Chapter 32 - Another Day
Huwag Kang Pa-fall!Ryujin: alam mo ba bumili ako ng regalo noong nakaraan
Winter: gift ko ba yan😍
Yan siguro yung dahilan kung bakit busy itong si Ryujin noong nakaraan. Naghahanap pala ng gift si bruha.
Ryujin: HINDI
Winter: grabehan sa pagdedeny ah🙄
Ryujin: kasi nga bumili ako ng gift
bday niya kasi tapos bumili ako ng gift
mura lang naman siya ganto yung itsura tingnan mo
Ryujin sent a photo.
Picture yon ng gift niya. Crochet sunflower siya tapos may picture doon na nakalagay. QR code yung mga yon pero hindi ko sure kung para saan.
Ryujin: ang effort ko winter
magmomove on na talaga ako
Winter: dumating na sa kanya?
Ryujin: OO
GAGO MUKHA BA AKONG NANLILIGAW?
Winter: oo teh medyo🤧
para ka ngang jowa
Ryujin: HOY BWCT K KINILIG AKO GSKHSSJSHSHSGSG
PERO WAIT EXPLAIN KO BA SA KANYA YUNG IDEA? MURA LANG KASI YON KAYA NAISIPAN KONG BUMILI NA LANG
tara gawa tayo script tas send ko screenshot sa kanya
Winter: Winter reacted 😆 to Ryujin's message
hoy wag na saka matagal na niya yong nareceive diba baka mamaya may iba pa siyang isipin
Ryujin: oo nga akala nga ng mama niya may nanliligaw sa kanya😭
Ryujin sent a photo.
lucy: BAHDHHAGSHSHS SABI NA EH
kala ng nanay ko may manliligaw ak
jinn: hapi bidet po
HAKSHSHSHAHAAHA SABI KO NA MAMIMISUNDERSTAND EH
BAKA PAGALITAN KA PA KAKO😭
lucy: nde naman nagalit
inagaw pa nga sakin yung flower amp
sunflower daw kasi kaya kanya na lang
jinn: BIGAY MO NA
lucy: bAKIT KO NAMAN IBIBIGAY ABA
Winter: HOY BAKIT DAW NIYA IBIBIGAY
Ryujin: pero does it mean approve na si tita?!%@^
WOW TITA GSJSHSKSJSJHSHAA
HINDI NIYO Q KAYAH
Winter: beh wag assuming as a friend lang yan
Ryujin: oo nga eh sana sinaksak na lang aq
akala daw kasi ng kapatid niya galing daw yon kay juls🥵
Winter: HAJAHHASHSHAHA
Ryujin: wag k tumawa winter kumukulo dugo ko
MASYADO KA NA MASAKIT
laro na lang tayo
Winter: next time beh
Ryujin: gani2 ba kapag kabit lang😔
Winter: oo sensya na ha
Ryujin: GAGA KA HAJSHAHAHAHA
Tinatamad lang kasi ako minsan maglaro kasi pare-pareho lang naman yung nangyayari sa game. Babaril ka lang naman. Buti sana kung may bagong map yung BR at mawiwili ako maglaro.
Joke.
Ang demanding ko naman.
Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nung malaman namin yung kay Giselle at dahil alam na nga namin, hindi na rin nahihiya si babaita na magsabi sa amin na aalis daw siya kasama yung jowa niya tapos ang lagi nyang ipinapaalam ay kasama niya kami lalong lalo na si Ningning. Minsan na lang tuloy namin makita si Ningning dito sa barangay kasi nagtatago rin siya sa mama ni Giselle. Once kasi na makita siya, baka mabuking sila Giselle.
So much for being supportive. Charot.
Minsan naman, ako naman yung ipinapaalam ni Gi tapos kasama si Karina. Sabay silang pumupunta sa bahay at sinusundo ako. After namin mahatid si Giselle doon sa meeting place nila, umaalis rin kami ni baby to go on our own dates as well.
Nabalitaan ko pa noong isang araw na ininvite daw si Giselle nung family ni Lucas na kumain daw sa labas so kami yung ipinaalam niya na kasama niya sa mama niya noong umalis siya. Wala tuloy kami ni Karina maghapon kasi inabot rin ng ilang oras sila Giselle doon. Nagsorry pa siya kasi naabala niya pa kami pero okay lang naman yon sa amin.
At least nagkaroon rin kami ng girlfriend ko ng maghapon to spend time with each other.
Buti na lang ngayon at wala akong ibang pupuntahan. Nandito lang ako sa bahay kasama si Karina na nagtitimpla ng kape sa harapan ko.
Kanina pa siya nandito actually. Siya pa yung nanggising sa akin.
Usually kasi kapag tulog pa ako at pupuntang bayan sila mama para mamalengke, hindi na nila ako ginigising at sinasarado na lang nila yung mga pintuan dito sa bahay. Sumabay na rin siguro si ate Lisa sa kanila papunta sa office kasi wala na siya dito nang magising ako.
“Baby wake up,” I was greeted with kisses all over my face nang magising ako. Parang ang too good to be true naman nito. Si Karina ba talaga ‘tong nasa harapan ko?
“Are you awake na ba? Tita went out para daw mamalengke. She said you’re still sleeping so I came here.”
“Baby..?”
She had that radiant smile plastered on her face habang ako hindi pa masyado nagfa-function ang utak.
“Wake up na.”
Hinatak ko siya para tumabi sa akin mahiga.
“Antok pa ‘ko. Tulog muna tayo,” hinatak ko pa yung kamay niya payakap sa akin. Inayos rin naman niya yung pagkakahiga and I immediately relaxed in her hold. Mas lalo tuloy akong inantok ulit.
“We’ll get up in 30 minutes ah.”
“Hmm,” I nodded.
Hindi ko na namalayan na nakatulog ulit ako tapos nagising na lang akong may nakapulupot sa akin. Kinabahan pa ako nung una pero naalala ko na nandito nga pala si Karina kanina at siya yung katabi ko ngayon.
Hindi ko na napigilan yung paglabas ng malaking ngiti sa labi ko. Please lang kinikilig ako.
Dahan-dahan akong pumihit paharap sa kanya. Ang amo ng m
Comments