Chapter 31 - Chismis pt.2: Ang Paghuhukom

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Sinabi ko kaagad kila mama yung balita na nakapasa ang cute nilang anak doon sa university.

Binilhan ko rin sila kanina ng pasalubong pagkauwi ko dahil hindi ako nagpaalam na gagala na naman ako. Ang alam lang kasi nila mama ay doon lang ako kila Giselle buong maghapon.

Ang spontaneous lang naman kasi ng lakad namin kanina. Hindi ko rin alam na aalis daw kami to celebrate kaya binilhan ko na lang rin sila mama ng pagkain para hindi na ako pagsabihan.

Pero pagkasabi na pagkasabi ko pa nga lang na umalis kami kasi nakapasa kaming lahat doon sa school, hindi na ni mama pinansin yung fact na gumala ako. Tuwang-tuwa lang si momshie na nakapasa kaming lahat.

Kung alam ko lang edi hindi na sana ako bumili ng pasalubong for them, charot!

Pinapasabi rin niya yung congrats niya kay Karina, sa jowa ko. Hihi kilig ako.

Inaantay ko nga rin kung magbibigay sila ng allowance kasi nafi-feel ko talaga na medyo malapit na rin ang comeback ng BLACKPINK. Oo, nafi-feel ko lang talaga na malapit na kahit wala pa silang announcement.

Katapusan na ng May ngayon. What if meron na palang teaser bukas?!

Yung last release kasi nila two years ago, start pa lang ng June, meron nang coming soon teaser. Omg what if lang?

 

Ningning:      alam mo bes naaalala ko pa rin talaga yung last time na tumawag si koya kay giselle

Winter:           oo tapos kuya yung tawag niya sa kanya??

Ningning:     OO

                           feel ko nga lagi silang magka-call

Winter:           lam mo dapat gumawa tayo ng gc tapos i-add natin si lucas

Ningning:     OO NGA TARA

Winter:           ikaw na lang gumawa bes tapos i-add mo kami

Ningning:      swerte naman ni koya supportive friends ni giselle sa kanya

Winter:           tapos bigla siyang nagsumbong kay giselle HAHAHAHA

Ningning:     AJSHSSHAGH WEH

Winter:           i mean baka ipaalam niya na may gc siya na nandoon tayo

                           kasi open kayo sa isa’t isa when it comes to relationships

 

Parang kami lang ng bebe ko hehe.

Ay joke. Hindi pala sila ni Giselle.

Pero ganon na rin yung thought, yung updated kayo sa isa’t isa. Parang si Ryujin lang at yung crush niya.

 

Ningning:       pero winter bakit feel ko talaga sila na

 

Naalala ko yung pustahan namin.

 

Winter:            hoy yung pustahan

Ningning:      huy oo nga HAHAHAHA

                            if ever sila na, sino yung nanalo??

Winter:           wala pa nga teh HAHAHAHA

Ningning:       HUY MALAY MO TALAGA

Winter:            si ryujin ata valentines daw

Ningning:       ngayong year?

Winter:            oo, last february

                            birthday ni giselle yung akin so sa october pa

                            sa college pa yung sayo kaya medyo matagal tagal pa rin

Ningning:      sino yung nanalo? edi si ryujin if ever?

Winter:            hindi ko rin sure

                            teh gusto ko ng kwento!

                            BAKIT HINDI NAGKEKWENTO SI GISELLE

 

Ano yun? Kaya niya i-contain mag-isa yung kilig niya? Parang hindi ko yun kaya.

 

Ningning:      BES BAKIT BA KASI HINDI NATIN TINATANONG KUNG ANO STATUS NILA

 

Oo nga ‘no?

Ngayon ko lang napansin na hindi talaga namin tinatanong exactly kay Giselle kung ano nang meron sa kanila. Ang iniisip lang kasi namin ay nagliligawan sila. Nothing more than that.

Siguro kasi inaantay lang rin namin si Giselle na magsabi or magkwento sa amin about sa kanila in which hindi niya ginagawa or more so, kay Ning lang niya nasasabi na inire-relay naman sa amin ni gaga.

Other than that, wala na kaming information sa kanila but it’s okay.

Choice naman ni Giselle kung sasabihin niya yun sa amin or hindi. Pero ngayon, gusto ko lang malaman kung ano na ba talagang ganap sa kanila?

 

Winter:            DIRETSAHAN BA

                            okay g

                            i-pm ko ba or sa gc na

Ningning:       GC NA HAHAHAHA

 

(Messenger Notifications)

1 message from longganisa seller arrived!

 

Cutie talaga ng nickname ni baby sa messenger.

 

longganisa seller:         longganisa seller sent a photo.

                                                i’m done showering ^^

 

Ito na naman siya. Napapasubok na naman ako. Ang ganda talaga ng jowa ko.

 

stalker:                               cute mo dyan babe

longganisa seller:         cute lang?

stalker:                                oo😊

longganisa seller:         hahaha wyd?

stalker:                               kachikahan ko lang si ning

                                                nga pala baby naisip namin ni ning na i-confront na si giselle abt doon kay college

longganisa seller:         yeah i think it’s about time na rin siguro

                                                gi’s been suspicious lately especially kanina

                                                i think something’s really going on

stalker:                               mag-vc daw tayo

longganisa seller:         what time?

stalker:                                di ko lang sure

 

(Messenger Notifications)

Ningning sent a message to the group.

 

Ningning:         @giselleuchinaga ???

Giselle:               WHYYYY

 

I think ngayon na.

In-open ko yung gc at nakita kong nagreply na doon si Giselle tapos na-seen na rin siya ni Karina. Si Ryujin na lang yung wala pero makikita rin naman niya ‘to mamaya.

Clinick ko na yung call button.

 

Winter started a video chat.

 

Unang nagjoin kasama ko si Ningning na sinundan ni Karina and lastly, ni Giselle.

“Saan si Ryujin?” tanong ko dito kay Ningning.

“Di ako delivered bes pero baka mag-online rin yun maya-maya.”

“What’s happening? Bakit niyo ko minention?”

At nagsalita na nga yung main star or the night namin. Buti na lang at hindi na ako. Sawa na rin kasi ako sa attention. Char.

“We have something to ask you, Gi,” sabi naman ni baby. Our facial expressions remained serious. Parang kinabahan tuloy si babaita.

“Joke lang teh! Wag ka kabahan may itatanong lang talaga kami sa’yo.”

“Ano ba kasi yon? Tanungin niyo na.”

We all snickered. Parang iisa ata ang braincell namin ngayong gabi.

“What is it ba kasi!”

Oh ayan na gusto na rin malaman ni Giselle.

“Giselle kasi ano..”

“Yun nga kasi Giselle..”

Muntanga naman kami dito.

“Ayusin niyo,” utos niya sa’min.

“Oo na boss Gi.”

“Anong meron sa inyo ni koya,” hindi na nagpaligoy-ligoy si Ning. Pero natawa ako sa pagkakabanggit niya. Koya na kasi talaga ang tawag niya instead of kuya doon kay college. Pag talaga yang nickname niya na ‘yan nagawa niyang habit. Napailing na lang ako.

“Why?”

“Wala lang Gi naisip lang namin itanong.”

Hindi ko ma-pinpoint yung reaction ni Giselle. Nakangiti lang kasi siya eh, or I think yung ngiting yon is parang nabuking siya.

“We’re…together,” may gap doon sa gitna kasi hindi ko narinig nang maayos yung sinabi ni Giselle.

But one thing is for sure.

Sila na?!

“Totoo ba?!” medyo napalakas rin yung boses ni Ningning.

“Congratulations Giselle,” Medyo gulat rin si Karina but she smiled nonetheless, congratulating our friend.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa napagtanto ko.

“Wait, wait, wait Giselle pakiulit nga yung sinabi mo kanina,” sabi ko ulit. May missing piece talaga kasi hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niya.

Nilapit ni Giselle lalo yung phone sa kanya at malakas na bumulong, “We’re one year together.”

“Ano?!” malakas ulit na tanong ni Ning.

Maging ako, gulat na rin sa nalaman ko.

1 year?

Tapos sa loob ng 1 year na ‘yon, clueless kami all along?

“Giselle totoo ba ‘yan? I mean, congrats!”

Masaya ako kasi may jowa na yung friend ko pero kailangan ko ng kwento like for real.

“Should we add him here sa video call? Gusto niyo ba?” suggest ni Karina and I think ang ganda ng suggestion niyang ‘yon.

“Oo i-add natin. Gi okay lang diba? Giselle wag ka nang umangal, charot,” pabirong banta ni Ning.

Giselle chuckled at her, “It’s okay lang naman pero baka mahiya siya sa inyo.”

“Hindi naman kami nangangagat Giselle,” sabi ko pa na sinang-ayunan ng jowa ko. “Winter’s right.”

“Huy na-add ko na!” malakas ang tawa ni Ning pagka-inform niya sa amin. “Asan na si Ryujin? Huli na siya sa balita.”

Wala pa rin si Ryujin sa video call kaya chinat ko ulit siya pero busy pa rin si bruha at hindi nagrereply.

 

(Messenger Notifications)

Ningning created a group with 5 people.

 

Ningning:        hello po @lucaswong sali ka raw po sa vc sabi ni giselle😊

Giselle:             reacted 😆 to Ningning’s message.

                              yeah we’re 1 year na

                             diba @lucaswong

                             pero secret lang

                             please don’t tell anyone!!

Winter:            GISELLE WTF KA TALAGA

Ningning:       CONGRATS SIGURO

 

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

“Hindi niya alam na sinabi ko na sa inyo,” sabi ni Giselle. “Pero I think okay lang naman sa kanya.”

“When did you guys get together?” Tanong ni Karina.

Nanlaki naman bigla yung mata ni Giselle sa narinig, "Rina, lower your voice baka marinig nila mama sa baba.”

Natawa nang mahina si baby, “Should I go there to your room na lang ba?”

“No!” agarang sabi ni Gi. “Aasarin mo ‘ko.”

“I’m not! Hahaha. Just tell me if you want me there. I’ll be there in a heartbeat,” biro niya pa.

Pabirong umirap lang si Giselle sa friend niya.

 

Giselle:           march 18

                           we’ve been together since last year pa

                           wag ka na kasing magalit! @lucaswong

Ningning:      reacted 😆 to Giselle’s message

 

Hindi pa rin nagjo-join sa video chat namin si Lucas pati na rin si Ryujin. Pag talaga nagreklamo na naman si bruha kasi huli na naman siya sa balita, sasabunutan ko siya.

“Teh asan na yung jowa mo?”

“Pauwi pa lang yun meron kasi silang gig kanina. He’s also not online sa messenger eh.”

Okay, mukhang kami-kami pa lang siguro muna yung mag-uusap dito.

 

Giselle:          wala pang ibang nakakaalam except sa inyo

                          and yung family niya pala hehe

                          my parents don’t know about it yet, they’re strict kasi

 

Ibang klase rin pala itong si Giselle kapag may nagustuhan. Never in my wildest dreams na mai-imagine kong she’s keeping a secret relationship kila tita. It made me wonder tuloy kung ano nga bang meron doon kay Lucas at nagustuhan siya ni Giselle.

“Huy teh spill the tea na. Ikwento mo na simula sa pinakaumpisa. Ay wait paano mo muna siya sinagot? May picture ba kayo together? Patingin nga. Ano pala tawag mo sa kanya? Hindi ako naniniwalang kuya ang ang tawag mo doon Giselle shuta ka,” at nagpaulan na nga si Ningning ng mga tanong.

Nagkwento na nga si Giselle pero halos all the time hindi siya nagsasalita at nagcha-chat lang siya kasi mahirap na at baka mahuli daw ni tita. Sabi ko nga, 1 year nga niyang natago sa amin, alangang mahuli pa siya ngayon.

Pwede nang magkaroon ng award si Giselle.

Best in keeping a lowkey relationship.

Paos na paos na siguro si Niki kakakanta ng lowkey sa kanila.

Matagal nang sila. In fact lagpas 1 year na rin considering naging sila daw March last year. Sinabi rin ni Giselle na everytime na lumalabas daw sila, ang lagi niyang pinapaalam ay magkasama raw sila ni Karina or kami.

"Hoy parang ginawa mo naman kaming layas niyan. Baka isipin tuloy ni Tita gustong gusto ka namin makita na nagagawa pa naming magtravel ng malayo para sa'yo," umirap pa si Ning.

Oo nga medyo tama rin siya considering na hindi sila Giselle nakatira dito sa barangay in the last two years.

"You're being OA na naman Ning. Hindi naman malayo yung nilipatan namin dati eh. You can reach our place in an hour or like 45 minutes pa nga," sabi pa ni Gi.

Nagsasagutan naman na silang dalawa.

"Gi continue your story na," sabi ni Karina. Mukhang napansin na rin niya na mauudlot na yung kwento any time now.

Tinuloy ulit ni Giselle yung kwento niya about doon sa paglabas labas nila. Nasabi rin niya na minsan nagpapahatid siya kay Karina this vacation doon sa church nila. Nake-kwento nga rin sa akin dati ng jowa ko na nagpapahatid minsan si Gi sa kanya.

"But I left an important part. I'm actually meeting him there tapos umaalis rin kami pagkahatid sa akin ni Rina. I'm so sorry!"

Luh siya. Sa simbahan pa talaga. Yung tawa ko doon.

Kaya pala dati nakita ko sila Giselle at Karina sa labas ng bahay nila na bihis na bihis. Ayun pala yung dahilan. May date naman pala si babaita.

“Naalala niyo last year noong holy monday diba tumambay tayo dati sa plaza.”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2141 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
133 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
852 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭