Chapter 19 - Baby Steps

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

"Anong okay?"

Yung mukha ni Ning lukot na lukot na.

"Bes ganito ba ang linyahan ng mga matatalino? Kasi kahit anong intindi ko hindi ko talaga ma-gets yung naging conclusion niyo," hinampas ko siya. Anong matalino pinagsasabi niya?

"Matalino ka dyan!"

"Pero as long as nagkaroon na kayo ng linaw sa isa't isa, that's a good sign diba?"

"Of course that's a good sign," sang-ayon ni Giselle.

Tiningnan ko silang dalawa. It made me think again kung bakit ba nandito sila sa bahay ng kay aga.

Para makichismis?

Nagfocus ako kay Giselle na ngumunguya ng mani na binalatan ni Ningning. Feeling ko talaga may hidden agenda 'to.

Syempre friend siya ni Karina. Mas close si Gi ni Karina kaysa sa amin so I'm sure na may sinabi na siguro si Karina sa kanya.

"May nake-kwento ba si Karina sayo Gi?" pagvovoice out ni Ning sa thoughts ko.

"Do you really wanna know?" nagtaas baba siya ng kilay challenging me.

"Oo ako want ko. Giselle pabulong," lumapit pa si Ningning sa kanya pero umiwas si Giselle kaya sinamaan siya nito ng tingin.

"Ganyanan pala Giselle," pagtatampo ni Ning.

Giselle chuckled, "It's better if you ask Karina na lang. I'm not someone who spills someone's thoughts," nagzip pa siya ng bunganga niya. Kala mo naman talaga.

Hinampas siya ni Ning.

"Huy bakit?" hinawakan ni Giselle yung natamaang braso niya.

"Kung ganyan ka lang sana dati sa past crush ko edi sana masaya tayong lahat."

Natawa ako. Hanggang ngayon hindi pa rin si Ningning nakakamove on sa panunuksong ginawa ni Giselle sa kanya dati doon sa crush niya.

"Iba naman kasi yon. That's different!"

Wow. 2 languages ang nagamit. Translation yung isa.

"Heh! Bahala ka nga dyan," humalukipkip si Ning.

Kung walang sasabihin si Giselle sa amin, ano pang silbi at nandito siya?

Tama kaya na makikisagap lang siya ng chismis?

"Giselle–"

"Winter I'm not here para makichismis, I'm here to hear your story," pagputol niya sakin.

"Teh in-english mo lang naman yun eh," sabi ni Ning na tinanguan ko.

"Hoy hindi kaya. Ang english ng chismis ay gossip."

"Ano 'to? English 101 with Giselle?" Sumilip si ate sa pinto ng kwarto ko at nadatnan niya kaming nag-uusap na tatlo. Buti na lang hindi niya narinig yung puno't dulo ng pinag-usapan namin.

"Hi ate Lisa!"

Bihis na bihis siya at mukhang aalis na.

"Aalis na po kayo?" tanong ni Giselle at tumango naman si ate.

"Ate ready ka na?" tanong ko naman.

She let out a smile, "Oo naman Wintot. Sige na aalis na ko, babalik rin kami maya maya."

Sinara na niya yung pinto.

Umurong si Ning palapit sa akin, "Win maganda ba talaga yung jowa ni ate Lisa?"

Mga chismosang palaka.

"Oo nga I heard she looks like a model?" pag-uusyoso naman ni Giselle.

Ah oo nga pala. Ngayon yung day kung kailan ipapakilala na ni ate si ate Jennie formally kila mama.

Hindi naman ako kinakabahan for them. Sure kasi ako na makakakuha agad sila ng green light kila mama.

Based na rin kasi sa unang kilala ko kay ate Jennie, likeable siyang tao. Siguro it speaks na rin sa personality niya.

Naeexcite na rin ako. Ito yung first time na makikita ko si ate Jennie in person.

"Teh," nag-snap si Ning ng daliri sa mukha ko.

"Natutulala ka na naman tapos napapangiti ka," pabiro niya akong tinulak. "Iniisip mo si Karina 'no?"

Hindi naman siya yung nasa isip ko pero now that she mentioned, tuluyan na akong napangiti.

"Kadiri ka Winter!"

Inggit ka lang Ning.

 

 

 

 

 

 

(Wed, 12:30 P.M.) Karina:     i just arrived here!

                                                            it's late na pala i hope you're done with lunch na :)

(Wed, 12:32 P.M.) Winter:      kakarating lang nila ate dito

                                                             kakain na rin kami maya maya hehe

(Wed, 12:35 P.M.) Karina:       okay i hope it goes well^^

 

Napangiti ako.

Wala si Karina ngayon dito sa barangay kasi umuwi siya saglit sa parents niya pero hindi naman ibig sabihin non na tapos na ang pag-s-stay niya dito kila Gi.

Hindi ko nga rin sure kung hanggang kailan siya dito pero masaya ako kasi dito daw siya buong bakasyon.

Sinabi niya sa akin kanina na aalis siya and nagsabi rin siya ng goodluck message kay ate Lisa. Nagulat pa nga ako kasi paano naman nakarating sa kanya yung balita na may ipapakilala si ate eh wala naman kami masyadong pinagsasabihan.

Iba talaga mga chismosa dito sa barangay namin.

As long as wala naman silang nasasaktan or naja-judge sa mga chismis nila, okay lang naman para sa akin. Basta wag lang silang exaggerated sa mga chismis. Yung mga nakikita ko kasing mga chismis sa social media ngayon halos super iba na sa tunay na katotohanan. Yung ibang mga tao rin, napakadaling maniwala sa fake news lalong lalo na sa tiktok and yung mga fb pages na nagpapakalat nito. Pinapaalalahanan ko rin minsan yung sarili ko na kahit gaano pa ka-interesting yung mga tea na yan, wag agad mangja-judge kasi mahirap na pag naniwala ka tapos in the end mali pala yung pinaniwalaan mo.

Pero ayun nga, change topic na muna. Kaninang umaga tinext ako ni Karina about sa biglaang pagbalik niya sa family niya.

Legit nagtaka ako kasi bakit naman niya sasabihin sa akin 'yon?

Tapos naalala ko yung isa pang sinabi sa akin ni Ning noong nakaraan.

"Maganda yung mag-s-start muna kayo in getting to know each other first. Alam mo kasi Win may mga nabasa akong ganyan dati. Para daw mas ma-build yung relationship niyo sa isa't isa, dapat you take your time muna in getting to know each other."

Napangiti ako sa thought.

Karina's trying.

Siguro kailangan ako rin.

Baby steps.

Sinabi ko sa kanya yung ganap sa family namin ngayon and nagpakita agad siya ng interes pagkasend na pagkasend ko.

So tama nga ako kagabi.

Kahit hindi naman niya sabihin sa akin, alam ko kung sino yung tinutukoy niyang gusto niya.

Kinilig ako sa thought.

Landi mo Winter.

 

(Wed, 12:37 P.M.) Winter:     karina..

(Wed, 12:37 P.M.) Karina:      yes?

(Wed, 12:38 P.M.) Winter:      kain ka na rin hehe

(Wed, 12:39 P.M.) Karina:      will do <3

 

Mama.

Heart symbol lang naman yon pero nararamdaman ko na naman yung palpitations ko.

 

 

 

 

 

“Nakakaexcite naman ‘to,” bulong ni Ningning habang nakaabang kami sa harap ng bahay at hinihintay pumasok sila ate sa gate.

Akala ko kanina uuwi na ‘tong dalawang ‘to pero parang balak pa ata nila na dito na rin makikain.

Nakita ko na si ate Lisa sa gate at alam kong ang susunod na papasok doon ay si ate Jen–ate Rosé?

“Winter I think nahanap ko na yung long lost sister ko,” mahinang sabi ni Giselle habang nakatingin sa kaibigan ni ate.

Akala ko ba si ate Jennie lang isasama niya? Bakit nandito rin si ate Rosé?

Sumunod na pumasok ang pinakaaabangan naming lahat. Si ate Jennie.

“Win, feeling ko ako rin,” sabi naman ni Ning. Ano ‘to hanapan ng kapatid?

Nilibot ni ate Jennie ang paningin niya sa loob ng bakuran at nakita niya kaming tatlo na nag-aabang sa tabi ng pintuan.

Inangat ko yung kamay ko para kawayan siya.

“Hi ate Jennie!”

Kumaway rin siya nang mamukhaan ako agad. “Hi Winter!”

Lumapit kami sa kanila.

Akala ko maganda na si ate Jennie.

Mas maganda pa pala siya sa personal.

At same height rin kami!

Ngayon ko lang napagtanto. Ganito siguro kapag magaganda.

“Hello po ate Jennie!” bati ng mga shunga. Ngiting-ngiti pa si Ning habang nakatingin sa kanya.

Nginitian rin siya ni ate Jennie at pabirong sinabi na, “I think I found my lost sister.”

Agad sumang-ayon sa kanya si Ning at bumaling sa amin, “Diba sabi ko sa inyo eh!”

“Mas maganda si ate Jennie sayo Ning wag ka masyadong feeling,” sabat ko kaya hinampas niya ako.

Nagstep in na si ate Lisa sa amin dahil medyo nadidistract na rin kami sa pinag-uusapan. Kailangan na naming pumasok sa loob kung nasaan sila mama at papa. Kanina kasi ay busy pa si mama magluto and feel ko tapos na rin siya ngayon.

“Winter anong ulam niyo?” tanong sa amin ni ate Rosé. Oo nga pala, nandito rin siya.

“Madami ate. Feel ko magugustuhan mo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2139 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
131 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
850 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭