Chapter 36 - Small World

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

"Winter!!" malakas na tawag ni Ryujin pagkakita niya sa akin.

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang umamin si Ryujin sa crush niya. Wala pa siyang kinekwento sa amin sa loob ng dalawang araw na 'yon.

Akala ko nga nagmumukmok siya pero parang hindi naman based sa itsura niya ngayon.

Nandito si Ryujin sa bahay. Hindi ko nga inexpect na pupunta siya kasi hindi naman siya nagpaalam in the first place. Okay lang naman yun sa'kin. Nakakagulat lang talaga yung bigla niyang pagsigaw. Akala ko pa nung una, si Ningning yung sumisigaw kasi ganon kalakas yung boses ni gaga kapag nagtatawag siya sa labas ng bahay.

Pagkapasok ni bruha sa loob, pumunta agad siya sa ref tapos kumuha doon ng kisses.

Pansin ko nga na tuwing pumupunta siya rito, yung chocolate agad una niyang pinupuntahan.

"Win pasabi na lang sa ate mo, thank you," sabi niya habang binubuksan yung isang kisses.

Nagtataka ko lang siyang pinagmasdan habang kumukuha ulit ng isa pang piece sa ref, “Hindi ka nga nagpaalam sa kanya.”

“Ate Lisa pahingi ng kisses!” sigaw niya na sure akong rinig na sa buong bahay.

“Ryu wala si ate dito ngayon.”

“Ah ganon?” she shrugged.

“Ano pinunta mo dito?”

“Wala naman, gusto mo laro tayo ng COD?”

Luh.

Yon lang ba talaga pinunta niya dito?

“Tara na,” Nauna na siyang umakyat papunta sa kwarto ko. “Hi Mareng Kars!”

“Hi Ryu,” binaba ni Karina yung phone niya nang mapansin niyang kasama ko pagbalik si Ryujin.

Suspicious naman kaming tiningnan ni Ryujin after ko masara yung pinto.

“Wag niyo sabihing may ginagawa kayo kanina?”

“Oo meron,” kaswal kong sagot tapos bigla siyang nagtakip ng bibig. Ayan nabatukan ko tuloy. “Bruha hindi kasi yon shuta ka!”

Lumayo na sa akin si Ryujin para hindi ko na siya mahampas ulit. “Grabe ka naman tinatanong ko lang naman kayo kung may ginagawa kayo like nanonood ng movie diba Karina?” Humingi pa talaga siya ng backup dito sa jowa ko.

Nangingiti lang naman si Karina sa aming dalawa, "Yep, we’re watching stranger things.”

Hindi pa rin kasi namin tapos yung season 4.

“Ay oo nabalitaan ko malapit nang lumabas yung volume 2 ng season 4 niyan.” Sabi nga nila sa July 1 daw release non.

“Pinapanood mo ba yan Ryu? Maganda, recommended,” nagthumbs up pa ko.

Ngumiwi siya, “Baka naman maganda lang kasi may kasama ka manood.”

I placed my hand on my chin, “Hmm siguro isa na rin yong factor.”

Dramatic siyang umatras tapos pinagkrus yung dalawang braso niya, “Lumayo kayo sa’kin!”

Inirapan ko siya, “Pansin ka talaga.”

Nakiupo na rin si Ryujin doon sa may kama kaya lumapit na rin ako at naupo katabi nila.

“Karina sensya na ha, makikikabit muna ako kay Winter ngayon,” sabi niya tapos kinuha niya yung phone niya. “ muna tayo,” dagdag niya pa.

Muntik na akong masamid sa sarili kong laway at mabilis na binalingan si Ryujin, “Gago ka!”

“Hoy teh wag ka magmumura nandito si tita,” saway niya sa akin tapos inangat niya yung phone niya. “Bonding sesh kasi nating tatlo ano ba kayo. Karina naglalaro ka ba ng cod?”

“Cod..?”

“Call of duty, yung nilalaro namin nila Winter. Naglalaro rin ng ganon si Giselle eh.”

“Hindi eh,” sagot naman ni Karina.

“Weh? Masaya yung game gusto mo laro tayo? Install mo yung game,” yaya niya tapos inabot ni Ryu yung phone niya sa akin. Nagtataka ko naman ‘yong tiningnan.

“Ano gagawin ko dyan?”

“Pa-connect sa wifi.”

Kinuha ko naman yon tapos tinype ko na agad yung password. In no time, connected na agad si Ryujin.

Bumaba muna ako saglit para kumuha ng pagkain dahil hindi pa tapos magdownload yung game sa phone ni Karina. Ang laki rin naman kasi ng storage na tinitake ng game na yon. Yung akin nga, lagpas 10GB na. Mas malaki pa siya kaysa sa mga pictures na naka-save sa gallery ko.

Mukhang interested rin naman si Karina na maglaro kasi pumayag agad siya sa pag-aaya ni Ryujin. She asked pa nga kung ano yung mga dapat at hindi dapat gawin sa game tapos ang sagot lang naman ni Ryujin ay bumaril lang daw siya. Napakahelpful talaga.

May binili kasing ice cream sila mama noong isang araw kaya ayon na lang yung dinala ko pagbalik plus yung ibang snacks na binili ko dati sa grocery.

“Grabe nakaka-touch naman yung pa-ice cream mo Winter. Appreciated ko siya,” sabi ni bruha pagkakita niya ng mga dala ko.

“Nahiya naman kasi ako sayo eh,” pabalang kong sabi.

“Sorry na kasi!”

“Installed na siya Ryu,” iniharap ni Karina yung phone niya kay Ryujin.

“Open mo, meron pa yang additional download resources.”

“Meron pa?”

Natawa naman ako. “Oo babe siguro aabot pa yan ng 1GB.”

“Really?” gulat niyang sabi. Tumango ako, “Oo, wala ka na bang space?”

“Hindi naman. I didn’t know these kind of games takes up lots of space.”

“Hindi ka ba naglalaro ng mga ganyang games, Karina?”

Umiling siya, “No, I only play gardenscapes.”

“Ano yon?”

“It’s like Candy Crush but a much better version.”

“Naalala ko tuloy yung nanay ko ang taas na ng level sa candy crush. Halos 6 years na rin niyang nilalaro yon,” natatawang sabi ni Ryujin tapos interested naman siyang tiningnan ni jowa.

“What level is she? I think I already reached the highest level na nga sa gardenscapes.”

“Bakit anong level ka na ba?”

“From what I remember, I have already reached level ten thousand,” she answered nonchalantly like it’s the most normal thing in the world.

Gulat kaming dalawa ni Ryujin na tiningnan siya.

“Seryoso ka ba?!”

Hindi ko alam na mahilig si Karina maglaro ng mobile games. Nakakalula ‘tong new information na nalaman ko. Ang dedicated naman niya.

“Grabe ka naman natalo mo pa yung nanay ko! Yung candy crush niya asa level 4000 pa lang ata.”

Proud na ngumiti si Karina, “Yeah, ako lang ‘to.”

Nagtuloy-tuloy lang yung usap namin tungkol doon sa gardenscapes tapos sinearch pa ni Ryujin kung ano na yung highest level na meron sa game na yon tapos nalula na naman kami sa new information na nalaman dahil feeling namin, isa na ang jowa ko sa mga highest ranked players sa game na yon. Natigil lang yon nang magload na succesfully yung COD sa phone ni Karina.

“What should we do na?”

“Laro na tayo!”

 

 

 

 

 

“Ryujin nasaan ka?” tanong ko. Meron akong nakitang nag-land na arsenal malapit sa pwesto ko.

“Duh, tingnan mo yung map,” sagot ni bruha. Tinatanong ko lang naman kung nasaan tapos sasabihan akong tingnan yung map. Inirapan ko siya. Bahala sila dyan, basta ako pupunta ako doon sa arsenal.

After a while, tiningnan ko na rin yung map katulad ng sinabi ni Ryujin tapos nakita kong magkasama sila doon n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2141 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
133 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
852 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭