Chapter 17 - Advice

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

In times of crisis kung saan nahihirapan na tayong maghanap ng tamang kasagutan, may alam akong isang paraan to get the answers. Sabi nga ni Susan Roces, wag tayo mahihiyang magtanong.

Kay Google.

Kahapon pa lang hindi na ako pinapatulog ng mga iniisip ko at sa mga nangyari sa araw na iyon. Tama nga si Ning, mataas ang chance about sa possibility na gusto rin ako ni Karina kasi maging si google ganon rin ang napapansin.

Dahil na rin sa important need naming mag-usap kahapon, dito na rin niya naisipang matulog. Okay lang naman kay mama na nandito si Ning kasi sanay naman na siya sa presence nitong kaibigan ko.

“Bes, first of all, hindi ko alam na matagal na palang may ganap sa inyong dalawa?”

Anong ganap na naman ang sinasabi nito eh wala naman kaming progress.

"Winter wag mo nga akong matingnan ng ganyan. Unang tanong ko palang sa kanya kahapon alam ko na agad."

"Ano nga?"

"Beshie!" Tumayo siya at lumipat sa study table ko para doon maupo. Naiwan naman akong nakaupo sa kama.

"Hindi mo ba napapansin na ang obvious ni Karina?"

At kinwento na nga niya kung ano yung mga napansin niya in her perspective.

Sign number 1.

Lagi daw nakatingin sa akin si Karina tuwing hindi ko siya nakikita.

Binigyan ko naman si Ning ng OA na reaction. Akala ko ba ako lang yung mahilig tumitig sa kanya? Totoo ba talaga 'tong sinasabi ni Ningning?

I never imagined Karina staring at me. Noong una naming kita parang ako pa ata yung madalas niyang nahuhuli na nakatitig sa kanya.

Okay, mali ako.

Napapansin ko nga rin yung mga pagtitig sa 'kin ni Karina dati.

Ngumisi si Ning, "Diba."

"Oo na. Eh ano naman kung tumitig siya sakin? Normal lang naman yon lalo na pag kinakausap ka ng isang tao."

"Bes yun na nga eh. Normally ang attention span ng isang tao ay hindi nagtatagal except kung interested ka talaga sa kanya. Hindi mo rin ba napansin yung itsura niya nung sinabi ko si Somi?"

Sign number 2.

Si Somi.

Umiling lang ako sa kanya.

"Pasalamat ka talaga may friend kang tulad ko," nagmaganda na naman si gaga. "Feel ko na-threaten siya that time pero mabilis lang niyang naitago. Medyo nag-iba rin yung expression niya lalo na nung tinutukso ka namin kay Somi."

"Ang tagal tagal na non tapos siya pa talaga naisipan mo?"

"Siya lang naman yung crush mo dati. Bakit? May naging crush ka pa ba?"

"Wala," sabi ko sabay iling. "So kung ikaw ang nasa pwesto ko at sinabi kong crush mo pa si Justin, okay lang sayo?" balik tanong ko.

"Kadiri ka!" hinampas niya ako.

"Diba. Gets mo na point ko?"

"Oo na!"

"Pero totoo bang si Somi yung nakita niyo?"

"Hindi hehe."

Sabi ko na eh. Duda rin akong si Somi yun.

Sign number 3.

"Si ateng accountancy?" tanong ko.

"Oo basta yung kausap mong girl habang nasa pila tayo papasok sa campus kahapon."

"Ano namang meron doon?"

"Winter sinasabi ko sayo need mo na talaga maging attentive sa paligid mo. Hindi mo ba napapansin yung mga pabulong-bulong ni Mareng Kars tuwing nag-uusap kayo ni ate unknown? Ako na yung nafufrustrate sa inyo jusko."

"And alam mo ba?"

Sign number 4.

"Sinasabi ko 'to on behalf naming tatlo nila Giselle. We care as a friend naman pero sinong friend yung ibibigay lahat ng pagkain niya sa isang tao kasi favorite niya ito?"

"Hindi ba pwedeng busog na siya?"

"Winter, that's a sign of care. Wala ka namang sinabing gusto mo pa and maski kami, hindi namin agad mapapansin yon unless sabihin mo ng malakas. It's a sign na she's being observant sayo and she cares about you."

Nasabi rin sa akin ni Ningning yung tungkol sa gift ko kay Karina noong birthday niya. Nabanggit at na-compare nga rin niya yung regalo ni Ryujin kay Ningning na keychain dati na nakastock lang daw sa bahay nila.

"Saan ba naman kasi magagamit yang keychain? Kung ako nga rin yung bibigyan ng ganon, hindi ko rin alam kung paano ko gagamitin," sabi ko.

"Hypothetical question lang. Kung binigyan ka ni Karina ng journal, susulatan mo ba yon?"

Saglit akong nag-isip. Yung mga journal na bigay sa akin dati, hindi ko nagagamit. Nakatago lang siya doon sa mga abubot ko. Hindi naman kasi ako mahilig magsulat sa mga ganon. Pero kung si Karina ang nagbigay, "Siguro?"

"Oh diba!" pumitik pa siya sa hangin.

"Malamang gagamitin niya yung bracelet kasi maganda naman talaga siya isuot, Ning," depensa ko.

"Hindi Win. Isinusuot niya yon kasi ikaw yung nagbigay."

Iisip pa sana ako ng ibang irerebat pero inunahan na ako ni gaga.

"Binigyan ko kaya siya ng panyo as a gift nung birthday niya pero ni-minsan hindi ko nakitang ginamit niya. Nakakatampo lang si Mareng Kars."

Tawang-tawa naman ako doon.

"Bakit naman kasi panyo binigay mo!"

"Hoy wag mo ngang minamaliit ang mga panyo. Napakahelpful kaya kapag meron kang ganon."

Lumipat na si Ning at nahiga na sa kabilang part ng kama.

"Oh ayan na bes sobrang dami ng signs. Ano pa bang gusto mo?"

"Baka naman sadyang ganun lang yung ugali ni Karina," sabi ko. May mga tao kasing natural lang sa kanila yung pagiging affectionate sa friends pero wala naman palang meaning yung ginagawa nila. As a friend lang talaga, no more, no less.

Tiningnan ako ni Ningning. Matagal lang siyang nakatingin sa akin kaya medyo nailang ako.

"Teh tutunganga na lang ba tayo dito?"

Hindi siya sumagot instead ay tumayo siya at lumapit sa’kin. Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ko na lang yung nakabukas na pic-a na dinala niya kanina galing sa tindahan.

Nakakailang subo na ako ng chichirya pero hindi pa rin siya natitigil sa pagtitig sa akin tapos bigla siyang ngumiti.

"Cute mo," pinunasan niya yung gilid ng labi ko kaya agad akong napaatras.

Luh siya!

"Gaga ang weird mo!"

Medyo nagcringe pa ako ng parang lalapitan niya ulit ako.

Kung panaginip lang 'to pwede ba gisingin niyo na ako. Anong nangyayari kay Ningning?

"Gusto mo pa ba?" kumuha siya ng isang piraso ng nova at akmang susubuan ako.

"Ningning tumigil ka nga hindi ka naman ganyan," tinulak ko pabalik sa kanya yung hawak niya. Kinain niya ito at lumayo na sa akin. Buti naman.

"Ayan Winter gets mo na ba?"

"Ha?"

Ginesture niya yung kamay niya, "Ito Winter! Isipin mo ha, friends mo rin kami nila Giselle at Ryujin, sa tingin mo ba ginagawa namin yung mga bagay na yon sayo?"

"Teh, kakasabi ko pa nga lang diba na baka ganon lang talaga ugali niya around other people."

"Hindi Winter," umiling siya. "Hindi naman ganon si Karina sa amin. Maski kay Giselle na close friend niya, hindi ko nakikita na ginagawa niya yung ginagawa niya sayo," sabi niya in finality.

"Edi sana sinabi mo na lang nung una pa!" reklamo ko. Hindi yung kinilabutan pa ako sa mga pinaggagawa niya kanina.

"Matagal ko na ring gustong gawin yon sayo eh," humagikgik pa siya kaya hinampas ko siya.

Siguro nga napakadense ko talaga pagdating sa ganito. First time ko lang kasi maka-experience ng ganitong feelings kung saan possible na ika-crushback rin ako ng crush ko. Masyado akong nasanay na ako lang yung nagkakagusto at never nare-reciprocate.

“Kung ganon nga, anong gagawin ko Ning?”

She looked at me incredulously, “Tinatanong pa ba yan? Obviously papasok na tayo doon sa aminan part.”

Ha?

Aminan?

Aamin ako?

“Oo. Pero tanong ko lang ha, gusto mo ba talaga si Karina?”

Agad naman akong tumango. Syempre naman.

“Sige isa pang tanong. If ever umamin ka at nagreciprocate rin si Karina, anong gagawin mo Winter?”

Hindi ako nagsalita. Maging si Ning ay inaantay lang rin ang sagot ko.

Dahan-dahan akong nagsalita. “Wala akong gagawin?” unsure kong sagot.
 

Para namang nakakita ng multo si Ning sa narinig niya. “Anong wala?!”

“Wala…as in wala?”

“Winter gusto mo ba talaga si Karina?”

“Oo.”

Tumigil si Ning at mataman akong tiningnan. “Winter…” seryoso niyang sabi. “Gusto mo ba si Karina in a way na gusto mo siyang jowain or the other way around?”

 

 

 

 

 

 

Lagi na lang nag-iisa, hanggang kailan ba 'ko gan'to?

Hanggang kailan?

Tila parang sinasadya ni Bathala ang aking sitwasyon

Aking kwinekuwestiyon ang mundo

 

Mahilig ako makinig sa music.

I like to explore different genres until may magustuhan akong bet ko. Recently nadiscover ko yung ibang mga opm artists and it was such a good experience for me kasi mas lumawak na naman yung mga alam kong music lalo na sa mga Filipino artists. Ang alam ko lang kasing mga artists dati ay sila Moira and other Filipino bands. I didn’t know na marami pa palang mga underrated musicians.

I discovered Adie noong hindi pa siya masyadong sikat and I immediately fell in love with his songs until now kahit hindi ako nakakarelate kasi more on love songs siya. Until he released a song na talagang super relate ang mga single na katulad ko.

 

Panalangin ko, sana'y dinggin

Sawa na, sawa na akong mag-isa

 

Sawa na.

Sawa na akong mag-isa.

Ayun ‘yon eh.

Lagi akong nag-iimagine ng mga fake scenarios sa utak ko everytime may naririnig akong song na nakakatrigger ng kilig hormones ko. Minsan iniimagine ko rin what it’s like kung magkakajowa man ako. Wala naman kasing masama sa pag-iimagine. Masama na bang gusto ko lang pasayahin ang sarili ko kahit sa imagination lang? Chos!

Hindi naman sa jowang-jowa ako pero I always wonder what it’s like kung meron akong someone. Ang taray. Someone.

Pero hanggang doon na lang yon.

Ngayon na fe

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2140 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
132 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
851 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭