Chapter 15 - Pa-fall

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Ryujin:    ang pa-fall niya naiinis ako!!

 

Kanina ko pa ka-chikahan itong si Ryujin about doon sa crush niya. Ito dapat yung supposedly sasabihin niya raw sa 'min kanina pero hindi na natuloy dahil naglaro na kami ng dodgeball.

Nakaka-refresh rin pala sa pakiramdam yung paglalaro na ginawa namin. It made me reminisce yung mga memories ko noong bata pa ako na ang tangi ko lang pinoproblema ay yung sumasakit kong baby teeth na kalaunan ay ipinabunot namin sa dentista.

Ang yabang yabang ko pa noon kasi nagpabunot ako ng ngipin. Halos ipaglandakan ko pa sa mukha ng mga kapitbahay namin na bagong bunot ako. Achievement yan teh?

Tapos tuwing ina-acknowledge naman nila yon, I felt proud.

 

Winter:   ano ba nangyari?

Ryujin:   gagi kasi sinabi ko sa kanya pumunta ako sa inyo kanina

                   tapos win tingnan mo 'tong sinabi niya😩

 

                   Ryujin sent a photo.

 

lucy: san ka na

lucy: sana nakauwi ka na

 

Ryujin:   kilig aq teh

                   magmomove on na talaga ko

 

Tagal na rin pala nilang magkausap siguro mag 1 year na rin. Nagkakilala ata sila sa twitter kasi may fan account itong si Ryu about sa mga anime. Hindi ko lang sure kung ano tawag don kasi hindi naman ako mahilig sa anime. To keep the story short, internet friends sila.

Pero ang kaso lang, hindi pa rin nakakamove on sa ex niya yung crush ni Ryu.

 

Winter:    saan na ulit yan nakatira?

Ryujin:    manila beh

Winter:    ay layo nga stay strong na lang siguro

Ryujin:    ayos naman na sana pero bakit tinawag niya pa akong cute kanina!!

 

Muntikan na kong maduwal.

Cute daw.

Si Ryujin? Cute?

Seryoso ba?

Sumosobra na ata delusyon nito.

 

Ryujin:   shunga ka kahit hindi kita nakikita alam ko reaction mo

Winter:    cute amp

Ryujin:     kase nga nasanay kaming tawagin yung display name namin doon sa twt instead of real name

                      tapos kanina tinawag niya ko sa real name ko eh hindi ako sanay na tinatawag niya ako sa name ko😩🤚

                      kaya sabi ko ang weird

                      tapos sabi niya cute naman

                       AYOKO NA

 

Ang summary siguro ng gabing 'yon ay ang panonood ko kung paano mag-gay panic itong si Ryujin. Nag-aya pa siya maglaro after para daw makatulog na siya. Nasasanay na talaga siya dito sa 'coping mechanism' kuno niya kaya pati ako dinadamay niya gabi-gabi or rather any time of the day.

Sa totoo lang hindi talaga ako masyado naglalaro ng mga games kasi ang dali kong ma-bored pero ngayon parang panay-panay na paglalaro ko dahil dito kay Ryu. Hindi naman ako naiinis sa pagyayaya niya pero meron ring oras na wala ako sa mood pero nag-aya kasi siya kaya bilang isang mabuting friend, g ako sa rank up. Grabe malapit na nga kami mag-legendary kaka-grind namin sa BR nitong nakaraan. Yan ang tunay na achievement, chos.

Nabungaran ko kinabukasan sila mama na may kung anong ginagawa sa mga colored papers. Nautusan pa akong maggupit daw ng mga letters na may spelling ng name ng barangay namin. Hindi ko nga masyadong naintindihan si mama kasi ang gulo niya kausap. Busy rin siya sa paggawa ng ibang mga designs kaya agad ko na lang tinapos yung ginugupit ko.

Kumakain na ako ngayon sa hapag habang ginagamit ko phone ko. Naghahanap kasi ako ng pwedeng mapanood habang lumalamon. Para kasing may kulang kapag kumakain ako tapos wala akong pinapanood.

 

(Message Notifications)

1 message from Karina arrived!

 

(Sun, 8:05 A.M.) Karina:      good morning winter

                                                      have a great day ahead ;)

 

Automatic na yung ngiti ko don. Kaagad naman akong nagtype ng reply.

 

(Sun, 8:06 A.M.) Winter:      good morning rinn

                                                      kagigising mo lang rin ba?

(Sun, 8:06 A.M.) Karina:       yeah, 10 minutes ago i think?

                                                      i figured i should greet you first haha

                                                      kumain ka na?

 

Ito.

Ito na naman siya eh!

Pang-ilan na 'to sa span of two days?

Siguro 4 times?

Bakit?

Ano yung reason Karina?

Gusto mo rin ba ako? Chos!

Sinaway ko naman agad yung sarili ko sa pag-iisip ng ganon. Ito yung lagi kong sinasabi kay Ryujin. Wag assuming.

Pero mahirap naman kasi sundin yung advice na yon.

Siguro baka curious lang siya kung kumain na ako as a friend. Diba?

Duh. Alam kong cute ako pero si Karina magugustuhan ang cute na tulad ko? Siguro imposible. Hindi ko nga alam kung may interest rin siya sa mga babae. Hindi ko naman kasi natatanong kay Giselle yon.

Nakakahiya kaya magtanong.

Baka tuksuhin pa niya ako pag nalaman niyang gusto ko kaibigan niya. Knowing Giselle in our junior high days sa panunukso kay Ningning doon kay Justin, hay nako na lang.

And besides, happy crush lang naman 'to katulad ng mga crushes ko dati. Mawawala rin 'to anytime. Ganito ang positive thinking ala Winter.

Pero wala namang masama kung sasabihan ko siyang kumain na rin diba? Hihi.

 

(Sun, 8:09 A.M.) Winter:        kumakain ako rn kain ka na rin hehe

(Sun, 8:09 A.M.) Karina:        will do :)

 

 

 

 

 

 

 

"Ning ano yang pinapatugtog mo?"

Pagkapasok ko pa lang sa bahay nila Ningning rinig na rinig na yung tunog ng isang classical piece sa buong bahay.

Akala ko nga si Aling Marga yung nagpapatugtog kasi medyo mahilig siya sa mga ganong music pero ito palang si gaga ang may pakana.

Kailan pa nahilig si Ningning sa mga classical music?

"Bes hindi mo ba alam na ang way para mas makapag-focus tayo sa pagrereview ay ang mga classic songs?"

Tiningnan ko naman siya na parang tinubuan siya ng dalawang ulo. Kailan pa niya natutunan magreview?

"Hello guys!"

Sabay sabay na dumating sila Giselle, Ryujin, at Karina galing sa labas papunta rito sa loob ng bahay nila Ning at naabutan nila kaming nakatayo dito sa may sofa.

"Teh bakit ganyan yung sounds may lamay ba?" Tanong ni Ryujin.

"Bruha ka anong lamay pinagsasabi mo!"

Bukas na ang schedule namin ng entrance exams sa TEU kaya napagkasunduan naming lima na magkita para mag-group study. Hindi kasi kami familiar sa mga possible na questions bukas kaya mas mabuti nang ready kami at may stock knowledge kahit papano.

At ang bahay nila Ning ang pinaka-accessible para sa aming lima.

Syempre may tindahan sila kaya maraming pagkain hehe.

Wala akong dalang reviewer ngayon pero dinala ko pa rin yung mga dati kong libro nung high school para naman may maiambag ako kahit papano. Si Giselle daw ay may binili dati na reviewer ng CETs in case kailanganin niya. Yun na lang daw yung gamitin namin mamaya for the set of questions na sasagutan daw namin.

Sabay-sabay kami ngayon nakasalampak sa living room nila Ning kasi medyo masikip kung doon pa kami sa kwarto niya magkukumpulan. Wala rin naman kasi kadalasan sa loob ng bahay si Aling Marga kasi andoon siya sa may balcon tumatambay para na rin mabantayan agad kung mayroong tao sa tindahan. Kaya naman wala ring iistorbo sa 'min kundi mga sarili lang namin mismo.

Hindi ako masyadong academic oriented pero nakakayanan ko pa namang mairaos grades ko dati kahit nakakatamad talaga magreview. Ang co-competitive kasi ng mga dati kong kaklase kaya I became competitive rin myself. Wow. Chareng.

"Let's time ourselves while answering tapos after non ichecheck natin answers natin kung ilan makukuha nating score," sabi ni Giselle. Agad rin naman kaming pumayag. Okay lang naman sakin kung mababa ang score ko sa first try kasi irereview pa naman namin after kung ano yung mga mali namin.

We started after namin ma-ready yung mga pencils and paper for answer sheets. Grabe tinitingnan ko palang yung mga questions nahihilo na ako.

"You okay?" mahina akong siniko ni Karina nang mapansin niya yung pagkakabusangot ng mukha ko. Pwede ba wag na lang magreview?

"Pwede bang hindi na ako magreview pero mataas pa rin ang chance na makapasa ako sa exam?"

Tiningnan niya ako tapos umiling siya right after. Hayst, sino ba naman ako para pumasa kahit hindi nagrereview diba.

"Palibhasa kasi matalino ka," saad ko tapos medyo inurong ko papunta sakin yung

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2141 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
132 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
851 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭