Chapter 33 - Encounter

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Ningning:      hoy teh gala daw tayo

Winter:           san punta

Ningning:      sa school natin

Winter:            anong school?

 

Nalilito na ako sa mga school. Yung school ba na balak naming pasukan or yung school kung saan kami grumaduate?

 

Ningning:         edi yung alumni natin ano pa ba

                               balak ata mag-apply nila ryujin at giselle doon for college

                               open pa rin kasi sila for enrollment kasi magchechange na rin sila ng academic year

Winter:               akala ko doon na rin sila sa TEU mag-aaral kasi nakapasa sila

Ningning:          ewan ko lang rin kasi medyo uncertain si ryujin na mag-engineer

                                yung kay giselle naman, mas malapit kasi ang alumni natin kaysa sa TEU diba kaya doon siya

                               diba sinabi na niya dati na yun naman talaga yung dahilan kaya bumalik sila dito sa barangay natin dahil mas malapit sa school na papasukan niya

                                hindi sinabi ni babaita na babalik lang rin pala siya sa school natin, nagtransfer transfer pa siya nung senior year🙄

Winter:                GAGA HAHAHAHAHHJAHSA

                                 kung mag-aapply sila giselle doon, mag-aapply ka rin ba?

Ningning:           gusto mo ba? tara!

                                 kahit wala yung gusto nating course sa school na yon g ako para may back-up

Winter:                 waw ha nakapasa ka na nga sa TEU

Ningning:           malay mo maging interested ako sa ibang course tapos hindi na ako mag-archi😌

Winter:                 sige sama ako, pasend nga ng requirements para alam ko dadalhin ko

Ningning:          Ningning sent a photo.

                                 ayan bes

                                 sabihan mo na rin si mareng kars baka gusto niya rin magback up

 

Ni-ready ko na agad yung mga requirements na sinend ni Ningning sa akin. Sinabihan ko na rin si Karina tungkol doon at sabi nga niya ay balak daw talaga mag-apply ni Giselle. Sigurado naman ako na makakapasa si Giselle doon. Nakapasa na nga siya dati nung nagstart kami mag-junior high, ngayon pa kaya na college na.

“Ma aalis pala ako.”

Nakabihis na ako nang lumapit ako sa nanay ko para magpaalam.

“Ano yang mga dala mo?” Tiningnan ni mama yung envelop na hawak ko. Nandoon kasi yung mga requirements na need ipasa sa school.

“Mag-aapply kami nila Ning doon sa school namin.”

“Dyan sa Sta. Maria?”

“Oo ma.”

Nagtaas siya ng kilay, “Akala ko ba ayaw mo na doon mag-aral?”

Ay grabe naalala pa pala ni mudra ‘yon. Sa six years ko ba namang nilagi sa school na ‘yon, gusto ko na rin kasi ng change of environment at saka yung courses kasi na ino-offer doon sa school namin ay limited lang at focused ang karamihan sa agriculture kaya sa ibang university ako nag-apply dati.

Nagtataka siguro si mama kung bakit gusto kong mag-apply doon ngayon.

“Forda back up, ma,” sagot ko.

“Ha?”

Natawa ako, “Back up lang ma if ever.”

“Nakapasa ka na nga sa TEU.” Ibinalik rin ni mudra yung sinabi ko kay Ning kanina.

Sige sabihin ko rin yung sagot ni Ning. “Baka kasi maging interested rin ako sa ibang course ma at hindi lang architecture diba.”

Tumango siya, “Sige bahala ka, ingat kayo.”

“Sige ma,” naglakad na ako palapit sa pintuan.

“Kasama mo ba si Karina?” pahabol na tanong ni mama.

“Opo, bakit?”

Umiling siya, “Wala naman. Mabuti kung ganon.”

Tumalikod na si mama at bumalik na siya sa ginagawa niya. Tinuloy ko na rin yung paglalakad ko palabas ng bahay.

Patalon-talon pa ako habang naglalakad papunta kila Gi. Doon kasi yung meeting place namin.

“Saya mo bes ah,” puna ni Ning. Nandoon na kasi siya nang makarating ako.

Pinigilan ko yung ngiti ko, “Ano naman kung masaya ako?”

“Wala lang. Sinasabi ko lang yung obvious duh,” irap niya.

“Saan na si Ryujin?” Tanong ni Giselle.

Kumpleto na pala kami dito. Nilapitan ko naman agad si Karina.

She smiled when she saw me, “You look happy.”

“Pansin mo rin?”

“It’s obvious, babe.”

“Hehe, okay,” inabot ko yung kamay niya.

Lumapit siya sa may tainga ko para bumulong, “You won’t tell me why you’re happy?”

“Babe!” I blurted. Nakiliti ako doon kaya napalayo ako agad sa kanya. Napalakas ata yung pagkakasabi ko kasi nagtinginan ‘tong mga shunga sa amin.

“Umagang kay landi,” comment ni Ningning kaya sinamaan ko siya ng tingin. Patawa-tawa lang naman si Karina sa tabi ko.

“Kanina pa kayo?” Dumating na si Ryujin na may kasamang isang babae. Pinsan niya ata yon.

“Hello Heejin!” bati ni Ning.

“Hello,” ngumiti rin siya sa amin.

“Kasama ko yung pinsan ko ah mag-aapply rin kasi siya doon.”

“Sige okay lang. Tara na ba?”

 

 

 

 

 

“Anong ilalagay nating course bes? Pakopya nga ako,” sinilip ni Ningning yung application form ko.

Nandito na kami ngayon sa dati naming school at nagsasagot ng application forms. Sa totoo lang hindi ko rin talaga alam kung anong ilalagay kong course dito.

Magkatabi sila Ryujin, Giselle at Heejin na nagsasagot doon sa kabilang lamesa samantalang kaming tatlo nila Karina at Ningning ang magkakatabi ngayon. Sumama na rin si Karina na mag-apply din katulad namin just in case rin daw. Pare-pareho talaga kami ng reason eh.

Nakaopen yung phone ni Ningning at nagse-search kami ngayon sa internet tungkol sa mga courses na ino-offer ng school tapos saka kami pipili ng ilalagay. Halatang on the spot na on the spot lang ang peg naming tatlo dito.

"Alam niyo ba.." sumenyas si Ning sa amin ni Karina na mas lumapit sa kanya. May nasagap na naman siguro siyang chismis.

"Sasama sana si Lucas sa atin ngayon dito."

Kunot noo ko siyang tiningnan. Kung sasama siya, bakit wala siya dito?

"Where is he though?"

"Yun nga eh, mukhang hindi natin siya mami-meet kasi nandito naman si Heejin."

Mukhang hindi pa rin pala pwedeng malaman ng iba naming kakilala na may jowa na itong si Giselle.

“Kaninang umaga, nasabi sa akin ni Giselle na sinabi niya na wag nang sumama si Lucas. Sayang nga kasi naglo-look forward rin sana ako.”

I can’t help but agree. Oo nga ako rin gusto ko rin sana siyang ma-meet namin in person. Pero sure naman akong meron pa yang next time. Mas maganda kung magpaplano na lang kami para wala nang problema.

Approachable naman kasi si Lucas. I think he also wants to be close sa amin— Giselle’s friends. Feel ko nga kung sakali mang may problems ang isa sa amin, he’s more than willing to help. Siguro dahil na rin mas matanda siya sa amin, mas mature na siyang mag-isip at magtimbang ng mga bagay-bagay.

I’m glad na matinong tao yung naging boyfriend nitong si Gi. Kung nakuha nga niya yung loob namin, I’m sure kapag ipinakilala na siya ni Gi sa parents niya, they will like him too.

“Bes malapit na atang matapos magfillout sila Ryu, ano ilalagay nating course?”

Wala pa rin kasi kaming nasusulat hanggang ngayon.

Tiningnan ko yung papel ni Karina.

“Karina anong nilagay mo?” nakisilip rin si Ning pero wala rin siyang nakita. “Gusto mo pare-pareho na lang tayo ng ilagay na course?” suggest pa niya and we all agreed.

Matagal nang sumasagi sa isip ko yung isang subject namin dati nung grade 12.

“Diba may entrep tayong subject dati? What if related na lang doon yung applyan natin?” suggest ko. Parang interesting rin kasi siya na pag-aralan tapos about business pa.

“Oo nga doon na lang tayo sa College of Business and Management tapos totohanin natin yung business proposal na ginawa natin dati,” pag-aalala ni Ning sa last requirement namin dati for that subject. Naalala ko pa yung isang ka-grupo naming hindi tumulong sa paggawa non, chos.

Tumango ako, “Pwede pwede.”

“Anong say mo doon Karina?”

Medyo kumunot yung noo niya pero tumango rin siya afterwards. “I think okay lang naman siya.”

Natawa ako, “Grabehan naman tayo sa pagpili ng course. On the spot talaga.”

“Okay na yun!” sabi naman ni Ning natatawa din sa pinaggagawa namin. Ano ba ‘to.

Tinanggal ko na yung cap ng ballpen na hawak ko at nagstart nang magsulat sa first choice course.

“Business ad ba tayo or entrep?”

“Business ad na lang kaya?”

“Sige.”

“Bachelor of Science in Business Administration…anong major natin?” tanong ko. May tatlo kasing major doon. “Financial Management, Human Resource Development Management, or Marketing Management? Saan dyan?”

“What if we major in financial management?” suggest ni Karina.

Naalala ko yung nabasa ko dati sa internet, “Sabi nila mahirap daw yung finance.”

“Ay talaga ba?”

“Oo, hindi mo ba nakikita yung my day ng ibang ABM nating schoolmates dati?”

“Nakagraduate naman sila bes, I think na-survive nila yon,” sabi ni Ning kaya mahina ko siyang hinampas. “Gaga hahaha.”

“I think lahat naman ng courses mahirap. It just depends kung gaano tayo kasipag mag-aral,” sang-ayon ng jowa ko.

“Sabagay..”

“So ano? Financial Management na ba? Yun na ah isusulat ko na at saka maganda siguro kapag naghahawak ka ng pera,” nag-gesture pa si Ning na nagbibilang siya ng pera.

“Oo tapos makikita na lang natin si Ningning na hinahanap na ng mga pulis kasi tinakbo na niya yung pera,” gatong ni Ryujin. Nakikinig rin pala sila sa amin.

“Pansin ka talaga Ryujin.”

Sinulat na namin yung course sa first choice.

Dalawa kasi yung pwedeng ilagay na course kaya for the go na kami sa second choice.

“So anong second choice natin?”

“What if mag-Vet Med tayo?” suggest ko ulit.

Mukhang wala naman silang tutol sa akin kasi sumang-ayon agad sila tapos sinulat na rin agad namin yon sa form.

“Tapos na ba tayo?”

“Parang...”

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2142 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
133 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
852 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭