. Wala rin namang magbabago sa aming dalawa. Ate ko pa rin siya at kapatid pa rin niya ako. Sino ba naman ako para mang-judge ng ibang tao eh napapaligiran rin ako ng mga katulad niya. Mas maaga kasi ang gay awakening nitong si Ryujin at nang umamin siya sa amin na bakla siya, nothing changed sa aming magkakaibigan. It's not like kasalanan ang pagiging bakla.

Parang nabunutan ng malaking tinik si ate nang magjoke si papa na dapat wag siyang maging babaero doon sa school nila. Yung tawa ko naman doon teh. Si ate? Babaero? Lakas naman niya.

May pahabol rin naman si papa na if ever man need ni ate ng advice, wag siya mahihiyang lumapit sa kanya. Medyo naluha noon si ate tapos si mama naman nakangiti lang sa tabi ni papa. Pati ako medyo na-touch rin doon sa narinig ko. Ang saya lang kapag ang swerte mo sa mga magulang mo.

That time, ang alam nila mama isa pa lang sa mga anak nila ang pumunta sa kabilang daan. Ano kayang mangyayari kung sasabihin kong sumunod ako kay ate?

 

 

 

 

Nakabalik na ako sa kwarto ko after ko magawa yung inutos ni mama kanina at nagbabalak nang ituloy yung naiwan kong pinapanood. After an hour, tapos ko na agad yung last episode. Nakakabitin lang kasi wala pang season 2.

Nakatulala na lang ako ngayon sa kisame iniisip kung ano na ang gagawin ko ngayon sa buhay ko. Tapos na yung pinapanood ko, wala na akong matinong gagawin except kung magrereview ako for the entrance exam.

I think ito na ang sign para magreview ako.

I think joke lang pala.

 

(Messenger Notifications)

1 message from Ningning arrived!

 

Ningning: teh!!

Winter: ano

Ningning: alam mo ba

 

Uy.

May mainit-init bang tsaa itong si Ning?

 

Ningning: diba nga invited ako sa debut nitong isa kong pinsan

                    teh

Winter: oo nga ano nga

Ningning: may isang lalaki dito na same age natin tapos nagpapicture siya sakin gaga!!

Winter: ay

              kilig ka?🥴

Ningning: gaga ayoko sa kanya 🤢🤢

                    mukhang hindi matino

                    alam mo yon yung pakboi yung datingan

 

Bunganga talaga neto.

 

Ningning: ayun na nga ayoko sana magpapicture kanina pero ang daming nakatingin kanina samin nung tinanong niya ako

                   AAAAAAAA ayoko na bes😩😩

                   buti hindi nakita nung pinsan ko kasi baka sabihin non kay mama na may jowa na ako kairita lang kaya

 

Kaya pala walang bumubulabog sa akin buong araw kasi wala si Ningning dito sa barangay ngayon.

 

Ningning: nga pala bes ikaw ha hindi ka nagkekwento

                    ANO NANGYARI SA INYO KAHAPON NI KARINA

Winter: anong anong nangyari ka dyan

             wala namang nangyari

              issue mo

Ningning: bakit magkahawak kamay kayo ni Karina kahapon bago tayo magpicture taking🤔🤔🤔

 

Bago pa ako makapagreply kay Ning at i-deny na hindi naman magkahawak ang kamay namin, nagvibrate ulit phone ko at lumabas sa screen yung main topic ng pinag-uusapan namin.

Si Karina.

 

(Messenger Notifications)

1 message from Katarina arrived!

 

Katarina: hi winter :)

 

Natulala siguro ako mga 5 seconds.

Bakit siya nagchat?

Ano gagawin ko?

Ano sasabihin ko?

Winter kalma!

 

Katarina: how are you?

 

I'm fine, thank you. Ganyan ba isasagot ko?

 

Winter: okay naman ako karina hehe

 

Pagkareply na pagkareply ko naseen niya agad. Wala ka bang ginagawa ate?!

 

Katarina: that's good :>

                parang you're not feeling well kasi kahapon

 

Eh?

Ayos naman ako kahapon? Nakapagtanim pa nga ako ng maraming puno.

Pero medyo napagod nga ako sa mga ganap kahapon.

 

Winter: hehe ayos naman ako dw😄

Katarina: okay…

 

Nag-aalala ba 'to sakin?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2141 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
132 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
852 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭