Chapter 1 - Stalker

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"San ka pupunta?" Tanong sakin ni ate Lisa nang mapansin niyang dali-dali ako sa paglabas sa bahay. Busy pa siya sa kakatitig sa phone niya kaya di niya nakita yung biglang pagbabago ng itsura ng mukha ko. Bigla akong napasimangot.

"Bakit nung tinanong ko ba kung san ka pupunta kahapon, sinabi mo ba?"

Napatigil siya sa pagtatype ng kung ano sa cellphone niya. Panigurado kausap na naman niyan yung jowa niya. Lihim akong napangiti. Hindi alam ni ate Lisa na kilala ko kung sino jowa niya. Masikreto rin kasi yan eh pero nasilip kong nakabukas yung phone niya nung isang araw tas yung wallpaper, may magandang babae. In fairness, ganda ng taste niya. Approved sakin.

"Aba, hoy Winter hindi kita pinalaking ganyan!" Nanlalaki ang mata niyang sabi.

Tinalikuran ko na siya bago pa niya ako mahabol.

"Nye nye si mama kaya nagpalaki sakin!"

"Dadaan ka sa tindahan ni aling Marga diba bilhan mo nga ako ng royal!"

"Ayoko wala akong pera!"

 

 

 

Naglalakad na ako ngayon sa kalagitnaan ng kalsada. Wala rin naman kasing masyadong dumadaan na sasakyan dito kaya marami rin akong nakikitang mga naglalarong bata.

Haaay. Ka-miss talaga maging bata. Yung tipong kung sino lang yung magiging mother sa chinese garter ang pinoproblema. Kasi ngayon parang di ko na keri. Char.

Sa totoo lang, nagwoworry talaga ako. Incoming college freshmen na ako at yung mga desisyon ko sa buhay, walang definite na plan. Pero hindi naman ibig sabihin non na wala na akong plano.

Grabe bat bumigat bigla yung pakiramdam ko? Okay tama na muna ang pagwo-worry sa future kasi marami pa tayong time para dyan. Ang kailangan ko munang isipin ay ang mga mangyayari ngayong araw.

Walang kuryente ang buong bayan namin ngayon dahil sa scheduled power interruption. Kagigil. May bago kasi akong nadiscover na series kagabi tapos hindi ko naman mapanood kasi walang wifi. Papunta ako ngayon sa tindahan ni aling Marga para magpaload at para mapanood ko na ang oh so ever beloved kong series. Yes, andyan na yung hint. Ang ganda ng Our Beloved Summer!

Noong una talaga sabi ko sisilip lang ako sa episode 1 kasi nacu-curious ako sa mga shared posts ng mga FB friends ko tapos ngayon gusto ko nang panoorin buong season.

"Tao po!"

Napatingin ako sa gilid ko ng may bigla akong narinig na ungol. Ay mama ko! Bakit naman ganyan makatingin sakin yung aso?!

Jusko aling Marga bakit wala ka pa rin dito? Feel ko kapag sumigaw pa ako, bigla na lang akong sakmalin neto. Pero bago pa mangyari ang aking iniisip ay dumating na si Aling Marga.

"Ay naku Winter nandito ka pala hindi ka nagsasabi."

Luh kanina pa kaya ako nagtatawag. Ikaw po itong hindi ako naririnig. Bigla namang tumahol yung aso nang marinig niya yung boses ni Aling Marga.

"Bruno wag kang maingay si Winter lang yan!" Saway niya sa aso. Oo Bruno ako lang 'to.

"Bat ka pala nandito?" Obvious po ba? Malamang bibili.

"Magpapaload lang po sana ako."

"Ganun ba? Sige sandali lang. NINGNING!"

Hindi ako prepared dun. Hindi niya man lang ako sinabihan na sisigaw siya ng malakas sa harap ko. Napangiwi ako. Feel ko nasira yung eardrums ko.

"YES MOMSHIE?" Sigaw naman pabalik ni gaga. Mana talaga siya sa nanay niya.

"Andito si Winter load-an mo daw at may gagawin pa ako sa kusina," Umalis na si Aling Marga sa tindahan at saktong pag-entrada ng anak niya.

"Hi bes! Bakit ka nandito?"

Tiningnan ko lang siya. Hindi pa ba obvious? Mukhang hindi ata na-gets ni gaga yung mga tingin ko at nag-aabang pa rin ng sagot. Pasalamat siya kaibigan ko siya kasi kung hindi, baka iniwan ko na siya mag-isa sa tindahan nila.

"Magpapaload ako diba. Hindi mo ba narinig?"

"Hehe syempre oo. Gusto ko lang marinig boses mo," Nanlaki mga mata ko. Luh siya!

"Pag talaga sinabi mong crush mo ko pasensya ka na ha. Totropahin lang kita," Bigla namang napahawak sa dibdib si gaga at umakto pang parang aatakihin.

"Aray ha grabe ka mangreject, Winter!" Tinawanan ko lang siya.

 

 

 

"May plano ka na ba?"

"Oo tatapusin ko yung pinapanood kong kdrama."

Aray, hinampas ba naman ako. "Ano yan? Bakit hindi ka nagsasabi sakin na may bago kang pinapanood? Feel ko talaga hindi na ako ang bestfriend mo," Nag-inarte na naman itong magaling kong kaibigan.

Napadpad ako ngayon sa loob ng bahay nila after ko magpaload kanina. Itong si gaga kasi bigla akong nilabas tapos bigla na lang akong hinatak paloob ng bahay nila. Hindi na daw kasi kami masyado nagkikita simula nung start ng bakasyon. Nahiya naman ako sa gabi-gabi niyang pagvi-videocall sakin. Akala nga ng ate ko may jowa na ko kasi lagi daw akong may kausap tuwing gabi. Sinumbong ba naman ako kay mama. Kung hindi lang talaga ako mabait at syempre cute, given na yang pagiging cute sa pamilya namin, baka nabuking ko na yung secret jowa ni ate. May pasikreto pa kasi siyang nalalaman eh ang obvious-obvious ng ngiting aso niya tuwing nakaharap siya sa phone niya. Gigil niya ako.

 

Maybe it's the way you say my name

Maybe it's the way you play your game

But it's so good, I've never known anybody like you

But it's so good, I've never dreamed of nobody like you

 

Nandito ako ngayon nakahiga sa kwarto ni Ning habang lumipat si gaga at pumunta sa bintana para daw mag-moment. Nagpapatugtog rin kasi kami ngayon para naman magkaroon ng sound ang lugar. Ang tahimik rin kasi.

Akala ko malakas na yung sound ng music pero mali pala ako ng akala nang biglang tumili itong si Ning. "Hala bes magka-comeback na daw yung Red Velvet!" Kailan pa niya nahawakan ang phone niya?!

Titig na titig itong si gaga sa phone niya kaya naisipan kong lumapit at makichismis. So ayun nga, may comeback announcement na daw yung Red Velvet at hindi mapakali itong si gaga. Hindi ko siya madamayan. Ibang group kasi ang inii-stan ko. Sanaol na lang ako, wala pa rin kasing comeback ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2137 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
130 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
848 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭