HKP: The Outtakes 3

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Goodbye?

 

Context: Naalala niyo pa ba yung mga pinsan ni Winter na mahilig magphone? Chapter 23

 

 

Akala ko dati mabilis ko lang matatanggap na aalis rin naman sila at pagkatapos non, balik na ulit sa normal ang buhay ko. Well, ganon naman talaga yung dapat kasi aalis lang naman sila. 

 

Yun nga lang hindi na ulit sila babalik dito.

 

Umuwi muna ako saglit sa barangay namin ngayong araw para doon muna matulog sa bahay. Pagkatapos na pagkatapos pa nga lang ng klase ay nagpaalam na agad ako kila Ningning na hindi na muna ako matutulog sa apartment.

 

“Ay bakit bes?”

 

“Secret,” asar ko sa kanya kaya inirapan niya ako. Nagtatawag kami ngayon ng sasakyan papunta sa apartment. Sasama kasi muna ako para maiwan itong mga gamit ko. Ang laki-laki ba naman kasi nitong mga gamit namin lalong-lalo na yung t-square. Minsan nga nahihirapan pa kami ni Ning kapag nagcocommute kasi hindi rin talaga maiwasan na may mabangga ka habang naglalakad sa makipot na daanan sa loob ng jeep. 

 

“Pero seryoso nga, ngayon na ba yung alis nila Rei?”

 

May tipid na ngiti na lumabas sa aking mga labi. 

 

“Oo, kaya wag ka nang epal,” sabi ko pa kaya nahampas tuloy ako.

 

“Pakisabi sa kanila ingat sila sa byahe ah. Gusto ko pagbalik nila dito, may dala silang snow.”

 

Babalik pa nga ba sila?

 

“Oo na,” sabi ko na lang kahit medyo walang kwenta yung panghuli niyang sinabi.

 

“Wag ka mag-alala bes ako na gagawa ng plates mo.”

 

Sinamaan ko siya ng tingin. 

 

“Ang sama mo naman! Nagpepresinta na nga ako eh.”

 

Asa pa ‘ko sa sinasabi ng magaling kong kaibigan eh yung plates nga niya hindi niya natatapos agad. Laging rush si gaga.

 

“Salamat na lang siguro teh.”

 

“Buti naman kasi hindi ko talaga yan gagawin.” Hay nako Ningning.






 

(Fri, 4:30 P.M) Bibe:         are you on your way na ba?

 

(Fri, 4:33 P.M) Winter:     nakasakay na ako sa jeep bibe 

 

(Fri, 4:33 P.M) Bibe:        i told you to stop calling me bibe >:(

 

                                          mukha ba akong pato?

 

(Fri, 4:35 P.M) Winter:     HAHAHAHA I LOVE YOU BIBE KO

 

(Fri, 4:37 P.M) Bibe:         👍

 

                                         stay safe

 

(Fri, 4:38 P.M) Winter:     sabi ko na nga ba di mo ko matitiis

 

(Fri, 4:39 P.M) Bibe:      i don’t know what got you into calling me that but fine, just for today

 

                                        i love you too

 

(Fri, 4:41 P.M) Winter:    mahal kita palagi baby ko


 

Ang cute lang asarin ni Karina these days tapos ang cute rin ng new endearment ko sa kanya. 

 

Nakikita ko kasi yung mga pinagla-like ni Ryujin sa twitter na mga videos ng pato tapos ang cute-cute nila. Para tuloy akong naeengganyo na mag-alaga ng ganon pero baka kasi katayin siya nila mama kapag malaki na kaya wag na lang. 


 

(Fri, 4:43 P.M) Bibe:       i should also be there with you today pero we have to finalize our project by this day kasi eh 

 

                                         i’m sorry bb :((

 

(Fri, 4:46 P.M) Winter:    okay lang babe mas okay ngang wala ka para ako naman yung pansinin nila rei, hmp

 

(Fri, 4:48 P.M) Bibe:         babe it’s not my fault na mas cool ako kaysa sa’yo 😜

 

(Fri, 4:50 P.M) Winter:     ABA   


 

Yung mga pinsan kong yun, parang wala kaming pinagsamahan ng ilang years para ganon na lang ako kadaling ipagpalit sa girlfriend ko na sandali palang nilang nakikilala. Pati ba naman dito nagkakaroon pa rin ng favoritism.   







 

“Tapos na ba kayo kumain? Kung tapos na, tara na doon kila lola niyo para makita pa natin ang tita niyo at mga pinsan niyo,” sabi ni mama sa amin. 

 

Madilim ang panahon kanina habang pauwi ako at hindi nga iyon nangbigo kasi parang hindi na titigil ngayong gabi yung ulan. Hindi naman siya kalakasan kaya pwede pa kaming lumabas. Yun nga lang ay medyo maputik na ang daan. 

 

“Ma, si Winter ang bagal kumain!” sinipa ko yung kapatid ko. 

 

“Ma, si Winter sinipa ako!”

 

Sumbungera talaga.

 

“Wag mo nang guluhin ang kapatid mo Lisa para matapos na agad siya kumain,” saway ni mama kay ate na binibigyan ko na ngayon ng nang-aasar na tingin. Ang laki-laki na niya pero lagi pa rin niya akong inaasar. Syempre pinapatulan ko rin naman.

 

“Lunukin mo na agad. Dapat after 10 seconds, wala nang pagkain yung plato mo.” At nagbigay pa nga ng challenge itong magaling kong kapatid.

 

“Ate hindi ako magician. Dun ka na nga tapos ka na ngang kumain eh.”

 

Tiningnan niya lang ako. 

 

"Winter kahit gaano pa katagal yang pag-delay mong kumain, hindi na mababago yung fact na ngayon na yung alis nila at konting oras na lang yung natitira bago sila umalis kaya bilisan mo na dyan,” Tumayo n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2142 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
133 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
852 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭